You are on page 1of 1

LIMAY POLYTECHNIC COLLEGE

National Road, Brgy. Reformista, Limay, Bataan 2103


Philippines E-mail Address: lipoco1997@gmail.com
Tel. No. 0912-7609628

KULTURANG POPULAR
(SPEC 13) MIDTERM –
PAGSUSURI SAGUTANG
PANGALAN: Jonalyn B. Rarugal PAPEL
KURSO AT SEKSYON: BSED 3-FIL

PANUTO: Basahing mabuti ang akda na may pamagat na “Kung Paano Mauubos ang mga Pulubi sa
Pilipinas.” Sagutin ang mga tanong nasa ibaba bilang aplikasyon sa binasang aralin sa E-Module 1 –
Babasahing Pangmasa.

MGA TANONG:

1. Patungkol saan ang binasang akda?


2. Ano-ano mga pangyayaring binanggit sa akda ang may kaugnayan sa totoong buhay?
3. Ano-ano ang mga ginamit ng paraan ng may-akda sa kanyang pagsulat upang maging
makatotohanan, may talab at madaling maunawaan?
4. Akma ba ang estilo ng manunulat upang tangkilikin ng mga mambabasa sa panahon
ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

MGA SAGOT:

1. Ito ay patungkol sa Kung Paano Mauubos ang Pulubi sa Pinas.


2. Ang mga pangyayaring may kaunayan sa totong buhay na nakapaloob sa akda ay ang mga
pulubing namamalimos sa kalsada na umaga, tanghali, at gabi o di kaya ay madaling araw na
ay talagang makikita sila sa kalsada. At higit sa lahat na may kaugnayan sa totoong buhay ay
ang mga ginagawa ng mga nasasakupan ng gobyerno na todo kong magmalasakit sa mga
pulubi sa tuwing sila ay nangangampanya, nakapagbibitaw ng mga mabulaklak na salita sa
mga taong hikahos sa buhay pero kapag sila na ang nanalo o naluklok sa upuan lahat ng
kanilang sinabi noong sila ay nangangampanya ito ay mga mapapako lamang at akala mo
kong sino ng nawawalang bula sa pangyayari. Hindi na mapagtutuunan ng pansin ang mga
pulubing binigyan ng salita.
3. Ito ay inugnay sa totoong buhay na talagang nararanasan ng ibang tao, tulad na nga lang mga
pulubi sa lansangan, ang bulok na gawain ng gobyerno sa tuwing sasapit ang eleksyon, dito
ay napupukaw ang kaisipan ng mambabasa na talagang makikita nila sa totoong buhay.
4. Para sa akin oo, ito ay akmang akma sa panahon natin ngayon. Talagang maraming
naghihirap isa na nga roon ang mga pulubi na nasa lansangan at tunay na nakikita natin sa
totoong buhay. Isa pa ang mga gawain ng gobyerno na nakakasakop sa isang lalawigan na
puno ng mga pulubi sa lansangan. Ang mga aksyon na nakikita ng karamihan sa bawat sulok
ng lansangan. Kaya naman hindi maipagkakaila na ito ay akma sa panahon natin ngayon,
maraming magiging interesado sa gawa ng manunulat na ito dahil ito ay inakma nya sa
totoong pangyayari sa nagaganap sa atin ngayon.

You might also like