You are on page 1of 4
ST PAULS MEDIA pastoral ministr ‘\AMBUHAY Taon 34 Big. 7 SUNDAY # TV MARIA + LIVE DAILY WORKERS’ MASS ONLINE _# 6:15am Pee 1ka-20 Lingo sa Karaniwang Panahon (A) — Luntian 8:30AM * 7.00PM Irons Cnn Agosto 16,2020 a“ Porsree anak ni David, maawa ka sa akin!" sigaw ng babaeng taga-Canaan kay Hesus. Maaaring sabihin na ito rin ang naging sigaw natin nang tumama sa bansa ang pandemiyang nagdulot ng takot sa buong mundo. Kahalintulad ng narasanan ng babae sa banghelyo sa Linggong ito, tila ating din ang pawang kawalan ng tugon ng Panginoon sa ating panalanging iadya tayo a sakuna Sa Ebanghelyo, hinamak ng ginang ang lahat dahil sa labis na pagmamahal sa kanyang anak. Hindi niya alintana ang mistulang hindi pagpansin sa kanya ni Hesus o inisip ang hiyang kanyangaabutin, Bagkus, mas lalo pa niyang pinaigting ang kanyang pananampalataya na pagagalingin ni Hesus ang kanyang anak, Hindi siya natinag, lalo pa niyang hinigpitan ang kanyang lumuhod at taos pananalig, pusong na eleison! “Ginoo, tulungan mo ako!” Sa ating pinagdaraanan ngayong taon, maaaring maihalintulad natin ang ating nang na ito; mataimtim na nagmamakaawa’t nagdarasal ngunit parang hindi naman pinapansin, Ang hindi pagtugon ng Diyos sa ating mga hinaing ay tila ba nagsasabing wala siyang pakialam sa atin. Ngunit hinahamon tayo ng Ebanghelyo na mas lalo pa nating higpitan ang ating pananalig at mas lalong palalimin ang ating pananampalataya na lahat ng mga pagsubok na ating dinaranas ay lilipas din Kahit mistulang walang imik ang Diyos sa panahong taimtim tayong nagdarasal, tutup pa rin niya ang kahilingang ating hinihiling. Ayon kay San Agustin, hindi nagwalang-imik si Hesus sa pagmamakaawa ng babae, Hindi niya ipinagkakait ang kanyang awa at kagalingan sa mga nanghihingi. Pinalalalim lamang niya ang pagnananais sa kanya, at hinihikayat na manatiling bukas sa kanyang kalooban kahit sa gitna ng mga pagsubok. Sabi ng pilosopang si Soren Kierkegaard: ang tungkulin ng nga ett Cee 2, Eleison! PA BINOON, MAAWA KA panalangin ay ang panibaguhin ang katangian ng nagdlarasal at hindi para impluwensiyahan Diyos upang ibigay ang 1g mga nais. Ang layunin ng, panalangin ay ang mapatibay ang ating pagtitiwala at pananampalataya. Pagmamakaawa, pag t pananampalataya, Ito ang mga bagay na dapat nating alalahanin sa bawat pagsubok na ating pinagdaraanan. Tunay nga ang kasabihan na isang matinding pagsubok sa buhay ang siyang magpapatunay ng iyong pananampalataya. maaaring maging sahi upang lalong tumibay 0 kaya’y humantong sa pagkadurog Nawa’y maging katulad tayo ng ginang sa Ebanghelyo na hindi nawalan ng pananalig sa kanyang paghiling at ala, pagmamakaawa kay Hesus, bagkus lalong lumalim ang pagtitiwala, pananampalataya at pagmamahal sa Panginoon Kyrie, eleison! —Jerome Augustine P Ypulong, SSP Pr far SUEY Antipona sa Pagpasok {Slm 84:9-10] (Basan kag walang pamburged naa) Hari namin ay basbasan ‘pagkat siya’y "yong hinirang. Kahit isang araw lamang kapag nasa iyong bahay daig ang sanlibong araw. Pagbati (Gaus dito ang tanda ng krus) P - Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat B- At sumaiyo rin, Paunang Salita (Maaaring basahin ito o isang katelad na pahayag) P - Ang matibay na pananalig kay Hesus ang sagat sa ating paghihirap at pagdadalamhati. Ganito ang naging karanasan ng babaeng taga-Cananea, nagtiwala at nanalig siyang pagagalingin ni Hesus ang kanyang anak na sinapian, Sa Eukaristiyang ito, ipana langin nating tayo’y lumago sa ganitonguri ng pananampalataya. Makintal nawa sa ating puso’t isipan na si Hesus ang siyang lunas sa lahat ng ating mga karamdaman, Matuto rin nawa tayong dumulog sa kanya nang may kapakumbabaan at may panatag na kalooban. Pags P - Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang layo'y maging marapat sa pagdi- rivwang ng banal na paghahaing nagdudulot ng kapatawaran ng, Maykapal. (Twamahimih) P - Panginoon, kami'y nagkasala sa iyo. B — Panginoon, kaawaan mo kami. P - Kayanaman, Panginoon, ipakita mona ang pag ibig mong wagas. B - Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas. P- Kaawaan tayo ng makapang- yarihang Diyos, patawarin tayo sa atingmga kasalanan, at patnubayan tayosa buhay na walang hanggan. B-Amen. P--Panginoon, kaawaan mo kami. B-- Panginoon, kaawaan mo kami. P- Kristo, kaawaan mo kami, B.- Kristo, kaawaan mo kami. P--Panginoon, kaawaan mo kami. B- Panginoon, kaawaan mo kami. Gloria Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ngAma. kaw na nag-aalis ng mga asalanan ng sanlibutan, maawva ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan tanggapin mo ang aming lingan haw na naluluktok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin, Sapagkat ikaw lamang ang hanal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, © Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. Pambungad na Panalangin P- Manalangin tayo. (Tranahionik) Ama naming makapangya- rihan, lingid sa aming paningin ang mga inihanda mo para sa mga nagmamahal sa iyo Padaluyin mo sa amin ang agos ng iyong pag-ibig upang sa pagmamahal namin sa iyo nang higit makamtan namin ang iyong mga pangakong di malitip na hindi pa sumasagi sa isip namin o panaginip. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B- Amen. VEY US TTT Unang Pagbasa [Is 56:1, 6-71 (Umupe) Inihahayag ni Isaias ang pana: hon kung kailan titipunin og Diyos ang fahat sa kanyang piling, kabilang ang mga dayuhan at mga Hentil, Paghasa mula sa aklat ni propeta Isaias. ANG SABI ng Panginioon sa kan- yang bayan: “Ayon sa katarungan at laging matuwid ang inyong gagawin, ang pagliligtas ko'y dina magluluwat, ito ay darating, ito’y mahahayag sa inyong paningin.” Ito naman ang sabi ng Panginoon sa mga dating dayuhan na ngayo’y kabilang sa kanyang bayan, buong pusong naglilingkod sa kanya, nangingilin sa Araw ng, Pamamahinga; at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan “Dadalhin ko kayo sa Sion, sa aking banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo Tatanggapin ko ang inyeng mga handog, at ang Templo ko'y tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.” Ang Salita ng Diyos. B - Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (Sim 66) T - Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao. sr mca. parco, fsp 1, © Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,/ kami Panginoo’y iyong kaawaan,/ upang sa daigdig mabatid ng lahat/ ang yong kalooban at ang paglligtas. (1) 2, Nawa'y purihin ka ng mga nilikha,/ pagkat matuwid kang humatol sa madla;/ ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa, (1) 3. Purihin ka nawa ng lahat ng tao,/ purihin ka nila sa lahat ng dako,/Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,/ nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa. «1) Tkalawang Pagbasa (Rom 11:13:15, 29:32) Para kay San Pablo, ang habag na ipinaabot ng Diyos sa mga Hentil ay siya ring habag na tatanggapin ng bayang. Israel. Paghasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma MGA KAPATID, ito naman ang sasabihin ko sa inyo, mga Hentil, Yamang ako'y apostal ninyo, pinangangatawanan ko ang aking ministeryo upang mangimbule ang mga kababayan ko, at sa gayo'y maligtas ang ilan sa kanila Kung naging daan ng pakikipag- kasundo ng sanlibutan sa Diyos ang pagkakatakwil sa kanila, ang muling pagtanggap sa kanila’y para na ring pagbibigay-buhay sa patay. ‘Ang Diyos ay hindi nag- babago ng isip tungkol sa kanyang mga kaloab at pagtawag. Dati, masuwayin kayo sa Diyos, ngunit ngayo'y kinahahabagan sa panahon ng pagsuway ng mga Judia Gayon din naman, sila’y naging masuwayin ngayong kayo’y kinahahabagan upang sila’y kahabagan din. Sapagkat hinayaan ng Diyos na maalipin ng kanilang kasalanan ang lahat ng tao upang maipadama sa kanila ang kanyang habag. — Ang Salita ng Diyos. B - Salamat sa Diyos. Aleluya (Mt 4:23] (Tamayo) B-Aleluya! Aleluya! Ipinan; ni Hesus ang paghahari ng Diyos; sakit ay hanyang, ginamot. Aleluya! Aleluya! Mabuting Balita (Mt 15:21-28) P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo B - Papuri sa iyo, Panginoon. NOONG panahong iyon, si Hesus ay nagpunta sa lupaing malapit sa Tira at Sidon, Lumapit sa kanya ang isang Cananeang naninirahan doon at malakas ha sinabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan.” Ngunit gaputok ma’y ci tumugon si Hesus. Atlumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, “Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis, Siya’y nag-iingay at susunud-sunod sa atin,” Sumagot si Hesus, “Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo.” Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, “Tulungan po ninyo ako, Panginoon.” Sumagot si Hesus, “Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.” “Tunay nga po, Panginoon,” tugon ng babae, “ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon.” Kaya’t sinabi sa kanya ni Hesus, “Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari anghinihiling mo.” Atnoon di'y gumaling ang kanyang anak — Ang Mabuting Balita ng Panginoon, B - Pinupuri ka namin, Pangi- noong Hesukristo. Homiliya (Linupo) Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tunayo) B-Sumasampalataya ako sa Diyos ‘Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. ‘Sumasampalataya ako kay Hesu- kristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkata- wang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinarganak ni Santa Mariang Birhen, Pinagpakasakit ni Poncio lato, ipinako sa krus, namatay, inilibing, Nanaog sa kinaroroonan gmga yumao, nang may ikatlong, raw nabuhay na mag-uli, Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang, paririto at huhukom sa nanga- bubuhay at nangamatay na tao. ‘Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na ‘Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng. mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen. Panalangin ng Bayan P- Mahabagin ang Diyos Ama at mapagmahal sa kanyang mga anak. Kinakalinga niya tayong lahat sa pag-ibig kaya’t buong tiwala tayong manalangin T- Panginoon, dinggin mo ang iyong bayan. L ~ Para sa Santo Papa, mga obispo, pari, at diyakono Maging insirumento nawa sila ng pagkakaisa at pag-unawa sa lahat upang maiwasan ang pagkakabaha-bahaging umiiral sa aming mga pamayanan Manalangin tayo: (T) I~ Para sa mga namumuno sa pamahalaan: Maging tapat nawa sila sa kanilang tungkuling maglaan ng mga plano at programa para sa mga dukha, mga biktima ng karahasan, at mga pinabayaan ng kanilang mga pamilya Manalangin tayo: (1) L- Para sa lahat ng mga pamilyang Kristiyano: Maglaan awa sila ng oras sa pagdarasal at pagbabahagi ng Salita ng 9s upang lalong maging matatag ang kanilang ugnayan, Manalangin tayo: (Ty L- Para sa mga magulang na nawalan ng mga anak dahil sa sakit, kalamidad, extra judicial killings, at digmaan: Tulad ng babaeng Cananea, makadama nawa sila ng pag-asa at pagmamalasakit mula sa kanilang komunidad, Manalangin tayo: (1) L- Para sa mga dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay, mga maysakit at nag- aagaw-buhay: Dulutan nawa sila ng ginhawa ng katawan at kaluluwa, Manalangin tayo: (1) L- Para sa mga yumao Matagpuan nawa nila ang walang hanggang kaningningan ng Diyos sa langit, Manalangin tayo: (T) P « Ama, sa gitna ng mga pag- subok sa buhay, taos-puso kaming nananalangin sa iyo. Palakasin mo ang aming loob, at gawin mo kaming tapat at mapagmahal mong mga anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginaon. B- Amen. BEN SET Paghahain ng Alay (Twmayo) P - Manalangin kayo. nabangan at sa buong Sambayanan niiyang banal, Panalangin ukol sa mga Alay P - Ama naming Lumikha, langgapin mo ang mga alay upang maganap ang pagpapalitan ng iyong kaloob at ng aming handog sa aming paghahain na iyo na ring ibinigay para kami’y maging marapat na iyong paunlakan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpa- sawalang hanggan. B-Amen, Prepasyo (Karaniwan III) P . Sumainyo ang Panginoon B - At sumaiyo rin. P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B- Itinaasna namin sa Panginoon, P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos B- Marapat na siya ay pasalamatan, P- Ama naming makapangyari- han, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan, Sa iyong kagandahang-loob kami’y iyong ibinukod upang iyong maitampak sa kadakilaan mong lubos. Kahit na ikaw ay aming tinalikdan dahil sa arming pagkasalawahan, gumawa ka pa rin ng magandang paraang, may manguna sa amin para ikaw ay balikan. Kaya’t ang iyong minamahal na Anak ay naging isa sa mga taong hamak upang may kapwa kaming makapagligtas sa aming pagka- pahamak at pagkaligaw ng landas. Kaya kaisa ng mga anghel na hagsisiawil ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan: B.. Santo, Santo, Santo Panginoong, Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo! Osanasa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa Kaitaasan! (Lamnitod) GSAmBUHAY mission apreal [A ‘Beamission partner for Sambuhay! wv ‘Sambehay Nese ad Seuhay TV now ofr you eon oth is el illo rede ond vers. Westar ur “soend pec for ‘Vocation promotions + Invitations from Catholic communities and other groups Announcements fr speci programs and ects Lei icintesnlional pees (Other church and faith-based matters Sembuhay Sunday Malte (English or Filipino) Sony Sunday Met (Hitigeynon) Sumbuhay First Friday ‘Sorbuhay Sunday Missolete (English or Filipino) ‘Sombohay TV. 1 SUNDAY 1 SUNDAY 1 FRIDAY 8 SUNDAYS (2 months) 1 EPISODE P 4,000 P 1,500 P 2,000 P 25,000 P5,000 <<==—$§£@— i ———_. 205970 to OAc. 607 6) sambuhay mis Pagbubunyi (Tumayo) B-Aming ipinahayag na namatay ang ‘yong Anak, nabuhay bilang Mesiyas at magbalik sa wakas para mahayag sa lahat. Ce Ama Namin B- Ama nat P- Hinihiling naming... B-Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu- rihan magpakailanman! Amen. Pagbati ng Kapayapaan Paanyaya sa Pakikinabang (Livintihod) P- Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging. B- Panginoon, hindi ako ka- rapat-dapat na magpatuldy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. Antipona sa Komunyon (Sim 130-7) Ang pagibig na s'yang dulot ng Panginoong ating D‘yos ay matatag lagi lubos. iya ay handang tumu- bos nang may kagandahang-loob. Panalangin Pagkapakinabang (Pumayo) P-Manalangin tayo. (Tumahiniby Ama naming mapagmahal, arketioggsipastsph gonaicon Qantas! sa banal na pakikinabang si Kristo ay aming pinagsaluhan Hinihiling naming kami’y maging katulad niya sa langit pakundangan sa kanyang pagiging aming kaparis bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang, hanggan Amer PAGTATAPOS P -Sumainyo ang Panginoon. B - At sumaiyo rin, Pagbabasbas P - Magsiyuko kayong lahat at hingin ang pagpapala ng Diyos (Tamakimib) Ama naming mapagpala, nililingap mo ang iyong bayan kahitmay mga kaanib na lurnilihis ng landas. Ipagkaloob mo ang pasyang magbagong. buhay sa fanan upang ang lahat ay maging, lalong matapat sa pagsunod sa iyong kalooban sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan B- Amen. P- Pagpalain kayong makapang- yarihang Diyos Ama, at Anak (+) at Espiritu Santo. Pangwakas P.Tapos na ang Banal na Misa. Humayo kayong mapayapa B - Salamat sa Diyos.

You might also like