You are on page 1of 3

MGA TUNTUNIN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Bahagi na ng isang mag-aaral ang sumulat ng isang sanaysay o essay. Hindi masasabing isang mag-aaral
ang isang nilalang kung hindi siya nakasulat ng isa mang sanaysay, maikli man ito o mahaba. Upang
makasulat ng isang magandang sulatin o sanaysay, dapat tandaan at sundin ang mga tuntunin nito.

MGA TUNTUNIN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

I. Panimula/Introduksyon - Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan at binabasa ng mga mambabasa. Nararapat na ito ay nakapupukaw ng atensyon upang
ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.

Mga Paraan ng pagsulat ng Panimula

1. Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na


detalye.

Halimbawa:

Tatlong katao ang nasawi at pito pa ang malubhang nasugatan sa isang banggaan ng trak at kotse
sa panulukan ng Kalye Ibarra at Crispin sa Lungsod ng Navotas kahapon, ika-18 ng Oktubre, 1988.

2. Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay
at para isipin niya.

Halimbawa:

Ano ang kaligayahan?


3. Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa

Halimbawa:

Makapal ang pulbo sa kanyang mukha, namumula sa galit ang lipstik sa kanyang makapal na labi, at
malalantik ang mga pekeng pilik na nakakabit sa kanyang pilikmata.

4. Sipi – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo at iba pang sanaysay.

Halimbawa:

Ayon kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos: “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan!”.

5. Makatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng nagbabasa.

Halimbawa:

Malapit na ang katapusan ng mundo.

6. Kasabihan – isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling ekplenasyon ng iyong sanaysay.

Halimbawa:

“Daig ng maagap ang masipag,” ito ang pinatunayan ni Rommel.

7. Salaysay – isang ekplenasyon ng iyong sanaysay.

Halimbawa:
Kuro-kuro lamang at opinyon ng may-akda ang mga pahayag sa ibaba.

II. Katawan - dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita
ang pagtalakay sa mahahalagang puntosukol sa tema at nilalaman ng sanaysay. Dapat ipaliwanag nang
mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.

Mga Paraan ng pagsulat ng katawan

1. Pakronolohikal – nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.

Halimbawa:

Nasa elementarya pa lamang si Dindo ay kinakitaan na ng talino sa pag-aaral.

Hindi na ikinagulat ng kanyang mga kamag-aral at guro ng tanghaliang “Valedictorian” si Dindo nang
magtapos sa high school.

You might also like