You are on page 1of 1

Ano ang Komunismo?

: Kahulugan at Katangian

August 6, 2021 by AraLipunan Writers

Ang komunismo ay isang anyo ng pamahalaan na malapit na iniuugnay sa pilosopong si Karl Marx batay
sa kanyang mga pananaw ng isang utopia na lipunan na inilalarawan niya sa kanyang aklat na “The
Communist Manifesto”.

Sa paniniwala ni Karl Marx, ang sistemang kapitalismo ay nagdudulot ng hindi pagkakapantay-pantay ng


tao sa isang lipunan bunsod na rin ng malaking pagtuon sa pribadong pag-aari at pagkita ng malaki.

Sa kanyang pananaw, higit na mas makakabuti ang isang sistema na kung saan walang paghahati ng
lipunan at lahat ay patas. Kung saan ang pamahalaan ay binubuo ng mga manggagawa at ang
pamahalaan na ito ang may hawak at kontrol sa mga yaman at pag-aari ng lipunan.

You might also like