You are on page 1of 43

SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


IV. PRESENTASYON, ANALYSIS AT INTERPRETASYON NG DATOS

Mula sa talatanungan na ginawa ng mga mananaliksik ay nasagot

ang mga suliranin at katanungan hinggil sa “Epekto ng Salitang

Vulgar sa Relasyong Sosyal at Pakikipagkomunikasyon ng mga mag-

aaral ng SJCNHS-SHS.

A. INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa bahaging ito, inilahad ng mga mananaliksik ang mga nakalap

na impormasyon maging ang pag-aanalisa at pagbibigay

interpretasyon sa mga nakalap na datos.

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng maingat at

maayos na presentasyon ng mga nakalap na datos, kinakailangan din

nito ang isang masusi at sistematikong pagsusuri upang magkaroon

ng tiyak at makatotohanang kasagutan sa bawat sagot ng mga

respondente. Inilahad ng mga mananaliksik sa bahaging ito ang

mga datos na nakalap sa pamamagitan ng teybol.

37
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
MGA DATOS KAUGNAY NG TALATANUNGAN

Ang mga mananaliksik ay may 80 respondente na sumagot sa mga

katanungan.

Talahanayan 1. SOSYO-DEMOGRAPIKONG KATANGIAN NG

RESPONDENTE(MAG-AARAL/n=80)

KATANGIAN BILANG PERCENTAGE


EDAD:
15 2 3%
16 31 39%
17 33 41%
18 11 14%
19 2 3%
20 1 1%
MEAN: 16.79
SD: 0.89
KASARIAN:
Babae 50 63%
Lalaki 30 37%
Natapos ng Magulang (NANAY)

Hindi tapos ng Elementarya 1 1.25%


Tapos ng Elementarya 5 6.25%
Hindi tapos ng Highschool 5 6.25%
Tapos ng Highschool 21 26.25%
Hindi tapos ng College 13 16.25%
Tapos ng College 32 40%
Bokasyunal na Kurso 3 3.75%

Natapos ng Magulang (TATAY)

Hindi tapos ng Elementarya 1 1.25%


Tapos ng Elementarya 6 7.5%
Hindi tapos ng Highschool 6 7.5%
Tapos ng Highschool 15 18.75%
Hindi tapos ng College 14 17.5%
Tapos ng College 34 42.5%
Bokasyunal na Kurso 4 5%

38
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Ipinapakita sa Talahanayan 1. ang mga Sosyo-Demograpikong

impormasyon ng mga respondente. Una ay ang Edad, ang mga

respondente ay nasa edad 15-20. Bawat edad ay masusing kinuha ang

porsiyento, ang mga mag-aaral na may edad na 15 at 19 ay 3%

lamang ng bilang ng mag-aaral samantala ang mga nasa edad 16

naman ay mayroong 39% ng bilang ng mag-aaral. Ang may

pinakamaraming bilang sa ilalim ng edad ay ang mga mag-aaral na

nasa edad 17 na mayroong 41% ng bilang ng mga mag-aaral. May mga

respondente rin namang nasa legal age na at tinatayang 14% ng

bilang ng mag-aaral ang sumagot na nasa edad na ito. ang

pinakahuling at pinakaonting respondente na may edad na 20 na

kung saan 1% lamang ng bilang ng mag-aaral. Sa huling bahagi ay

nagkaroon ng 16.79 na mean ng edad at 0.89 na standard deviation.

Ito ay panunumpa sa pakikipagusap—sa hallway at sa silid-

aralan—dumarami ito ayon kay Timothy Jay (2009), isang scholar na

nangunguna sa paggamit ng bulgar na salita sa isang Unibersidad

sa United States. Mas nagagamit ito ngayon ng mga kabataan kaysa

sa mga nakakatanda sa kanila. Ibig sabihin nito ang mga

nakakatanda na ang mas hindi nakakaintindi sa mga usapan ng mga

kabataan ngayon ayon ito kay Jay na sumulat ng librong “Why We

Curse” at “Cursing In America”. Nakalkula niya na may average na

80-90 na bulgar na salita ang nagagamit ng kabataan ngayon. “Ang

mga batang nag-aaral pa lamang sa elementarya ang narereport ng

39
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
mga guro dahil sa paggamit ng mga bulgar na salita sa

eskwelahan.” ayon kay Jay na pinagaaralan ang tungkol sa mga

batang gumagamit ng ganitong mga lenggwahe. “Nilalabag nila ang

mga panuntunan sa eskwelahan sa nagdaang sampung taon.”

Pangalawa na kabilang sa Sosyo-demograpikong impormasyon ng

mga respondente ay ang Kasarian. Mayroon lamang dalawang kasarian

ang kinokonsidera sa pag-aaral na ito, babae at lalaki. Ang mga

datos na nakalap ng mga mananaliksik ay mayroong 63% ng mga mag-

aaral na sumagot sa talatanungan ay babae at ang natitirang 27%

ay bilang ng mga lalaki.

Ayon kay Pinker (2011) na ang pagmumura habang nasa isang

sekswal na pangyayari ay isang sikat na paraan nang pagmumura sa

kultura ng mga taga kanluran. Ito ay mayroong mas malaking

pakinabang para sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Sa kabuuan

pinapakitang mas madalas magmura ang mga lalaki sa pampublikong

lugar, nakita rin na ang pagkakaiba ng kasarian ay may epekto sa

pag-gamit ng mga vulgar na salita pag sila‘y nasasaktan.

Pangatlo sa Sosyo-demograpikong impormasyon ng mga

respondente ay ang Natapos ng mga Magulang. Magkahiwalay na

sinuri ang mga lebel na natapos ng mga magulang, ang nanay at ang

tatay. Sa nakalap na impormasyon, karamihan sa mga nanay ng mga

mag-aaral ay tapos ng College at ito ay mayroong 40% ng bilang ng

mga mag-aaral. Samantala ang mga mag-aaral na tapos ng College

40
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
ang tatay ay mayroong 42.5%. Makikitang mas marami ang mga

magulang na tapos ng College kumpara sa iba pang mga lebel ng

pag-aaral.

Ang mga magulang na nag-aral at mga nakapagtapos ay

kadalasang mas gumagamit ng iba’t iba at mas kumplikadong salita

kasama ang kanilang mga anak kung saan sila ay nakapag sasalita

at naka aalam ng mga saliang ginagamit ng kanilang mga magulang

mula pagkabata pa lamang. Ang mga magulang na mas nakapag aral at

nakapag tapos ay may mataas din na ekspektasyon sa edukasiyon ng

kanilang anak kung saan sila ay mas natututo at mas gumagamit ng

mga wastong salita.

Talahanayan 2. Relasyong Sosyal (Panlipunan)


41
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

ANTAS NG KABATIRAN MEAN DESKRIPSIYON


1. Nagmummura ako sa mga pampublikong 3.25 Madalas
lugar tulad ng Palengke, Paaralan,
Simbahan at iba pa.
2. Naiimpluwensiyahan ako ng mga tao sa 2.69 Lagi
aking paligid.
3. Sa tuwing nakaririnig ako ng mga 3.44 Madalas
salitang hindi kanais-nais ngunit
madalas ginagamit ng nakararami, nais
ko rin itong gamitin.
4. Nakapagsasabi at nakapag-iisip ako ng 3.29 Madalas
mga mura, di nakanais-nais at bastos
na mga salita sa tuwing ako’y
pinagagalitan ng aking mga magulang.
5. Iniisip ko na masama ang isang tao sa 3.10 Lagi
tuwing naririnig ko silang nagmumura.
Kabuuang Mean 3.15 Lagi

PALATANDAAN: 3.25 – 4.00 Madalas


2.50 – 3.24 Lagi
1.75 – 2.49 Minsan
1.00 – 1.74 Hindi
Ipinakikita sa Talahanayan 2. ang antas ng kabatiran ng mga

mag-aaral sa epekto ng mga Vulgar na Salita sa Lipunan. Makikita

sa unang kabatiran ang nakuhang mean na 3.25 na nangangahulugang

madalas kung magmummura ang mga mag-aaral ng San Jose City

National Highchool-Senior Highchool sa mga pampublikong lugar

tulad ng Palengke, Paaralan, Simbahan at iba pa. Sa ikalawang

kabatiran naman ay makikita ang nakuhang mean ay 2.69 na

nangangahulugang laging naiimpluwensiyahan ng mga tao sa kanilang

paligid ang mga mag-aaral. Ang ikatlong kabatiran naman ay

nagkaroon ng 3.44 na mean kung saan nangangahulugang madalas na

ginagaya lamang ng mga mag-aaral ang mga salitang hindi man

42
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
kanais-nais sa pandinig ngunit madalas ginagamit ng nakararami.

Samantala sa ika-apat na kabatiran na ang nakuhang mean ay 3.29

kung saan nangangahulugang madalas kung makapagsabi at makapag-

isip ng mga mura, di nakanais-nais at bastos na mga salita sa

tuwing pinagagalitan ng mga magulang ang mga mag-aaral. Ang

huling kabatiran naman ay nagkaroon ng 3.10 na mean na

nangangahulugang laging iniisip ng ang mga mag-aaral na masama

ang isang tao sa tuwing naririnig silang nagmumura. Ang kabuuang

mean ng mga kabatiran ay 3.15 na nangangahulugang laging

nakaaapekto ang Salitang Vulgar sa Relasyong Sosyal na

Panlipunan. Samantala, base sa naging resulta ng survey, ang

naging epekto ng paggamit ng Salitang Vulgar sa lipunan ay

nagiging Bandwagon effect na lamang ito dahil sa tuwing

nakaririnig sila ng mga salitang hindi kanais-nais ngunit madalas

ginagamit ng nakararami, nais rin nila itong gamitin.

Ang pananaw ng lipunan sa salitang ginagamit ay nakaaapekto sa

language labeling. Ang ibang mga bagong gawang salita ay hindi

kawala sa pananaw ng lipunan dahil parte nito ay mabuti at ang

natitira ay may masamang ibigsabihin. Sa pag lalabel ng mga

salita, sa Battistella (2005), ipinaliwanag ang katangian ng

mabuti at masama ay naka depende sa kagustuhan ng taong nagsasabi

nito hindi ang mga katangian na nakapaloob sa salitang ito. Ang

label ng salita ay may kaugnayan, kaya ang mga saliang ginagamit

43
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
sa grupo ng mga tao ay maaring may masamang ibigsabihin ito

sakanila. Ang mga vulgar na salita ay hindi sumasalamin sa

kagustuhan ng lipunan dahil ang mga vulgar na salita ay hindi

katanggap tanggap sa mabuting lipunan. Ang mga vulgar na salita

ay may expression na hindi maganda at naka sasakit sa pantinig ng

karamihan dahil ang ugnayan ng vulgar na salita sa lipunan ay

itinuturing na mga salitang hindi wasto o nararapat gamitin ayon

sa mga miyembro ng lipunan.

Talahanayan 3. Relasyong Sosyal (Sarili)

ANTAS NG KABATIRAN MEAN DESKRIPSIYON

44
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

1. Nahihiya akong magmura sa harap ng 2.29 Minsan


ibang tao dahil baka mag-iba ang
tingin nila sa akin.
2. Sa pamamagitan ng pagmumura, 3.33 Madalas
gumagaan ang aking pakiramdam sa
tuwing ako’y nag sasalita.
3. Nag-iiba ang aking pananaw sa ibang 2.98 Lagi
tao sa tuwing naririnig ko silang
nagmumura.
4. Nasasaktan ako sa tuwing nakaririnig 2.9 Lagi
ako ng mga salitang mura.
5. Pakiramdam ko masama akong tao sa 2.46 Minsan
tuwing ako’y gumagamit ng mga murang
salita.
Kabuuang Mean 2.79 Lagi

PALATANDAAN: 3.25 – 4.00 Madalas


2.50 – 3.24 Lagi
1.75 – 2.49 Minsan
1.00 – 1.74 Hindi
Ipinakikita sa Talahanayan 3. ang antas ng kabatiran ng mga

mag-aaral sa epekto ng mga Vulgar na Salita sa Sarili. Makikita

sa unang kabatiran ang nakuhang mean na 2.29 na nangangahulugang

minsan lang kung magmura sa harap ng ibang tao ang mga mag-aaral

ng San Jose City National Highchool-Senior Highchool dahil baka

mag-iba ang tingin nila sa kanila. Sa ikalawang kabatiran naman

ay makikita ang nakuhang mean ay 3.33 na nangangahulugang madalas

na sa pamamagitan ng pagmumura, gumagaan ang pakiramdam ng mga

mag-aaral sa tuwing sila’y nag sasalita nito. Ang ikatlong

kabatiran naman ay nagkaroon ng 2.98 na mean kung saan

nangangahulugang laging nag-iiba ang pananaw ng mga mag-aaral sa

ibang tao sa tuwing naririnig nilang nagmumura ang isang tao.


45
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Samantala sa ika-apat na kabatiran na ang nakuhang mean ay 2.9

kung saan nangangahulugang laging nasasaktan ang mga mag-aaral sa

tuwing nakaririnig sila ng mga salitang mura. Ang huling

kabatiran naman ay nagkaroon ng 2.46 na mean na nangangahulugang

minsan, pakiramdam ng mga mag-aaral na masama silang tao sa

tuwing sila’y gumagamit ng mga murang salita. Ang kabuuang mean

ng mga kabatiran ay 2.79 na nangangahulugang laging nakaaapekto

ang Salitang Vulgar sa Relasyong Sosyal na Sarili. Samantala,

base sa naging resulta ng survey, ang naging epekto ng paggamit

ng Salitang Vulgar sa Sarili ay madalas na napagagaan ng paggamit

nito ang kanilang pakiramdam.

Ayon sa kabuuan ng Pisolohikal at “neurological” na

literatura sa pagmumura, Vingerhoets et al (2013) dagdag pa niya

na ang mga tao na may “anti social” na personalidad o walang

hilig sa pakikisalamuha sa iba ay kadalasang mas nagmumura kaysa

sa iba. Samantala ang mga taong kadalasang nakakukuha ng matataas

na marka, relihiyoso, may takot sa pakikipagtalik o sinasarili

lang ang nararamdaman ay mas madalang magmura. Ang mga sakit

tulad nalamang “Alzheimer’s Disease” or “Gilles de la tourette’s

syndrome” ay mas nakapagpaptaas ng bilang ng tao sa pagmumura.

Talahanayan 4. Relasyong Sosyal (Relihiyon)

ANTAS NG KABATIRAN MEAN DESKRIPSIYON


1. Nakaliligtaan kong huwag magmura sa 2.88 Lagi

46
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

tuwing nasa loob ako ng simbahan.


2. Nakatutulong para sa akin ang 1.78 Minsan
pagsisimba upang maiwasan ang
pagsasabi ng mga salitang hindi
kaaya-aya.
3. Para sa akin, ang mga taong nagmumura 3.11 Lagi
ay malayo ang loob sa Diyos at
maaring maligaw ang landas.
4. Sa tingin ko nababalewala ko ang utos 2.34 Minsan
ng Diyos sa tuwing ako’y nagmumura.
5. Masasabi mo bang relihiyoso ang isang 3.00 Lagi
tao kung siya’y nagmumura?
Kabuuang Mean 2.62 Lagi

PALATANDAAN: 3.25 – 4.00 Madalas


2.50 – 3.24 Lagi
1.75 – 2.49 Minsan
1.00 – 1.74 Hindi
Ipinakikita sa Talahanayan 4. ang antas ng kabatiran ng mga

mag-aaral sa epekto ng mga Vulgar na Salita sa Relihiyon.

Makikita sa unang kabatiran ang nakuhang mean na 2.88 na

nangangahulugang laging nakaliligtaan ng mga mag-aaral ng San

Jose City National Highchool-Senior Highchool huwag magmura sa

tuwing nasa loob sila ng simbahan. Sa ikalawang kabatiran naman

ay makikita ang nakuhang mean ay 1.78 na nangangahulugang minsan

nakatutulong para sa mga mag-aaral ang pagsisimba upang maiwasan

nila ang pagsasabi ng mga salitang hindi kaaya-aya. Ang ikatlong

kabatiran naman ay nagkaroon ng 3.11 na mean kung saan

nangangahulugang laging iniisip ng mga mag-aaral na ang mga taong

nagmumura ay malayo ang loob sa Diyos at maaring maligaw ang

landas. Samantala sa ika-apat na kabatiran na ang nakuhang mean


47
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
ay 2.34 kung saan nangangahulugang minsan sa tingin ng mga mag-

aaral ay nababalewala na nila ang utos ng Diyos sa tuwing sila’y

nagmumura Ang huling kabatiran naman ay nagkaroon ng 3.00 na mean

na nangangahulugang laging masasabi na relihiyoso ang isang tao

kung sila’y nagmumura. Ang kabuuang mean ng mga kabatiran ay 2.62

na nangangahulugang laging nakaaapekto ang Salitang Vulgar sa

Relasyong Sosyal na Relihiyon. Samantala, base sa naging resulta

ng survey, ang naging epekto ng paggamit ng Salitang Vulgar sa

Relihiyon ay lagi nilang pinaniniwalaan na ang mga taong hindi

nagmumura ay relihiyoso.

Ang mananaliksik na si Dr. Andrew Kehoe , Dupty Head ng

Unibersidad ng Birmingham Eskwelahan ng Ingles at si Dr. Ursula

Lutzky, Assistant Proffesor sa Unibersidad naman ng Vienna

Economics and Business ay nasuri na higit walong put milyong tao

ang gumagamit ng bulgar na salita at kung alin dito ang mas higit

na nagagamit. Ipinakita sa pananaliksik sa ang mas madalas na

magamit ay ang mga relihiyosong kabastusan katulad na lamang ng

“God damn it!”, “Jesus Christ!” at “What the Hell?!” na kung saan

ito ay bumubuo ng apat sa limang mga relihiyosong kabastusan.

Ayon pa sa nakuhang impormasyon, mas madalas na itong nagagamit

ng kabataan kaysa sa mga matatanda sapagkat ito na ang nauuso.

Ipinakita rin na ang mga ito ay nagagamit sa mga blogs na may

bilang ng siyam na libo, higit na dalawang daang libo naman sa

48
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
mga mga posted na blogs at dalawang milyon naman sa mga nadulas.

Ang pagsama ng pangalan ng Diyos sa mga mabababaw na salita ay

paglabag sa bibliya. Ang pagsamba ng pangalan ng Diyos sa mga

bulgar na salita ay madalas na marinig na kung saan ito ay higit

na pinagbabawal sa banal na kasulatan.

Talahanayan 4. Relasyong Sosyal(Pamahalaan)

ANTAS NG KABATIRAN MEAN DESKRIPSIYON


1. Ayos lang sa akin na naririnig ang 3.13 Lagi

49
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

Presidente na nagmumura.
2. Ginagaya ko ang mga salitang mura na 3.61 Madalas
naririnig ko mula sa tanyag na
opisyal ng gobyerno.
3. Nagiging epektibo ang paggamit ng mga 3.38 Madalas
mura na salita ng mga opisyal dahil
sila’y nagmumukhang maangas at
madaling napasusunod ang mga
kinasasakupan.
4. Nagiging masama ang imahe ng taong 2.45 Minsan
naka angkop sa pamahalaan kung kilala
siya bilang palamurang tao.
5. Makatutulong ito upang mas maiwasan 2.51 Lagi
ang paggamit ng mga murang salita
kung pangungunahan ito ng mga
opisyal.
Kabuuang Mean 3.02 Lagi

PALATANDAAN: 3.25 – 4.00 Madalas


2.50 – 3.24 Lagi
1.75 – 2.49 Minsan
1.00 – 1.74 Hindi
Ipinakikita sa Talahanayan 4. ang antas ng kabatiran ng mga

mag-aaral sa epekto ng mga Vulgar na Salita sa Pamahalaan.

Makikita sa unang kabatiran ang nakuhang mean na 3.13 na

nangangahulugang laging ayos lang sa mga mag-aaral ng San Jose

City National Highchool-Senior Highchool na naririnig ang

Presidente na nagmumura. Sa ikalawang kabatiran naman ay makikita

ang nakuhang mean ay 3.61 na nangangahulugang madalas ginagaya

nila ang mga salitang mura na naririnig nila mula sa tanyag na

opisyal ng gobyerno. Ang ikatlong kabatiran naman ay nagkaroon ng

3.38 na mean kung saan nangangahulugang madalas nagiging epektibo

ang paggamit ng mga mura na salita ng mga opisyal sa kadahilanang


50
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
nagmumukha silang maangas at madaling napasusunod ang mga

kinasasakupan. Samantala sa ika-apat na kabatiran na ang nakuhang

mean ay 2.45 kung saan nangangahulugang minsan, nagiging masama

rin ang imahe ng taong naka angkop sa pamahalaan kung kilala siya

bilang palamurang tao. Ang huling kabatiran naman ay nagkaroon ng

2.51 na mean na nangangahulugang laging nakatutulong kung

pangungunahan ng mga opisyal upang maiwasan ang paggamit ng mga

murang salita.Ang kabuuang mean ng mga kabatiran ay 3.02 na

nangangahulugang laging nakaaapekto ang Salitang Vulgar sa

Relasyong Sosyal na Pamahalaan. Samantala, base sa naging resulta

ng survey, ang naging epekto ng paggamit ng Salitang Vulgar sa

Relasyong Sosyal na Pamahalaan ay madalas na ginagaya na lang ng

mga mag-aaral ang mga salitang mura na naririnig nila mula sa

isang tanyag na opisyal.

Isang eksperimentong pag aaral ang nag imbistiga tungkol sa

pag gamit ng vulgar na salita sa pamahalaan. Ang pag gamit ng

vulgar na salita sa pamahalaan ay nakawawala ng pormalidad sa pag

sasalita ng kanilang plataporma. Kahit na nakapag sasalita sila

ng ganito ay hindi parin naka aapekto ito sa bilang ng kanilang

mga boto.

51
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

Talahanayan 6. Relasyong Sosyal(Edukasyon)

ANTAS NG KABATIRAN MEAN DESKRIPSIYON


1. Ayos lang sa akin na mag mura ang 3.39 Madalas
aking guro tuwing sila’y nagagalit.
2. Nakabababa ba ng tingin sa tuwing 2.65 Lagi
nagmumura ang mga taong may pinag-
aralan?
3. Nakatutulong sa akin na napag-aaralan 3.11 Lagi

52
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

ang mga salitang Vulgar tulad ng


PUTANGINA,BOBO, TANGA, GAGO at iba
pa.
4. Napapamura ako kapag sobrang hirap 2.86 Lagi
nang mga aralin.
5. Nakatutulong ang Edukasyon upang 2.06 Minsan
maiwasan ang paggamit ng mga mura at
di kaaya-ayang salita.
Kabuuang Mean 2.81 Lagi

PALATANDAAN: 3.25 – 4.00 Madalas


2.50 – 3.24 Lagi
1.75 – 2.49 Minsan
1.00 – 1.74 Hindi
Ipinakikita sa Talahanayan 6. ang antas ng kabatiran ng mga

mag-aaral sa epekto ng mga Vulgar na Salita sa Edukasyon.

Makikita sa unang kabatiran ang nakuhang mean na 3.39 na

nangangahulugang madalas na ayos lang sa mga mag-aaral ng San

Jose City National High School-Senior High School mag mura ang

kanilang mga guro tuwing sila’y nagagalit. Sa ikalawang kabatiran

naman ay makikita ang nakuhang mean ay 2.65 na nangangahulugang

laging nakabababa ng tingin sa tuwing nagmumura ang mga taong may

pinag-aralan. Ang ikatlong kabatiran naman ay nagkaroon ng 3.11

na mean kung saan nangangahulugang laging nakatutulong sa mga

mag-aaral na napag-aaralan ang mga salitang Vulgar tulad ng

PUTANGINA, BOBO, TANGA, GAGO at iba pa. Samantala sa ika-apat na

kabatiran na ang nakuhang mean ay 2.86 kung saan nangangahulugang

laging napapamura ang mga mag-aaral kapag sila’y nakararamdam ng

sobrang hirap sa mga aralin. Ang huling kabatiran naman ay

53
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
nagkaroon ng 2.06 na mean na nangangahulugang minsan ding

nakatutulong ang Edukasyon upang maiwasan ang paggamit ng mga

mura at di kaaya-ayang salita. Ang kabuuang mean ng mga kabatiran

ay 2.81 na nangangahulugang laging nakaaapekto ang Salitang

Vulgar sa Relasyong Sosyal na Edukasyon. Samantala, base sa

naging resulta ng survey, ang naging epekto ng paggamit ng

Salitang Vulgar sa Edukasyon ay laging nakatutulong na napag-

aaralan ang mga salitang Vulgar tulad ng PUTANGINA,BOBO, TANGA,

GAGO at iba pa.

Ayon kila Bailey Q, Sarah C at Steven W(2019), kaylangan

hikayatin ng mga guro ang mga estudyante na malaman ang mga

salitang karapat dapat gamitin sa pakikipagusap sa bahay at sa

eskwelahan pero mas kaylangang bigyan ng pansin sa paaralan dahil

dito nahahasa ang pagkakaroon ng control sa sariili ng isang

estudyante sa mga salita o terminolohiyang kanilang ginagamit o

sinasabi. Binabangit din dito na pinagexperimentohan nila na kung

kaya nilang magamit ang mga bulgar o masasamang salita sa

kanilang mga magulang ay dapat o hindi dapat din itong gamit sa

loob ng paaralan.

54
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

Talahanayan 7. Pakikipagkomunikasyon

ANTAS NG KABATIRAN MEAN DESKRIPSIYON


1. Hindi naipararating nang maayos ang 2.19 Minsan
mga salitang nais sabihin sa taong
kausap dahil sa iba ang nagiging
dating nito sa taong kausap.
2. Nasasaktan ako sa mga mura na 2.8 Lagi
sinasabi sa akin kahit na biro lamang

55
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

ito.
3. Nagkakaroon ng ibang interpretasyon o 2.26 Minsan
hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng
dalawang nag-uusap.
4. Iniiwasan ko ang pakikipag-usap sa 2.91 Lagi
mga taong palamura.
5. Nawawalan na ako ng respeto sa tuwing 2.76 Lagi
nakapagsasabi na ang aking kausap ng
mga mura.
Kabuuang Mean 2.58 Lagi

PALATANDAAN: 3.25 – 4.00 Madalas


2.50 – 3.24 Lagi
1.75 – 2.49 Minsan
1.00 – 1.74 Hindi
Ipinakikita sa Talahanayan 7. ang antas ng kabatiran ng mga

mag-aaral sa epekto ng mga Vulgar na Salita sa

Pakikipagkomunikasyon. Makikita sa unang kabatiran ang nakuhang

mean na 2.19 na nangangahulugang minsan hindi naipararating nang

maayos ang mga salitang nais sabihin sa taong kausap dahil sa iba

ang nagiging dating nito sa taong kausap. Sa ikalawang kabatiran

naman ay makikita ang nakuhang mean ay 2.8 na nangangahulugang

laging nasasaktan ang mga mag-aaral sa mga mura na sinasabi sa

kanila kahit na biro lamang ito. Ang ikatlong kabatiran naman ay

nagkaroon ng 2.26 na mean kung saan nangangahulugang minsan

nagkakaroon ng ibang interpretasyon o hindi pagkakaunawaan sa

pagitan ng dalawang nag-uusap. Samantala sa ika-apat na kabatiran

na ang nakuhang mean ay 2.91 kung saan nangangahulugang laging

iniiwasan ng mga mag-aaral ang pakikipag-usap sa mga taong

56
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
palamura. Ang huling kabatiran naman ay nagkaroon ng 2.76 na mean

na nangangahulugang laging nawawalan ng respeto ang mga mag-aaral

sa tuwing nakapagsasabi na ang kanilang mga kausap ng mga mura.

Ang kabuuang mean ng mga kabatiran ay 2.58 na nangangahulugang

laging nakaaapekto ang Salitang Vulgar sa Pakikipagkomunikasyon.

Samantala, base sa naging resulta ng survey, ang naging epekto ng

paggamit ng Salitang Vulgar sa Pakikipagkomunikasyon ay laging

iniiwasan ng mga mag-aaral ang pakikipag-usap sa mga taong

nagmumura.

Malaking bahagi ng ating kultura bilang mga Pilipino ang

pakikisalamuha saating kapwa kung saan ang komunikasyon ang

nagiging mabisang paraan upang tayo aylubos na magkaroon ng

tinatawag nating interaksyon sa ibang tao. Sa ating pagsasalitaat

pakikipag-interaksyon sa ibang tao sa ating paligid, hindi

maiiwasan ang mgakapansin-pansin na salita na kusang lumalabas sa

ating bibig sa tuwing tayo ay nabibigla,nagugulat, nagagalit,

nasasaktan at iba pa na tinuturing ng karamihan sa ekspresyon

ng“Mura”.Kung anuman ang pagmumura, iba-iba ang pananaw ng bawat

indibidwal ukoldito. Ayon kay (Arenas, 2013) ang “mura” ay

sinasabing isang salitang nakakasakit ngdamdamin o salitang

nakakayurak ng dangal o dignidad ng isang tao. Ngunit sa

kabilangbanda nito, nagiging madalas itong gamitin sa kasalukuyan

at maging sa iba’t ibang panigng mundo na tila naging parte na

57
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
ang paggamit ng mga mura na salita sa ating pang-araw-araw na

pananalita (Jessel, 2019).

Talahanayan 8. Mga Vulgar na Salita

Salita Bilang Porsiyento Rank


1.Tanga 59 73.75% 1
2.Bobo 55 68.75% 2
3.Gago 52 65% 3
4.Punyeta 37 46.25% 4
5.Damn 32 40% 5
58
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabuuang bilang ng 80 100%


sumagot

Ipinakikita sa Talahanayan 8. ang limang pinakamadalas na

salitang Vulgar na sinasabi ng mga mag-aaral. Nangunguna rito ang

Vulgar na salitang Tanga na nakuha ng 73.75 na porsiyento. Ang

Vulgar naman na salitang Bobo ay pumangalawa sa mga kadalasang

ginagamit na bulgar na salita na mayroong porsiyentong 68.75.

Pangatlo ang salitang Gago sa kadalasang bulgar na salita na

nakakuha ng 65 na porsiyento. Pang-apat ay ang bulgar na salitang

Punyeta na nakakamit ng 46.25 na porsiyento at panghuli ang Damn

na nakaabot ng 40 porsiyento.

Base sa libro ni Timothy Jay na pinamagatang "WHY WE CURSED"

ang pagmumura ay hindi kailanman naging magulo, walang kahulugan

o ginamit pang resolba ng problema at ginamit sa pamamahala.

Samakatuwid ang pagpili ng mga salitang MURA ay naipakikita ang

pagkakaintindi sa isang kaalaman at kultural. Sa kabilang banda,

sa pagkatuto ng mga ganitong salita ay nabubuo ang pagkakaintindi

at pag-unawa ng mga taong may paniniwala na maaring naiiba sa

kanilang mga sariling salita (taboos).

59
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

Talahanayan 9. Dahilan ng Paggamit ng Vulgar na Salita

ANTAS NG KABATIRAN Bilang Porsiyento Bilang Porsiyento

ng ng

sumagot sumagot

ng Oo ng

Hindi
1. Dahil sa 44 55% 36 45%
pamamagitan ng
pagmumura

60
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

nailalabas ko ang
aking damdamin.
2. Ginagamit ko ito 45 56.25% 35 43.75%
bilang ekspresyon.
3. Dahil sa 47 58.75% 33 28.75%
pamamagitan nito,
nailalabas ko ang
aking galit.
4. Dahil nakasanayan 24 30% 56 70%
ko na ang pag
mumura at kusa na
itong lumalabas sa
aking bibig.
5. Dahil ang cool 7 8.75% 73 91.25%
tignan sa isang
tao ang nagmumura.

Ipinakikita sa Talahanayan 9. ang antas ng kabatiran ng mga

mag-aaral sa mga Dahilan ng Paggamit ng Vulgar na Salita. Ang

pahayag na “Dahil sa pamamagitan nito, nailalabas ko ang aking

galit.” ang nakakuha ng pinakamataas na porsiyento. Tinatayang

58.75% ng mga sumagot ang sumasang-ayon na ito ang kanilang

dahilan kung bakit sila gumagamit ng mga Vulgar na salita.

Samantala ang pahayag naman na “Ginagamit ko ito bilang

ekspresyon.” ang pumangalawa sa nagiging dahilan ng paggamit ng

mga Vulgar na salita. Mayroon namang 56.25% ng mga mag-aaral ang

sumagot ng Oo sa pahayag na ito na nirerepresenta ang dahilan ng

paggamit ng Vulgar na salita. Pinakahuli sa mga sinangayunan na

pahayag ng mga mag-aaral ay ang “Dahil sa pamamagitan ng

pagmumura nailalabas ko ang aking damdamin.” Mayroong 55% ng mga

mag-aaral ang sumagot ng oo sa pahayag na ito. Sa kabila ng mga

61
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
dahilan na na nakalagay sa talatanungan, mayroon pa rin namang

hindi sumang-ayon sa pahayag na “Dahil nakasanayan ko na ang pag

mumura at kusa na itong lumalabas sa aking bibig.” Mayroong 70%

ng mga mag-aaral ang hindi pabor sa kadahilanang ito. Isa pang

hindi pinaburan ng mga mag-aaral na pahayag ay “Dahil ang cool

tignan sa isang tao ang nagmumura.” na mayroon namang 91.25% ng

bilang ng mga mag-aaral. Samantala, base sa resulta ng

pananaliksik, ang pangunahing dahilan kung bakit gumagamit ng

Vulgar na salita ang mga mag-aaral ay dahil sa pamamagitan nito,

nailalabas nila ang kanilang galit.

Ayon kay Vingerhoets et.al, ang pag-gamit ng salitang vulgar

na kilala rin sa tawag na pagmumura ay maaaring ilarawan na isang

aktibidad ng pag-gamit ng mga bawal na salita upang maglabas ng

nararamdaman o matinding emosyon. Bagaman ang pagmumura ay

napadadalas nang ginagamit, ang dahilan sa pag gamit ng mga

salitang ito'y hindi pa rin alam. Ang mga salitang vulgar na

sinamahan pa ng mga bawal na salita ay mas makapangyarihan pa sa

mga salitang pangkaraniwan. Ag mga taong nagmumura ay kadalasang

nahuhusgahan ng mga tao sa negatibong paraan dahil sa mga ibig

sabihin nito na nakababahala para sa iba. Sa pagsusuri na ito,

kami ay nagpakita sa kasalukuyang estadi sa literatura na may

respeto sa pansariling kadahilanan. Ang pagmumura ay sinasabing

nagiging sanhi ng "Catharsis-effect" na nagreresulta sa pagkawala

62
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
ng mga sakit. Ang pagmumura rin ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng

kredibilidad at kakayahang makapanghikayat. Ang pagmumura ay

maraming epekto sa mga grupo, agresyon, sa mga biro at damdamin

ng iba.

B. PRESENTASYON NG MGA DATOS

1. Ano-ano ang mga salitang Vulgar na madalas ginagamit ng mga

mag-aaral?

Base sa naging resulta ng pananaliksik, mayroong limang

Vulgar na salita ang madalas na ginagamit ng mga mag-aaral, ito

ang mga salitang TANGA,BOBO, GAGO, PUNYETA AT DAMN.

63
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Ayon sa pag-aaral ni Dewaele (2014) kaniyang napagalaman na

ang pag mumura raw ay mas masakit ang dating tuwing gagamitin ito

sa Unang lengguwaheng nalalaman ng isang multilinggual na tao

kaya karamihan ay pinipili na lamang na magmura sa pamamagitan ng

pangalawang lengguwaheng kanilang nalalaman upang mabawasan ang

sakit na matatanggap ng isang tao dulot ng mga Vulgar at murang

salita na ginamit.

2. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit hindi napipigilan ng mga

mag-aaral ang paggamit ng mga Vulgar na salita?

Base sa naging resulta ng pananaliksik mayroong tatlong

dahilan kung bakit hindi napipigilan ng mga mag-aaral ang

paggamit ng Vulgar na Salita ito ay ang Dahil sa pamamagitan ng

pagmumura nailalabas nila ang kanilang damdamin, Ginagamit nila

ito bilang ekspresyon, at dahil sa pamamagitan nito, nailalabas

nila ang kanilang galit.

Ayon kay Vingerhoets et.al (2013), ang pag-gamit ng salitang

vulgar na kilala rin sa tawag na pagmumura ay maaaring ilarawan

na isang aktibidad ng pag-gamit ng mga bawal na salita upang

maglabas ng nararamdaman o matinding emosyon. Bagaman ang

pagmumura ay napadadalas nang ginagamit, ang dahilan sa pag gamit

ng mga salitang ito'y hindi pa rin alam. Ang mga salitang vulgar

na sinamahan pa ng mga bawal na salita ay mas makapangyarihan pa

sa mga salitang pangkaraniwan. Ag mga taong nagmumura ay


64
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
kadalasang nahuhusgahan ng mga tao sa negatibong paraan dahil sa

mga ibig sabihin nito na nakababahala para sa iba. Sa pagsusuri

na ito, kami ay nagpakita sa kasalukuyang estadi sa literatura na

may respeto sa pansariling kadahilanan. Ang pagmumura ay

sinasabing nagiging sanhi ng "Catharsis-effect" na nagreresulta

sa pagkawala ng mga sakit. Ang pagmumura rin ay nakakaapekto sa

pagkakaroon ng kredibilidad at kakayahang makapanghikayat. Ang

pagmumura ay maraming epekto sa mga grupo, agresyon, sa mga biro

at damdamin ng iba.

3. Ano-ano ang mga nagiging epekto ng paggamit ng Vulgar na

salita sa mga nakaririnig nito?

Upang masagot ang suliranin, kinakailangang isaalang-alang

ang Relasyong Sosyal at Pakikipagkomunikasyon. Ang Relasyong

Sosyal ay may limang sangay, ito ang Panlipunan, Sarili,

Relihiyon, Pamahalaan at Edukasyon. Base sa resulta ng

pananaliksik, ang naging epekto ng salitang Vulgar sa

Relasyong Sosyal sa iba’t iba nitong sangay ay ang sumusunod:

Panlipunan

Nagiging Bandwagon effect na lamang ito dahil sa tuwing

nakaririnig sila ng mga salitang hindi kanais-nais ngunit

madalas ginagamit ng nakararami, nais rin nila itong gamitin.

65
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Sarili

Ang naging epekto ng paggamit ng Salitang Vulgar sa Sarili

ay madalas na napagagaan ng paggamit nito ang kanilang

pakiramdam.

Relihiyon

Ang naging epekto ng paggamit ng Salitang Vulgar sa

Relihiyon ay lagi nilang pinaniniwalaan na ang mga taong hindi

nagmumura ay relihiyoso.

Pamahalaan

Ang naging epekto ng paggamit ng Salitang Vulgar sa

Relasyong Sosyal na Pamahalaan ay madalas na ginagaya na lang ng

mga mag-aaral ang mga salitang mura na naririnig nila mula sa

isang tanyag na opisyal.

Edukasyon

Ang naging epekto ng paggamit ng Salitang Vulgar sa Edukasyon

ay laging nakatutulong na napag-aaralan ang mga salitang Vulgar

tulad ng PUTANGINA,BOBO, TANGA, GAGO at iba pa.

Samantala ang naging epekto naman ng paggamit ng salitang

Vulgar sa pakikipagkomunikasyon ay laging iniiwasan ng mga mag-

aaral ang pakikipag-usap sa mga taong nagmumura.

66
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Ayon sa pag aaral ni Timothy Jay, patungkol sa katanungan na

ang mga bulgar ba na salita ay nakasasakit sa tao? Ang kasagutan

ay maaaring oo at maaari rin namang hindi, at ito rin ay

nakadepende. Ang ebidensya sa pananakit ay makikita sa

panghaharas, pangdidiskrimina, at iba pa, pero ang pagsasabi ng

mga bulgar na salita ay walang kasiguraduhan. Wala ring ebidensya

na uri ng pananakit ang pagmumura sa isang tao.

V. LAGOM, KONKLUSIYON AT REKOMENDASYON

A. LAGOM

Sa pananaliksik na ito ay nabigyang kasagutan ang nais malaman

ng mga mananaliksik tungkol sa mga Epekto ng Salitang Vulgar sa

Relasyong Sosyal at Pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral ng

SJCNHS-SHS. Ang unang katanungan ay “Ano-ano ang mga salitang

Vulgar na madalas ginagamit ng mga mag-aaral?” Ikalawa naman ay

67
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
“Ano-ano ang mga dahilan kung bakit hindi napipigilan ng mga mag-

aaral ang paggamit ng mga Vulgar na salita?” Pinakahuli ay “Ano-

ano ang mga nagiging epekto ng paggamit ng Vulgar na salita sa

mga nakaririnig nito?”

Base sa naging resulta ng pananaliksik na isinagawa ng mga

mananaliksik, lumabas na mayroong limang salitang Vulgar na

pinakamadalas gamitin ng mga mag-aaral ng San Jose City National

Highshcool- Senior Highschool na kung saan nakaaapekto sa

Relasyong Sosyal at Pakikipagkomunikasyon. Ito ay ang mga

salitang TANGA, BOBO PUNYETA, DAMN at GAGO. Natuklasan din na ang

pinaka naging dahilan ay dahil sa pamamagitan ng paggamit ng mga

salitang Vulgar ay nailalabas nila ang kanilang galit, ekspresyon

at nararamdaman. Napatunayan din sa pananaliksik na ito na ang

paggamit ng mga Vulgar na Salita ay laging nakaaapekto sa mga

nakaririnig nito sa tulong ng pagsusuri tungkol sa epekto ng

paggamit ng mga Vulgar na Salita sa Relasyong Sosyal at

Pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral ng San Jose City National

Highschool.

Gayunpaman, base sa naging resulta ng pananaliksik, mayroon

iba’t ibang epekto ang paggamit ng salitang vulgar sa relasyong

sosyal at pakikipagkomunikasyon. Sa ilalim ng Relasyong Sosyal ay

ang Panlipunan, Sarili, Relihiyon, Pamahalaan, at Edukasyon. Ang

naging resulta sa epekto ng Relasyong Sosyal sa ilalim ng

68
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Panlipunan ay Nagiging Bandwagon effect na lamang ito dahil sa

tuwing nakaririnig sila ng mga salitang hindi kanais-nais ngunit

madalas ginagamit ng nakararami, nais rin nila itong gamitin.

Sumunod naman ay ang sarili na ang naging epekto naman ay madalas

na napagagaan ng paggamit nito ang kanilang pakiramdam. Ikatlo

naman ay ang Relihiyon na ang naging epekto ay lagi nilang

pinaniniwalaan na ang mga taong hindi nagmumura ay relihiyoso.

Ikaapat sa ilalim ng Relasyong Sosyal ay ang Pamahalaan na ang

naging epekto naman ay madalas na ginagaya na lang ng mga mag-

aaral ang mga salitang mura na naririnig nila mula sa isang

tanyag na opisyal at ang huli sa ilalim ng Relasyong Sosyal ay

ang Edukasyon na ang naging epekto ay laging nakatutulong na

napag-aaralan ang mga salitang Vulgar tulad ng PUTANGINA,BOBO,

TANGA, GAGO at iba pa.

Upang tuluyang masagot ang mga suliranin, kinakailangang

malaman ang naging epekto ng Salitang Vulgar sa

Pakikipagkomunikasyon. Base sa naging resulta ng pananaliksik,

lumabas na laging iniiwasan ng mga mag-aaral ang pakikipag-

usap sa mga taong nagmumura.

69
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

KONKLUSYON

Sa pananaliksik ukol sa “EPEKTO NG SALITANG VULGAR SA

RELASYONG SOSYAL AT PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG MGA MAG-AARAL NG

SJCNHS-SHS”, natugunan ang mga katanungan na gumugulo sa isipan

ng mga mananaliksik.

70
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Gayunpaman sa pananaliksik na isinagawa, natuklasan ng mga

mananaliksik na laging nakaaapekto ang mga Salitang Vulgar sa

Relasyong Sosyal at Pakikipagkomunikasyon. Natuklasan din nila

ang iba’t ibang epekto nito sa pakikipagkomunikasyon at sa

relasyong sosyal. Nalaman nila na ang epekto nito sa relasyong

sosyal sa aspeto ng Lipunan ay nagiging Bandwagon effect na

lamang ito dahil sa tuwing nakaririnig sila ng mga salitang hindi

kanais-nais ngunit madalas ginagamit ng nakararami, nais rin nila

itong gamitin. Ikalawa ay sa Sarili, ang naging epekto ng

paggamit ng Salitang Vulgar sa Sarili ay madalas na napagagaan ng

paggamit nito ang kanilang pakiramdam. Ikatlo ay sa Relihiyon,

ang naging epekto ng paggamit ng Salitang Vulgar sa Relihiyon ay

lagi nilang pinaniniwalaan na ang mga taong hindi nagmumura ay

relihiyoso. Ika-apat ay Pamahalaan, ang naging epekto ng

paggamit ng Salitang Vulgar sa Relasyong Sosyal na Pamahalaan ay

madalas na ginagaya na lang ng mga mag-aaral ang mga salitang

mura na naririnig nila mula sa isang tanyag na opisyal. Ikalima

ay ang Edukasyon, Ang naging epekto ng paggamit ng Salitang

Vulgar sa Edukasyon, ang epekto nito ay laging nakatutulong na

napag-aaralan ang mga salitang Vulgar tulad ng PUTANGINA,BOBO,

TANGA, GAGO at iba pa. Samantala ang naging epekto naman ng

paggamit ng salitang Vulgar sa pakikipagkomunikasyon ay laging

71
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
iniiwasan ng mga mag-aaral ang pakikipag-usap sa mga taong

nagmumura.

Sa pagtatapos ng Pananaliksik, natuklasanan na lagi pa ring

ginagamit ang mga salitang Vulgar sa henerasyon ngayon. Nalaman

din nila na ang bawat indibiduwal ay mayroong kaniya-kaniyang

dahilan kung bakit nila patuloy na ginagamit ang mga salitang ito

tulad na lamang ng ginagamit ito bilang Ekspresyon at sa

pamamagitan nito’y nailalabas ang galit at nararamdaman.

REKOMENDASYON

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na susubok sa ganitong

larangan ng pag-aaral na maghanap ng mga batayang impormasyon

72
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
tungkol sa Vulgar na Salita. Maaaring kumuha sa mga aklat,

internet o social network nang sa ganitong paraan napapalawak ang

pag-aaral tungkol sa mga Vulgar na salita, mas mainam kung ito ay

bago.

Makakukuha ang mga tagapanaliksik ng mga bagong impormasyon na

maaaring hindi makita sa mga nakaraang pag-aaral. Mas magiging

mahusay din ang pananaliksik kung palalawakin ang saklaw nito.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik ang pagbabasa ng maraming

kaugnay na pag-aaral kabilang na ang pamanahong papel na ginawa

ng mga mananaliksik. Ito ay maaaring basahin at gawing sanggunian

sa mga susunod pang pag-aaral ng Vulgar na Salita.

Sa panahon na isinasagawa ang pananaliksik, maraming mga

pagsubok ang kahaharapin, maaring magsabay-sabay ang mga gawain

sa iba’t ibang assignatura, magkaroon ng prolema sa mga file na

kinalalagyan ng pananaliksik, mahirapan sa paghahanap ng mga

kaugnay na literatura at pag-aaral gayundin ang pagpapakalat ng

mga talatanungan dahil sa hindi na nais ng ibang mga mag-aaral na

sagutan ito at ang pinakamahirap na kalaban sa pagsasagawa nito

ay ang pinansiyal na suporta, inirerekomenda ng mga mananaliksik

na huwag mawalan ng pag-asa. Ang problemang tungkol sa

pagsasabay-sabay ng mga gawain ay maaaring masolusyunan sa

pamamagitan ng time management at pagputol sa ugaling katamadan.

Nais ng mga mananaliksik na itaga ng mga susunod pang

73
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
mananaliksik sa kanilang isip na “time is gold” hindi na ,uling

maibabalik ang oras kaya’t huwag itong sayangin dahil kung ito’y

lumipas na, tiyaka mo pa lang pagsisisihan na hindi na hindi mo

ito ginawa ng mga panahong maluwag pa ang oras. Ang ikalawang

problemang maaring kaharapin ay ang pagkacorrup ng file ng

pananaliksik, sa ganitong uri ng problema, inirerekomenda ng mga

mananaliksik na magkaroon ng maraming kopya ang bawat isang

miyembro upang kung sakaling mawalan man ang isa ay mayrion pang

maraming reserba. Ang ikatlong problemang maaring kaharapin ay

paghahanap ng kaugnay na literatura at pag-aaral. Iminumungkahi

ng mga mananaliksik na umisip ng paksa na mayroon ng mga

mahahanap na kaugnayang literatura upang mapadali ang kailang

pananaliksik at siguraduin din na angkop at sapat ang mga

literatura na mahahanap upang masuportahan ang pananaliksik. Ang

pagpapakalat ng talatanungan naman ay maaring paghatihatian ng

bawat miyembro ang kung maari’y bantayan ang bawat respondente sa

pagsagot upang ito’y seryosohin. Ang pinansiyal na suporta ay

maaring pagipunan ng onti-onti. Kung ang isang tao’y hindi kaya

ang pagbagsak ng biglaang pera ay maaring sa simula pa lang ng

pananaliksik ay mag-ipon ng maaring ipambayad sa panahon ng

pangangailan.

Ang pinakaimportante na nais irekomenda ng mga mananaliksik

ay simulan ng maaga ang mga dapat gawin, huwag madaliin ang

74
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
paggawa at dapat huwag na huwag kalilimutan ang bawat aral na

natutunan habang at pagkatapos gumawa ng pananaliksik. Ang bawat

aral ay makatutulong sa iyong buhay, maging personal man iyan o

para sa lamang sa iyong pag-aaral.

75
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

APENDISES

A. BIBLIOGRAPIYA

Arzaga, A.A. (2019). English Profanity use among Filipino Senior


High Students and Its Impact towards Fluency and Self-Perception
Using the Language. Researchgate. Retrieved from
https://www.researchgate.net/publication/331590680_English_Profan

76
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
ity_use_among_Filipino_Senior_High_Students_and_Its_Impact_toward
s_Fluency_and_Self-Perception_Using_the_Language
Baruch Y. and Jenkins S. (2006) Swearing at work and permissive
leadership culture. University of East Anglia, Norwich, UK.
Retrieved from
https://www.researchgate.net/profile/Yehuda_Baruch2/publication/2
38326248_Swearing_at_work_and_permissive_leadership_culture_When_
anti-
social_becomes_social_and_incivility_is_acceptable/links/5c99ead2
a6fdccd4603b1ab0/Swearing-at-work-and-permissive-leadership-
culture-When-anti-social-becomes-social-and-incivility-is-
acceptable.pdf
Cavazza, N. et.al. (2014). Swearing in Political discourse:why
vulgarity works. Journal of Language and Social Psychology. Retrieved
from
https://www.researchgate.net/publication/262010156_Swearing_in_Political_Discourse_Why_Vulgarity
_Works
Dewaele, J.M. (2016). Self-reported frequency of swearing in
English: do situational, psychological and sociobiographical
variables have similar effects on first and foreign language
users? Journal of Multilingual and Multicultural Development.
Retrieved from https://eprints.bbk.ac.uk/15640/3/15640.pdf
Dubow E., Boxer P. and Huesmann R. (2009) Long-term Effects of
Parents’ Education on Children’s Educational and Occupational
Success: Mediation by Family Interactions, Child Aggression, and
Teenage Aspirations. Wayne State Univ Press. Retrieved from
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2853053/
Eccles J. (2005) Influences of parents’ education on their
children’s educational attainments: the role of parent and child
perceptions. University of Michigan, USA. Retrieved from
https://www.ingentaconnect.com/contentone/ioep/clre/2005/00000003
/00000003/art00002?crawler=true
Glover, M.B. et.al. (2008). Youth swearing a curse on the rise.
Chicago Tribune. Retrieved from
https://www.google.com/amp/s/www.chicagotribune.com/news/ct-xpm-
2008-03-02-0803010114-story,amp.html
Januarto A. (2017) SWEARING IN MILLER’S DEADPOOL: A
SOCIOLINGUISTIC STUDY. Yogyakarta State University. Retrieved
from https://core.ac.uk/download/pdf/132421426.pdf

77
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Jay, T.(2009). Do Offensive Words Harm People. Massachusetts
College of Liberal Arts. Retrieved from
https://www.mcla.edu/Assets/uploads/MCLA/import/www.mcla.edu/Unde
rgraduate/uploads/textWidget/1457.00018/documents/DoWordsHarm.pdf
 Kehoe, A. (2018). New research reveals religious profanity and
homophobic terminology among the most common swearwords used
online. School of English Birmingham City University The Curzon
Building 4 Cardigan Street Birmingham B4 7BD United Kingdom.
Retrieved from https://www.bcu.ac.uk/english/news/new-research-
reveals-religious-profanity-and-homophobic-terminology-among-the-
most-common-swearwords-used-online
Patern, M. (2013). Are there religious swear words in English the
way there are in French-speaking Québec (like “Câlisse!”)? Stack
Exchange Inc.
https://english.stackexchange.com/questions/143376/are-there-
religious-swear-words-in-english-the-way-there-are-in-french-
speaking?
fbclid=IwAR3LSP19P5dXVGyhZT5aHl6wWSUa19nfEsBKmz0y3FMuE1dqjUBZHyE6
phE
Staake, J. (2019) When a Student Drops the F-Bomb: Dealing With
Cursing in the Classroom. Weareteachers. Retrieved from
https://www.weareteachers.com/cursing-in-the-classroom/
Stapleton, K. (2003). Gender and Swearing: A Community
Practice. Women and Language, 26(2), 22-33. Faculty of Arts,
Humanities & Social Sciences. Retrieved from
https://pure.ulster.ac.uk/en/publications/gender-and-swearing-a-
community-practice-3
Stephens, R. at Umland, C. (2011). Swearing as a Response to
Pain—Effect of Daily Swearing Frequency. School of Psychology,
Keele University, Staffordshire, United Kingdom. Retrieved from
https://www.bioestadistica.uma.es/baron/bioestadistica/articulos/
swearingPain.pdf
Sutherland, K. S., Wehby, J. H., Yoder, P. J. (2002). Examination
of the relationship between teacher praise and opportunities for
students with EBD to respond to academic requests. Journal of
Emotional and Behavioral Disorders. Retrieved from
https://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1177/0198742917704648?
journalCode=bhda

78
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Towns, E. (2005). The Growth of Cursing. Bible sprout. Retrieved
from https://www.biblesprout.com/articles/salvation/sin/cursing/?
fbclid=IwAR3JU5wwYUfkPVc9yhPtJZt9R152jzyryC5YqLegKig7wp7qg1lZyPPy
kIo
Vingerhoets, A. et.al. (2013). Swearing: A biopsychosocial
perspective. Department of Medical and Clinical Psychology,
Tilburg University, P.O. Box 90153, 5000 LE Tilburg, The
Netherlands. Retrieved from
file:///C:/Users/YOGA500/Downloads/8_Vingerhoets_et_al_Swearing_P
T_22_2_2013%20(5).PDF

79

You might also like