You are on page 1of 4

HOLY CHILD ACADEMY

Poblacion, Bustos, Bulacan, 3007


Tel. No. (044) 802 – 5941

Subject: Araling Panlipunan 9


Grade Level: 9
Unit Topic: Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Quarter: III

Nailalalarawan ang kaugnayan


Pagsulat ng Sanaysay
sa isa’t isa ng mga bahaging
bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya

Ang mag-aaral ay
nakapagmumungkahi ng mga
pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng
kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran

Nailalalarawan ang paikot na Matutukoy ang bahaging


daloy ng ekonomiya ginagampanan ng mga bumubuo
Unit Topic:
sa paikot na daloy ng ekonomiya
Ang Paikot na Daloy ng
Ekonomiya

Naipamamalas ng magaaral ang


pag-unawa sa mga pangunahing
kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya bilang
kabahagi sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran
UNIT STANDARDS AND COMPETENCIES DIAGRAM

Inihanda ni: Gng. Yna Jessica M. Patani


Guro sa Asignaturang Araling Panlipunan 9
Naitala ni:
Punong-guro
Gng. Teresita D. Santiago

LEARNING PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 9

UNIT TOPIC:
Week 1 Paikot na daloy ng ekonomiya
December 6-10, 2021 Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay binubuo ng iba’t ibang modelo at sektor na
may magkakaugnay na gampanin. Sa iyong palagay, ano-ano ang pagkakaiba-iba ng
limang modelo at paano ito makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya?

Mga link:
https://www.youtube.com/watch?v=tkXP27V5NCI
https://www.youtube.com/watch?v=z7gZBizADHU

Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nailalalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya.

KASANAYANG TUKLASIN
PAMPAGKATUTO
Ang mag-aaral ay Paunang Pagtataya
inaasahang: Panuto. Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang makabuo ng mga salitang may
1. Nailalalarawan ang kaugnayan para sa tatalakaying modyul. Isulat ang mga nabuong salita sa sagutang papel.
paikot na daloy ng
ekonomiya 1. Nagbebenta ng kalakal at paglilingkod.
LBEMA
MAKHLAYN
KALKA

2. Salapi o pera na sinisingil ng pamahalaan upang kumita.


WUBIS

3. Tagatustos ng mga salik sa produksiyon.


HAYBA
SAMAN

4. Nagbibigay ng mga pampublikong paglilingkod para sa sambayanan.


HAMAA
NPAAL

5. Pagpasok ng mga produktong galing sa ibang bansa.


ORTPIM

SURIIN
Gawain. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod ay wasto kung mali ay palitan ang
pahayag upang maging tama. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

1. Ang makroekonomiks ay sumasaklaw sa mga gawain ng kabuuang ekonomiya ng isang


bansa.
2. Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya ay ang simpleng modelo ng ekonomiya na may
dalawang sektor; ang sambahayan at bahay-kalakal.
3. Ang bahay-kalakal ay may tunguhin na paunlarin ang kanilang produksiyon.
4. Ang panlabas na sektor ay may gawaing pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at
serbisyo sa loob ng bansa.
5. Ang paglago ng ekonomiya ang tanging tunguhin ng pag-aaral ng ekonomiks.
6. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.
7. Ang halaga ng lahat ng gastusin ng mga sektor ng ekonomiya sa kanilang kinita ay
parehas.
8. Mahalagang gastusin ng sambahayan ay ang pamumuhunan.
9. Isa sa mahalagang gawain ng pamahalaan ay ang pangongolekta ng buwis sa mga kinita
ng sambahayan at bahay-kalakal.
10.Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nasa ekwilibriyo.

Link: https://hcans-academy.com/teacher/assessment

PAGYAMANIN
Gawain: Word Scramble
Panuto. Ayusin ang mga ginulong letra sa puzzle box. Kung maisasaayos mo nang tama
ang mga letra ay may mabubuo kang salita.

1. Isang pook kung saan pumupunta ang mga tao at ang mekanismo na kung saan nagtatagpo
ang konsyumer at prodyuser.
2. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.
3. Gumagamit ng salik ng produksiyon na nagmula sa sambahayan upang gawaing produkto
at serbisyo.
4. Sumisingil ng buwis upang kumita at makalikha ng pampublikong paglilingkod.
5. Tumatanggap ng kita sa bahay–kalakal bilang kabayaran sa itinustos nilang salik ng
produksiyon.

Gawain: Fill in the blanks


Panuto. Isulat sa sagutang papel ang tamang salita na bubuo sa pangungusap.

1. Sa ikalawang modelo, ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng


_____________.
2. Bilang paghahanda sa hinaharap, ang mamimili ay _____________.
3. Upang matatag ang ekonomiya, kailangang may sapat na ipon ang _____________.
4. Ang _____________ ay nagluluwas ng mga produkto sa panlabas na sektor.
5. Nagbebenta ang bahay-kalakal ng mga tapos na produkto at paglilingkod sa
____________.
6. Nag-iimpok ang sambahayan at umuutang ang bahay-kalakal sa _____________.
7. Ang mga _____________ay nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at ng bahay-
kalakal.
8. Sa ikalawang modelo ang _____________ ay may demand sa produkto ngunit wala itong
kakayahang lumikha ng produkto.
9. Ang _____________ ay may kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at
serbisyo sa ibang bansa.
10.Sa ikatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang _____________ ay hindi
orihinal na mga gawaing pang-ekonomiya.

Link: https://hcans-academy.com/teacher/assessment
ISAGAWA
Gawain: Paggawa ng sanaysay
Panuto: Ipaliwanag kung saang bahagi maaring ilagay sa paikot na daloy ng ekonomiya
ang mga sumusunod.

1. Utang Panlabas ng Pilipinas


2. Manggagawang Pilipino sa labas ng bansa
3. Black Market
4. Paupahang Bahay
5. Pagsasananay sa mga manggagawang Pilipino

Tandaan: Ang iyong output ay mamarkahan gamit ang Rubric sa ibaba.

Inihanda ni: Binigyang pansin:

YNA JESSICA M. PATANI TERESITA D. SANTIAGO


Guro sa Araling Panlipunan Punong-guro

You might also like