You are on page 1of 5

Ugnayan

Politika Negosyo

Kalinangan Globalisasyon Teknolohiya

Integrasyon Kalakalan
Herarkiya
Mabuti

Negosyo
Dahil sa epekto ng globalisasyon, samu't sari ng negosyo ang
naipapatayo at namumuhunan sa bansa. Marami ring tao ang
nagkakaroon ng trabaho kaya sa mga kita at buwis palang ng
mga tao, umuunlad na ang ekonomiya ng bansa.

Teknolohiya
Ang teknolohiya ay parte na ng ating buhay, malaki ang
naitutulong nito sa ating mga tao at sa ating bansa sa araw-
araw na ginawa ng Diyos. Kung hindi dahil sa globalisasyon,
hindi tayo magkakaroon ng kamalayan na may teknolohiya
pala. Hindi naman kasi sa Pilipinas nagsimula ito at minulat
lang tayo ng ibang lahi sa kung anong mga magagandang
dulot at tulong ang maibabahagi ng teknolohiya.

Kapag ang isang bansa ay nakipag ugnayan sa isa pang bansa.


Ugnayan Lalaki at liliit ang mundo nito. Lalaki ito sapagkat lumalawak ang
pananaw ng mga tao sa ibang pang kaalaman na nanggagaling sa
ibang mga lahi. At liliit naman dahil napapadali ang komunikasyon
sa pagitan ng mga tao saan man sa sulok ng mundo.

Integrasyon
Sa pamamagitan ng globalisasyon, ang kaalaman ng mga taga
ibang bansa at mga tao dito sa ating bansa ay napagsasama.
Mapatungkol man sa ekonomiya, kultura, kalakalan at iba pa. At sa
pinagsanib pwersang mga kaalaman na ito, lahat ng bansa ay may
access dito at pwede nilang gamitin para umunlad ang kanilang
teritoryo. Malawak na kaalaman, malawak na pagpapaunlad.
Masama

Sa unang sulyap ay masasabi natin na ang kultura ay isang


magandang dulot ng globalisasyon, totoo naman. Ngunit dahil sa
Kalinangan paglaganap ng kultura ng iba, nakakalimutan na ng karamihan
ang sariling kultura nila. Nakakalimutan na nila ang kanilang
pinanggalingan. Na para bang nagpalamon sila sa kultura ng
ibang lahi at kinalimutan kung sino ba talaga sila.

Sa pamamagitan ng politika, napaguugnay nito ang iba't ibang bansa.


Politika Ang kani kanilang presidente bilang kinatawan. Ngunit kahit mayroong
samahan na namumuo. Mayroon ring traydoran, terorismo at iba pang
masamang pangyayari. May mga pangyayari na minsan ay
namamanipula ng mga taga ibang bansa ang gobyerno ng isa pang
bansa na nagdudulot sa kahirapan ng nakokontrol, at mas marami
pang kapangyarihan sa bansang nagmamanipula.

Kalakalan Import at Export. Tayong mga Pilipino, kumikita ang ating bansa sa
tuwing nagpapadala tayo ng mga produkto sa ibang bansa.
Pinapalago rin nito ang ating ekonomiya. Ngunit dahil tayo ring
mga Pilipino ay may ugaling mas pinipili pa ang mga produkto
galing sa ibang bansa kesa sa sariling atin. Lumalaki ang gastos ng
Pilipinas upang makabili lang ng mga imported na produkto na
nagreresulta sa pagbaba ng ekonomiya.

Herarkiya
Sa patuloy na pagpapatayo ng negosyo ng mga taga ibang bansa
dito sa Pilipinas. Lumalala ang herarkiya sapagkat ang nasa taas
ng pyramid ay mas lalong yumayaman at ang mga nasa ibaba
naman ay mas lalong naghihirap. Hindi matapos tapos na
kahirapan.

Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng mga salita?


Kung susuriin ng mabuti ang mga salitang aking binigay, ilan sa
mga salita na ito ay may kaugnayan sa mga dahilan kung
papaano nakakabuti at nakakasama ang globalisasyon. Hindi lang
sa isang bansa kundi sa buong mundo. Tulad na lamang ng mga
salitang negosyo at teknolohiya. Sila ay mabuting dulot ng
globalisasyon dahil marami itong natutulungan na mga tao. Hindi
lang tao ngunit ekonomiya rin ng bansa. Samantalang ang mga
salitang kalinangan, politika, at kalakalan naman ay mga salitang
nagpapatunay na ang globalisasyon ay may masamang dulot rin
dahil nakakalimutan ng karamihan ang pinanggalingan dahil dito.
Mayroon ring mga salita na may kaugnayan sa mga epekto na
dulot ng globalisasyon. tulad na lamang ng mga salitang ugnayan
at integrasyon. Dahil sa globalisasyon, mayroong mga ugnayan,
pagkakaisa, pagsasama na nabubuo. Mas napapalawak ang
kaalaman at komunikasyon. Samantalang ang herarkiya naman ay
dulot ng globalisasyon na sa unang dinig pa lang ay masama na
agad sapagkat madaming mahihirap ang mas lalo pang
nagdudusa. Sapagkat halos lahat na lang ng nakikinabang ay ang
mga na sa taas ng lipunan.

Ano sa inyong palagay ang maaring gawin ng upang matamo ng bansa


ang mabubuting epekto ng globalisasyon at maiwasan ang hindi
mabubuting epekto nito?
Unang una sa lahat, matatamo ng bansa ang mabubuting epekto
ng globalisasyon sa pamamagitan ng pag alam kung pano
lumingon sa pinanggalingan. Sa pagtangkilik ng sariling atin.
Mapaprodukto man yan, kultura o iba pa. Naipakita mo na nga ang
pagmamahal sa sariling bansa, umunlad pa ang ekonomiya.
Pangalawa ay sumunod sa mga patakaran na ipinapatupad ng
gobyerno lalong lalo na sa mga batas na may kaugnayan sa
karapatang pantao at pagkakapantay-pantay ng lahat. Kung may
pandaraya mang nagaganap, ipaglaban natin. Maiiwasan naman
natin ang hindi magagandang epekto nito sa pamamagitan ng
pagpapakita ng pagmamahal sa sariling bansa at pagiging
makabayan. Bakit? Sapagkat sa oras na lahat ng tao sa isang
bansa ay natuto na ipakita sa gawa ang pagmamahal sa kanilang
bansa, gagawin at gagawin nila ang lahat upang hindi maalis sa
kanilang dugo kung sino ba talaga sila. Gagawin nila ang lahat
upang hindi sila maapektuhan ng sobra sobra ng mga ibang lahi
hanggang umabot sa punto na makakalimutan na ang sariling
kultura at bansa.

You might also like