You are on page 1of 27

K Kindergarten

Ikalawang Markahan – Modyul 2:


Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Bawat Pamilya
Subject Area – Kindergarten
Self-Learning Module (SLM)
Ika-apat na Markahan – Modyul 2: Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Bawat Pamilya
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Module


Writers: Lovelyn P. Sevilla, Leah E. Lopez, Genalyn T. Patana
Editor: Jackie A. Ochinang
Reviewer: Mary Ann C. Umadhay
Illustrator: Genalyn T. Patana
Layout Artist: Lovelyn P. Sevilla, Leah E. Lopez, Genalyn T. Patana
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Carlito D. Ricafort, CESO V – Regional Director
Rebonfamil R. Baguio, CESO V – Assistant Regional Director
Name of Schools Division Superintendent- Miguel P. Fillalan Jr., CESO VI
Name of Assistant Schools Division Superintendent – Diosdado F. Ablanido, CPA
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Name of REPS – Jade T. Palomar
Name of CID Chief- Arlene Rosa G. Arquiza
Name of Division EPS In Charge of LRMS- Ma. Dianne Joy R. Dela Fuente
Name of Division ADM Coordinator- Jesus De Gracia
Name of EPS – Subject Area Supervisor - Mary Ann C. Umadhay

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa magulang:
Ang modyul na ito ay inihanda para sa pagbubukas ng klase bilang tugon sa kabila ng
pandemya at upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng iyong anak sa mga kasanayang
dapat niyang makamtan. Upang ating tuluyang makamit ang minimithing pagkatuto
inaasahan po namin na kayo ang magiging kaagapay upang maipag-ibayo ang
kakayahan at kaalaman na napapaloob sa modyul na ito.
Idokumento ang ginagawa ng iyong anak sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato o video
upang maging basihan na siya ang gumagawa ng mga gawain. Ang lahat ng iyong
dinukumento ay iyong iipunin kasama ang mga Worksheets na sinagutan ng iyong anak.
Ibibigay ito sa kanyang guro at ito’y magsisilbing basihan ng kanyang pagkatuto.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay inihanda namin para sa iyo upang tulungan kang linangin ang
iyong kakayahan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng tuwid na linya at pagbubukud-bukod
ng mga bagay ayon sa hugis.
Gagawin mo nang buong tapat at husay ang bawat gawain sa modyul na ito sa tulong ng
taong gagabay sa iyo. Gawing gabay ang mga halimbawa sa bawat pagsasanay.
Alamin
Magandang araw! Narito ako upang ibahagi ang bagong kasanayan na lubhang
mahalaga sa iyong pag-aaral.
Sa modyul na ito tatalakayin natin ang sumusunod na aralin:

Aralin 1: Kuwento: “Ang Malaking Pamilya ni Ema”


Aralin 2: Pagkakaiba ng Bawat Pamilya
Aralin 3: Pagkakatulad ng Bawat Pamilya
Aralin 4: Pagmamahal sa mga Kasapi ng Pamilya at Nakatatanda
Aralin 5: Titik Ss
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, malilinang saiyo ang mga sumusunod
nakaalaman at kasanayan;
• Nailalarawan kung paano nagkakaiba at nagkaktulad ang bawat pamilya.
• Naipakikita ang pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya at sa nakatatanda.
• Nakikilala ang mga titik ng alpabeto (Titik Ss).

1
Aralin
Kuwento: “Ang Malaking Pamilya ni Ema”
1
Magandang araw! Muli na naman tayong magsasama para sa mga bagong aralin na
tiyak kong madali mong matututunan.
Mga Gawain Bago ang Pagbabasa ng Kuwento
1. Paghahawan ng Balakid
a. Malaking Pamilya- grupo ng mga tao na magkakaugnay sa dugo at
madalas na nakatira sa isang bahay
b. Miyembro- bumubuo sa bawat grupo
2. Pagganyak
a. Sino-sino ang bumubuo sa malaking pamilya ni Ema?
3. Pangganyak na Tanong
a. Sino-sino kaya ang mga nasa larawan?
Ngayon ay magbabasa tayo ng kuwento tungkol sa isang pamilya. Ang
kuwentong ating babasahin ay pinamagatang “Ang Malaking Pamilya ni Ema”.
Ito ay kuwento at guhit ni Jane Paulyn B. Mesina.

2
Kuwento: Ang Malaking Pamilya ni Ema
Kuwento at Guhit ni: Jane Paulyn B. Mesina

Ito si Ema. Siya ay may malaking pamilya.


Bukod kasi sa kanyang nanay, tatay, ate,
kuya at bunsong kapatid,kasama rin niya sa
bahay sina lolo, lola, tito
at tita.Sa kanilang tahanan, may kani-kanilang
tungkulin na ginagampanan ang bawat
miyembro ng pamilya. Napansin ni Ema, araw-
araw ay palaging abala ang lahat. Tila ba
nawawalan na sila ng oras at atensyon sa
kanya.
Isang araw pagkagaling sa eskwela,
naisipan ni Ema na hindi na umuwi ng bahay
at mamasyal muna.

3
Gawain Habang Nagbabasa ng
Kuwento Lingid sa kanyang kaalaman,
Itanong sa iyo ng anak: napansin na pala ng kanyang nanay
a. Bakit kaya naisipan ni Ema na na hindi pa siya nakakauwi mula sa
hindi muna umuwi kaagad ng
eskwela. Nag-aalala na pala ang lahat
bahay pagkatapos ng
eskwela? sa kanya. Nang makarating si Ema sa
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng kanyang bahay, Nakita n’yang nag-
kuwento. aalala ang lahat sa kanya ng
“ Hindi naman nila ako pagkawala. Gulat na gulat siya at
mapapansin kung hindi agad ako sabay sabi….
uuwi dahil lagi naman abala ang “Patawarin niyo po ako sa aking
lahat.” Ang katwiran ni Ema nagawa.“Nalungkot lang po kasi ako,
sasaglit lang siya sa parke at dahil palagi kayong abala.”
maglalaro sa palaruan. “Kaya naisipan ko pong mamasyal”.
Ngunit nalibang si Ema at di Ang paliwanag ni Ema.
napansin ang oras na hapon “Anak, huwag mo nang uulitin yon.
napala! Nagmadaling umuwi si Labis kaming nag- aalala sayo.” Ang
Ema sa kanilang bahay. sabi ni nanay.

4
“Ginagawa namin ang mga Sa paraang iyon, ay napapasaya
gawaing ito para sa inyo ng mga niya ang kanyang pamilya at
nagkakaroon sila ng oras sa isa’t -isa.
kapatid mo. At para maibigay ang
Naisip niya ang kanyang pamilya ang
pangangailangan ng ating pamilya,”
pinakamahalaga sa lahat.
ang paliwanag ni tatay. “Tama ang
Mga Gawain Pagkatapos Basahin ang
iyong nanay at tatay nagtutulong-
Kuwento
tulongang lahat para sa ikabubuti
ng buong pamilya,” dugtong ng Panuto: Ihanda ang sarili at sagutin
tito.“Mahalaga ang bawat miyembro ang mga katanungan.
ng pamilya natin.” Sabay sabi ng tita a. Sino-sino ang bumubuo sa
niya. Kaya mula noon tumutulong na malaking Pamilya ni Ema?
si Ema sa kanyang pamilya sa mga b. Mahal ba si Ema ng kanyang
pamilya?
gawaing bahay.
c. Ano ang masasabi mo sa
pamilya ni Ema?

5
Karagdagang Gawain
Panuto 1: Kulayan ang larawang Panuto 2: Lagyan ng kahon ( )ang
nagpapakita ng wakas ng kuwento. larawan ng pamilya na katumbas ng
nasa kuwento.

Aralin
2 Pagkakaiba-iba ng Bawat Pamilya

Tuklasin

6
Suriin

Ang pamilya Reyes at pamilya Abdullah ay magkaiba sa apelyido at bilang ng


miyembro.

Nagkakaiba-iba din sa uri ng hanapbuhay at kita ang bawat pamilya. May parehong
nanay at tatay ang nagtatrabaho kaya mas malaki ang kita para sa pamilya. May iba
naman na tatay lang ang naghahanpbuhay at ang nanay ang namamahala sa mga
gawaing bahay.

7
Pagsasaka ang Kapwa pulis ang Nagmamaneho ng Pag-aalaga ng may
hanapbuhay ng aking mga traysikel ang tatay at sakit ang
aking tatay. magulang. ang nanay naman hanapbuhay ng
ang gumagawa ng nanay dahil ito ay
mga gawaing nars.
bahay.

Ang bawat pamilya ay nagkakaiba-iba sa bilang ng miyembro, apilyedo, relihiyon,


trabaho, at kita.

Pagyamanin

Panuto: Lagyan ng tsek ( )


ang larawang nagpapakita ng
malaking pamilya at kulayan
ang maliit na pamilya.

8
Isagawa

Gupitin ( ) ang tamang mga


larawan at idikit ito sa loob ng
kahon upang makabuo ng isang
pamilya.

Isaisip Katanungan: Paano nagkakaiba-iba ang bawat pamilya?


Kasagutan: Ang bawat pamilya ay nagkakaiba-iba sa
bilang ng miyembro nito, apilyedo, relihiyon, trabaho, at kita.

Subukin
Panuto: Alin sa mga sumusunod ang
parehong kailangan ng dalawang pamilya
na nasa loob ng kahon? Iugnay ang larawan
mula sa kahon patungo sa pangunahing
pangangailangan ng pamilya.
9
Aralin
3 Pagkakatulad ng Bawat Pamilya

Tuklasin

Panuto: Gupitin( ) ang mga larawan upang makabuo ng dalawang pamilya na may
magkatulad na bilang ng miyembro. Idikit ito sa loob ng kahon na nasa kaliwa.

Pamilya Reyes Pamilya Castro

10
Suriin

Panuto: Basahin at
ipaliwanag sa anak
ang mga pagkakatulad
ng bawat pamilya.

Magkaiba man sa apelyido ang dalawang pamilya, sila ay magkakatulad sa dami ng


miyembro, pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, damit, at
pagmamahal na madalas na naipakikita sa pamamagitan ng pagtutulungan .

Pagyamanin
Panuto: Ikabit sa kahon ng
pamilya ang mga larawang
naaayon sa pagkakatulad ng
mga ito sa pangangailangan.

11
Isaisip
1. Katanungan: Sa anong aspeto nagkakatulad ang bawat pamilya .
Kasagutan: Ang bawat pamilya ay maaaring nagkakatulad sa bilang ng miyembro
nito, pangunahing pangangailangan at pagmamahal sa isat-isa.
2. Katanungan: Ano-ano ang pangunahing pangangailangan ng pamilya?
Kasagutan: Ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ay tirahan, pagkain
at damit.

Isagawa
Panuto: Kulayan ang larawang nagpapakita ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
pamilya.

3.

12
Subukin

Lagyan ng tsek( ) ang mga larawang nagpapakita ng


pagmamahal sa kasapi ng pamilya at nakatatanda.

13
Aralin Pagmamahal sa mga Kasapi ng Pamilya at
4 Nakatatanda

Tuklasin
Para malinang ang iyong kakayanan, panoorin ang isang video
presentation at pakinggan mong mabuti ang kuwento.

Ang Batang si Sam


Isinulat ni: Honeybie Anunciado
Iginuhit ni: Nolie Rose Bugahod-Quiñones

Isang araw bumisita si sina Sam at ang kanyang


magulang sa kanilang Lolo Serapyo at Lola Senda. Nang
dumating ay binati ni Sam ang kanyang Lolo at Lola at
agad-agad siyang nagmano.
“Magandang araw po, mano po lolo at lola”. Hinalikan ni
Sam ang kanyang lolo at lola.Nagyakapan ang buong
mag-anak.

14
Binigyan nila ng pasalubong ang kanilang lolo at lola.
Masayang masaya ang mga matanda. Binigyan din si Sam
ng kanyang lolo at lola ng isang laruang saranggola masayang
masaya si Sam. “Maraming Salamat po lolo at lola. Napaganda
po nito.”
Maya-maya ay dumating ang kanyang pinsan na si Sahid.
Sila ay naglaro, hiniram ni Sahid ang kanyang laruan, ngunit
ayaw magpahiram ni Sam at umiiyak pa siya.
Tinawag si Sam ng kanyang nanay at tatay sinabihan siya
na huwag maging madamot, agad naming sinunod ni Sam
ang payo ng kanyang magulang at humingi ng tawad ky Sahid.
Sorry Sahid…. Halika!! Laro na tayo, wika ni Sam.
Salamat Sam, sagot ni Sahid.
“Walang anuman Sahid.” Sagot ni Sam
Habang naglalaro nakita nina Sam at Sahid na naghahanda ng tanghalian ang
kanilang lola at nanay. Agad-agad naman silang tumulong sa pamamagitan ng
paglagay ng plato, kutsara, tinidor at baso sa mesa. Tuwang-tuwa ang buong mag
anak sa ipinakitang kabaitan nina Sam at Sahid. Masaya ang buong pamilya Santos.

15
Suriin
Sagutin natin ang mga katanungan tungkol sa ating kuwento.
1. Sino-sino ang mga tauhan?
2. Ano ang ginawa ni Sam pagdating sa bahay ng kanyang lolo at lola?
3. Ano ang sinabi ni Sam nung binigyan siya ng kanyang lolo at lola ng laruan?

Panuto: Basahin at ipaliwanag sa anak ang iba’t-ibang paraan ng pagpapakita ng


pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya at nakatatanda.
Ang pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya at sa nakatatanda ay maipakikita sa
pamamagitan ng:
• pagsunod nang maayos sa mga utos at kahilingan
• pagmamano o paghalik
• paggamit ng magagalang na pagbati o pananalita
• pagsasabi ng mga salitang may pagmamahal (I love you Papa/Mama)
• pagsasabi ng “Hindi ko po sinasadya”, “Salamat po”, at “Walang anuman” kung
kinakailangan

16
Pagyamanin

Panuto: Kulayan ang masayang


mukha kung ang larawan ay
nagpapakita ng pagmamahal at
lagyan ng ekis (x) ang malungkot na
mukha kung ang larawan ay hindi
nagpapakita ng pagmamahal.
Gamitin ang worksheet.

Isaisip

Magulang: Lagi nating iparamdam sa ating nanay,tatay, mga kapatid, at mga nakatatanda ang
ating pagmamahal sa pamamagitan ng paggalang, pagiging masunurin, matulungin, mapagbigay,
pakikinig sa sinasabi nila, pasasalamat, at paghingi ng tawad kapag nagkamali na maaaring may
kalakip na yakap o halik.

17
Isagawa

Panuto: Bilugan ang tamang sagot. Gamitin ang nakalaang worksheet.


1. Binigyan ka ng tita mo ng paborito mong laruan. Ano ang sasabihin mo?
a. Ayaw ko nyan b. Maraming salamat po
2. Nasira mo ang laruan ng kalaro mo. Ano ang dapat mong gawin?
a. Sabihin ang, “Sorry hindi ko sinasadya.” b. Itago sa ilalim ng mesa.
3. Isang umaga nakasalubong mo ang isang guro. Ano ang dapat mong sabihin?
a. Wala lang b. Magandang umaga po.

Subukin
Panuto: Kulayan ang mga larawang nagsisimula sa tunog /s/.

18
Aralin
Titik Ss
5
Tuklasin
Panuto: Hanapin ang titik Ss at bilugan ( )ito.

Suriin
sando
suso
Panuto: Sabihin sa bata na sapatos
ang tunog ng titik Ss ay /s/ at sipilyo
ipakilala ang mga larawang
nagsisimula sa tunog na ito. sili
susi saging
sabon

19
Panuto: Bakatin ang malaki at maliit na titik Ss.

Pagyamanin
Panuto: Isulat ang maliit
na titik s sa patlang.

Isaisip
Katanungan: Ano ang tunog ng titik Ss?
Kasagutan: /s/
Katanungan: Ano – ano ang mga bagay na nagsisimula sa titik Ss?
Kasagutan: Ang mga bagay na nagsisimula sa titik Ss ay sapatos, sipilyo, susi, salamin,
suklay, saging, sampu, sando, suso, sabon at sili.

20
Isagawa
Panuto: Gumupit ( ) ng mga tuyong dahon at idikit ang mga ito sa loob ng titik Ss
upang makabuo ng mosaic.

21
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito
ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like