You are on page 1of 20

K Kindergarten

Quarter 2 – Module 6 :
Use polite Greetings and Courteous
Expressions in Appropriate Situations.
Subject Area – Kindergarten
Self-Learning Module (SLM)
Quarter 2 – Module 6
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.
Development Team of the Module
Writers: Joelly Cyndel Gay R. Remando, Shinichi V. Deles, Resa Dee R. Santos, Rona Faith D. Jucoy
Editor: Resa Dee R. Santos
Reviewers: Garelene Agnes V. Dona-al, Leah F. Tingson
Illustrator: Joselito C. Asperga, Roleen Rhea Cambarijan
Layout Artist: Resa Dee R. Santos
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Carlito D. Rocafort, CESO V – OIC Regional Director
Rebonfamil R. Baguio, CESO V – OIC Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CEO VI - Schools Division Superintendent
Nerissa A. Alfafara - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jade T. Palomar – REPS Supervisor
Donna S. Panes – Division Chief CID
Judith B. Alba - Division EPS In Charge of LRMS
Garelene Agnes V. Dona-al – Division Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang araling ito ay nagtatalakay tungkol mga magagalang na salitang ating


ginagamit. Ang mga salitang ito ay ilan lamang sa mga ginagamit upang maipakita
ang paggalang at pagrespeto sa mga nakatatanda at sa lahat ng mga taong ating
nakakasalamuha.
Mapag-uusapan din sa araling ito kung kailan nararapat gamitin at kung ano ang
kahalagahan nang paggamit ng mga magagalang na salitang ito.

Subukin
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at sabihin kung anong magalang na pananalita ang
nararapat sabihin.
1. Isang umaga ay nakita mo ang iyong guro. Ano ang iyong sasabihin?
2. Gusto mong ipaabot ang ulam dahil malayo ito sa iyo. Ano ang iyong sasabihin?
3. Binigyan ka ng kendi ng iyong kalaro. Ano ang iyong sasabihin?
Inaasahang sagot ng bata: (in any order ayon sa pagkakahinto ng lapis)
1. Magandang umaga po teacher.
2. Pakiabot po ng ulam.
3. Salamat po.

5
Lesson Magkuwentuhan Tayo: Ang Espesyal na
1 Bisita
(Pre-Reading Activities)
Mga Gawain Bago ang Pagbabasa ng Kuwento Panimulang Gawain:
1. Paghahawan ng Balakid
Magulang: Ngayon ay magbabasa tayo ng kuwento ngunit bago tayo magsimula, ang mga sumusunod na mga
salita ay dapat nating maintindihan sapagkat ito ay mababasa natin mula sa ating kuwento. a. dukha- mahirap o
walang-wala
b. espesyal- mahalaga o importante
c. learning pack – mga modyul

2. Pagganyak
Itanong ang sumusunod.
a. Nagkaroon na ba kayo ng isang espesyal na bisita?
b. Sinu-sinong mga espesyal na bisita ang pumunta sa bahay ninyo?
c. Ano ang iyong pakiramdam kapag malaman mo na may espesyal na bisita na darating sa inyong bahay?
d. Ano kaya ang naramdaman ng tauhan sa kuwento nang malaman niya na may espesyal na bisita na
darating sa kanilang bahay?

Aalamin natin ito sa babasahing kuwento.

Ang kuwentong ating babasahin ay pinamagatang Bisita Espesyal. Ito ay sulat ni Maria Montserrat C. Magdael at
guhit ni Beatriz Valeros Bagumbaran-Kabalu.

6
Masiglang bata si Troy.
BISITA ESPESYAL Lahat ng matatanda
Isinulat ni: Maria Montserrat C. Magdael sa kanilang
Iginuhit ni: Beatriz B. Kabalu barangay ay
kinagigiliwan siya.

Isang umaga, hindi


mapakali si Troy sa
kanilang bahay.
Mayroon kasi silang
espesyal na bisita.

“Tao po, tao po!” may


isang babaeng
Kumakatok sa kanilang
bahay. May dala-dala
siyang mga
kagamitan.
7
Binuksan ng nanay ni Troy
ang pinto at tinawag sya, “Wow! Totoo
“Troy, halika na, nandito nga ang sinasabi
na ang ating espesyal na ng inyong mga
bisita na maghahatid ng kapitbahay. Ikaw
iyong modyul.” ay isang
magalang na
Dali daling tumakbo si Troy
bata. Hindi lang
papunta sa kanyang
magalang,
nanay at masayang
magiliw at bibo
kumaway sa kanilang
pa,” sambit ni
panauhin, Inilagay ng
Teacher Noraisa.
babae ang kanyang bitbit
na learning pack sa
upuan sa labas ng bahay Buong
nila troy. pagmamalaki
namang ngumiti
“Magandang umaga po ang nanay at
Teacher Noraisa. tatay ni Troy sa
Maraming salamat po sa kanilang narinig.
paghatid ng modyul,”
masiglang bati ni Troy.
8
(Post-Reading Activities)
Mga Gawain Pagkatapos Basahin ang Kuwentong ating Napakinggan

Itanong ang mga sumusunod na mga katanungan.


1. Sino ang bata sa kwentong ating napakinggan?
Inaasahang sagot ng bata: Ang bata sa kwentong atong napakinggan ay si Troy.
2. Sino ang espesyal na bisita ni Troy?
Inaasahang sagot ng bata: Si Teacher Noraisa ang espesyal na bisita ni Troy.
3. Bakit sinabi ni teacher Noraisa na isang magalang na bata si Troy?
Inaasahang sagot ng bata: Nasabi ni teacher Noraisa na isang magalang na bata si
si Troy sapagkat binati ni Troy si teacher Noraisa ng magandang umaga.

Magulang: Magaling! Kung ikaw ba si Troy at binisita ka ng iyong guro, ano ang iyong
gagawin? Babatiin mo din ba ang iyong guro katulad ng ginawa ni Troy?

Maaari mong basahing muli ang kuwento kasama ang iyong anak sa oras na gusto
mo. Ito ay makakatulong upang malinang ang kanyang kakayahan sa pakikinig at
pagbabasa. Maaari mo rin siyang hayaang magbasa ng mag-isa gamit ang Modyul
na ito. Hayaan lang siyang magbasa ng mga larawan dahil ito ang unang antas sa
pagbabasa.

9
Nagagamit ang mga Magagalang na Pananalitang
Lesson
Pambati: Magandang Umaga, Magandang
2
Tanghali, Magandang Gabi.

Tuklasin
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan at ang bawat sitwasyon kung kalian ginagamit ang mga magagalang na
pananalitang pambati. Magandang
hapon Carlo! Magandang hapoon
Magandang umaga
Magsisimba ka ba naman Jose!
naman
bukas? Oo, magsisimba ako
anak. Bumangon ka na
bukas.
at maligo.
Sabay tayo. Magandang gabi po Magandang gabi
Magandang umaga Mang Berto! naman Lino.
po Nanay.

Sige, mag-ingat ka.

May bibilhin lang po


ako sa tindahan.

Ang “magandang umaga” ay Ang “magandang hapon” ay Ang “magandang gabi” ay


magalang na pagbati na magalang na pagbati na magalang na pagbati na
ginagamit sa umaga mula ala ginagamit mula alas12:00 ng ginagamit sa gabi mula alas
4:00 ng madaling araw tanghali hanggang alas 6:00 ng 6:00 ng gabi o kapag madilim
hanggang alas 11:59ng tanghali. gabi. na.
10
Suriin
Pag-usapan natin ang mga larawan at ang iba’t-ibang sitwasyon. Sabihin lamang ang iyong sagot sa bawat
katanungan.

Sa unang sitwasyon, Anong magalang na pananalitang


Magandang umaga naman
anak. Bumangon ka na at
maligo.

pambati ang ginamit sa usapan ng nanay at ng anak?


Magandang
umaga
po Nanay.

Bakit kaya ang pagbati na Magandang Umaga ang ginamit


ng nanay at ng anak?

Sa pangalawang larawan, Anong magalang na


Magandang tanghali
naman Jose!
Uo, magsisimba ako
bukas.

pananalitang pambati ang ginamit ng magkaibigang Carlo


at Jose?
Bakit kaya ang pagbati na Magandang Tanghali ang ginamit
Magandang
tanghali Carlo!
Magsisimba ka

na pambati nina Carlo at Jose?

Magandang gabi
po
Magandang gabi
Sa panghuling sitwasyon, Anong magalang na pananalitang
naman Lino.
pambati ang ginamit nina Lino at Mang Berto?
Bakit kaya ang pagbati na Magandang Gabi ang ginamit
May bibilhin lang po
ako sa tindahan.

Sige, mag-ingat ka.

nina Lino at Mang Berto?

11
Pagyamanin

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Pagtambalin ang magagalang na pananalita


sa wastong sitwasyon.

Magandang
hapon po Lolo at Magandang hapon
Lola! naman apo.

1. Magandang Gabi po! *

Magandang gabi naman


anak. Ito may pasalubong
kami sayo.

2. Magandang Umaga po! * Magandang gabi po


Tatay at Nanay!

Magandang
umaga naman
Ben. Ito ang suka.

Magandang umaga po
Aling Lita! Pabili poako ng

3. Magandang Hapon po! * suka.

12
Nagagamit ang Magagalang na Salitang Maraming
Lesson 3
Salamat Po at Walang Anuman

Tuklasin
Gawain ng magulang:
Sa araw na ito ang ating pag-uusapan ay tungkol sa magagalang na tugon.
Basahin sa bata ang mga sumusunod.

Paggamit ng Salamat po at Walang Anuman

Maligayang kaarawan, Mila. Roy, pakitulungan mo po akong itali


Ito po ang regalo ko para sa iyo. ang sintas ng aking sapatos.
Salamat po, Lito. Salamat po, Roy.
Walang Anuman, Mila. Walang Anuman, Dante.

13
Suriin
Gawain ng magulang:
Itanong ang mga sumusunod sa bata:
1. Anu-ano ang dalawang uri ng magalang na pagtugon?
2. Kailan natin gagamitin ang salitang maraming salamat po at walang anuman?
3. Ano ang mensahing nais ipahatid sa paggamit ng magalang na pagtugon?
4. Bakit mahalaga ang pagsasabi ng mga magalang na pagtugon?

Inaasahang sagot ng bata:


1. Ang dalawang uri ng magalang na pagtugon ay ang maraming salamat po at
walang anuman.
2. Ang salitang maraming salamat po ay sinsabi kapag tayo ay nakatanggap ng mga
biyaya gaya ng pagtanggap ng regalo at ang walang anuman ay sinsabi kapag tayo
ay pinasasalamatan ng ating kapwa.
3. Ang mensaheng nais ipahatid sa paggamit ng mga salitang ito ay paggalang.
4. Mahalaga ang pagsasabi ng mga magalang na pagtugon dahil ito ay
nagpapakita ng pagrespeto sa kapwa.

14
Pagyamanin
Panuto: Kulayan ang bilog ( ) na may tamang tugon sa bawat sitwasyon o bilang.
1. Binigyan ka ng pagkain, ano ang iyong sasabihin?
Salamat po
Walang Anuman

2. Tinulungan ka ng ika’y nadapa, ano ang iyong sasabihin?


Salamat po
Walang Anuman

3. Ibinalik mo sa tamang lalagyan ang iyong laruan at pinasalamatan ka ng iyong inay,


ano ang iyong sasabihin?
Salamat po inay
Walang Anuman po inay

4. Pinasalamatan ka ng tindera dahil ibinalik mo ang sobrang sukli, ano ang iyong
sasabihin?
Salamat po
Walang Anuman
15
Lesson Nagagamit ang Magagalang na Pananalitang Patawad,
4 Ipagpaumanhin Mo, Pakiusap at Maaari Po Ba?

A. Nabasag mo ang plorera ng iyong mama. B. Dumaan ka sa gitna ni tita at mama habang sila ay nag-uusap.

Ang salitang IPAGPAUMANHIN


Ang salitang PATAWAD
MO ay ginagamit upang
ay ginagamit kapag may
magalang na magawa ang mga
nagawang hindi
bagay na maaaring
maganda o nakakasakit
makapagdulot ng abala sa iba.
sa iba.

C. Gusto mong kunin ang iyong bag ngunit hindi mo ito D. Gusto mong lumabas upang maglaro.
kayang abutin.

Ang salitang Ang salitang


pakiusap ay maaari po ay
ginagamit kung ginagamit kung
nakikisuyo na gawin humihingi ng
ng iba ang minsang pahintulot.
hindi mo kayang
gawin. 16
Suriin
Gawain ng magulang: Itanong ang mga sumusunod sa bata:
1.Kailan natin sasabihin ang salitang patawad?
2.Kailan naman natin gagamitin ang salitang ipagpaumanhin mo?
3. Kailan natin sasabihin ang salitang pakiusap?
4. Kailan naman natin gagamitin ang salitang maaari po?
5. Bakit mahalaga ang pagsasabi ng mga salitang patawad, ipagpaumanhin mo,
pakiusap at maaari po?

Inaasahang sagot ng bata:


1. Ang patawad ay sinasabi kapag tayo ay nakagawa ng mga bagay na hindi
maganda o nakakasakit sa iba.
2. Ang ipagpaumanhin mo ay sinasabi upang magalang na magawa ang mga bagay
na maaaring makapagdulot ng abala sa iba.
3. Ang salitang pakiusap ay ginagamit kung nakikisuyo na gawin ng iba ang minsang
hindi mo kayang gawin.
4. Ang salitang maaari po ay ginagamit kung humihingi ng pahintulot.
5. Mahalaga ang pagsasabi ng mga salitang ito dahil sa pamamagitan nito ay
maipapakita natin ang paggalang at pagrespeto sa iba.

17
Pagyamanin
Panuto: Bilugan ang nararapat sabihin sa mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang tamang salita
mula sa loob ng kahon.
2. Daraan ka sa harap ng TV 3. Itinulak mo ang
1. Nag-away kayo ng iyong
habang may nanonood. iyong ate.
kaibigan.

 patawad  patawad  patawad


 ipagpaumanhin mo  ipagpaumanhin mo  ipagpaumanhin mo

 pakiusap  pakiusap  pakiusap


 maaari po ba?  maaari po ba?  maaari po ba?
18
Isaisip
Sa araling ito ay ating napag-aralan ang tungkol sa mga magagalang na
pananalitang pambati at iba pang magagalang na pananalitang ating ginagamit sa
pagpapakita ng respeto sa ating kapwa. Lagi nating tatandaan ang kahalagahan at
magandang naidudulot ng paggamit ng mga salitang ating napag-aralan.

Isagawa

Ang pagrespeto sa bawat isa ay mahalaga upang magkaroon ng katiwasayan sa


pakikisama sa mga tao sa ating paligid. Laging gamitin ang mga magagalang na
pananalita sa pagbati gayun din sa pakikiusap at pagtugon sa kahit kanino mang
ating nakakasalamuha araw-araw.

19
20
Pagyamanin
Panuto: Bilugan ang nararapat sabihin sa
mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang
tamang salita mula sa loob ng kahon.
1. Nag-away kayo ng iyong kaibigan.
 patawad
 ipagpaumanhin mo
2. Daraan ka sa harap ng TV habang may
nanonood.
 patawad
 ipagpaumanhin mo
3. Itinulak mo ang iyong ate.
Pagyamanin
Panuto: Kulayan ang bilog ( ) na may tamang tugon sa
Pagyamanin
 patawad
 ipagpaumanhin mo bawat sitwasyon o bilang. Panuto: Pag-aralan ang mga
1. Binigyan ka ng pagkain, ano ang iyong sasabihin?
Salamat po larawan. Pagtambalin ang
Walang Anuman
magagalang na pananalita sa
wastong sitwasyon.
2. Tinulungan ka ng ika’y nadapa, ano ang iyong sasabihin?
 pakiusap Salamat po
 maaari po ba? 1. Magandang Gabi po! *
Walang Anuman
3. Ibinalik mo sa tamang lalagyan ang iyong laruan at
pinasalamatan ka ng iyong inay, ano ang iyong sasabihin?
Salamat po inay
 pakiusap 2. Magandang Umaga po! *
 maaari po ba? Walang Anuman po inay
4. Pinasalamatan ka ng tindera dahil ibinalik mo ang sobrang
sukli, ano ang iyong sasabihin?
 pakiusap Salamat po
3. Magandang Hapon po! *
 maaari po ba?
Walang Anuman
Answer Key
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong


SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
magaaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020- 2021. Ang
proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit
naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@de ped.gov.ph

21

You might also like