You are on page 1of 27

8

Araling Panlipunan 8
Quarter 1 – Module 2
Heograpiyang Pantao

n
ha
laa
IL I
P am
a
B IB
-aa
ri ng
IN AG
Pag
DI IP
HIN
Araling Panlipunan – Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 — Module 2: Heograpiyang Pantao
First Edition,
Printed in the 2020
Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address:
Republic Act 8293, section 176Brgy.
states23, National
that: Highway,
No copyright shall Gingoog
subsist in City
any work of the
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
E-mail Address:
wherein gingoog.city@deped.gov.ph
the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been
exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright
owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address:Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax:088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address:gingoog.city@deped.gov.ph
8
Printed in the Philippines by

Araling Panlipunan 8
Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address:Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
Quarter 1 – Module 2
E-mail Address:gingoog.city@deped.gov.ph

Heograpiyang Pantao
This page is intentionally blank
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Salita....................................................................................................................... i
Alamin.................................................................................................................................... i
Pangkalahatang Panuto.......................................................................................................ii
Mga Icon ng Modyul............................................................................................................ii
Subukin................................................................................................................................ iii
Aralin 1.................................................................................................................................. 1
Ang Daigdig.......................................................................................................................... 1
Balikan.................................................................................................................................. 1
Gawain: Punan Mo Ko....................................................................................................1
Tuklasin................................................................................................................................. 2
Gawain: Simbolo ng Pananampalataya...........................................................................2
Suriin..................................................................................................................................... 3
Heograpiyang Pantao......................................................................................................3
Wika................................................................................................................................ 3
Relihiyon......................................................................................................................... 4
Lahi/Pangkat-Etniko........................................................................................................5
Mga Pangunahing Lahi ng Tao.......................................................................................5
Pagyamanin.......................................................................................................................... 7
Gawain: Crossword Puzzle.............................................................................................7
Isaisip.................................................................................................................................... 8
Gawain: Pag-isipan Mo...................................................................................................8
Isagawa................................................................................................................................. 9
Gawain: Modelo ng Kultura.............................................................................................9
Pagtatasa............................................................................................................................ 11
Karagdagang Gawain.........................................................................................................13
Gawain: Respeto, Ikwento Mo.......................................................................................13
Susi sa Pagwasto............................................................................................................... 14
Sanggunian:....................................................................................................................... 15
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ang


mga kaalaman at mga gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mo pang
maunawaan ang kasaysayan ng daigdig na siyang tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan
sa ika-walong baitang.

Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka


sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang mga butil ng kaalaman. Tara na!
Aral na tayo sa gitna ng pandemyang ito.

Alamin

Sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

 napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at


mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat- etnolingguwistiko, at relihiyon sa
daigdig) (AP8HSK-Ie-5).
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

Mga Icon ng Modyul


Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Suriin Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


Isaisip pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Pagtatasa
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Pagwasto sa modyul.

Subukin

A. Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
kwaderno.

1. Anong relihiyon ang sinusunod ng 23.20 % populasyon ng mundo?


A. Islam
B. Iba pa
C. Hinduismo
D. Kristiyanismo
2. Sino ang tinatawag na lahing dilaw?
A. Negroid
B. Hinduismo
C. Aucasoid
D. Mongoloid

3. Ano ang naging batayan ng pagkilos ng tao sa kanyang pang-araw-araw na


pamumuhay?
A. Non-Religious
B. Heograpiyang Pantao
C. Relihiyon
D. Religare

4. Ang mga Negroid ay isa sa mga pangunahing lahi ng tao. Anong katangian kilala
ang lahing ito?
A. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok.
B. Mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.
C. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde ang
buhok.
D. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.

5. Ano ang itinuturing bilang pinakamatandang relihiyon sa daigdig?


A. Budismo
B. Relihiyon
C. Hinduismo
D. Indo-European

B. Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Alamin ang bahagdan ng populasyon sa


mundo na sumusunod sa mga pangunahing relihiyon. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kwaderno.

Hanay A Hanay B
1. Kristiyanismo A. relihiyong may 11.67%
2. Budismo B. relihiyong may 11.44%
3. Muslim C. relihiyong may 23.20%
4. Hinduismo D. relihiyong may 31.59%
5. Iba pa E. relihiyong may 15.0%
F. relihiyong may 7.10%
Aralin

1 Ang Daigdig

Balikan

Gawain: Punan Mo Ko

Kumpletuhin ang dyagram. Isulat sa mga bilog ang pitong kontinente ng daigdig.

https://freesvg.org/3d-earth-globe

1
Tuklasin

Gawain: Simbolo ng Pananampalataya

Mag-isip ng isang simbulo na magrerepresenta ng inyong relihiyon. Iguhit ito at


pagkatapos ay sagutiin ang mga tanong na nasa ibaba.

Tanong:

1. Ano ipinapahiwatig ng simbolo na iyong ginuhit?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ano ang kinalaman nito sa iyong relihiyon?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2
Suriin

Heograpiyang Pantao

Ang ikalawang sangay ng heograpiya ay ang Heograpiyang Pantao o Human


Geography o Heograpiyang Kultural o Cultural Geograph. Ito ay isang agham panlipunan
na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano
niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Saklaw ng
heograpiyang pantao ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.

Inaalam ng mga heograpong pantao ang mga dahilan kung paano nababago ng tao
ang kapaligiran, kung paano siya nakalilikha ng panibagong lugar na may kahulugan, at
kung paano nababago ng kapaligiran ang paraan ng pamumuhay ng tao. Ang interaksyong
ito ang pangunahing sinusuri sa Heograpiyang Pantao.

Wika

Ang wika ay itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura. Ito ang nagbibigay ng
pagkakakilanlan sa mga tao na kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa
daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Ang mga wikang ito ay napaloob sa
tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan.
Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay
nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

http://denzell.com/wp-content/uploads/2019/01/xlanguages.jpg.pagespeed.ic.AzYk5LfyOz.webp

3
Relihiyon

Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang religare na nangangahulugang “buuin


ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Ito ay kalipunan ng mga
paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang nilalang o Diyos. Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng
isang relihiyon, nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.

Ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing-
gabay sa kanilang pamumuhay. Pero kung ikukumpara ito sa kasalukuyan, hindi ito
organisado at mayroong sistematikong mga doktrina. Malaki ang bahaging ginampanan ng
relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan kung ating tingnan
ang kasaysayan ng daigdig. Isa itong malaking salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga
kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga
kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang
relihiyon.

Makikita sa mapa ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng


dami ng tagasunod ng mga ito.

Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

4
Lahi/Pangkat-Etniko

Kung tingnan natin, parang isang malaking mosaic ang daigdig dahil sa maraming
natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang
race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang
pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.

Maraming eksperto ang bumuo ng iba’t ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig,
ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring
magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon gaya ng nangyari sa Estados Unidos noong
Mayo 25, 2020 kung saan napatay si George Floyd, isang negro, habang nasa kustodiya ng
mga pulis dahil sa pagbili ng sigarilyo gamit ang pekeng $20 perang papel. Naging viral ang
video ng huling sandali ng kanyang buhay na siyang nag-udyok ng malawakang protesta sa
ibat’t ibang panig ng bansang Amerika (https://www.nytimes.com/2020/05/31/us/george-
floyd-investigation.html).

Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na


nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay
ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing
maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

Mga Pangunahing Lahi ng Tao

Tingnan naman natin ang mga pagbabago sa pagkakaroon ng iba’t ibang lahi ng tao.
Nagkaroon ang daigdig ng tatlong pangunahing lahi ng tao – ang Mongoloid o Dilaw, ang
Negroid o Itim, at ang Caucasoid o Puti. Bagamat di na inuuri ang mga tao ngayon ayon sa
kulay, makakatulong sa pag-aaral ng pinagmulan ng tao ang ganitong klasipikasyon.

Mga Mongoloid. Mayroon ding sangang lahi ang lahing Mongoloid o dilaw na kayumanggi:
mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat. Hugis almond o
singkit ang mga talukap ng mga mata ng mga lahing Mongoloid. Halos bilog ang
hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok at hindi gaanong
mabalahibo ang kanilang balat. Manipis ang mga labí nila at hindi matangos ang
ilong. Laganap ang lahing Mongoloid sa Asya tulad ng mga Pilipino, Tsino,
Hapones, Koreano, Vietnamese, Thai, Tibetan, taga-Myanmar, Mongol, Malaysian,
Indonesian, Singaporean, taga-Hong Kong at karatig-pook. Ang mga Amerikanong
Indian na nabibilang sa lahing Mongoloid ay nasa kapatagang sentral ng Estados
Unidos, mga Eskimo ng Hilagang Amerikanong Arktiko at mga Indian sa Central at
Timog Amerika ay nabibilang din sa lahing ito.

Mga Negroid. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.
Matataas at malalaki ang kanilang pangangatawan. Matatagpuan ang mga purong
Negroid sa kanlurang Sudan at Guinea. Pahaba ang hugis ng kanilang ulo,

5
malalapad ang kanilang ilong at makakapal ang mga labí. Maitim hanggang
matingkad na kulay kape ang kanilang balat. Sa Silangang Sudan naman
matatagpuan ang mga Nilote, mga Bantu na binubuo ng mga Masai, Kikuyu, Zulu,
Swahili at Swazi. Hindi gaanong maitim ang mga nabanggit. Manipis ang kanilang
mga labí at ilong. Kulay tsokolate naman at hindi maitim ang balat ng mga Negroid
at Papuan sa New Guinea at ilang pulo ng Indonesia at Melanesia sa mga pulo ng
Pacific.

Mga Caucasoid. Mapuputing tao ang mga Caucasoid. Napapangkat sila sa Nordic,
Silangang Baltic, Alpine at Mediterranean. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng
kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok at bughaw o berde ang kulay ng mga
mata. Pandak ang mga Alpine, malalaki ang katawan at malalapad ang ulo. Ang
mga Mediterranean naman ay hindi gaanong mapuputi, may kaitiman ang kulay ng
balat at mata, maitim din at mahabang kulot ang kanilang buhok. Kasama rito ang
mga lahi na naninirahan sa rehiyon ng Dagat Mediterranean kasama na ang mga
Arabo. Matatagpuan ang iba sa hilaga at gitnang India. Mga ninuno ng Hammites
subalit nalahian ng Negroid ang mga nakatira sa Egypt, Ethiopia, Somalia at sa
kanlurang Sahara. Matatagpuan din sa Europa ang karamihan sa mga lahing
Caucasoid. Naninirahan ang mga Nordic sa Scandinavia, Ingglatera at Alemanya.
Ang mga Baltic naman ay paninirahan sa silangang Europa tulad ng mga Alpine na
Kinabibilangan ng mga Slav. Kasama rin sa lahing Caucasoid ang mga Polynesian
na nasa Islang Pasifico at New Zealand at ang mga Ainu ng Japan at Veddah ng
timog India.

https://pic.betweenmates.com/img/news/148/difference-between-race-and-ethnicity_1.jpg

6
Pagyamanin

Gawain: Crossword Puzzle

Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa


inilalarawan ng bawat bilang.

Pahalang Pababa

1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may pinakamaraming


3. Sistema ng mga paniniwala at tagasunod
rituwal 4. Pamilya ng wikang may
7. Pagkakakilanlang biyolohikal Pinakamaraming taong gumagamit
ng pangkat ng tao 5. Salitang-ugat ng relihiyon
9. Pamilya ng wikang Filipino 6. Salitang Greek ng “mamamayan”
10. Matandang relihiyong umunlad sa 8. Pangkat ng taong may iisang kultura
India at pinagmulan

7
Isaisip

Gawain: Pag-isipan Mo

Basahin ang mga katanungan sa ibaba at sagutin ito. Isulat ang iyong sagot sa isang
buong papel. Magbigay ng halimbawa kung maari.
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na
heograpiya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o


isang pangkat ng tao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8
Isagawa

Gawain: Modelo ng Kultura

Pumili ng isang bansa na nais mong bigyan ng malalim na pag-intindi ang kanilang
heograpiyang pantao.

Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.

1. Gumamit ng anumang uri ng papel at gupitin ito na kahugis ng isang damit o


kasuotan.

2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at


bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang iyong pinili.

3. Idikit ito sa gawaing kwaderno at isulat ang paliwanag sa disenyo ng iyong


ginawang kasuotan.

Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Wasto ang impormasyong nakasulat at mga
Nilalaman 10
bagay o simbolong nakaguhit sa damit; nakapaloob
ng Kasuotan
ang tatlo o higit pang konsepto ng aralin
Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay
Disenyo 10
at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit;
ng Kasuotan
malinaw ang mensahe batay sa disenyo
Kabuuan 20

9
Buod

Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang lahat sa kalikasan at


kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan sa pag-inog
ng araw.
Mahalaga na malaman nating kung saang parte tayo sa mundo nakatira dahil ito ay
nakakaapekto sa klase ng ating pamumuhay. Ang mga lugar na malapit sa equator ang
nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig.
Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng
halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit
ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga
halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang
napakalamig ng panahon.
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at
South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang
Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na
sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga
rehiyon. May limang karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, Arctic at
Southern Ocean.
Ang kalupaan ay may 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa
apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica;
Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia
kasama ang Oceania.
Ang ating kaalaman sa katangiang pisikal ng daigdig ay makatulong sa atin upang
lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating kasalukuyang panahon.

10
Pagtatasa

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

A. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
papel.

Hanay A Hanay B
1. 1. Lahi A. pinagmulang salita ng "etniko" na nangangahulugang
2. "mamayan"
3. 2. Relihiyon B. tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao,
gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng isang
pangkat
4. 3.Religare C. nagbibigay ng pagkakilanlan o identidad sa mga taong kabilang
sa isang pangkat

5. 4. Ethnos D. kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga


tao tungkol sa kinikilalang makapangyarihang nilalang Diyos

6. 5. Wika E. naging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-


araw na pamumuhay

F. pinanggalingan ng salitang relihiyon na nangangahulugang:


"buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang
kabuuan nito"
G. itinuturing kaluluwa ng isang kultura

B. Basahin ng mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Anong relihiyon ang sinusunod ng 15% ng populasyon sa mundo?


A. Hinduismo
B. Budismo
C. Islam
D. Iba pa

2. Alin dito ang tumutukoy sa lahi ng mga puti?


A. Caucasoid
B. Budismo
C. Mongoloid

11
D. Hinduismo

3. Ito ay mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan.


A. Austronesian
B. Language Family
C.Indo-European
D. 6,200,000,000

4. Itinuturing na kaluluwa ng isang kultura.


A. Islam
B. Iba pa
C. Wika
D. Hinduismo

5. Ang mga Negroid ay isa sa mga pangunahing lahi ng tao. Anong katangian kilala ang
lahing ito?
A. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok.
B. Mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.
C. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok.
D. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.

12
Karagdagang Gawain

Gawain: Respeto, Ikwento Mo

Gumawa ng isang kwento tungkol sa isang karanasan kung saan naipakita


mo ang pagrespeto mo sa relihiyon o lahi ng ibang tao..

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_____________________

https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jmzwn

13
Susi sa Pagwasto

Panimulang Pagsusulit: Pangwakas na Pagsusulit:


A. A.
1. A 1. B
2. D 2. D
3. C 3. F
4. D 4. A
5. C 5. G

B. B.
1. D 1. A
2. F 2. A
3. C 3. B
4. E 4. C
5. B 5. D

14
Sanggunian:

Aklat:
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.

Websites:

Blogger.com, “Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig,” Accessed May 28, 2020,


http://4.bp.blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAABdg/
O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde_Schalenbau.jpg

Countries of the world, “Continents Map,” Accessed May 28, 2020, https://www.countries-
ofthe-world.com/img/continents-map.png

Google Drive, “Grade 8 DLP First Quarter,” Accessed May 28, 2020,
https://drive.google.com/file/d/1dIkeEgrMEbEx_hEn4XEv0pe-IIGd4hy-/view

LRMDS Portal, “EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig,” Accessed May 28, 2020,
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6035

National Geographic, “Crust,” Accessed May 28, 2020, https://www.nationalgeographic.org/


encyclopedia/crust/

National Ocean Service, “How many oceans are there?” Accessed May 28, 2020,
https://oceanservice.noaa.gov/facts/howmanyoceans.html

Phys.org, “What are the Earth's layers?,” Accessed May 28, 2020, https://phys.org/news/
2015-12-earth-layers.html

Pinoy Edition, “Ang Pinagmulan ng Pilipinas,” Accessed May 28, 2020.


https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-pinagmulan-ng-pilipinas/

Pinterest.ph, “Ako, Ikaw at Tayo,” Accessed May 28, 2020, https://www.pinterest.ph/pin/


232568768236648022/

Wikimedia.org, “Africa,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/


commons/thumb/8/86/Africa_%28orthographic_projection%29.svg/1200px-Africa_
%28orthographic_projection%29.svg.png

Wikimedia.org, “Antartica,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/


commons/thumb/f/f2/Antarctica_%28orthographic_projection%29.svg/256px-
Antarctica_%28orthographic_projection%29.svg.png

15
Wikimedia.org, “Asia,” Accessed May 28, 2020, https://en.wikipedia.org/wiki/Asia#/media/
File:Asia_(orthographic_projection).svg

Wikimedia.org, “Australia,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/


commons/thumb/e/e8/Australia-New_Guinea_%28orthographic_projection%29.
svg/1200px-Australia-New_Guinea_%28orthographic_projection%29.svg.png

Wikimedia.org, “Europe,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/


commons/thumb/4/44/Europe_orthographic_Caucasus_Urals_boundary_
%28with_borders%29.svg/220px-Europe_orthographic_Caucasus_Urals_boundary_
%28with_ borders%29.svg.png

Wikimedia.org, “North America,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/


wikipedia/commons/4/43/Location_North_America.svg

Wikimedia.org, “South America,” Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/


wikipedia/commons/thumb/0/0f/South_America_%28orthographic_projection%29.svg/
1200px-South_America_%28orthographic_projection%29.svg.png

16
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

You might also like