You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

1st Quarter
Summative Test No. 1

Name: Grade & Section:

A. Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa papel.

_____1. Kaakibat ng pagbuo ng pasya ang responsibilidad na maaaring makaapekto sa iyon


_____2. Mahirap ang pagbuo ng isang pasya.
_____3. Dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbuo ng pasya.
_____4. Nararapat na suriing mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng pasya.
_____5. Siguraduhing makalalamang ang iyong sarili bago ka bumuo ng pasya.

B. Panuto: Sa lahat ng pagkakataon, kailangan ang mapanuring pag-iisip bago kumilos. At sa pagkilos,
kailangan ang katatagan ng loob. Ano ang gagawin mo kapag naharap ka sa sumusunod na
sitwasyon? Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____6. Sinabi ng kapitbahay niyo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang
gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
C. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
D. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya lumiliban
sa klase at ipaliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang kahihinatnan
ng kanyang madalas na pagliban sa klase.

_____7. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na
ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasama kang maligo sa ilog
B. Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
C. Sasama ka ngunit hindi maliligo.
D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.

_____8. Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay ninyo.
Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin.
C. Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
D. Sasali ako sa kanilang laro at aawayin ko ang batang kapitbahay namin.

_____9. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Pagkatapos mong bumili
nalaman mong sobra ang isinukli sa iyo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
A. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli.
B. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
C. Tatanungin ko muna kay nanay kung ano ang gagawin ko sa sobrang sukli.
D. Ipambibili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa king nakababatang kapatid.
_____10. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo sa
pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo?
A. Titigil sa pag-aaral
B. Babawasan ang kinakain
C. Iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan
D. Hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera.

_____11. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa iyong kasuotan sa isang
palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin mo?
A. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan.
B. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral
C. Maghahanap ng damit na maaring magamit.
D. Ipagpilitan sa magulang na bumili ng telang kailangan.

_____12. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan . May isa kang kamagaral na alam mong
higit na magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang kanyang kakayahan. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasabihin sa klase na siya ang papalit sa iyo.
B. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon
C. Sabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga pagsasanay.
D. Magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamagaral.

_____13. Ipinatawag ka ng tagapayo ng n akababata mong kapatid. Dahil sa paglalaro ay nadulas ang
kapatid mo at nabalian ng buto. Iyak ito nang iyak nang makita ka. Natatakot siya na mapagalitan ng
iyong mga magulang dahil kalalabas lang sa ospital ng tatay ninyo na nagkasakit. Ano ang gagawin
mo?
A. Tatawagan ang magulang at ipaalam ang nangyari.
B. Hindi magsasalita ngunit titingnan nang masama ang kapatid.
C. Paalalahanan ang kapatid na sa susunod ay mag –ingat siya ng husto.
D. Yayakapin ang kapatid mo at sasabihing lakasan niya ang kanyang loob at gagaling din
kaagad.

_____14. Noong isang taon, dumalo ang klase ninyo sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan. Ngayong
taon, dadalo uli ang klase ninyo pero sampung mag-aaral lamang ang papayagang dumalo. Isa ka sa
napili. Nais magmasid ng bago mong kamag-aral kung paano pinamamahalaan ng mga opisyal ng
bayan ang sesyon, pero hindi siya kasama sa pinayagang dumalo. Ano ang gagawin mo?
A. Hikayatin ang guro na isama siya sa mga dadalo.
B. Magkunwaring hindi naririnig ang paggigiit ng kamag-aral.
C. Hindi na sasama at ibibigay na lamang ang pribilehiyo sa kamagaral.
D. Sabihin sa kamag-aral na ikukuwento na lang sa kaniya ang mangyayari.

_____15. Binigyan ka ng tatay mo ng tatlong tiket para makapasok sa museo. Dati ka nang
nakapunta sa museo na iyon pero interesado ka pang pumunta ulit. Nais ng mga kaibigan mo na
pumunta pero apat kayo at tatlo lang ang tiket ninyo . Ano ang gagawin mo?
A. Bibili ng isa pang tiket
B. Magmumungkahi ng bunutan
C. Iiwan ang isa ninyong kaibigan
D. Hindi ka na lang sasama dahil dati ka nang nakapunta.

You might also like