You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 6

1st Quarter
Summative Test No. 1

Name: Grade & Section:


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
_____1. Ang mga sumusunod ay mga kaganapang nagbukas ng pagkakataon sa mga
Pilipino upang mapag-aralan ang konsepto ng mga kaisipang liberal katulad ng kalayaan,
pagkakapantay-pantay, at kapayapaan, maliban sa isa. Ano ito?
A. pagpasok ng mga banyagang aklat na may tema ng kalayaan, kapayapaan at
pagkakapantay-pantay.
B. pagbubukas ng mga daungan sa Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan
C. pangangaral ng mga Kastila sa pamamagitan ng relihiyon
D. pagbubukas ng Suez Canal

_____2. Alin sa sumusunod ang layunin ng Katipunan?


A. Makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng eleksiyon.
B. Makamit ang pagbabago sa pamamahala sa bansa sa panulat na paraan.
C. Wakasan ang pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan ng lakas.
D. Makiisa ang mga Pilipino sa mga pagbabagong nais ng mga Espanyol.

_____3. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng La Solidaridad maliban sa isa. Ano ito?
A. Maipalaganap ang diwa ng demokrasya.
B. Ipaglaban ang katarungan at kaunlaran.
C. Proteksiyon para sa lahat kung kinakailangan
D. Iparating sa mga kinauukulan ang mga katiwaliang nagaganap sa Pilipinas.

_____4. Bakit nalagay sa panganib ang buhay ng mga propagandista?


A. Wala nang tulong na pinansiyal ang kilusan.
B. Dahil nagtatag sila ng ibat ibang babasahin.
C. Dahil may kasamahan na nagtaksil sa kilusan.
D. Hindi nagustuhan ng mga awtoridad sa Pilipinas ang pagsisiwalat ng mga
kamalian sa pamamahala sa kolonya.

_____5. Paano natuklasan ng mga Espanyol ang lihim ng katipunan?


A. Namigay ito ng mga polyetos
B. Nag-alsa ang mga miyembro nito
C. May nagsiwalat sa mga gawain nito
D. Dumalo ang mga Espanyol sa pagtitipon nito.

_____6. Anu-anong mga kaisipang liberal ang pumasok sa Pilipinas nang mabuksan at
magamit ang Suez Canal?
A. kalayaan, kapayapaan, at pagkakapantay-pantay
B. pagkakaisa at marahas na pakikipaglaban
C. pagkakapantay-pantay at pakikipagdigma
D. kapayapaan at panghihimagsik

_____7. Paano nagsimula ang kilusang sekularisasyon?


A. Pagpapalabas ng patronato real para sa mga paring Espanyol na nagbalik sa
kanila ng kapangyarihang pamahalaang-muli ang mga simbahan.
B. Nabigyan ng kapangyarihan ang mga paring Pilipino na pangasiwaan ang
simbahan.
C. Pang-aalipin sa mga katutubong Pilipino.
D. Paggarote sa Gomburza.

_____8. Ano ang mas kilalang tawag sa tatlong paring martir na kinabibilangan nina Padre
Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora?
A. GOMBURZA C. Mga Paring Regular
B. Mga Paring Pilipino D. Mga Paring Sekular

_____9. Paano nagsimula ang pag-aaklas sa Cavite?


A. Ibinalik ang pagbabayad ng buwis nang maupo si Rafael de Izquierdo bilang
gobernador-heneral.
B. Patuloy na pang-aalipin sa mga katutubong Pilipino.
C. Pagbitay sa mga pinaghihinalaang mga Katipunero.
D. Ipinatapon si Rizal sa Dapitan.

_____10. Bakit nagkaroon ng pagtatalo sa Kilusang Propaganda?


A. Magkaiba ang estratehiyang nais gamitin ng mga pinuno nito.
B. Iilan lamang ang mga propagandistang may talino at kakayahan.
C. Hindi sapat ang pondo ng kilusan upang ipagpatuloy ang paglaban sa Espanya.
D. Napagtanto nilang hindi makikinig ang mga Espanyol sa kanilang panawagan.

_____11. Bakit nagkaroon ng pagtatalo sa Kilusang Propaganda?


A. Magkaiba ang estratehiyang nais gamitin ng mga pinuno nito.
B. Iilan lamang ang mga propagandistang may talino at kakayahan.
C. Hindi sapat ang pondo ng kilusan upang ipagpatuloy ang paglaban sa Espanya.
D. Napagtanto nilang hindi makikinig ang mga Espanyol sa kanilang panawagan.

_____12. Ano ang tawag sa mga Pilipino na nakapag-aral sa Maynila o Europa?


A. ilustrados C. pensionados
B. indio D. titulado

_____13. Paano higit na nakatulong ang pagpasok ng mga kaisipang liberal sa Pilipinas?
A. pinahalagahan ang edukasyon at nagsikap makapag-aral ang mayayamang
Pilipino sa Europa
B. natutong magrebelde ang mga Pilipino sa pamahalaang Espanyol
C. nagising ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino
D. lalong natakot ang mga Pilipino sa mga Espanyol

_____14. Ano ang kahulugan ng nasyonalismo?


A. pagtangkilik sa mga produktong sariling gawa ng kapwa-Pilipino
B. marahas na pakikibaka laban sa pamahalaan
C. pagmamahal sa kalikasan at kapwa
D. pagiging makabansa

_____15. Bakit hindi naging matagumpay ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol?
A. Wala itong mahusay na pinuno.
B. Hindi malinaw ang layunin nito.
C. Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino.
D. Kaunti ang bilang ng mga Pilipino noon.

You might also like