You are on page 1of 5

I thought,

LOVE

is
UNDEFINED.

but in the end,

afgitmolfm

pala...

--ianne :]

Prologue:
Even if Love for me is undefined, it doesn`t mean I don`t believe in it.
`cause I do, and I will.

I believe in mermaids, I believe in unicorns, I believe in fairies, I believe


in angels and devils. I believe in princesses and princes. I believe in
dragons and witches. I believe in dwarves and elves. I believe in spongebob
and Patrick. I believe in ninjas and I believe in PeterPan. I believe in happy
endings. I believe in things that children do and adults don`t.

Why did I said these?

Because…

WALA LANG. Trip ko lang. hahaha.

Seriously, hindi kasi ako naniniwala sa iba`t ibang meaning ng love. Like,
love is blind. How can love be blind if wala namang mata ang puso. At kung
love is blind, bakit pa tayo naaattract sa mga gwapo at magaganda then
mafafall in love kalaunan?

Love is like a rosary that is full of mysteries? How can you say such thing if
rosary is made up of small balls?

Another one is, Love makes us breathless and can make our heart skip a beat.
If that is true, many people might be dead right now.

Us, people keep on making definition of love that really doesn`t make sense.
We keep on exaggerating things especially love. We`re obsessed with love.
We`re obsessed to fall in love.

Bakit ko sinasabi `yan?

Wala lang ulit. Hahaha


Teka, nosebleed na kasi ako.

Sa totoo lang, ito lang naman ang sasabihin ko.

Ehem. Ehem.

Ako si Ianne,

And this is my story :]

Chapter 1:
He`s a very mysterious guy. Mailap siya sa mga tao. He keeps hiding something
from us. Tahimik lang siya. Parang may sariling mundo na ginagalawan. Para
bang wala lang sa kanya `yung nasa paligid niya. Hindi siya ngumingiti. Blank
lang lagi ang expression niya. Hindi siya mukhang nagagalit, nalulungkot or
natutuwa. Just plain blank. And it`s kinda…weird.

“napapadalas `yang pagtitig mo kay Art ah?” Natauhan ako sa pagsalita ni Nate.
Tinignan ko lang siya habang naglalakad kami. “crush mo nu?”

“err. Over my dead beautiful and hot body”

“ha? Ano `yun Ianne? May sinasabi ka? mahina signal dito! Tek *creek* wa
*creek* la *creek* ak *creek* aray!” binatukan ko siya. Nantitrip na naman
kasi e. amp.

“ang epal mo talaga”

“atleast gwapo” tinataas taas pa niya `yung kilay niya. As if totoo.

“owkei. Kaw na” inirapan ko lang siya.

“ako na gwapo?” tinignan niya ako ng malapitan. Bata talaga oh.

“ha? Ano `yun Nate? May sinasabi ka? mahina signal dito!” sabay tawa ko ng
malakas. Nagpout lang siya nun. Ginaya ko pa kasi pati accent and everything
niya. Kala niya siya lang marunong mantrip ha.

“ang GG mo” baklita ang putek. Nang iirap!

“aba. Cute naman” ngumiti ako ng nakakaloko. `yung killer smile ba. teka.
Saan nang galing `yung shades? Haha.

“agh!” tinakpan niya mukha ko ng kamay niya. “can`t resist the cuteness,
argh!” oha oha. OA lang `yaan.

“sira ka talaga” tumawa lang kaming dalawa nun hanggang sa marating na namin
`yung classroom. Kakatapos lang kasi namin mag lunch nun.

After bumalik ng classroom, we parted our ways. As if sobrang layo, nasa harap
ko lang siya nakaupo. Hihihihi.
Chemistry at Geometry. `pag pinagsama, sabog ang utak. Pero don`t worry.
There`s always a solution for every problem. Matulog. And tenen! The problem
of yours is solved! Kaya two hours din akong natulog nun. `yan ang masasabi
kong solve!

Inayos ko na mga gamit ko para makapunta na sa sobrang layong locker area. Sa


kabilang ibayo pa kasi ng mundo lockers namin e.

“ei Ianne, balikan kita dito. Pinapatawag ako ni ma`am” tumango lang ako then
he kissed my cheeks.

Gulat kayo nu? Hindi niyo man tanungin, at hindi ko naman pinagmamayabang pero
parang ganun na nga.

Kakasagot ko lang kay Nate kahapon. HAHAHAH. Teka. Kinikilig ako ee >___<

Oh-kay. Back to the story bago sumabog ako sa kilig.

Sinuot ko na ang back pack ko at dinala na ang mga books at notebooks ko.
Nagsimula na akong maglakbay papuntang locker area ng biglang…
BOINK BOINK BOINK BOINK BOINK BOINK BOINK BOINK
*sound epeks inspired by my beloved tots aka kaycee aka prettychq18*

Ang mga books koooooooooooooooooo~ ai.. teka. Kulang. Ang mga books at
notebooks kooooooooooooooo~

Napatingin ako sa bumunggo sa akin. Tinignan lang niya ako sa mata. I felt
something beat. Tae. Puso ko pala `yun. Hahaha *hi sabaw! Kaway kaway*

“hey you! Do you know me!?!” *hoi pindot my poo~ * aba. Walang imik. Dinaanan
lang niya ako matapos niya akong tignan.

Tae. What do I expect? Eh si Art `yun. The emotionless guy.

Chapter 2:
Feast day ng klase namin ngayong araw. Alam niyo ba `yun? `yun `yung araw na
icecelebrate ng isang section `yung death or birth day ng isang Saint.
Catholic school kasi kami e. alam niyo na… mabait ako.

Sino saint namin? Aba. Sino pa ba? Di ko alam e. wala akong pakielam dun.
Haha. Ngayong araw, wala kaming gagawin kundi ang kumain, magdaldalan,
magsaya. Walang klase at walang chemistry at geometry! Yehey!!

Nakaupo lang ako ngayon. Kasama ko si… Nate. Syempre. Di na `to mahiwalay sa
akin e. namimis ako kagad. Hihihi

“alam mo” nakatingin lang ako sa kanya.

“hindi pa. ano `yun?”

“dapat close na pala tayo nung fieldtrip natin sa enchanted kingdom nun” hindi
pa kasi kami close nung fieldtrip namin. Pagkatapos nun dun lang kami naging
close.

“oh bakit?” tinignan ko lang siya with a weird look.

“para nung nakasakay tayo sa space shuttle…” nagpause siya.


“ano nga?” may pasuspense pang nalalaman e.

“…ihuhulog kita!” sabay tawa niya ng malakas. Binatukan ko naman din siya ng
malakas kaya fair lang.

“ang sama mo!” nagpout lang ako.

“ai.. hindi pa naman ako tapos e. may kasunod pa `yun” ngumiti lang siya sa
akin.

“ano?”

“para `pag nahulog ka. ako sasalo sa`yo” biglang nanahimik ang buong paligid.
Napatingin ako sa mga kaklase naming nakatingin sa amin nang biglang…

“AYIEEEEE. SOBRANG CHEESY!!” tawanan sila nun. Mga adik na kaklase.

“amp ka talaga” kunwari hindi natutuwa pero ang totoo niyan. KINIKILIG AKOO~
haha. Tae

Gusto niyo ba malaman ang nakaraan namin ni Nate? Sa gusto niyo at sa gusto
niyo. Ikukwento ko pa din.

Ganito kasi `yan…

“yo!” napatingin ako sa nag`yo sa akin. Kaklase ko palang si Nate. Ang epal na
si Nate. “oi. Bakit ka nakatulala sa akin? Crush mo ako nu?” nanlaki mata ko
sa sinabi niya.

“ang lamig ah.. grabe. Giniginaw ako. nag iisnow na ba?” nag act naman ako na
parang giniginaw talaga. Naghanap pa nga ako ng jacket e. haha

“oh? Kelan pa nagsnow dito?” umupo siya sa tabi ko nun. Wala kasing teacher
kaya walang ginagawa.

“ewan ko sa`yo” ang adik niya makipag usap. Parang abnormal e.

“alam mo Ianne. Kung gusto mo ako, papayagan naman kitang manligaw e” tinaasan
ko siya ng kilay nun. “`wag ka nang mahiya sa akin. `di naman kita babasterin
e. pero magpapakipot muna ako. ilang minutes ba gusto mo bago kita sagutin?”

“nababaliw ka na ba?” tumawa ako nun. Ang lakas talaga ng trip nito.

“ikaw naman e. `wag ka na mahiya sa akin. Ang tatanungin mo lang naman sa akin
ay ‘Nate, pwede bang manligaw?’ ganun lang!” pagmamayabang niyang sabi. Epal
talaga oh.

“ayoko nga. Eww ka. umalis ka nga dito” tumawa ako ng malakas. Nagpout lang
siya nun.

“ayaw mong tanungin sa akin `yun?” umiling lang ako. with matching dila pa.
“ayaw mo talaga?”

“ang kulit mo” kinuha ko `yung notebook ko at nagsulat na lang ng kung anu-
ano. Para lang hindi na siya tignan.
“ako na nga lang” tumayo siya nun.

“ha?” napatingin ako sa kanya. E ang tangkad pa naman niya, buset. Super taas
ulo ako a. nanakit `yung leeg ko. Haha

Yumuko ako nun kasi biglang lumuhod si Nate sa harap ko. Eh di ba nga,
tinitignan ko siya. I just gave him a weird look.

“Ianne, pwede bang manligaw?”

and that was the start of our love story 2 minutes ago este 2 weeks ago. :]

Chapter 3:
Kanina pa ako dito sa classroom mag isa. Ang dilim na nga dito e! hinihintay
ko kasi si Nate, may gagawin lang daw siya. Hanggang ngayon, uwian na namin
wala pa din siya. Amp.

Asan na ba `yun? Natatakot na ako ee.

Nakaupo lang ako sa upuan ko ng biglang…

AWOOOOOOOOOOOOO.

Napatayo ako bigla at nagulo ko ang mga upuan. Nagmadali akong tumakbo sa may
pintuan ng…

BLACK OUT.

Oh shet. Baket nagdilim?! Sisigaw na ba ako o hindi? May nagtakip ng mga mata
ko! O hindeeee. Sisigaw ba ako? pero teka.. ang bango naman ng nasa likod ko.
Ang sarap singhutin. Haha.

“s-sino ka?”

“sshh” `yun pa lang. alam ko na.. alam ko nang.. HINDI KO SIYA KILALA!! Omg.
Parang nilagyan niya ako ng panyo sa mga mata tapos tinakpan niya `yung bibig
ko kaya di ako makapag salita. Pinapalakad lang niya ako.

KINIKIDNAP NA BA AKO?

Ilang minuto ng paglakad lakad at ilang dapa at subsob ko sa sahig. Bigla


akong pinatigil ng naghahawak sa akin. Wala pa namang nawawala na body parts
ko at hindi naman ako minamanyak as of now.

Tinanggal ang piring ko at OMG. Am I in heaven? Ansakit sa mataaa~ anliwanag.


Amp.

May kumalabit sa akin. Napatingin ako sa likod.

“Nate?” ngumiti lang siya sa akin. “ikaw pala `yun!” tumawa ako. hindi ko

You might also like