You are on page 1of 1

Ating mga Masisipag na Magsasaka

Taong dakila ang tawag sa kanila

Ginagawa ang lahat para sa pamilya

Bumabangon nang maaga upang sila ay magsaka

Kanilang binubungkal ang lupa

Kahit pagod na’t pinagpapawisan

Wala nni isang reklamo ang napakinggan

Pag-aararo’t pagtatanim hindi pa rin tinitigilan

Matapos lamang kanilang pinagkakaabalahan

Mga magsasaka ay tunay na maaasahan

Nagtratrabaho sa bukid para sa karamihan

Hari sa bukirin tawag sayo ng mamamayan

Huwaran sa lahat dapat tularan

Huwag sayangin bawat butil na kinakain

Dahil dugo at pawis ang kanilang ipinuhunan

Kaya dapat na sila’y pahalagahan

Mga magsasakang walang kapaguran.

You might also like