You are on page 1of 1

ZACH DAENIEL E.

SALGADO

SAKNONG 732 – 749: “Ang Habilin sa Mahiwagang Lobo”

Nagtamo ng mga sugat si Don Juan matapos mahulog sa balon. Hinang-hina siya, nabali ang
kaniyang mga buto at umaagos ang dugo mula sa ulo nito. Nang makita siya ng lobo ay iniayos nito ang
higa ni Don Juan. Kumuha ito ng tatlong bote at tinugpa o tinungo ang Ilog-Hordan.
Ang tubig sa Ilog-Hordan ay pinaniniwalaang makapagpapagaling sa prinsipe ngunit dahil may
bantay ang ilog at bawal ding sumalok ng tubig, ang lobo ay palihim na kumuha ng tubig at pagkasalok ay
tumalon sa bangin ng isang burol.
Ginamot ng mahiwagang lobo si Don Juan. Ang tubig na kaniyang nakuha ang siya niyang ipinahid
sa bawat pasa sa katawan gayon din sa malubhang pilay ng prinsipe. Nanumbalik ang lakas at tikas ng
katawan ni Don Juan dahil sa ginawa ng lobo. Niyakap ng prinsipe ang lobo bilang pasasalamat. Para
namang bat ana kumandong nang buong tuwa ang lobo sa prinsipe.
Naalala agad ni Don Juan ang singsing na dapat ay kaniyang kukuhanin kaya tinulungan agad siya
ng lobo. Nang makalabas sila ng balon ay nagpaalam na ang lobo at iniwan na si Don Juan na mag-isa sa
kabundukan. Nagdasal si Don Juan na siya ay gabayan upang makapaglakbay sa tamang landas.

Tanong:
1. Ano o Sino ang tumulong kay Don Juan mula sa pagkakahulog sa balon? Ilahad ang mga ginawa
nito upang mapagaling si Don Juan?
Lobo/Mahiwagang Lobo; Nang makita siya ng lobo ay iniayos nito ang higa ni Don Juan.
Kumuha ito ng tatlong bote at nagpunta sa Ilog-Hordan upang lagyan ng tubig. Ipinahid niya
ang tubig sa bawat pasa sa katawan gayon din sa malubhang pilay ng prinsipe.
2. May dugong nunukal sa ulo ng prinsipe. Ano ang ibig sabihin ng salitang “nunukal”?
umaagos/lumalabas
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang “lunong-luno”? Mahinang-mahina o walang kakayahang
gumalaw
4. Paano ipinakita ni Don Juan ang pagpapasalamat sa mahiwagang lobo na tumulong sa kaniya?
Niyakap niya ito na parang batang minamahal

You might also like