You are on page 1of 5

Mahal kong mag-aaral,

Ang modyul/ Sanayang papel na ito ay para sa inyo. Ang Pangunahing layunin nito na
kayo ay matulungan.
Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ito at gawin ang mga
gawaing nakapaloob dito.
Panoorin at unawain upang masundan mo ito.TARA !

Gusto mo bang mapanood ang ilang programang pantelebisyon/telenobela na may


pagkakahawig ang pangyayari sa nobelang Noli Me Tangere? Nuod na….

Panoorin ng Mabuti para maunawaan.Madali lang ito….

PAMAGAT – Programang pantelebisyon (Probinsyano, A love to last, at


Dekada 70)
Mga Dapat Tandaan /Panuto

1.) Panoorin at unawaing Mabuti ang aralin


2.) Sundin ang mga Panuto.
3.) Maging maingat sa pagsagot sa mga pagsasanay.
4.) Sundin ang RUBRIKS sa mga gawain.
5.) Maging Matapat.
6.) Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong sagot.

A. SIMULAN NATIN…
Sa araw-araw kasama na sa ating ang panood ng mga programang pantelebisyon
napuno ng kaaliwan at kaalaman. Ito’y sumasalamin sa mga pangyayaring nagaganap sa
lipunang kinabibilangan natin.

Alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa nilalaman


ng Sanayang papel na ito.

A. UUNAWAIN KO…
Panuto: Isulat ang titik T kung ang inihahayag sa bawat bilang ay Tama
at M naman kug ito ay Mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Noli Me Tangere ay siyang naging pampukaw sa mga natutulog na diwang
pagkaPilipino upang matukoy at malaman ang kalarakaran ng lipunan sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol.
2. Ang akdang isinulat ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere ay siyang naging sanligan
ngayon sa pagtuturo, hindi lamang sa panitikan kundi maging sa kasaysayan sapagkat
laman nito’y mga importanteng impormasyon ukol sa pananakop ng mga Espanyol.
3. Sanobelang Noli Me Tangere, itinuturing na Kanser sa lipunan ang mga Pilipino o
Indiyo sa ating bayan.
4. Batay sa nakasaad sa nobela, walang puwang sa lipunan ang mga desisyon at hinaing
ng mga indiyo pagkat sila’y itinuturing na pinakakamababa sa antas ng lipunan sa
bansa.
5. Nang isulat ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere, ang bansang Pilipinas ay maayos
na pinamamahalaan ng mga Kastila.
6. Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's
Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro
sa kamay ng mga panginoong puting Amerikano.
7. Inihambing ni Rizal ang Noli sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Hapones.
8. Inalay ni Rizal ang Noli sa mga prayle sa kadahilanang nais niyang mahanap ang
mabuting lunas sa mga suliraning kinakaharap ng bawat Pilipino sa panahon ng mga
Kastila.
9. Isinulat ni Rizal ang Noli upang ihanap ng lunas ang matinding sakit ng lipunan sa
kanyang bayan.
10. Ang Pilipinas ay lugmok sa katiwalian at kahirapan sa panahong isinulat ang Noli Me
Tangere.

I.LAYUNIN:

 Nabibigyang – patunay na may pagkakatulad/pagkakaiba ang


binasang akda sa ilang napanood na telenobela.

PANIMULA:
Sa araling ito, magbabalik-tanaw tayo sa ilang programang pantelebisyong may
Pagkakahawig ang pangyayari sa nobelang Noli Me Tangere. Magkasama nating
tutuklasin
kung anong programa/telenobela ito na punong-puno ng malawak na pangyayaring
magbibigay ng kaalaman at aral.

ALAM MO BA?
Sa bahaging ito ng aralin ay mapapanood natin na may pagkakahawig ang
Mga ito sa nobelang Noli Me Tangere.
Panoorin at unawain.

Ugnay-Panitikan https://www.youtube.com/watch?v=HeHKiGGQqNU

MAGTULUNGAN TAYO!
Pagkatapos mong mapanood ang mahahalagang pangyayari sa telenobela, marahil
ay naging malinaw na sa iyo ang tungkol sa pagkakahawignito sa nobelang Noli Me
Tangere. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa
paksang iyong napanood, subukin mong gawin ang ilan pang gawain.

Hatulan Mo….

A.Sagutin ang mga sumusunod na tanong kaugnay sa napanood na programa/telenobela.


Isulat sa sagutang papel ang kasagutan.
1. Ano ang tema ng bawat programang napanood?
2. Ano – anong suliranin ang kinaharap ng bawat tauhan sa bawat programa?
3. Paano nila hinarap ang mga suliraning ito? Masasabi mo bang nagtagumpay/
Magtatagumpay sila sa pagharap sa bawat suliraning ito?
4. Paano nagkakatulad ang programang ito sa nobelang Noli Me Tangere?
Ipaliwanag.
5. Masasabi mo bang matagumoay na naihatid sa atin bilang manonood ang layunin
ng bawat programang napanood? Oo o Hindi. Pangatwiranan.

MAGAGAWA MO!
Oh ,siya ,ngayon tingnan natin kung ano na ang nalaman mo tungkol sa
ating aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba?”

TAYAIN NATIN…..
Panuto: Sa pamamagitan ng Venn Diagram, isulat ang mga patunay kung ano ang
pagkakaiba o pagkakatulad ng mga napanood na palabas sa akdang Noli Me Tangere.

A. Panlipunan
Pagkakaiba Pagkakaiba

Ang Noli Me
Probinsyano Tangere
Pagkakatulad

B. Pag-iibigan
Pagkakaiba Pagkakaiba

A love Noli Me
to Last Tangere
Pagkakatulad

C. Pagmamahal sa bayan

Pagkakaiba Pagkakaiba

Noli Me

Dekada 70 Tangere
Pagkakatulad

You might also like