You are on page 1of 1

PANALANGIN NG BAYAN

Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon


Lunes
Manalangin tayo ngayon sa ating Diyos Ama para sa katatagan na mapaglabanan natin ang mga
tukso ng kayamanan at kasiguruhan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Ama, mapasaamin nawa ang kaharian Mo.
Ang Simbahan nawa’y patuloy na magbigay ng kalinga at suporta sa mga napapabayaan at mga
naghihirap ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tinatawag na tagasunod ni Kristo nawa’y kanilang mapagtanto na mas mahalaga sa buhay
ang pagkalinga sa iba at pangangalaga sa mga kapuspalad kaysa sa sarili, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y matagpuan ang karunungan na unahin ang paghahanap sa Kaharian ng
Diyos at ialay ang kanilang buhay sa paglilingkod sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mabigyang kasiyahan at kalakasan ni Kristo, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y makasalo sa kasiyahan ng tagumpay ni
Kristo sa Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, bigyan mo kami ng kalakasan ng loob na mamuhay sa karukhaan sa Espiritu at


sumunod sa halimbawa ni Kristo na naging dukha upang kami ay umunlad. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

You might also like