You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


Region V
POLANGUI COMMUNITY COLLEGE
Polangui, Albay

NAME: MALATE, DENNIS M.


COURSE, YEAR&BLOCK: BSED – FILIPINO 3
SUBJECT: MGA ANYONG KONTEMPORARYO SA PANITIKANG FILIPINO
INSTRUCTOR: G. DANTE SALMON

Modyul 2
PANITIKAN SA PANAHON NG MGA KASTILA

PAUNANG PAGSUBOK
1. Kailan nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
 Ang pananakop ng mga Kastila ay nagsimula noong 1565 sa pamumuno ni
Miguel Lopez Legazpi
2. Sa palagay mo madali bang tinanggap ng mga ninuno ang pagdating ng mga Kastila
sa ating bansa? Ipaliwanag.
 Hindi, dahil may mga pinuno ng mga bayan na ayaw magpasakop sa mga
Kastila.
3. Kung ikaw ang tatanungin, pinagsisihan moba na nasakop ng mga Kastila ang ating
bansa? Bakit?
 Hindi, dahil marami silang naging ambag lalo na sa ating kultura at panitikan
kagaya na lamang ng mga magagandang asal at pagiging maka-Diyos.
4. Magbigay ng limang kaugalian na namana natin sa mga Kastila na sa palagay mo
magagamit mo sa ngayon?
 Christian devotion, pagmamano sa magulang, pagdaraos ng mga fiesta,
pagsasagawa ng SenaKulo, at moro-moro
MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
GAWAIN 1
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Ibigay ang tamang sagot at isulat
ito sa sagutang papel.
1. Ito ang aklat ng nalimbag sa Pilipinas noong 1593.
 Doktrina Christiana
2. Kauna-unahan institusyon sa pananalapi.
 Obras Pias
3. Taon kung kalian itinatatag ang kauna-unahang savings bank sa Pilipinas.
 Agosto 1882
4. Ang banko sa kasalukuyan na tinawag noon na El Banco Espanyol Filipino de
Isabel II
 Monte de Piedad Y Caia de Ahorras
Bank of The Philippine Island
5. Itim na balabal na ipinapatong sa balikat ng mga kababaihan.
 Mantilla at Panuelo
6. Isang awit ng kundiman o awit ng pagsinta na inaawit sa harap ng tahanan ng
dalagang nililigawan.
 Harana
7. Pagpapatupad ng sapilitang paggawa na walang bayad para sa Filipinong hindi
nakapagbayad ng buwis.
 Polo Y Servecio
8. Ang nagsulat ng mahal na pasyon ni Hesu Kristo
 Gaspar Aquino de Belen
9. Ito ay tumutukoy sa isang patakaran mamg tuwirang pagkontrol ng malakas na
bansa sa mahinang bansa.
 Kolonyalismo
10. Sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka.
 Sistemang Bandala
GAWAIN 2
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na salita. Isulat ito sa sagutang papel
1. Juego de Prenda
 Ito’y isang laro ng mga kabataan na ginagawa sa lamayan. Ang mga
manlalaro ay bubuo ng pabilog at may hari sa gitna. Magkahiwalay ang
babae at lalaki at bibigyan ng pangalan ang bawat isa, maaring puno sa
lalaki at bulaklak sa babae. Magsisismula ang laro sa pagbintang sa kalahok
sa kanyang nawawalang ibon. At doon na magpapasahan ng bintang at
pagsagot. Tinatawag itong laro ng multa dahil kapag ang mga manlalaro ay
nagkamali sa pagsagot ay mapapatawan siya ng parusa. Ang parusa ay
maaring gagawa ng utos o di kaya ay aawit o tutula.
2. Puteje
 Dulang itinanghal ng mga manggagawang Intsik dito sa Pilipinas. Ang mga
tauhan nito ay pigurang kahawig ng manyika. Maihahambing sa mga puppet.
3. La Ilustracion
 Nangangahulugang gitnang uri ng tao sa lipunan, pinangungunahan ng mga
ilustrado, na nangangahulugan mga “naliwanagan “
4. Karilyo
 May kaugnayan sa pagpapagalaw ng mga kartong hugis-tao sa likod ng isang
kumot na puti pabigkas ng dialogo ang mga tauhang ipinalalabas ng karilyo.
Ang paksa nito ay hango sa mga alamat, mito, epiko, awit at korido.
Itinanghal ito sa tuwing maliwanag ang buwan, sa tuwing pagkatapos ng
anihan o gabi ng pista. Nagkakaroon ng pagbabago pagdating ng mga
Amerikano dahil ang karilyo ay hindi na karton ang ipinalabas kundi totoong
tao na ang gumaganap bilang tauhan.
5. Karagatan
 Ginaganap ang larong ito kung may pagtitipon bilang pakikipagdalamhati sa
mga namatayan at pang aliw sa mga naulila. Ito’y ginaganap sa ika 3O araw
ng pagkamatay at unang taon ng kamatayan. Ito ay nanggaling sa alamat ng
prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan, pagkatapos ay nangakong
kung sino man ang makakakita ng singsing ay kanyang pakakasalan.
6. Pangangaluwa
 Tuwing bisperas ng Araw ng mga Kaluluwa, ang mga batang babae at mga
lalaki ay nagpupunta sa mga bahay-bahay bilang mga kaluluwang nagbuhat
sa purgatoryo.
7. Panunuluyan
 Isang kaugaliang Kristiyano ng mga Filipino na nagtatanghal ng masalimuot
na paglalakbay nina Santo Jose at Birheng Maria mula sa Nazareth patungong
Bethlehem upang maghanap ng matutuluyan na mapagsisilangan kay
Hesukristo. Ito ay hango sa salitang-ugat na “tuloy” na isang magiliw na pag-
anyaya o pagpapatuloy ng panauhin sa loob ng tahanan.
8. Santakrusan
 Ang Santacruzan ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng
pagdiriwang ng Flores de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa
Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino. May ilang personalidad
sa industriya ng pelikula at telebisyon ang lumalahok sa ganitong
pagdiriwang at kadalasan ay nagiging tampok sa sagala bilang reyna at
konsorte.
9. Duplo
 Nangangahulugang doble o ibayo sa wikang Kastila. Tagisan ng talino sa
pamamagitan ng pagtula. Layunin nitong aliwin ang mga kamag-anak ng
namatay. Ito ay isinasagawa tuwing ika-9 na araw ng pagkamatay ng tao.
10. Pasyon
 Isang naratibong tula ng Pilipinas, na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula
kapanganakan, pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay. Ito
ay may saknong ng limang linya sa bawat linya ng pagkakaroon ng walong
pantig. Ang anyong na ito ng salaysay ng pasyon ay popular sa Pilipinas, lalo
na sa panahon ng Mahal na Araw o Semana Santa.
GAWAIN 3
Panuto: Piliin sa kahin ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa papel

Barlaan at Josaphat Moro-Moro


Antillean Pasyon
Vocabulary de la Lengua Tagala El Felibusterismo
Urbana at Feliza Pag-aalsa ni Pule
Ferdinad Magellan Dalit

1. Maituturing na isa sa pinakatangyag na pag-aalsang panrelihiyon.


 Pag-aalsa ni Pule
2. Makadulang panrelihiyon na nagpapakita ng labanan ng mga Kristyano at Muslim
 Moro - Moro
3. Ang pag-aalay ng bulaklak kasabay ng pag-awit bilang handog sa Birheng Maria.
 Dalit
4. Ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas na idsinulat ni Padre Antonio de Borja
 Barlaan at Josaphat
5. Ang pinunong nakarating sa Pilipinas noong 1521.
 Ferdinad Magellan
6. Ito ay bibibigkas o inaawit tuwing pabasa.
 Pasyon
7. Aklat na isinulat ni Modesto de Castro ang tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan.
 Urbana at Feliza
8. Ang mga iskultura tulad ng simbahan, gusaling pampubliko at bahay na bato ay
batay sa istilong
 Antillean
9. Kauna-unahang diksyunaryong tagalog na isinulat ni Padre Pedro de San
Buenabentura noong 1613
 Vocabulary de la Lengua Tagala
10. Ito ay nangangahulugang “Pag-aari ng kasakiman” na isinulat ni Dr. Jose Rizal
 El Filibusterismo
GAWAIN 4
- Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Naniniwala ka ba na tanging pagpapalaganap lang ng relihiyong Kristyanismo ang
pakay ng mga kastila sa ating bansa? Pangatwiranan.
 Hindi, dahil ang mga Kastila ay nagkaroon ng interes sa kayamanan ng
Pilipinas na ninais nilang angkinin mula sa ating bayan. At sa aking palagay
ginamit lamang nila ang relihiyon para mas mabilis na magkaroon ng kontrol
sa mamamayang Pilipino.
2. Anu sa palagay mo kung bakit tutol ang mga paring Espanyol na magkaoon ng
sekularisasyon sa panahon ng Age of Enlightenment?
 Sa aking palagay ayaw ng mga paring Espanyol na maagawan ng
kapangyarihan o ng kontrol ng mga paring sekular sa mga parokra sa ibat
ibang bahagi ng bansa.
3. Ano ang dahilan kung bakit itinuturing na pinakatanyag na pag aalsang panrelihiyon
ang pag aalsa ni Hermano Pule?
 Dahil sa pagkakatatag niya ang Kapatiran ng San Jose o Cofradia de San José,
isang “kapatiran” na Pilipino lamang ang puwedeng sumali. Karamihan ng
mga kasapi nito ay mga magsasaka at ito ang naging kapalit ng Katolisismo.
At ito ay nagkaroon ng napakaraming kasapi. Mula sa punong himpilan nito
sa Bundok Banahaw, nagkaroon sila ng malawak na kapatiran sa Tayabas
(Quezon), Laguna, at Batangas.
 Pinatay ng mga sundalong espanypl ang lahat ng kasapi, maging matanda,
bata mga babae at pinagpirapiraso ang katawan ni Hermano Pule at
ibinandera sa mga lugar na madaling makita bilang babala sa mga magnanais
pang mag-alsa.
4. May naitulong ba ang pagbubukas ng Suez Canal ng Europa at Amerika sa ating
bansa? Bakit?
 Mayroon. Naging maikli ang paglalakbay at napadali ang komunikasyon mula
sa Maynila hanggang Espanya.
ito rin ay nagdala ng kalakal sa bansa pati ng mga kaisipang liberal o Malaya
gayan ng pagtutol sa paraan ng pamamahala ng isang lider na hindi karapat
dapat.
5. Ibigay ang negatibo at positibong naidulot ng pananakop ng mga kastila sa ating
bansa.
 Sa loob ng mahabang panahon na pamamalagi ng mga Kastila sa Pilipinas,
maraming panukala ang kanilang inilunsad. Mayroon para sa paggawa,
agrikultura, relihiyon at maging sa pangangalakal. Ngunit pinaramdam
naman nila ang mga kalupitan at di-makatarungang pamamahala.

GAWAIN 5:
Gumawa ng isang talumpati tungkol sa paksang “Epekto ng kolonisasyon sa
kasalukuyang panahon”. Pagkatapos gawin, basahin ito habang kinukuhanan ng video ang sarili.
“Epekto ng Kolonisasyon sa Kasalukuyang Panahon”
Kolonisasyon ano nga ba ang epekto nito sa kasalukuyang panahon. Masama ba o
mabuti. Siguro’y minsan na ding sumagi sa iyong isipan ang mga kataanungang ito bago kopa
man sambitin. Ngayon ay atin itong talakayin, at pagbulaybuluyan sa ating mga isipan. Handa
kana ba? Kung oo ay akin na itong sisimulan.
Kung ating pakasusuriin napakaganda ng epekto nito sa kasalukuyan. Tignan na lamang
natin kung gaano tayo napagbubuklod gamit ang relihiyon na nagbuhat sa mga Kastila. Ang
relihiyong Kristiyanismo na gumagabay sa’tin tungo sa tuwid na landas sa pamamagitan ng turo
ng mahal na Panginoon Diyos na mula noon hanggang ngayon ay ating sinusunod sa
pamamagitan ng pananampalataya. Mga magagandang asal at kaugalian na ating namana
galing sa ating mga ninuno na sa mga dayuhan nagbuhat ay talaga namang magandang
pagmasdan sa mga mamamayan. Lalo na ang paggamit ng po at opo kapat nakatatanda ang
kausap. Diba’t napakagandang pakinggan? Yan ang ambag nila sa ating kultura na nagpasa pasa
sa mga henerasyon at maipapasa pa sa mga susunod.
Gayundin ang mga akdang dala nila patugma man tuluyan o prusa ay nagbibigay aliw
kinagiliwan at kinapupulutan ng aral, bata man o matanda ang babasa. Mga ideya sa
pagnenegosyo na namana sa mga dayuhan ay mas lalo pang napaunlad sa kasalukuyan na kung
ating makikita ay nagpapayaman sa karamihan ditto sa ating bayan. Ilan lamang yan sa mga
magagandang epektong dulot ng kolonisayson sa kasalukuyang panahon.
Salamat sa pakikinig.

You might also like