You are on page 1of 3

Linggo ng hapon, matapoos maglaro ang magkakaibigang Chona, Gigi, Dante at Tomas ay naupo sila sa

upuan sa may parke. Maya-maya ay napansin ni Chona na tila may gutsong sabihin si Gigi ngunit parang
pinipigilan siya nia Tomas at Dante. Tinanong n i Chona ang Dalawa.

Chona: Ano ba 'yang pinagbubulungan ninyo, Gigi?

Tomas: Wala, Chona, huwag mo kaming pansinin. Alammo naman itong si Gigi medyo makulit.

Chona: Ano nga iyon?

Dante: Wala nga. Halikayo, maglaro na lang ulit tayo o umuwi na lang tayo kasi pagod na tayo, 'di ba?

Hindi pa rin napigilian ng dalawang kaibigan na magsalita si Gigi. Nang makauwi na sina Dante at Tomas
ay nagkaroon siya ng pagkakataong makausap si Chona. 

Gigi: China, may itatanong ako sa iyo. 'do ba ikaw ang nangunguna sa klase natin?

Chona: Hindi namna; marami namang magagaling sa atin. Bakit mo naman naitanong iyan?
Gigi: Kasi may nakapagsabi sa amin na kaya ka lang daw mataas nag marka mo ay dahil masipag kang
mag-aral at kompleto ang gamit mo sa pag-aaral. Pero kung tutuusin daw  ay mas magaling sa iyo at
saka paborito ka raw kasi ng ating guro. Hindi ka naman daw talaga magaling.

Chona: Sino naman ang nagsabi niyan?

Gigi: Iyong pangalawa sa iyo sa klase.

Chona: Sino? SI Camille? Wala naman akong naririnig sa kaniya na sinasabi niya iyon sa akin.

Gigi: Ay naku siyempre hindi niya iyon sasabihin sa iyo. Pero kung ako sa iyo, aalamin ko para malaman
ko ang totoo.

Chona: Pero kaibigan ko si Camille, hindi niya iyon sasabihin.

Naghiwalay na ang magkaibigan. Nang makauwi na si Chona ay dumiretso ito sa sala ng kanilang bahay
at malalim ang iniisip. Napansin ito ng kaniyang nanay.

Nanay: Anak, may problema ka ba?

Chona: Wala po Nanay. Pagod lang po siguro ako sa paglalaro. Magpapahinga lang po ako, mawawala
rin po ito.

Nakakain na ang nmag-anak ng hapunan, ngunit tahimik pa rin si Chona. Pagakatapos tumulong sa
pagliligpit ng pinagkainan at paglilinis ng kusina ay natulog na si Chona.

Kinaumagahan, tahimik pa rin si Chona. Napansin ito ng kanyang ina at dalawang kapatid. Pagdating sa
paaralan, nasalubong niya ang kaibigang si Camille.Binati siya nito at tila wala itong bahis ng inis o inggit
sa kaniya. Naguguluhan si Chona. Malaki ang naging epekto sa kaniya ang sinabi ni GIgi. Hindi niya
malaman kung sasabihin niya kay Camille ang nasabi ng mga kaibigan sa kanya. Hindi nagpahalata si
Chona sa kaniya. Lumipas ang mga araw,matamlay si Chona sa klase. Napansin ito ng kanilang guro.Kaya
isang araw, kinausap si Chona ng kaniyang guro.

Bb. Reyes: Napansin ko na tahimik ka nitong mga nakaraang araw. May probolema ka ba? Hindi ka
naman dating ganyan. Hindi ka na sumasali sa mga talakayan sa klase. May sakit ka ba? Sabihin mo sa
akin baka matulungan kita.

Chona: Wala po, Ma'am, naguguluhan lang po ako. Puwede po bang magtanong? Mataas po ba ang
grado ko kasi paborito ninyo ako?

Bb. Reyes: Sinong may sabi niyan? Bakit mo nasabi iyan? Hindi, matalino at masipag kang bata. May
kusang palo sa pag-aaralo at sa mga gawain sa paaralan.

Chona: Wala po Ma'am, naisip ko lang. Hindi na lang po ako mag-aaral ngmabuti para walang masabi
ang mga kaklase ko.

Bb. Reyes: Bakit? Iyon ba nag dahilan kung bakit ganyan ang ikinikilos mo nitong mga nakaraang araw?
Bakit kailangang mag-isip ka ng ganyan dahil lamang sa narinig mo?

Chona: Naguguluhan po kasi ako, Ma'am. Pinag-isipan ko pong mabuti kung bakit nasabi sa akin iyon ng
aking kaklase na itinuring ko pa namang kaibigan. Nalulungkot po ako pero hindi ko magawang magalit
sa kanya.

Bb. Reyes: Tama iyan. Nag taong marunong mag-isip at matalino ay hinsi nagpapadalos-dalos sa
kaniyang pasiya.Hindi ka rin naman nakakatiyak kung totoo ang sinabi sa iyo ng iyong kamag-aral. Ang
mahalaga ay hindi ka agad magpapaapekto. Matalino ka kaya lam kong hindi ganyan ang magiging
reaksiyon mo sa maling paratang nila sa iyo. Tama iyang ginawa mo na kinausap mo muna ako. Kausapin
mo rin ang iyong mga magulang at tiyak na gayon din ang kanilang sasabihin sa iyo.

Gayon nga ang ginawan ni Chona. Kinausap niya nag mga magulang at sinabi ang bumabagabag sa
kaniya. Ganito ang sinabi ng kaniyang ina.

Nanay: Anak, naniniwal kami sa iyong kakayahan at mas kilala ka namin kaysa ibang tao kaya magtiwala
ka sa sarili mo.

Tatay: Oo anak, alam kung mananaig sa iyo ang pagiging mabait na bata at pagiging bukas ang isipan.
Kaya ganyan nag iyong nararamdaman kasi ayaw mong may nagagalit o naiinggit sa iyo. Huwag kang
mag-alala, makikita rin nila ang kanilang kamalian. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuting bata mo
at tiyak naming magtatagumpay ka sa buhay.

Dahil sa sinabi ng magulang ay muling nabuhayan ng loob si Chona at nagpatuloy siya sa pagiging
responsableng mag-aaral.

ISABUHAY MO 
Pagkakaroon ng Bukas na Isipan.

Mainam sa isang tao ang pagkakaroon ng bukas na isipan.

May pagkakaisa ang bawat tao kung marunong umunawa at sumuri sa mga  bagay na nakikita o
naoobserbahan sa paligid. Kung hindi tiyak sa iyong nakikita sa kapwa, iwasan na lamang ang
pagbabahagi sa iba upang hindi makasira. Maaroi ka namang  sumangguni sa kinauukulan kung
kinakailangan.

You might also like