You are on page 1of 8

Mag-isip ng dalawang pangyayari na inyong

nasaksihan sa loob at labas ng inyong bahay o


paaralan (dati) na masasabi ninyong
makabuluhan at nangangailangan ng atensiyon o
pag-unawa sa iba. Mag-isip sa loob ng tatlong
minuto.
Pumasok na sa paaralan si Lina. Maya-maya pa ay dumating si Lorna na kaklase niya at
ibinigay ang isang sulat sa kaniya. Galing ito sa matalik niyang kaibigan na si Ruth!
Binasa ni Lina ang laman ng sulat.

Mahal kong Lina,


Hindi ako nakapasok ngayon kasi ayoko munang
makita si Abel. Hindi ba kahapon tinanong tayo ni Bb.
Ramirez kung may nakakita ng nawawalang proyekto
ni Luis? Walang sumagot sa atin kasi hindi nga natin
alam. Alam mo na-guilty ako kasi hindi naman
totoong wala akong nakita. Ang totoo ay alam ko
kung sino ang kumuha at kung saan niya inilagay ang
parol. Hindi ko lang masabi kasi natatakot ako baka
magalit si Abel. Oo Lina, si Abel ang kumuha ng
proyekto ni Luis.
Pumasok na sa paaralan si Lina. Maya-maya pa ay dumating si Lorna na kaklase niya at
ibinigay ang isang sulat sa kaniya. Galing ito sa matalik niyang kaibigan na si Ruth!
Binasa ni Lina ang laman ng sulat.

Di ba kilala mo naman ang ugali ni Abel tapos


malaki pa siya kaya takot akong sabihin na siya ang
kumuha. Gusto ko sanang ilihim mo ito kasi ayaw
kong malaman ni Abel na may alam ako. Nakita
niya kasi ako nang sinundan ko siya papunta roon sa
pinagtaguan niya ng proyekto ni Luis. Kaya
siguradong 'pag nalaman niya na alam ni ma'am
kung sino ang kumuha, alam niyang ako ang
nagsabi. Kaya hindi muna ako pumasok, baka
magalit kasi siya at gantihan ako. Siguradong hindi
niya iyon aaminin.
Pumasok na sa paaralan si Lina. Maya-maya pa ay dumating si Lorna na kaklase niya at
ibinigay ang isang sulat sa kaniya. Galing ito sa matalik niyang kaibigan na si Ruth!
Binasa ni Lina ang laman ng sulat.

Ano sa palagay mo, dapat ko bang sabihin o


huwag na lang? Pagawain na lang natin ulit kaya
ng proyekto si Luis, tulungan na lang natin.
Pabayaan na lang natin kay Abel ang proyekto ni
Luis. Sana makapag-usap tayo pagpasok ko.
Nagmamahal,
Ruth
Sagutin Mo

1. Sino ang sumulat kay Lina?


2. Ano ang laman ng sulat?
3. Bakit takot si Ruth at ang iba niyang kaklase
kay Abel?
4. Dapat bang matakot si Ruth kay Abel?
5. Ano ang nais mangyari ni Ruth na nais
niyang sang-ayunan ni Lina? Tama ba ito?
May mga pangyayari sa buhay ng tao na
nangangailangan ng kapwa niya upang siya ay
mabigyan ng payo sa mga dapat gawin.
Ang mga taong nakauunawa ang inaasahan nating
siyang makapagtatanggol sa isang taong
nangangailangan ng tulong o pag-unawa.
Isa itong malaking hamon sa mga taong nakaririnig
oʻnakakikita sa mga pangyayaring nangangailangan ng
atensiyon o agarang desisyon.
Magagawa mong unawain ang isang tao o pangyayari
kung ang magiging intensiyon ay sa ikabubuti ng
marami, kapayapaan ng lahat, at para sa katotohanan.
Pag-unawa sa kalagayan o
Pangangailangan ng Kapwa
"Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.”
Hango ito sa isang awitin na tanyag au makahulugan.
Bawat tao ay nangangailangan ng kaniyang kapwa. Nais
niyang makaunawa, unawain, mahalin, at magmahal.
Sa bawat kabutihang ipinapakita natin sa iba o nakikita
natin sa kapwa, nag-iiwan ito ng aral at nagdudulot ito ng
kabutihan sa sinumang nakakikita at nakaririnig.
Bawat tao ay nangangailangan ng kaniyang kapwa kaya
walang taong kayang mamuhay na mag-isa. Kailangan ng
bawat tao ang kaniyang kapwa.
Magaling ka bang magkuwento ng isang pangyayari?
Naranasan mo na bang hingan ng tulong ng ibang tao
tulad ng kaklase, kaibigan, o kapitbahay?
Tungkol saan ang tulong na hiningi? Paano mo siya
tinulungan at ano ang naidulot nito sa iyo at sa
kaniya?
Isalaysay at ilahad ang pangyayari.

You might also like