You are on page 1of 3

Gec011 Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina S.Y.

2020-2021

Pangalan: ALONZO JHAROLD M. Kurso: BS ARCHITECTURE-3

*Gumamit ng Hiwalay na Papel kung Kinakailangan

INTERAKSYON

A. PANGUNAWANG TANONG
Basahin ang mga sumusunod na katanungan upang iyong gabay sa ating aralin/paksa na
iyong sasagutin pagkatapos ng talakayan , sa iyong sariling pangunawa at sariling
pananalita.

1. Ano ang pagsasalin?

Ang pagsasalin ay isang paraan ng pagsulat kung saan isinusulat muli ang teksto sa ibang
wika batay sa gagamitin ng tagasalin subalit hindi nawawala ang diwa ng orihinal
nito.Kadalasan, ang mga akdang nakasulat sa Ingles ay naisasalin sa Filipino sapagkat ang
wikang ito ay itinuturing na pangalawang wika ng mga Pilipino.

2. Ano ang kahalagan ng pagsasalin?

Mahalaga ang pagsasalin upang makaabot sa iba pang panig ng daigdig ang mga akda
mula sa iba’t ibang lugar. Sa ganitong pagkakataon ay nawawala ang balakid ng pagkakaiba-iba
ng wika sa pagkakaunawaang global.

3. Ano-ano ang mga hakbang sa aktuwal sa pagsasalin? Ipaliwanag.

Ang mga hakbang sa aktuwal na pagsasalin ay, una, basahin ng paulit-ulit ang teksto.
Pangalawa, pagsusuri – hanapin at pag-aralan ang mga salitang nagtataglay ng mahalagang
ideya. Paano ito sinimula? Paano ito winakasan? Paano nagkaugnay-ugnay ang mga
pangungusap. Pangatlo, paglilipat – kailangang alamin ang tiyak na kahulugan ng mga salita at
ang intension sa paggamit nito. At ang panghuli ay angPagsulat ng burador. Pagsulat ng unang
burador, pagsasayaos ng burador, pagsulat
ng ikalawang burador, pangwakas na pagsusulat.

4. Ano ang ang hawig o (paraphrase)?


Ang hawig o (paraphrase) ay malayang pagpapahayag ng mga kaisipan at pananalita ng iba
upang magpaliwanag. Sa pagsulat ng hawig, ang nilalaman ng orihinal ay kailangang ulitin at
bigyan ng pakahulugan. Pangunahing layunin ng hawig ang pagbibigay-linaw sa may kahirapang
bahagi ng isang katha.

5. Sa iyong palagay mahalaga ba ang pagpaparapreys?

THE MODERN THINKER


1
Gec011 Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina S.Y. 2020-2021

Ang paraphrasing ay mahalaga sapagkat nagpapakita ito na nauunawaan mo ang


pinagmumulan ng sapat upang isulat ito sa iyong sariling mga salita. Mahalaga ito sapagkat ito
ay nagpapakita sa iyo at sa iyong mambabasa na naintindihan mo ang mapagkukunan ng sapat na
sapat upang isulat ito sa iyong sariling mga salita.

B. MAIKLING PAGSUBOK.
A. Isalin ang mga sumusunod na tunog ayon sa kahulugan:

1. Girls screaming – Mga babaeng nag sisigawan


2. Thunder rumbling – Kumakalabog ang kulog
3. Hearth pounding – Tibok ng puso
4. Dog’s barking – Tahol ng mga aso
5. Wind blowing – Ihip ng hangin

B . Isalin sa wikang Ingles ang sumusunod na pahayag sa Filipino:

6. Balik sa katotohanan - Back to reality


7. Walang puwang ang kabiguan - There is no space for failure
8. Matira ang matibay -Strongest will remain
9. Iisa lang ang buhay mo - You only have one life
10. Iyan ang kwento ng aking buhay -That is the story of my life

11.(10 PTS) Iparapreys ang tekstong nasa ibaba.

Ang wikang English ,Matematika, Siyensya, at Physical Education ay pawang


itinuturo rin sa Basic Education, ngunit ngayoy bahagi narin ng kurikulum sa kolehiyo sa sa
ilalim ng K-12 sa porma ng Purposive Communication sa esensya ay English for Academic
Purposes; Mathematics in The Modern World; Science and Technology for Society; at
Physical Education . samakatwid, nararapat lamang na may Filipino at Panitikan din sa
kolehiyo , sa diwa ng pagiging patas, at holistikong paghubog na siyang dapat ikintal sa
General Education (Departamento ng Filipino DLSU-Manila2018)

INTEGRASYON
A.SINTESIS

THE MODERN THINKER


2
Gec011 Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina S.Y. 2020-2021
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pagaralan ang pagsasalin at
pagpaparapreys? Magagamit ba natin ito sa pangkasalukuyan? Ipaliwanag.

Bilang isang mag-aaral, mahalagang pagaralan ang pagsasalin at pagpaparapreys dahil


makakatulong ito sa iba pang mga asignatura. Ang kahalagahan ng pagsasalin ay mas
naiintindihan o naunawaan ng mambabasa ang ibang lengwahe sa mga teksto tulad na lamang ng
madalas nating gamitin na wikang Filipino at Ingles. Gayundin ang kahalagahan ng
pagpaparapreys sapagkat layuin nitong pagpapasimple ng tekstong binasa upang mas madaling
maintindihan ng mga babasa o tagapakinig.

B. REPLEKSYON

Gawan ng repleksyon ang natutunan mula sa modyul 2, isulat ito sa pangungusap na


binubuo ng isang talata.

Sa pamamagitan ng pagtalakay sa modyul na ito ay mas pinalawak pa ng mga


impormasyong ito ang aking kaalaman. Dahil dito mas natutunan ko ang layunin ng pagsasalin at
ang pagpaparapreys at ang kanilang mga importansya sa mga mananaliksik na mag-aaral,
ganundin sa iba pang mga larangan. Mas naintindihan ko na ang pagsasalin ng wika ay may mga
importanteng kaakibat na katangian, una ay ang kadalubhasaan sa TL(target language) at
SL(source language). Pangalawa ay sapat na kaalaman sa kulturang kinabubuhulan ng dalawang
bansang kasangkot sa pagsasalin. (kultura ng wika). At ang ganap na kaalaman sa paksa.

Sa kabilang banda, Ang hawig o parapreys naman ay isang pagsasabi o paghahayag


ng idea at pananalita ng isang akda sa pananalitang naiintindihan ng mambabasa at tagapakinig.
Natutunan ko din na gamitin ang mga hakbang ng pagsulat ng hawig o parapreys.

Sa kabuuan, ang mga ito ay makakatulong sa mga mag-aaral lalo na sa mga


nagpapaka dalubhasa sa pagsasaslin ng wika o mga lingwistiko. Dahil sa mga bagong
impormasyon na ito ay mas natututo ang mga estudyante kung paano ang tamang hakbang o mga
proseso ng pagsasalin at parapreysing na maaring magamit sa pakikipag talastasan sa mga taga
ibang bansa upang nang sa ganoon ay mas magkaunawaan.

THE MODERN THINKER


3

You might also like