You are on page 1of 4

IKAAPAT AT IKALIMANG LINGGO

MODYUL 2
URI NG BARAYTI

I. Introduction

Ang varayti ng wika ay isang maliit na grupo ng pormal na makabuluhang katangian


na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. Ito ang nagpapatotoo na ang
wika ay yumayaman dahil sa ating patuloy na pakikipag-ugnayan sa lipunan. Nabubuo ang iba’t
ibang wika dahil sa mayamang kaisipan ng isang tao. Nakikilala ang mga grupo ng mga taong
gumagamit nito at mas naipapakita ang sariling identidad at kinasanayang kultura.

Sa araling ito, partikular na tatalakayin ang dalawang malaking uri ng varayti ng wika at
maisa-isa rin ang kinapapaloobang impormasyon dito.

II. Pre-Competency Checklist


Gamit ang talahanayan sa ibaba, bigyang-pagkukumpara ang pansamantala at
permanenteng varayti ng wika.

Pansamantala Permanente

III. Learning Resource


 Barron, Trish (2013). Varayti ng Wika. Retrieved from https://prezi.com/amwat8of-
d0f/varayti-ng-wika/ on February 15, 2020.

 Peregrino, J. M. etal. 2012. Salindἀw: Varayti at baryasyon ng Filipino. Quezon City:


Sentro ng Wikang Filipino

IV. Explore/Tasks

Nagbigay siCatford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika.


 Permanente
para sa mga tagapagsalita / tagabasa. Kabilang sa mga varayting
permanente ang dayalekto at idyolek. Batay ang diyalekto sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.
Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa
sa tatlong dimension: espasyo,panahon at katayuang sosyal.

1. Dayalek
Ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng
lalawigan, rehiyon o bayan.
Maihahalimbawa rito ang mga diyalekto ng Tagalog
a. Tagalog-Bulacan
b. Tagalog-Batangas
c. Tagalog-Laguna
d.Tagalog-Cavite
e.Tagalog-Mindoro
f. Tagalog-Rizal
g. Tagalog-Palawan.

2. Idyolek
-isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng
partikular na indibidwal.

 “Hindi kita tatantanan!”- Mike Enriquez


 “Walang himala!”- Nora Aunor
 “Handan a ba kayo?”- Korina Sanchez
 “aha ha ha ha nakakaloka! Okey Darla!- Kris Aquino
Ayon pa rin kay Catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang.

3. Etnolek
-Wikang galing sa iba’t ibang etniko. Nagmula sa pinagsamang etniko at dialek.
Taglay nito ang wikang nagging bahagi nang pagkakakilanlan ng baswat pangkat
etniko.
 Vakkul- tumtukoy sa pantakip sa ulo sa init man o sa ulan na gamit ng mga
Ivatan
 Bulanon- Full Moon
 Palangga-mahal o minamahal
4. Ekolek
-Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng tahanan. Ginagamit sa pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan.
 palikuran o banyo o kubeta
 silid tulugan o pahingahan o kuwarto

 Pansamantala
Dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kasama rito ang register,mode
at estilo.
1. Register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng
tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa nito ay: sayantipikong register,
panrelihiyong register, pang-akademikong register at iba pa.

2. Sosyolek

- Wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong


gumagamit ng wika.
- Tinutukoy nito ang salik panlipunan at hindi ang lokasyon.
• Gulang
• Katayuang sosyo-ekonomiko
• kasarian
3. PidgPidgin at Creolein at Creole
Ang pidgin ay umaasa sa “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika. “Ako tinda
damit maganda”
Ikaw bili tinda, mura.”
Samantalang ang Creole Wikang chavacano (tagalog at espanyol)na hindi puro dahil
naiimpluwensiyahan ito ng katutubong estruktura. Halong Portuguese at Espanyol (Annobonese)
- Di donde lugar to?- taga saan ka?

Gawain:

V. Discussion Board
Ilahad ang sariling pananaw sa pagkakaroon ng barayti ng wika hinggil sa
pagpapayabong ng wikang Filipino.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

VI. Post Competency Checklist

Gawain 1:
Magbigay ng 5 halimbawa sa bawat barayti ng wika na hindi nabanggit sa itaas.

Dayalek Idyolek Etnolek Ekolek Sosyolek Register

You might also like