You are on page 1of 17

ARALIN 1 : Kahulugan ng Primarya at Sekundayang Sanggunian

KAHULUGAN NG PRIMARYA AT SEKUNDARYANG SANGGUNIAN


NONG 1962 PINASOK NI DR. ROBERT B. FOX AT ILANG KASMA ANG MGA KWBANG TA TABON SA
BAYANG QUEZON S TIMOG KANLURANG BAHAGI NG PALAWAN. NADISKUBRE NILA ANG MGA
LABI NG BUNGO NG TABON TINATAYANG 22000 24000 TAON NA ANG MGA LABING ITO.
NADISKUBRE RI NILASA MGA KUWEBAANG MG TAPYAN ARSA PAG LILIBING MGA BANGANG
GAWA SA PUTIK MGA PANDEKURAYONG JAED AT IBA PANG MGA ALAHAS MGA GAMITANG
BATO MGABUTO NG HAYOP AT MGA FOSSIL NG TAO NA MAY 47000 TAON NA. ANG MGA
NADIKUBRENG ITO NINA DR. FOX AY MAKA PAG SASABI SA ATIN NG BAHAGI NA ATING
NAKARAAN .ANG MGA ARTEFACT NA TULAD NG MGA BANGA ALAHAS AT KAGAMTAN AY MGA
PRIMARYANG SANGGUNIAN NG KASAY SAYAN. 
NOONG PUMUNTA SI FERDINAND MAGELLN SA PILIPINAS NOOG 1521 KASAMA NYA SI ANTONIO
PIGAFETTA ISANG ESKOLAR AT ESKPLORADOR NA MULA SA REPULIKA NG VENICE HABANG
NAGLALAKBAY SI MAGELLAN GUMAGAWA SI PIGAFFETA NG TALAARAWAN . INILALAGAY NIYA S
KANYA SA KANYANG TALAARAWAN ANG KANYANG MGA NAKITA NARIRINIG AT NARNSAN . ANG
TALRAWAN ITOAY NAKA PAGSASABI SA ATIN N MGA PANG YAYARI TUNG KOL SA PAG PUNTA
NI MAGELLAN SA PILIPINAS , ANG TALAARWN NI PIGAFFETA AY ISANG HALIMBAWA NG
PRIMARYANG SANGGUNIANARALIN 1 : Kahulugan ng Primarya at Sekundayang Sanggunian
KAHULUGAN NG PRIMARYA AT SEKUNDARYANG SANGGUNIAN
NONG 1962 PINASOK NI DR. ROBERT B. FOX AT ILANG KASMA ANG MGA KWBANG TA TABON SA
BAYANG QUEZON S TIMOG KANLURANG BAHAGI NG PALAWAN. NADISKUBRE NILA ANG MGA
LABI NG BUNGO NG TABON TINATAYANG 22000 24000 TAON NA ANG MGA LABING ITO.
NADISKUBRE RI NILASA MGA KUWEBAANG MG TAPAYAN SA PAG LILIBING MGA BANGANG
GAWA SA PUTIK MGA PANDEKURAYONG JAED AT IBA PANG MGA ALAHAS MGA GAMITANG
BATO MGABUTO NG HAYOP AT MGA FOSSIL NG TAO NA MAY 47000 TAON NA. ANG MGA
NADIKUBRENG ITO NINA DR. FOX AY MAKA PAG SASABI SA ATIN NG BAHAGI NA ATING
NAKARAAN .ANG MGA ARTEFACT NA TULAD NG MGA BANGA ALAHAS AT KAGAMTAN AY MGA
PRIMARYANG SANGGUNIAN NG KASAY SAYAN. 
NOONG PUMUNTA SI FERDINAND MAGELLN SA PILIPINAS NOOG 1521 KASAMA NYA SI ANTONIO
PIGAFETTA ISANG ESKOLAR AT ESKPLORADOR NA MULA SA REPULIKA NG VENICE HABANG
NAGLALAKBAY SI MAGELLAN GUMAGAWA SI PIGAFFETA NG TALAARAWAN . INILALAGAY NIYA S
KANYA SA KANYANG TALAARAWAN ANG KANYANG MGA NAKITA NARIRINIG AT NARNSAN . ANG
TALRAWAN ITOAY NAKA PAGSASABI SA ATIN N MGA PANG YAYARI TUNG KOL SA PAG PUNTA
NI MAGELLAN SA PILIPINAS , ANG TALAARWN NI PIGAFFETA AY ISANG HALIMBAWA NG
PRIMARYANG SANGGUNIAN
Aralin 2

Ang Bangang Manunggul at ang mga Sinaunang paniniwala

Mahahalagang Tanong
- ano ang kahalagahan ng mga artefact sa pag aaral ng kultura mga sinaunang tao? 
- ano ang ipinahihiwatig ng mga kaugalian sa paglilibing tungkol sa mga paniniwala ng mga sinaunang
pilipino?
- anong paniniwala ng mga sinaunang pilipino ang ipinakikita ng kanilang kaugalian sa pag lilibing?

Mga Kaalaman 
- kahulugan ng Artefact.
- mga katangian ng bangang manunggul.
- mga sinaunang paniniwala.

Mga Kakayahan
- naipaliliwanag kung ano ang Artefact.
- natutukoy ang iba-ibang artefact at mga gamit nito sa pang araw araw na buhay. 
- naipaliliwanag kung bakit ang Artefact ay isang primaryang sanggunian.
- nakasusuri ng disenyo at katangian ng bangang manunggol
- nakasasagot ng graphic organizer tungkol sa banga.
- nasasabi ang gamit ng bangang manunggol
- naihahambing ang una at pangalawang pag libing.
- nakahihinuha ng impormasyon mula sa banga .
- nakauunawa ng simbolo ng bangang manunggol.
- nakabubuo ng heneralisasyon tungkol sa simbolo ng banga.
- nailalahad ang sinaunang paniniwala ng mga pilipino ayon sa gamit at simbolo ng banga.
- mapa nuring nakababasa ng sipi ng mga primaryang sanggunian tungkol sa pag lilibing at sinaunang
paniniwala.
-nakakukuha ng datos mula sa siping ito.
- nakagagawa ng buod ng impormasyon sa sariling salita.
- nakapag uugnay ng kaalaman na nakuha sa mga sipi at sa bangang manunggol.
-nakasusulat ng talata tungkol sa sariling paniniwala.
- nakagagawa ng heneralisasyon tungkol sa kahalagahan ng sinaunang paniniwala.
- nakauunawa ng konsepto ng pananatili at pagbabago.
- nakabubuo ng kamalayan tungkol sa sinaunang paniniwala at nakikilala ang pagkakaiba at/o
pagkakatulad nito sa kasalukuyan.
- nakaguguhit ng mga imaheng inilarawan sa sipi.
-nabibigyang kahalagahan angkultura noon at ngayon.

A. Panimula
bago dumating ang mga espanyol sa pilipinas, may mga tiyak nang paniniwala ang mga sinaunang
pilipino tungkol sa ibat-ibang aspeto ng kanilang buhay.Mapapag-aralan natin ang mga paniniwalang ito
sa tulong ng ilang primaryang sanggunian- mga artefact (o artifact) at mga panulat ng mga prayleng
espanyol na nagsisilbing saksi sa pamumuhay ng mga sinaunang pilipino.

B. Ano ang ARTEFACT???


ang artefact ay isang bagay na ginawa,hinubog,at ginamit ng tao.Mga halimbawa nito ang
armas,alahas,kwintas,banga,pera,at gulong na nahukay ng mga arkeologo.Sa arkeolohiya,ang artefact
ay isang bagay na nakuha sa isang gawainng arkeolohikal,tulad ng pag huhukay sa kinalalagyan ng
isang sinaunang sibilisasyon.Arkeolohiya ang siyensyang nag aaral ng mga sinaunang kultura sa
pamamagitan ng mga labi tulad ng mga labi ng gusali,libingan,kagamitan at iba pang artefact.
Ang artefact ay maaaring sinauna o makabago.kadalasan,nakukuha ito sa paghuhukay na
arkeolohikal.Mahalaga ang mga artefact mula sa mga nakaraan dahil ipinapakita nito ang mga aspeto ng
kultura at sibilisasyonkung saan sila ginawa at ginamit.
interesado ang mga arkeologo sa mga artefact dahil sinasabi ng mga ito kung paano namuhay ang mga
sinaunang tao.Makikita sa mga artefact ang teknolohiya at kakayahan ng mga tao noon,ang kalagayan
ng kanilang lipunan,at ang kanilang mga kaugalian,tradisyon,at paniniwala.Nalalaman sa mga artefact
kung paano kumukuha at naghahanda ng pagkain ang mga tao noon,kung paano nila dinedesenyo ang
kanilang mga bahay,at kunjg anong mga kasangkapan ang gamit nila araw-araw.
Interesado rin ang mga arkeologo sa damit at alahas na isinusuot ng mga nakaraang
sibilisasyon.Kadalsan,makikita ang kanilang mga sistema ng paniniwala sa kanilang pananamit at sa mga
adomong kanilang ginagamit.
Ibat iba ang paraan ng ibat ibang lipunan at kultura sa paggawa ng mga artefact.Gawa sa mga bato at
buto ang ilang sinaunang artefact.Ginagamit ang mga unang taoangmga produktong natural sa
paligidniya sa paggawa ng mga kasangkapan at armas sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.Nang
sumulong ang mga sibilisasyon,gumamit na ang mga tao ng mga proseso sa pagmamanupaktura sa
paggawa ng mga kasangkapan at armas.
Sa pagsusuri ng mga arkeologo,,tinitngnan din nila ang kahulugan at kahalagahanng nakapaloob sa
artefact.Saa paghihinuha ng kahuluganat kahalagahan ng artefact ,mahalaga sa kanila kung saan ito
nakita.Halimbawa,may karagdagabg kahulugan ang mga artefact na nakita sa mga libingan.Sa ilang
sibilisasyon,kasamang inililibing ang mga kasangkapan ng namatay.Naniniwala sila na gagamitin ng
kaluluwa ng namatay sa kabilang buhay ang mga kasangkapang ito.
MGA KATANGIAN NG BANGANG MANUNGGOL
noong 1962,natagpuan nina dr.robert B. fox at Miguel santiago ang isang banga sa kwebang
manunggulsa lipuun(QUEZON NGAYON),PALAWAN.tinatayang ginawaang banga noong mga 890-710
BCE. Kasabay nitong nakita ang mga labi ng taong tabon.Ang banga ay may taas na 66,5 cm o mga
dalawang talampakan. Kinikilala ang bangang manunggul bilang isa a pinakamagandang sinaunang
gawang sining.Itinuturing ito na marami bilang isang masterpiece. Makikita ito ngayon sa MUSEUM OF
THE FILIPINO PEOPLE.

Modyul 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon

MODYUL SA PAGKATUTO

Pangkalahatang Ideya

Bago pa man dumating ang mga kolonisador na Espanyol ay may sarili ng kultura ang mga Pilipino.
Ipinakilala na sa iyo ang isang aspeto ng kulturang ito: ang mga paniniwala ng mga sinaunang Pilipino.
Sa modyul na ito, tatalakayin naman ang buhay panlipunan. Mayaman at makulay ang buhay sa
sinaunang panahon at dahil sa lawak nito, pag-aaralan mo dito ang ilan lamang sulyap ng buhay
panlipunan: ang pagpapangalan ng mga anak, ang pagpapakasal sa panahong iyon, ang hanapbuhay ng
mga tao, at mga uring panlipunan.

Susuriin mo sa modyul ang dalawang uri ng primaryang sanggunian na nagbibigay ng mahalagang


impormasyon tungkol sa buhay panlipunan sa sinaunang panahon: mga sipi mula sa mga Espanyol na
opisyal, sundalo, at prayle na lumahok sa kolonisasyon ng Pilipinas; at mga larawan ng iba’t ibang uring
panlipunan na gawa ng Espanyol. Sa mga sangguniang ito inilarawan ng mga Espanyol ang kanilang
nakita at naranasan noong nanirahan at lumibot sila sa iba-ibang lugar ng Pilipinas.

Gawain 1. Pagpapangalan sa Sinaunang Panahon


A. PAGPAPANGALAN SA SINAUNANG PANAHON

Kapag ipinapanganak ang isang sanggol,tungkulin ng inang bigyan siya ng pangalan.Anumang


katawagan ang ibinigay niya,iyon ang mananatiling pangalan ng sanggol.Ibinibigay niya,iyon ang
mananatiling pangalan ng sanggol.Ibinibigay ang pangalan batay sa ilang
sirkumtansya.Halimbawa,kapag mahirap ang panganganak sa sanggol,”Maliwag” ang pangalang
ibinibigay sa kanya.”Mahirap” ang kahulugan ng “maliwag”. Kapag sa palagay ng ina na magiging
malakas ang sanggol, o gusto niyang maging malakas ang sanggol, o gusto niyang maging malakas
ito,tinatawag nya itong “Malakas”. Minsan,pinapanagalanana nila ang sanggol nang walang simbolismo o
espesyal na dahilan,gamit ang unang salitang pumasok sa isipan nila,halimbawa, “Daan” “Baboy” o
“Manok”.Tinatawag ang lahat ng tao sa mga pangalang ito mula sa pagkapanganak nang walang
apelyido hanggang ikasal sila.Ibinibigay ng unang anak na lalaki o babaeo ang kanyang pangalan sa
kanyang magulang.Hanggang sa mamamatay sila nakikilalala sila halimbawa, bilang “Ama ni Coan,’ o
Ina ni Coan”
Itinatangi ang pangalan ng mga babae sa pangalan ng mga lalaki sa pamamagitan ng pagdagdag ng “in”.
Halimbawa, kung ‘Ilog” ang tawag sa lalaki, “Ilogin” naman ang tawag sa babae. Kaya kahit halos pareho
ang pangalan ng lalaki at babae, di nagagalaw ang pangalan ng lalaki.
Halimbawa, ang salitang “ama”. Kapag tinutukoy ng anak ang kanyang ama sa ibang tao, tinatawag nya
itong “amako”.Ngunit, kapag direkta niyang kinakausap ang kanyang ama,hindi nya ito tinatawag na
“ama”, kundi “bapa” na isang kapalagayang-loob at mapagamahala na katawagan.Hindi rin “ina” ang
direktang tawag niya sa kanyang ina kundi “bai”. Sa kabilang dako,hindi tinatawag ng ina o ama ang
kanilang mga anak,mga kapatid,mga tiyuhin at iba pang mga kamag-anak sa pangkaraniwang katawagan
sa ganoong relasyon. Tinatawag nila ang mga sa mas malapit at personal na mga pangalan na
nagpapakilala ng kanilang relasyon.Inilalarawan din nito ang yaman,kainaman, at pagiging magalang ng
wikang Taga……
Pinalaki ang mga anak ng mga katutubo s respeto at paggalang sa mga pangalang taglay ng kanilang
mga magulang, na hindi nila sila tinatawag sa mga pangalang ito,kahit buhay pa o patay na ang kanilang
mga magulang.Naniniwala sila na kapag sinambit nila ang mga pangalang ito,babagsak silang patay o
magiging ketongin.
Pedro Chirino,S.J..,Relacion de Las Islas Filipinas,1604, sa Blait at Roberston (eds.),The Philippine
Islands, 13:200-202

Pagpapaksal sa Sinaunang Panahon

Sa paghpapakasal may mga kati- tangi silang pormalidad, na sinasamhan ng mga


panggkaraiwang parusa na mahigpit na ipinatutupad. Narito ang halimbawa: nangako si apai na
pakasalan si cai polosin. Nakipagkasundo ang dalawang ito sa dalawang mag-asawa rin,habang bunti
ang mga asawang babae, na kapag babae at lalaki ang ipapanganak nila, ikakasal ang dalawang ito
pagdating ng sapat na panahon,na may multang sampung ito ng iasng piyesta kung saan kakain iinom,at
malalasing sila. Lalapatan ng parusa ang sinumang sisira sa kasunduan ito ang kasunduang
pagpapakasal. Sa kasal, kasama ang bigay- kaya at ang pagsuko ng babae na may pagpapayag sa
kalukuyan ,ngunit hindi panghabambahay.hindi ang asawang babae kundi ang asawang lalaki ang
magbibigay ng bigay-kaya- iasng halagang pagkakasunduan at itatakda ayon sa kanyang
kakayahan.bilang karagdagan sa bigay-kaya,gawi ng lalaki na magbigay ng mga regalo sa mga
magulang at kamag-anak ng mapapangasawang babae-humigit-kumulang.ayon sa kanyang kakayahan
Sinulat ni de loarca
(pulo ng Cagayan) may mga apat na raan ang nakatira sa mga pulong ito at lahat sila ay mahusay
gumawa ng barko. Ginawa ng mga Indian ng Cagayan ang mga barko ng kanyang kamahalan sa mga
pulong ito. Pati na ang mga iba pang sasakyang-dagat. Tumutulong din sila sa pagkumpuni at pagtatayo
sa mga sasakyang-dagat.

(pulo ng cebu) nasa baying ito ang pinakamainam na daugan sa mga pulong ito atito ang dahilan
kung bakit nagtatag dito si Miguel lopez de legazpi ng isang panirahanan, nagpoporodyus ang cebu ng
kaunting palay, borona, at millel at kaunti o walang bulak dahin gawa sa isang uri ng saging ang telang
ginagamit nila sa kanilang mga damit. Mula rito,gumagawa ang mga katutubo ng isang uri ng tela na
tinatawag nilang medrinaque. Nabibigyan ang lahat ng mga manok,baboy,ilang kabing,bens,at isang uri
ng ugat na tinatawag na kamote ng mga katutubo. Kasunod ng bigas,isda ang pangunahing pagkain sa
pulong ito at sa mga ibang pulo, dahil sagana ang lahat ng iyon sa isda. Mataas ang uri ng isda sa mga
pulo ng Cebu.

Miguel de Loarca, Relacion de las Islas Filipina, 1582,sa Blair at Roberston, 5:43,45,79.

Sinulat ni de Morga
Nabubuhay silang lahat sa bukid sa pamamagitan ng gawang kamay,pangiginsda, at pangangalakal
Naglalayag sila mula sa isang pulo patungo sa ibang pulo at dumaraan sila sa lupa mula sa isang
probinsya papunta sa ibang probinsya. Bilang libangan at hanapbuhay, ginagamit ng mga babae ang
karayom kung saan napakahusay nila at gumagawa sila ng lahat ng uri ng ginagawang karayom.
Naghahabi rin sila ng mga kumot,nagkikidkidng bulak at nangangalaga ng bahay para sa kanilang mga
asawa at mga magulang. Nagbabayo sila ng palay na lulutuin para sa kanilang mga pagkain at
naghahanda sila ng iba pang pagkain. Nag-aalaga sila ng mga manok at baboy at gumagawa ng mga
gawaing bahay habang nagtatrabaho sa bukid, nangingisda,namamangka, at nagsasaka ang kalalakihan.

Pinakakaraniwang paraan ng pagnenegosyo ang kalakalan ng ilang bagay para sa ibang bagay, tulad ng
mga suplay,kumot,baka,manok,lupa,bahay,sakahan,alipin,pangisdahan,niyog,latian at gubat. Minsan,
kung may itinakdang presyo,binabayaran iyon ng ginto tulad ng napagkasunduan,pati rin ng mga
kampana metal na galling sa china mga bagay na na itinuring na mahalagang heyas. Sa mga pulong ito,
may mga lugar na maraming malalaking deposito ng ginto at iba pang mga mineral na kinukulekta ng
mga katutubo sa pamamagitan ng paghuhugas o pagsasala sa buhangin at maliliit na bato ( pagmimina
placer ). Sa Paracale, sa probinsya ng Camarines, nilinang pinakinabangan ang ilang minahang placer.
Ikinakalakal din ang produktong ito sa Ilocos dahil sa likod ng probinsyang ito na nasa baybaying-dagat,
may mataas na bundok…kung saan nakatira ang mga katutubong tinatawag na Igorot. Di pa napapasok
ng mga taga labas ang lugar ng mga Igorot. Mayroon silang mayayamang mina ng ginto liban pa sa
pilak.. Dinadala nila ang kanilang di pa pino at perpektong ginto sa ilang takdang lugar kung saan
kinatatagpo nila ang mga tao mula sa Ilocos. Ipinapalit ng mga Ilocano sa kanilang ginto ang
bigas,babo,kalabaw,kumot at iba pang bagay na kailangan nila. Pinakikinis ng mga Ilocano ang ginto at
ikinakalakal nila iyon sa buong bansa. Sa iba pang mga pulo, may mga kaparehong minahang placer at
iba pang minahan lalo na sa Visayas,Ilog Butuan sa Mindanao,at Cebu ….

Antonio de Morga, Sucesos de las Islas Filipinas,1609,Manila:National Historical Institute,1990.pp


243,260-261,286
Mga Uring Panlipunan sa Katagalugan

Ang mga taong ito ay may mga pinunong tinatawag nilang datu, na namamahala sa kanila at nagsisilbing
kapitan sa kanilang mga digmaan at sinusunod at iginagalang nila. Mahigpit na pinarurusahan ang
sinumang alagad na gumagawa ng kasalanan sa kanila o magsambit kahit na ng isang salita sa kanilang
mga asawa at anak.
Namamahala ang mga pinunong ito sa kaunting tao lamang; minsan sa may isandaang bahay, minsan
wala pang tatlumpong bahay. Tinatawag sa Tagalog na barangay pulutong na ito. Hinihinuhang galling
ang dahilan ng pagbibigay sa mga sarili nila ng pangalang ito sa katotohanang….nang dumating sila sa
lupaing ito, naging datu ang pinuno ng barangay, na isang banka. Marami sa mga barangay na ito sa
bawat bayan o, dahil sa mga digmaan, ay hindi nanirahan nang malayo sa isat-isa. Ngunit hindi sila
napapailalim sa isat-isa…Nagtutulungan ang mga pinuno sa ibat-ibang digmaan kasama ang kani-
kanilang barangay. Kaya, kahit sa kasalukuyang panahon, tinitiyak na isang pamilya ng mga magulang,
anak, mga kamag-anak, at mga alipin ang pinagmulan ng barangay na ito….’
Liban sa mga pinuno….may tatlong uri: mga maharlika, mga karaniwang tao, at mga alipin. Ipinanganak
na Malaya ang mga maharlika. Hindi sila nagbabayad ng buwis o tribute ngunit kailangang sumama sila
sa pinuno sa mga digmaan sa sarili nilang gastos. Bago magpunta sa digmaan, binibigyan sila ng piging
ng pinuno; pagkatapos ng digmaan,pinaghahatian nila ang mga nahakot na mahahalagang bagay. Bukod
doon, kapag sumakay ng Bangka ang datu, tinatawag niya ang mga maharlika upang maggaod para sa
kanya. Kapag nagtayo siya ng bahay, tumutulong ang mga maharlika sa kanya at kailangan lamang
silang pakainin para sa kanilang pagtulong. Ganito rin ang nangyayari kapag nililinis ng buong barangay
ang kanyang mga lupa para sakahin. Hinahati sa buong barangay ang mga lupang pinaninirahan nila,
lalo na ang bahaging may irigasyon, at kaya alam ng bawat isa ang kanyang pag-aari…
Ang mga pinuni ng ilang mga nayon ay may mga palaisdaan din na may mga tiyak na hangganan at
bahagi ng ilog para sa mga palengke. Sa mga lugar na iyon, walang makakapangisda o
makikipagkalakalan sa mga palengke nang hindi nagbabayad para sa pribilehiyo, liban kung kabilang
siya sa barangay o nayon ng pinuno.
Tinatawag na mga aliping mamamahay ang mga pangkaraniwang tao. May asawa sila at nanilbihan sila
sa kanilang amo, datu man siya o hindi, kasama ang kalahati ng kanyang mga binubungkal na lupain.
Sumasama sila sa datu kapag pumupunta siya sa labas ng pulo at naggagaod para sa kanya.
Naninirahan sila sa kanilang sariling bahay at sila ang may-ari ng kanilang ari-arian at ginto. Minamana
iyon ng kanilang mga anak at nagtatamasa sa kanilang ari-arian at mga lupain.
Tinatawag na aliping saguiguilir ang mga alipin. Pinagsisilbihan nila ang kanilang mga amo sa kanyang
bahay at sa kanyang mga binungkal na sakahan, at maaari silang ipagbili. Kung kinakailanagan at kung
napapakinabanagan ang kanilang kasipagan, binibigyan sila ng kanilang amo ng bahagi ng kanilang ani
upang maging tapat sila sa trabaho. Sa mga dahilang ito, bihirang ipagbili ang mga aliping ipinanganak
sa bahay ng kanilang amo. Iyon ang kapalaran ng mga bihag sa digmaan at ng mga pinalaki sa mga
sakahan.
-----------
Plasencia, 1589, sa Blair at Robertson,7:173-176

ARALIN 4 Pagtatag ng mga kolonyang Espanyol at ang mga patakarang Kolonyal

FERDINAND MAGELLAN’S DEATH

ON THIS SPOT FERDINAND MAGELLAN

DIED ON APRIL 27,1521 WOUNDEDIN AN

ENCOUNTER WITH THE SOLDIERS OF

LAPU-LAPU, CHIEF OF MACTAN ISLAND

ONE OFMAGELLAN’S SHIPS, THE

VICTORIA, UNDER THE COMMAND OF

JUAN SEBASTIAN ELCANO,SAILED FROM

CEBU ON MAY 1, 1521 AND ANCHORED ON

SEPTEMBER 6, 1522 THUS COMPLETING

THE FIRST CIRCUM NAVIGATION

OF THE EARTH
LAPULAPU

HERE ON 27 APRIL 1521 LAPULAPU

AND HIS MEN REPULSED THE SPANISH

THE INVADERS, KILLING THEIR LEADER

FERDINAND MAGELLAN. THUS LAPULAPU

BECAME THE FIRST FILIPINO TO HAVE

REPELLED EUROPEAN AGRESSION

Labanan sa Mactan

Biyernes,ika-26ng abril (1521),ipinadala ni zula, pinuno ng pulo ng mactan, ang isa sa kanyang
mga anak na lalaki upang mag bigay ng dalawang kambing sa kapitan-heneral (Magellan) at
upang sabihin na ipadadala niya sa kanya ang lahat ng ipinangako niya, ngunit hindi niya
maipadala ito dahil sa isang pinuno, cilapulapu, na tumatangging sundin ang hari ng espanya.
Hiniling niyasakapitan na padalhan siya sa susunod na gabi ng isang bangkang puno ng mga
lalaki upang makatulong niya sa paglaban sa ibang pinuno. Ipinasya ng kapitan heneral na
pumunta sa lugar na iyon, kasama ang tatlong bangkang puno ng mga upang makatulong niya
sa paglaban sa ibang pinuno. Ipasya ng kapitan heneral na pumunta sa lugar na iyon, kasama
ang tatlong bangkang puno ng mga tauhan niya. Paulit-ulit namin siyang pinakiusapan na
huwag nang pumunta,ngunit, tulad ng isang mabuting pastol, ayaw niyang iwan ang kanyang
kawan. Sa hating-gabi,animnapu sa amin ang umalis na may mga baluti at helmet kasama
ang… ilan sa mga tauhan ni zula… narrating namin ang mactan tatlong oras bago mag-bukang
liway-way . ayaw ng kapitan na labanan sila, ngunit nag padala siya ng mensahe sa mga
katutubo… na kung susundin nila ang hari ng spain, tatanggapin ang kristiyanong hari bilang
kanilang hari, at mag babayad sa amin ng buwis, magiging kaibigan siya nila, ngunit kung iba
ang gugustuhin nila, maghihintay silang Makita kung paano makakasugat ang aming mga
sibat .sumagot sila na kung mayroon kaming mga sibat mayroon din silang mga sibat at tulos
na kawayan na pinatibay ng apoy. Hiningi nilang huwag muna agad kaming umatake, ngunit
maghintay hanggang umaga,upang magkaroon sila ng mas maraming tao. Sinabi nila iyon
upang ganyakin kaming hanapin sila, dahil nakahukay na sila ng mga butas sa pagitan ng mga
bahay at maaari kaming mahulog doon. Nang dumating ang umaga. Apatnaput lima sa amin
ang lumundag sa tubig na abot sa hita namin at lumakad nang mahigit dalawang lipad ng pana
bago kami makarating sa dalampasigan. Hindi makapunta sa mas malapit an gaming mga
Bangka dahil sa mga bato sa tubig . nanatili ang labing isa sa amin upang bantayan ang mga
Bangka . nang marating namin ang pampang nakaporma ang mga taong iyon ng tatlong
debisyon na may bilang na mahigit isang libo at limang daang tao.ng Makita nila kami, umatake
sila, sumigaw ng malakas, dalawang dibisyon sa aming gilid at isa sa aming harapan. Ng
Makita iyon ng kapitan, hinati niya kami sa dalawang dibisyon at nagsisimula na kaming
lumaban.

Antonio Pigafetta “ Unang Paglalakbay Palibot sa Mundo, “ sa Balir at Robertson, The


Philippine Islands, 33: 175,177

Coat of Arms

Si Carlos I ang hari ng spain nang dumating si Magellan noong 1521.tulad ng ibang
hari ,mayroonsiyang sariling coat of arms. Isang disenyo ang coat arms na
inilalagay,kadalasan,sa kalasag at iba pang panang galang .simbolo ang coat of arms ng mga
bagay na mahalaga sa may –ari niyon. Narito ang coat of arms ni haring Carlos I.
Kristyanisasyon bilang Paraan ng Pananakop

Pagpapakalat ng kristiyanismo ang isa sa mga layunin ng paglalayag ni Magellan.nang


dumating siya at ang kanyang mga kasama sa cebu, kagyat nilang isinagawa ang pagpapalipat
ng maraming katutubo sa kristiyanismo . basahin ang isinulat ni pigafetta tungkol sa dito

Lingo ng umaga ika -14 ng abril , apatnaput sa amin ang pumunta sa dalampasigan ,
armadong armado ang dalawa at nagpauna sila sa bandila ng hari …Nagyap ang kapitan
(Magellan) at ang hari (rajah humabon) … sinabi ng kapitan sa hari sa pamamagitan ng isang
tagasalin na pinasasalamatan niya ang Diyos sa pagpukaw sa kanya (sa hari)upang maging
kristiyano; ngayon mas madali na niyang masasakopang kanyang mga kalaban kaysa
dati.sumagot ang hari na gusto niyang maging kristiyano,ngunit ayaw ng ilang pinunong
sumunod dahil hindi sila kasimbuting tao niya.pagkatapos pinatawag ng kapitan ang lahat ng
pinuno at sinabi niya sa kanilang na kung hindi nila susundin ang hari (humabon bilang kanilang
hari ipapatay niya silang lahat at ibibigay niya ang kanilang mga ari – arian sa hari. Sumagot
sila na susudin nila ang hari .sinabi sa kanila ng kapitan na kung gusto nilang maging kristiyano
tulad ng ipinahayag nila noong mga nakaraang araw, dapat sunugin nila ang kanilang mga
imahe ng kanilang nga diyos-diyosan at magtayo ng krus na iyon araw-araw nang nakadaop
ang mga kamay. Dapat silang mag antanda (ipinakita sa kanila ng kapitan kung paano
ginagawa iyon) at dapat silang pumunta bawat oras, kahit sa umaga lamang, sa krus na iyon at
sambahin iyon nang nakaluhod… Inakay ng kapitan ang hari sa plataporma habang sinasabi
niya ang mabubuting salitang ito upang binyagan siya.. Limang daang lalaki ang bininyagan
bago magmisa.

…Bago lumipas ang linggong iyon, nabinyagan na ang lahat ng tao sa pulong iyon at sa mga
iba pang pulo. Sinunog namin ang isang maliit na nayon sa isang katabing pulo dahil ayaw
niyong sundin ang hari (humabon) o kami. Nagtayo kami ng krus doon dahil mga pagano ang
mga tao roon.. Kung mga Moro sila, nagtayo sana kami ng haligi roon bilang tanda ng mas
matinding katigasan, dahil mas mahirap gawing Kristiyano ang mga Moro kaysa sa mga
pagano.

Maraming nayon sa pulo (Cebu)… Sumunod sa amin ang lahat ng mga nayong iyon at
nagbigay sa amin ng pagkain at buwis… Nasa pulong iyon ang lungsod na sinunog naming at
bulala ang tawag doon.

Antonio Pigatefa, “Unang Paglalakbay palibot sa Mundo,” ca. 1525 , sa Blair at Robertson,
The Philippine Islands, 3: 155a, 157, 159, 161,167.
Reduccion: Ang Paglipat sa Kinaroroonan

Maliban sa Kristiyanisasyon, may tatlo pang instrumentong ginamit ang Spain sa pananakop
sa Pilipinas Ito ang Polo, Tributo, at Reduccion.

Tumutukoy ang Kristiyanisasyon, tulad ng napag-aralan na natin, sa kombersyon ng mga


katutubo sa Kristiyanismo. Nagsisimula ang kombersyon sa pagbibinyag sa mga katutubo.
Tumutukoy naman ang reduccion sa sapilitang paglilipat sa bayan ng mga katutubong nakatira
sa kalat-kalat at malalayong lugar. Polo ang tawag sa sapilitang pagtrabaho sa loob ng 40 araw
sa mga proyekto ng pamayanan o gobyerno para sa mga lalaking may edad na 16 hanggang
60 taon. Tributo o buwis ang tawag sa salapi o produktong ibinabayad ng mga katutubo sa
gobyerno. Maaaring ibayad bilang buwis ang tabako,manok,ginto,kumot,bulak, bigas, at iba pa
batay sa rehiyon ng bansa.

Basahin at suriin natin ang dalawang tekstong may kinalaman sa reduccion.

…nakakalat nang madalang ang mga Indian, at nakatira sila sa gitna ng mga ilog at latian kung
saan mahirap silang hanapin. Kaya, mas mainam na gawin ng mga encomendero ang mga
inuutos sa kanila rito at huwag ng maghintay ng mga relihiyosong eklesyastiko ng hindi
magagawa iyong nang madali tulad ng magagawa ng mga encomendero. Gayunman, dahil galit
nag alit ang mga Indian sa pagtatanggal sa kanila sa kanilang mga dating bahay at hirap na
hirap at ayaw na ayaw nilang palitan ang kanilang mga bahay, mas mabuting magalit sila sa
mga encomendero kaysa sa mga ministro – na kailangang silang turuan, na maaaring ituro sa
kanila ang pagmamahal, at nagpupunyagi para sa kanilang kabutihan.

Domingo de Salazar. “Affairs in the Philippine Islands,” 1583, The Philippine Islands, Blair at
Robertson. 5:236.

…Para…( sa administrayon ng mga bagong Katoliko) dapat nating ipalagay na nagtatalaga ang
hari ng isang misyonaryo para sa limang daang tributo o pamilya. Pero sa ating mga distrito,
lalo na sa mga pulo ng Luzon, Calamianes (sa Palawan), at Mindoro, bagaman hindi lumalabis
ang bawat isa sa tatlong daang tributo o pamilya, kailangan ang isa o dalawang relihiyoso
upang mapangalagaan sila, tulad na kailangan para sa pangangaral at para sa espiritwal ng
pagkain ng mga banal na sakramento. Nagmumula ito sa katotohanang umaabot ang bawat
misyon sa distansyang dalawampu o tatlongong liga,*nang hindi na posibleng gumawa ng iba
pang kaayusan. Bagaman sinubukan ang reduccion upang magkaroon ng malalaking
panirahan, para sa mas angkop na administrasyon, kapag sinubok gawin iyon, nababawasan
ang Kristiyanismo.
*katumbas ng 5 kilometro ang bawat liga

Luis de Jesus at Diego Santa Theresa, O.S.A, Recollect Missions, 1646-160,” The Philippine
Islands, Blair at Robertson, 36:181.

Mga Dahilan sa Pagkolekta ng Buwis

Dahil makatarungan at makatwiran ng magsilbi sa atin at magbayad ng buwis ang mga Indian
na napatahimik natin at napailalim sa ating pamamahala at panankop bilang pagkilala sa ating
pagka-panginoon at serbisyo, tulad ng ginagawa ng mga sakop at alipin. Ngunit may kaugalian
silang magbayad ng buwis sa kanilang mga katutubong pinuno. Iniutos naming na kumbinsihin
ang mga Indian na ito sa kadahilanang ito na magbayad sa atin ng buwis sa katamtamang dami
ng mga produkto ng lupa, tulad ng itinatadhanang ating mga batas sa mga ibang panahon. At
boluntaryong kagustuhan natin na kolektahin ang mga Espanyol, saanman sila naroroon, ang
mga buwis na ito bilang pagsunod sa kanilang mga tungkulin at obligasyon, liban sa mga
bayang kapital at mga daungan ng digmaan at sa mga encomienda at bayan ng pag-aari ng
Trono ng Hari.

Laws of the Indies, 1523, in Gregorio Zaide, Documentary Sources of Philippine History
Philippines: National Bookstore, Inc., 1990) 2:132.

Mga Tuntunin sa Polo

Sa susunod na teksto, ipinaliwanag ni haring Felipie II ng Spain noong Mayo 26, 2609 ang mga
tuntunin tungkol sa polo.

Na babawasan ang bilang ng mga Indian sa repartimiento* dahil ipapasok ang mga
nagtatrabaho nang boluntaryo kahit na mga Indian ito o mga taga-ibang bansa.

Na hindi sila kukunin sa malalayong distrito, at mula sa mga klimang iba sa klima ng kanilang
sariling mga nayon.

…Na bibigyan sila ng buong mga sahod na kikitain nila sa kanilang trabaho. At personal silang
babayaran sa bawat araw o sa katapusan ng lingo, ayon sa pipiliin nila.

Na gagawin ang repartimeiento sa panahon na hindi napipigilan o nababalam ang pagtatanim


at pag-aani ng mga produktong panlupa, o mga ibang okasyon at panahon kung saan dapat
asikasuhin ng mga Indian ang kita at pamamahala ng kanilang ari-arian; dahil intensyon natin
na hindi sila aalisan niyon at maaasikaso nila ang lahat.

Na tanggaping mahina ang kaayusan at plano ng gma caracoa,** at kung ibabalik sa kanila
ang mga Indian, marami ang namamatay sa pangkalahatan, dahil sa paglalayag nang walang
kubyerta at nakahantad sa mga bagyo at masasamang panahon, iniuutos naming na pabutihin
at itayo ang mga sasakyang ito sa paraang ang mga Indian ang maggagaood nang walang
panganib sa kanilang buhay at kalusugan.

AKO,ANG HARI

*sistema ng sapilitang paggawa

**sasakyang pandagat na gumagamit ng mga manggagaod

Laws of the Indies,1609, sa Zaide, 4:21-23

Pang-aabuso sa Buwis at Polo

…Kahit may mga tuntunin sa pagpapatupad ng polo, lumaganap narin ang pang-abuso sa
patakarang ito.Basahin at suriin ang ulat ni Obispo Domingo de Salazar tungkol sa polo at
buwis. Si Obispo Salazar ang kauna-unahang obispo ng maynila. Dumating siya sa Pilipinas
noong Marso 1581 at nagtayo ng katedral ng maynila noong 21 disyembre 1581 sa bisa ng
kautusan ni Papa Gregoryo XIII. Ipinagtanggol ni Salazar ang mga katutubo laban sa mga
mapang-abusong panginoong maylupa

“… malaking bilang ng mga Indian ang nagpunta sa mga minahan ng Ilocos kung saan nanatili
sila sa panahong dapat magtanim sila ng palay.

“…Pinagtrabaho ng mga Espanyol ang mga Indian, tulad ng paggaod ng mga sasakyang
pantubig na ipinadala ng gobernador at mga opisyal…. Minsan, pumupunta sila sa
napakalayong lugar kaya nawawala sila ng apat o anim na buwan; at marami ang namamatay
doon sa mga pumunta ….”

“Pinagtatrabaho ng mga Espanyol ang iba sa pagpuputol ng puno sa mga gubat at dinadala
ang napuputol sa lungsod na ito, at pinagtatrabaho ang ibang mga Indian sa mga ibang gawain,
kaya hindi sila pinapayagan na magpahinga upang asikasuhin ang kanilang mga bukirin….”

“Minsan, kinukuha sa kawawang Indian ang lahat ng kanyang bigas nang hindi siya iniiwanan
ng makakain.”
“Pinipilit nila ang mga Indian na mgatrabaho sa mga gawain para sa serbisyo sa Kanyang
kamahalan, nang kaunti ang bayad sa kanila at laig pang huli, at madalas wala talaga.”

“Pinipilit nila nang ilan na magbayad ng ginto, kahit wala sila niyon… dahil may malalaking
pagkakaiba ang mga ginto rito, lagi nilang pinipilit ang mga katutubo na ibigay ang
pinakamainam. Bata yang timbang ng tinatanggap nilang buwis sa gusto ng komokolekta at
hindi siya pumili ng pinakamagaan. Pinabayad naman ang ibang tela o sinulid. Ngunit wala rito
ang kasamaan, kundi sa paraan ng pagkokolekta; dahil, knug hindi sila binibigyan ng pinuno ng
gintong hinihingi nila, o hindi nagbabayad sa kanila para sa bilang ng mga Indian na sinasabi
nila, ipinako nila sa krus ang walang swerteng pinuno…”

“Komokolekta sila ng buwis sa mga bata, sa matatanda at sa mga alipin, at marami ang hindi
nag-aasawa dahil sa pagbubuwis, habang pinapatay ng iba ang kanilang mga anak.

Epekto ng Pang-aabuso

Dahil sa maraming gawaing pang-aapi na naranasan nila, iniwan ng maraming Indian ang
Tondo, Capaymisilo, at iba pang mga nayon sa lungod ng Manila. Umalis sila upang manirahan
sa ibang mga probinsya, bagay na nagdulot ng pinsala at pagkalugi sa mga pinuno. Sa tatlong
daan na narito, isang daan ang umalis na, at obligado ang mga pinunong nasabi na magbayad
ng buwis para sa mga umalis at namatay, at para sa kanilang mga alipin at malilit na batang
lalaki. Kung hindi nila babayaran ang mga ito, inilalagay sila sa stocks* at hinahagupit. Itinatali
ang iba sa mga posta at pinanatili sila roon hanggang magbayad sila. Bukod doon, hindi sila
humuhukay ng ginto, dahil inoobliga sila ng mga opisyal na magbayad ikalima. Kung hindi sila
gumagawa ng pahayag tungkol sa kanilang ginto, sinasamsam iyon dahil sa nawalan na sila ng
karapatan doon kahit lumang ginto iyon; at hindi ibinabalik sa kanila ang ginto hanggang hindi
sila nagbabayad ng mabigat na multa… Kapag pumupunta ang mga katutubo sa mga alcalde-
mayor upang ireklamo ang kanilang mga hinaing, ikinukulong sila at inilalagay sa stocks, at
sinisingil sila ng bayad para sa pagkulong sa kanila. Napakarami ang kanilang dalamhati at
ligalig na hindi nila matagalan; at gusto nilang umalis sa pulong ito.

*isang gamit sa pagpaparusa kung saan itinatali ang mga kamay at paa o ulo at mga kamay ng
nagkasala at iniiwan sa publiko upang pagtawan at abusuhin.

Sagot sa Reklamo
…Dumating kami sa mga distritong ito s autos ng kanyang Kamahalan, at, samakatuwid, narito
kami na sumusunod sa mandato ng Hari….

Tungkol sa mga buwis na nalikom, at sa halaga ng buwis na ginto na nakolekta sa Ilocos at


sa Camarines… bagay iyon na dapat maliwanag na maunawaan, na para iyon sa suporta sa
mga Espanyol na ninirahan sa lupaing ito. Mahalaga na tumulong ang mga katutubo sa
pamamagitan ng mga buwis, tulad ng ginagawa nila sa ibang bahagi ng Indies. Hindi sila
itinuturing na mga kaibigan, ni wala silang seguridad, nang hindi muna nagbabayad ng buwis-
na naoakaliit kung ihahambing sa kanilang kondisyon at kayamanan; at gusto nilang bayaran
nang hindi na sila kailangang pilitin pa . Sa bawat pulo,distrito, at nayon, ibinibigay ng mga
katutubo knug ano ang gusto nila, dahil sa mga ibang lugar , nagbibigay sila ng mga panustos
at sa iba, waks, tela, at iba pang mga bagay na nakukuha nila sa kanilang mga ani. Sa kanila,
maliit iyon at halos balewala, dahil sagana sila sa mga bagay na iyon. Kung nakolekta ang ginto
sa Ilocos at Camarines, ito ay dahil napakarami nilang ginto.

Tungkol sa labis na buwis na… sinasabing kinokolekta sa mga katutubo, ang paglalahat mula
sa mga kasong indibidwal ay nakapagpapalabo sa kanuuuan. Sinasabi natin ito dahil iba-iba
ang oag-bubuwis sa iba’t ibang lugar sa malaking bahagi ng kapuluan, at iba-iba ang mga
katutubo batay sa kanilang yaman. Sa ilang lugar, mayaman sila, sa iba mga magsasaka, sa
iba mga mangangalakal, sa iba mga minero, at. muli, sa iba, nabubuhay sila sa pagnanakaw at
sa pananalakay.

Samakatuwid, mali na sabihin na napakaapi ng mga Indian dahil nabubuhay sila sa ugat sa
bahagi ng taon at, sa ibang lugar, dahil nahihirati sila na suportahan ang sarili… ng gma
kamote, tinapay na sago, at iba pang mga gulay na makikita nila. Hindi totoo ito sa lahat ng
distrito, ngunit sa ilan lamang bahagi ng mga Pulong Pintados; ni hindi ito sa pamamgitan ng
kakulangan sa kasaganaan, ngunit dahil marahas sila at kumakainsila ng lahat ng uri ng
pagkain. Napakatamad nila para lumakad nang apat na liga mula sa kanilang nayon upang
bumili ng bigas, ngunit sinasayang nila ang kanilang oras sa paglalasing, sa pagsamba sa
kanilang diyos-diyosan, at sa mga piyesta.

…napakayaman ng gma katutubo at marami silang mga tubo at pinagkukunan ng pakinabang


… Napakarami nilang tela upang damitan ang mga sarili nila; marami silang telang sedan a
mayhalong ginto, na mataas ang pagtingin nila at may napakataas na halaga; maraming
porselana at mga palayok na mula sa hinurnong putik; mga sibat, punyal, kampana, at plerera;
at maraming palamuti sa kanilang mga katawan, na ginagamit nila. Mayroon din silang
napakaraming panustos na kinukuha nila sa kanilang mga lupaing may irigasyon; alak na mula
sa palma, alak na mula sa niyog na kawaniwang kinokolekta nila araw-araw sa buong santaon
at mga iba pang alak na mula sa papaly at tubo—liban pa sa mga tubong kinikita nila sa mga
waks at ginto na pangkaraniwang pinoprodyus sa lahat ng pulo. Marami rin silang bulak na
hinahabi nila at ginagawang magagawang tela; mahalaga ang mga ito sa pakikipagkalakalan ng
mga Indian.

Kung umaalis ang ilang katutubo sa ilang nayon upang maiwasang magbayad ng buwis, tulad
ng ipinahayag sa Opinyon, hindi ito dahil sahil sa kawalan ng kakayahang magbayad, hindi ito
dahil sa kawalan ng kakayahang magbayad, kundi dahil matigas ang ulo nila at nagbabayad
lamang sila ng buwis kapag pinipwersa sila. Gusto nilang pilitin silang magbayad ng buwis.
Hindi ito totoo sa lahat sa kanila, ngunit sa ilan na, pagkatapos uminom ng alak at maglasing,
lumalapit sa mga Espanyol at sinasabing wala silang kakayahang magbayad ng buwis.

You might also like