You are on page 1of 1

Pangalan: Carlos Jose B.

Magcalas Petsa: 03/02/2022


Kurso/Seksyon: Bs Biology - 2203 Gawain Blg 3: Akrostik

Panuto: Pumili ng isa sa sumusunod na mga salita: TEKNOLOHIYA, MATEMATIKA at ENHINYERIRA.


Bumuo ng akrostik sa larangang napili. Bigyang-diin ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa
larangang napili.

Akrostik: MATEMATIKA

M Mas madaling maintindihan at unawain ito kung ang mga paksa ay nakasalin sa wikang Filipino,
A Ang paggamit ng sariling wika sa pagtuturo ay mas katanggap-tanggap at magiging epektibo para
sa mga mag-aaral, dahil ito ang nakasanayan,
T Tiyak na madadalian at ma-eengganyo sa pagkatuto ang mga mag-aaral lalo na ang mga nasa
sektor ng elementarya,
E Ensayo narin para sa mga mag-aaral ang paggamit ng sariling wika upang mapayaman pa ang
kultura,
M Mas nabibigyang-linaw din ang mga sulirain sa midyum ng asignatura kapag ito ay nakasalin sa
sariling wika,
A Ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan at pananaliksik gamit ang sariling wika
ay mahahasa rin,
T Tatak Pilipino ang lahi natin, kung sa gayun ay tatak Filipino naman ang boses natin,
I Ilarawan dapat natin na ang wikang Filipino ay may lugar sa mundo ng edukasyon, sapagkat
K Kaagapay ng paggamit ng sariling wika ang kaunlaran,
A At pagtataguyod ng pagiging nasyonalista.

You might also like