You are on page 1of 40

SA PAMILIHAN NG PUSO

Huwag kang iibig nang dahil sa pilak


pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.

Huwag kang iibig nang dahil sa ganda


ganda’y nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.

Huwag kang iibig sa dangal ng irog


kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.

Huwag kang iibig dahilan sa nasang


maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya…

Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo


at mahal sa iyo
kahit siya’y ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.

Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga


ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.

Sa itong pag-ibig ay lako ng puso


di upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.
KALUPI NG PUSO

Talaan ng aking mga dinaramdam,


Kasangguning lihim ng nais tandaan,
bawat dahon niya ay kinalalagyan
ng isang gunitang pagkamahal-mahal

Kaluping maliit sa tapat ng puso


ang bawat talata’y puno ng pagsuyo,
ang takip ay bughaw, dito nakatago
ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.

Nang buwan ng Mayo kami nagkilala


at tila Mayo rin nang magkalayo na;
sa kaluping ito nababasa-basa
ang lahat ng aking mga alaala.

Nakatala rito ang buwan at araw


ng aking ligaya at kapighatian…
isang dapithapo’y nagugunam-gunam
sa mga mata ko ang luha’y umapaw…
Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot
binabasa-basa ang nagdaang lugod;
ang alaala ko’y dito nagagamot,
sa munting kaluping puno ng himutok.

Matandang kalupi ng aking sinapit


dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis;
kung binubuksan ka’y parang lumalapit
ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.

Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na


ang lumang pagsuyo’y naaalaala,
O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa
masayang malungkot na hinahagkan ka…

May ilang bulaklak at dahong natuyo


na sa iyo’y lihim na nangakatago,
tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo
tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.
MANGGAGAWA

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday


alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal


pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,


at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
ANG POSPORO NG DIYOS

Sa dilim ng gabi’y may gintong nalaglag,


may apoy, may ilaw, galing sa itaas;
at dito sa lupa noong pumalapag,
nahulog sa bibig ng isang bulaklak.
Ang sabi ng iba’y kalulwa ng patay,
luha ng bituin, anang iba naman.
Lalo na’t sa gabi ay iyong matanaw
tila nga bituing sa langit natanggal.

Bituin sa langit at rosas sa hardin,


parang nagtipanan at naghalikan din;
nang di na mangyaring sa umaga gawin,
ginanap sa gabi’y lalo pang napansin.

Katiting na ilaw ng lihim na liyag,


sinupo sa lupa’t tanglaw sa magdamag;
ito’y bulalakaw ang dating pamagat,
posporo ng Diyos sa nangaglalakad.

Kung para sa aking taong nakaluhod


at napaligaw na sa malayong pook,
noong kausapin ang dakilang Diyos
ay sa bulalakaw lamang nagkalugod.

Sampalitong munti ng posporong mahal


kiniskis ng Diyos upang ipananglaw;
nang ito’y mahulog sa gitna ng daan,
nakita ang landas ng pusong naligaw!

Ito’y bulalakaw, ang apoy ng lugod,


na nagkanlalaglag sa lupang malungkot.
May nakikisindi’t naligaw sa pook:
Aba, tinanglawan ng posporo ng D’yos.
KAMAY NG BIRHEN

Mapuputing kamay, malasutla’t lambot,


kung hinahawi mo itong aking buhok,
ang lahat ng aking dalita sa loob
ay nalilimot ko nang lubos na lubos.

At parang bulaklak na nangakabuka


ang iyong daliring talulot ng ganda,
kung nasasalat ko, O butihing sinta,
parang ang bulaklak kahalikan ko na.

Kamay na mabait, may bulak sa lambot,


may puyo sa gitna paglikom sa loob;
magagandang kamay na parang may gamot,
isang daang sugat nabura sa haplos.

Parang mga ibong maputi’t mabait


na nakakatulog sa tapat ng dibdib;
ito’y bumubuka sa isa kong halik
at sa aking pisngi ay napakatamis.

Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen


ay napababait ang kahit salarin;
ako ay masama, nang ikaw’y giliwin,
ay nagpakabait nang iyong haplusin.
Maikling kwento
Sa Bagong Paraiso
Ni. Efren Abueg

Isa sa mga klasikong kuwento ng pag-ibig na nakamulatan ng mga Pilipino ay


ang Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg. Sumasaklaw ang kuwentong ito sa
isang usaping madalas nating mapanood sa mga telenobela na pag-iibigan ng
mga magkababata.
Nakatira sa isang simpleng lalawigan ang magkababata na sina Ariel at Cleofe.
Nagsimula ang kanilang magandang samahan bilang mga magkalaro.

Itinuring nilang kanilang paraiso ang kanilang lugar kabilang ang bukirin kung
saan sila naglalaro. Hindi namalayan ng dalawa na ang kanilang magiging
malapit ay magbubunga ng isang pagtitinginang magbubunga hanggang sa
kanilang pagtanda.

“Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?” –Cleofe
Ito ang isa sa mga linya ni Cleofe habang tinititigan nila ang paglubog ng araw
na isang napakaromantikong bahagi ng kuwento.

“Naririning mo ba…..may tumutunog sa aking dibdib?” –Ariel habang kausap si


Cleofe at pinanonood ang dapit-hapon.
Sa linyang ito pa lamang ni Ariel ay malalaman nang noon pa man, bata pa
lamang sila ay espesyal na ang pagtitinginan nila ng kababatang si Cleofe.

“Siguro, paglaki ng mga batang ‘yan, silang dalawa ang


magkakapangasawahan.” –Isang babaeng nakakita kina Cleofe.
Ito naman ang linya ng isang babaeng nakakita sa pagiging malapit ng
dalawa. Bata pa lamang sila ay batid na ng mga nakakikita sa kanila na
espesyal ang kanilang pagtitinginan.

Nang magbinata at magdalaga na sina Cleofe at Ariel, batid na nila ang


kanilang espesyal nilang pagtitinginan. Ngunit kontra ang kanilang mga
magulang sa kanilang pag-iibigan.
Ayon sa pamilya ni Cleofe, hindi raw si Ariel ang lalaking pinangarap nila sa
anak. Batid rin nilang abala ang pag-ibig kay Cleofe na gusto nilang
makapagtapos ng pag-aaral.

“Kahit na…kayo’y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong
sabihin. Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!” –
Nanay ni Cleofe
Pangarap kasi ng mga magulang ni Cleofe, lalo na ng kaniyang ina na maging
doktora ang kaniyang anak. Batid niyang ang pag-iibigan nina Cleofe at Ariel
ay isang malaking hadlang para sa kaniyang pangarap sa anak.

“Walang kwenta iyon. Makita mo, kapag tapos na si Cleofe ay magkakalapit


kayong muli. Hindi mo ba alam… na gustong- gusto ka ng mga magulang niya
na maging doktora siya?” – Sabi ni Ariel sa kaniyang sarili.
Maging si Ariel ay kinukumbinsi ang sarili na tama ang mga magulang ni
Cleofe. Sinasabi niya sa sarili na kailangan nilang sumunod dahil para naman
sa kanilang kinabukasan ito. Pero nanaig pa rin ang pag-ibig nila at hindi nila
kayang magkalayo nang mahabang panahon.

Dahil sa pagtutol nila sa kanilang pag-iibigan, tinangkang ilayo si Cleofe sa


kaniyang iniibig na si Ariel. Ngunit hindi ito nagustuhan ng dalawa. Gumawa
pa rin sila ng paraan upang makapagkita at damhin ang pag-ibig nila para sa
isa’t isa.

Natagpuan nila ang kakaibang paraiso sa piling ng isa’t isa. Narating nila ang
isang paraisong ngayon lang nila natuklasan, isang paraiso na para lamang sa
mga taong nagmamahalan.

Matapos ang ilang araw, nakaramdam si Cleofe ng kakaiba sa kaniyang


katawan. Nagbunga pala ang pagmamahalan nila ni Ariel. Ngayon ay may
bago silang biyaya mula sa bagong paraisong natuklasan nila.
Isang Aral para kay Armando
Laging naiisip ni Armando na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa
kanya. Madalas niyang marinig ang “Huwag mong gawin ito,” “Huwag mong
gawin iyan.” Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang mga ito.

May isang bagay na talagang lagi niyang gustong gawin kahit ipinagbabawal
ng ina – ang maligo sa ilog. “Napakabilis ng agos ng tubig sa ilog. Maliit ka pa
at kaya kang ianod nito,” laging paalala ng ina.

Ngunit naniniwala si Armando na kaya niya. Marunong naman siyang


lumangoy dahil tinuruan ng Tito Manuel niya. “Matatakutin lang talaga si
Nanay,” sabi niya sa sarili. “Ang sarap siguro talagang lumangoy sa ilog.
Mukhang kay la’mig ng tubig.”

Kaya nga, isang araw, kasama ng apat na kalarong bata, nagpunta sila sa ilog.
Masaya silang naghubad ng kamiseta at tumalon sa tubig. Ang sarap maglaro
sa tubig. Wiling-wili ang mga bata. Maya-maya, naisip ni Armando na
lumangoy sa banda-bandang unahan. Unti-unti siyang umusad.

Bigla na lamang bumilis ang agos ng tubig at siya’y tinatangay na palayo,


patungo sa malalim na parte ng ilog. Pinipilit niyang pigilan ang katawan
ngunit hindi niya makaya ang malakas na agos ng tubig.

“Ben!” sigaw niya. “Saklolo!”

Ngunit hindi rin magaling lumangoy ang mga kasama niya. Napamulagat na
lang sila sa di-masaklolohang kababata. Mabuti na lang at may biglang
tumalong lalaki mula sa mga kahuyan. Naroon pala ang isang kanayon nila na
may paiinuming baka.

Nasagip si Armando ng lalaki ngunit may ilang sandali bago siya nahulasan.
“Salamat po, Mang Tacio. Akala ko’y katapusan ko na. Nagdasal po ako at
kayo ay dumating. Dapat nga pala akong sumunod sa sinasabi ni Nanay.”

Tama si Armando. Batid ng mga magulang ang nararapat sa mga anak kaya
dapat silang sundin. Ang isa pang natutuhan ni Armando ay kapag nasa
panganib, tumawag agad sa Diyos at ang tulong ay darating.
Ang Buhay Nga Naman
Punumpuno ng ligaya ang dibdib ni Aling Juling sa mga papuri at paghanga
ng mga kaibigan at kakilala. Ilang beses siyang umakyat-manaog sa entablado
upang samahan ang anak sa pagtanggap ng iba’t ibang karangalan –
Valedictorian, Best Declaimer, Best Orator, Leadership Award, Achievement
Award, Girl Scout Award, Model Pupil Award, Bb. Karunungan Award, at kung
anu-ano pa.

Ang anak ni Aling Juling na si Maricris ay laging nasa TOP 3 sa klase. Sa


elementary, high school at college ay maraming awards and honors ang
natanggap nito sa larangan ng academic competition o extra-curricular
activities. Dahil dito, lumaki si Maricris na laging may mga taong humahanga,
pumupuri at pumapalakpak sa lahat ng paaralang kanyang pinasukan. Sa
Luzon, Visayas at Mindanao, laging bukam-bibig ang kanyang pangalan.

MARICRIS del MAR, mga guro’t kaklase niya ay hindi nauubusan ng papuri. Sa
kabila ng lahat, si Maricris ay nanatiling mapagkumbaba.

Halos dalawampung taon na namayagpag sa iba’t ibang paaralan sa buong


Pilipinas ang pangalan ni Maricris.

Nang mag-asawa si Maricris at magkaroon ng dalawang anak na lalaki, akala


niya ay mararanasan niya ang ligayang naibigay niya sa kanyang ina noong
siya ay estudyante pa lamang. Akala niya muli siyang makatutungtong sa
entablado upang tumanggap ng karangalan mula sa mga anak na nag-aaral.

Subalit, taliwas sa inaasahan, tuwing magtatapos ang taon si Maricris ay laging


nasa upuan lamang. Nanonood sa ibang mga magulang na nasa entablado
kasama ang mga anak na tumatanggap ng karangalan. Ngayon lang
naranasan ni Maricris na laging nasa upuan lamang. Laging nasa isang tabi
tuwing may idaraos na paghahandog ng karangalan ang paaralang
pinapasukan ng dalawang anak.

Napangiti na lamang siya, napabuntung-hininga tuwing naaalala ang


maliligayang araw niya noong kanyang kabataan nakasama ang ina sa
pagtanggap ng iba’t ibang karangalan.
Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat pa rin siya sa Poong Maykapal na
bagama’t hindi naging matalino ang dalawang anak ay mababait at
magagalang naman ang mga ito.

Ang panganay na labing-anim na taong gulang na ngayon ay mapagmahal at


masunurin. Lagi pa nitong sinasabi.

“Mommy, hindi man ako honor sa klase, sisikapin ko pong makatapos ng pag-
aaral upang maipagmalaki ninyo ako pagdating ng araw.”

Ang bunso naman na labinlimang taon na ay bibo, alisto at malambing.

“Mommy, pag college ko, kukuha ako ng Fine Arts. Pagkatapos, kukuha rin
ako ng Business Administration. Magiging katulong mo ako Mommy, sa
pagpapalago sa business natin.”

Sa piling ng dalawang anak at mapagmahal na mister, si Maricris ay maligaya


na rin. Datapwa’t hindi niya mararanasan pang muli ang mga paghanga at
palakpak na naranasan ng kanyang ina.
Trak ng Basura
Mula sa Life That Matters

Ngayong araw ang aking flight patungong Singapore. Ako ang ipapadalang
representative ng aming kumpanya para sa gaganaping seminar doon.

Si tatay ang maghahatid sa akin sa airport. Maaga pa naman kaya niyaya ko


muna s’yang kumain sa isang malapit na fast food chain.

Naghahanap na kami ng mapagpaparadahan ng sasakyan nang biglang may


umatras na pulang kotse at kaunti na lang ay mababangga na ang aming
sasakyan. Galit na bumaba ang driver ng pulang kotse at sinigawan niya si
Tatay.

“Ano ka ba? Marunong ka ba talagang magmaneho? Nakita mo nang palabas


ako! Tuloy-tuloy ka pa rin! Pasalamat ka nagmamadali ako dahil kung hindi…”

Hindi na tinapos ng lalaking galit na galit ang kanyang sinasabi dala na rin
siguro ng pagmamadali. Ngunit bago pa siya umalis ay nakangiting humingi
ng paumanhin ang aking ama.

“Pasensya na, Brad!” Sabay senyas na tila kumakaway.

Pagkaalis ng lalaking nanigaw kay Tatay ay nag-usap kaming dalawa. “Tay,


akala ko po kanina ay papatulan n’yo yung lalaki. Medyo may kabastusan po
siya at hindi man lang niya inisip na mas matanda sa kanya ang kausap niya.”

Sumagot si Tatay ng ganito. “Alam mo anak, maraming tao ang


maihahalintulad sa isang trak ng basura.”

“Ano pong ibig n’yong sabihin?” tugon ko.

“Bawat araw ay maraming tao ang humaharap sa mundo na punung-puno ng


kabiguan, pangamba, galit, at kung anu-ano pang mga negatibong bagay na
nasa puso at isipan nila. Kapag ang trak ng basura ay puno na, naghahanap ito
ng isang lugar na pagtatapunan ng laman nito.
Ganun din ang tao. Kung minsan ang nagsama-samang galit at mga kabiguan
ay naitatapon natin sa iba. Kung ikaw ang napagtapunan ng galit nila, may
choice ka. Pwede mo silang sabayan at magalit rin o piliin na pabayaan na
lang at huwag itong personalin.

Tandaan mo, huwag kang pumayag na itapon ang basura nila sa’yo. Sa halip,
ngitian mo na lang sila at ang pinakamainam ay ipanalangin mo upang
mapagtagumpayan nila ang kanilang pinagdadaanan sa buhay at upang hindi
na rin nila maitapon sa iba ang dala-dala nilang basura”, paliwanag ni Tatay.
Ang Maya
Mula sa Life That Matters

Nakaupo sa bakuran ng kanilang bahay ang isang matandang lalaki kasama


ang kanyang anak na si Ramil, tatlumpung taong gulang. Nagbabasa ng
dyaryo ang anak samantalang ang ama ay pinagmamasdan lamang ang
paligid. Walang anu-ano’y napansin ng matandang lalaki na may
kumakaluskos malapit sa mga tanim niya. Agad niyang tinanong ang anak.

“Ano ‘yon?”

Sumagot naman ang anak at sinabing, “Tay, ibon lang po ‘yon. Isa pong
maya.”

Lumipad ang ibon at dumapo sa kabilang halaman kaya muling nagtanong


ang matanda, “Ano ‘yon?”

Tumingin ang anak sa kanyang ama at sinabing, “Maya nga po.”

Pagkaraan ay muling lumipad ang ibon at dumapo malapit sa kinauupuan ng


mag-ama. “Ano ‘yon?” tanong ulit ng matanda.

Sa pagkakataong ito ay nainis na si Ramil sa paulit-ulit na tanong ng kanyang


tatay. Ibinaba niya ang dyaryong hawak saka pasigaw na sumagot.

“Maya nga sabi! Ibon ‘yon! M-A-Y-A!”

Sandaling tumahimik ang ama saka tumingin sa mga mata ng kanyang anak.
Pagdaka’y tumayo ang matanda at pumasok sa kanilang bahay. Kinuha niya
ang isang lumang notebook at saka bumalik sa kanyang kinauupuan. Binuklat
niya ang isang pahina at ipinabasa ng malakas kay Ramil ang nakasulat.

“Ngayong araw ay kasama ko ang aking bunsong anak na tatlong taong


gulang. Nakaupo kami sa parke nang may biglang may maya na dumapo
malapit sa kinauupuan namin. Dalawampu’t isang beses akong tinanong ng
aking anak kung ano daw iyon. Kaya dalawampu’t isang beses ko ring sinagot
ang tanong niya.
‘Maya iyon, anak.’

Niyayakap ko siya at hinahalikan sa tuwing inuulit niya ang kaparehong


tanong. Hindi ako nakaramdam ng pagkainis. Sa halip, pagmamahal ang
nadama ko sa tuwing sinasagot ko ang tanong ng aking anak.”

Pagkatapos basahin ni Ramil ang nakasulat sa notebook ng kanyang tatay ay


nakaramdam siya ng hiya sa kanyang inasal. Sa loob-loob niya ay hindi dapat
ganoon ang naging reaksyon niya at hindi niya dapat sinigawan ang kanyang
matandang ama.

Dahil dito, agad niyang niyakapa ang ama saka humingi ng tawad sa kanyang
nagawa.
Sanaysay
Sa Aking Paglalakbay - Sanaysay
Sa Aking Paglalakbay
Maikling Sanaysay

Minsan may grupo ng mga taong simbahan, mga seminaristang lalaki at babae, ang
nagpasama sa isang organizer para mag-bar hopping. Gusto nila marahil ng exposure o
mag-interview ng mga babaing nagtatrabaho sa bar. Sa paglipas ng gabing iyon, umuwing
nag-hihinanakit 'yung organizer. Sabi niya, sa bawat bar na pinuntahan nila, tinatanong
palagi ng mga seminarista sa mga babaing nagtatrabaho sa bar kung nagsisimba sila. Hindi
niya ito nagustuhan. May mga ilan pa rin siyang reklamo pero hindi ko na matandaan.

Hindi ko alam kung ano ang sinagot ng mga bar women. Hindi namin napag-usapan at hindi
naman kami interesado. Pero nauunawaan ko ang kanyang pakikisimpatya sa mga bar
women. Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagkukuwento naglakbay ang diwa ko.

Naisip ko, kung hindi sana mahigpit ang belong nakapiring sa kanilang mga mata, marahil
hindi na nila ito itatanong. Marahil kung hindi sana makapal ang fake eyelashes na suot-
suot ng mga bar women maaaninag nila ang mabuting puso ng mga seminarista sa halip ng
mga bilang ng basong nasa ibabaw ng mesa.

Minsan ko na silang pinagmasdang magsayaw habang tinatanggal isa isa ang saplot sa
kanilang katawan sa saliw ng tugtuging Total Eclipse of the Heart. Sa bawat piraso ng
telang nahuhubad, sa bawat balat na lumalantad sa aking harapan hanggang sa makita ko
na lahat, lalu kong naintindihan na wala naman palang masyado pagkakaiba ang mga
kababaihan saan mang lugar, anuman ang kalagayan at katayuan sa buhay. At kung
tatanggalin mo pa ang balat at mga kalamnan sa bawat kababaihan, tuluyan ng
mawawalan tayo ng pangalan, lahi o katayuan sa lipunan at makikita mong lahat tayo ay
isang grupo lang ng kalansay.
Edukasyon, Bulok na, Bakit Mahal - Sanaysay
Edukasyon, Bulok na, Bakit Mahal
Maikling Sanaysay

Hindi ako isang mangmang sa katotohanan na kinahaharap ko bilang isang estudyante, at


hindi isang bulag at pipi na hindi na maging saksi sa kalidad ng edukasyon sa trying sa ami'y
ipinasusubo makasasapat iisip ito sa ating mga isip gutom. Ito konsepto na hindi namin
maaaring makatakas - ang pababa pababa sa kalidad na edukasyon upang magpatuloy Aalis
batang kaalaman gutom at uhaw. 

Ang edukasyon ay isang karapatan, hindi isang pribilehiyo, ayon sa ating saligang batas. Ito
ay isang pangangailangan, hindi isang luho. Hindi nabili dahil walang katumbas na halaga.
Ngunit ang katotohanan, at ang edukasyon ay ngayon ng sanggol na may halagang
nakabubutas kanang bulsa, at ang paaralan ay hindi isang institusyon ngunit ang isang
layunin upang makatulong sa mga negosyo para sa kanilang sariling mga pangangailangan.
Kasabay ng bawat pagtaas ng mga kalakal ay ang pagtaas taun-taon ng pagtuturo,
suffocating aming mga namamatay na mga magulang. Ngunit sa pamamagitan ng edad sa
pintuan mo lang ng paaralan, tatambad sa iyo na fuels ang gato-tulad ng kalansay
istraktura na nagbibigay ng isang buga lamang. Inaanay mga libro sa hindi sapat na bilang
ng mga mag-aaral at ang kakulangan ng mga kinakailangang pasilidad at kagamitan ay
nagiging hadlang sa pag-aaral. Force na makinig sa mga paulit-ulit na aralin ng mga
maestrang inuusal lamang kahit na hindi niya alam ang kanyang pakikipag- usap. Idagdag
sa mga miselenyus patuloy na binabayaran ngunit hindi pinakinabangang. Kami rin
sapilitang upang harapin ang shortcomings ng paaralang ito, maiwawaglit pa rin sa ating
mga isip na tayo ay tao, may kailangan sa buhay, at isa sa edukasyon. pay namin malaki na
malaman ang bawat araw ngunit nagpunta sa bahay mula sa paaralan na wala na
pagkatapos ay walang laman ang bulsa, ang utak at tiyan ay mas puro hangin. 

Ayon sa isang pananaliksik, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo pinakakulelat
pagdating sa Matematika, Agham at Ingles, samantalang ang Singapore, na noon ay pa rin
lamang sa puwit unlad sa mga araw ni Mark ay kasalukuyang nangunguna sa tulad ng mga
istatistika. Bakit ngayon mas modernong Just kapag kami ay kaya sa down ang kalidad ng
edukasyon sa ating bansa? Paano pa kaya sa hinaharap at mga lahi? Hindi na ako lang
nagtaka kung paano ilang mga kabataan ang patuloy na makikipagpatayan para sa kanilang
mga karapatan, at ang ilan lamang manatiling pipi at bulag na ito sapagkat ito lang kaya
ng kanilang mga magulang. Ang masaklap na isipin, ang kasalukuyang pasadsad na
edukasyon gating inang bayan ay ang sampu sa propesyonal affiliations namin ay maaaring
maging sa hinaharap. Ngayon, sa iyong tinatamasang kaalaman at kalidad ng edukasyon,
itanong sa iyong sarili, ano ito? Karapatan o isang pribilehiyo?
May Panahon Pa Kaibigan - Sanaysay
May Panahon Pa Kaibigan
Maikling sanaysay ni: Eisa Rene Batallones y Saturno

Libong taon na ang lumipas, nakintal sa isipan ng lahing kayumanggi ang mga hagupit at
matinding dagok dala ng mga mananakop sa lahing kayumanggi. Naglaho na ang mga
kanyon, at ang mga gatilyo ng baril na pumatay sa daang libong Filipino na nakipaglaban sa
kalayaan ng bayan ay tuluyan ng nagwakas na kalabitin at ngayon ay isa na lamang itong
ala-ala ng panahong lumipas.

Nakamit na ang minimithing kasarinlan ng bansang inanod ng agos ang mga adhikain at
simulain na siya sanang uugit sa mga kabataan tungo sa matagumpay na hinaharap. At muli
itong inumpisahang balangkasin ng matino, maipagmamalaki at higit sa lahat ay may
angking tapang na maipatupad ito ng mga pinunong nilayon ay pangkalahatang tagumpay.
Subalit, tila yata hindi pa ganap ang sinasabing kalayaan. Ano nga ba ang kalayaan?
Kalayaan bang matatawag na magkaroon ng sariling batas na ipinatutupad? Kalayaan bang
mamuhay sa bansa kung naglipana sa bawat sulok nito ang mga taong nagpapahirap sa
sambayanang Filipino? Ang kalayaang inaasam ay tila isang mwtaporika lamang ng
kaganapang naroon na at nakamit na ang kalayaan.

Nilamon ng progresibong kabishanan ang noo’y ayak na pamumuhay. Ang mga paragos at
kariton na batak ng mga kalabaw ay madalang ng nasisilayan. Ang mga karitela na hila ng
kabayo ay mahirap mo ng masumpungan. Ang noo’y tahimik na kapaligiran ay
inalingawngawan ng mga busina ng makabagong sasakyang naggaling sa mga bansang
dumaluhong at nagwasak sa angking kariktan ng luntiang kapaligiran na tila baga winasak
ng isang malakas na delubyo.

Ang silangan at ang kanluran na hinahasikan ng gintong palay ay untiunting ninakaw ng


progresibong pagsulong sa inaakalang ito ang mabisang paraan upang masawata ang
kahirapang tinatagalay. Subalit lingid sa matalinong kapasyahan ang mga ito ay patibong
ng makabagong kabihasnan na kitilin ang kagandahan, payak at matahimik na pamumuhay.

Madalang na ang araro, at isa na lamang itong palamuti sa taklab ng magsasakang


bumungkal ng lupang tinalo na ang lakas ng panahong lumipas. Bumulaga sa ating mga
mata ang mga nagtataasan at naggagandahang gusali na nakatanim kapalit ang luntiang
palay na nagbibigay ng gintong butil na isang biyayang matatawag.

Mayroon pa ba tayong ninanais? Hindi pa ba sapat ang tagumpay na ating nakamit? Hindi pa
ba sapat ang kaalamang nakuha natin sa mga dayuhang pilit nating yinakap ang kanilang
kakanyahan tungo sa pagpapaunlad ng kinabukasan ng bawat mamamayan? Alin pa at ano
pa ang kulang sa atin? Bakit walang pagsulong? Bakit nananatiling maraming naghihirap
kahit ang kaunlaran ng bansa ay ating nang namamalas? Bakit patuloy ang kawalang
katarungan lalo’t higit sa mga taong mahihirap?

Ako’y nagtataka, nagugulumihanan sa kasalukuyang takbo ng politika sa bayan. Ang wangis


ng isang taong maprensipyo’y isang dalagang may angking alindog na niluray at
pinagsamantalahan ang angkin nitong yumi at kaandahan, di sin sanay ang patas at
makatuwirang laban ang ipairal, ipakita ang maginoon laban, hindi sa buhong at may ganid
na pagnanasa sa kaban ng bayan na pinagyaman ng mga taong ang hangarin ay para sa
pangkalahatan, hindi sa iisang tao lamang.

Lawitan mo ng pag-asa na mabago ang kalakaran, gamitin ng wasto ang aking talino mo’t
isipan upang mapagtagumpayan ang sinusuong na pakikiba sa mga taong dala ay
kapahamakan. Hasikan mo ng pataba ang mga punlang isinurak sa matabang lupa,
patabang manggagaling sa utak ng kamalayan at masaganang kaalamang natutunan sa mga
naunang taong nakibaka na ipaglaban ang karapatang kalayaang mamuhay. Ang
pamumuhay ng patas, tahimik at malayang naisasakatuparan ang minimithing pangarap sa
buhay ng may katiwasayan.

Hamo't mangyaring aking idalangin sa Diyos na Maawain at Mahabagin na ikaw ay


pagpalain. Hindi pa huli kaibigan, may panahon ka pang mag-isip ng tama. May panahon
pa! May panahon pa… kaibigan!
Disiplina Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang
Kailangan - Sanaysay
Disiplina Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan
Maikling Sanaysay

Itong linya na ‘to ay umalingawngaw noong kapanahunan ng Martial Law. Linya na mula sa
diktador na abusado at mapanlinlang ngunit bilang pangungusap, ito ay makahulugan sa
lahat at para ito sa mga kababayan nating hindi disiplinado. Hindi uunlad ang bayan kung
ang mga mamamayan ay hindi disiplinado. Kung may kaayusan at respeto sa isa’t-isa, hindi
malayong respetuhin na tayo ng mga ibang bansa at tingalain bilang kanilang inspirasyon.
Ngunit kung parati tayong hindi maayos at hindi sumusunod sa mga simpleng batas o
panuto, hindi tayo magtatagumpay. Pinatunayan ng mga Hapon noong niyanig sila ng
Magnitude 9 na lindol noong Marso na kahit nilumpo na sila ng kalamidad, ang pagiging
disiplinado ay pinairal pa rin nila. Hindi sila nagnakaw o nag-panic buying sa mga tindahan,
sumunod sila sa utos ng kanilang pamahalaan na lumikas na at higit sa lahat, nagrerespeto
sila sa isa’t-isa. Isang magandang halimbawa na dapat gayahin at gawing inspirasyon ng
mga Pilipino. Paano ba maging disiplinado? Una, sumunod sa mga simpleng panuto o batas.
Kung susunod ang lahat, susunod ang kaunlaran. Pangalawa, sa lahat ng pagkakataon,
pairalin ang pagiging alerto o mahinahon, halimbawa kung may kalamidad na tumama,
huwag mag-panic dahil ang mahalaga ay nailigtas ka, ang mga bagay na naipundar mo,
babalik rin yan basta’t magsumikap ka. Pangatlo, respetuhin ang isa’t-isa, kung may
respeto kayo sa kapwa mo, ang respetong ipinakita mo ay magbibigay ng gantimpala sa’yo.
Pang-apat, huwag mag-isip ng negatibo, isipin mo ang positibong kalalabasan ng mga
gawain mo upang maging matagumpay ka sa hinaharap. Kilala ang mga Pilipino bilang hindi
disiplinado, ngunit kung gusto natin ng pagbabago, unahin muna natin ang pagiging
disiplinado bago maging progresibo.
Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran - Sanaysay
Pagkakaisa Wikang Filipino: Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran
Maikling Sanaysay

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng
lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay
Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Madaming pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang
pagkakarooon ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong henerasyon
ng ating buhay: noon, ngayon at bukas. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng
wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino
sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaron
ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa
transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinyon ng bawat
mamamayan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang
tradisyon ng bawat pangkat. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi
ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng
bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala. Sa kasalukuyang henerasyon, mas
laganap ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang naging mga programa para mas
maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga ahensya
ng gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at
paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindihan ng
mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika. Natuto rin ang mga Pilipino
na mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang wika. Pagkakaroon ng sariling wika ay
isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura,
tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na
henerasyon. Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa
Mga Nalikum Na Mga Dula
Mga Nalikum na Epiko
Humadapnon

(Epikong Panay)

Ang mag-asawang Musod Burubalaw at Anggoy Ginbitinan ay may mga anak na lalaki.  Isa sa kanilang mga anak ay itinuturing na
bayani ng mga Sulod Pagandra ng Panay Sentral.  Ito ay ang kanilang panganay na si Humadapnon.

Nang siya’y magbinata, iginayak niya ang kanyang sarili sa paglalakbay.  Nais niya’y matagpuan ang babaeng kanyang pakakasalan.
Ang babaeng nagngangalang Nagmalitong Yawa, nag-iisang anak nina Labaw at Viva Matanayon ng Ilog Hulanod ang siyang
nagpatibok sa puso ni Humadapnon.  Kumuha muna siya ng maliit na patalim at sinugatan nito ang maliit na daliri.  Matapos iyon,
siya ay naglakbay at nangyaring si Buyung Dumalaplap ang naging kapatid niya sa dugo.

Habang siya’y naglalayag sakay ng kanyang ginintuang bangka, isang hindi inaasahang lakas ang dumating.  Natangay ang kanyang
ginintuang bangka.  Salamat na lamang at may dumating siyang kaibigang hindi nakikita kaya nakaiwas siya sa pagkakaipit sa
dalawang malalaking bato.

Matapos ang trahedyang ito’y muling nagpatuloy sa paglalakbay si Humadapnon hanggang sa makarating siya sa dagat na ang
tubig ay hindi gumagalaw, malagkit, maputik at maitim.  Matagal pa sana siyang aalis sa lugar na iyon ngunit muli na naman siyang
tinulungan ng kanyang kaibigang di niya nakikita, na nagngangalang Saragudon.

Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, narating nila ang lupain ng Taraban.  Ang lahat ng mga namumuno sa lugar na ito ay
pawang babae na naggagandahan.  Sina Simalubay Hanginum, Simahuboli Hubunan at Sinaghating Bulawan.  Sa kagandahan ng
magkapatid ay naakit si Humadapnon.  Isa rin ito sa dahilan kung bakit nananatili pa sila sa lugar na ito sa kabila ng pinagbantaan
siya ng kapatid sa dugo na si Dumalaplap.  Nabilanggo siya rito ng halos pitong taon.  Sa kabutihang-palad, may nagligtas muli sa
kanya.  Ito ay si Nagmalitong-Yawa na matapos siyang makawala ay bigla itong nawala.

Muli niyang ipinagpatuloy ang paghahanap kay Nagmalitong Yawa.  Napadaan siya sa isang madilim na lupain na kinakitaan ng
mga kaluluwa ng kanyang mga ninunong yumao na.  Ang lupaing ito’y nagtataglay ng sampung ilog.  Lulan ng kanyang bangka,
mula sa bulubunduking ito, nagkaroon sila ng paglalaban at agad naman niyang nagapi ang mga ito.  Mula sa ilog na ito ay nadako
siya sa ilalim ng lupa at dito’y nakasagupa niya ang isang hayop na may walong ulo.  At nagapi niya ang hayop.  Sa maraming taon
niyang paglalakbay, narating niya ang Ilog ng Holawod.  At dito niya nakita si Nagmalitong Yawa.  Ito ay kanyang pinakasalan.  Sa
gitna ng pagdiriwang may dumating na isang grupo mula sa kalawakan.  Mabilis na kinuha si Nagmalitong Yawa at ito ay napatay.
Buong tapang na nakipagsagupa si Humadapnon sa pinuno ng grupo.  Sapagkat kapwa may angking lakas ay umabot sa pitong
taon ang kanilang sagupaan.  Ipinaalam ni Launsina kay Humadapnon na kulang sa pag-iisip ang nakalaban ni Humadapnon sa
Namurata sa himpapawid upang bigyan ng buhay si Nagmalitong Yawa.

Nang muling mabuhay si Nagmalitong Yawa ay saka nila napag-alaman na ang kalahating katawan nito ay napangasawa ni
Amurutha at ang kalahati ay napangasawa ni Humadapnon.  Mula nang magkaliwanagan ay nanaog sina Humadapnon at
Nagmalitong Yawa sa naging pinuno ng mga tao sa Sulod ng Panay.
Ibalon

(Epikong Bicolano)

Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castaño, batay sa narinig niyang kuwento ng isang manlalakbay na mang-aawit na si Cadugnong, ang
epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong.  Ibalon
ang matandang pangalan ng Bikol.

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo.  Siya'y nanggaling pa sa lupain ng
Batawara.  Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan.  Siya ang kinilalang hari ng Ibalon.  Naging maunlad ang
pamumuhay ng mga tao.  Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing
sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim.  Si Baltog ay matanda na upang makilaban.  Tinulungan siya ng kanyang
kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw
at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao.  Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang
nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig.  Ito ay si Oriol.  Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga
masasamang hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon.  Ang mga tao ay umunlad.  Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka.  Ang mga piling tauhan
ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.

Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural.  Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan
sa pagluluto.

Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela.  Si Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at
iba pang kasangkapan sa bahay.

Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon.  Subalit may isang halimaw na namang sumipot.  Ito ay kalahating tao at
kalahating hayop.  Siya si Rabut.  Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto.  May nagtangkang
pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato.  Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong
upang siyang pumatay kay Rabut.

Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut.  Kaniya itong pinatay habang natutulog.

Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut.  Diumano, masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng
pagkakataong magtanggol sa sarili nito.  Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.

Nasira ang mga bahay at pananim.  Nalunod ang maraming tao.  Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na
bundok.  Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon.  Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni
Bantong.
Indarapatra at Sulayman
(Epikong Mindanao)

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli.  Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at
mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao.  Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa
labas ng kaharian ng Mantapuli.

Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal.  Inutusan ni Indarapatra si Sulayman
upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao.  Agad na sumunod si Sulayman.  Bago umalis si Sulayman,
nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan.  Aniya kay Sulayman, Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko
ang nangyayari sa iyo.  Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay.

Sumakay si Sulayman sa hangin.  Narating niya ang Kabilalan.  Wala siyang nakitang tao.  Walang anu-ano ay nayanig ang lupa,
kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita.  Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita.  Sa wakas, napatay
rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.

Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum.  Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw.
Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy.  Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito
sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.

Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita.  Wala rin siyang makitang tao.  Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba
ay nasa taguan.  Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah.  Si Sulayman
ang nais dagitin ng ibon.  Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman.  Bumagsak at namatay ang Pah.  Sa kasamaang palad
nabagsakan ng pakpak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.

Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra.  Napansin niyang nanlata ang
halaman at alam niyang namatay si Sulayman.

Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid.  Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw.  Alam niyang
napatay ito ng kapatid niya.  Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman.  Narating niya ang bundok ng Bita.
Nakita niya ang patay na ibong Pah.  Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman.  Nanangis si
Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman.  Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig.
Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si Sulayman.  Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog.
Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.

Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman.  Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu.  Dito'y wala ring natagpuang tao.  Nakita
niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo.  Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay
ang ibon.

Hinanap niya ang mga tao.  May nakita siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa.  Mabilis naman itong
nakapagtago.  Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra.  Ipinagsama ng matandang babae
si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon.  Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang
dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon.  Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan.
Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra
sa batisan.

Labaw Donggon

(Epikong Bisaya)

Labaw Donggon

(Epikong Bisaya)

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari.  Siya ay napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan.
Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang
dalawa.  Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang kasal.  At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang magandang babae na
nagngangalang Anggoy Doronoon.  Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal. At muli ay umibig si Labaw sa isa pang
babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.  Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na
katulad niya na may kapangyarihan din.

Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa kanya. Handa akong kalabanin ka, sagot
ni Labaw kay Saragnayan.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi mapatay ni Labaw si Saragnayan.  Mas
malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni Saragnayan.  Samantala ang kanyang mga asawa na si
Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay.  Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu Mangga
at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun.  Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at nagpasya na hanapin siya.
Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni Saragnayan.  Ang dalawang magkapatid ay
nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang
buhok.

Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo siya labanan! sabi ni Labaw sa kanyang
dalawang anak.

Opo ama, sagot ni Baranugun.   Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng
kapangyarihan ni Saragnayan.

Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa
kabundukan.  Siya at si Asu Mangga ay nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo.  Kinain nila ang puso nito na
siyang buhay ni Saragnayan.

Biglang nanghina si Saragnayan.  Alam niya kung ano ang nangyari.  Nagpaalam na siya kay Nagmalitong Yawa.  Handa na siyang
upang kalabanin ang dalawang anak ni Labaw.  Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong laban.  Napatay
siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban.  Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama.  Nakita nila na siya ay
nakasilid sa lambat ni Saragnayan.  Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan.  Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si
Labaw sa lambat.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila sa pighati.  Nalaman nilang hindi na makarinig si
Labaw, hindi na rin nito nagamit ang pag-iisip.  Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain.  Inalagaan nila ito ng mabuti.  Samantala,
si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang
Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon.  Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata.

Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon.

Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila
ang kahilingan nito.  Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang dalawang babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at sigla ng
isip.  Masayang-masaya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.
Mga Nalikum na Anekdota
Ang Tsinelas ni Jose Rizal
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa
ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may
dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa
ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit
namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa
pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na
mahabol nito ang kapares na tsinelas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino
man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
Mga Natipong Nobela
Banaag At Sikat

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at


paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa
Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang
kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang
palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng
amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin
sa mahihirap at ang
pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa
kanyang pagiging
anarkista.
     Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-
pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y
sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y
pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit
di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya
sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at
namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na
ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan.
Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad
ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa
pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si
Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina
Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung
lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing
pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si
Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang
kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa.
Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don
Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin,
Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi
pinagmanahan.
    Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang
pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at
ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.
Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay
dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki
ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados
Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak
na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama;
ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni
Meni.Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng
kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng
karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng
pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo,
kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin,
salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.
    Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng
kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng
manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang
hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.
    Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos
makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang
kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika
at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging
kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyangpinaglilingkuran. Si Ruperto
ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si DonRamon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
     Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng
mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay
Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng takipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.
    Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-
asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga
magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga
pamahiin, ang bulag na pananampalataya.Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang
umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa
iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang
kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang
ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw
araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang  paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng
dugo.
    Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis
sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang dilim ng gabi."
Lalaki Sa Dilim
Ni.
Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalangRafael Cuevas.
Isang espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isangmalagim na krimen ng
gabing bigyan siya ng Stag party ngkanyang mga kaibigan bago pa man siya
makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa niyang gahasain ang
babaingkahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at maralita
angkanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi

nakilala ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan.

Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at paglilinis


niya ng konsensiya sa nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng
kanyang ginahasa,binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham
na nagsasabingsakanya din magpagamot ng mata upang masingil lamang
ngkaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyangnagawang
kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyangpangalan bilang
pagtanaw ng babae sa kanyang nagawangkabutihan. Naging inaanak niya
rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak.

Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si


Nick. Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lama tangkanilang samahan na
humatong din sa hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita ay
isang modernong babae. TotallyAmericanized, sabi nga sa nobela. Para kay
Margarita ayos lang namagkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta
magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa ‟t
isa. Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang
sakanya ang isang balitang napatay si Margarita atNick sa isang otel ng
isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marinaang asawa ni Nick na matagal
ng nagtitiis sa mga kabulastugan ngasawa hanggang sa umabot na sa
sukdulan at makapatay ito.Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya
at Aling Selaang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay
bumaboy sakatawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na papakasalan niya si
Ligaya.
GAPO
ni: Lualhati Bautista

Si Michael Taylor Jr. ay isang dalawangpung taong gulang na folk singer sa isang bar na nagngangalang freedom pad. Anak siya sa
labas ng isang amerikanong sundalo na hindi niya nakita man o nakilala. Malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa ginawa ng
ama niyang pag-iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging anak sa labas na ginawang katatawanan ng iba. Lalo siyang nagalit
nang masaksihan niya ang pag-aalipusta ng mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niya. Si Dolores, ang ina niyang nag-ampon
dito at nakasama niya sa paglaki. Si Magda ay isang masugid na tagahanga ng mga sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit
na dinanas niya ng dahil sa mga ito. Matalik na kaibigan ni Michael sina Modesto at Ali. Si Modesto ay isang pilipinong
manggagawa sa base militar. Api-apihan ito sa pinagtatrabahuan niya. Wala siyang kaibigang amerikano roon maliban kay William
Smith. Tinitiis niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya rito. Si Ali naman ay isang baklang
masalapi. At nagkarelasyon sila ni Modesto. Naging kasintahan niya ang isang amerikanong sundalo na si Richard Halloway.

Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong amerikano sa base militar. Nakipagsagutan siya
sa isang opisyal doon at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si Modesto nang pagtulungan siya ng mga kasamahan ng sundalong
puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni William, napatay nila si Modesto.

Si Ali naman ay ninakawan nina Richard at Ignacio at binugbog rin.

Si Magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na nagngangalang Steve Taylor. Noong simula ay napakabait ni Steve
hanggang sa sa nabuntis siya nito. Makakatagpo na sana ni Michael ng isang kaibigan sa sundalong kano nang matuklasan nilang
mayroon itong babalikang pamilya sa Estados Unidos.

Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina Ali at Modesto sa nga amerikano. Naulit na naman ang
paglilinlang ng mga sundalong amerikano kay Magda. Hinampas ni Michael si Steve sa ulo gamit ang kanyang gitara na ikinamatay
ni Steve. Nakulong si Michael.

Sa huling bahagi ng istorya ay dinalaw ni Magda si Mike sa kulungan. Ipinagpaalam niya ang pagpapangalan ng anak niya kay Mike.
Ang bata ay magiging si Michael Taylor III. Naghawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay sa magkabilang panig ng rehas.
TITSER
ni: Liwayway A. Arceo

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon
ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa.
Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong
edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na
sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa
pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga,
at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon
ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa.
Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong
edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na
sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa
pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga,
at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.

Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil
sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa
Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa
ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya,
nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay
gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit
wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan
ng gurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa
buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng
mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at
nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit
kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na
panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.

Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong
makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa
kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si
Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni
Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si
Amelita.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating
maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak.
At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.
Nobelang pusong walang pagibig
ni roman reyes

Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak


niyangsiyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at
mapapalagay lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak
habangbuhay. Napili niTandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala
pang trabaho. Wala namangmagawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang
ama. Bagama't napupusuan niya siTone na lagi niyang nakakaulayaw ay may
nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagkasundo na nga kay
Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit naisip ni
Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may mga dalaga pa
siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga binata
ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya
pangmanliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling
Buro si Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni
Loleng na walasiyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo
si Ikeng sa panunuyo kay Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang
Tiago dahil sa pagtangay sa kanyanganak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni
Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at kung hindi
kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi sumusuko si
Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulanay siya mismo ang
gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo aynaisipan nina
Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-amang
taga- Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa
mungkahing iyon dahil wala na talagang ibang paraan bagama't dalawang buwan na ang
lumipas. Natuloyang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang
kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit
hindi nagtagal ay nagbalik na namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi
si Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni
Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa
manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at
pinangalanang "Elisa", at "Nene" ang naging palayaw. Unti-unting naubos ang pamana ni
Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni
Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging
kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro
 si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa
gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa
Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa
bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang kanyang layon
kundi ang maiwan ang kanyang asawa't anak. Natapos ang himagsikan at tinalo ng mga
Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang ng
mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at
nagtakbuhanang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kaya't siya'y muntikan nang
mabaliw sa kakahanap samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang
ama na si Kabesang Bino at itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni
Loleng habang hinahanap si Nene saMaynila. Hindi inakala ni Loleng na may
magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang abala sa paghahanap. Mabuti
na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog.
Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila mababaliw na sa
kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos.
Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni
Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak
niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing
nina G.Ricardo at Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil
iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan
si Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-
ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni
Tomas at Ikeng ang isa't isa. Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng
dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na makita ang mag-ina ngunit hindi nito
alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at
Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na awtomobil si
Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin
niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulangniya sa
kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siya'y tuluyan nang namatay. Dito
nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang "pusong walang pag-ibig".

You might also like