You are on page 1of 2

Pagsuri sa Migrasyong Rural-Urban sa Kontekstong Marxismo

Natural sa tao na gawin ang kahit anong kaparaanan para matugunan ang kanyang pangangailangan.
Higit dito, hahanapin din niya ang pinaka mainam na kondisyon para sa kanya. Ang ganitong konsepto ay
naipapakita sa paraan ng migrasyon ng tao tungo sa lugar na mayroong mas kaaya-ayang kondisyon.
Ngunit dahil sa industriyalisasyon, and konteksto ng migrasyon ay hindi na nakatuon sa paghanap ng
mas magandang kondisyon. Tungkol na ito ngayon sa pagpapaunlad ng pamumuhay upang maiangat
ang antas sa lipunan o “social status”.

Ang ganitong usapin ay makikita rin sa kulturang Pilipino kung saan, ang mga tao sa probinsya o “rural
areas” ay lumilipat sa siyudad o “urban areas” o “metropolitan.” At hudyat rin ng paglipat na ito ang
paglipat o pag-iiba din ng uri ng hanapbuhay. Ito ay ang pag-subok ng mga tao na makasabay sa batayan
o “standard” ng sosyodad kung pinaguusapan ay antas sa lipunan, yaman, at iba pang material na
aspeto. Ngunit para sa mga mahihirap at kapos, ito ay paraan nila para maitaguyod and kanilang pang
araw-araw.

Pansin ito sa teoryang Marxismo kung saan nangingibabaw ang “materyalistang pag-unawa ng pag-
unlad ng lipunan, simula sa gawaing pang-ekonomiya na kinakailangan ng sangkatauhan
(wikipedia.org/wiki/marxism).” Ipinapakita dito na ang tao’y sadyang maghahanap ng oportunidad na
makabubuti para sa kanya.

Ang migrasyong rural-urban ay lubhang laganap sa bansa at nagiging dahilan rin ito ng paglaganap ng
mga problema na humahadlang sa “national development” – ang hindi mapigilang paglipat ng mga tao
sa mga syudad, ang kanilang pagkabigong makahanap ng trabaho dahil sa kulang na pinag-aralan, ang
lumalalang populasyon, at iba pang isyu na sya namang nakaka-apekto sa mga polisiya at iba’t-ibang
serbisyo at programa na naglalayong makapagsilbi sa taong-bayan.

Kung susuriin ang ugat ng problemang urban, marahil ay “overpopulation” ang unang mailalatag sa
listahan dahil ito rin ang pinanggagalingan ng problema sa kalusugan dahil sa pananatili ng “squatters
area.” Mananatili lamang ang problemang ito dahil tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao sa
siyudad sa pag-iisip na dito nila mahahanap ang kasagutan sa kahirapan dahil nasa siyudad ang
maraming oportunidad at mas “advanced”. At dahil nga marami ang mahihirap, minabuti naman ng
gobyerno na matulungan ang mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ayuda.

Samantala, sinasabi sa teoryang Marxismo na “habang humuhusay ang mga puwersa ng produksiyon
(teknolohiya), ang mga kasalukuyang anyo ng kaayusang panlipunan…ay siyang pumipigil sa lalo pang
pag-unlad, (wikipedia.org/wiki/marxism).” Kung ganoon, maaaring sabihin na ang mga serbisyo at
programang pinatutupad ng pamahalaan ay tila ba “band-aid solution” lamang at hindi tuwirang
nakasasagot sa problemang kinakaharap ng bansa na dulot ng migrasyong rural-urban. Kung ganoon,
hindi nga masusugpo ang problemang ito at pauli-ulit lamang itong mangyayari hanggang sa mawalan na
ng kapasidad ang pamahalaan.

Kung iisiping mabuti, ang oportunidad ay nariyan lamang na naghihintay ngunit ang problema ay ang
kapasidad ng mga tao. Kung mas napagtuunan lamang ang adbokasiya sa pagbibigay ng libreng
edukasyon noon pa man, maaring maraming naghihirap ngayon ang iba na ang buhay dahil sa sila ay
edukado at makaksabay sa takbo ng kaunlaran ng lipunan. O kaya, maaari rin na mailapit ang
oportunidad sa “rural areas” na naipapakita naman sa unti-unting paglamon ng urbanisasyon sa mga
probinsya na syang nasasaksihan naman natin ngayon. At dahil nananatili pa rin ang kakulangan ng
kaalaman ng karamihan, ang paglaganap ng urbanisasyon sa pamamagitan ng pagunlad ng teknolohiya
ay hindi rin naman nakaka benepisyo sa mahirap. Sukdulang ang mayayaman pa rin ang yumayaman.

Dahil sa kakulangan ng kaalaman at kapasidad ng tao, ngunit iniisip pa rin ang pangaraw-araw ng
pangangailangan, napipilitan siya na gumawa ng “labor jobs.” Maipapakita nito ang konsepto ng
kapitalismo na siyang nagsasamantala sa kalagayan ng tao. Ang resulta nito ay ang pagkawala ng gana o
ambisyon dahil naitatak na sa kanyang isipan na siya’y ipinanganak at mamatay na mahirap. Sabi nga sa
reading na Beginnings and Basics of Marxism, ang pagsasamantala ay nakakaresulta sa “alienation…
which is the state which comes about when the worker is deskilled and made to perform fragmented,
repetitive tasks in a sequence of whose nature and purpose he or she has no overall grasp.” Kung
ganoon, maaaring sabihin na dahil sa pagsasamantalang ito ng “upper class,” ang tao ay tinuturing nang
gamit upang magpayaman pa ang mayaman.

Ang dapat tanawin ay nasa kasabihang ito ni Karl Marx, “habang patuloy na sumusulong ang puwersang
produktibo at teknolohiya, magbibigay-daan ang sosyalismo sa isang yugto ng komunismong pagbabago
ng lipunan na walang urian o estado at naninindigan sa panlahatang pagmamay-ari at sa prinsipyong –
MULA SA BAWAT ISA AYON SA KANIYANG KAKAYAHAN, PARA SA BAWAT ISA AYON SA KANIYANG
PANGANGAILANGAN.”

You might also like