You are on page 1of 4

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

Nizal, Maria Cristina A.


44642 Panitikan (8:30-10:00) T/TH

 GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa
paksang tinalakay.
Pagnilayan at Unawain
Gawain 1. ANO SA PALAGAY MO?
I. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ibigay ang pagkakaiba ng pagtatanghal ng duplo sa balagtasan. (10 puntos)

DUPLO BALAGTASAN
Ang Duplo ay isang paligsahan at Ang Balagtasan naman ay uri ng pagtatalo ng
pahusayan sa pagbigkas ng pagtula. Ito ang dalawang magkaibang panig ukol sa isang
humalili sa karagatan, at ito ay isang palaro paksa. Ito ay pumalit sa duplo. Ito ay uri ng
na patungkol sa patay, at ang paraan ng debate na binibigkas sa uri ng patula.
pananalita nito ay patula, ngunit hindi na Mambabalagtas naman ang tawag sa mga
nito kinakailangan ng sukat at tugma. nagtatalo dito.
Bilyako at bilyaka ang tawag sa mga
nagtatalo.

2. Ano ang epiko? Magbigay ng halimbawa at ibahagi ang nilalaman ng akda.


(10 puntos)
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang isa sa mga halimbawa ng
epiko ng Luzon ay pinamagatang Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao) ito ay tungkol sa isang sanggol na lalaki ang
isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng
iba’t ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama
ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma
(encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya. Nang
mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan.
Subalit ang sumagot sa kanyang hamon ay hindi si Pangaiwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, si
Dinoyagan na bihasa rin sa bakbakan tulad ni Aliguyon.

3. Anu-anong mga kagandahang asal ang napapaloob sa mga awit at korido? (5 puntos)
Ang “awit” ay salaysay sa pakikipag-kaibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mg tauhan ay
walang sangkap ng kababalaghan samantala ang “korido” naman ay salaysay sa pakikipag-kaibigan
at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punong puno ng kababalaghan.

4. Paano nakatutulong ang dalit at duplo sa pananampalataya ng isang tao? (5 puntos)


Nakatutulong ang dalit at duplo sa pananamplataya ng isang tao dahil sa pamamgitan ng pananamplataya sa diyos
ang isang tao ay nagkaroon ng kapayapaan sa kaniyang isip at puso na kahit mahirap ang sitwasyon ay ito ay
kakayanin dahil kasama an gating Panginoon.Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang tao ay nagkakaroon ng
lakas ng loob na magpatuloy sa kaniyang buhay. Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, mas nakakaya ng
tao ang kaniyang mga pinagdadaanan sapagkat nagtitiwala siya sa Diyos na ito ay kaniyang malalampasan. At ang
huli sa pamamagitan ng pananampalataya ang tao ay mas masigasig sa paggawa ng tama sa kaniyang buhay
personal o pangpamilya.

5. Ano ang kabutihan ang ating mapupulot sa mga awiting bayan. (5 puntos)
Ang kabutihan na ating mapupulot sa mga awitang bayan ay yung maging marespeto sa mga kapwa at maging masipag
para sa ating kinabukasan at pwede natin iapply ang nilalaman ng kanta sa ating buhay ito ay kailangan bilang
pasasalamat sa mga bayani natin na nagtanggol at nagligtas sa atin.
II. Panuto: Bumuo ng sariling “ALAMAT” o sariling kwentong “PABULA” kaugnay sa
pangkalahatang akdang pampanitikan na nabanggit. Pumili lamang ng isa.

FORMAT SA PAGBUO NG AKDA: PAMANTAYAN

Arial Narrow (Font Style) Orihinalidad - 50 bahagdan


12 (Font Size) Pagkamalikhain - 25 bahagdan
1.15 (Spacing) Kaisahan - 25 bahagdan
1 inch. (Margin)
Letter (Short Bond Papaer) Kabuuan - 100 bahagdan

 PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Kilalanin at suriing mabuti ang tinutukoy ng pahayag. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang bilang. (15
puntos)

Blehiya 1.Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o


kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
Alamat 2.Isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng bagay, pook o pangyayari.
Duplo 3.Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran ng patula.
Humalili rin ito sa karagatan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang
mga namatayan.
Melodrama 4.Karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang
opera.
Pastoral 5.Naglalarawan tungkol sa tunay na pamumuhay sa bukid.
Trahedya 6.Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing
tauhan.
Talambuhay 7.Tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Awit at Korido 8.Ang paksa ay hango sa pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari at reyna,
prinsesa’t prinsipe.
Patula 9.Ito ay ang masining na pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng
taludtod na may sukat at tugma, kung walang sukat at tugma, ito ay
tinatawag na malayang taludturan
Dula10.Nagsasagawa ng isang pagtatanghal sa entablado.
Epiko 11.Naglalaman ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat
nauukol sa mga kababalaghan.
Balita 12.Nagbibigay impormasyon tungkol sa pang araw-araw na pangyayari
sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba
pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
Korido 13.May sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.
Parsa 14.Mahabang salaysay ng mga kawing-kawing at masalimuot na
pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon,
kinasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa kabanata.
Anekdota 15.Mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling
salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapag-bigay aral sa mga
mambabasa. Maaaring ito’y isang kwento ng mga hayop o mga bata.

ALAMAT NG BUWAYA
(Maikling Kwento)
Sa kabila ng liblib na bayan ng Malinawin namumuhay ang isang lalaking nagngangalang kroko, siya ay may taglay na
pambihirang pag-uugali, mahilig siyang manloko, mang-abuso, at sakim siya sa lahat ng bagay, lahat ng kanyang Makita at
magustuhan ay pinipilit niyang makuha kahit pa ito ay mali at nakakasakit sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa kanyang
bayan na ito mayroong isang pambihirang ilog na mahilig niyang puntahan sa tuwing may tinataguan siya o kaya naman ay
may tinatakasan dahilan ng kanyang panloloko sa mga taong gusto niyang lamangan.

Si kroko ay lumaki ng walang kasama at sinasandalang pamilya, nung siya ay bata pa ay iniwan na siya ng kanyang
magulang sa kagubatan, tanging iniwan lang sakanya ng mga ito ay mga pagkain at prutas na hindi rin sasapat sa kanya sa
mga susunod na araw. Sa kadahilanang ito lumaki si kroko ng may galit sa puso, ang tanging nasa isip lamang niya ay lahat ng
taong nakapaligid sa kanya ay hindi siya mahal, iiwanan at lolokohin din siya ng mga ito katulad ng ginawa ng kanyang mga
magulang. Sa kabila nito si kroko ay namuhay ng walang pakiradam, mahilig siyang mang-abuso at mangloko ng iba.

Isang araw mayroong grupo ng mga kalalakihan ang nagtanong kay kroko na kung gusto niyang sumama sa pagbenta
ng mga gulay at hati naman sila sa kikitain nito, pumayag naman si kroko at nagpatuloy sa pagkuha ng mga gulay. Pagkatapos
nila itong makuha, agad nila itong pinagbenta sa palengke, sa kagustuhan ni kroko na mapunta sa kanya lahat ng kita, agad
niya itong kinuha at tumakbo papuntang ilog kung saan siya palaging nagtatago. Hinabol siya ng mga grupo ng lalaki, subalit
sa sobrang bilis niyang tumakbo at alam na niya ang pasikot sikot ng gubat mabilis siyang nakatakas, sa patuloy niyang
pagtakbo nakabangga siya ng isang babaeng medyo may edad na. Tinanong siya nito kung ano ang nangyari at bakit siya
nagmamadali, sinagot naman ito ni kroko na gusto siyang saktan ng mga ito. Batid sa kaalam ni kroko ang babaeng iyon ay
isang diwata, tinulungan siya nitong makatago at makatakas laban sa mga kalalakihan, kapalit ng mga prutas na gusto nito.
Ngunit pagkatapos ng mahabang oras, at nakita ni kroko na wala na ang mga lalaki agad naman niyang tinabuhan at tinakasan
ang diwatang babae. Tumakbo si kroko at lumusong sa ilog, dahil alam niyang hindi siya nito mahahabol dahil ito ay babae
lamang. Sa kagitnaan ng tubig biglang lumitaw ang diwatang babae at sinabing hindi siya tumutupad sa panagako at siya ay
hindi mapagkakatiwalaang tao, pinilit ni kroko na tumakas ngunit hindi niya makilos ang kaniyang mga paa. “Dahil sa iyong
panloloko sa aking gagawin kitang buwaya, sapagkat ikaw ay sakim sa lahat, manloloko ng tao at mahilig mang-abuso” agad
tumalikod si kroko ngunit biglang nagliwanag ang kapaligiran at siya ay naging buwaya, nagtago ito sa tubig at mabagal na
gumagapang.

Sa ating buhay kahit ano pa man ang ginawa ng mga taong mahal natin na nakakasakit sa atin ay hindi dapat tayo
maging ganon din sa iba. Huwag tayong manakit at mangloko ng iba dahil lamang niloko at sinaktan din nila tayo. Pilitin nating
maging mabuti sa iba at sa ating sarili.

You might also like