You are on page 1of 4

IKALAWA AT IKATLONG LINGGO

MODYUL 1
MGA KONSEPTO AT TEORYA
I. Introduction

Isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mayamang kultura at maunlad na

bansa ay dahil sa pagkakaroon ng wika. Sa pagkakaroon ng varayti ng wika makikilala
ang isang partikular na lugar, grupong kinabibilangan, komunidad na kinagisnan at ang
identidad ng isang tao. Dahil sa wika, bawat isa sa atin nagkakaroon ng pagrespeto, pag-
unawa at pag-ingat sa paggamit nito nang sa gayon hindi tayo makapanakit o makaapak
ng katauhan/pamumuhay ng isang tao.

Sa araling ito, tatalakayin ang mga konsepto at teorya ng aralin. Maikompara ang
Barayti at Baryasyon ng wika at mapaliwanag ang kahalagahan ng pagkatuto nito.

II. Pre-Competency Checklist

1. Ano-ano ang mga wikang ginagamit at naiintindihan mo? Lakipan ito ng

pagpapaliwanag.
________________________________________________________________

2. Bakit mayroong Barayti ng wika?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

III. Learning Resource

 Liwanag,L. B. Ang Pag-aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika: Hanguang Balon
sa Pagtuturo at Pananaliksik. Retrieved January 15, 2021 from
https://www.academia.edu/34093314/Ang_Pag_Aaral_ng_Varayti_at_Varyasyon
_ng_Wika_Hanguang_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik. Academia

 Peregrino, J. M. etal. 2012. Salindἀw: Varayti at baryasyon ng Filipino. Quezon

City: Sentro ng Wikang Filipino

IV. Explore/Tasks

Barayti
- Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang wika ay
heterogeneous o nagkakaiba-iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na
may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes,gawain, pinag- aaralan at iba pa .
Baryasyon
Sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang gawain at tungkulin ng tao
at ito ay nagreresulta ng pagkakaiba- iba ng kultura at wika na siyang nagiging
panukat sa progreso ng tao

Barayti ng Wika
-Isang pagkakaroon ng pagkakaiba depende sa estilo, punto at iba pang salik
pangwika na ginagamit ng isang lipunan.
-Ang barayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay
sa partikular na Varyasyon o varayti ng wika.

Nagbigay siCatford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika.

 Permanente
para sa mga tagapagsalita / tagabasa. Kabilang sa mga varayting
permanente ang dayalekto at idyolek. Batay ang diyalekto sa lugar, panahon at katayuan sa
buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng
tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo,panahon at katayuang sosyal.
Maihahalimbawa rito ang mga diyalekto ng Tagalog
a. Tagalog-Bulacan
b. Tagalog-Batangas
c. Tagalog-Laguna
d.Tagalog-Cavite
e.Tagalog-Mindoro
f. Tagalog-Rizal
g. Tagalog-Palawan.
Samantala, ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng
tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.

Ayon pa rin kay Catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat
na gulang.

 Pansamantala
Dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kasama rito ang
register,mode at estilo.
Register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita
sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa nito ay: sayantipikong register, panrelihiyong
register, pang-akademikong register at iba pa.

Estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring formal,

kolokyal at intemêt o personal ang estilo. Ang
Mode ay ang varayting kaugnay samidyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita
o pasulat. Sa isang pangkat-wika o

Speech community makikita ang varyasyon ng wika sa pamamagitan ng: a.) mgataong
bumubuo rito; b.) pakikipagkomunikasyon ng tao; c.) interaksyon ng mga tao; d.) sa mga
katangian ng pananalita ngmga tao; at; e.) sa sosyal na katangian ng mga tao.

Gawain:
A. Maghanap sa You tube ng isang panoorin na nagsasalita ng iba-ibang
lengguwahe ang isang tao. Kaugnay nito, maglista ng 10 salita na iba-iba
ang tawag sa iba-ibang wika sa Filipinas sa tulong ng napanood na video.
Bigkasin nang tama ang mga ito.

Salita Saan hinangong wika?

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

V. Discussion Board

Posible kayang magkaroon lamang ng isang wika ang isang tao?

Pangatwiranan ang sagot.

VI. Post Competency Checklist

1. Bilang magiging guro balang-araw, ano-ano ang nakikita mong halaga ng pag-
aaral ng barayti ng wika?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Iugnay ang konsepto ng Varayti ng wika sa kahulugang binigay ni Henry Gleason na

Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may pinagsasaluhang kultura sa kanilang
pakikipagkomunikasyon.

You might also like