You are on page 1of 137

P R O L O G U E.

TRAILER:
https://youtu.be/NgC8f4L70SI
Everyone says that i'm an angel who came from hell..
An impertinent person..
A girl who knows when to throw punches..
I'm Erin Cross. The only daughter of Rain and Thunder Cross, the legendary
gangsters.
Yes! My parents are gangsters but don't get the wrong idea. I'm just a normal girl.
Uhm no! I don't think Normal is the best word to describe me dahil may mga taong
pilit akong hinahabol.
Ang magulo kong buhay ay mas magiging magulo pa dahil lamang sa pag pasok sa
Monstrous Academy.
A school where you can't escape from danger once you go inside.
A school where students are divided into five kinds.
Keen - Students who have the ability to think clearly and to understand what is not
obvious or simple about something.
Amiable - They are willing to accept the wishes, decisions or suggestions of
another or others. They have a friendly and pleasant manner.
Probity - Students who have the strong moral principles, student who is completely
honest.
Insolent - They are rude and arrogant, they have a lack of respect to others.
Intrepid - They are extremely brave and showing no fear of dangerous situations.
At sa pag pasok ko sa eskwelahan na 'yon ay makakasama ko ang mga taong nakatakda
para protektahan ako.
Alex Sevilla, nabibilang sa grupo ng Keen.
Jester Madrigal, Nabibilang sa grupo ng Insolent.
Tyler Sandoval, nabibilang sa grupo ng Amiable.
Xian Montero, nabibilang sa grupo ng Probity.
Zero Villaruel, nabibilang sa grupo ng Intrepid.
They were the five person who will risk their lives just to protect me.

Screw what the world expects, i'm just thinking about all the things i'm going to
face. I cracked but i don't break, i'll make sure that i'm the one who will win
this fight.
Chasing the bad girl would be hard and whatever doesn't kill me had better start
running.

♛♕♛
Queen's note for first time readers:
Monstrous Academy series#2 : "Chasing the bad girl"
Kwento na 'to ng anak ng bida sa book 1, nasa sainyo kung babasahin nyo yung unang
book, okay lang naman kahit hindi na. Kahit ibang kwento na 'to, connected parin
ito sa unang book, kayo ng bahala kung babasahin nyo pa 'yon o hindi na. But i
suggest basahin nyo habang nag aantay sa update nito .
Monstrous Academy: Gangster's love. Yung title ng book 1.

P.S Inspired parin 'to sa divergent ♥

Chapter 1: Monstrous Academy.

Chapter 1: Monstrous Academy.


-
Habang malakas na nag hihiyawan at nag papalakpakan ang mga manunuod sa katatapos
lang na woman's basketball game, ito ako at kinakaladkad ng mga security guard ng
sarili kong paaralan palabas ng gymnasium.
This is so unfair! I'm the ace of winning team at kung hindi dahil sakin ay hindi
mananalo ang school na 'to. Pag tapos nila akong irecruit sa team, ganito lang ang
gagawin nila sakin?!
"My god! Let go of me!" Nag pumiglas ako sa mahigpit nilang pag hawak sa mga braso
ko pero itinulak nila ako palabas ng makarating kami sa main door. I gave them my
deadliest glare, hindi ba sila tinuruan maging gentleman?!
"Ma'am Erin, it's not right to punch the captain of losing team" Magalang na sabi
ng isang gwardya kaya napataas ako ng kilay. Kung wala lang ako sa Amerika,
sasabihan ko 'to ng N-word eh.
"Did you know what happened inside the locker room before you enter the scene?" Nag
titimping galit na tanong ko pero ni isa sakanila ay walang sumagot.
"See? You don't even know the whole story but still! You have the guts to drag me
outside?"
"Sorry Ms. Cross, but the dean wants to see you at his office right now" sabi ng
isa pang gwardya at napabuntong hininga nalamang ako.
"Listen, you're getting on my last nerve, so when i say let go. LET GO!" Sigaw ko
at kusa na silang bumitaw sa pag kakahawak sakin.
Nang makarating kami sa tapat ng dean's office agad nag bigay galang yung dalawang
gwardya sakin pero tinaasan ko lang sila ng kilay at saka padabog na pumasok sa
loob.
"Ms. Cross, i'm really disappointed, you're the best player here in Athlos but ㅡ"
"I'm not the who started the fight, that bitch punched me first. I just defended
myself" pag papaliwanag ko but it seems na hindi sya naniniwala. Tch! Ano pa bang
aasahan ko?
"But it's not right to hurt your co student" See? Well i really have enough.
"Wala.akong.pake. Ikwento mo yan sa buhok mong panot" Bastos na kung bastos pero
punong puno na talaga ako. Ilang beses ng nangyari yung ganito, pinag tatanggol ko
lang yung sarili ko pero ako pa 'tong nag mumukang masama.
Hindi na ako nag abalang mag hintay pa sa mga sasabihin nya kaya lumabas na ko ng
office kahit na walang pahintulot mula sa dean.
Pero pag labas ko, hindi ko inaasahan na sila ang sasalubong sakin. Si mom and dad.
They smiled at me, weird.
"Congrats for winning the game and congrats for the nth time na nakick-out ka"
nakangiting sabi ni dad at napairap lang ako. Paano nya nasabi na nakick-out ako?
"We heard what you said inside. Wrong move anak, nakakaintindi ng Filipino language
yung dean" natatawang sabi ni mommy. Seriously? How come na hindi ko alam yun?
"Come on, let's go" aya ni dad at tumango nalang ako. Sanay naman na ako kaya wala
nalang 'to sakin.
•••
"Sigurado ka ba? Do you think ready na sya?" Boses ni mom. Halata sa boses nya ang
pag aalala. Nanatili akong nakapikit at pinakinggan lang yung usapan nila.
"She's already 17, hindi narin maganda kung mag i-stay pa sya sa ordinaryong
eskwelahan" boses ni dad at hindi ko na napigilan ang sarili kaya bumangon na ako.
Agad akong nilapitan ni mommy at naupo sa tabi ko.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" she tucked a strand of hair behind my ear. Tumango
lang ako ng tipid.
"Hmm tungkol saan yung pinag uusapan nyo?" Tila nabigla si mommy sa tanong ko. Agad
nyang tinignan si dad na parang nag sasabi na wag syang mag sasalita but too late
dahil lumapit narin si dad at naupo rin sa tabi ko.
"We're sending you back to the Philippines tomorrow at sa Monstrous Academy ka na
mag papatuloy ng college. That's a boarding school Erin, you will stay there until
you graduate" kusa nalang akong napatayo dahil sa sinabi ni dad. Ano 'to? No! This
can't be happening. Nanaginip ba ako?
"Why? At bakit ako lang yung uuwi sa Pilipinas? You know that my life is in danger"
"We know and we believe in you. Malalagpasan mo lahat ng pag subok na darating sa
buhay mo, it's time for you to stand on your own" sabi ni mommy at napahawak nalang
ako sa ulo ko.
"But ㅡ"
"No buts Erin, just do what i say. This is for your own good, our own good" sabi ni
dad as he gave me a peck on my forehead. Tinignan ko si mommy and she just gave me
an assuring smile. Okay! I'm giving up, there's no way i can win against them.
Hindi ko alam kung anong plano nila pero alam kong pag sinabi nilang makakabuti
'yon, i'm sure they mean it, pero bakit pababalikin nila ako sa Pilipinas all of a
sudden? At doon pa sa school na iyon ako mag papatuloy ng college?
Although alam ko na doon sila nag aral, pero paano makakabuti yung pag pasok ko
dun?
Monstrous Academy is known for being a dangerous slash weird school. Hindi naman sa
natatakot akong pumasok doon. Excited pa nga ako dahil alam kong pag napaaway ako
sa loob, hindi ako makikick-out basta basta. Siguro narealize lang nila dad na sa
school na iyon ako nababagay.
You know, a bad ass like me? The only daughter of legendary gangsters? No wonder.
Napatunayan ko na ata sakanila na may pinagmanahan talaga ako.
/The next day/
I just wore white ripped jeans and black crop top for my flight. Hindi narin ako
nag pahatid kila mom, i'm kinda disappointed kasi and to be honest, i don't want to
leave them behind.

After a long long hour. Ito na ang araw kung saan mag babago ang buhay ko. Kung ano
man ang nag aabang sakin sa loob ng Monstrous Academy, i'm sure that's not going to
be easy. Wala akong masyadong alam sa eskwelahan na 'to dahil hindi naman madalas
mag kwento sila dad.
"Welcome to Monstrous Academy Ms. Cross" Bati ng magandang babae na nakatayo sa
gate, Tinaasan ko lang sya ng kilay, hindi ko kasi magets kung bakit dito ko
kailangan dumiretso after ng flight. Hindi man lang ako pinag stay sa hotel kahit
isang araw. Pinaparusahan ata ako ni dad!
"I will guide you to your room, don't worry. Sinabihan na kami ni Mr. Cross na pag
pahingahin ka muna ngayong araw kaya you can rest pag dating sa room mo" malumanay
na sabi nya habang nag lalakad kami. Sinundan ko nalang sya kung saan man nya ko
balak dalhin.
Hindi ko mapigilang mamangha sa paligid. Sobrang laki ng academy na 'to, para syang
buong city dahil may nakikita akong iba't ibang establishments. It's far from the
creepy school description. More of, it looks like a paradise but of course it's
just the appearance because the buildings were truly created with high class
architecture.
Pumasok kami sa isang malaking building at napahinto ang iilang estudyante ng
mahagip ako ng paningin nila.
"What are you looking at?" mataray na tanong ko sakanila pero yumuko lang sila at
saka nag madaling umalis sa kinatatayuan nila.
"Nasa third floor yung magiging kwarto mo, so we will use the elevator" sabi ng
babae ng huminto kami sa tapat ng elevator. I guess nasa lobby kami ng girl's dorm
ngayon.
"Just tell me what the room number, i can handle myself" sabi ko bago pa nya
mapindot yung button.
"No, you can't" sabi nya at saka nag simulang umakyat ng hagdan, sinundan ko nalang
sya hanggang sa huminto kami sa kwarto na may nakalagay na 318.
Kumatok sya at may babaeng nag bukas nito. She got this green hair and bangs
falling into her forehead, she's also skinny kahit pa nakasuot sya ng coat.
"She's Akira Ohara, she will be your roommate. Ms. Ohara, please, tell her all the
things she needs to know" sabi ng babae at iniwan na nya ako. Dire-diretso na akong
pumasok sa loob ng kwarto at inilapag yung gamit ko.

Woah, this school is really unbelievable, muntik ko ng akalain na nasa hotel room
ako. Hindi na ikwento sakin ni mom na ganto yung kwarto sa girls dorm, or maybe
malaki na talaga ang ipinagbago since decades narin ang nakalipas nung mag aral
sila dito.
The room has two full size bed, flatscreen TV, Aircondition, Walk in closet that
good for 2, 1 mini table between the beds and it has two lampshade and cr of
course.
Sobrang yaman siguro ng may ari nitong school. Nag patuloy ako sa pag lakad at
pumunta sa kama na malapit sa balkonahe. I'm sure kasi na ito ang magiging kama ko
since malinis at mukang hindi pa nagagamit.
"Do you want me to help you with your things?" Tanong ni Akira.
"No, i can manage" tipid kong sagot at saka nag punta sa balkonahe. Tanaw na tanaw
dito ang malawak na field ng school, tanaw rin dito ang isa pang building na hindi
kalayuan.
"What building is that?" Tanong ko ng tabihan ako ni Akira dito.
"Ah, boys dorm yan. By the way, what kind of student are you? I'm amiable" nilingon
ko sya at tinignan mula ulo hanggang paa.
"I don't know" i shrugged.
"Ah, hindi ka pa siguro nat-test. I'll tell you nalang. The students here are
divided into five kinds. I know it's weird but if you don't fit in any kind, hindi
ka makakapasok rito.."
"..I also heard na hindi lang ikaw ang transferee ngayong week. Madalas kasing may
mga hindi nag tatagal rito kaya umaalis pero ang nakakatuwa ay yung pag may
umaalis, may mga bagong dumadating.."
"Ano nga palang pangalan mo?" Nakangiting tanong nya. She seems so friendly, and i
hate it.
"Erin Cross" bored na sagot ko and her jaw dropped. Like seriously? Anong
nakakabigla sa pangalan ko at ganun nalang ang naging reaksyon nya. Mas lumapit pa
sya sakin, she tried to touch me pero tinabig ko yung kamay nya.
"S-sorry, naamaze lang ako. I'm a fan of your parents kasi at hindi ako
makapaniwala na roommate ko yung anak nila" nakayukong sabi nya. Hindi ako kumibo,
ang weird nya. Pumasok nalang ulit ako sa kwarto at saka inayos yung gamit ko.
"I forgot to ask, ano yung amiable?" Ayoko talagang itanong but fuck, nacucurious
ako. Walang nabanggit sakin sila mom tungkol sa mga kinds na 'yon.
"Amiable is good-natured and easy to get along with, kami yung mga estudyanteng
friendly so sana hindi mo isipin na feeling close ako" sabi nya at hindi na ulit
ako nag salita pa. I'm curious to know more about this school. But i got these
feelings na hindi magiging madali ang pag stay ko rito.

Chapter 2: Aberrant.

Chapter 2: Aberrant.
-
"Erin, wake up" naramdaman ko nalang na may istorbong gumigising sakin. Tinignan ko
kung sino 'yon. Ugh! I remember, wala na nga pala ako sa Amerika. Sanay akong mag
pahinga every Sunday but what the hell?!
"Ano bang meron?" Iritang tanong ko ng bumangon ako. Tumingin sya sa pinto kaya
tinignan ko kung anong meron dun.
"Tito Axel?" Hindi siguradong banggit ko sa pangalan ng lalaking nakasuot ng asul
na lab gown. Tumango sya kaya dali dali akong tumakbo para yakapin sya. I still
remember him.
"You've really grown up. By the way, mag asikaso ka na. Pumunta ka sa office ko
after, mag pasama ka nalang sa roommate mo dahil baka maligaw ka. The academy is
huge" sabi nya ng guluhin nya yung buhok ko habang nakangiti. Tumango lang ako at
pag tapos nun ay lumabas na sya.
My parents are former gangster. Si Daddy, he used to be the leader of strongest
gang here at Monstrous academy. They called their gang as Devil And Real Kings also
known as D.a.r.k. Isa si tito Axel sa myembro kaya kilala ko sya. Yung about kay
Mommy naman, kung paano sya naging gangster. It's a long story.
Ilang oras ang lumipas at tinatahak na namin ni Akira yung sinasabi nyang keen's
lab.
"Ayan, nandito na tayo. Balik na ko sa room natin ah?" sabi nya ng makapasok kami
sa isang asul na building at huminto sa tapat ng isang malaking pinto. Kumatok ako
ng tatlong beses at saka pumasok sa loob kung saan tumambad sakin ang isang
lalakIing nakabaligtad sa sofa.

"Alex, sinabihan na kita na umayos ka ng upo pag nandito ka sa office ko" suway ni
Tito Axel ng lumabas sya sa isang pinto. Muka namang napansin na nya ako kaya
nilapitan nya ko at ganun din yung lalaking tinawag nya na Alex. Wait, that name is
familiar.
"Nandito ka na pala, still remember my son? Alex?" tanong ni Tito and yeah, i still
remember sya yung genius boy.
"Erin? Ikaw na ba yan?" nakangiting tanong ni Alex at tumango lang ako ng bahagya
at saka ibinaling yung atensyon kay tito. It's really weird na naaalala ko pa yung
mga 'yon. Talas ng memory ko.
"Stay here Alex" utos ni tito Axel at saka pumasok sa pinto kung saan sya galing
kanina. Sinundan ko sya at tumambad sakin ang kulay asul na pader, isang ergonomic
chair at isang transparent screen. Ayun lang yung nakaagaw ng atensyon ko.
Inalalayan nya ako paupo doon at may kung ano syang kinuhang VR box.
"It looks like a VR Box pero iba 'to, once na masuot mo 'to. Mapupunta ka sa
Virtual world, may mga challenges kang haharapin and after that, malalaman natin
kung anong kind mo" paliwanag ni Tito and i was like, seryoso ba 'yon?
Tumango nalang ako at maya maya ay dahan dahan na nyang isinuot sakin yung parang
VR box, i don't know why pero nakaramdam ako ng pag kahilo, i closed my eyes but
when i open it, nasa ibang lugar na ako. Where am i? Walang katao tao rito.
"Tulong!" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, isang batang lalake, nasa itaas
sya ng isang building at may taong nakamaskara ang nakahawak sa likod nya. Mukang
balak nya itulak ang bata.
Lumingon ako sa paligid, tanging truck ng basura lang ang nakikita ko. Narinig kong
nag bilang yung taong nakamaskara. I don't know what to do at kusa nalang akong
tumakbo papunta sa truck na puno ng basura.
Sumakay ako at sinubukan kong paganahin yung makina gamit ang dalawang wire,
luckily nag start naman at bago matapos yung pag bibilang ng taong nakamaskara,
naipwesto ko na yung truck sa exact place na pag babagsakan ng bata.
Nag madali akong umakyat sa itaas but the weird thing is nandoon parin yung taong
nakamaskara. Tumalon rin sya?
"Let him go" sabi ko at saka sya sumugod sakin, sinubukan nya kong suntukin pero
itinulak ko lang sya.
"Fuck, ang baho mo" reklamo ko at saka ko hinila yung bata, tumalon ako habang
buhat ko sya, nakakita ako ng pwedeng pag taguan, balak ko na sanang ilagay yung
bata doon pero may nakatutok ng baril sakanya. Mabilis akong humarang para saluhin
yung bala pero nag dilim nalang ang lahat. Para akong mauubusan ng hininga.
"Is this really possible? You're a keen, Insolent and Intrepid. Posible ba mag
karoon ng aberrant without experiment?" Boses ni tito Axel, i came back to my
senses at tinanggal yung nakakabit sa ulo ko.
"Aberrant? And what is that?"
"Deviating from the ordinary, usual, or normal type. Exceptional ka and you don't
belong in any kind" bahagyang kumunot yung noo ko at saka tumayo. Naalala ko yung
sinabi ni Akira, na hindi ako makakapasok rito kung hindi ako mag fifit sa kahit
anong kind.
"So meaning? I don't belong here? What? Lilipat na naman ba ako?"
"No, you can stay here. Para saan pa at naging tito mo ako? I will assign you as
Intrepid since Boldness ang ipinamalas mo sa test, pero here's the deal, wag na wag
mong ipagsasabi na Aberrant ka. It's dangerous" sabi ni tito at tanging pag tango
nalang yung nagawa ko.
Ang complicated naman sa eskwalahan na 'to, ang daming chechebureche. But hell!
That was fun, i mean naenjoy ko yung virtual world. Parang totoong totoo.
"Then, what will i do now?" tanong ko at ilang minuto lang ay lumabas na kami sa
kwarto na 'yon.
"Sasamahan ka ni Alex sa Room A, kunin mo yung uniform and sched mo. Mag papicture
ka para sa id, here. It's your result, ibigay mo yan sa taong nandoon" may inabot
sya saking blankong pulang papel kaya kinuha ko 'yon.
"Niloloko nyo ba ko? Walang nakalagay" sabi ko pero nginisian nya lang ako, nabigla
naman ako ng hawakan ni Alex yung balikat ko at marahang itulak palabas. Tahimik na
kaming nag lalakad sa hallway. One word to describe the atmosphere right now.
Awkward. Yes, sobrang awkward.
"So Aberrant ka" pang basag katahimikan nya.
"How did you know? Nag eavesdrop ka ba?"
"No, hindi ko naman sinadyang marinig. Don't worry, hindi ko ipagsasabi. Sure kasi
ako na pag kumalat 'yon, mapapatalsik ka rito or worse baka pag experimentuhan ka
pa" sabi nya ng tabihan nya ako habang nag lalakad. Sumasakit ang ulo sa eskwelahan
na 'to.
Pag dating namin sa Room A, agad kong inabot yung papel sa kaisa-isang tao na
nandoon.
"Transferee?" Tanong nito pero hindi ako sumagot. Ipinasok nya yung papel sa parang
polaroid na camera at saka itinapat sakin.
"Smile" sabi nya pero hindi ako ngumiti, asa naman but hell, nanlaki nalang yung
mata ko ng makita kong ID na yung pulang papel na ipinasok nya sa camera. Tinignan
ko 'yon, nandoon na yung pangalan at kung anong kind ako. Wow! Just wow!
Napapamangha ako ng school na 'to.

Nang makamove on na ko sa nakita ko, kinuha ko narin yung mga dapat kunin. Monday
na kasi bukas and i'm sure na kahit ayoko, kailangan ko paring pumasok.
•••

Another day at this weird school. Monday na and it was my first day, i got out of
my bed and walk to the bathroom. Laking gulat ko naman ng biglang tumakbo si Akira
papunta sakin.
"Erin, ako muna please? Iihi lang ako" sabi nya habang nakacross yung mga legs nya.
Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"You know what? Ang baho ng hininga mo, sige na umihi ka" iritang sabi ko pero nag
peace sign lang sya. Geez, kagigising lang nya at ang lakas ng loob nya mag salita
ng ganun kalapit sakin.
1 hour had passed and i'm done, Okay na ako at paalis na. I took a look at my
schedule, 5 minutes na kong late sa first subject. Kinuha ko na yung gamit ko at
saka lumabas.
Some students gave me a dirty look and it annoys me. Really.
"Erin, wait mo ko" sigaw ni Akira at ilang segundo lang sinasabayan na nya ako sa
pag lalakad pero sa isang iglap bigla nalang syang nawala sa tabi ko. Agad ko syang
nilingon at nakitang nakaupo na sya sa damuhan.
"Tumingin ka kasi sa daan" sabi ng lalaking nakabangga kay Akira. The hell?
Maraming estudyante ang nagtawanan dahil sa nangyari, i gave them my deadliest
glare at nang akma ng aalis yung walangyang lalake na 'yon, agad kong hinubad yung
rubber shoes ko at ibinato sakanya.
Biglang tumahimik yung paligid, as in tanging pag wasiwas lang ng puno ang
maririnig sa paligid. Dahan dahang humarap sakin yung lalake and the next thing i
know? Napapalibutan na ako ng iba pang mga kalalakihan.

Chapter 3: First day trouble.

Chapter 3: First day trouble.


-
"Hoy, sino ka ba? Bagong salta ka lang dito ah" sabi ng lalaking nasa bandang
likuran ko. Mahigpit namang nakakapit sa braso ko si Akira.
"Erin, wag mo na silang patulan. Mga insolent ang mga yan. Gangsters from different
schools, dito sila tinapon dahil dito lang sila tinatanggap, mga sophomore na yan"
bulong ni Akira at tanging pag ngisi nalang ang nagawa ko.
Nilapitan ako ng lalaking binato ko. He tried to choke me but sorry to say, mabilis
kong naalis yung kamay nya sa leeg ko.
"Layo" sabi ko kay Akira at saka buong pwersang tinanggal yung kamay nyang kanina
pa nakapulupot sa braso ko.
"Eri ㅡ" hindi na naituloy pa ni Akira yung mga sasabihin nya dahil nag simula na
akong sumugod. Inuna ko yung lalaking nag tangkang sumakal sakin kanina, inapakan
ko yung paa nya at saka sya sinikmuraan, napayuko sya dahil sa ginawa kong iyon. I
was about to give my final blow, tutuhurin ko sana yung muka nya pero may dalawang
lalake ang humawak sa mag kabilang braso ko.
"Ang lakas ng loob mo" madiing saad ng lalaking nasa kaliwa ko.
"Come on, Xander. Teach her a lesson" dagdag pa nya and the next thing happen,
nasuntok na ako ng lalaking 'yon sa may bandang pisngi. I can taste the blood in
the corner of my lips. Sinamaan ko sya ng tingin at nag abang sa muli nyang pag
suntok pero naramdaman kong bumitaw yung dalawang lalaking nakahawak sa braso ko.
Tila napako naman yung paa ng Xander na 'yon mula sa kinatatayuan nya.
Nag umpisa naring mag ingay yung mga babae, more of kinikilig kaya naman lumingon
na ako sa likuran ko.

"Tyler! Ano na naman ba?" Reklamo nung Xander and for some reason, bigla nalang
akong nilapitan nung Tyler at saka nginitian. Woah, i thought he's a girl.
"Erin, nasaktan ka ba? Pag pasensyahan mo na yung pinsan ko" sabi nya at nanatili
lang akong nakatingin sakanya. Did i heard it right? Tinawag nya ako sa pangalan
ko? Paano eh ngayon ko palang sya nakita.
"Hindi mo na ako naaalala? Tyler Sandoval, anak ni Matthew, gangmate ng daddy mo"
sabi nya and so i close my eyes trying to remember the past.
"Yeah, i remember pero paano mo nalamang ako 'to?"
"Hmm, i know it's weird pero iniistalk ko kasi yung facebook mo" sabi nya at
napangiwi lang ako.
"Xander, stop this nonsense or else ㅡ" hindi naituloy ni Tyler yung sasabihin nya
ng bigla kaming palibutan ng iba pang kasama nung Xander. Kusa naman ng tumabi yung
ibang estudyante habang si Akira ay nakita ko nalang na tumakbo papalayo.
"Erin, stay behind my back" sabi ni Tyler and i was like. Are you kidding me?!
"Hindi ako bata, i can protect myself" sabi ko at saka binigyan ng isang suntok
yung lalaking nasa likuran ko.
Ito na naman yung akward silence, tinignan ko si Tyler. Puno ng pag aalala yung
tingin nya sakin kaya tinignan ko yung sinuntok ko. Teka, parang hindi naman sya
kasama ng mga gangster na 'to ah.
"Oh my god, sinuntok nya si Zero"
"She's dead"
"Omg, Erin. What did you do?" Tanong ni Akira ng tumakbo sya papunta sakin. Agad
namang nilapitan ni Tyler yung lalaking nasuntok ko and the weird thing is, nag
sialisan na yung mga gangster. Anyare?
"Zero. Okay ka lang? Hindi nya sinasadya. Bakit ba kasi nandito ka, akala nya tuloy
kasama ka nila Xander" paliwanag ni Tyler at nanatili lang akong tahimik.
Zero, i remember that weird name. And if i'm not mistaken, sya yung batang lagi
kong nakakaaway noon. Yung batang dahilan kung bakit ako nag kasugat sa may bandang
baba. Dito rin sya nag aaral? O sadyang napagplanuhan na talaga ng mga parents
namin na ipasok na naman kami sa iisang eskwelahan gaya ng ginawa nila noong
elementary kami?

Pinagpag nya yung kamay nya at saka ako tinignan. Suddenly, he grab my wrist and
pulled me closer to him.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" He sounded very angry with me at tinaasan ko
lamang sya ng kilay. Hindi ako nag salita hanggang sa awatin na sya ni Tyler.
"Zero, hindi nga sinasadya ni Erin" naramdaman kong lumuwag yung pag kakahawak
sakin nung Zero. Tinignan nya akong mabuti at kusa na nyang binitawan yung braso
ko. Tinignan nya ako ng makahulugan at saka umalis habang si Tyler naman ay
nakasunod sakanya.
Nag sialisan narin yung mga estudyanteng nakapalibot samin at kami nalang ni Akira
ang natira dito. Pinulot ko yung sapatos ko at saka isinuot.
"I ask for his help, but it make things worse. Nako, paano ba 'to. I'm sure hindi
ka nya titigilan" nag aalalang sabi ni Akira habang nag lalakad na kami papasok sa
Main building, kanina pa kami late and i know mapag iinitan ako ng prof. Like duh,
first day trouble? First day late?! Well great.
"Zero Villaruel, intrepid din sya kagaya mo. He's just first year pero sya na yung
top 1 sa buong intrepid. He's easily get annoyed with girls, mag ingat ka sakanya
dahil baka ikaw na ang maging next target nya. I mean, ikaw na yung sunod na
mapaalis dito sa academy dahil sakanya"
Patuloy sa pag kwento si Akira pero hindi ko binibigyang pansin. Pag pasok namin sa
classroom napahinto sa pag sasalita yung prof. Tinignan nya kami ng masama pero
agad din nyang sinabihan si Akira na maupo habang ako nanatili lang na nakatayo
rito sa harapan.
"Transferee? Tapos late? Hindi ba sinabi sayo ng mga magulang mo na mahalaga ang
oras? At mukang napaaway ka pa" Sabi nito but i just stared at him blankly. Asa
naman na bibigyan ko sya ng 'sorry face'. Pinunasan ko nalang yung sugat ko sa may
bandang labi at saka bumuntong hininga.
"Introduce yourself" dagdag pa nya.
"Erin Cross" bored na sabi ko at saka tinignan ng masama yung prof. He's mouth wide
open like i said something wrong, what's with the reaction?
"C-cross? Take your seat" tila bumait sya at nag salubong nalang yung kilay ko.
Naupo na ako sa bandang dulo habang si Akira ay nasa bandang gitna.
Mabilis lumipas ang oras, breaktime. Mukang kaklase ko si Akira every monday, kaya
ito at sinabayan nya ako sa pag kain. Para syang buntot, kanina pa syang umaga
nakasunod sakin tas pag nainvolve ako sa gulo, dadagdag pa sya. Ugh!
"Hey, we're not friends okay? We're just roommates" paalala ko habang kumakain
kami. Bakit ba kasi nandito rin sya? Baka akalain ng mga tao mag kaibigan kami.
"Friday na yung acquaintance. Pupunta ka ba? Exclusive lang 'yon for freshman. That
will be good for you since wala ka pang isang linggo dito. Who knows baka makahanap
ka ng gusto mo maging kaibigan" sabi nya at alam kong may gusto syang iparating
sakin. Hindi ba sya naaapektuhan sa sinasabi ko? Sa ugali ko?
"You know what, Akira. It's not good to make friends with me, Hindi mo
magugustuhan. Lapitin ako ng gulo at masama ang ugali ko ㅡ"
"I don't care. A true friend accepts the real you. I want to be your friend and i
mean it" sabi nya at hindi na ako kumibo hanggang sa may pares ng sapatos ang
huminto sa pwesto namin. Binaba ko yung burger na hawak ko at saka tumingala para
makita kung sino ang taong 'yon. Bakas sa muka ng ibang estudynte ang pag kabahala.
"What?" Tanong ko kay Xander who's giving me a death glare right now.
"Pwesto namin 'to. Move your ass and leave" maawtoridad na sabi nya.
"Tara na Erin" aya ni Akira ng hawakan nya yung tray nya at akma na sanang tatayo.
"No, stay" utos ko at agad naman nya 'yong sinunod. Pero hindi ko nagustuhan yung
sunod na nangyari. Gasps were all heard aroud the cafeteria ng ipag tatapon ni
Xander yung mga kinakain namin.
"I said move!" Sigaw nya and in just one snapped, my fist connected to his face and
he fell on the ground. Kanina pa sya! Ano bang problema ng walangyang 'to. Inuubos
nya yung pasensya ko.
"Erin" bakas sa boses ni Akira yung pag katakot ng lapitan nya ako kaya itinago ko
sya sa likuran ko. Mabilis namang nakatayo si Xander na nanlilisik ang mga mata.
"I'm so sick of you since this morning and you really have the nerve. I've already
had enough of your bitch face" galit na wika ni Xander. Sinubukan akong pigilan ni
Akira but she failed. No one can stop me now.
"If i were you, tatawag na ako ng ambulance. I'm not sure kung kakayanin ng nurse
sa infirmary na gamutin ka pag tapos ng gagawin ko sayo" banta ko at hindi ko na
pinatagal pa. He really mess with the wrong person.
Nauna syang sumugod sakin, mabilis ko namang nakuha yung tray na gamit gamit ni
Akira kanina. Inilapag ko yun sa sahig at saktong pag hakbang ni Xander ay
natapakan nya 'yon which cause him to fall on the ground for the second time. Gasps
and chuckle were heard everywhere.
Ni isa naman sa mga kasama nya ay walang balak mangialam kaya nanatili nalang sila
sa gilid at nanuod.
Hinila ko yung buhok nya at saka nginudngod sa mga nasayang na pag kain. He's too
embarassed to stand up kaya naman sinubukan ko syang turuan pa ng leksyon, i was
about to kick him pero may mga gwardyang pumasok at isang school staff, i don't
know kung prof ba sya or what.
"Ms. Cross! In my office, now!" Maawtoridad na utos nito sakin. Tumingin ako sa
paligid. All eyes were on me. Fine.
Tinigilan ko na si Xander at saka padabog na sumunod sa lalaking 'yon. Great, just
great!

Chapter 4: Punishment.

Chapter 4: Punishment.
-
Kanina pa ako nakaupo sa upuan na 'to at kanina pa ako tinitignan ng lalaking ito.
Ano bang kailangan nya sakin?
"It is your first day in this academy as a student at nag hahanap ka na agad ng
gulo?" mahinahong tanong ng lalaking nag ngangalang Travis Milfior. Ayun kasi ang
nakalagay sa desk plate nya na may nakalagay na Intrepid's leader. Ngumisi lang ako
ng bahagya, so sya pala ang pinakaleader ng Intrepid, which means i'm his
responsible. Too bad for him.
"I don't go looking for trouble. Trouble usually finds me" i answered smartly. How
can i be so sarcastic at this moment. I'm sure i'm going to be punish for that.
"Really? Then let trouble finds you. I'm going to punish you. After class dumiretso
ka sa Indoor pool and clean the whole area including the cr's and locker rooms"
napanganga nalang ako sa sinabi nya. Hindi ako nakapag reklamo dahil agad syang
umalis. He gotta be kidding me.
•••
Nasa last subject na ako. Wala akong kilala dito but they kept on glancing at me.
"Do you have a staring problem?" Tanong ko sa tatlong babaeng nasa harapan na
kanina pa tingin ng tingin sakin. Anong oras na pero hindi parin dumadating yung
prof.
"I told you, sya yung babae sa cafeteria"
"Oo mukang sya nga. Pang squatter kasi yung attitude"
"Mukang nag kamali ng test sakanya. She should be insolent, not intrepid"
Hindi ko nalang pinansin yung bulungan nila. Ayokong dagdagan ang punishment ko.
How come na kakapasok ko palang ay mapaparusahan na agad ako? He should warn me
first. Tch.
Mabilis lumipas ang oras at talagang may nag sundo pa sakin para lang siguraduhin
na didiresto ako sa indoor pool. My life literally sucks today. What the hell.
"Wag ka mag alala, hindi lang naman ikaw ang may punishment ngayong araw kaya may
makakasama ka sa pag linis" sabi ng sumundo sakin. He looks like a janitor with his
outfit. Nang makarating na kami sa tapat ng indoor pool, napanganga nalang ako.
Seriously. Ang laki nito.
"Ito mga gamit, goodluck" nakangiting sabi ng janitor ng ibigay nya sakin yung mop
at, pamunas at ilang chemicals pang linis. Sinamaan ko sya ng tingin at saka
padabog na kinuha yung mga gamit na 'yon.
Pag pasok ko sa loob, wala namang tao. Seriously, bakit ko ba 'to gagawin? It's
just my first day! Pero wala narin naman akong magagawa kaya susunod nalang ako sa
gusto ng Travis na 'yon. Inumpisahan ko sa locker room pero malinis naman na. Sunod
kong pinuntahan ay yung cr pero hindi ako nakapasok agad dahil sa boses na narinig
ko.
"Aaah!" sigaw ng babae mula sa loob.
"Ano? Panget, bilisan mo na dyan. At yan akin na yan" boses ng lalake. Pumasok na
ko sa loob at tumambad ang isang babaeng nakaupo sa tiles habang yung lalaki ay
nakatayo sa harap nya.
"Ano? Bingi ka ba? Akin na sabi eh" sigaw pa nung lalake at saka sinipa yung
babaeng mukang narape dahil sa gulo ng buhok nito. Mukang sya ang nag linis ng
locker room. Napatingin ako sa hawak nya. Isang panyo. Ayan ba yung pilit kinukuha
ng kumag na ito? Mahirap ba sya at wala syang pambili nun?!
"Pwede bang wag kayo dito? Mag lilinis ako" bored na sabi ko at agad nila akong
tinignan and for some reason, biglang tumakbo yung babae papunta sakin. Medyo naawa
naman ako kaya binitawan ko yung mga gamit na dala ko at saka sya hinila palabas
pero hinabol kami nung lalake.
"Hoy! Sino ka ba?" Sigaw nya at pumaalinlang 'yon dito sa buong indoor pool.
Huminto kami at saka ko itinago yung babae sa likuran ko.
"Ako ang iyong konsensya" pilya ko pang sagot pero nginisian nya ko kasabay ng akma
nyang pag hila sa babae pero naunahan ko sya dahil itinulak ko na sa pool yung
babae bago pa nya mahawakan. Why so smart Erin?

"Pulube ka ba? Wala kang pambili ng panyo?" Tanong ko.


"At ikaw naman na babae ka, panyo lang hindi mo pa maibigay, gusto mo pang saktan
ka nitong kulot na 'to" tinitigan ako ng masama nung lalake. But who cares? Hindi
nya ko matatakot sa mga titig nyang yan.
"Pumayag na nga akong gawin yung punishment nyang si Jester eh pero pilit nya pa
kinukuha 'tong panyo na bigay ng mommy ko, eh ilalagay lang naman nya sa ulo nya"
reklamo nung babae at bahagya akong natawa. So ano? Albularyo ba sya? Nag titigan
lang kami nung Jester, wait. Pamilyar yung pangalan.
"Manahimik kang panget ka" sigaw nya at bigla nalang syang sumugod sakin pero
nakaiwas ako. I knew it, sya yung laging tumatawag ng pangit sakin noon.
"Hoy kulot salot, wala akong panahon para makipag away ah. Ayokong madagdagan
punishment ko" sabi ko at saka akmang tatalikod pero mabilis nyang nahila yung
braso ko.
"What did you just call me?" tanong nya.
"Kulot salot, kung di mo naman maintindihan. Wait ano ba sa english yun? Curly
plague? Eew may ganun bang word" sabi ko at narinig kong tumawa yung babae mula sa
pool habang yung Jester ay umuusok na yung ilong sa galit.
"Are you joking?" tanong nya.
"Tanga ka? Kung Joke yun eh di sana may sinabi akong 'Joke' sa dulo, sana ininform
kita para tumawa ka rin" buong pwersa kong tinabig yung kamay nya at saka nag
patuloy sa pag lakad. Muka namang wala na syang lakas ng loob para sundan pa ako
kaya pumasok na ko sa cr at saka inumpisahan ang pag lilinis.
Seriously, i didn't see this coming. Isang Erin Cross? Mag lilinis ng cr?! What the
hell. Hindi ako pinalaking maganda ng mga magulang ko para gawin 'to.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag lilinis at malapit na akong matapos ng biglang
pumasok si Zero. Nag katitigan kami at nginisian nya ko ng makitang may hawak akong
mga panlinis. Hindi ko sya pinansin at nag patuloy pero nanlaki nalang yung mata ko
ng talikuran nya ko at may kung ano nalang dilaw na liquid ang kumalat sa sahig.
"What the fuck! Did you just pee? On the floor?" Hindi makapaniwalang tanong ko. He
just wistle and left like there's nothing happened. Seriously. I want to smash his
face! No choice ako but to clean his mess, this is so nasty! Kadiri talaga, gwapo
pero ang baboy. Bwisit.
After a few minutes and finally! Natapos narin ako. Pag labas na pag labas ko ng
indoor pool, may lalaking sumalubong sakin. Nginitian nya ako.

"Bestfriend" sabi nya at nanlaki nalang yung mata ko. Ohmy god, wag mong
sabihing...
"Xian?" Tumakbo ako palapit sakanya, gusto ko man syang yakapin pero wag na, puro
pawis ako. He's my bestfriend when we were young. I can't believe na ganito na sya
kagwapo ngayon. He still remember me.
"Seriously, you look like shit. What happened?" Tanong nya, minsan nakakaooffend
din ang pagiging honest ng lalaking 'to.
"Shut up Xian, i'm being punished okay?" iritang sagot ko sa tanong nya. Hindi na
sya ulit nag salita, may kinuha nalang sya sa bulsa nya at saka ipinunas sa pawis
ko. Hindi naman na ako nabigla sa ginawa nya dahil madalas nyang gawin sakin 'to
nung mga bata pa kami.
"Ganun na ba talaga nag level up yang pagiging bad girl mo? What did you do para
maparusahan ka agad sa unang araw mo rito bilang estudyante?" tanong nya habang
patuloy parin sa pag punas sakin. Hindi parin sya nag babago.
Para parin syang matanda kung umasta, eh samantalang mas matanda ako sakanya ng
limang limang buwan.
"That Xander guy, he messed up with me so i teach him a lesson and there's this one
guy which i believe was the leader of Intrepid ㅡ"
"Xian!" Sigaw ng pamilyar na boses. Huminto si Xian sa ginagawa nya at saka tumakbo
papunta kay Zero. So, mag bestfriend parin sila at mukang close na close pa sila.
"Sige Xi, una na ko. Nasisira araw ko pag nakikita ko muka nyan eh" sabi ko sabay
turo kay Zero. Hindi na ako nag abang sa mga sasabihin nila kaya nag madali akong
bumalik ng dorm para mag shower.
1:00 p.m yung dismiss ng class ko pero 4:00 p.m na ko nakabalik ng dorm. Wow, just
wow. Ang ganda ng first day ko, and i'm sure na mas lalala pa ang mga susunod.

♛♕♛
Queen's note:
Hello, sorry kung natatagalan ang update. You know nagiging busy rin naman ako
huehue. Anyways, salamat sa sumusuporta.
At para sa mga nag papadedic, wait nyo lang ha? Marami pa namang chapters.
Thankyou. :)

Chapter 5: Protectors.

Chapter 5: Protectors.
-

Fuck. Ang sakit ng buong katawan ko. Pag bangon na pag bangon ko si Akira agad yung
bumungad sakin, sabagay kami lang naman ang nandito sa kwarto.

"Erin, sorry for what happened yesterday. Dapat inexplain ko sa leader ng Intrepid
na hindi ikaw ang nag umpisa ng gulo" nakayukong sabi ni Akira.

"It's okay. Sanay na ko" bored na sabi ko at saka dumiretso sa banyo para maligo.

Ganun naman kasi ang panahon ngayon, husga nalang ng husga. Some people are quick
to judge as if they know the whole story or what's really going on. Kung ano man
yung nakita o nalaman nila ayun na yung paniniwalaan nila. And that's what you
called stupid. Kaya ako? Kung ano man ang isipin nila sakin? I don't care. I'm not
going to please them para lang maniwala sakin.

Hours had passed. News really spread fast around here. Everyone seems so afraid to
block my way kaya naman kusa silang tumatabi sa daan. Pero wait, ako ba talaga ang
dahilan ng pag tabi nila? Huminto ako sa kalagitnaan ng hallway at saka lumingon.

Oh great, just great! Why do i need to see his face? At ganito pa talaga kaaga.

Zero with his blank face, nakabulsa ang mga kamay at cool na cool na nag lalakad
habang nakaunbotton yung uniform at nakapanloob ng puting tshirt na may nakasulat
na 'HATE'

"Oh my god, ang hot talaga ni Zero"

"Ughh"

"How to be his girlfriend?"

Nairita ako sa bulungan, pinag papantasyahan nila 'tong baluga na 'to? Tss, mga
walang taste. Nag patuloy ako sa pag lalakad pero..

"Babe" tawag ni Zero and it giving me goosebumps when he wrapped his arm around my
shoulder. What the hell?! What is he up to?
"Did you just call me babe? Yuck!" Tinanggal ko yung kamay nya at saka pinagpag
yung uniform ko. Inangat naman nya yung dalawang kamay na parang sumusuko. Tinignan
nya ko ng makahulugan at saka nag patuloy sa pag lalakad. Tch, baliw.

Eyes were on me again. Everyone around me are whispering and gossiping. It really
pissed me off.

Nang makapasok na ko sa classroom agad akong naupo sa dulo. Maayos at tahimik naman
ang naging araw ko. Finally. Simula ng pumasok ako sa academy na 'to parang hindi
na na natahimik yung buhay ko.

•••

Kinabukasan, Naisip kong puntahan muna si tito Axel bago mag punta sa klase pero
pag dating ko sa keen's lab, si Alex ang bumungad sakin. Nginitian nya ako at saka
nilapitan.

"Ba't ka nandito? Wala si dad, may kailangan ka ba?" Tanong nya at umiling lang
ako.

"Hatid mo ko sa english room, hindi ko alam kung saan yun" sabi ko at bigla syang
ngumiti ng wagas.

"Tara, doon din yung klase ko ngayon. Finally. Makikita mo narin yung iba" sabi nya
habang nag lalakad palabas, sumunod nalang ako hanggang sa makarating kami sa isang
building na malapit sa main.

"Nasa fifth floor yung english room, mas mabilis kung mag eelevator tayo"

"Ayoko, mas gusto kong mag hagdan" sabi ko at saka nag umpisang mag lakad paakyat.
Narinig ko syang sumunod at nag patuloy lang ako hanggang sa makarating na kami ng
5th floor.

Rinig na rinig ko yung pag hinga nya at nagawa nya pa kong hawakan sa balikat.

"Grabe, hindi ka ba napagod?" Tanong nya sakin. Walang wala 'to sa mga ginawa ko
noon sa combat school na pinapasukan ko sa America. Nag patuloy sa pag lakad
hanggang sa makapasok na kami sa english room. Walang prof but this class is so
interesting. I can see Xian, Tyler and Jester. Agad akong hinila ni Alex papunta sa
tatlo. Mukang nabigla rin sila.

"Ba't kasama mo yan?" Iritang tanong ni Jester.

"Mag kakilala na kayo?" Tanong ni Alex.

"Sino ba yang pakialamera na ya ㅡ" Hindi naituloy ni Jester yung itatanong nya ng
bumulong si Tyler sakanya, ngumisi nalang ako at saka naupo sa may bandang dulo
malapit sa bintana.

"No, Erin. Don't sit there" sabi ni Xian at bago pa ako makapagsalita bumukas na ng
marahas yung pinto at pumasok si Zero. Sakin sya agad nakatingin, tinaasan ko lang
sya ng kilay ng huminto sya sa harapan ko.

"Move. Upuan ko yan" cold na sabi nya kaya naman tinignan ko yung lamesa. Sa gilid
at ilalim.

"Sorry, but i don't see your name here" sabi ko pa at saka kinuha yung pentelpen
nung babae sa galid ko. Lakas loob kong isinulat yung pangalan ko sa lamesa.
"Now what? It's my property. I have my name on it. Shoo" iwinasiwas ko pa yung
kamay ko but he slammed his hand onto the table. Agad nag panic sila Xian kaya
naman tumayo sila at saka lumapit kay Zero.

"Sinusubukan mo ba talaga yung pasensya ko?" Galit na wika ni Zero. Hindi ko sya
sinagot at kinagat kagat lang yung kuko ko. Wala eh, trip ko syang asarin. Akala
nya siguro nakalimutan ko na yung kababuyang ginawa nya kahapon.

"What's going on? Take your seats" sabi ng babaeng pumasok which i believe na prof
namin ngayong subject. Wala ng nagawa si Zero kundi maupo sa ibang upuan. 1 point
for Erin. Tinignan ako ng prof at saka ako sinabihang tumayo.

"Mind introducing yourself?" Ugh, why again?

"Erin Cross. Intrepid" agad akong naupo at tila sakin nakatingin ang lahat.

"So you're the new badass of this school" sabi ng prof. Muka naman syang dalaga, i
guess na sa early 30's palang sya.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Well narinig ko lang naman 'yon sa ibang estudyante. By the way. You can go back
to your dorm, walang klase" sabi nya at basta nalang sya lumabas. What the fuck?!
Gumising ako ng maaga para sa wala?! Badtrip.

Nanatili akong nakaupo habang yung iba ay nag sialisan na maliban kay Xian, Tyler
and Alex. Nag kumpulan sila dito sakin.

"What?" Tanong ko sakanila. Hindi kumibo yung dalawa maliban kay Xian.

"Tinawagan ako ni dad yesterday, he told me that we need to protect you" sabi nya.

"Sinabihan din ako ni dad" sabay na sabi ni Tyler at Alex. Tinignan ko lang silang
tatlo habang nakakunot ang noo ko.

"We need to guard and protect you" dagdag pa ni Tyler.

"Guys, i don't need bodyguards. I am my own security" akma sana akong tatayo pero
hinila ako ni Xian pabalik.

"Wag na matigas ulo Erin, alam mo yung sitwasyon mo diba? Nasa Pilipinas ka na
ngayon at sa tingin mo ba hindi alam ng Red organization yun?" Tanong ni Xian.

"Sooner or later, kikilos sila" pag singit ni Alex.

Sa totoo lang, i don't really know kung sino yung Red organization na yun. Basta
naikwento sakin nila dad na isa 'yong syndicate who's after me. If i still
remember, dahil 'yon sa code na ibinigay sakin ng taong kumidnapped sakin noon.
Code na tanging ako lang ang nakakaalam.

Lumipas pa ang oras, kami nalang ni Xian ang mag kasama. Sakanya naman kasi talaga
ako pinakamalapit nung mga bata pa kami. He's friendly unlike Zero na parang ipinag
lihi sa sama ng loob.

"Let me show you around so you'll know where things are" sabi ni Xian, yeah. He
insisted to show me around the campus, gaya ng sinabi ko noon para kasing isang
malaking city 'tong academy. May makikita kang convenience, food stalls, at meron
ding boutique. Cool right?
"Ang weird no? 11 years na ang lumipas pero naaalala parin natin yung mga bagay
bagay. Namiss talaga kita" sabi ni Xian ng akbayan nya ako. Ngumiti lang ako at
inumpisahan na nyang ituro ang ilang bagay na dapat kong malaman.

Itinuro nya sakin kung nasaan yung gym, infirmary, faculty, function hall at yung
gate's of hell.

"No one dares to go inside that gate, it's dangerous. May sabi sabi na may ilang
tao na raw ang namatay sa loob nyan, meron naman nag sasabi na dyan nakatambay ang
ilang deadly gangsters, more of involve sa mafia. Hindi narin kasi sakop ng
school's management yan, kaya wala silang control sa loob" kwento ni Xian. But
damn, nacucurious ako, i hate that feeling. Curiosity kills right?

Mas lalo lang akong nag kakainteres pumasok sa loob. Gate's of hell. Creepy but
cool, wait for me. Soon, makikita ko rin kung anong meron sa loob ng gate ng yan.

Chapter 6: Intrepid's headquarter.

Chapter 6: Intrepid's headquarter.


-
Mabilis lumipas ang araw, everything's fine at medyo nasasanay narin ako dito.
Friday ngayon at napag desisyunan kong mag bukas ng skype para kontakin sila dad.
"Hey mom, where's dad?" Tanong ko ng makita ko si mommy sa screen.
"He's on the plane. Pabalik sya dyan ngayon sa Pilipinas"
"Seryoso? As in now? Bakit?"
"May mga kailangan syang idiscuss sa mga kaibigan nya, Erin anak ㅡ"
"Fuck" i cussed ng biglang mawalan ng connection. Agad kong sinara yung laptop at
kinatok si Akira sa banyo.
"Matagal ka pa?" Tanong ko.
"Malapit na ko matapos, wait lang" sagot nya kaya bumalik ako sa kama para kunin
yung phone ko. Sinubukan kong tawagan si dad pero nakaoff yung phone nya.
Ano naman kaya ang mahalagang ididiscuss nya sa mga friends nya at kailangan nya
pang umuwe dito sa Pilipinas.
Ilang oras pa ang lumipas at nakapag asikaso na ako. May klase parin kasi kahit na
mamaya na yung acquaintance.
Kasalukuyan akong nag lalakad papunta sa Intrepid's head quarter. Pulang building
na hugis barko, ayun yung sinabing description ni Akira at hindi naman ako
nahirapang hanapin 'yon dahil nakapasok na ko dun nung pinasunod ako ng leader.
"Intrepid? Where's your code?" Tanong ng lalaking nakatayo sa may glass door.
"I'm new at wala akong alam sa sinasabi mong cod ㅡ" napahinto ako sa pag sasalita
ng may tumayo sa gilid ko. At kahit hindi ko lingunin, alam kong si Zero 'yon.
"She's with me" Walang emosyon na sabi nya at saka itinapat yung pulsuhan nya sa
isang maliit na machine. Nag labas 'yon ng pulang ilaw at kusa nalang bumukas yung
glass door. Woah, talking about technologies huh.
"That's cool" sabi ko ng makapasok kami sa loob. Hinawakan ko yung pulsuhan nya
para tignan kung ano yung itinapat nya dun sa parang scanner. Tattoo na parang bar
code, anong pauso na naman kaya 'yon? Eh nung sinundan ko yung leader, dire-diretso
naman kaming pumasok.
"Mag kakaroon ka rin nito, pasalamat ka at sinabihan ako ni Dad na asikasuhin ka"
sabi nya at saka tinabig yung kamay ko kaya nabitawan ko sya, sinamaan ko sya ng
tingin at saka sumunod. Ngayon ko lang napansin na ako lang yung nakasuot ng
regular uniform dito.
Everyone's wearing red and black faux leather jacket, medyo weird. Kaya siguro
nakatingin ang iilan sakin.
"Saan mo ba ko dadalhin?" Tanong ko at huminto kami sa isang pulang pintuan. Hindi
na sya kumatok at buong pwersa nalang itinulak yung dalawang malaking pinto. Doon
bumungad sakin ang iba't ibang obstacle equipment.
Ang mga tao sa loob ay tila nag t-training, tumingin ako sa itaas at talaga namang
namangha ako. May isang malaking lubid kung saan may mga pilit nag babalance.
"This is the training room. Nakikita mo naman kung anong ginagawa nila diba? Every
friday, ganito lang ang gagawin mo. No class pero may training" paliwanag ni Zero
habang nag lalakad papunta sa isa pang pintuan.
"May babae kang makikita sa loob, tell her your name at sya ng bahala sayo" sabi
nya at tuluyan na nya kong iniwan. No choice naman ako kundi ang pumasok sa loob.
"Hi, ikaw yung transferee? Erin Cross tama ba?" Tanong ng babae. Tumango lang ako
ng tipid at saka nya hinawakan yung balikat ko para maupo.
"May ilalagay ako sayo, this chip could be injected through a syringe and used as a
sort of human bar code in security applications. Lahat ng intrepid may ganito,
clench your fist" sabi nya at sumunod lang ako. Maya maya ay may itinusok na sya sa
may bandang pulsuhan ko.
"Sunod ka sakin" aya nya ng mag lakad sya papunta sa tapat ng isang parang printer
na may malaking butas. Hinawakan nya ako at saka inilagay yung kamay ko doon,
nakaramdam ako ng init at ng hugutin ko yung kamay ko. Mayroon ng tattoo na katulad
ng kay Zero. Cool.
"That will be your Id here inside the headquarter. Once na itinapat mo yan sa
scanner, makikilala na yung identity mo at makakapasok ka na rito" sabi ng babae at
ngumiti lang ako ng tipid.
"Bago ka lumabas. Suotin mo 'to, every kind has their own uniform" inabutan nya ako
ng isang jacket at itim na pantalon, ganito yung suot ng mga tao sa labas. Kinuha
ko 'yon at saka pumasok sa parang fitting room. Sinuot ko 'yon at saka lumabas sa
kwartong 'yon. Nabigla naman ako ng may bigla nalang nag salita.
"Done?" Tanong nya at lumingon ako, Zero who's now leaning against the wall at
nakabulsa ang mga kamay. Tumango lang ako ng tipid at saka nya ako nilapitan.
"What now?" Tanong ko pero hindi sya sumagot, nag lakad lang sya kaya sumunod
nalang ako pero may ilang lalaki ang humarang samin. Sakin sila nakatingin.
"Sya ba yung bago? Let's try her. Initiation?" Sabi ng lalake at nilingon ako ni
Zero.
"Sumama ka sakanila" walang emosyong sabi nya at saka sumandal sa pader habang ako,
sumunod doon sa tatlong lalake. Huminto kami sa isang wall climbing.
"Pag akyat mo sa itaas, may makikita kang malaking monkey bar, tumawid ka hanggang
makarating sa dulo and after that, tumalon ka" sabi ng lalaki. Tinignan ko yung
wall climbing, walang kahit anong safety harness. Tumingin rin ako sa itaas at sa
dulong bahagi ng monkey bar. Mataas taas kung tatalon ako, papatayin ba ako ng mga
'to?
"What? Hindi mo kaya? Para saan pa at naging intre ㅡ" hindi ko na pinakinggan yung
mga sasabihin nya at nag umpisa ng umakyat. Hindi naman masyadong mahirap,
kailangan lang talaga ng matinding focus dahil maling tapak lang babagsak ako. Wala
akong suot na harness, helmet at gloves. Kaya pag bumagsak ako sure akong sasakit
likod ko dahil matigas na foam lang ang babagsakan ko.
Nasa kalagitnaan na ako, medyo nakakaramdam na ako ng ngawit. Tumutulo narin yung
pawis ko at napupunta 'yon sa mata ko kaya medyo mahapdi. Kahit hindi ako tumingin
sa ibaba alam kong pinapanuod ako ng mga tao. Malapit na akong matapos pero nag
kamali ako ng tapak, may iilang sumigaw pero nakakapit pa naman yung isa kong kamay
.
Tumingin ako sa baba at nanlaki yung mata ko ng makitang nakaabang sa baba si Zero,
anong ginagawa nya dun? Balak nya ba ko saluhin incase na mahulog ako? Wow Erin,
assuming. Nag focus nalang ulit ako at nag hanap ng mas malaking tatapakan and
finally, nakaakyat na ako sa tuktok.
But hell! Sobrang init. Tinanggal ko yung jacket at ipinaikot sa bewang ko, buti
nalang at nakasports bra ako. Iniwasan kong tumingin sa baba pero nab-bother ako sa
tingin ni Zero. Hinayaan ko nalang at saka kumapit sa monkey bar. Wala naman silang
sinabi na kailangan mag lambitin, kaya ang ginawa ko ay nag lakad ako sa ibabaw.
Slowly but surely hanggang sa makarating na ako sa dulo.
Nang makababa ako sa monkey bar, sumilip ako sa baba. Nakaabang sila sa pag talon
ko. Guess what? Sahig yung babagsakan ko. Paano?! But sure naman ako na hindi nila
ako patatalunin kung alam nilang mamamatay ako diba? That's lame dude.
Huminga ako ng malalim at saka tumalon. Nakapikit ako the whole time pero bigla
akong napadilat ng maramdaman kong bumagsak ako sa malambot na bagay. Lumingon ako
sa paligid nasa isang jump air bag ako.
Nag palakpakan yung mga tao at saka ako nilapitan nung tatlong lalaki kanina.
"Welcome to Intrepid" sabi ng parang leader nila ng alalayan nya ako pababa.
Tumango lang ako ng tipid at saka nag punta kay Zero.
"Sumunod ka sakin" sabi nya at nag umpisa na syang mag lakad papunta sa isa pang
pintuan. Sinundan ko sya at pag pasok namin, kami lang yung tao. May isang malaking
boxing ring sa gitna. Umakyat sya kaya naman umakyat rin ako.
"I will train you" sabi nya na nag patawa sakin. Train me?
"Are you underestimating me?" Tanong ko at sinagot lang nya 'yon ng isang suntok
but due to my reflexes, nakaiwas ako.
"You're week" nag pakawala sya ulit ng isang suntok na tumama sa bandang tagiliran
ko. Medyo napangiwi ako sa sakit pero agad ding nakabawi. Ano bang trip ng lalaking
'to? Sinusubukan nya ba talaga ako? O talagang gumaganti lang sya dahil sa ginawa
ko nung nakaraang araw.
"Just to remind you, ako ang top 1 sa buong intrepid" mayabang na sabi ni Zero ng
hubarin nya yung jacket nya at ihagis palabas ng ring.
"Really? Then let me remind you na Cross ang apelyido ko. My parents are legendary
gangster. Hindi healthy for you kung mamaliitin mo ako" hinigpitan kong maigi yung
pag kakatali ng jacket sa bewang ko at saka sumugod.
Naiwasan nya yung suntok ko but the thing is sinadya kong sumugod sa paraang alam
kong makakaiwas sya dahil sa sunod na bitaw ko alam kong di na nya magagawang
umilag kaya naman itinaas ko yung paa ko at saka ipinatama sa gilid ng leeg nya
which cause him to fall. Basic.
"Okay na ba? Can i go back to dorm now?" Tanong ko pero hindi sya sumagot. Isang
pag ngisi ang iniwan ko sakanya at saka tuluyang lumabas. Sinuot ko narin yung
jacket at nag madaling bumalik sa dorm. Infairness, nagugustuhan ko na sa academy
na 'to.

Chapter 7: Acquaintance.

Chapter 7: Acquaintance.
-

"Erin, sure ka ba na hindi ka aattend ng Acquaintance?" Tanong ni Akira habang nag


aayos, habang ako. Ito, nakahiga lang sa kama at nag s-snap chat.

"No thanks. Mabobored lang ako" walang emosyong sagot ko pero bigla syang naupo sa
kama ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero nginitian nya ako. She's really weird as
fuck.

"Sure? Kahit na special guest yung Dark? I mean yung grupo ng daddy mo dati?
Excited na nga ako dahil sa wakas, makikita ko narin yung mga legendary gangsters
ng M.A dati" masayang sabi nya kaya naman agad akong napabangon sa kama. Wait, kaya
ba uuwe si dad ay para doon?

"Pag nag sisinungaling ka sakin, you're dead" banta ko kay Akira at saka nag
madaling pumasok ng banyo. Rinig na rinig ko naman yung kasiyahan nya. Tch. Bakit
ba kasi gustong gusto ako kasama ng babaeng 'yon?!

•••

"Hmm, ayan na talaga susuotin mo? I mean. Ayaw mo bang mag dress?" Tanong ni Akira,
nag suot lang kasi ako ng itim na crop top at maong shorts na tinernuhan ko lang ng
brown na boots. Wala naman kasing theme yung party, so meaning i can wear what i
want to wear. And in fact, ganito na talaga ang mga damit ko nung nasa Amerika pa
ako.
"Hindi ako makakakilos ng maayos pag nakadress" bored na sagot ko at saka lumabas
ng kwarto, nakasunod lang sya sakin and when we enter inside the function hall, i
already got everyone's attentions. Ugh.

"She's here" sigaw ng babae and for some reasons, bigla nalang nag sitabihan yung
mga estudyante, nag karoon ng daan sa gitna and it giving me goosebumps ng makita
ko si dad sa dulo malapit sa stage. Hindi na ako nag dalawang isip tumakbo papunta
sakanya. I immediately pulled him into a tight hug.

"Dad" he lift me up at saka nag paikot ikot.

"I miss you baby" sabi ni dad ng kumalas sya sa pag yakap at hawakan yung mag
kabilang pisngi ko, hindi ako nakasagot. Ang tahimik, nag palingon lingon ko and
everyone is watching us with wide smile on their faces.

"O-okay, that's akward dad. I'm not a baby anymore. It's embarassing" nakayukong
sabi ko pero agad din akong tumingala ng maramdaman kong may mga taong nakatayo sa
likuran ko. Hinawakan ako ni dad sa balikat at saka ihinarap sa mga taong 'yon.

"Let's talk in private" sabi nya sa mga kasamahan nyang gangster dati. Si Tito
Axel, Matthew, Jasper at Tito Jiro. I still remember their faces.

Nag umpisa na kaming mag lakad, bakas sa muka ng mga estudyante ang pag kamangha.
Lumabas kami ng function hall at nag punta sa boy's dorm. Okay this is weird.
What's going on? Hindi na ako nag abalang itanong yung nasa isip ko.

Huminto kami sa second floor, kumatok naman si tito Jiro at nanlaki nalang yung
mata ko ng makita kung sino ang nasa loob ng kwartong iyon. Si Alex, Tyler, Jester,
Xian at Zero.

Pumasok kami at saka naupo sa may kama. Maya maya lang ay may kumatok, ni isa
walang nag abalang tumayo maliban kay Xian.

"It's dad" sabi nya at pag bukas ng pinto, nandoon nga si Tito Liam. Pumasok narin
sya at sobrang saya nya, i mean lahat sila. Parang ngayon nalang ulit sila nag kita
kita.

"Okay, hindi ko na kayang manahimik. What's going on dad? What is this all about?"
Tanong ko at isa isa silang nag tinginan ng mga kagrupo nya. Panandaliang nag
karoon ng katahimikan na lalong nag pagulo sa utak ko.

"I ask them to protect you, kinausap ko sila na sabihan yung mga anak nila na
bantayan ka. I want them to keep an eye on you" sabi ni dad pero nanatili akong
tahimik. I know he's not joking but damn. Seryoso ba talaga sya?

"Kaya naman nya yung sarili nya, bakit kailangan pa ㅡ"

"Zero!" Pag putol ni Tito Jiro.

"As if naman na gusto ko 'tong ginagawa ni Dad" inirapan ko si Zero. Ayoko talaga
ng nangyayari. Pakiramdam ko mawawalan ako ng freedom. They have to keep an eye on
me, so meaning if ever something bad happen, they are the one to blame. Ayokong
mangyari 'yon. No, not again.

I still remember that incident, nung nasa Amerika ako. I have that one friend, a
very close friend. Halos mag katapid na ang turing namin sa isa't isa. Ako ang nag
sisilbing ate nya at sya yung nag sisilbing kuya ko.
But everything changed. Hindi sya nakagraduate nung elementary kami dahil sakin,
sya kasi ang sinisisi sa kasalanang ako ang may gawa. Simula nun, umiwas na ako sa
kahit na sino dahil ayokong may ibang tao ang mapahamak dahil sakin. That's why i
don't want to have friends, i would prefer to be alone rather than to be with the
sort of people who cares for me too much to the point na okay lang na masira ang
buhay nila para lang maligtas ako.

"Erin nakikinig ka ba?" Tanong ni dad at tumango lang ako kahit ang totoo, hindi
naman talaga.

"So back to the topic, pumayag naman na sila Xian. I know na ayaw mo sa gantong
idea pero ito nalang yung nakikita kong paraan para malagay sa ligtas yung buhay
mo, anytime soon kikilos na yung mga taong gustong kumidnap sayo.."

"..you're still young Erin. Sooner or later. Maiintindihan mo din kung bakit
kailangan ko silang pakiusapan. Hindi lang dahil sayo kaya ko 'to ginagawa. Alam mo
bang nag away kami ng mommy mo? She's worried, kaya makinig ka nalang" sabi ni dad
at napatango nalang ako.

Involve na si mommy, ayokong nag aalala sya. Simula bata, sya na yung laging nag
tatanggol sakin pag pinapagalitan ako ni dad. Malayo kami sa isa't isa kaya ayokong
bigyan pa sya ng ikakastress nya.

"Okay, pumapayag na ako. But please, know your limitations" sabi ko kila Alex,
Tyler, Jester, Xian at Zero.

"Ayokong, bubuntot kayo sakin" dagdag ko pa pero tumawa bigla si Zero.

"Nag papatawa ka? Do you really think na gagawin namin 'yon? We're not your
bodyguards" sabi nya na ginatungan rin ni Jester.

"Asa ka naman na susundan ka namin, masyado kong gwapo para maging bodyguard mo
lang"

"Tumahimik na nga kayo" suway ni Tito Jasper. Nag karoon ulit ng panandaliang
katahimikan at saka ipinag patuloy yung usapan.

•••

Tahimik akong nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa party, umalis na kasi sila dad.
May mga importante pa raw kasi syang aasikasuhin.

"Grabe, di ako makamove on, ang hot parin nila" Kinikilig na sabi ni Akira, kanina
pa sya nakangiti simula nung bumalik ako dito sa function hall. Ipinakita rin nya
sakin yung tablet nya kung saan nandoon yung pictures nila dad noong dito pa sila
nag aaral sa Academy. Nag sisimula na tuloy akong kabahan dito kay Akira, masyado
syang obesessed.

"Pwede ba, itigil mo na yan" reklamo ko at nawala na yung ngiti sa labi nya. Maya
maya ay naupo narin dito si Xian kasama si Tyler.

"Mauupo ka lang ba dito? Let's dance" aya ni Xian. Mabilis namang tumayo si Akira
para hatakin ako. Wala narin akong nagawa kundi ang sumama sakanila. Nag punta kami
sa gitna ng dance floor at doon nag umpisang sumayaw.

Agad din akong napahinto ng may lalaking humatak sa braso ko at saka nag umpisang
makipagsayaw sakin. Itinulak ko yung dibdib nya para lumayo sakin. Sino ba sya sa
tingin nya?
"Erin what happen?" Tanong ni Xian ng hawakan nya yung pulsuhan ko.

"Pahard to get pa 'tong babaeng 'to" sabi ng lalake at sinubukan nya pa kong
lapitan. Maraming lalaki ang nasa likuran nya kaya hinarangan agad ako ni Xian pero
may biglang humatak sa lalaking bastos na 'yon.

"Lalayo ka o babasagin ko yang muka mo?" Tanong ni Zero ng hubarin nya yung suot
nyang leather jacket. Mabilis namang umawat si Xian pero bigla nalang hinagis sakin
ni Zero yung jacket nya.

"Suotin mo yan, Laging kapos sa tela yung damit mo" reklamo nya at sinamaan ko lang
sya ng tingin pero laking gulat ko naman ng bigla syang umiwas sa suntok na
paparating sakanya.

"Angas mo ah! First year ka lang, 4th year na kami" sabi nung lalake.

"4th yr ka? Eh nasaan ang utak mo? This party is exclusive for first year only. Wag
kang nag f-feeling bata" bored na sabi ni Zero at nag umpisa na silang mag
suntukan. But hell, ayokong tumayo lang dito.

"Erin wag na" awat ni Akira pero sumugod narin ako ng makitang dalawa na yung
tumatao kay Xian. Sinuntok ko yung isang lalake para mabaling sakin yung atensyon
nya. Hindi narin naman ako nabigla ng makitang nakikisali narin sa suntukan si
Tyler, Alex at Jester.

Ugh, i like this feeling, matagal tagal narin nung huli akong makipag away ng
gantong may mga kasama.

"Erin" tawag ni Xian at bigla nalang nya kong hinawakan sa mag kabilang bewang.
Inangat nya ako at saka ihinarap sa dalawang lalake kaya naman buong pwersa ko
'yong sinipa.

"Lakas mo" sabi ni Xian ng ibaba nya ako, ngumiti lang ako pero agad ding nawala ng
makita ko kung paano ako tignan ni Zero habang nakikipag laban sya. Ayan din yung
tingin na ibinigay nya sakin nung nasa intrepid's head quarter kami. Ano bang gusto
nya iparating sa titig nyang yan? Ugh.

♛♕♛
Queen's note:

Hello, nag hahanap na po ako ng mga op's. Lahat ng nasa cast ay available pa. Nag
hahanap nalang ako ng active reader ng nitong story para makapili. ♥

Next week ko sasabihin kung sino yung mga mapipili ko. Comment nalang if interesado
kayo. Ayun lang ‫ت‬

Chapter 8: Hello Bitches!


Chapter 8: Hello bitches!
-
"Hindi ba tayo mapapagalitan? 10:00 p.m na and guys, may curfew. Remember? Tsaka
hindi ba pwedeng sa kwarto nalang namin sya mag stay? Alam mo naman si Zero, galit
sya kay Erin" boses ni Tyler.
"Dude, are you out of your mind? Nakalimutan mo na bang roommate mo yung pinsan
mong si Xander?.. Eh samin nalang" boses ni Alex, ano bang pinag tatalunan ng mga
'to?
"Hell no, ayoko ng may panget sa kwarto. Curfew na and anytime soon dadating na
yung panot na nag iikot dito sa boy's dorm kaya bumalik na tayo sa kanya kanya
nating kwarto. Sila na bahala dyan" panandaliang tumahimik at nakarinig nalang ako
ng pag sara ng pinto kaya naman dahan dahan ko ng minulat yung mga mata ko. Wait,
parang pamilyar yung lugar na 'to ah.
"Erin, finally. You're awake. Okay ka lang? I mean may masakit ba sayo?" Nag
aalalang tanong ni Xian. Dahan dahan akong bumangon mula sa pag kakahiga at
tumingin sa paligid kung saan nahagip ko si Zero na nakasandal sa balkonahe at
nakatingin ng masama sakin. What the hell? Anong nangyari? Bakit nandito na naman
ako sa kwarto na 'to?
"You passed out, bakit kasi nakisali ka pa sa gulo kanina?" Tanong nya at bigla
nalang pumasok sa isip ko yung nangyari sa party.
/Flashback/
Halos lahat ng atensyon ay nasa amin. Suntok dito suntok doon, ni isa walang nag
lakas loob umawat kahit na yung mga gwardyang nakaabang.
Napatumba na namin yung ilang lalaki pero hindi ko inaasahan na may susulpot pa
para makisali rin. Sinugod ako ng isa at hindi ako agad nakaiwas pero naramdaman
kong may humawak sa bewang ko para ilayo sa lalaking 'yon. Mabilis nyang nasuntok
yung lalaki at saka ako tinignan.
"Mamaya ka na mag pasalamat" sabi ni Jester, kinindatan nya pa ko at saka sumugod
sa iba. Habang ako, parang napako sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita kong gulo.
Nakatumba na yung iilang upuan at lamesa pero patuloy parin sa pag tugtog yung
'this is what you came for by Rihanna'
Pasugod na sana ulit ako pero naramdaman ko nalang na may matigas na bagay ang
tumama sa likuran ko na naging dahilan para mag dilim ang buong paligid ko.
/End/
"Bida bida kasi, kaya ayan napapala. Kami pa iistorbohin mo dito" sabi ni Zero mula
sa balkonahe. Hindi na ako sumagot dahil hinawakanni Xian yung balikat ko.
"Don't mind him, naisip ko na dito kana dalhin since walang mag babantay sayo.."
"..Kakatapos lang din ng party at curfew na. It will be better kung dito kana mag
papaumaga ㅡ" biglang huminto sa pag sasalita si Xian ng tumayo si Zero. Then we
began hearing footsteps in the front rooms kaya tumahimik kami.
Sumenyas si Zero na itago ako ni Xian, wrong move naman kasi kung si Xian ang
ihaharap doon sa nag iikot tuwing curfew. He's probity at maling sagot lang nya,
i'm sure tatlo kaming mapaparuhasan. Patayo na sana ako but damn! Ang sakit ng
likuran ko.
"Hindi mo kaya?" Tanong ni Xian at sabay sabay kaming lumingon sa pinto ng may
biglang kumatok. Wala naring nagawa si Xian kundi ang buhatin ako na parang bagong
kasal at dalhin sa cr para doon mag tago.
"What?" Rinig kong boses ni Zero mula sa labas.
"Where's your roommate?" Boses ng matandang lalake. Tinignan ako ni Xian as he
mouthed the word 'wait lang" tumango ako at saka nya ako marahang ibinaba.
"I'm here" sabi nya pag labas nya ng banyo. Maya maya lang ay binalikan nya ako at
saka binuhat ulit pabalik sa kama kung saan ako nakapwesto kanina.
"That's a relief. Mag s-shower lang ako. You can use my bed, tabi nalang kami ni
Zero sa kama nya. Pahinga ka" nakangiting sabi ni Xian at saka pumasok sa banyo
kaya naman kami nalang ni Zero ang mag kasama dito.
He's sitting infront of me when all of a sudden, bigla syang tumayo at naupo sa
tabi ko.
"Tumalikod ka sakin" walang emosyong sabi nya at bago ko pa maibuka yung bibig ko
para mag reklamo, inangat na nya yung damit ko sa likuran. As in, what the hell?
"Perver ㅡ"
"Masakit ba?" Bigla nyang hinawakan yung likuran ko at bahagya akong napapikit
dahil sa sakit. Binaba nya yung damit ko at saka nag lakad papunta sa pintuan.
"Saan ka pupunta? Bawal ng lumabas diba?" Tanong ko bago nya pa maikot yung
doorknob. Hindi nya ko nilingon at hindi narin ako umasa na sasagutin nya yung
tanong ko kaya umiwas na ako ng tingin pero..
"Kukuha ako ng yelo para sa likod mo" sabi nya at saka tuluyang lumabas. Nanatili
lang akong nakatingin sa pinto. What the! Sinapian ba sya?
Ilang minuto pa ang lumipas, it's been what? 10 minutes at halos sabay lang natapos
maligo si Xian sa pag balik ni Zero. Saan ba sya kumuha ng yelo?
"Oh lumabas ka pa? Ano yang dala mo?" Tanong ni Xian habang nag pupunas ng buhok.
My god, nakakalimutan nya ata na nandito ako. Lumabas syang half naked, like
seriously? His lower body is wrapped with a white towel showing his damn six pack
abs.
"Dude, alam kong hindi sya mukang babae pero bumalik ka sa banyo at mag bihis bago
ka lumabas" sabi ni Zero ng ilapag nya yung dala dala nyang plastic sa lamesang
nasa pagitan ng kama. Tinignan ako ni Xian at saka nag sorry, tumango lang ako ng
tipid at bumalik na sya sa banyo dala dala yung damit na kinuha nya.
"Nag b-blush ka" nakangising sabi ni Zero ng maupo sya sa harapan ko. Sinamaan ko
sya ng tingin, akala nya siguro palalagpasin ko yung sinabi nya na hindi ako mukang
babae. Kumuha ako ng unan at saka ibinato sakanya. He look so pissed pero hindi sya
gumanti. Kinuha nalang nya yung plastic at nilabas yung icepack na mukang sa
infirmary pa galing.
"Oh, idampi dampi mo sa likuran mo" inabot nya 'yon sakin at saka nahiga sa kama
nya. Nakakunot lang yung noo ko sakanya. Is he okay? May sakit ba sya?
Pag labas ni Xian agad syang lumapit sakin, inalalayan nya kong humiga at saka ako
kinumutan. Kinuha rin nya sakin yung ice pack at saka marahang dinampi dampi sa
likuran ko habang nakatagilid ako.
Kinabukasan, maaga palang ginising na ako ni Xian. 5:00 a.m palang at palihim na
kaming lumabas ng boy's dorm habang mahimbing na natutulog si Zero. Luckily, wala
pang gising ng gantong oras since saturday ngayon.
Payapa akong nakabalik sa kwarto, tulog pa si Akira kaya naman nahiga na ako sa
kama ko at natulog ulit.
•••
Pag gising ko si Akira agad ang bumungad sakin. Literal, dahil pag dilat ng mga
mata ko, muka nya ang una kong nakita. I got out of bed at nag punta sa pinto.
"My god! Akira!" Reklamo ko at nginitian nya lang ako. Lumapit sya sakin habang
nakangiti na may halong pag aalala sa mga mga mata nya.
"Saan ka natulog kagabe? Mabuti nalang at binuksan ko yung shower kagabe,
napaniwala ko yung nag iikot na nag s-shower ka" sabi nya at ngumiti lang ako ng
pilit. Did she really do that? Should i thank her? Naah!
"It's none of your business" sabi ko at saka pumasok ng banyo. Ugh! I want to be
nice but my mouth doesn't want to cooperate. What the hell.
Hours had passed. Medyo tahimik sa campus since saturday nga ngayon at walang
klase, pero kahit ganun may mga estudyante paring makikita sa paligid. Some of them
ay nasa ilalim ng puno at nag babasa ng libro, ang iilan ay tumatakbo sa field,
more of parang nag p-praktis.
And there's me. Standing like a potato. It's so boring. Kaya nga ako lumabas ng
dorm para makalanghap ng sariwang hangin but damn. Wrong move.
"Hey bitch, you're the new girl right? The one who flirts with Zero and the one who
ruined the party last night?" Sabi ng babaeng hindi naman kagandahan. May dalawa
syang alipores sa likuran and i don't give a fuck.
"Oh hello bitches" Ayan lang yung lumabas sa bibig ko, ewan ko ba. Wala ako sa mood
makipagaway.
"How dare you?! Ikaw 'yon diba?" Tinulak nya yung kaliwang balikat ko kaya naman
bahagya akong napaatras. Ano bang ipinaglalaban nya?
"Hey girl, stop messing with me. You don't know what i'm capable of ㅡ"
"I don't care. Your surname doesn't scare me at all, bitch" inemphasize nya talaga
yung salitang bitch, namumuro na sya ah! Inuubos nito ang pasensya ko at talagang
idinamay nya pa yung apelyido ko. Nilapitan ko sya pero bigla syang umatras kasama
nung dalawang babae sa likuran nya and for some reasons bigla syang yumuko.
"Don't hurt me" kumunot nalang yung noo ko dahil sa sinabi nya. Baliw ba sya or ㅡ
"Erin!" Naramdaman kong nalang yung sakit ng pag hila nya sa braso ko. Tinignan ko
sya ng masama at saka tinabig yung kamay nya.
"Zero. She's trying to hurt me, nakikipag kaibigan lang naman ako pero ㅡ"
"THE HELL?" Sigaw ko kaya naman nakuha ko ang atensyon ng ibang nasa paligid na
malapit samin. Ang kapal ng muka ng babaeng 'to para gumawa ng kwento.
"Umalis na kayo" walang emosyong sabi ni Zero at nag sisunuran naman sila. Tinignan
pa ako ng babaeng 'yon at saka nginisian. She really want to mess with me huh!
"Mag usap nga tayo" sabi ni Zero ng hawakan nya yung pulsuhan ko at hatakin papunta
sa gilid ng main building. Marahas nya kong binitawan at sinamaan ko sya ng tingin.
"Ano bang problema mo?!"
"Listen, bawas bawasan mo yang pag hahanap mo ng gulo. Hindi ka pa nag tatagal dito
at wag mong hintayin na may mga taong mag halungkat sa buhay mo, sa totoong ikaw."
sabi nya at nanatili lang akong nakatingin sakanya.
"You're aberrant right? Kung gusto mong mag tagal dito, stop being a bitch" sabi
nya at iniwan na nya akong nakatunganga dito. Bitch? Ako pa talaga ang bitch?!
I can't believe na ganun ang tingin nya sakin, i know we're not in good terms pero
coming from him? Bakit parang mas nakakainsulto? I really hate him, Wait for me
Zero. I'll show you the true definition of bitch!

♛♕♛
Queen's note:
Guys sa mga gusto mag op, kindly comment or pm me nalang, yung gusto nyong iop, isa
lang ha? If ever naman na hindi availbale, mag s-suggest ako.
Rules: Be active, be friendly, be in character and follow rules ♥
P.S Mamimili na ako mamaya, wait for announcement on my facebook acc.

Chapter 9: Gates of hell.

Chapter 9: Gates of hell.


-
Weekend had passed, another boring class for today and it seems that i become more
famous as time goes by. And that's not a good thing dahil sumisikat ako sa sunod
sunod na gulong napapasukan ko.
Naging maayos ang unang dalawang subject ko kaya ito kasama ko si Akira kumain.
Medyo nasasanay na ako sakanya, kahit anong taboy ko gusto parin nya akong maging
kaibigan.
"Hmm, close ba kayo ni Zero?" Ngumisi ako sa tanong nyang 'yon, pero hindi ko sya
nasagot dahil sa biglang pag sulpot ni Alex at Jester. Naupo sila sa mag kabilang
gilid ko.
"What?" Tanong ko.
"Wala, masama ba makiupo?" Sabi ni Jester sabay kuha sa saging na nasa tray ko.
"Kapal nito! Sige lamutakin mo lahat yan, tutal muka ka namang unggoy" hindi nya ko
pinansin at tinawanan lang kami ni Akira. Bakit ba kasi nandito silang dalawa?
"May iniwan pala yung dad mo sa office ni dad. Kunin mo mamaya" sabi ni Alex habang
inikot ikot nya yung phone nya. Tumayo ako at saka inubos yung iniinom kong juice.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Akira. Hindi ko sya sinagot at nag lakad na palabas ng
cafeteria habang nakasunod si Alex at Jester. Geez! Sinabihan ko na sila na wag
bubuntot sakin but what the hell?
"I forgot, hindi kana pala pwedeng pumasok dyan, ako nalang kukuha nung iniwan ng
dad mo" sabi ni Alex ng makarating kami sa tapat ng keen's lab.
"Bakit di na ko pwedeng pumasok?"
"You're intrepid remember? Once na mag karoon kana nyan, di kana allowed dito" sabi
nya sabay hawak sa pulsuhan ko kung nasaan yung tattoo ko. Tumango nalang ako at
naiwan na kaming dalawa ni Jester dito sa may labas.
"Akala ko ba masyado kang gwapo para maging bodyguard ko lang. Eh bakit nakasunod
ka sakin ngayon?" Tanong ko para naman di maging awkward yung paligid.
"I just want to make sure na safe ka. Lalo pa nung mangyari yung gulo sa party? Mas
lalo lang nalagay sa delikado yang buhay mo" sumandal sya sa may pader at binulsa
yung mga kamay nya. Panandalian akong hindi nag salita at tumabi sakanya habang
nakasandal din.
"Did you really said that?" Tanong ko at nilingon nya ako.
"Those guys are gangsters, at hindi lang basta gangsters. Involve sa mafia yung isa
don" Sabi nya. Okay, did i heard him right? Mafia? Mahal ko pa buhay ko at sapat na
yung mga sindikatong banta sa buhay ko pero mafia? Ibang usapan na 'yon. Geez Erin,
anong gulo 'tong pinasukan mo?
"So wether you like it or not, babantayan kita" dagdag pa nya. He's not in his
usual self kaya naman hinawakan ko yung noo nya to check kung may sakit ba sya or
what.
"Wala ka namang sakit pero anong nangyari sayo?" Tanong ko at bigla nalang nyang
tinabig yung kamay ko.
"I'm not doing this for you. I'm doing this for dad. Ang pag protekta nalang daw
sayo ang nakikita nyang paraan para makabayad sa kasalanang ginawa nya sa mommy mo
noon" sabi nya sabay ngisi. Hindi narin ako nakapag salita pa dahil biglang
dumating si Alex na may dalang maliit na box. Inabot nya 'yon sakin at agad ko
namang kinuha.
"Babalik na ko sa klase" walang emosyong paalam ko at saka tumakbo pabalik sa
classroom. Wala pa naman yung iba kong kaklase kaya tinignan ko kung ano yung laman
ng box na 'yon. Necklace na may angel wings sword cross pendant. Kusa nalang akong
napangiti at saka dali daling isinuot.
•••
Dismissal at nag lalakad na ako sa hallway ng may biglang bumangga sakin, more of
talagang sinadya dahil ang lawak ng daan.
"Tumingin ka nga sa dinaraanan mo" sabi nung babaeng nag mamaganda. Nung sabado pa
'tong babaeng 'to. Ano ba talagang problema nya sakin? Konti nalang bibingo na sya.
Pasalamat sya at wala ako sa mood ngayon kaya naman hindi ko sya binigyang pansin
at nag patuloy sa pag lakad.
"Don't you ever turn your back when i'm talking!" Naramdaman kong may ibinato sya
sakin kaya naman huminto ako sa pag lalakad. I clenched my fist and let out a big
sigh. She really wants to mess with me huh.
Kinuha ko yung sapatos ko at saka ibinato sakanya. Huh beat that sucker!
"Aw" sabi nya at bigla nalang syang tumumba. Eh late reaction naman 'tong babaeng
'to. Tch, mag papatuloy na sana ako sa pag lakad pero nakita ko si Zero. Tahimik na
nag lalakad habang nakatingin sa cellphone nya.
"Ang sama talaga ng ugali mo, ano bang ginagawa ko sayong masama?" Sigaw ng babae
kaya napalingon ako sakanya. Oh here she is again with her fake drama!
Nag madali akong pumunta sakanya para kunin yung sapatos ko pero bago ko pa makuha
may nakapulot na.
"Akin na" pilit kong inagaw yung sapatos ko kay Zero pero masyado syang matangkad
tumalon talon na ako lahat lahat pero hindi ko parin makuha. Ugh, nag mumuka na
akong tanga dito.
"Zero ano ba ㅡ" hindi ko na naituloy yung pag sasalita ng bigla nyang ilapit yung
muka nya sa muka ko. I can feel his fucking breath!
"Binalaan na kita" sabi nya at nanlaki nalang yung mata ko ng ihagis nya yung
sapatos ko palabas ng building. Napanganga nalang ako at nag tawanan yung mga
estudyanteng kanina pa nanunuod sa eksena dito.
Tinignan ko sya ng masama dahil sa ginawa nyang iyon, pero agad ding bumaling yung
tingin ko sa hawak nyang cellphone. Agad ko 'yong kinuha at pinilit nyang agawin
pero tinatabig ko yung kamay nya.
"Omg, iniistalk mo yung facebook ni Xian?" Sigaw ko para marinig ng lahat.
"Tignan nyo! Zero is gay!" Sigaw ko. Halatang nainis sya sa sinabi ko kaya inangat
ko yung cellphone nya.

"Look! Ito ba yung lalaking gusto nyo? Lalaki din ang gust ㅡ ano ba ibaba mo ko!"
Sigaw ko ng buhatin nya ako na parang sako ng patatas. Hinampas hampas ko yung
likod nya pero hindi man lang sya natitibag hanggang sa narinig kong nag bukas sya
ng isang pinto. Inilapag nya ako doon at bigla nalang sinara yung pinto.
"Inuubos mo talaga pasensya ko" sabi nya mula sa labas.
"Zero ano ba! Ilabas mo ko dito! Zero, please ilabas mo ko dito" sigaw ko habang
kinakalampag yung pintuan pero parang wala na sya doon kaya naman napaupo nalang
ako at nag takip ng ulo. Natatakot ako, ayoko sa gantong lugar. Hindi ako makahinga
ng maayos.

Anong oras na pero hindi parin dumadating si Zero, may usapan kaming mag t-try out
kami sa basketball pero hanggang ngayon wala pa sya kaya naman minabuti ko ng
umakyat sa classroom nya.
"Buti nga sa Erin na 'yon"
"Napakasama kasi ng ugali eh"
"True, pero alam naman nating hindi sya yung unang nang away eh"
Hindi ko alam kung anong meron sa bulungan ng mga estudyante dito sa hallway pero
nag aalala ako dahil narinig ko yung pangalan ni Erin. Napasok na naman ba sya sa
gulo?
"Xian" tawag ni Zero ng mag kasalubong kami.
"Si Erin? Nakita mo?" Tanong ko at hindi sya sumagot. Tinignan ko lang sya hanggang
sa mag salita na sya.
"Tinuruan ko ng leksyon. Kinulong ko sa janitor's room"
"Dude, seryoso ka? Alam mong may Claustrophobia si Erin, ba't mo ginawa 'yon?" sabi
ko at saka sya nilagpasan, nag madali akong pumunta sa janitor's room at tinanggal
yung bakal na nakaharang. Pag bukas na pag bukas ko, si Erin agad ang bumungad
sakin, umiiyak sya at nag mamadaling tumakbo pero hindi ko na nahabol dahil sa
biglang pag tawag sakin ni Tyler.

Tila nag balik sa alaala ko yung mga bagay na kinatatakutan ko noong bata pa ako.
Lahat 'yon bumalik sakin, kung paano ako kinulong sa cabinet ng taong kumidnapped
sakin noon.
/Flashback/
Second day ko ngayon sa elementary school bilang grade 1. Sa totoo lang ayokong
pumasok kasi boring yung teacher namin kaya nag paalam akong mag ccr, pero ang
totoo kakainin ko lang yung marshmallow na baon ko. Bawal kasi kumain sa loob ng
classroom eh.
Habang nag lalakad ako, may lalaking humarang sa daan ko. Akala ko kukunin nya yung
pag kain ko kaya naman tinago ko yun sa bulsa ko pero bigla nyang tinakpan yung
ilong ko ng panyo at nag dilim nalang yung paningin ko.
Pag kagising ko buhat buhat na nya ako, eh ano namang laban ko sakanya, bata lang
ako. Nag likot likot ako habang nasa balikat nya pero nilagay nya ko sa sofa, may
pinapakabisado syang saking number pero hindi ako nag sasalita hanggang sa ikulong
nya ko sa isang cabinet.
Iyak ako ng iyak dahil sa takot, bukod sa madilim, ang sikip pa kaya pakiramdam ko
mawawalan ako ng hininga at mamamatay pero nabigyan ako ng pag asa ng bigla akong
kunin ni dad, nag uusap pa sila ni mommy at bigla nalang tinakpan ni dad yung mata
ko. Halos maiyak ulit ako dahil sa malakas na putok na narinig ko. Sabi ni dad
patay na daw yung kumidnapped sakin kaya wag na daw akong umiyak.
/End/
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pakiramdam ko nawala ako sa sarili ko. Para
kong baliw dahil tumatakbo ako habang isa lang ang suot na sapatos, pinag
titinginan ako ng mga estudyante. Nahagip ng paningin ko si Zero pero hindi ko sya
pinansin hanggang makalabas ako ng building at makapasok sa isang pamilyar na gate.
Tila huminto yung buong paligid ko ng mapag tanto na nasa loob ako ng gate's of
hell. The atmosphere here is no joke! I feel so uneasy. Balak ko ng humakbang
palabas pero naramdaman kong may mga tao sa likuran ko.
"The brave girl" sabi ng pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita yung grupong
nakaaway namin noon sa party.
"Oh hi" nakakainsultong bati ko sakanila pero mukang hindi nila 'yon nagustuhan
kaya naman pinalibutan nila ako. They all loke like they're gonna kill someone.
Okay, katapusan ko na ba?
"Mukang umiyak ka ah. Well, mas lalo kang iiyak sa gagawin namin sayo. It's payback
time." dahan dahang lumapit sakin yung pinaka leader nila. Sinubukan nya kong
hawakan pero tinabig ko yung kamay nya at nginisian nya lang ako. I know it's not a
good idea, i still have a back pain at maling galaw lang, baka hindi na ako
makalaban.
"Don't you ever lay a finger on her" agad akong lumingon sa pinanggalingan ng
boses. Si Zero, nandito silang lima, nabigyan ako ng pag asa but too late dahil
nahatak na ako ng pinakaleader nila. Tinawag ako ni Xian at hindi man lang ako
nakapalag dahil may dalawa pang lalake ang humawak sakin palayo sa lugar na 'yon.
Unti unti kaming pumapasok sa maala gubat na lugar dito sa gate's of hell habang
nakikita ko kung paano makipag laban sila Jester.
Nang makalayo kami, sinikmura ako ng pinakaleader kaya naman nakaramdam ako ng pag
kahina. Sinamantala nila 'yon para itali ako sa puno, binigyan nya ako ng isang
suntok sa muka at naramdaman nalang yung pag tulo ng dugo mula sa ilong ko. I don't
have the strength to fight back! Ugh, what to do?
I kick the other guy with full force but it's not enough dahil mabilis akong
nasuntok ng isa pang lalaking nag dala sakin dito. Fuck!
"Stop messing around you fucking asshole! Pakawalan mo ko dito!" Sigaw ko sabay
dura dahil sa dugong nalalasahan ko. Nginisian nya ako and all of a sudden he
grabbed the hair on the nape of my neck and pulled it back so he was eye to eye
with me.
Sinamaan ko sya ng tingin pero agad ding nabaling sa taong nakatayo sa hindi
kalayuan. Bakas na bakas sa muka nya ang pag kagalit at walang alinlangang sumugod
sa direksyon ko.

Chapter 10: New friends.

Chapter 10: New friends.


-

"Xian" agad nyang sinuntok yung lalaking sinipa ko kanina at mabilis syang sinugod
ng isa pang lalake habang yung leader ay nanunuod lang. May mga galos narin si Xian
pero bakit sya lang yung nandito? Nasaan sila Alex?

"Xian sa likod!" Sigaw ko ng makitang hahampasin sya nung leader. Nakahinga ako ng
maluwag ng makita kong nakaiwas sya. Nagawa nya pa akong tignan, puno ng pag aalala
yung mga mata nya. Hindi ko namamalayan na may kumakalas na pala nung lubid na
nakapulupot sa katawan ko.

Si Tyler. Tumatakbo narin papunta sa direksyon namin sila Zero at may mga humahabol
sakanila. Binigyan ng isang malakas na suntok ni Alex yung lalaking humawak sa
balikat nya, ganun rin naman ang ginawa ni Jester.

Tinignan ko si Tyler at ng makalas na yung lubid sa katawan ko, bigla akong


nanghina pero mabuti nalang at nasalo nya ako. He carried me in bridal style at
inilayo sa lugar na 'yon. Marahan naman nya akong inupo sa malaking bato at
hinawakan yung mag kabilang kamay ko habang nakaluhod sa harapan ko.

"Dito ka lang, tutulungan ko sila" sabi nya at tumango lang ako. Nag madali syang
tumakbo at sa hindi malamang dahilan, napangiti ako. Seryoso talaga sila na
poprotektahan nila ako.

•••

I woke up in a room with white walls. Where am i? Anong nangyari? I scanned the
room and saw a familiar figure. Malabo pa yung paningin ko kaya hindi ko makita
kung sino 'yon dahil nakatalikod sya pero lumipas ang ilang segundo...

"Xian" I tried to say but it came out as a whisper. Bigla naman akong napalingon ng
bumukas ang pintuan. Si Zero, nakatingin sya sakin, may bandaid sya sa may bandang
noo. Mukang napalaban talaga sila.

"Erin" nag aalalang tawag ni Xian ng mapagnsin nyang gising na ako. Mukang nasa
infirmary kami ngayon, pangalawang beses ko ng nawalan ng malay but this time,
sobrang sama na ng pakiramdam ko.

"Sabi ng nurse, mas makakabuti kung mag papahinga ka muna. Wag ka muna kumilos"
sabi ni Xian habang tinatanggal nya yung mga buhok kong nakaharang sa muka ko.
Ngumiti ako ng bahagya at saka sya tinignan ng diretso sa mata.

"Sorry for causing you much trouble. I know this is weird pero ano yung magagawa ko
para makabayad sa ginawa nyo kanina?" Tanong ko at nag katinginan muna sila ni Zero
bago sya ulit mag salita, alam ko narin yung lalabas sa bibig nya kaya inunahan ko
na sya.

"I'm serious" walang emosyong sabi ko. Ngumiti naman sya at saka hinawakan yung
kamay ko.

"Okay, alam kong mahirap 'to para sayo pero, i want you to be more friendly" sabi
nya at tumango ako. Gusto kong tumawa dahil sa naging reaksyon nya pero masakit
yung labi ko kaya hindi ko mabanat ng masyado. Mag sasalita pa sana sya pero
bumukas ulit yung pintuan.

"Montero, kailangan ka sa faculty" sabi nung babaeng nag welcome sakin nung unang
araw ko dito sa Academy.

"Sige na, ako na bahala sakanya" walang emosyong sabi ni Zero.

"Pahinga ka" tumango lang ako sa sinabi ni Xian at lumabas na sya ng kwarto kasama
yung babae. Sa totoo lang, mahirap talaga yung gustong mangyari ni Xi, pero wala
namang masama kung susubukan ko. Alam ko namang mahirap din para sakanila na
bantayan ako. Be friendly, that's the least i can do para lang makabayad sakanilang
lima.

"Okay na ko dito, pwede mo na kong iwan" humarap ako sa kabilang direksyon para
hindi ko makita si Zero. I hate to see his face pero naramdaman kong naupo sya sa
kama at may inangat na kung ano.

"S-sorry for what happend. I forgot that you're afraid of being closed in to a
small space" kumunot yung noo ko dahil sa sinabi nya. He really know how to say
sorry huh, nilingon ko sya at kinuha yung marshmallow na suhol nya sakin at saka
tumalikod ulit.

"Nandyan narin yung isa pang pares ng sapatos mo. Tawagin mo ko pag may kailangan
ka" sabi nya at naramdaman ko syang tumayo. Pumikit nalang ulit ako at nag pahinga.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang aga aga, eh ang init na ng ulo ni Zero, rinig
na rinig ko silang nag tatalo ni Xian mula sa kabilang kwarto.

"Ugh, insan. Patahimikin mo nga yung kaibigan mo! Ang aga aga" reklamo ni Xander at
no choice rin naman ako kundi ang pumunta na doon at umawat sa dalawa pero pag
labas ko, lumabas rin sila Alex at Jester mula sa kwarto nila. Napapagitnaan kasi
namin yung kwarto nila Xian.

Wala ng katok katok at agad binuksan ni Jester yung pintuan nila. Thuglife talaga
'tong lalaking 'to.

"Ang aga aga, bakit kayo nag tatalo?" Tanong ni Alex na napapakamot pa sa ulo. May
inabot naman samin si Xian at agad binasa.

"Lilipat sa section natin si Erin? Oh ano namang kinalaman nito sa pag aaway nyo?"
Tanong ni Jester.

"Ito kasing si Zero, ayaw palipatin si Erin. Nakita nyo naman kung anong nangyare
kahapon diba? Mas makakabuti kung nasa section natin si Erin, mas mababantayan
natin syang maigi" sumangayon kami sa sinabi ni Xian pero ang nakakagulat ay hindi
man lang nag reklamo si Jester. Ano naman kaya ang nakain ng lalaking 'to?

"Ibibigay ko na 'to sa faculty. Ikaw lang ang hindi sangayon dito, you don't have a
choice" sabi ni Xian kay Zero at iniwan na nya kami dito.

"Sure ka bang papasok ka pa? Bilin ni Xian na mag pahinga ka lang" sabi ni Akira
pero hindi ko sya pinakinggan at lumabas na ng kwarto pero sinalubong kami nung
babae kahapon kaya hindi ako nakalabas agad.

"Ohara, kakausapin ko muna si Cross. Pwede ka ng mauna sa classroom mo" sabi nung
babae at nginitian ako ni Akira, tumango ako ng bahagya at ngumiti din. Her jaw
dropped because of what i did. Mukang hindi nya inaasahang ngingitian ko sya.

Nang maiwan na kami dito nung babae agad nya kong inabutan ng isang papel.

"That will be your schedule from now on" tinignan ko yung papel at binalik yung
tingin sakanya.

"Teka, bakit nabago?" Nag tataka kong tanong.

"I don't know, inutusan lang din ako eh, are you okay? Ba't ang dami mong pasa?"
Hinawakan ko yung muka ko at umiling.

"Wala 'to. Sige salamat ㅡ"

"Chloe. My name is Chloe" pakilala nya. Ngumiti ako ng bahagya at saka umalis.
Bakit kaya nabago yung sched ko all of a sudden? Sabagay okay na 'yon kesa naman sa
dati kong sched na iba iba ang nagiging kaklase ko, atleast ngayon nasa block
section na ko.

Papasok na sana ako sa katabing building ng main para sa unang subject pero may
narinig akong daing ng isang lalake.

"Aray, ayoko na. Tama na" sinundan ko kung saan nanggaling yung boses. Alam kong
hindi ko dapat 'to ginagawa dahil kagagaling ko lang sa gulo kahapon, but damn.
Ayaw makipag cooperate ng mga paa ko.

"Come on. Jester, stop" suway ko ng makitang may binubully si Jester. Keen, at
mukang nerd pa ata.

"Bakit sa tuwing may binubully ako, dumadating ka?" Inis na tanong ni Jester.

"Tadhana i guess?" I shrugged at saka tinulungang tumayo yung lalake. Nakatingin


lang sya sakin ng parang tanga kaya tumingin ako kay Jester.

"Tignan mo ginawa mo sakanya. Oo nga pala, nabago sched ko ㅡ"

"I know, nasa section ka na namin ngayon. Tara na" aya nya at nag umpisa na syang
mag lakad. Did i heard him right? Nasa section na nila ako? Which means. Araw araw
ko na silang makakasama? Ugh, hindi nalang ako nag reklamo dahil sa sinusubukan
kong maging friendly. Ang hirap nito, fuck. Wrong move Erin!

Pag dating namin sa classroom, kinailangan ko na naman ipakilala yung sarili ko.
I'm seriously tired of this, like hell! Everyone knows who i am. Bakit kailangan ko
na naman sabihin kung sino ako?!
"For the nth time. I'm Erin Cross, remember my name or else i will crush your face
into pieces. My god!" Iritang pakilala ko at naupo na sa nag iisang bakanting upuan
kung saan napapalibutan ako nung lima. Are they serious? Pinlano ba nila 'to just
to make sure na hindi na ako gagawa ng gulo?

"Be friendly" nakangiting paalala ni Xian na nakaupo sa kanan ko. Ngumiti ako ng
pilit at saka humarap sa white board.

Hours had passed and we took our breaktime. Kahit hindi ko kaklase si Akira sakin
parin sya sumabay sa pag kain but the more shocking thing is nandito rin yung
lalaking binubully ni Jester kanina who turns to be friend pala ni Akira.

"Do you mind kung makikisabay satin friend ko? Kakatransfer lang nya kasi.."

"By the way, his name is Kevin.. Kevin, this is Erin. Roommate ko" pakilala ni
Akira, agad namang inabot nung Kevin yung kamay nya and i don't have a choice kaya
nakipag shake hands ako. Maya maya lang ay nag umpisa na kaming kumain habang sila
Alex, nasa kabilang lamesa kasama yung apat.

"Hey, stop acting like you own this school, just because representative ka ng
faculty ay may karapatan ka ng mangialam" boses ng babae at agad kaming napalingon.
That bitch, arguing with Chloe. Itong babaeng 'to, ang hilig nya talaga mag hanap
ng away tapos biglang mag papaawa as if na sya yung biktima. I've already had
enough of her bitchiness.

Tumayo ako at pumunta kay Chloe, agad naman akong tinaasan ng kilay nung babaeng
hanggang ngayon hindi ko parin kilala kung sino. Sabagay, hindi naman ako
interesado sakanya.

"Here you are again, nakakaawa ka. Look at your face, ang dami mong pasa. Isinama
mo pa sa gulo si Zero and the rest of his squad" maarting sabi nito at nanatili
lang akong nakangisi habang nakatingin sakanya.

"Stop spouting nonsense. Namumuro ka na sakin, isa pa. Isang isa nalang at
ipaparanas ko sayo yung suicide squad" hinawakan ko si Chloe at saka dinala sa
lamesa kung saan kami nakaupo nila Akira. Tinignan ako nila Xian and they smiled at
me maliban kay Jester at Zero.

"Woah, grabe. Ang cool mo talaga Erin" Akira giggled at ganun din yung Kevin.

"Do you mind kung maging boyfriend mo ko?" Bigla akong naubo sa tanong ni Kevin.
The hell with a sudden question?

"Excuse me?" Tanong ko at binatukan lang sya ni Akira.

"Thankyou" nakangiting sabi ni Chloe at tumango lang ako.

The feeling is weird but i like it. I like the feeling when i'm surrounded by them.

Chapter 11: Sudden attack.

Chapter 11: Sudden attack.


-
Weeks had passed and everything's fine. Medyo nakakasanayan ko narin ang pagiging
friendly although hindi parin talaga nawawala ang pagiging insolent sa dugo ko.
"Matagal pa ba? Ano ba kanina pa tayo nandito" reklamo ko kay Chloe. Paano ba
naman, kanina pa kami nandito sa court, 10 minutes daw mag uumpisa na yung game but
hell. 20 minutes na ang nakalipas pero nandito parin kami sa bleachers at
nakatunganga.
"Sweetie naman, chill ka lang" agad kong sinamaan ng tingin si Kevin. I really find
him annoying, simula nung tinulungan ko sya sa pang bubully sakanya ni Jester,
pinipilit na nyang girlfriend nya ako. Seriously? I want to punch him right now.
Paano sya naging keen sa lagay na 'yon?! Dapat hinayaan ko nalang syang bullyhin ni
Jester eh.
"Do you want me to send you straight to hell?" Tanong ko at agad syang tumingin sa
ibang direksyon at kinausap si Akira.
"Kyaaaah!"
"Ayan na"
Sigaw ng mga kababaihan ng pumunta na sa court yung mga nag try out. Ganito raw
kasi yung rules sa basketball team, sabi ni Chloe mag lalaban yung mga nag tryout,
kung sinong team ang nanalo, sila ang makakapasok sa team pero pag natalo sila.
Nganga.
And the big question is bakit nandito kami. Isa lang naman ang sagot doon, nandito
kasi yung lima at bilang bestfriend ni Xian, i need to support him. Ang
ipinagtataka ko lang ay kinikilig si Akira at ganun din Chloe. There's something
strange about them.
"May gusto ba kayo sa mga players?" Tanong ko at sabay silang umiling kaya naman
ibinaling ko nalang yung atensyon sa baba.
Kinawayan ako ni Xian at ngumiti lang ako ng tipid. Maya maya lang ay nag tip off
na at napunta yung bola sa team nila. Matangkad si Xian kaya hindi na ko nag taka
kung nakuha nya yung bola. Pinasa nya 'yon kay Alex at shoot. Pumalakpak lang ako.
Namimiss ko narin mag laro.
"Ganbare!" Sigaw ni Akira ng mapunta kay Zero yung bola. Agad akong napalingon
sakanya, Ngayon ko lang sya narinig mag Japanese, mabuti nalang i'm not that dumb
para hindi maintindihan yung isinigaw nya. If i'm not mistaken, do your best ang
ibig sabihin nun. Madalas kong marinig 'yon sa anime na pinapanuod ko.
Ilang minuto ang lumipas at natapos ang first half. Lamang ng 6 points yung mga
kabilang team. Hindi narin ako mapakali dito, kaya bumaba ako at nag punta sa bench
nila Xian, masyadong maingay sa bleachers, nakakairita. Karamihan kasi ng nanunuod
ay babae.
"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ni Zero habang nag pupunas ng pawis.
"Pake mo?" Tinaas ko yung kaliwang kilay ko at saka binaling yung atensyon sa apat.
"Dito ako mauupo. Okay lang?" Tanong ko at tumango agad si Alex. Hinawakan nya yung
pulsuhan ko at saka tinulak yung mag kabilang balikat ko para maupo sa bench.
"That Kevin guy, pinanindigan na nya talaga yung pag buntot sayo ah" mapangasar na
sabi ni Jester at napairap nalang ako ng makitang pababa ngayon ng bleachers si
Kevin kasama sila Akira at Chloe. Tumabi rin sila sakin dito sa bench at wala na
akong nagawa. Seriously?
"Sweetie. Bakit mo kami iniwan?" Tanong ni Kevin and i just gave him a death glare.
Pilit namang pinipigilan ni Jester yung tawa nya kaya tinignan ko rin sya ng masama
but the weird thing is..
"Chloe. Bakit ka nakangiti?" Tanong ko ng mapansin kong iba yung ngiti nya nung
tignan nya si Jester. Hmm, something's fishy huh. Umiling lang sya sa tanong ko at
napangisi nalang ako.
Mabilis lumipas ang oras, obvious na obvious yung pag ka panalo nila Xian dahil sa
score nilang 102 at 90 sa kalaban. Agad akong tumayo ng makita kong papalapit na
silang lima dito sa bench. Isa isa silang nakipag apir sa tuwa at halos hindi na
kumibo yung iba ng apiran ako ni Zero. Miski ako nabigla.
Mag sasalita sana ako pero nginisian nya ko at saka umalis papunta sa locker. Nag
katinginan nalang kami nila Jester at saka nag usap habang sila Chloe, Kevin at
Akira nauna ng umalis.
Maya maya lang ay pumasok narin sila sa locker room para mag bihis. Nanatili lang
ako dito sa bench hanggang sa mapansin ko na ako nalang pala ang tao rito. Nilibot
ko yung paningin ko hanggang sa makita ko yung bola. Tumayo ako para pulutin 'yon.
Humarap ako sa basketball ring and i was about to shoot the ball when all of a
sudden may naramdaman akong mainit sa bandang tsan ko.
Nabitawan ko yung bola at napahawak nalamang sa tsan ko. Blood, my hands were
covered in blood. Unti unti kong naramdaman ang pag hina ng mga tuhod ko, but i
still manage to scan the whole court. No one's here. Silencer yung ginamit sakin,
but hell sinong gagawa? Dito sa school?!
"Hoy. Ba't nandito ka pa?" Tanong ni Zero ng lumabas sya sa locker. Nakatingin lang
ako sakanya hanggang sa mapansin nyang may mali. Naramdaman ko ng tutumba ako pero
mabilis syang nakatakbo papunta sa direksyon ko para saluhin ako.
I endured the pain, feel ko sobrang nanghina yung buong katawan ko pero hindi
pumasok sa isip ko ang pumikit. Ayoko, natatakot akong hindi ko na mabuksan yung
mga mata ko.

Kakatapos ko lang mag bihis. Hindi narin ako nag abalang mag antay pa sa mga kasama
ko na inuuna pa ang daldal bago mag palit ng damit. Hindi sila makamove sa ginawa
kong pag apir kay Erin. Tss, nadala lang naman ako ng emosyon.
"Mauna na ko" sabi ko at tuluyan na kong lumabas ng locker room. Hindi ko naman
inaasahan na nandito pa pala si Erin.
"Hoy, ba't nandito ka pa?" Tanong ko pero hindi sya sumagot. She just stared at me
and something's not right. Dahan dahan akong napatingin sa kamay nyang nakahawak sa
tsan nya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko at nag madaling tumakbo papunta
sakanya bago pa sya tumumba.
"Guys! Si Erin" sigaw ko at saka nag madaling lumabas ng gymnasium. I run as fast i
can habang buhat buhat ko sya. Mabilis ko syang naisakay sa kotse at humarurot
papunta sa gate pero hinarangan kami ng gwardya.
"Sir. Saan kayo? Bawal lumabas ng academ ㅡ"
"Open the gate!" Sigaw ko at tila nataranta yung gwardya. Pag bukas na bukas ng
gate, agad akong nag maneho ng mabilis papunta sa pinakamalapit na hospital.
"Erin. Hey, wag kang matutulog" sabi ko ng ibaba ko na sya sa kotse. Pawis na pawis
na sya at namumutla narin. Pag pasok ko ng hospital, agad akong nag hagilap ng
doctor.
"Sir dito" sabi ng nurse. Hiniga ko si Erin sa kama at itinulak na nila 'yon
papasok sa emergency room habang ako nanatili lang dito sa waiting area. Paanong
nangyari 'yon sakanya? Sino ang gagawa nun sa loob ng eskwelahan. Yung mga
gangsters kaya? O nag umpisa ng kumilos yung mga sindikatong banta sa buhay ni
Erin?
Ask how many nights i've been thinking of you, Zero, Zero ♪
"Hello, Zero. Nasaan ka? Bakit ka sumigaw kanina? Anong nangyari kay Erin?" Sunod
sunod na tanong ni Xian ng sagutin ko yung tawag nya.
"Nandito kami sa hospital. I don't know what happened pero may tama sya sa bandang
tsan. Stab wounds? Gunshot wounds? I don't know, basta Pumunta na kayo dito. Nasa
emergency room sya ngayon" hindi na sumagot si Xian at agad ng ibinaba yung tawag.
30 minutes have passed at nasa loob parin ng emergency room si Erin. Hindi narin
ako mapakali dito sa labas. Palakad lakad nalang ako ng parang baliw. Siguradong
mayayari ako kay dad pag nalaman nya 'to.
"Nasaan yung guardian ng pasyente?" Tanong ng doctor ng lumabas sya ng kwarto.
"A-ako po. What happened? Okay na ba sya?"
"Yes, she's okay. Mabuti nalang at hindi tumama sa kahit anong body organs yung
bala. Mamaya lang ililipat na sya sa private room. It will be better for her kung
mag papahinga sya atleast 1 week, since medyo malalim rin ang tama ng bala sakanya"
sabi ng doctor at nakahinga ako ng maluwag.
"Salamat doc" naupo ulit ako at nag hintay sa pag dating nung apat.
Ngayong nangyari 'tong insidente na 'to, mas kailangan ko na siguro syang bantayaan
ng maigi. Masakit na para sakin nung umalis sya noong mga bata pa kami, at di ko na
siguro kakayanin kung tuluyan pa syang mawala.

Chapter 12: Villaruel's.

Chapter 12: Villaruel's.


-
Naikwento na sakin ni Tyler yung nangyari. Sya kasi ang bumungad sakin kahapon pag
gising ko matapos matanggal yung balang tumama sakin. It's been a day, maya maya
lang ay pwede narin akong madischarge.

"Mamaya babalik na dito si Zero, may pasok pa kasi kaya kailangan naming bumalik sa
academy. Sya muna mag aalaga sayo" sabi ni Alex, sya ang nakabantay ngayon.
Actually kasama nya si Jester pero wala syang ginawa kundi ang matulog, kanina ko
pa sya gustong batuhin ng unan. Pumunta ba sya dito sa hospital para matulog?

"Inaasikaso naman ni Xian yung letter nyo para maexcuse kayo ni Zero ng one week sa
klase" kumunot yung noo ko sa sinabing iyon ni Alex. Malinaw naman yung pag
kakasabi nya pero hindi ko naintindihan. Bago ko pa maitanong yung nasa isip ko,
bumukas na yung pintuan at pumasok si Zero.

"Pwede na kayo bumalik sa school, makakaabot pa kayo sa dalawang subject" walang


emosyon na sabi ni Zero. Tinignan ako ni Alex at saka ginulo yung buhok ko.

"Pagaling ka ha? Bisitahin ka namin sa Wednesday" sabi nya at ginising na nya si


Jester na kanina pa natutulog sa sofa. Pag labas nila, inalalayan na kong tumayo ni
Zero.

"Alam na ni dad yung nangyari. Wala tayong choice na dalawa, so whether you like it
or not, doon ka muna sa bahay mag i-stay ng one week" sabi nya at huminto ako sa
pag lakad. He gotta be kidding me.

"What? Sa tingin mo ba hindi alam ng parents mo yung nangyari? Wag kana mag inarte"
dagdag pa nya at nag patuloy sya sa pag alalay sakin hanggang sa makasakay kami ng
kotse nya. Tahimik lang ako sa loob habang nakatingin sa labas ng bintana.
Paniguradong nag aalala na si mommy. I hope she's okay.

"Okay ka na b ㅡ" biglang nag ring yung phone ko kaya hindi naituloy ni Zero yung
sasabihin nya.

"Hello Xi. Okay na ako, don't worry too much" Bungad ko, alam ko naman kasi na
itatanong nya kung okay na ba ako.

"Yah i know, pero nag aalala parin ako. Habang nakila Zero ka, wag kang lalabas
ha?"

"Xi, hindi na ako bata"

"Alam ko, pero matigas yung ulo mo. Please, makinig ka. Wag kang lalabas ng bahay.
It's for your own safety" napabuntong hininga nalang ako bago sumagot ulit.

"Okay fine. Sige na, mag ingat din kayo dyan. Byee" pag baba ko ng tawag, agad kong
binaling yung tingin kay Zero. Itatanong ko sana kung ano yung sasabihin nya kanina
kaso bigla nyang hininto yung kotse sa tapat ng convenience.

"May bibilin lang ako" bumaba sya ng kotse habang ako nanatili lang dito sa loob.
Maya maya nag ring yung phone nya.

"Third" basa ko sa pangalan ng tumatawag. Muka namang matagal pa si Zero kaya


sinagot ko na.

"Hi kuya, kasama mo na ba si ate sungit?... Hey kuya, ba't di ka nag sasalita?
Siguro kinakabahan ka kasi kayo lang dalawa sa kotse no? Uyyy ㅡ" agad kong binaba
yung tawag at inilapag yung phone kung saan 'yon nakalagay kanina. Nakita ko na
kasing lumabas ng convenience si Zero.

Pag sakay nya ng kotse hindi sya kumibo at nag patuloy lang sa pag maneho hanggang
sa huminto na kami sa isang malaking bahay. Bumusina sya at kusa ng bumukas yung
mataas na gate, ipinarada nya yung kotse sa mismong tapat ng hagdan at saka bumaba
habang dala nya yung plastic.

Inalalayan nya ko gamit yung free hand nya at saka dahang dahan umakyat sa hagdan
papunta sa maindoor. Hindi pa man nya 'yon nahahawakan ay kusa nalang itong bumukas
at bumungad ang isang babaeng nakasuot pang katulong.

"Yaya, pakialalayan nalang 'tong babaeng 'to sa guest room.. Doon sa katapat ng
kwarto ko" sabi nya at agad ko syang tinignan ng masama. Babaeng 'to? Ugh, may
pangalan ako! Mahirap bang banggitin yung Erin?

Inalalayan na ko ng katulong, habang si Zero lumabas ulit. Umakyat kami sa


staircase pero may lalaking sumalubong samin. Sya siguro yung tumawag kanina. Wait,
ngayon ko lang naalala, may nakakabata pa nga palang kapatid si Zero.

"Hi ate sungit" Bati nya sakin habang nakangiti, ang layo ng aura nya kay Zero.
Hindi rin sila gaanong mag kamuka. Buti pa 'tong batang 'to marunong ngumiti. Gwapo
naman si Tito Jiro, gwapo rin 'tong batang 'to. Eh anong nangyari kay Zero? lol.

"Hi, ikaw ba si Third?" Tanong ko at mas lalo pang lumawak yung ngiti nya. Excited
syang tumango at mas lumapit pa sakin.

"Kilala mo ako? Nak-kwento rin ba ako ni kuya sayo? Madalas ka kasi nya ikwe ㅡ"
tinakpan ni Zero yung bibig nya at saka tumingin sakin.

"Yaya hatid mo na sya, ito yung mga gamit nya" Inabot nya yung bag sa katulong,
teka! Bag ko 'yon ah! Wag mong sabihing sya ang nag impake ng mga gamit ko?! Hindi
nalang ako nag reklamo at nag patuloy na kami sa pag lakad hanggang makapasok sa
isang kwarto. Iniwan na ko ng katulong kaya ako nalang yung nandito pero maya maya
lang ay pumasok si Zero.

"Madaldal talaga yung kapatid ko. Mag pahinga kana, tawagin mo nalang ako pag may
kailangan ka. Nasa tapat lang yung kwarto ko, O kaya naman tawagan mo ko. Ayan yung
telepono, pindutin mo lang yung tatlong Zero" sabi nya sabay turo sa lamesang
malapit sa kama. Tumango lang ako at tumalikod na sya.

"S-sa-salamat" Nakayukong sabi ko. Bahagya syang huminto at saka nag patuloy sa pag
lakad hanggang sa makalabas na sya ng kwarto. Huminga ako ng malalim at saka
nahiga. One week, kakayanin kong manatili dito ng one week para kay mom and dad.
Sure naman ako na pinakiusapan nila si Tito Jiro na gawin 'to. Hindi naman kasi 'to
gagawin ni Zero kung hindi sya inutusan.

•••

Pakiramdam ko may nag mamasid sakin, dahan dahan kong minulat yung mga mata ko and
there's Zero who's now standing infront of me.

"Kailangan mo ng inumin 'tong gamot para mabilis gumaling yang sugat mo" sabi nya
kaya naman sumandal ako sa headboard. Inabutan nya ko ng gamot at isang basong
tubig. Pag inom ko agad kong nabaling yung atensyon sa may pintuan kung saan
nakasilip si Third. Bahagya akong napangiti, i don't know why pero ang gaan ng loob
ko sakanya. Siguro dala narin na wala akong kapatid.
"Tara dito" aya ko at agad lumingon sa likuran si Zero. Pag pasok ni Third tinapik
ko yung kama at naupo sya doon.

"Tigas talaga ng ulo mo" reklamo ni Zero pero nginitian lang sya ng kapatid nya.

"Ate sungit, sama ka sakin sa taas. Gabi na, paniguradong maganda ang view sa
rooftop. Mas marerelax ka dun" nakangiting sabi ni Third, ginulo ko yung buhok nya
at saka sinubukang tumayo.

"Third" suway ni Zero.

"Bakit ba? Wag mo nga pigilan yung trip ng kapatid mo" sabi ko at saka hinawakan si
Third palabas ng kwarto. Inalalayan nya ako papunta sa rooftop na sinasabi nya. Pag
tungtong namin doon napayakap agad ako sa sarili ko dahil sa lamig. Namangha din
ako dahil sa dami ng bituin na nakikita ko mula sa langit.

"Diba ang ganda? Tara dito tayo ate" hinila nya ako at ininda ko yung sakit ng
sugat ko dahil mukang excited na excited sya. Napangiti ako kasi merong mga couch
at lamesa dito. Talagang marerelax ako dito but hell, i will freeze to death. Not
to mention na nakatank top at leggings lang ako.

"Ba't nga pala ate sungit ang tawag mo sakin?" Tanong ko. Kung di lang 'to bata
kanina ko pa 'to binatukan dahil sa tawag nya sakin eh. Joke! Friendly na nga ako
diba? Tss.

"Ayun kasi tawag ni ku ㅡ" naramdaman kong may bagay na lumapat sa balat ko kaya
agad akong napalingon sa gilid. Zero with his usual blank face.

"Malamig dito. Suotin mo yan, you'll catch a cold" malamig na sabi nya. Agad ko
namang sinuot yung jacket na ipinatong nya sa balikat ko. Akala ko aalis na sya
pero nabigla nalang ako na nakitambay rin sya dito. Naupo sya sa tabi ng kapatid
nya at saka may binulong. Nakita kong ngumiti si Third at saka kumaripas ng takbo.

"Saan pupunta 'yon?" Tanong ko pero hindi sumagot si Zero dahil nag ring yung phone
nya.

"Hello. Napatawag ka?"

"Oo, nandito sa tabi ko" Inabot nya sakin yung phone at nang makita ko kung sino
yung tumawag kay Zero, napailing nalang ako.

"What now Xi?"

"Kanina pa ako tumatawag sayo, ba't di mo sinasagot?"

"Naiwan sa kwarto phone ko, nandito ako sa rooftop. I'm with Zero and his brother.
Stop worrying okay? Namimiss mo lang ata ako eh" Napatingin ako kay Zero, bigla
kasi syang tumayo at dumungaw sa labas.

"Sige na Xi, baka magalit na yung isa dahil iniistorbo natin sya. Bukas nalang.
Bye, wag mo ko masyado isipin baka hindi ako makatulog" pabirong sabi ko at saka
binaba yung tawag. Pinilit ko namang tumayo at mag lakad papunta kay Zero para
iabot yung phone nya.

"Hoy ikaw, ano yung kinukwento mo sa kapatid mo? Parang ang dami nyang alam tungkol
sakin ah"

"Wag mo intindihin 'yon, idol ka kasi nun. Ewan ko kung ano nagustuhan sayo nung
bata na 'yon. One day nagulat nalang ako na binanggit nya pangalan mo. Nakita nya
daw kasi na nafeature ka sa website ng monstrous. Kaya ayun, sabi ko masungit ka.
Panget sa personal, baliw, maldita" napataas ako ng kilay. Nag k-kwento sya. Himala
ah.

"Kapal mo din talaga eh no. As if naman hindi ko alam na may hd ka talaga sakin"
pabulong kong sabi.

"Ano?" Tanong nya.

"Wala sabi ko i'm the true definition of dyosa" i flipped my hair at saka bumalik
sa kinauupuan ko. Sakto naman dahil bumalik na si Third dala yung binili ni Zero
kanina sa convenience.

"Idol kita kaya favorite ko narin to" nakangiting sabi ni Third sabay abot sakin ng
isang plastic ng marshmallow. Ngumiti ako at pilit inabot yung buhok nya para
guluhin.

"Ang sweet sweet mo naman. Buti ka pa ganyan kabait, yung kuya mo parang laging may
dalaw eh" binulong ko yung huling sinabi ko at tumawa si Third.

"Hoy Erin. Naririnig kita" pag singit ni Zero. I stick out my tongue at saka sya
tinarayan but for some reasons napako lang yung tingin ko sakanya. Namalik mata
lang ba ako ng makita ko syang ngumiti?

♛♕♛
Queen's note:

Bitin ba? Huehue. Sorry na. 😊 By the way, team Zerin or Xirin/Erian? ♥

Chapter 13: Smile.

Chapter 13: Smile.


-

I'm currently in my room getting dressed. Inangkin ko na talaga 'tong kwarto na


'to. Naeenjoy ko ang pag stay rito, namiss ko rin kasi ang tumira sa isang bahay.
As soon as i finished tying my hair into a messy bun, i walked downstairs kung saan
naririnig ko yung mag kapatid. Hindi ko sila mahagilap hanggang sa mapansin ko na
may tao sa kusina. Nag punta ako doon at naabutan kong masayang nag lalaro yung mag
kapatid.

Hindi ko muna sila inistorbo at nanuod lang. Ngayon ko lang nakitang nakangiti si
Zero. Mukang mahal na mahal at namiss nya talaga yung kapatid nya.

"Oh, gising ka na pala" puna nya ng mapansing nakatayo ako sa may pintuan. May
harina pa sya sa ilong.

"Ang ingay nyo kasi" kibit balikat kong sabi ng lumapit sakanila. Agad naman akong
hinawakan ni Third.

"Sorry ate. Namiss ko kasi si kuya kalaro eh" nakangiting sabi nya at ngumiti ako
ng pilit. Hinatak nya ako at saka inalalayang maupo.

"Nag luto kami ni kuya ng pancake. Kain kana" dagdag pa ni Third at nag patong ng
isang plato sa harap ko si Zero na may lamang tatlong patong ng pancake at liquid
chocolate sa ibabaw, napalingon ako sakanya at bigla nalang syang nag lakad pero
hinawakan ko yung kamay nya para pigilan.
"So rude. Samahan nyo naman ako" binitawan ko sya at saka sya hinatak ni Third para
maupo narin. Nakakapag taka lang, kagabe ko pa hindi nakikita sila tita Zea at tito
Jiro.

"Ba't nga pala kayo ang nag luto? Nasaan yung katulong?" Hiniwa ko yung pancake at
saka tinikman. Infairness, masarap ah. Di ko akalain na may silbi pala sa kusina
'tong asungot na si Zero.

"Ewan ko, inaya lang ako ni kuya eh" masayang sabi ni Third. Medyo napangiwi ako.
Inaya? Ano naman kaya ang nakain nya? Bored na bored na siguro sya dito sa bahay.

"Oo nga pala. Where's tito and tita? I need to thank them for letting me to stay
here for a week"

"Nasa business trip sila ate. Trice a month lang sila kung mag stay dito sa bahay"
naramdaman ko yung biglang pag lungkot ni Third ng sagutin nya yung tanong ko.
Bigla ko tuloy naalala noon na madalas iwan si Zero sa bahay dahil nga laging nasa
business trip yung parents nya. No wonder kung bakit lumaki syang ganto, masungit,
galit sa mundo at tahimik. Ugh, bakit nalungkot ako bigla?

"Ganun ba? Gusto mo ba na ako muna maging ate mommy mo for one week?" Tanong ko at
bigla nalang nag liwanag yung reaksyon nya. Hindi nya ako sinagot at bigla nalang
tumayo para yakapin ako. Nag katinginan kami ni Zero pero nanatiling blangko yung
ekspresyon nya.

"Talaga? Ate mommy na itatawag ko sayo? Waah ang saya saya ko. Ayos na sakin yung
one week" masayang sabi nya. Tinapik ko lang yung balikat nya habang nakangiti at
kumalas narin sya sa pag yakap.

•••

"You don't need to do that. Nandito ka para mag pahinga" sabi ni Zero ng tabihan
nya ako dito sa rooftop. Pumasok na kasi ng school si Third. Currently third year
highschool sya ngayon at ang dream school nya for college? Monstrous Academy lang
naman. Kung ako lang ang masusunod hindi ko sya doon pag aaralin. Delikado.

"I insist. Magaan yung loob ko sa bata and i know that he needs a mother. I mean, i
know he's in pain. At hindi mo maitatago sakin na ganun ka rin.."

"..bata palang tayo, medyo malayo na yung loob mo sa parents mo and i'm afraid na
baka maging ganun rin si Third, wala akong alam sa istorya nyo but i want to help"
tahimik lang si Zero. Hindi sya kumibo pag tapos ng sinabi ko. Hindi ko alam kung
mababadtrip ba ako o ano pero alam kong malungkot sya sa mga oras na 'to.

"Hmm, hindi ako sanay tumanaw ng utang na loob so just like what i did to Xian, ano
yung magagawa ko para makabayad sa ginagawa mong pag tulong sakin ngayon?" Tanong
ko, nilingon nya ako at saka tinignan ng diretso sa mata. There's something about
those dark eyes. Hindi ko mawari kung anong mensahe ang meron sa mga titig nyang
'yon. But damn! Parang ang dami nyang gustong sabihin.

"Be safe, ayun lang yung gusto ko" sabi nya at iniwan na nya ako dito. Napatingin
nalang ako sa kanya habang nag lalakad sya palayo. Hindi nag process sa utak ko
yung sinabi nya. Hm, weird. Ayun lang yung gusto nya? Hindi nya ako pahihirapan?
bubullyhin or what? Hell no! Anong nangyari sakanya? Pero infairness. Napangiti nya
ako dahil sa sinabi nyang 'yon.
Kasalukuyan akong pinapagalitan ni dad. Bakit ko daw hinayaang umalis ng academy si
Erin. Eh ano namang laban ko kay Zero? Nag pumilit sya na sya ang mag aalaga kay
Erin.

"Dad, sinabi ko naman na say ㅡ"

"Hindi alam nila Zea at Jiro na nandoon si Erin tama? Hindi rin alam nila Thunder
at Rain yung nangyari sa anak nila" nanlaki yung mata ko. Shit, nakalimutan kong
Keen si Dad, ofcourse malalaman nya na wala talagang alam yung parents ni Erin at
Zero sa nangyayari.

"Dad. Let's trust Zero. Ayaw nyang mag alala sila tito at tit ㅡ" tumayo si dad at
saka humarap sa bintana. Hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil dumating si
mommy kaya napatayo rin ako.

"Amanda babe. Ikaw na mag sabi dito sa anak mo" sabi ni Dad at nilapitan ako ni
mom, sa tingin palang alam ko ng hindi ko magugustuhan yung sasabihin nya.

"Pinaalam na namin sa Villaruel at Cross yung nangyari" nanatili akong tahimik.


Mali talaga na pinaalam ko kay dad yung nangyari. Mayayari ako nito kay Zero pag
nag kataon.

"I want you to go there, lahat kayo" kumunot yung noo ko sa sunod na sinabi ni mom.

"Napakairesponsable kung si Zero lang ang mag babantay kay Erin. Nak, alam mong
malaki ang naging atraso ko noon sa mga Cross, lalo na sa mommy ni Erin. This is
the least we can do.."

"..tawagan mo sila Jester, pumunta kayo kila Zero. Stay there hanggang sa gumaling
si Erin, we need to make sure na ligtas sya doon. Nag usap na kami ni Zea tungkol
dito. Sige na, go" hinawakan ako ni mom sa balikat. Tinignan ko naman si dad.
Mukang seryoso sila.

"How about my studies? One week akong aabsent? Bababa yung grades k ㅡ"

"Para saan pa at naging tatay mo ako? Sige na. Sundin mo yung sinasabi ng mommy mo.
Update us everyday. Siguraduhin nyong mababantayan nyo ng maigi si Erin" napatango
nalang ako. Siguradong hindi magugustuhan ni Jester yung idea na 'to.

Isa isa ko na silang kinontak. Sumangayon naman agad si Xian at Tyler. As expected,
ayaw sumama ni Jester kaya kinailangan ko pa syang puntahan para lang suhulan.

"Sumama ka na samin! Ayaw mo nun, isang linggo kang absent. Bibigyan kita ng isang
dosenang bandana para dyan sa ulo mo, tara na. Nag aantay na yung dalawa sa parking
lot" pag pupumilit ko. Wala rin syang nagawa kundi ang mag impake na. Malakas ang
impluwensya ni dad sa faculty kaya hindi sya nahirapan na iexcuse kaming apat.

Pag labas namin ng boy's dorm nakasalubong namin si Akira kasama si Chloe at Kevin.

"Saan kayo pupunta? Hindi parin ba babalik si Erin? Ano ba talagang nangyayari?"
Nag aalalang tanong ni Akira, bakas din sa muka ng dalawa na nag aalala sila. Hindi
kasi ipinaalam ni Erin yung nangyari kaya wala rin kaming karapatan para ipag sabi
yun sa iba.

"Wala na kayo dun" masungit na sagot ni Jester at saka na patuloy sa pag lakad.
Tinignan ko nalang yung tatlo at saka sinabing mauuna na kami.

Pag dating namin sa parking lot agad kaming sumakay sa sasakyan ni Xian.
Napagdesisyunan namin na ito nalang yung gamitin. Wala pang alam si Zero tungkol
dito kaya paniguradong mabibigla 'yon.

"Do we really need to do this?" Iritang tanong ni Jester.

"Dude, hindi biro yung nangyari kay Erin. We made a promise to our parents,
kailangan natin siguraduhing ligtas si Erin" mahinahong sagot ni Tyler at nanatili
na kaming tahimik hanggang sa makarating na kami sa tapat ng gate nila Zero.

Mabuti nalang at kilala ng gwardya yung kotse kaya pinapasok din kami agad, binaba
ni Xian yung window glass at saka nag pasalamat sa gwardya.

Pag baba namin ng kotse, agad kaming napatingin sa itaas dahil sa pamilyar na
boses. Si Erin, bigla syang nawala kaya kumatok na si Xian. Muka kasing
sasalubungin kami ni Erin.

Pag bukas ng pinto, agad nag bigay galang yung dalawang katulong.

"Nasaan po si Zero?" Tanong ko.

"Nasa kwarto nya po, tatawagin ko lang po"

"Ah hindi na, pupunta nalang kami dun" tumango yung katulong kaya umakyat na kami
and as expected, sinalubong nga kami ni Erin. Halatang confused sya dahil
nakatingin sya sa mga dala naming bag.

"What is this all about? I thought wednesday pa kayo bibisita?"

"Biglaan and we are staying here. Nasaan si Ze?" Tanong ni Xian at saka nag lakad
papunta sa kwarto ni Zero. Hindi pa man din tumatama yung kamay nya, ay bumukas na
'yon.

"Oh Xi ㅡ teka, ba't nandito kayo? Ba't may mga bag kayong dala?" Nag katinginan
muna kaming apat at saka sabay sabay na tumakbo papasok sa kwarto ni Zero..

"Hoy, mga walangya kayo! Papasukin nyo ko" sigaw ni Erin dahil sinarhan sya ng
pinto ni Jester. Balak na namin kausapin si Zero pero hindi tumigil sa kasisigaw si
Erin.

"Ugh. Sige na mag usap na kayo. Ako na bahala sa babaeng 'to" lumabas si Jester at
nawala na yung pag iingay ni Erin. Inumpisahan narin namin ang pakikipag usap kay
Zero. Base on his expression, alam naming disappointed sya dahil di nya nagawa yung
gusto nya na wag bigyan ng stress yung mga magulang ni Erin.

But in some point, naiintindihan naman nya na kailangan parin nilang malaman. Ayun
nga lang, mabubuking sya ni Erin. Kilala ko si Zero, hindi nya maitatago sakin kung
bakit nya ginagawa ang lahat ng 'to.

Chapter 14: Spin the bottle.

Chapter 14: Spin the bottle.


-

I don't have any idea kung bakit nandito yung apat. May mga dala silang gamit, tama
ba yung iniisip ko? What are they up to?!
"Hoy, mga walangya kayo! Papasukin nyo ko" sigaw ko habang kinakalampag yung pinto.
What the hell? Sinarhan nila ako, ano bang plano ng mga kumag na 'to!

"Anong tinitingin tingin nyo?" Tanong ko sa dalawang katulong na nakatingin sakin.


Humingi sila ng tawad at saka umalis.

"Ano ba! Buksan nyo nga 'to!"

"Isa. Sisipain ko 'to ㅡ" biglang lumabas si Jester ng kwarto at binuhat ako in
bridal style. Gustuhin ko man mag pumiglas pero wala akong sapat na lakas dahil sa
sugat ko.

"Ibaba mo nga ako! Saan mo ba ko dadalin!" Pag sabi ko nun ipinasok nya ako sa
isang kwarto. Mukang alam nya yung pasikot sikot dito sa bahay nila Zero. Marahan
nya kong inupo sa kama at saka naupo sa tabi ko.

"Ipapaliwanag sayo ni Xian mamaya, basta mag i-stay kami dito kasama mo. Don't over
react, akala mo naman gusto namin 'to"

"Me? Nag oover react? Siraulo ka ba?! Sinaraduhan nyo ako ng pinto. Malay ko ba
kung may pinaplano kayo sakin" ngumisi lang si Jester sa sinabi ko. Maya maya ay
may inabot sya sakin, yung phone nya.

"Oh, anong gagawin ko dito? Ibabato ko sayo?" Tinaasan ko sya ng kilay pero
pinindot nya yung power button kaya bumukas yung screen.

"Sabi ni tito Jp, ipakita ko daw sayo para maalala mo sila" pinunta nya sa gallery
at may pinindot na thumbnail.

I don't know why, but i burst into laughter. Hindi ko maimagine na ganto si Dad,
like seriously sa laki palang ng boses nya matatakot ka na, close din pala talaga
sila ni Tito ni Liam kahit nung mga binata pa sila. And these guys, i still
remember them. Sila yung naging temporary gangmate ni dad nung time na nag kahiwa-
hiwalay sila ng D.a.r.k. Naikwento sakin yun ni mom.

"Kuha daw nila yan after nung graduation nila. Naalala mo ba sila?" Tanong ni
Jester at tumango ako.

"Yah, diba nga nandoon sila sa bahay bago kami mag punta ng Amerika. Dinuraan mo pa
nga si tito Jp nung time na 'yon, but look. Mukang close pa kayo ah" sabi ko at
bahagya syang ngumiti. Which i didn't expect, just like Zero. Bihira ko lang din
makitang nakangiti si Jester.

"Hindi ko din alam kung paano kami naging close" naiiling na sabi nya. Tumahimik
kami saglit pero nabasag din kasi nag ring yung phone nya na hawak hawak ko pa. Di
ako nag dalawang isip na sagutin 'yon dahil si Alex yung tumatawag.

"Hello ㅡ"

"Akin na nga!" Pilit inaagaw ni Jester yung phone nya pero tumayo ako at tinaas
lang 'yon.

"Ano ba. Di mo ibibigay?" May pag babanta sa boses nya. Asa naman matatakot ako.
Umatras lang ako ng umatras. He took a couple of steps forward and to my surprise
bigla nya kong hinawakan sa bewang at hinatak palapit sakanya. Our face are so few
inches apart to the point na nararamdaman ko na yung pag hinga nya.
"W-what the hell" sabi ko pero nanatili lang kami sa ganung pwesto.

"One more step, matatapakan mo na yung bubog" tumingin ako sa baba at meron ngang
basag na vase. Binalik ko yung atensyon sakanya pero biglang bumukas yung pinto.
Bakas na bakas sa muka ng apat yung pag kagulat. Muka namang narealize narin ni
Jester na halos nakayakap parin sya sakin ngayon kaya binitawan na nya ako. Kinuha
nya yung phone sa kamay ko at saka nag ayos ng buhok.

"Ipaliwanag nyo na sa babaeng 'to yung nangyayari" sabi nya at saka nag madaling
lumabas ng kwarto na 'yon. Naiwan naman ako dito kasama yung apat.

"What was that?" Seryosong tanong ni Zero.

"He just pulled me closer para di ko matapakan yung bubog" simpleng sagot ko sabay
turo sa basag na vase. Agad naman akong nilapitan ni Xian at saka hinawakan yung
kamay ko.

"Let's talk" aya nya at lumabas narin kami sa kwarto na 'yon.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Tatlong araw ng hindi bumabalik ng dorm si
Erin. Pag tapos ng basketball game hindi ko na sya nakita at hanggang ngayon, wala
akong kaide-idea kung nasaan sya. May mga pinaempake ring gamit sakin si Zero na
pag mamay-ari ni Erin. What's going on?! Ugh.

"Bestfriend tara na! Mag tanong na tayo sa faculty" aya ni Kevin. Pati sya nag
aalala narin, sa maigsing panahon naging malapit na kaming apat kasama na si Chloe.
Kahit na madalas kaming sinusungitan ni Erin, hindi maitatanggi na tinuturing na
nya kaming kaibigan.

"Hindi sila mag bibigay ng kahit anong info. Sa daddy kaya ni Alex?" Agad tumango
si Kevin at saktong pag alis namin, tinawag kami ni Chloe. Mukang nakakuha narin
sya ng info since madalas syang nasa faculty.

"Nakaexcuse daw ng one week si Erin. Kasama narin sila Sandoval, Madrigal, Sevilla,
Montero at Villaruel" sabi nya at nag katinginan lang kaming tatlo. Ano ba talaga
ang nangyayari? Bakit sila aabsent ng isang linggo?

Si Alex, imposibleng aabsent yun ng ganun katagal. Kilala ko yun, naging mag
classmates kami noong 3rd highschool. Sobrang importante ba ng dahilan kaya aabsent
sila ng isang linggo?! Ugh! Sasabog na utak ko, wala akong idea sa nangyayari.
Napakawalang kwenta kong kaibigan. Sana walang masamang nangyari kay Erin.

Nakatingin lang ako sa salamin, napangiti ako kasi sobrang gwapo ko pala talaga.
But hell! Nag f-flashback sa isip ko yung nangyari kanina.

"Jester. Tara na, naipaliwanag na ni Xian kay Erin" tawag ni Tyler mula sa likuran.
Agad ko naman syang nilingon at saka sinundan kung saan man sya pupunta.

"Ayaw kang katabi ni Alex, nag sasawa na daw sya sa muka mo kaya kami muna ang
roommate. Dalawa nalang kasi yung bakanting guest room dito, share muna kayo ni
Xian" sabi nya at tumango lang ako. Pasalamat talaga si Alex mas matanda sya sakin.
Sya pa nag sawa, sa gwapo kong 'to? Tss.

Pumasok na ako sa kabilang guest room kung nasaan si Xian. Nilapag ko na yung gamit
ko at lumabas narin agad dahil naboboring daw si Erin.
"Oh, anong gagawin natin ngayon?" Bored na tanong ko pero nanatiling tahimik si
Erin, medyo nag iba yung aura nya.

"Spin the bottle? Pampalipas oras lang" suhestiyon ni Xian. Sumangayon naman yung
iba. Mas pinili naming mag laro doon sa komportableng kwarto, masarap kasi dito sa
nap room nila Zero. Dito kami madalas tumambay at pumwesto pag nag iinuman noon.

"Truth or dare 'to ah" paalala ni Tyler. Bumilog na kami sa napakalapad na couch.

"Hey! Don't be so easy on me. Kahit may sugat ako, malakas parin naman ako" sabi ni
Erin pero ni isa walang sumangayon.

Nilapag na ni Alex yung bote sa gitna at saka inumpisahang paikutin at dahil nga
gwapo ako, sakin natapat yung bote.

"Truth" sabi ko bago pa sila mag tanong.

"Tuli ka na ba?" Tanong ni Alex. Gago talaga 'to.

"Naman! Pakita ko pa ba sayo?" Tumayo ako saka hinawakan yung pantalon ko pero
natigilan ako ng makitang nakatingin sakin si Erin at nakapalumbaba pa. Geez! I
didn't know that she's such a pervert.

"What? Let me see it" mapangasar na sabi nya. Pakiramdam ko nag init yung pisngi ko
kaya naupo ako at nginisian lang sya. Sabay sabay silang nag tawanan maliban kay
Zero. Turn ko na mag paikot ng bote at tumapat 'yon kay Erin.

"Dare" ngumisi ako dahil sa sinabi nya. It's payback time baby!

"Hold Zero's hand. Bibitaw ka lang pag natapat na sakanya yung bote" halatang
nabigla sya, ganun din naman si Zero na halos patayin na ako sa titig nya. I know
they hate each other kaya parang parusa na 'to sakanilang dalawa.

"Tch! Wala na bang mas hihirap dun? So stupid" tumayo si Erin at walang pag
dadalawang isip naupo sa tabi ni Zero sabay kuha ng kamay nito para hawakan.

"Yari ka talaga sakin" banta ni Zero pero nanatili lang akong nakangisi. Pinaikot
ni Erin yung bote at tumapat 'yon kay Xian and because he's a probity, pinili nya
ang truth.

"Nainlove ka na ba?" Tanong ni Erin.

"Yes" tipid na sagot ni Xian pero masyadong makahulugan dahil sa mga titig na
binigay nya kay Erin. Pinaikot na ulit yung bote at tumapat ulit 'yon kay..

"Ako na naman? Osige truth naman" sabi ni Erin.

"Give us clue about your crush"

"Hmm, may buhok. May ilong, may bibig ㅡ de joke. Uhm may R and O" sagot ni Erin.
Inikot nya ulit yung bote at tumapat 'yon kay Zero kaya bumitaw na silang dalawa.

"Truth" walang emosyong sabi nya.

"Bakit galit ka sakin?" Seryosong tanong ni Erin. Ilang segundo bago sumagot si
Zero kaya naman tahimik kaming nag abang.

"Dahil iniwan mo ko ng walang pasabe. Tigil na natin 'to, nakakaboring" bigla


nalang tumayo si Zero at lumabas ng kwarto. Pare-pareho lang kaming nag katinginan.
Naalala ko noong mga bata pa kami, basta nalang umalis si Erin. Wala syang sinabi
na kahit ano. Akala namin may party lang sakanila noong araw na 'yon pero nabigla
nalang kami na lilipat na pala sila ng ibang bansa.

Bakit apektado parin si Zero dahil dun? That's not even a big deal.

♛♕♛

Guys, add nyo mga facebook ng characters, may mga official account na sila. Feel
free to talk to them, fictional character man sa book 1 or 2, mag rereply sila for
sure. 😊

Chapter 15: Mall.

Chapter 15: Mall.


-

It's been 5 days simula ng tumira kami sa iisang bahay. Bukas, babalik na kami ng
academy. Maraming kaweirduhan ang nangyari sa loob ng limang araw, i don't know why
but i feel like there's something wrong with Zero and Xian.

[Flashback]

Pag tapos naming mag laro, mas pinili ko nalang ang matulog sa kwarto.

Kinabukasan, si Third ang gumising sakin. Maaga palang inaya na nya ako sa kusina
para ipag luto yung lima, labag man sa kalooban ko, sinakyan ko nalang yung gusto
nya since nag insist ako na maging ate mommy nya for the mean time.

"Sure ka ba na ito ang ilalagay?" Tanong ko dahil useless talaga ako pag nasa
kusina. Sa dami ng pwedeng almusalin bakit cake pa? Jusme naman Third.

"Oo ate, ayan nakalagay dito sa recipe ni mommy eh" sabi nya at tuluyan ko ng
nilagay yung vanilla. Matapos namin maimixed lahat ng ingredients nilagay na namin
'yon sa baking pan at pinasok sa oven. Habang nag aantay, ginawa na namin yung
icing para ilalagay nalang mamaya. Nag basag kami ng itlog at yung white lang yung
kinuha namin, minixed namin 'yon sa mixer at saka nilagyan ng confectioner sugar
hanggang sa maging icing na sya.

"Grabe, nakakapagod pala 'to" sabi kong maupo ako at bumuntong hininga. Naupo naman
sa harap ko si Third at saka ako nginitian.

"May chance ba na mainlove ka sa lima? Kasi diba ate handa silang protekahan ka,
para silang Knight in shining armors" natawa lang ako sa sinabi ni Third. Mahilig
pala sa fairytale 'tong bata na 'to, but honestly hindi ko alam kung pwedeng
mangyari 'yon.

"I don't know. Dipende sigu ㅡ"

"Goodmorning" masiglang bati ni Xian kasama si Tyler.

"Ikaw bata bata mo pa may inlove inlove ka ng nalalaman ah" sabi ni Xian ng akbayan
nya si Third habang si Tyler naman ay naupo sa tabi ko. Panandalian kaming nag
kwentuhan habang inaantay tumunog yung oven. Maya maya tinawag ako ni Xian at saka
nilapitan habang busy yung dalawa sa pag kulay sa icing.
"Yung sinabi mo sa laro na may R and O yung crush mo. Si Ze ㅡ"

"Anong meron?" Sabay kaming napalingon ni Xian kay Jester. Nasalikuran nya si Zero
at Alex. Bakit ba ang aga mag sigising ng mga kumag na 'to? Hindi na tuloy surprise
yung cake. Hindi na ako nag abalang sumagot sa tanong ni Jester at binaling nalang
ulit yung atensyon kay Xi.

"Ano nga ulit yung tanong mo?"

"Ah wala" bigla nalang syang nakisali kila Third at kumunot nalang yung noo ko.
Kailan pa sya nag sinungaling sakin?!

Pag tapos mabake ng cake, sabay sabay na namin yun nilagyan ng icing, habang si
Alex at Tyler ay nag titimpla ng hot chocolate. Sobrang kalat dito sa kusina kaya
mas pinili naming doon na sa sala mag almusal. Hanggang ngayon bumabagabag parin
sakin yung ginawa ni Zero. Plano nya pala ang lahat ng 'to, at first akala ko
inutusan lang sya ng parents nya para patirahin ako dito, pero akala ko lang pala
'yon dahil sarili nyang desisyon ang dito ako mag stay ng one week. That's really
weird.

[End]

"Mga kuya, ate Erin papasok na po ako" paalam ni Third. Nandito kasi kami ngayon sa
sala at nanunuod ng movie, sa loob ng ilang araw masasabi ko namang napalapit na
ako sakanilang lahat maliban kay Zero, simula kasi nung nag laro kami ng spin the
bottle, di na nya ako kinausap. Ganun ba talaga kalaki yung galit nya sakin dahil
lang sa umalis ako? Geez! Ang bata pa namin nun.

"Ihahatid ka na namin, pupunta rin kami ng mall ngayon eh" sabi ni Xian. The hell?!
hindi ako nainform.

"What? Pupunta kayo ng mall? Wait, mag bibihis ako. Sasama ako" nag madali ang
tumakbo paakyat sa kwarto at nag bihis. Nag suot lang ako maong shorts at maluwag
na black shirt na tinernunahan ko ng paborito kong boots. Hinayaan ko lang
nakalugay yung buhok ko at nag lagay ng konting make up.

"Let's go" aya ko at wala narin silang nagawa kundi ang isama ako. All this time
akala ko close na kami pero ano 'to? Balak nila ako iwan dito habang sila mag
papakasaya sa mall? Tss. Unbelievable.

•••

Pag hatid namin kay third, agad kami dumiretso sa mall. Balak daw kasi nila mamili
ng damit. Wala naman akong alam sa type ng mga lalake kaya nag pumilit akong
humiwalay para makabili rin ako ng sarili kong gamit but ofcourse they won't allow
that kaya sa ayaw man o gusto ko kailangan kong isama si Tyler sakin.

"Hindi ka ba bibili ng damit or kahit ano na para sayo?" Tanong ko habang nag
lalakad kami papunta sa isang shop. Humiwalay na kasi yung apat, hindi rin naman
daw kami mag tatagal dito kaya sobrang nag mamadali sila. Napakaparanoid.

"Hindi, sasamahan nalang kita" tumango nalang ako at hinatak ko na sya papunta sa
loob ng store kung saan puro pangbabae ang makikita. Kinuha ko yung itim na leather
jacket, type na type ko pero hindi sya bagay sa weather, sobrang init kaya dito.
Lumipat ako sa kabilang side kung saan nakalagay yung mga tanktops.

"Ty, anong mas bagay na kulay?" Inangat ko yung kulay white at black na tanktop
habang sya nakatingin lang sakin imbis na sa damit. Mukang naiilang sya, nilibot ko
yung paningin ko at narealise ko na pinag titinginan sya nga mga babeng nandito sa
shop.

"Kahit ano naman bagay sayo eh" sabi nya kaya binili ko na yung dalawa. Nag insist
pa sya na sya na ang mag babayad pero pinigilan ko.

"Hey, do i look like a beggar? May pera ako" sabi ko at nag kibit balikat lang sya.
Kinuha ko na yung paper bag at for the second time nag insist sya na sya ang mag
bubuhat kaya inabot ko na sakanya yung paper bag. Pag labas namin ng shop nag ring
yung phone nya.

"Nandito kami sa 5th floor. Kayo?"

"Ah osige, pababa na kami dyan" mag lalakad na sana kami ni Tyler pero bigla nalang
kaming nilapitan ng limang estudyante, nag siksikan sila kay Tyler kaya naman
napahiwalay ako sakanya.

"Kuya, papicture, ang gwapo nyo po" sabi nung mga babae, pilit man akong lingunin
ni Tyler, hindi nya magawa dahil napapalibutan sya nung mga babae. Irita lang akong
nakatingin sakanila at nag antay matapos but hell! I feel so uneasy, i know
someone's watching me from afar. Hindi narin ako mapakali mula dito sa kinatatayuan
ko.

Lalapitan ko na sana si Tyler para itaboy yung mga babae pero nakita ko na yung
lalaking nag mamasid sakin mula pa kanina. Masyadong maraming tao dito kaya naman
hinayaan ko na si Tyler at nag umpisang tumakbo paakyat. Halos maitulak ko narin
yung mga tao sa escalator dahil sa pag mamadali at tama nga ako ng hinala dahil
sinusundan ako nung lalaking 'yon.

"Hindi sya nag iisa" sabi ko sa sarili ko ng makitang may dalawa pag lalaki ang nag
aabang mula sa taas. Niready ko yung sarili ko at lumipat sa kabilang escalator,
lilipat narin sana yung humahabol sakin pero mabilis ko syang nasipa. Nag madali
ako sa pag takbo at di na pinansin yung mga nag papanic na tao sa paligid, balak ko
pa sanang balikan si Tyler. But hell! Mas dumami yung nakapaligid sakanya.

Nilibot ko yung paningin ko at agad tumakbo ng makita ko yung fire exit. Pababa na
sana ako ng hagdan pero may mga taong paakyat, siguradong kasama sila ng humahabol
sakin. Pare-pareho kasi silang nakapula.

Nag madali ako sa pag akyat at ng makarating ako sa 7th floor, biglang bumukas yung
pintuan. Hindi ako nag dalawang isip hatakin yung taong nakapula at sipain pababa
ng hagdan kaya sabay sabay silang gumulong ng mga kasamahanan nya.

Pag labas ko ng pinto may bigla nalang nag takip ng bibig ko at tinapat ako sa
elevator. Aaminin ko kinabahan ako pero pamilyar yung amoy kaya pwersahan kong
tinanggal yung kamay nya sa bibig ko.

"This is the fastest way. Trust me" saktong pag bukas ng elevator hinatak nya ako
sa loob, kami lang yung nandito. Pumikit ako at nag takip ng tenga. Nahihirapan ako
huminga.

"Abangan nyo kami sa parking lot. Kasama ko na sya" sabi nya sa kausap nya sa
phone. Nanatili akong nakaupo pero hinatak nya ako patayo at saka hinawakan yung
mag kabilang balikat ko para iharap sakanya.

"Hey, look at me. Wag mong isiping nasa masikip na lugar tayo" sabi nya pero
nanatili akong nakapikit.

"Hey, Erin. Breathe!" Hindi ako makapag salita hanggang sa naramdaman kong
hinawakan nya yung bewang ko at hinala palapit sakanya. Naramdaman ko rin yung isa
nyang kamay sa may bandang batok ko. Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko at
dahan dahang dumilat. He's fucking kissing me!
What the hell but there's something wrong, nakakahinga na ako ng maayos. Hindi ko
naiisip na nasa masikip na lugar ako dahil sakanya ako nakafous.

Nanatiling mag kadikit yung mga labi namin hanggang sa narinig kong bumukas yung
elevator.

"Zero" boses ni Xian kaya agad kumalas si Zero. Nag katinginan muna kami bago
lumingon kung nasaan yung apat.

"L-let's go" aya ni Zero at nag madali na syang tumakbo palabas, hinila narin ako
ni Xian papunta sa kotse at ng makalayo kami sa mall nanatili akong tahimik at
ganun rin sila. Tinignan ko si Xian mula sa rear mirror, mukang hindi maganda ang
mood nya kaya napahawak nalang ako sa labi ko. Hanggang ngayon nararamdaman ko yung
halik ni Zero. Ugh.

♛♕♛

Hello guys! Just want to inform you na may official page na po yung Monstrous
Academy series. Sana ilike nyo, search monstrous academy nalang and be updated
everyday. Doon ako mag popost about sa stories at kung ano, Let's keep in touch.
Maraming salamat.♥

Chapter 16: Travis & Gino.

Chapter 16: Travis & Gino.


-

Monday na and we're all expecting na babalik na si Erin kasama yung lima. Alam kong
may hindi tamang nangyayare kaya nag aalala ako para kay Erin.

Nag hahanda na ako para pumasok pero biglang nag ring yung phone ko. Si mommy.

"Chloe, kamusta kana dyan?"

"My, Okay lang ako dito, kayo ni dad? kamusta kayo dyan sa Japan?"

"Okay naman kami. Don't let them know who you really are okay? Mag iingat ka"

"Opo kayo din. Loveyou, got to go" binaba ko yung tawag at agad lumabas ng dorm
pero natigilan ako ng makita ko si Erin kasama si Jester at Alex sa may lobby.

"Erin. Saan ka nanggaling? Ang tagal mo nawala" nginitian nya ako ng tipid at saka
sinabihan yung dalawa na okay na sya. Pag alis nila hinatak ako ni Erin papunta sa
kwarto nya.

"Oh my god" pag bukas namin ng pinto ayun agad yung bungad samin ni Akira kaya bago
pa sya maiyak nag salita na si Erin.

"Okay, sorry kung pinag alala ko kayo. But seriously, i'm okay. Kung gusto nyo ako
maging kaibigan, hindi kayo mangingialam sa mga desisyon ko" nanatili kaming
tahimik ni Akira, gustuhin man naming hindi sumangayon, wala kaming magagawa.

"O-okay" sabay naming sagot ni Akira, tumayo naman agad si Erin at dumiretso ng
banyo para mag bihis. Parang walang nangyare, parang wala lang sakanya na mag alala
kami ng isang linggo. I still wonder kung tama bang nakipagkaibigan ako sakanya,
pero nandito na ko. Kailangan kong panindigan 'to.

"Uy, Akira. Wag kana mag alala masyado" sabi ko ng mapansin kong tahimik sya.
Ngumiti lang sya ng tipid saka kinuha yung laptop nya, may tinype syang password at
hindi ako pwedeng mag kamali. AKIZERO yung tinype nya, so tama nga ang hinala ko na
may gusto sya kay Zero. Walang duda.

Unang klase palang naiirita na ako, nasakin na naman yung atensyon at ang mas
malala pa dun, yung lima na naman yung nakikita ko. Nag sasawa na ako sa pag mumuka
nila.

"Cross. Pinapatawag ka ni Travis" sabi ng prof pag kapasok nya ng classroom. Nag
katinginan kami ni Zero kasi nga pareho kaming intrepid and i don't have any idea
why did i do this time para ipatawag ng lalaking 'yon.

"Sasamaha ㅡ"

"Ako na sasama sakanya" pag putol ni Xian sa sasabihin ni Zero. They're acting
weird again.

"Intrepid ako Xi and you're not allowed inside the headquarters. Wala ka nito"
inangat ni Zero yung pulsuhan nya at ipinakita yung tattoo nya. Tinignan ko nalang
si Xian at hinawakan yung kamay nya.

"May problema ba?" Tanong ko at umiling lang sya. Tss, nag sisinungaling na naman
sya. Anong nangyayari sayo Xian? Bakit kailangan mong mag sinungaling? I know it's
hard for you since probity ka but what's keeping you from lying?

"Sige na, babalik din ako agad" tumayo na ako habang si Zero nakasunod sakin. Pag
labas namin ng classroom, sinalubong ako ni Kevin. May dala syang bouquet ng
bulaklak, napahawak nalang ako sa noo ko.

"The hell Kev?" Reklamo ko pero kinuha ko parin yung bulakak, sayang naman kasi
effort nya.

"Sweetie, namiss kita" sabi nya at akma pa syang yayakap sakin pero bigla syang
tumakbo ng umabante ng lakad si Zero papunta sakanya. Ugh. Naalala ko na naman
tuloy yung pag halik nya sakin.

"Y-yung nangyari kahapo ㅡ"

"I did that to help you, don't assume. Wala akong gusto sayo" sabi nya habang
nakatalikod sakin at nakabulsa ang mga kamay. Tss such a jerk.

"Excuse me? Mag t-thankyou lang ako, don't assume na may pake ako about what
happened inside the elevator yesterday" nag patuloy ako sa pag lakad at naramdaman
ko yung pag sunod nya. Kaasar, feel nito may gusto ako sakanya. Asa naman.

Pag dating namin sa tapat ng headquarter, agad kong tinapat yung tattoo at ng
bumukas yung glass door, dirediretso akong pumasok hanggang makarating sa tapat ng
office. Nanatili lang sa labas si Zero kaya naman pumasok na ako sa loob at doon
naabutan si Travis kasama ang isa pang lalaki.
"You must be Erin Cross?" Sabi nya at tumango lang ako.

"What do you want this time?" Tanong ko kay Travis, wala talaga akong balak mag
bigay galang sakanya. I still remember that day na ginawa nya akong janitress! Ugh.

"See? Dapat talaga insolent ang babaeng 'to eh" sabi ni Travis at tumawa lang yung
lalake.

"Gino, leader ng Amiable. It's nice to see you Ms. Cross" kinuha nya yung kamay ko
at saka hinalikan. Ngumiti lang ako ng pilit at saka binaling yung atensyon sa
lalaking nag patawag sakin dito.

"So for the second time. What do you want?" Tanong ko ulit kay Travis. Ngumisi sya
saka may inabot saking papel na may nag lalamang tatlong litrato ng lalake.

"They want to beat you up" tinuon ko yung atensyon sa mga litrato. Beat me huh.

"And who are they? Paano mo namang nalaman na gusto nila akong patumbahin? For what
reason?" Binigyan nya ulit ako ng isang pag ngisi at saka tumingin kay Gino.

"Okay, for your information, kaibigan kami ng dad mo. We know what's going on and
he asked for our help, so here we are, nalaman ko na madalas makita yung mga
lalaking 'to sa labas ng academy, pinaimbestigahan ko sila sa mga tauhan ko sa
labas at ikaw ang pakay nila" sabi ni Travis.

"And we have the feeling na isa sila sa mga tauhan ng red organization" dagdag pa
ni Gino at nanlaki nalang yung mga mata ko. I can't believe na pati sila maiinvolve
dito, i mean kailangan ba talaga silang hingan ng tulong ni dad? Seriously, ang
dami ng naiistorbo dahil lang sa problema ko.

"You don't need to do this" Oo, aaminin kong medyo masama ang ugali pero marunong
parin naman akong mahiya at isa pa, sapat na yung may utang na loob ako sa lima,
hindi na ata okay kung may dadagdag pang dalawa.

"Hindi lang naman para sayo kung bakit namin 'to ginagawa. We're also doing this
for the people who live outside the Academy. Halos sakop na ng Red organization ang
West district at nag dudusa ang mga tao sa pananakot ng sindikatong 'yon..."

"..for now, let's focus on your problem and cooperate with us para mapatumba yung
Red org" sabi ni Travis at wala akong nagawa kundi ang sumangayon. Nakangiti akong
hinawakan ni Gino at inalalayan palabas kung saan nag aabang si Zero. Agad nya
naman akong nilapitan habang nakabulsa yung mga kamay nya.

"Ano? Bakit ka nya pinatawag?" Tanong nya habang nag lalakad kaming dalawa sa
hallway. Mabuti nalang at walang masyadong tao dito dahil hindi naman friday
ngayon.

"About Red organization ㅡ"

"Wait, how did they know about that?" Di makapaniwalang tanong nya pero nanatiling
blangko yung ekspresyon nya.

"Well, i didn't expect it also but Travis and Gino are my dad's friend" i shrugged
at saka huminto sa pag lalakad ng maramdaman kong may nakatingin samin. Aware na
talaga ako sa paligid since dumating ako dito sa Pilipinas, wala ng takas sakin
yung mga taong nag mamasid sakin ng patago.

"Who are you?! Show yourself" lumingon lingon si Zero sa paligid dahil sa sinabi
ko. Ilang segundo pa ay may babaeng lumabas mula sa pag kakatago nya sa may
pintuan.

"Good sense huh, i'm so excited for the battle ground. Let's see kung may ibubuga
ka nga talaga. Malas mo lang, unang sabak mo ako agad ang makakalaban mo" she
crossed her arms at nginisian ako. The hell with this girl? Wala akong alam sa
pinag sasabi nya.

"See yah!" Bigla nalang nya akong tinalikuran habang kumakaway patalikod. Binaling
ko yung atensyon kay Zero kasi for sure naman may alam sya sa pinagsasabi ng
weirdong babae na 'yon.

"Who's that weirdo?" Tanong ko.

"Si Lexy Santillan. Kung sa lalake, ako ang nasa rank 1 ng buong intrepid. Sya
naman yung sa babae at yung sinasabi nyang battle ground. Sparring 'yon, so get
ready" sabi nya at nag patuloy sya sa pag lalakad, habang ako napangisi nalang.

•••

Breaktime at kasama kong kumain sila Chloe, Kevin at Akira. It seems that they
really missed me that much, todo alaga sila sa akin. Daig ko pa ang may sakit.

"Hindi mo na ako kailangan subuan Kevin. Gusto mo bang ipakain ko sayo yan kasama
yung kutsara?" Sinamaan ko sya ng tingin ng balak nya akong subuan ng ice cream.

"Ano ba yan Kev! Oh ito Erin, kainin mo 'tong gulay. It's good for your health"
sabi ni Akira ng ilapit nya sakin yung plato ng vegetable salad. Napahawak nalang
ako sa noo habang tinitignan kung paano nila ako asikasuhin. Bakit ba ganito sila
ngayon?

"Pinabibigay ni Alex, galing daw yan sa dad nya" inabutan ako ni Chloe ng isang
gamot. Hindi ko alam kung para saan pero nilingon ko parin si Alex mula sa kabilang
lamesa. Sumenyas sya na inumin ko kaya sumunod nalang ako. Kailan pa sila naging
malapit ni Chloe?

"Hmm, we already know what happened" agad akong napatingin kay Chloe. Nakayuko lang
sya habang si Akira at Kevin nakatingin sa ibang direksyon.

"You've been shot right? Keen ako remember?" Tanong ni Kevin.

"Nacucurious kami kaya sinabihan ko si Chloe na mag punta kami ng security office.
Doon namin pinanuod yung kuha sa cctv from that day na bigla ka nalang nawala"
dagdag pa nya.

"Sa gym, ikaw lang yung tao ng oras na 'yon diba? Sino yung gumawa ㅡ?"

"None of your business. Stay out of it" tumayo ako at saka umalis ng cafeteria.
Damn! Nakalimutan kong keen si Kevin, pero mabuti nalang at probity si Chloe, hindi
nya masisikreto sakin na alam na nila yung nangyari.

"The hell?!ㅡ oh, mukang pinag tatagpo talaga tayo ng tadhana ah" nakangising sabi
ni Lexy ng mag kabanggaan kami sa labas ng cafeteria, nanatili lang blangko yung
ekspresyon ko, may problema ba sa utak 'tong babae na 'to? Nawala na nga yung drama
queen na pumepeste sakin, ngayon sya naman?

"Wife off that irritating face of yours!" Sigaw nya.

"Are you some kind of takas sa mental? You look retarded" sabi ko at kung
nakakamatay lang ang pag titig malamang nakabulagta na ako sa mga tingin na pinukol
nya sakin ngayon but sorry si Erin Cross ang kaharap nya ngayon.

"Tignan natin kung masabi mo pa yan sa magiging laban natin sa battle ground. I'll
make sure that you'll see hell" banta nya.

"Listen, anak ng legendary gangster ang kaharap mo ngayon. Ilang beses na akong
sumabak sa sparring nung nasa Amerika. Don't underestimate me. I can send you
straight to hell right now" napangisi nalang ako ng makita ang naging reaksyon nya.

"Uh, what's the problem? You look pale.. Don't worry, sasabihan ko si santanas na
iwelcome ka once na mapadala kita sa impyerno" tinapik ko yung balikat nya at saka
sya nilagpasan. Wala talaga kong balak seryosohin yung mga sinasabi nya pero mukang
may ibubuga rin talaga sya, so i guess kailangan ko talaga syang labanan at ipakita
kung ano ba talaga ang kayang gawin ng isang Erin Cross.

Chapter 17: Hidden feelings.

Chapter 17: Hidden feelings.


-

Hanggang ngayon patago parin naming inaalam kung sino yung taong gumawa nun kay
Erin. That was so dangerous, malakas rin talaga ang loob ng tao sa likod ng
insidenteng 'yon. Dito pa talaga sa school, but for sure taga rito lang din ang
gumawa nun.

"Insan, ano ba. Tagal mo dyan" reklamo ni Xander mula sa pintuan pero nanatili
akong tahimik habang nakatingala sa shower. Napasuklay ako sa buhok gamit ang mga
kamay ko, nakakafrustrate. Sa aming lima, ako yung pinakawalang naitutulong para
kay Erin.

Agad kong kinuha yung twalya at binalot sa ibabang parte ng katawanan ko. Si Xander
naman ang bumungad sakin dahil kanina pa sya nag mamadaling maligo.

"Sabihin mo nga, may kinalaman ka ba sa nangyari kay Erin? Nakaaway mo sya noon ㅡ"

"Hey hey, stop accusing me. Wala kang pruweba at saka tingin mo talaga kaya kong
bumaril ng tao? Sinabi ko naman na sayo diba? Baka yung mga tao sa loob ng gates of
hell ang gumawa sakanya nun, not to mention na myembro ng mafia ang isa sa mga
nakaaway nyo" binangga nya ako at saka padabog na sinara yung pinto ng banyo.
Posible nga kaya?

Nag madali akong mag bihis para sa klase ngayong araw. Palabas palang ako
sinalubong na ako ni Jester papasok ulit sa kwarto.

"Aray, ano ba?"

"Shh. Tingin ka sa balkonahe" sabay kaming tumingin at may nakita kaming tatlong
lalake sa likod ng girl's dorm. Tumingin naman ako sa kaliwa at nakitang nasa
balkonahe rin sila Xian, Zero at Alex.

"Sino yung mga 'yon?" Tanong ko pero bago pa man sila sumagot, may isang phone na
ang nag ring. Agad kaming napatingin kay Xian..

"Erin, napatawag ka?"


"What? Hintayin mo kami"

"Ano daw nangyare?" Tanong ni Alex at tumuro lang si Xian sa ikatlong palapag ng
girl's dorm kung saan nakita naming tumalon si Erin sa may sanga ng puno na
nakatapat sa balkonahe ng 2nd floor.

"Nasisiraan na talaga sya" bulong ni Zero pero sapat na para marinig namin. Walang
alinlangan syang tumalon sa balkonahe at ganun narin kami dahil hindi naman ganun
kataas.

Inaantay ko nalang matapos mag bihis si Akira para sabay kaming lumabas. Sumilip
ako sa balkonahe pero agad ding napaatras ng makita kong may tatlong lalake sa
baba. Sila yung mga nasa litrato, paano sila nakapasok dito sa academy? Tsaka bakit
sila naka MA uniform?

"May problema ba Erin?" Tanong ni Akira at umiling lang ako. Balak ko sana ulit
sumilip pero nakita kong nasa balkonahe ng boys dorm yung lima. Agad kong kinuha
yung cellphone ko para tawagan si Xian.

"Erin, napatawag ka?"

"Nakikita nyo yung tatlong lalake? Myembro sila ng red organization. Let me handle
this"

"What? Hintayin mo kami" binaba ko agad yung tawag at sumilip sa balkonahe. Walang
pag dadalawang isip akong tumalon papunta sa malaking sanga na nakatapat sa
balkonahe ng room 218. Ito yung sinasabi sakin ni mommy na madalas akyatan ni dad
papunta sa kwarto nya.

"Erin!" Sigaw ni Akira pero wala na akong oras para lumingon pa sa itaas kaya
tinalunan ko na agad yung isang lalaking nakaabang sa pag talon ko. Nadaganan ko
sya at agad binigyan ng isang malakas na suntok.

Mabilis naman akong nakaiwas ng susugurin pa ako ng dalawa. Nakaakma akong


susuntukin ng isa pero nung balak kong umiwas, nasipa ako ng isa pa kaya napaatras
ako. Nakatayo narin yung una kong pinatumba kanina kaya tatlo na sila ngayong
pasugod sakin pero bago pa sila makalapit nag sidatingan na yung lima. Ugh!

"Erin, okay ka lang?" Tanong ni Akira ng bigla nalang syang sumulpot dito sa likod
girl's dorm. Tumango ako pero bakas parin sa muka nya yung pag aalala.

"Bakit ka naman tumalon? Paano kung may nangyari sayo" halos paiyak na sya kaya
natigilan ako.

"S-sorry" hinatak ko sya at saka niyakap. Di ko alam na ganun ang magiging epekto
sakanya ng ginawa ko. Like seriously, walang pake sakin yung mga taong nasa paligid
ko nung nasa Amerika ako, pero simula ng dumating ako dito everything has changed,
kahit gaano ako mag sungit sa isang tao they always insist to be my friend.
Nakakapanibago.

"Erin, okay ka lang?" Agad akong hinawakan ni Xian at tumango lang ako ng tipid.
Tumingin ako sa likuran nila at nakitang nakabulagta na yung apat.

"The hell?! Are you trying yourself to get killed?!" Sigaw ni Zero ng alisin nya si
Xian sa harap ko at hawakan yung mag kabilang balikat ko. Bakas na bakas sa muka
nya yung galit pero nanatili akong walang emosyon. The next thing happened?
Hinahatak na ako ni Tyler palayo sa lugar na 'yon kasama si Alex at Akira.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon" mahinahong sabi ni Tyler.

"Kaya ko naman sila tsaka you can let go of my hand na" agad nya akong binitawan
habang nakatingin sa malayo.

"Pasensya, hindi parin kasi ako sanay na may nag liligtas sakin, lumaki ako na ako
lang yung nag tatanggol sa sarili ko. Pakisabi narin sa iba na sorry" hinatak ko na
si Akira at nag punta sa kanya kanya naming classroom.

•••

Tahimik akong nakatingin sa bintana, may meeting kasi yung mga prof for the
upcoming camp. Tinatamad din akong lumabas, iniisip ko kung bakit sa dami ng tao
ako pa yung napili ng red org. Napahawak ako sa kwintas na binigay ni dad at
bumuntong hininga.

"Can we talk?" Agad akong napalingon kay Xian. Tumango ako at saka nya ako hinila
papunta sa rooftop para doon mag usap.

"Don't do that again Erin, we know you can handle them pero paano kung may dala
silang baril o kutsilyo? Paano Erin? Paano ka?" Kahit hindi nakatingin sakin si
Xian alam kong galit sya kaya hinawakan ko yung balikat nya para iharap sya sakin.

"I'm sorry okay? Last na 'yon pero Xi, sabihin mo naman sakin yung problema. You're
not in your usual self this past few days, madalas ka pa mag sinungaling. What
happened? Probity ka diba? Mahirap ang mag sinungaling para sayo" iniwasan nya ako
ng tingin at saka tumalikod. Hindi ko maintindihan kung bakit sya nag kakaganito.

"Xian ㅡ"

"Natatakot ako na baka pag sinabi ko ang totoo, iiwasan mo ko" pumunta ako sa
harapan nya para mag tama yung paningin namin. Bakit naman ako iiwas? Sa anong
dahilan?

"Tell me. Ano yung problema?"

"Wala, walang problema. It just that hindi ko na makontrol yung nararamdaman ko..
G-gusto kita Erin, matagal na. Bata palang tayo gusto na kita" hindi ko alam
magiging reaksyon ko dahil sa sinabi nya. Tumahimik kami saglit but i find myself
smiling.

"B-bakit?" Nauutal na tanong ni Xian. Hinawakan ko yung ulo nya at saka ginulo yung
buhok nya.

"I thought you're always been nice to me dahil kapatid ang turing mo sakin pero
higit pa pala doon" hinawakan ko yung kamay nya at saka sya tinignan ng diretso sa
mata.

"Thankyou Xi, thankyou for everything" nginitian nya lang ako at saka niyakap ng
mahigpit.

"There's no way na iiwasan kita dahil lang sa may gusto ka sakin. I guess, ganun
naman talaga kadalasan sa mag kakaibigan ㅡ" napahinto ako sa pag sasalita at saka
kumalas sa pag yakap. Naramdaman ko kasi na may iba pang tao dito at ng lumingon
ako mula sa entrace ng rooftoop, doon ko nakita si Zero. Nakatayo at nakatingin
samin.

"May prof na" malamig na sabi nya at saka bumaba. Nag tinginan muna kami ni Xian
bago sumunod.

Pag dating namin sa classroom, tahimik lang kaming naupo na parang walang nangyari.
Hindi ko alam kung bakit pero walang gaanong epekto yung sinabi ni Xian. Siguro
dahil matagal ko ng nararamdaman yung hidden feelings nya. May dugong keen parin
naman ako kaya malalaman at malalaman ko parin kung ano yung obvious na.

"Erin, Erin" i came back to my senses at saka tumingin kay Tyler. Lumingon lingon
ako sa piligid at nakitang wala na yung mga classmate ko, tanging sya at si Xian
nalang ang kasama ko.

"Maagang nag dismiss. Kain na tayo" aya ni Tyler at tumango lang ako.

Pag pasok namin sa cafeteria, nakita ko na yung pag kaway ni Kevin at Akira kaya
agad akong dumiretso doon.

"Si Chloe?" Tanong ko ng mapansing wala sya dito ngayon. Nag kibit balikat lang
yung dalawa kaya hindi narin ako umimik, pumila nalang ako para bumili ng pag kain.
Pasta at tinapay lang ang trip kong kainin ngayong araw kaya ayun na yung binili ko
at agad ding bumalik sa pwesto.

"A-ano, yung tatlong lalaki kanina sa likod ng girl's dorm ㅡ"

"Hmm, mga nakaaway ko lang 'yon. Balak siguro nila mag higanti, wag mo na isipin
'yon" pag putol ko sasabihin ni Akira. Tumango lang sya kaya inumpisahan ko na yung
pag kain pero hindi pa man ako nakakangalahati, may pumigil na sa kamay ko at
pwersahan akong hinatak patayo.

"Ano ba?!" Sigaw ko kay Xander. Pinepeste na naman ako ng lalaking 'to! Hindi nya
ako sinagot at marahang binitawan yung kamay ko.

"B-be my date!" sigaw nya na pumaalinlang sa buong cafeteria dahilan para huminto
ang paligid at makuha namin ang atensyon ng mga tao rito. What the hell?! Hindi ako
nakakibo agad, he gotta be kidding me.

♛♕♛

Hey guys! Hoho sorry sa sobrang late na update. Medyo busy sa mga interviews eh.
Hintay hintay lang sa mga upcoming update ha? Wag nyo sana ako madaliin. Ayun lang.
Maraming salamat ~ ♥

Chapter 18: Friends.

Chapter 18: Friends.


-
Mabilis lumipas ang araw. Ito na yung araw ng battleground, yung about naman sa pag
aaya sakin ni Xander na maging date nya, tinakbuhan ko lang sya nung araw na 'yon.
I really don't mind hanging out with him or what.
"Aki! Mauuna na ako" sigaw ko dahil naliligo palang sya. Hindi sya sumagot kaya
naman lumabas na ako at dumiretso sa Intrepids headquarter. Doon ko namang naabutan
si Zero na nakaabang sa may gilid, hindi ko sya pinansin at nag patuloy lang sa pag
lakad.
"Erin" tawag nya, parang first time nya tawagin yung pangalan ko ah.
"Problema?" Tanong ko at nanlaki nalang yung mata ko ng bigla nya akong yakapin.
Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa nya pero hindi ko sya tinulak at hinayaan
lang.
"A-anong problema mo?" Tanong ko ulit pero mas lalong humigpit yung pag yakap nya.
"Si Third, nahospital si Third. A-ayokong sabihin sayo dahil battleground ngayon
pero ㅡ" hindi ko na sya pinatapos at agad syang hinawakan sa kamay at saka hinila
palayo sa Intrepids headquarter.
"T-teka, saan tayo pupunta?" Tanong nya.
"Kay Third. Wala akong pake sa battleground. Pwede kong bugbugin yung Lexy na 'yon
kahit anong oras ko gusto" sabi ko habang hindi sya nililingon. Hindi na sya nag
salita pa hanggang sa makasakay nakami sa kotse nya.
Sabi nya mahina daw yung resistensya ni Third, hindi pwedeng mapagod ng sobra kaya
bumigay daw yung katawan habang nasa school dahil pinilit nyang mag basketball.
Hindi ko akalain na ganun si Third, hindi halatang mahina ang resistensya nya dahil
palagi syang cheerful at saka ang energetic nya.
"Magiging okay din si Third" sabi ko habang nag mamaneho si Zero, bakas na bakas sa
muka nya yung sobrang pag aalala nya. Hindi ko alam kung paano ko sya icocomfort,
kahit naman kasi sabihin na palagi kaming nag tatalo at hindi ganun mag kasundo,
part parin naman sya ng buhay ko at isa pa, kaibigan ko sya. Hindi nga lang halata.
"Yung sa spin the bottle. Si Xian ba tinutukoy mo? Montero?" Bigla nyang tanong
kaya kumunot yung noo ko, bakit ba big deal yun.
"No, fictional character 'yon, sa anime. Si Kuroko, you know how much inlove
basketball" seryoso kong sagot at nabigla nalang ako ng bahagya syang natawa. Hindi
ko alam kung nang aasar ba sya o ano eh, pero okay na yun. At least napatawa ko
naman sya. Bihirang bihira syang tumawa.
"Ay wow, makatawa sya"
"Haha, baduy. Akala ko naman kung sino" nakangiti pa sya ng sabihin nya 'yon.
Napailing nalang ako at saka nya ako nilingon.
"Friends?" Sabay naming tanong kaya sabay din kaming natawa pero sabay din kaming
tumango patunay na tinatanggap namin yung isa't isa bilang kaibigan. Pag tapos nun
hindi na ulit kumibo dahil nakarating na kami sa hospital, pero pag dating namin sa
kwarto kung nasaan si Third, natagilan si Zero. Nandoon kasi si Tita Zea at Tito
Jiro.
"Oh, anak. Erin. Pasok kayo" sabi ni Tita Zea. Ngumiti naman ako saka pumasok pero
hindi tumuloy si Zero, nag katinginan nalang sila Tito dahil sa inasal nyang 'yon,
mukang malayo parin talaga yung loob nya sa mga magulang nya. Hindi ko rin naman
sya masisisi.
"Hi ate" masiglang bati ni Third, agad naman akong naupo sa tabi nya at saka ginulo
yung buhok nya. Parang wala naman syang sakit.
"Pagaling ka ha? Para makalabas ka agad" sabi ko at tumango lang sya habang
nakangiti. Pag tapos nun ay nag kamustahan kami nila tita, ilang minuto rin kaming
nag kausap pero hindi parin pumapasok dito si Zero.

Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Erin pero hindi nya sinasagot, pinag aalala na
naman ako ng babaeng 'yon. Tigas talaga ng ulo. Kanina nag tanong ako sa isa mga
intrepid, hindi naman daw sumipot si Erin sa battleground kaya nag tantrums yung
Lexy.
Naiirita narin ako kay Kevin dahil kanina nya pa ako kinukulit. Baka daw nabaril na
si Erin at natuluyan, hindi ko alam kung bakit ko ba naging kaibigan 'tong lalaki
na 'to.
"Pag narinig lang nya yan, tignan mo hindi ka na sisikatan ng araw" sabi ko habang
nandito kami sa cafeteria, maya maya lang din ay dumating na si Chloe.
"Nakita daw lumabas sila Erin at Zero ng Academy kaninang umaga" sabi nya at
natahimik lang ako. Mukang napapalapit na sila. Sabagay, mag kababata naman kasi
sila. Ni minsan hindi ako nag karoon ng lakas ng loob lapitan si Zero, aaminin ko
naman na gusto ko na sya simula palang nung highschool kami. Kaschoolmate ko silang
lima pero si Alex lang yung medyo masasabi kong close ko dahil naging mag kaklase
kami.
"Huy! Nakikinig ka ba?!" Tanong ni Kevin kaya naibaling ko yung atensyon sakanya.
Nagiging tulala na naman pala ako.
"Ano ba 'yon?"
"Sabi ko may nag aya na ba sayo makipag date para sa upcoming anniversary ng
Academy" umiling lang ako, aasa pa ba ako na may mag aaya sakin? Si Erin meron na
kaso tinakbuhan nya, natatawa talaga ako pag nakikita ko yung reaksyon ni Xander,
akala nya siguro porket gwapo sya ay papayag na si Erin, not to mention na naging
mag kaaway sila noon.
"Ganun, hindi rin naman papayag si Erin pag inaya ko sya, kaya ikaw nalang" sabi ni
Kevin at tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Sus kunyare ka pa, si Aki naman talaga gusto mo kadate" pag singit pa ni Chloe
kaya nag talo na naman silang dalawa, napailing nalang ako. Nasaan ba kasi si Erin?

Nakalimutan kong dalin yung phone ko, panigurado nag aalala na naman yung tatlo.
Umalis narin sila tito at tita, dumaan lang daw kasi sila dito para kamustahin si
Third, mamaya lang din daw ay babalik na sila sa Europe para sa business.
"Ze, pahiram phone. Tatawagan ko si Aki" sabi ko habang nakaupo sya sa may sofa,
nakatulog narin kasi si Third. I wonder kung anong naging reaksyon ni Lexy nung
malaman nyang hindi ako pupunta sa battleground. Wala na akong pake kung sabihin
nyang duwag ako. Bibigyan ko nalang sya ng isang suntok para kahit papaano matuloy
parin yung sparring na gusto nya.
"Oh" Inabot nya sakin yung phone nya kaya dinial ko na agad yung number ni Aki,
mabuti nalang at kabisado ko. Well i guess i really considered her as a friend.
"Hello, sino 'to?"
"Hello Aki, si Erin 'to. Nakitawag lang ako kay Zero, nasa hospital yung kapatid
nya kaya nandito kami ngayon"
"ah ganun ba"
"Okay ka lang ba? Parang ang tamla ㅡ "
"Waah Erin sweetie ko" nailayo ko nalang yung phone sa tenga ko dahil sa pag sigaw
ni Kevin.
"Ah sige Aki, ibababa ko na. Bye"
"Napalapit kana talaga sa mga 'yon ah. Oo nga pla, nag confess na sayo si Xian
diba? Ano ng status nyo?" He suddelnly ask out of nowhere. Inabot ko yung phone nya
at saka naupo sa tabi nya. How should i answer him?
"Well uhm.. Actually i really love Xian ㅡ" Naputol ako sa pag sasalita dahil bigla
nalang syang naubo, hinampas ko naman ng malakas yung likuran nya kaya nasubsob sya
sa sahig.
"Ay hala sorry, napalakas ba" sarcastic na tanong ko pa.
"May galit ka parin sakin no?" bumalik sya sa inuupuan nya at nag kibit balikat
lang ako habang tumatawa kaming dalawa, mag kaibigan na nga talaga kami. Kaibigan
na nakakabiruan at nakakasamang tumawa. Ang sarap sa feeling, ganito pala
pakiramdam ng mag karoon ng kaibigan. From now on, pahahalagahan ko na sila. Sila
Aki, Chloe at kahit na nakakairita, isasama ko narin si Kevin, syempre yung lima
kong kababata na ngayon ay taga pag protekta ko na. I need to step forward, hindi
na dapat ako mag paapekto sa nangyari noon sa Amerika.
"Nginingiti ngiti mo?" Tanong ni Zero kaya agad ako napalingon sakanya.
"Wala masaya lang ako na hindi na ako natatakot makipagkaibigan, by the way.
Nagugutom na ako, bibili lang ako ng pag kain natin" Tumayo na ako at pahakbang na
sana pero pinigilan nya ako. Tinignan ko lang sya at nag hintay sa sasabihin nya.
"Take care of Xian, he really loves you" sabi nya kaya naman medyo napangiwi ako.
What's gotten to him?
"Yah i will, don't worry. Mahal ko rin naman si Xian pero not in romantic way, i
love him as a brother. Yun lang yun, nung sinabi nya na gusto nya ako, wala akong
naramdaman. Hindi dahil sa manhid ako kundi dahil baka nacoconfuse lang sya kaya
nya nasabi 'yon" sabi ko at binitawan na nya ako kaya lumabas narin ako ng kwarto.
Weird din nya talaga minsan, kasing weird ng pangalan nya. Tsk, but i really hope
na nacoconfuse lang talaga si Xian dahil hindi ko maipapangako na maibabalik ko
yung pagmamahal na binibigay nya sakin.
♛♕♛
Pakiramdam ko ang pangit na ng story :( huhu. By the way, guys. May pinublish akong
new story.(Aratasia Academy: The seven guradians) Gusto ko kasi mag try ng fantasy.
Sana basahin nyo. Give it a try ♥
Chapter 19: Sparring to death.

Chapter 19: Sparring to death.


-
Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon, dito sa bahay nila Zero na sya at ako
lang ang mag kasama.
"Bakit ba tayo nandito? Okay lang ba si Third na katulong lang ang kasama nya?"
Tanong ko habang nag lalakad paakyat sa hagdan, wala akong idea kung bakit kami
nandito. We supposed to be in the hospital right now!
"Mahimbing naman syang natutulog..samahan mo ako sa kwarto" bigla nalang akong
naubo sa sinabi nya. Ano na naman ang iniisip ng lalaking 'to?! He's so casual
about it!
"Hoy wag kang nag iisip ng kung ano, di kita r-rapin. May ibibigay lang ako" sabi
nya habang hindi ako nililingon. Pag pasok naman namin sa kwarto nya, bigla nalang
akong namangha.
"You really love robots? Don't you?" Tanong ko ng makita ko ang napakaraming robots
na nakapila sa isang mahabang cabinet.
"Mas #$%&*"
"Ha? Ano? May binubulong ka?" Lumapit ako sa mga robot na collections nya,
napangiti ako kasi nandoon yung robot na pinag aagawan namin noon. Yung bigay ni
Xian sakanya pero pilit kong kinukuha.
"Wala. Tara na, doon tayo sa kusina" nilingon ko sya at nakitang may hawak syang
libro at plastic. Napatingala nalang ako ng iabot nya sakin yung libro. Cook book?
Ito ibibigay nya sakin? Unbelievable.
"Gusto ko ipagluto si Third, tulungan mo ko" sabi nya at lumabas na. Wala naman
akong nagawa kundi ang sundan sya papunta sa kusina. Nag suot sya ng apron at
nabigla nalang ako ng suotan nya rin ako. Nakatingin lang ako sakanya at ganun rin
sya sakin.
"Erin, i lik ㅡ"
"Nandito pala kayo ㅡ" napalingon kaming dalawa dahil sa boses ni Jester. Maya maya
lang din ay nag sidatingan na sila Alex, Tyler at Xian. They just stared at us. Ano
naman ang ginagawa ng mga 'to dito?
"A-anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Zero pero nanatiling tahimik yung apat. They
must be shocked, tss hindi naman nila kailangan maging oa dahil lang sa nakikita
nilang mag kasundo na kami ni Zero. Seriously, hanggang kailan nila balak tumitig
samin ng ganyan?
"Guys, oa na ha. Oo na mag kasundo na kami ni Zero, bakit nga kayo nandito?" Agad
lumapit samin si Xian at inakbayan kaming dalawa. Sakanilang apat, sya lang yung
masaya and to be honest, i can still see the sadness in his eyes. Bakit? Bakit
ganun?
"Nag punta kami ng hospital pero sabi ng mga katulong umuwe kayo kaya nandito kami.
Kayo? Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Xian ng bumitaw na sya samin.
"Ah, ito kasi gusto nya daw ipagluto si Third. Tutal nandito narin kayo, mind
helping us? Para mabilis tayong makabalik sa hospital" sabi ko at nag sitanguan
lang sila habang si Jester lumabas ng kusina. Cold talaga kahit kailan. Hindi ko
alam na mas malala pa pala sya kay Zero.
CHLOE'S P.O.V
It almost 5 hours na ng umalis si Erin, hindi ko narin mapigilan yung sarili ko
dahil sa panggugulo na ginagawa ni Lexy, pakiramdam daw nya minaliit sya dahil sa
hindi ginawang pag punta ni Erin sa battleground as if walang halaga sakanya yung
event na 'yon.
"Ano ba?! Hindi nyo sasabihin kung nasaan yung kaibigan nyo?" Sigaw nya.
Kasalukuayan kaming nasa field ngayon at maraming estudyante na ang nakatingin
samin. Nakatago lang si Aki at Kevin sa gilid ko dahil ayaw daw nilang mabugbog.
"Hindi nga namin alam! Wag ka nga mag iskandalo. Kung gusto mo manatiling maayos
yang muka mo, wag mong hamunin si Erin sa paraang hindi nya magugustuhan!"
"Do you think mat-threaten ako sa sinasabi mo? Eh wala namang binatbat yang Erin na
yan, ang sabihin nyo. Natatakot lang sya kaya sya nag tatago ㅡ"
"Sinong nag tatago?" Hindi pa man ako lumilingon, napangiti na ako ng marinig ko
yung boses nya.
"The badgirl is here" Sabi ko at saka nag bigay ng daan kay Erin para harapin si
Lexy. Mas dumami lalo yung tao sa paligid, pati sila Alex ay nasa likuran narin
namin para manuod sa mangyayaring sparring. Himala hindi nila pinigilan si Erin.
"Teka, hahayaan lang ba natin si Erin?" Nag aalalang tanong ni Aki ng hawakan nya
yung kamay ko.
"The question is, hindi ba natin pipigilan si Lexy?" sarcastic na tanong ng
nakangising si Jester. Mukang kumpyansang kyumpansa sya na si Erin ang mananalo sa
battle na 'to ah, well muka namang nasaa mood sya ngayon para ipamuka kay Lexy na
walang lugar yung salitang takot sa bokabularyo nya.
ERIN'S P.O.V
Tuwang tuwa si Third sa niluto namin, well thanks to Tyler. Kung hindi dahil
sakanya baka mas lalong nag kasakit si Third.
/Flashback/
"Erin, ikaw nga muna mag halo nito. May kukunin lang ako" sabi ni Zero kaya pumunta
ako sakanya at hinalo yung niluluto nyang lugaw. Nilapitan naman ako ni Xian para
tignan kung maayos ba yung pag kakaluto pero ㅡ
"Teka, bakit iba yung kulay?" tanong nya, eh wala naman akong alam. Never pa naman
ako nag luto at anong malay ko sa kulay ng lugaw.
"Ah, nabuhos kasi yung paminta kaya medyo kulay grey na sya. Tinikman ko masarap
naman eh. Tikman mo" Sabi ni Zero ng akbayan nya si Xian. Nakiusosyo narin dito sa
Alex at Tyler.
"Teka, shell ba yan ng itlog?" tanong ko at agad sinamaan ng tingin si Zero.
"Ako na nga mag luluto, lalo mag kakasakit si Third sainyo eh" prisinta ni Tyler at
tumawa nalang kami. Pag tapos nya mag luto ay bumalik na kami sa hospital pero
hindi rin kami nag tagal.
/end/
Nasa may parking lot na kami ng mapansin namin may mga taong nag kukumpulan sa
tapat ng malaking puno sa may field. Hindi na dapat kami makikiusosyo pero narinig
ko yung boses ni Chloe.
"Wag kana makichismis" sabi ni Alex ng humakbang ako, hindi ko sya pinakinggan at
nag patuloy lang sa pag lakad.
"Do you think mat-threaten ako sa sinasabi mo? Eh wala namang binatbat yang Erin na
yan, ang sabihin nyo. Natatakot lang sya kaya sya nag tatago ㅡ"
"Sinong nag tatago?" tanong ko at saka nag lakad paabante.
"The badgirl is here" sabi pa ni Chloe ng bigyan nya ako ng daan. Hinarap ko si
Lexy, nakatingin lang sya sakin ng masama but i remained poker face. Kailangan ko
ba sya pakitaan ng emosyon? She's not even worth it.
"There you are" ayun lang yung sinabi nya pero mabilis nya akong sinugod. I dodged
her attacks, masyado syang aggressive. Bitaw lang sya ng bitaw ng mga suntok na
hindi na nya namamalayan na paparating na yung paa ko sa sikmura nya.
"Damn you bitch!" Sigaw nya ng mapaatras sya sa ginawa kong pag sipa.
"It's that the best you can do?" bored kong tanong at humikab pa ako para mas lalo
syang mainis. Naiirita ako.
"Don't be so full of yourself! You're nothing but a trash!" Sinugod nya ulit ako
and as usual naiwasan ko yun pero hindi ko inasahan na mabilis nyang mahahatak yung
buhok ko gamit yung isa nyang kamay. Hinila nya 'yon at saka ako inuntog sa tuhod
nya, nakaramdam ako ng pag kahilo at hindi nakabawi agad kaya nasuntok nya pa ako
ng dalawang beses.
"What now bitch?!" Tanong nya, sinamaan ko lang sya ng tingin at saka dinura yung
dugong nalalasahan ko ngayon, tch. She's really serious about this huh.
Dumiretso ako ng tayo at saka hinintay yung pag sugod nya, aaminin ko na malakas
sya but that's not enough para matalo nya ako. I've been through a lot at hindi ang
gaya lang nya ang makakapag patumba sakin ng madalian.
Naiwasan ko yung una nyang suntok at saka nag pakawala ng malakas na suntok na
pinatama ko sa mismong sikmura nya, Wala narin akong panahon mag aksaya ng oras
sakanya kaya sinuntok ko pa sya ng isang beses sa muka.
"Erin, tama na" Suway ni Xian mula sa likuran ko. Nilingon ko sila at saka tumango,
medyo nahihilo narin ako. Pahakbang na sana ako papunta sakanila pero naramdaman ko
yung pag tayo ni Lexy, agad ko syang nilingon at saka sinipa ng malakas bago pa nya
maihampas sakin yung batong hawak nya.
"Pathetic" sinamaan ko ulit sya ng tingin at saka nag patuloy sa pag lakad. Agad
naman akong inalalayan nila Chloe para dalin sa infirmary dahil sa mga ilang sugat
na natamo ko. I wonder kung paparusahan ulit ako ni Travis, but obviously. Hindi
naman ako ang nag umpisa ng gulo.
"Sige na ako, ako na bahala kay Erin" sabi ni Chloe at tumango lang yung lima,
ganun narin si Kevin at Akira. Nang maiwan kaming dalawa ni Chloe dito sa
infirmary, agad nyang hinawakan yung kamay ko. She's acting strange.
"May problema ba?" tanong ko.
"You're aberrant right?" tanong nya at nanlaki nalang yung mga mata ko. Hindi ko na
nga nagawang ibuka pa yung bibig ko. Paano nya nalaman?

Chapter 20: True kind.

Chapter 20: True kind.


-

"Anong pinag sasabi mo? Aberrant you say? May kind bang ㅡ "

"You can't hide it from me Erin, Aberrant ka" agad kong binitawan yung kamay ni
Chloe, i don't know what's going on. Should i tell her? No, i can't do that. Oo mag
kaibigan kami pero hindi ko pwedeng ibigay yung tiwala ko ng ganun nalang, but the
question is, paano nya nalaman?

"You don't need to worry about it, you can trust ㅡ"

"Sweetie ko, binilhan kita ng marshmallow. Kumain ka para gumaan pakiramdam mo"
nakahinga ako ng maluwag dahil sa pag dating ni Kevin, finally. May nagawa rin
syang tama. Tinignan ko lang si Chloe at saka nginitian ng tipid, something's odd.
I feel so uneasy.

"Ihahatid ko na sa kwarto nya si Erin, tingin ko mas makakapagpahinga sya doon"


sabi ni Tyler ng pumasok sya ng infirmary. Bumangon narin ako agad, mabilis lang
naman nalinis yung sugat ko kaya wala ng dahilan para manatili pa ako sa lugar na
'to.

"Salamat Chloe, Kevin" sabi ko at saka lumapit kay Tyler. Agad nya akong inalalayan
papunta sa girl's dorm. Sabi nya may inasikaso daw yung apat kaya sya na ang nag
insist na mag hatid sakin. Damn! Hindi mawala sa isip ko yung mga pinag sasabi ni
Chloe.

Kinabuksan, saturday and as usual walang klase. Medyo masakit ang katawan ko kaya
wala akong balak bumangon, gusto ko mahiga mag damag. Wala rin naman akong gagawin
ngayong araw.

"Erin, okay ka na ba? lalabas lang ako saglit ha" Tumango lang ako at lumabas din
agad si Aki, naiwan nyang bukas yung laptop nya. Kanina pa sya nakatutok doon,
ayoko sanang pakialaman pero parang nakita ko kasi yung muka ni Zero or baka
namalik mata lang ako?

Para makasigurado, lumapit na ako sa kama nya at tinignan. Video pala 'yon pero
tama nga yung nakita ko. Nandoon si Zero, natawa ako nung iplay ko yung video.
Sumasayaw pala sya at ang nakakabigla eh ganun din sila Xian at yung tatlo.
Napapangiti nalang ako pero napansin ko na kay Zero lang nakafocus yung camera.

"E-erin" kumaripas ng takbo si Akira papunta sakin, biglang bigla sya dahil sa
pinapanuod ko.

"Sorry pinakialaman ko. Hindi mo naman kailangan itago eh, may gusto ka kay Ze
diba?" Nakangiting tanong ko at bigla nalang syang namula. Hindi nya pala alam na
keen din ako kaya kahit itago nya, malalaman at malalaman ko parin kasi obvious
naman eh.

"Sino 'tong ibang kasama nila?" Tanong ko. Naupo narin sya sa tabi ko at sabay
naming pinanuod.

"Mga kagrupo nila, Nung 3rd highschool kasi nag pacontest yung school, bumuo sila
ng grupo tas ayan, that time gusto ko na si Zero, please Erin. Secret lang natin
'to ah" makaawa nya at tumango lang ako.

"Dito rin ba nag aaral yung mga yan? di ko sila nakikita"

"Ah hindi, nasa ibang academy sila. May rumor kasi na nag away away sila kaya nag
hiwalay sila ng college school na papasukan, bakit? interesado ka ba sa isa
sakanila?" Pilyang tanong nya at tumawa lang ako.

"Over my dead body" Tumayo na ako at saka bumalik sa kama. Marami pa pala akong
hindi alam tungkol sakanilang lima, i want to know them more.

Agad akong bumangon ulit at nag punta ng banyo para maligo, wala naman akong
gagawin kaya aayain ko nalang yung lima, pakiramdam ko kasi pag tapos ng weekend,
mas magiging magulo na yung buhay ko. It's strange pero alam kong ano mang oras,
dadating na yung sunod sunod na problema.

•••

"What's with you all of a sudden?" Tanong ni Jester pag dating ko sa parking lot
kung saan sila nag hihintay. Napansin ko na kanina pa may nag mamasid sakin pero
hindi ko pinansin.

"Wala akong magawa eh, gusto ko pumunta ng amusement kasama kayo" nakangiti kong
sabi at lahat sila natahimik.

"You've really changed, Erin. Pero sure ka ba? Look at you, kakagaling mo lang sa
away kahapon" nag aalalang sabi ni Xian ng hawakan nya yung muka ko. Ngumiti ako
lang ng tipid at saka tumango.

"Sure ako, galos lang naman 'to eh. Ano? Let's go?" Aya ko at wala rin silang
nagawa kundi ang sumakay sa kotse, hindi narin kami nag hiwalay kaya kay Xian na
yung ginamit namin dahil sya lang yung may malaking kotse sakanilang lima.

"Guys, aware ba kayo na aberrant ako?" Tanong ko at tahimik lang sila. Hindi ko
kasi matandaan kung alam ba nila, ang pagkakatanda ko kasi si Alex lang yung may
alam sa totoo kong kind.

"What do you mean?" Tanong ni Zero.

"Keen, insolent at intrepid yung kind ko kaya ako naging aberrant"

"Seryoso ka ba? Paano ka nakapasok sa academy?" Tanong ni Xian.

"Because of dad, pineke nya yung result test ni Erin. Aware naman kayo na delikado
yung mga aberrant sa academy right? Sekreto lang natin 'to" pag singit ni Alex.

"Pero alam ni Chloe, hindi ko sinabi at hindi rin ako umamin pero sabi nya hindi ko
maitatago sakanya na aberrant ako. What should i ㅡ"

"Guys! Yuko" biglang sigaw ni Xian at mabilis akong nayakap ni Jester para yumuko.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakarinig nalang ako ng putok ng baril. Nag
pagewang gewang narin yung kotse.

"The hell!" Sigaw ni Zero, nasa harapan kasi sya habang nasa likod naman kaming
apat nila Tyler.

"Kumapit kayo" sabi ni Xian at mabilis nyang pinatakbo yung kotse. Nakita ko namang
may hinugot si Tyler sa may pantalon nya. The fuck? Bakit may dala syang baril? He
gotta be kidding me.

"Tyler, bakit ㅡ"

"Don't worry, marunong akong gumamit. Lahat kami meron nito" sabi nya at mabilis
nyang binuksan yung bintana. Nilabas nya yung kamay nya at agad pinaputok yung
baril sa kotseng nasa harapan namin. Mukang pinatama nya 'yon sa gulong kaya
bumangga yung kotse sa puno.

"Mabuti nalang at bulletproof yung windshield ko" sabi ni Xian. Eh bakit pinayuko
nya pa kami? Ugh. Hindi ko akalain na ngayon na darating yung problema. Sabi na at
kanina pa may nag mamasid sakin.

"Bumalik na tayo sa academy" suhestiyon ni Alex.

"Hindi. Sure ako na may red organization sa academy, hindi narin ako sa safe dun.
Natatandaan nyo naman yung tatlong lalake noon eh.. Hindi na sila nakasunod kaya
tumuloy na tayo sa amusement" kalmado kong sabi.

"You're really unbelievable, nasa bingit na ng kamatayan yang buhay mo gusto mo


parin mag amusement?" Natatawang sabi ni Zero.

"Para saan pa at naging Cross ang apelyido ko kung madali rin akong matatakot?"
Napailing nalang sila at tumuloy sa byahe na parang walang nangyari.

Pag dating namin, bumili kami agad ng ride all you can ticket, sinulit namin yung
araw para mag saya. Lahat ng rides sinakyan namin pero hindi rin kami nag tagal
dahil inaalala nila ako, kaya kahit ayoko pang umuwe wala akong nagawa kundi ang
sumunod sa gusto nila.

"Hi mga kuya, pwede bang mag papicture sainyo?" Sabi ng mga babaeng lumapit samin.

"Ah okay lang" nakangiting sabi ni Xian. Tch, masyado syang mabait. Ano bang
feeling ng mga babaeng 'to? Mascot yung mga kasama ko?

"Ate, pakipicturan mo naman kami oh" inabot sakin ng babae yung camera pero
tinitigan ko lang 'yon. As if naman mag papautos ako sakanya.

"Wala na kaming oras eh" inakbayan ako ni Zero at saka nag lakad palayo sa mga
babaeng 'yon. Naging maingat rin kami sa pag balik sa academy dahil sa insidenteng
nangyari kanina.

Mabilis lumipas ang oras, mag kakasama kami ngayon nila Kevin kasama si Akira at
Chloe, hindi rin mawawala yung lima dahil nag dodoble protekta na sila ngayon
sakin. Ayoko naman sayangin yung araw kaya inaya ko na sila kumain, who knows. Baka
sa susunod na araw hindi ko na 'to magawa.

3RD PERSON'S P.O.V

Pinag mamasdan ko lang yung mga kaibigan ko, saturday is really boring pero pag
kasama ko sila sumasaya ako. Kasalukuyan kaming kumakain ng tumunog yung phone ko.

"Sagutin ko lang 'to" paalam ko sakanila at agad lumayo sa lamesa kung saan kami
nakapwesto.

"Mom, napatawag ka?"

"Are you with Erin right now?" Panandalian akong hindi nakasagot dahil sa tanong ni
mommy.

"Hmm, yes. Bakit? May kailangan ka ba sakanya?"

"Help me to do my plan, gusto kong iupdate mo sakin lahat ng lakad nya, kung nasaan
sya at kung sino ang mga kasama nya"

"Wait, why? You're being weird ma"

"Just do what i say, ayaw mo naman siguro na pumatay ako ng tao diba?" Muntik ko ng
mabitawan yung phone ko. Anong nangyayare?

"Wait, ma. What's with you all of a sudden?"

"Gusto kong mapasakamay ng red org yang Erin na yan. Kung ayaw mong sundin yung
gusto ko, ako mismo ang papatay dyan sa kaibigan mo" napalingon ako sa lamesa kung
saan kami nakapwesto nila Erin. I don't know what's going on. Si mommy ba talaga
yung kausap ko ngayon?

"I need your answer!"

"O-okay, ano bang nangyayari? Bakit bigla ka nalang naging ganyan kay Erin ㅡ"
binaba ni mama yung tawag at naluha luha akong bumalik kung saan kami nakapwesto.
Tuwing ik-kwento ko si Erin sakanya, masaya naman sya pero ngayon, anong nangyari?
Kaya ko bang gawin yung pinapagawa nya?

♛♕♛

Hello, ask ko lang kung may mag babasa ng Academia: The Seven guardians dito?

I need your feedback, anong masasabi nyo sa story? Huehue, iniisip ko kasi kung
itutuloy ko pa o hindi na. Lol. Me is so magulo talaga 😂

Chapter 21: Anniversary party.

Chapter 21: Anniversary party.


-
ERIN'S P.O.V
Lumipas ang ilang araw, nakakapagtaka dahil hindi ko na naramdaman yung presensya
ng red org, i wonder kung pinag paplanuhan na nilang maigi kung paano ako mapupunta
sa mga kamay nila.
"Erin, let's go" aya ni Aki, ngayon na kasi yung anniv ng academy, wala syang
choice kundi si Kevin ang maging kadate. Weird man pakinggan pero yung lima yung
kadate ko ngayong gabe. Well, wala akong magagawa. Sinesecure lang naman nila yung
safety ko.
Pag dating namin sa function room, tumutugtog na yung banda. Unlike the
acquaintance, mas marami yung tao ngayon kasi whole level ang pwedeng umattend.
First year to 4th year.
"Erin dito, nakapwesto na sila dun" aya nya ni Aki ng tumuro sya sa isang lamesa
kung saan nakaupo sila Chloe at Kevin. Papunta na sana kami dun ng bigla nalang mag
hiyawan yung mga tao. Napalingon kami sa entrance kung saan nandoon yung lima.
"Sige Aki, una kana" sabi ko at saka nag punta sa may entrance. Malayo palang
nakikita ko na yung tabinging bowtie ni Xian.
"What took you so long?" Tanong ko ng ayusin ko yung bowtie nya. Napansin ko rin na
pinag titinginan kami. Okay, wrong move yun.
"Tara na" aya ko at saka nag punta kung saan nakaupo sila Chloe. Sampung tao kasi
ang kasya sa isang lamesa kaya nag sama sama na kami. Tinignan ko lang si Aki,
halatang kinakabahan sya dahil katabi nya si Zero, gusto kong matawa pero deep
inside naiirita ako. Lol ano bang nangyayari sakin?
"Muka kang babae ngayon" sabi ni Ze habang nakatingin sakin. Sinamaan ko naman sya
ng tingin.
"Talaga? Well, muka kang tao ngayon" ngumiti ako ng pilit at saka tumawa si Jester.
Sya lang yung masaya, maliban kasi sakin sya lang ang may lakas ng loob pag tawanan
o asarin si Zero.
"You're laughing too much Jes" puna ni Alex at tumahimik bigla yung paligid dahil
huminto sa pag tugtog yung banda. Umakyat ng stage si Tito Axel kasama si Travis at
Gino.
"Goodevening everyone ㅡ" panimula ni tito Axel pero naputol yung sinasabi nya ng
may sumigaw.
"Yoyoyo!" Naibaling ni tito yung paningin nya sa entrance. Para namang naging
estatwa si Tyler.
"Boses ni dad yun ah" sabi nya kaya agad kaming napalingon. Para akong sinabuyan ng
malamig ng tubig ng makita si dad, kasama si mom pero hindi lang 'yon, pati yung
parents ng lima. The hell?!!! Sabay sabay kaming napatayo at tumakbo sa mga parents
namin.
Another scene na naman kung saan inaagaw namin yung atensyon ng mga tao. Nakakahiya
pero wala akong pake.
"Mom, dad. The hell? Bakit kayo nandito?" Hindi makapaniwalang tanong ko, hindi
nila ako sinagot pero niyakap lang ako ni mommy.
"Anniversary ng former school namin kaya naisip namin na mag reunion" paliwanag ni
tita Ayesha kay Xian. Okay that's weird.
"Mawalang galang na sa mga gurang dyan sa may entrance. Maupo kayo, nag s-speech
ako dito. Wag nyo agawin 'tong moment ko na 'to gaya ng ginawa nyo noong
graduation" seryosong sabi ni tito Axel kaya naman umalis na kami sa entrance at
naupo silap sa katabing lamesa, bumalik narin kami sa mga upuan namin.
"So again goodevening students. Yung mga gurang na nakita nyo kanina ay mga alumni
ng Monstrous Academy. Tonight is the anniversary of our beloved school. Enjoy the
rest of the night" bumaba na si tito Axel kasama sila Travis. Dumiretso sila sa
lamesa kung nasaan sila dad.
"Oh my god! Unexpected 'to" kinikilig na sabi ni Aki, ayan na naman sya sa pagiging
possesive nya.
"Nakakainggit" nakapalumbabang sabi ni Kevin. Maya maya pa ay may lumapit kay
Chloe. Hawig na hawig nya yung lalake, medyo pamilyar.
"Titi Jin. Tita Pink" sabi ni Jester sabay beso. Malawak naman yung naging ngiti ni
Chloe. Tama, isa si tito Jin sa mga kaibigan ni Dad. Anak pala nila si Chloe? So i
guess i can trust her?
"Mom, dad. Bumyahe kayo dito? Sino natira sa bahay natin sa Japan?" Tanong ni
Chloe.
"Si baby at yung dalawang katulong.. Sige na enjoy nyo yung party, puntahan lang
namin yung iba" sabi ni tita Pink at saka lumapit sa lamesa kung nasaan yung ibang
alumni.
Tahimik lang si Zero kaya hindi na ako nabigla.
"Hi ate" agad akong napalingon sa yumakap sakin.
"Third" tumayo ako at saka sya pinaupo sa bakanting upuan na nasa tabi ko. Agad
naman nakipag palit ng pwesto si Zero kay Alex para katabi rin nya si Third. Napuno
ng kwentuhan yung buong lamesa kung nasaan kami at ganun din sa pwesto ng mga
parents namin. I feel like i'm dreaming. Seriously, ang saya sa pakiramdam.
Nagiging malapit narin sila Chloe, Kevin at Aki sa apat, si Zero kasi kay Third
lang nakalaan yung atensyon. Parang halos kaming tatlo nga lang yung nag uusap.
"Ate Erin, sayaw tayo" aya ni Third at agad kaming tumayo. Nag sayaw kami sa gitna,
sa maigsing panahon napamahal na talaga sakin 'tong bata na 'to.
"Ate, may secret akong sasabihin pero pangako mo na hindi mo 'to ipagsasabi sa iba
ha?" Sabi nya at nakangiti akong tumango.
"Gusto ka ni kuya" naubo nalang ako bigla sa sinabi nya. Tinapik tapik nya yung
likuran ko at saka nag patuloy sa pag sayaw.
"Nakakasamid naman yung joke mo"
"Totoo yun, lagi ka nya kinukwento sakin. Bukangbibig nga nya yung pangalan mo.
Sabi nya sakin bata palang gusto ka na nya, gustong gusto ka nyang inaaway kasi ang
cute mo daw pag galit. Nagalit rin sya sayo kasi iniwan mo daw sya noon ng walang
pasabi kaya nung bumalik ka hindi nya alam kung paano ka haharapin at paano pa
kokontrolin yung feelings nya.."
"..Sinubukan nga daw nyang maging cold sayo pero ang hirap daw.. Er, pag nalaman ni
kuya na sinabi ko sayo lahat 'to, panigurado magagalit yun" tahimik lang akong
nakikinig sa kwento ni Third. Bumibilis yung tibok ng puso ko sa bawat word na
lumalabas sa bibig nya.
"Natatakot lang daw sya umamin sayo kasi alam nyang mahal ka din ni Kuya Xi. Alam
mo ba na gusto din kita, hehe kung malaki na ko katulad mo liligawan kita eh, kaso
ayokong agawan si kuya" natatawang sabi ni Third. Ngumiti naman ako at ginulo yung
buhok nya.
Hindi nawawala yung mabilis na pag tibok ng puso ko. Sure naman ako na hindi mag
iimbento ng kwento si Third, napatingin ako sa lamesa namin kung saan nakita kong
pinapanuod kami ni Zero. Pakiramdam ko nag init yung mga pisngi ko kaya umiwas ako
ng tingin. The hell Erin, anong nangyayari sayo?!
"Third, pwede ko ba mahiram yung maganda kong anak?" Biglang sabi ni daddy.
"Opo tito Thunder, bye ate Erin" ginulo ko yung buhok ni Third at saka nakipag
sayaw kay dad. I bet alam na nila yung nangyari samin nung nakaraang araw. Kahit
naman hindi sabihin sakin ng lima, alam kong lagi nilang ina-update si dad.
"Parang nakita kong nag b-blush ka kanina. Inlove?" Nasamid nalang ako sa sudden
question ni dad. Seriously! Ang dilim sa kinatatayuan namin. Nakita nya pa 'yon?
"You're just like your mom, naikwento nya na ba sayo noon na lima rin yung naging
kadate nya sa party?"
"Yah, doon nga daw nangyari yung first kiss nyo at dahil sakanya nasira yung party.
What if, sirain ko din 'tong party dad? What do you think?" Tinaas taas ko yung
kilay ko habang nakaevil smile.
"Gusto ko yan pero nandyan mommy mo. Mayayari ako" sabi ni dad at sabay nalang
kaming natawa. Maya maya ay nag paalam syang isasayaw si mommy, babalik na sana ako
pero nilapitan ako ni Xian. Kami naman yung nag sayaw.
"Yung mga parents natin, napakaunexpected" sabi nya at sumangayon ako. Seryoso lang
kaming nag sayaw habang nakatingin sa isa't isa but something's odd. Why again?
"Erin, anong problema?"
"Someone's staring at me, sa malayo. May nag mamasid sakin" lumingon lingon sa
paligid sa Xian pero hinawakan ko yung dalawa nyang pisngi para iharap ulit sakin.
"It's okay, let's enjoy the party ㅡ"
"Paano natin maeenjoy kung alam nating anytime pwedeng may umatake sayo?" Nag kibit
balikat lang ako habang nakangiti pero nanlaki nalang yung mata ko ng bigla nyang
ilapit yung muka nya sa muka ko.
"W-why?" Tanong ko pero hindi sya sumagot. The next thing i know? Nakatayo na sa
gilid namin si Zero kaya lumayo na si Xian.
"Hindi safe dito, let's go. Maraming tao ang madadamay. Sabi ni Tita Rain, may
nakita daw syang lalaki na may dalang baril. Hindi sya nag iisa" sabi ni Zero.
Tumingin ako sa lamesa kung nasaan sila dad. Nakatayo na sila lahat.
"Lalabas tayo, si Alex na bahala kila Akira. Let's go"
"Si Third, paano si Third?" nag aalala kong tanong.
"Kasama nya si mommy, tara na" aya nya at mabilis kaming lumabas ng function hall.
Hinawakan ni mommy yung mga kamay ko. She's mad. I can see it in her eyes.
"It's okay Erin. Poprotektahan kita. Tamang tamang lang yung plano namin ng daddy
mo" hindi ko na nagawang tanungin pa si mommy, obvious naman na alam nilang
mangyayari 'to. Sabi na at hindi lang simpleng reunion ang pinunta nila dito.
"Beb, Pink. Kayo muna bahala kay Erin. Sasama ako kila Thunder sa pakikipaglaban.
Marami ng red org sa paligid. Sila Axel at Amanda na bahala sa mga estudyanteng
naaa function hall, Tymee let's go" mabilis akong nahatak ni tita Ayesha palayo kay
mommy. Nakita ko yung baril sa bulsa nya. Shit! Anong binabalak nya? Makikipag
barilan sa red org with the rest of dad's gang?
"Tita sorry" mabilis kong natabig yung kamay ni tita Ayesha at kumaripas ng takbo
papunta sa puno kung saan nakita kong may nag mamasid sakin. Mabilis ko 'tong
hinampas sa batok at kinuha yung baril na hawak nya.
"Erin! What are you doing?" tanong ni mommy kung saan nakapwesto na sila sa dulo ng
field at malayo sa function hall.
"Sorry mom, i can't let you do this alone. Ako yung target nila ㅡ"
"Stay behind my back, kahit anong mangyari wag kang aalis dyan sa likod ko" biglang
sumulpot si Zero sa harapan ko. Lumingon ako kung nasaan sila Xian, may mga hawak
rin silang baril. Are they serious about this?! Gagawin talaga naming battlefield
'tong school? Yah i want to ruin the party pero hindi sa ganitong paraan.
"Labas!" nakakatakot na sigaw ni dad at nanlaki nalang yung mata ko ng makitang
nagsisulputan yung mga red org, lagpas pa sila sa bente. Gagawin talaga nila lahat
para makuha ako. Kahit ano namang gawin nila hindi ko maibibigay yung code dahil
nakalimutan ko na.
"Drop your guns" sabi ni tito Jiro, nakikipagsundo sila na walang gagamit ng armas
dahil nga nasa ekswelahan kami. I wonder kung pag tapos nito, makakapasok parin
kaya ako sa academy na 'to?
"I'll let you get my daughter, ayun ay kung kaya nyo" sabi ni mommy at mabilis
nilang binaba yung mga hawak nilang baril, ganun din yung red org kaya wala naring
nagawa sila Zero kundi ang lumaban gamit lang yung mga katawan nila.
"Yown! Let's go mga yokai" sigaw ni tito Jasper at mabilis silang nakipaglaban,
napapa wow nalang ako sa nakikita ko, it's my first to see them fight again,
idagdag pa na kasama nila si mommy at tita Tymee. Ang cool!
I need to make an appearance, ako ang bida ngayong gabi kaya kailangan ko rin
makipaglaban, hahakbang na sana ako pero mabilis akong nilingon ni Zero.
"I told you to stay behind my back, hahalikan kita pag umalis ka dyan" seryosong
sabi nya at natigilan ako, pinanuod ko nalang kung paano nya paduguin yung ilong
nung lalaking sumugod samin. Seriously! ako bida dito, kailangan kong mag stand
out!
"Sorry pero hindi nakakatakot yung threat mo" natatawang sabi ko at saka sinipa
yung lalaking pasugod sa gilid nya, the next thing i know? Nakikipaglaban na ako
kasama sila Xian at dad. Best night of my life!
♛♕♛

Yung feeling na halos 2000 words na yung update na 'to pero bitin parin, hahaha
don't worry tuloy yung laban sa sunod na chapter.
P.S napublish ko na ulit yung isang story, Artasia Academy na title nya, read
nyo. :)

Chapter 22: Battlefield.

Chapter 22: Battlefield.


-
"Gusto mo lang talaga na halikan kita eh" pahabol ni Zero matapos nyang suntukin
yung lalaking nasa gilid ko.
"Don't be so full of yourself. Kung may gusto ka sakin, say it. haha" binigyan ko
ng isang malakas na sipa yung nasa likuran ko. Hindi narin nagawang sumagot pa ni
Zero, the hell was wrong with me to say that stupid word?! Parang iniencourage ko
syang mag confess sakin. Ugh, seriously!
"Erin" tawag ni Jester at mabilis nya akong nahatak palayo.
"What are you doing?" tanong ko pero patuloy sya sa pag hatak sakin. Nanlaki nalang
yung mata ko kung sino yung nakikita kong nakikipagsuntukan sa tatlong lalake.
You've gotta be kidding me.
"Chloe" banggit ko sa pangalan nito pero hindi nya yun narinig. Sinabihan ko nalang
si Jester na tutulungan ko si Chloe pero sumunod parin sya sakin.
"What the fuck are you doing?" tanong ko ng hatakin ko yung damit nung lalaking
pasugod kay Chloe mula sa likuran nya.
"Erin" sinuntok nya yung isa pang sumugod sakanya. The hell? Maruno syang
makipagsuntukan? Am i seeing things?!
"What's with the face? Gusto ko tumulong" nakangiting sabi nya at napailing nalang
ako. Sa susunod ko na sya tatanungin, uubusin muna namin 'tong mga asungot na 'to.
Kahit napatumba na namin yung tatlo, patuloy lang sila sa pag dami. I Thought nasa
20 or 30+ something lang sila. Honestly, namamanhid na yung kamao ko.
"Erin baby" sigaw ni dad. Sinamaan ko naman sya ng tingin imbis na sumagot, what's
with the baby? Nakakahiya.
"Hehe sorry, tara dito" hinatak nya ako at saka inilagay sa gitna kung saan
napapalibutan ako nila Tito Jiro, ngayon ko lang din napansin na nandito rin pala
sila tito Ramon, seriously. Kailan pa sila dumating?! Walang akong magawa kundi ang
manuod sa kanilang lahat.
Si Zero at Xian na sabay makipagsutukan sa limang lalake. Si Chloe at Jester na
tumutulong kay Tyler, sila Mom at tita Tymee na pilit kinakausap yung mga napatumba
nila para humingi ng impormasyon at si Daddy na nakikipag kwentuhan kay Tito Liam.
Yung totoo?!
"Dad! Dinala mo ba ako dito para panuorin kang makipag kwentuhan kay tito?" iritang
tanong ko.
"Ha? Kinausap nya ako eh, sabi nya umamin na daw sayo si Xian" napanganga nalang
ako. Hindi ko alam kung paano mag rereact. Now isn't the right time to talk about
that! Bakit kasi naimbento pa yung Probity sa school na 'to eh.
Gustuhin ko man lumaban at tumulong wala narin akong nagawa kasi tapos na, hindi ko
din akalain na may dadating na mga pulis. Sobrang laki ng gulo na 'to para sa
school, tatanggapin pa ba ako dito? Baka bukas makalawa malaman ko nalang na kick
out na pala ako.
"Bumalik ka na sa kwarto, ako na ang mag aayos ng gulo na 'to" Sabi ni dad at
mabilis naman akong nayakap ni mommy, tumingin ako sa lahat ng tumulong at
nginitian nila ako.
"Ihahatid ka na namin" lumingon ako sa likuran at doon nakita yung lima, mukang
nakabalik narin ng girl's dorm si Aki dahil nandito na si Alex.
"Bye ate" paalam ni Third, ngumiti ako at maya maya lang din ay nakabalik na ko sa
dorm pero hindi ko maintindihan kung bakit nandito rin yung lima, hindi ba sila
aware na bawal sila dito?
"I told you i'm fine, bakit kailangan nyo pa tumambay dito?" tanong ko pero parang
hindi nila ako naririnig. Tinignan ko naman si Aki, halatang tensyonado sya ngayon.
Uh! Nandito nga pala si Zero kaya hindi na nakakabigla yung reaksyon nya.
"I'm sleeping here tonight" biglang sabi ni Xian kaya naibaling ko yung atensyon sa
kanya.
"Napagkasunduan na naming 'tong lima. Dahil sa nangyari mas kailangan natin mag
doble ingat, we can't let our guard down. Ngayon ako muna ang mag babantay, then
bukas bahala na kung sino"
"W-wait. You're joking right? Alam mong against sa school rules 'yon" lumapit ako
kay Xian at saka tinitigan ng diretso sa mata.
"Alam mong hindi ako mag sisinungaling, you don't need to worry about it. Walang
makakaalam, okay na ko dito sa lapag. Lagyan nalang ng sapin"
"Geez you really don't need to go that far just to protect me. Aki, share tayo sa
kama mo" mabilis akong naupo sa tabi ni Aki at tumango lang sya ng marahan. Tense
na tense sya masyado.
"Sige na mag pahinga na kayo, gusto ko narin matulog. Thankyou for tonight, nag
enjoy ako" tumango lang sila at mabilis na umalis habang si Xian ay naupo na sa
kama ko. Wala naman akong magagawa sa gusto nila, for sure naman kasi na idea na
naman 'to ni dad.
"Aki, okay ka lang ba?" tanong ni Xian.
"H-ha? Oo, yung mga lalaking 'yon. Bakit nila gustong kunin si Erin?" tinignan ko
sya at saka ngumiti.
"Hindi mo na kailangan malaman, ayoko ng madamay ka pa sa gulo ng buhay ko. Sige na
matulog na tayo" Ngumiti lang sya at pinatay ko narin yung ilaw, pakiramdam ko
sasakit yung katawan ko bukas.
•••
Kinabukasan, maaga palang bumangon na ako, sunday ngayon and obviously walang
pasok. Sure naman ako na alam na ng management ng school yung gulong nangyari last
night, not to mention na anniversary party pa ng school 'yon. Ugh! Ayokong makick
out, gusto ko sa school na 'to, it's very unusual.
"Good morning" Bati ni Xian pag bangon nya. Ngumiti naman ako at saka bumati
pabalik.
"Babalik na ako sa boy's dorm, tawagan mo ako pag may nangyari" tumango lang ako at
mabilis syang umalis. Dumiretso naman ako sa banyo para maligo na, may mga pasa
pala akong natamo mula kagabe. Nasaan na kaya sila dad? Nakabalik na kaya sila sa
America?
Pag tapos kong mag asikaso, agad kong kinuha yung cellphone ko, natawa nalang ako
ng makitang may good morning text si Zero, he's not in his usual self to do this ㅡ
"Gusto ka ni kuya" The hell? bigla bigla nalang nag eecho yung sinabi ni Third.
"Erin? Bakit ka namumula?" Napalingon ako kay Aki, gising na pala sya.
"H-ha? Wala, ang lamig kasi eh" sabi ko at agad nahiga sa kama, naaamoy ko tuloy si
Xian, lakas naman kumapit ng amoy nya sa kama ko.
"Sa tingin mo ba tatanggapin ako ni Zero pag nag confess ako sakanya?" Eh? What's
with the sudden question?
"Uh, i think so. Wala kasi akong alam sa type ni Zero, lately lang din naging
maayos yung relasyon namin bilang mag kaibigan. Do you want me to help you?" Ugh
stupid! Ang stupid nun Erin, hindi mo naman kailangan mangialam sa bagay na 'yon.
I'm not in my usual self, really!
"How?" tanong ni Aki. Ngumiti sya na parang interesado sya sa sinabi kong
tutulungan ko sya. Wrong move.
"Hmm i don't know, set up i guess?" tumayo sya at lumapit sakin.
"Talaga? Sige. Gusto ko na talaga mag confess, sana mag karoon kami ng time na
dalawa lang kami" tumango ako at saka ngumiti ng pilit.
"Ako bahala, siguraduhin mong ready ka, gagawin ko yung plano mamaya" nanlaki yung
mga mata nya at bigla nalang namula. Seriously?!
Hours had passed, pinaghintay ko si Aki sa may bench malapit sa soccerfield,
sinabihan ko syang mag hintay dahil gagawa ako ng paraan para papuntahin si Zero.
Sinubukan ko syang kontakin, ilang minuto bago nya sagutin.
"Bakit ka tumawag?"
"Puntahan mo ako dito sa may bench malapit sa soccerfield, may sasabihin ako"
"May nangyari ba?"
"Wala, basta pumunta kana lang"
"Okay, on the way na" pag baba ko ng tawag nilapitan ko si Aki at saka sinabing
hintayin si Zero.
"Make sure na makakapag confess ka ha? Mag hihintay ako sa cafeteria, goodluck"
ngumiti sya at saka ako hinawakan.
"Salamat Erin" ngumiti lang ako at tumakbo narin papunta sa cafeteria. Uh! I really
don't imagine that i'm doing this kind of thing.
Ilang minuto ang lumipas ng maisipan kong sumilip sa labas, tanaw naman yung
soccerfield dito pero bakit parang mag isa parin si Aki?! Ugh. Zero!
Kinuha ko yung phone ko at saka sya sinubukan kontakin pero nanlaki nalang yung
mata ko ng may mag ring na cellphone sa likuran ko.
"What do you think you're doing Erin? Akala ko ba sa may soccerfield mo gustong
makipagkita? Si Akira lang yung nandoon" panandalian akong hindi nakasagot. Er!
"Uh, oo nga. May binili lang ako, sige na hintayin mo ako sa may bench" papasok na
sana ako sa cafeteria pero hinawakan nya yung kamay ko at saka ako hinarap.
"Give up Erin, hindi ako interesado kay Akira"
"A-anong pinagsasabi mo?" shit! Hindi gumana yung plano ko. Paano nya nalaman? Alam
na ba nya na may gusto si Aki sakanya?
"Highschool palang alam ko na na may gusto sya sakin. You don't need to help her"
nanlaki nalang yung mata ko. Hindi ko na alam sasabihin ko.
"Ha? Wala akong alam sa sinasabi mo. Sabog ka ba?" binitawan nya yung kamay ko pero
mas lalo nyang inilapit yung muka nya hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Uh!
yung puso ko, masyadong wild.
"Masakit makita na yung taong gusto ko ay ipinagtutulakan ako sa ibang babae" The
hell? Am i hearing things? Teka teka, nag hahallucinate ba ako? The fuck!
"A-ano?"
"Sabi mo kagabe kung may gusto ako sabihin ko. Ito na, sinasabi ko na" ngumiti lang
ako ng pilit. Hindi naman ganto ang pakiramdam ko nung nag confess sakin si Xian.
Uh ang hirap huminga.
"Alam kong may gusto rin sayo si Xian. Wala akong balak makipag kompitensya, gusto
ko lang sabihin yung nararamdaman ko para hindi mo na tulungan si Akira" lumayo sya
at saka tumalikod sakin.
"Babalik na ako" hindi ko nagawang mag salita. Tinignan ko lang syang mag lakad
palayo. What did just happened? Tinignan ko yung bench kung saan nakaupo si Aki
pero wala na sya doon.
Ugh Zero! Anong ginagawa mo? You're confusing me!

IMPORTANT NOTE

Gusto ko lang ipaalam na hindi ko pahahabain 'tong story, hindi 'to aabot ng 50
chapters or something. Alam ko maraming nag aabang sa update and I'm really
thankful about that. :)
Sana suportahan nyo parin 'to, I'm not abandoning the story kasi unang una sa lahat
PRIORITY ko 'to dahil maraming nag babasa. Susubukan kong bilisan ang update at
matapos agad as soon as possible. The truth kung bakit hindi ko sya pahahabain is
dahil I'm really into fantasy action right now.
Kaya pag natapos na 'tong MA Book 2, mas makakapag focus na ako doon. Gusto kong
ipush 'tong story na 'to eh. HAHAHA XD

Ayan, segwey lang din for promotion, Sana basahin nyo sya :) If ever maging
successful ang both stories ko na 'to. Then i might able to extend the MA. Magulo
pa talaga utak ko.
Pero sa ngayon, nakafixed na na hanggang 40 chapters lang 'tong book 2. :) Ayun
lang, maraming maraming salamat :)
PS. Bukas yung update, may big revelation doon. HAHA (spoiler)

Chapter 23: Identity Revealed.

Chapter 23: Identity Revealed.


-

Mabilis akong bumalik sa dorm para tignan kung nandoon si Aki, nakahiga lang sya sa
kama nya kaya naman lumapit na ako.

"Aki"

"Oh Erin, sorry kung umalis na ako doon muka naman kasing hindi pupunta si Zero,
salamat sa tulong mo pero tingin ko kahit mag confess ako wala parin syang pake..
By the way, since linggo naman ngayon, gusto mo lumabas? Isama natin sila Kevin at
Chloe" Aya nya na parang okay lang sya and to be honest, halata namang hindi sya
okay.

"Sige okay lang sakin" agad syang bumangon sa kama at tinawagan yung dalawa, maya
maya lang ay nag kita kita na kami sa may parking lot, hindi ko rin sila
matatakasan kaya sumama samin ngayon si Alex.

"First time natin lalabas ng mag kakasama ah" Nakangiting sabi ni Kevin sabay
pulupot sakin kaya naman siniko ko sya, tumawa lang si Chloe, naalala ko tuloy yung
kagabe. I really find her mysterious.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Alex.

"May alam akong resto, masarap yung mga pag kain nila dun. Libre ko, tara? Hindi
naman sya malayo dito sa academy kaya pwede na natin lakarin" sabi ni Aki at
sumangayon na kaming lahat, nag lakad lang kami papunta sa main road dahil nandoon
lang naman daw banda yung resto na sinasabi nya.

Pag pasok namin sa loob, naupo na agad kami pero nag paalam ako na may bibilhin sa
convenience.

"Sasamahan kita" Sabi ni Alex.

"Hindi na, saglit lang ako" Mabilis akong lumabas at nag punta sa convenience pero
pag pasok ko doon, nabangga ako ng isang lalake.

"Sorry" Nakangiting sabi nito at tumango lang ako saka dumiretso ng pasok pero
bigla nya akong hinarangan.

"Sa montrous ka ba nag aaral?" Tanong nya kaya napataas ako ng kilay.

"Oo bakit?"

"Ah, mag tatransfer kasi kami doon ng mga kaibigan ko, pwede ko ba malaman ang
pangalan mo?"

"Sorry pero wala akong interes sayo. Bye" nginitian ko sya ng pilit at saka
nilagpasan, dumiretso ako sa may stand kung nasaan yung mga marshmallow. Mag
babayad na sana ako sa counter ng mapatingin ako sa may labas. Nandoon parin yung
lalake pero this time may mga kasama na sya, parang pamilyar yung mga muka nila.

I'm sure nakita ko na sila somewhere, saan nga ba?

"Miss, kukunin mo na ba yan? Marami ng nakapila" Sabi ng babae sa counter,


binarayan ko na yung marshmallow at lumabas. Tinignan lang ako nung mga lalaking
'yon na para bang pinag uusapan nila ako. Geez! Saan ko ba nakita yung mga 'yon?!

"Oh Erin, tara kain na" Aya ni Aki ng makabalik ako, ang dami nyang inorder. Ano
'to depressed eating?

"Paano nga pala kung makick out ka?" Biglang tanong ni Aki sakin.

"Eh di nakick out" Nag katinginan kami ni Alex at para bang sinasabi nya sakin na
hindi mangyayari 'yon kaya ngumiti ako.

Pag tapos naming kumain tumambay kami sa may park kung saan maraming bata ang nag
lalaro sa playground. Nakaupo lang kami sa mga upuang bato habang nag k-kwentuhan
about doon sa nangyari sa party.
Halos maihi daw sa takot si Kevin kaya tawa ng tawa si Alex habang si Aki naman ay
tahimik lang, malungkot parin ba sya dahil hindi sya nakapag confess? Paano ko ba
sya ich-cheer up matapos sabihin ni Zero sakin yung mga bagay na 'yon?

Ugh! Seriously. Ang hirap nito, kailangan kong makausap yung lalaking 'yon.

•••

Kinabukasan, monday. Everyone is looking at me na para bang may sakit ako.


Iniiwasan na para bang pag lumapit sila sakin ay mahahawaan sila. Uh seriously?

"Hayaan mo na sila Erin, baka natatakot lang sila" sabi ni Aki ng mapansin rin nya
yung napapansin ko. Tumango lang ako at nag hiwalay narin kami ng daan, pag pasok
ko sa classroom ganun lang din ang naging tingin sakin ng mga kaklase ko pero hindi
ko na 'yon pinansin pa.

"Ang oa ng mga tao nowadays" iritang sabi ni Jester dahil maging sila napapansin
rin yung tingin sakin ng mga tao.

"We can't blame them" sabi ko at saka tumingin sa labas ng bintana. Mabuti nalang
at wala pa si Zero dito. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin matapos nyang
mag confess ng ganun kahapon.

"Mukang hindi papasok ngayon si Zero ah" sabi ni Tyler pero nanatili akong tahimik.
Mabilis lumipas ang oras at hindi nga pumasok si Ze. Anong nangyari sa lalaking
'yon?

"Cross, pinapatawag ka sa dean's office" sabi ng prof bago sya mag padismiss ng
third subject. Nag simulang mag bulungan yung mga kaklase ko kaya naman nahampas ko
na yung lamesa ko.

"Pwede ba! Kung natatakot kayo sakin mag drop out kayo! Never akong mag aadjust
para sa mga tulad nyong kinakain ng takot! Cowards" Yeah, now I've done it.
Nakakapikon na eh. Hindi ko na hinintay pang mag salita yung prof kaya lumabas na
ako at dumiretso sa dean's office.

"I heard what happened pero nakausap ko na ang parents mo" panimula nya ng maupo
ako sa harapan nya.

"Okay lang sakin makick out" walang emosyon na sabi ko kahit sa totoo lang ayoko
talagang umalis sa school na 'to.

"Walang mangyayaring ganun Ms. Cross, you will stay here until you graduate and
after what happened mas lalo ka lang namin gustong panatilihin dito" kumunot lang
yung noo ko sa sinabi ng dean. Nag bibiro ba sya?

"The owner of this school wants to keep you, so rest assured na mananatili ka rito
hanggang sa grumaduate ka"

"This is joke right? I mean thankful ako na hindi ako makikick out but what's the
reason? Malaking gulo ang naidulot ko sa school. Anong kailangan sakin ng owner ng
school na 'to para panatilihin ako dito?" Ngumiti ng makahulugan yung dean at saka
tumingin ng diretso sa mata ko.

"You will find out soon" Sabi nya at hindi ko nagawang mag tanong pa. Uh!
Nacucurious na naman ako. There's something strange about this school at sino ba
ang owner nito? Kilala nya ba ako?
Nang mag breaktime agad akong dumiretso sa pwesto namin nila Aki, pinilit kong wag
munang isipin yung tungkol doon sa owner ng school kaya binalita ko nalang sakanila
yung good news na hindi ako mapapaalis dito.

"This called for celebration" sabi pa ni Aki at saka inangat yung hawak nyang baso
ng juice. Ngumiti lang ako ng malawak at saka ibinaling yung tingin sa lamesa nung
lima. Wala parin si Zero.

Masaya kaming kumakain ng bigla nalang lumapit sa lamesa namin si Lexy.

"Hey bitch, let's talk later. 1:00 p.m sa labas ng Intrepid's head quarter"
Tumingala ako sakanya at tinignan ko lang sya ng walang emosyon.

"Naririnig mo ba ako?" Tanong nya.

"Sorry pero tanga ka ba? Hindi ka ba nadala?" tumayo na ako at saka sya hinarap.
Sinubukan pa akong pigilan nila Chloe pero wala rin silang nagawa.

"Tignan natin kung hanggang saan yang tapang mo. Sisiguraduhin kong maaalis ka sa
academy na 'to, trust me" Inirapan nya ako at saka umalis. Bumalik ako sa upuan ko
at saka niyupi yung coke in can na hawak ko.

"Don't mind her sweetie, nag papapansin lang yun" sabi ni Kevin. Hindi na ako
kumibo at nag patuloy lang sa pag kain, ano na naman ang kailangan sakin ng babaeng
'yon? She really hates me that much? Pathetic, kahit anong gawin nyang pag babanta
sakin, hindi ang tulad nya ang mag papaalis sakin sa eskwelahan na 'to.

Few hours later.

Nag hintay ako sa may bench malapit sa intrepid's head quarter. Dito yung nabanggit
nyang lugar para mag usap. Wala naman talaga akong pake sa mga sasabihin nya but
just to make things clear, nag punta parin ako.

"So you still came after all" Tumayo ako at saka sya nilapitan.

"Just talk, kung ano man yang walang kwentang salita na lalabas sa bibig mo.
Makikinig ako" Nginisian nya ako at hinawakan yung dulo ng buhok ko.

"What an impertinent girl"

"Wala akong panahon mag aksaya ng oras sayo, sabihin mo na yung gusto mong sabihi
ㅡ"

"You're aberrant right?" nabigla ako sa sinabi nya pero pinilit kong wag mag pakita
ng kahit anong emosyon. Crap! Paano nya nalaman yung bagay na 'yon?

"Silence means yes" ngumisi ako at saka sya tinitigan ng diretso sa mata.

"Stop spouting nonsense"

"Oh come on, don't play dumb games Erin, i have your true test result. Sinigurado
kong makukuha ko 'to that night, kung saan busy ang lahat ng tao. Habang takot na
takot ang ibang estudyante, habang walang tao sa keen's lab. That party was blast!"
tumawa sya ng malakas, para na syang nababaliw.

"Then you just break the rule" napalingon kaming pareho sa boses na 'yon. Lumabas
si Chloe at inangat yung cellphone nya.

"I recorded everything you said, now tell me Lexy, pag ibinigay ko ba 'to sa dean
nakakasigurado ka ba na makakapag stay ka pa rito?" nilapitan ako ni Chloe at
tumabi sa gilid ko habang nakatingin ng masama samin si Lexy.

"Go ahead at ipakalat mo yang test result ni Erin, if that happens? Ipaparinig ko
'to sa dean para sa ganun, paalisin ka rin dito gaya ng gusto mong mangyari kay
Erin"

"Ano bang pakialam mo dito?" sigaw ni Lexy. Maging ako hindi ko makilala kung si
Chloe ba talaga 'tong kaharap ko. Napakamisteryoso nya.

"Chloe, ba't mo ba 'to ginagawa? I mean hindi mo kailangan makisali dito. Problema
ko 'to" nilingon nya ako at saka nginitian.

"I'm your friend, kahit anong mangyari tutulungan kita. Asahan mo na sa lahat ng
laban, kasama mo ko" makahulugang sabi nya.

"Bakit?"

"Dahil kagaya mo, isa rin akong aberrant"

Chapter 24: Transferees.

Chapter 24: Transferees.


-

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa ginawang revelation ni Chloe, kaya
pala ganun nalang kamisteryoso yung pag katao nya, kaya pala mabilis nyang nalaman
na aberrant ako dahil kagaya ko rin sya. I really can't believe this but thanks to
that itinigil na ni Lexy yung kahibangan nya.

"Erin, mauuna na ako ha? May kailangan pa akong iabot sa faculty" Sigaw ni Aki mula
sa labas ng banyo.

"Oo sige, ingat" Pinatay ko na yung shower at saka nag patuyo ng katawan para
makapag bihis na. Pag labas ko ng banyo agad kong binlower yung buhok ko pero agad
ko ding itinigil dahil sa sa pag tunog ng phone ko. Message from unknown number?

"Mauubusan ka rin ng swerte" kumunot lang ang noo ko sa nabasa ko. I even tried to
call that number pero unattended na. Sino na naman kaya ng gagawa nito? Lexy? Red
org? Er! Should i change my number? Hindi naman gagana sakin yung threat na ganto
kaya hahayaan ko nalang.

Nag patuloy ako sa pag aayos at mabilis na pumasok sa klase.

"Xian" tawag ko ng makitang maliban sa ibang kaklase namin sya palang ang nandito
sa classroom at wala yung apat.

"Nasaan yung iba?"

"Si Alex at Tyler tumutulong sa pag aayos ng office ni tito Axel, si Jester
tinatamad daw ganun din si Zero. Di ko maintindihan sa lalaking 'yon, hindi rin nya
ko masyadong kinakausap pag nasa dorm" tumango lang ako at saka tumingin sa ibang
direksyon.

Gustong gusto ko sabihin kay Xian yung ginawang pag confess sakin ni Zero nung
linggo pero ayoko syang makitang masaktan. Hindi ko rin maintindihan pero ibang iba
talaga yung naramdaman ko sa pag coconfess ni Xian sa pag coconfess ni Zero.
"Xian! Xian" tumatakbong pumasok si Jester ng classroom. Akala ko ba tinatamad sya?
Eh bakit sya nakauniform?

"Sila Josh, nandito sila. Dito na sila mag aaral" dagdag pa nya. Halatang nagulat
din si Xian. Josh?

"Hoy huminahon ka nga. Sino ba yung tinutukoy mo?" tanong ko at hindi nya ako
pinansin. Hinatak nya lang si Xian papunta sa bintana kaya sumunod ako. Yung mga
lalaki sa convenience, ito na naman ako. Saan ko ba nakita yung iba sakanila?

"Tama" sabay napalingon sakin yung dalawa dahil sa sinabi ko.

"Naalala ko na, sila yung kasama nyo sa sayaw nyo nung highschool diba?"

"Teka, paano mo nalaman yun?" namumulang tanong ni Jester. Nahihiya ba sya? That
was very unusual of him.

"Napanuod ko sa laptop ni Aki, kaaway nyo yang mga yan diba?" tanong ko at saka
binaling ulit yung tingin sa bintana. Mukang nakita kami nung isa sa transferee,
yung lalaking humarang sakin noon. Kinawayan nya kami at saka ngumisi.

Breaktime.

Kasama ko sila Chloe, for some reason mas naging malapit kami sa isa't isa.
Kinkwento naman ni Aki kung paano nag umpisa yung klase nila kasama yung mga
transferee. Yah, classmate nya yung apat na lalaking 'yon.

"Hi Aki, pakilala mo naman kami sa mga kasama mo" speaking of the devils.

"Ah, si Erin at Chloe" pakilala nya dahil mag kaklase naman sila ni Kevin kaya sure
ako na mag kakakilala narin sila.

"Si Josh" pakilala nya doon sa lalaking humarang sakin sa convenience. Tinignan ko
naman yung tatlo.

"Si Jun, Hoshi at Ming" dagdag pa nya. Tumango lang ako ng tipid at saka nag
patuloy sa pag kain.

"Would you mind if we join you?" tanong nung Josh pero hindi ko kayang makipag
plastikan sakanila. I hate their presence.

"Go on... Aki, Chloe, Kev. Doon muna ako uupo kila Xian" paalam ko at saka umalis
sa pwestong 'yon.

"What are they doing here? Pinopormahan ka ba ng isa sa kanila?" tanong ni Alex ng
maupo ako sa tabi nya. Umiling lang ako at saka tumingin sa direksyon nila Aki.
Nakatingin sakin yung Josh.

"Ano bang nangyari? Sabi ni Aki mag kakagrupo kayo ng highschool and nag karoon ng
rumor na nag away away kayo" I ask out of curiosity.

"Ayaw kasi talaga sumali ni Zero sa grupo na 'yon, ganun din naman kami. Kaya lang
naman kami sumama sa mga yan noon ay dahil sa isang pustahan, na pag usapan namin
na pag sumali kami sakanila at nanalo kami sa contest na 'yon ay titigilan na nila
yung grupo namin, kaya nung manalo nga yung grupong binuo namin para sa contest.
Humiwalay na kami sakanila at binuwag yung grupo.."
"..They even threatened us para lang sumali. Ginagawa nila lahat, blackmail, gang
fight at kung ano pa and believe it or not, kinidnapped pa nila noon si Third para
lang mapapayag si Zero sa pustahan." kwento ni Xian. Seriously? Gusto ko silang
suntukin ngayon! Yung suntok na malupit, yung hindi na sila makikilala. How can
they go that far? Uh! Sure ako kawawa si Third nung time na 'yon.

"Ah" Ayun lang yung tanging lumabas sa bibig ko. Maya maya pa ay tumayo si Josh at
lumapit dito sa lamesa namin. Halata namang nag pipigil ng galit si Jester.

"Hi, Xian, Alex, Tyler at Jester. Nasaan si Zero? Bakit hindi ko sya nakikita?"
Tanong nya ng maupo pa sya. Wow, just wow. Can't he read the atmosphere? Galit
sakanya yung mga nakapwesto dito. Nag mamanhid manhidan ba sya o nangaasar?

"Come on, matagal na yung nangyari noon. We're here to make friends with you"
dagdag pa nya.

"Can you make it more realistic? Halatang plastic eh" Hindi na ako nakatiis at
sinabi na yung bagay na 'yon.

"The moment i saw you at the convenience, alam ko ng magugustuhan kita ㅡ Hmm why
don't we make a deal? Just like before" Binaling nya yung atensyon kila Tyler at
bago pa sumagot ang isa sakanila ay may naupo na sa tabi nya at saka sya inakbayan.

"Why don't we make a deal? Wawasakin ko yang muka at pag tapos nun tsaka mo
pormahan si Erin" Seryosong sabi ni Zero. Fuck! Yung puso ko, masyadong mabilis
yung pag tibok nito. Kinakabahan ba ako dahil sa namumuong tensyon? No this is
really different.

"Woah! Easy, girlfriend mo ba sya?" Hindi sumagot si Zero at tinitigan nya lang
'yon ng masama. Kahit ako natatakot ako sa mga tingin nya, ganito ba sya magalit?
Never ko pa nakita yung side nyang ganyan.

"Pasensya na, Josh tama na yan" pag awat nung Hoshi ng ilayo nya yung kaibigan nya.
Lumapit narin dito si Chloe para mag tanong kung ano yung nangyayari.

"Wala, misunderstanding lang" Sagot ni Jester. Mag sasalita pa sana ako pero tumayo
na si Zero at lumabas ng cafeteria. What's wrong with him? Galit ba sya? Umiiwas ba
sya sakin? Ni hindi man lang nya ko nagawang tignan.

•••

Kinabukasan maaga na namang umalis si Akira, she's acting weird this past few days,
dahil parin ba yun sa failed confession nya? Kinuha ko yung phone ko at sinubukan
ko pang tawagan si Zero, hindi ko maintindihan pero gusto ko talaga syang makausap
but before that, mas dapat ko muna atang kausapin si Xian. Sasabihin ko na sakanya
yung mga bagay na dapat nyang malaman hangga't maaga.

"Malelate na tayo sa klase, ano ba yung sasabihin mo?" Tanong nya ng makarating
kami sa may rooftop ng main building. Tahimik dito at mahangin, kung pwede lang na
dito ako mag damag okay lang sakin. Nakakarelax kasi, naalala kong dito rin nag
confess sakin si Xian.

"You know how much I love you right?" tanong ko at nginitian nya ako pero
nararamdaman kong ano mang oras babagsak na yung luha ko. I am not quite sure
myself pero pakiramdam ko gusto na si Zero. Nacoconfuse parin ako.

"It's okay Erin, hindi mo kailangan sabihin. Alam ko na" Nanlaki lang yung mata ko
sa sinabi nya. Mas lumapit pa sya sakin at saka hinawakan yung kamay ko.
"The way you look at him yesterday. The way he protected you, obvious naman na
gusto nyo ang isa't isa" nakangiti parin sya habang sinasabi nya yun at hindi na
napigilan ng luha ko ang kumawala mula sa mga mata ko.

"In the end, kailangan ko parin maging honest. Oo masakit, sobrang sakit pero
masaya ako kasi finally, nakikita ko na yung improvement sainyong dalawa, hindi na
kayo yung dating Erin at Zero na bihirang ngumiti at galit sa mundo. You know na
pareho ko kayong bestfriend diba? I'm rooting for you both, so don't cry" Pinunasan
nya yung luha ko at nanatili lang akong tahimik. I pulled him into hug at ilang
minuto bago ko namanage mag salita.

"I really do love you Xian pero hindi sa paraang gaya ng nararamdam mo sakin.
Sorry, I just want to be honest with you" Kumalas kami sa pag yakap at saka nya
ginulo yung buhok ko.

"I know, I know pero bakit parang hindi kayo okay? May nangyari ba?"

"Nung linggo sinabi nya na gusto nya ako, but at that time sinet up ko rin sya para
makapag confess sakanya si Aki"

"May gusto si Akira kay Zero?" Tumango lang ako sa tanong nya.

"Kaya pala lately, nag kikita sila, baka sinabi na ni Zero kay Aki na gusto ka nya
or something na ganun" sabi ni Xian kaya natigilan ako.

"What do you mean?"

"Kahapon ng umaga, nakita ko silang nag uusap. Pati kanina, maaga kasing umalis si
Zero, nag aalala ako dahil nga parang may mali sakanya pero nakita ko na si Aki
lang naman pala ulit yung kausap nya.."

"I see" tipid kong sagot. Kaya pala maaga umaalis si Aki para makipag usap kay
Zero. Nag confess na kaya sya? Pero teka dalawang beses? What does that mean?

Chapter 25: Change of heart.

Chapter 25: Change of heart.


-
Gusto kong tanungin si Aki, gusto kong itanong kung bakit sila nag kikita at nag
uusap ni Zero but damn! I can't do it, that was very unusual of me kung gagawin ko
'yon.
"Wala parin si Zero" sabi ni Xian pag pasok namin ng classroom. Hindi na ako kumibo
at tumingin lang sa ibang direksyon.
"Montero, bakit hindi pumapasok si Villaruel? Wala syang excuse na binibigay"
bungad ng prof pag pasok nya ng classroom.
"Ah, sorry po sir. Kakausapin ko sya mamaya" sagot ni Xian at nag umpisa na yung
klase, tinignan lang ako nila Tyler at Alex. Ugh! Ano bang nangyayari? Seriously.
May mas gugulo pa ba dito?
Hours had passed, pag dismiss ng klase dumiretso ako sa infirmary kung saan
nakasalubong ko si Chloe.
"Erin, saan ka pupunta?" tanong nya.
"Hihingi ako ng gamot sa infirmary, ang sakit ng ulo ko eh" nag patuloy ako sa pag
lakad at sinamahan nya ako. Tahimik lang kaming nag lalakad pero bigla nalang nya
akong hinatak para mag tago.
"Bakit?" tanong ko pero nung sasagot na sya may pamilyar na boses ang nag salita.
Bumilis yung tibok ng puso ko dahil doon. Hindi ako pwedeng mag kamali, boses yun
ni Zero.
"Mag kita tayo mamaya sa parking lot" sinilip ko kung sino yung kausap nya. It was
Akira.
"Sige, sure ka ba dito?"
"Oo. Sige na, babalik na ko sa dorm" bumalik ako sa pag kakatago at tinignan si
Chloe. Nakatingin lang sya sakin na para bang sinasabi nya na okay lang 'yon.
Ngumisi ako kasi ganun na ba kaobvious na nasasaktan ako? Para akong tanga. I
should be happy right? Nakapag confess na si Aki and now, nag kakamabutihan na sila
so bakit hindi ako masaya?! How stupid!
"Wala na sila" sabi ni Chloe kaya lumabas na kami sa pag kakatago at pumasok sa
infirmary.
"Mukang nagiging close na sila ah. Okay lang ba yun sayo?"
"Oo naman, bagay nga sila eh" tinawanan lang nya yung sinabi ko kaya sinamaan ko
sya ng tingin. Nang makahingi na ko ng gamot, minabuti kong mag pahangin muna sa
field ng mag isa. Mabuti nalang at marunong makabasa ng sitwasyon si Chloe kaya
hinayaan nya ako.
Bakit hindi kinikwento sakin ni Aki yung mga nangyayari? That was very unusual of
her, madaldal syang tao. Pag nasa dorm, kwento sya ng kwento sakin kahit hindi ako
nakikinig but now.. Ugh! Erin. Stop stressing yourself!
"Alone?" Sinamaan ko lang ng tingin si Josh ng maupo sya sa tabi ko.
"May nakikita ka pa bang kasama ko?" iritang tanong ko.
"Intrepid ka din diba? Pwede mo ba ko samahan?" tinaasan ko sya ng kilay at nag
panggap na wala sya sa paligid ko.
"Please?"
"Uy, dali na. Di ko pa kabisado yung lugar na 'to"
"Tsaka ang daming kailangan gawin, sige na" napatayo nalang ako sa pag kabwisit.
Hindi sya titigil sa kakasalita, gustong gusto ko syang suntukin para mabasawan
yung inis na nararamdaman ko.
"Fine! Sa isang kondisyon. Mag sparring tayo" Nanlaki yung mata nya sa sinabi ko
pero agad ding napalitan ng pilyong ngiti.
"Deal" nag lakad na ako papunta sa Intrepid's headquarter habang nakasunod sya. He
kept on asking pero ni isa wala akong sinagot.
"He's with me. Bagong student" sabi ko sa security na nasa tapat ng scanner.
Tinapat ko yung tattoo at saka pumasok sa loob, walang masyadong estudyante dito
ngayon kaya dumiretso na kami sa kwartong pinasukan namin noon ni Zero.
"May babae dyan sa loob, sabihin mo lang yung pangalan mo" walang emosyong sabi ko.
Tumango lang sya at pumasok na sa kwarto habang ako, nag abang lang dito sa labas.
Nakasandal lang ako sa pader at nakatingim sa sahig. I don't know what the fuck is
happening to me, I'm not in my usual self, napakanonsense. Bakit ko ba binobother
yung sarili ko sa bagay na yun? Eh ano kung nag kikita sila, ayun naman yung gusto
ko diba?
"Anong ginagawa mo dito?" Napatingala nalang ako sa boses na 'yon. It was him.
"Nothing" iniwas ko yung tingin sakanya at akma na sanang aalis pero hinawakan nya
yung kamay ko para pigilan.
"Let's talk" sumandal ulit ako sa pader at hinintay lang yung gusto nyang sabihin.
"About the confession I made, that's not true. It was a lie kaya kalimutan mo na" I
feel that my heart crushed in pain. Hindi ko nagawang mag salita. Ganto na ba ako
kahina ngayon?
"Bigyan mo nalang ng chance si Xian. Mas deserve nya ㅡ"
"There's no need for you to say that, nakausap ko na si Xian. In the first place
hindi naman ako naniniwala sa sinabi mo noon and by the way, I'm happy for you.
Sana sinabi mo ng mas maaga eh di sana mas natulungan kita kay Aki" ngumiti ako at
saka sya tinignan.
"What are you talking about?"
"You're hanging out with her right?"
"Ah right, we're actually dating" fuck! Pakiramdam ko maluluha ako sa sinasabi nya.
"Erin ㅡ Oh hi Zero" lumabas si Josh at saka tumayo sa tabi ko.
"Congrats, sige una na kami" akma na sana akong aalis pero hinawakan ni Zero yung
kamay ko habang nakatingin ng masama kay Josh.
"Bakit mag kasama kayo?" tanong nya pero hindi ko na sya sinagot. Tinabig ko lang
yung kamay nya at mabilis hinatak si Josh palabas. Dinala ko sya sa back building
kung saan walang makakakita samin. Pag bitaw ko sakanya mabilis ko syang sinugod ng
suntok pero nakaiwas sya.
"Woah! Wait. Chill lang" sabi nya pero napaupo nalang ako. Hindi ko na kayang
itago.
"Umalis ka na. Tsaka na natin ituloy yung deal" sabi ko ng takpan ko yung muka ko
at tuluyan na ngang kumawala yung traydor na luhang 'to. Ugh! This is not me!
"It's okay. Hindi kita pag tatawanan" hinayaan ko na syang panuorin kung gaano
kahina. Kaya ayoko ng attachment eh! In the first place hindi ko na dapat hinayaan
yung sarili ko na mag bago and now, look at me. Muka akong tanga! Crying for
nothing.
"Ugh. Ano? May tattoo ka na?" tumayo ako at saka nag punas ng luha. Ipinakita lang
sakin ni Josh yung pulsuhan nya pero nabigla nalang ako suntukin nya ko, hindi ako
nakaiwas agad kaya nadaplisan nya yung balikat ko.
"What the hell?!"
"Let's go. Sakin mo ilabas yang galit mo" ngumisi sya kaya naman sinugod ko sya ng
suntok. We're both intrepid kaya wala naman sigurong masama kung mag s-sparring
kami.
"Too slow" sabi ko ng akma syang iiwas, hindi nya alam na nakaabang yung paa ko
para sipain sya. Tumama 'yon sa tagiliran nya kaya naman natumba sya, mabilis lang
din syang nakatayo at saka sumugod ulit. I dodged the first punch and made a
counter attack pero bigla nalang syang tumakbo at umakyat sa puno.
"What the hell are you doing?!"
"Ayoko na! Mapapatay mo ko eh" natawa nalang ako sinabi nya.
"Mas maganda ka pag nakangiti. Nag enjoy ako, by the way salamat" Bumaba sya sa
puno at saka tumakbo habang ako nanatili lang nakatayo. What's with that guy? tsk.
•••
"Erin, saan ka nanggaling? Late kana bumalik" bungad ni Aki pag pasok ko ng kwarto.
"Ah wala nag pahangin lang" tipid na sagot ko at saka pumasok sa banyo.
"Oo nga pala Aki, congrats. Hindi mo sinasabi sikin, kayo na pala ni Zero" narinig
ko syang tumakbo papunta sa may pintuan ng banyo.
"Wait. Paano mo nalaman? Sinabi ba nya sayo?"
"Oo kanina, nakasalubong ko sya" ilang segundo bago sya nakasagot ulit.
"Sorry Erin, hindi ko nasabi sayo agad. Ang bilis kasi ng pangyayari eh" Binuksan
ko yung shower at saka sinalo yung tubig gamit yung muka ko.
"Okay lang, masaya ko para sayo" pag sabi ko ng bagay na 'yon, tumulo na naman yung
luha ko and that's when i realize kung gaano ako nasasaktan dahil sa nangyayari.
Ganun ko na ba kamahal si Zero?
Few hours later.
"Aki, lalabas lang ako. Babalik din ako mamaya" paalam ko. Halos mag gagabi narin,
wala talaga akong idea kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang, gusto kong
mapag isa.
Napadpdad ako sa rooftop ng main building at doon nag pahangin mag isa. Masyadong
mabilis yung pangyayari, parang nung linggo lang ayaw nyang ipinagtutulakan ko sya
kay Aki and now, sila na. What the hell?!
"Bakit ka nandito mag isa?" napalingon nalang ako sa likuran kung nasaan si Jester.
Maya maya ay tinabihan nya ako at dumungaw din.
"Papahangin. Ikaw?"
"I'm looking for you" kumunot yung noo ko at saka sya tinignan.
"Why?"
"I have a favor. Well ayoko naman talaga hingin sayo 'to pero makulit sila dad.."
"Just get to the point, ano yun?"
"M-mag date tayo"

♛♕♛
Okay bitin. Sorry na agad. By the way guys, kung nag hahanap pa kayo ng magandang
stories. Basahin nyo yung mga story ni Staemichu. I'm sure magugustuhan nyo. Cool
ang mga works nya :)
Wag nyo rin kalimutan basahin yung Artasia Academy. Specially sa mga mahilig sa
Fantasy/Action. Nag hahanap na ako ng op doon. Salamat ~ ♥

Chapter 26: A not so date.

Chapter 26: A not so date.


-

It's been what? 3 days? Yah. 3 days na ang nakalipas ng mawindang ang buong pag
katao ko. I'm planning to be the old Erin again, making friends? Yes. Pero
attachments? Never!

I'm always been the bad girl and cold hearted, kaya ko parin namang gawin ang mga
'yon.

Today is friday kaya suot ko na naman ang nakakairitang jacket ng Intrepid, I'm
currently on my way to the headquarter and guess what? Kasama ko ang nakakairitang
si Josh.

"Bakit mo ba ko sinusundan? Wala kang friends?" Nilingon ko sya at nag peace sign
lang sya habang nakangiti.

"Ikaw friend kita diba?" napairap nalang ako, never akong makikipag kaibigan sayo.
Tch! Not to mention na kinidnap mo ang inosenteng si Third.

Pag pasok namin sa headquarter agad kaming dumiretso sa training room kung saan
marami ng estudyante ang may kanya kanyang activity na ginagawa. Maya maya pa ay
pumasok ng kwarto si Travis dala ang isang pulang papel.

"Listen guys! Find your partner. Opposite gender, Mag kakaroon tayo ng special
activity today. Nakasalalay ang rank nyo dito" saktong pag sabi nya nun ay
nilapitan ako ni Zero, nag uusap na kami ulit ngayon pero hindi na kami tulad ng
dati, bumalik kami sa pagiging cold sa isa't isa.

"Be my partne ㅡ"

"Sorry, mag partner na kami" hinatak ko si Josh at mag sasalita pa sana sya pero
kinurot ko na yung tagiliran nya bago pa sya mag sabi ng hindi maganda sa harap ni
Zero.

"Ayun oh si Lexy, ayain mo" tinuro ko si Lexy pero bigla nalang syang umalis. Agad
naman nag punta sa harapan ko si Josh at ngumiti.

"May gusto ka ba sakin?" natawa nalang ako sa tanong nya.

"Kapal ng muka mo" inirapan ko sya at saka naupo sa gilid habang nag aantay sa
instructions ni Travis about sa activity. Naalala ko bigla na mamaya na pala yung
date namin nung panget na si Jester.

Sabi nya, lalabas lang kami at kukuha ng pictures para may maipakita sya kila tito
Jasper at tita Emerald na nag d-date kami. Ang weird ng pamilya nila, well ano bang
aasahan mo kay tito Jasper, akala mo matino at seryosong tao pero magugulat ka
nalang kung ano anong nonsense ang sinasabi. But still, he's funny.

"Okay, listen. Bawat mag partner ay kakabitan ko ng posas, kailangan nyong


malagpasan lahat ng obstacles ng mag kadikit. Ang pares na makakagawa ng mabilis na
oras, madadagdagan ang score at makakaapekto 'yon para tumaas ang mga ranks nyo"

"Well, who wants to go first?" walang sabi sabi nag taas ng kamay si Josh at saka
ako hinatak papunta kay Travis. Pareho nyang inabot yung kamay namin para makabitan
na ng posas.

"Bida bida ka ba?" iritang tanong ko sakanya.

"Okay na yun, para tayo ang mag seset ng record" sabi nya at napailing nalang ako.
Kinabitan na kami ni Travis ng posas at saka kami pumwesto sa starting point ng
obstacle. Nanlaki nalang yung mata ko ng hawakan ni Josh yung kamay ko.

"Mas madadalian tayo pag ganto tsaka para maiwasan natin mahatak yung posas"
napairap nalang ako kasi may point sya.

Maya maya ay nag bilang na si Travis. Mabilis kaming tumakbo ni Josh at sabay na
tumapak sa stepping stone, gumapang sa tunnel, nag lakad sa balancing bridge,
umakyat sa apex ladder at sumabit sa monkey bar. This was so easy! Akala ko tapos
na pero hindi pa pala, sa dulo ng mga obstacle ay nag aabang si Travis. Hawak ang
isang plato kung saan maraming susi.

"Unlock that handcuffs and you're done" sabi nya at mabilis akong kumuha ng susi at
saka sinubukan buksan, ganun rin si Josh. Nag papasalit salit lang kami hanggang
makita ko na yung tamang susi, pag alis na pag alis ng posas sa mga kamay namin,
mabilis akong niyakap ni Josh. Tumalon talon kami at kumalas din agad.

"We did it" nakangiting sabi nya at tumango lang ako habang nakangiti.

"Let's talk" mabilis akong nahatak ni Zero pero nahawakan din ni Josh yung isa ko
pang kamay.

"You don't need to drag her"

"Ano bang pake mo?! Kilala ko pag katao mo Josh. Kung may binabalak kang masama,
itigil mo na" bumitaw si Josh at saka ako tuluyang hinila ni Zero hanggang sa
makalabas na kami ng training room. Sinandal nya ko ako sa hallway at saka kinorner
gamit yung dalawa nyang kamay.

"Ano bang problema mo?!"

"Hindi mo kilala si Josh! Stop hanging out with him. Please" yumuko sya at saka
sumandal sa balikat ako. Bakit umaarte sya ng ganito ngayon?!

"Please Erin, this is for your own safety" dagdag nya pero hindi ako kumibo. Hindi
ko magawang mag salita.

"Erin" Inangat nya yung ulo nya at saka ako tinignan, nanlaki nalang yung mata ko
ng bigla nya akong halikan. Pakiramdam ko nanghina yung mga tuhod ko. Pag kalas nya
tinignan nya ulit ako.

Wala syang sinabing kahit na ano, umalis lang sya at iniwan ako na parang wala lang
yung ginawa nya. What the hell was that for?! Napahawak nalang ako sa labi ko.

Is he crazy?! Paano nya ako nagawang halikan ng ganun and in the first place bakit
nya ginawa yun?!

•••

"It's very unusual for you to space out. May nangyari ba?" Tanong ni Jester, nag
lalakad na kami ngayon papunta sa parking lot. Hanggang ngayon iniisip ko parin
yung nangyari kanina.
"Nothing, saan pala tayo pupunta?" Sumakay sya sa motor nya at saka ako inabutan ng
helmet.

"Secret" Napailing nalang ako at saka sumakay sa motor. Alas tres na ng hapon, saan
naman kaya balak pumunta ng lalaking 'to? Pag labas ng academy, agad akong
napayakap sakanya. Galit na galit mag maneho.

"Hoy! Gusto ko pa mabuhay!" Sigaw ko pero mas lalo pa nyang binilisan yung pag
drive. Halos abutin rin kami ng 20 minutes sa byahe. Huminto kami sa isang maliit
na establishment. More of, isang club.

"Seryoso ka ba? Hapon? Club?" tanong ko pag baba namin, hindi nya ako sinagot at
pumasok lang sa loob. Walang tao, naupo sya sa isang upuan at saka ipinahinga yung
ulo nya sa lamesa habang nakatingin sakin.

"Nababaliw ka na ba? Anong gagawin natin dito?"

"May ginawa akong kanta, gusto ko iparinig sayo. Actually gagamitin ko sya sa
panliligaw" tinaasan ko lang sya ng kilay. May ipaparinig lang pala, eh bakit dito
pa?

"Sino namang liligawan mo?" Kinaway nya yung hintuturo nya na nag sasabing hindi
nya ipapaalam sakin. Napabuntong hininga nalang ako at naupo na sa harap nya.

"Say it, or else tatawagan ko si tito Jasper" banta ko ng ilabas ko yung phone ko.

"Okay okay, galing sya sa America, sa Athlos University sya nag aaral at next month
babalik na sya sa Pilip ㅡ"

"Athlos you say?! That's my former school. Are you kidding me?"

"No. I'm not, actually kilala mo sya" Nilabas nya yung phone nya at may ipinakitang
picture. Nanlaki nalang yung mata ko ng makita yung teammate ko sa woman's
basketball team. We're not close pero kilala ko sya.

"Si Jennie?! Seriously? Paano mo sya nakilala?"

"Well kung hindi mo alam, anak sya ni Tito Ramon" Now that he mention it, Kim din
ang apelyido ni Jennie. What the hell?! Bakit hindi ko alam yun? Ganun na ba ako
kawalang pake sa paligid ko noon?

"Are you serious?!"

"What? Do I look like I'm joking?" seryosong tanong nya at hindi na ako sumagot.

"Nag bago na isip ko, hindi ko na ipaparinig. Tara" Hinawakan nya yung pulsuhan ko
at saka hinila papunta sa motor nya, bumyahe na naman kami at huminto sa isang
maliit na ice cream store pero pag pasok namin, hindi ko akalain na sila yung
makikita ko.

"Oh Zero, Aki. Kailan pa kayo naging close?" tanong ni Jester. Wait. What? Hindi
nya alam?

"Bakit mag kasama kayo? Saan kayo galing?" seryosong tanong ni Zero. Uh what a
perfect timing! Tss.

"Bakit mo ko dinala dito? Ayokong mag ice cream" reklamo ko at saka ako tinignan ni
Jester ng masama. Bigla nya akong inakbayan at saka nirestling yung ulo ko.

"Alam mo kanina ka pa eh! Sinisira mo mga plano ko sa date na 'to eh"

"Aray ko ano ba, isusumbong talaga kita kay tito"

"Mag sumbong ka, sasamahan pa kita"

"Ah talaga ah" nilabas ko yung phone ko at saka kinuhaan ng picture yung
pinaggagagawa nya sakin.

"Ipapakita ko 'to kila tito" binitawan nya na ako at saka kami nag tawanan,
nakalimutan naming nasa harap pala kami nila Aki. And there's Zero na mukang
badtrip. What's with him all of a sudden?

"Nag d-date kayo?" Tanong ni Aki at tumango lang ako.

"Ah sige mauna na kami. Enjoy your date" sabi ko at saka hinatak si Jester.

"Teka. Nag dedate sila?" Tanong nya pag labas namin.

"Obvious ba? Sila na kaya. Wala kang alam?"

"No way! Si Zero? Tss. Do you really think na magugustuhan nya si Aki? Hello Erin,
bulag ka na ba? Hindi mo ba nakikitang hindi masaya si Zero? Ganun ba ang itsura ng
in love?" nag kibit balikat lang ako sa tanong nya. Actually wala na akong pake.
It's not my business anymore.

Do as they please, masaya na akong ganito.

Chapter 27: Birthday camp (part1)

Chapter 27: Birthday camp (part1)


-

"Erin?" tawag ni Aki ng lapitan nya ako dito sa kama ko.

"Galit ka ba sakin? Napansin ko kasi na hindi mo ko masyadong kinakausap" dagdag


nya kaya naman bumangon ako at saka sya tinignan.

"Ha? Ganito naman na talaga ako dati pa. Kinakausap lang kita pag kinakausap mo ko"
ngumiti sya ng tipid at saka hinawakan yung kamay ko.

"Okay. I'll be honest with you, naiilang ako, remember that day? Yung tinulungan mo
ko para makapag confess kay Zero?" tumango lang ako sa tanong nyang 'yon kahit
hindi ko alam kung bakit pinag uusapan pa namin 'to.

"Narinig ko yung mga sinabi ni Zero sayo that time. Nakita ko sya sa malayo, I was
expecting na sa soccer field sya pupunta pero ibang daan yung nilalakaran nya. Sa
cafeteria. Nandoon ka that time kaya tumakbo ako at nag tago.."

"..I heard everything at aaminin ko na nasaktan ako pero hindi ako nagalit sayo"

"Akira, you really don't need to explain. Infact, I realy don't care. Kayo na diba?
Kaya okay na 'yon at saka isa pa, yung mga sinabi ni Zero noon, puro
kasinungalingan lang 'yon" ngumiti sya ng malawak at saka nag umpisang mag kwento.

Sabi nya nabigla rin sya sa mga pangyayari, na kesyo hindi nya inexpect na
tatanungin sya ni Zero kung pwede daw ba sya maging girlfriend, mabilis daw ang
pangyayari and I can see na masaya talaga sya. Para sakin sapat na 'yon. Hindi ko
na kailangan i-stress pa ang sarili ko sa mga nangyayari.

Sabi ko nga, do as they please. Wala akong pake. But that really sounds so bitter.
Mygod!

"Nag d-date ba talaga kayo ni Jester kanina? Hindi ko talaga inexpect 'yon, ang
alam ko kasi may gusto sakanya si Chloe eh. But I'm not sure" napangiwi nalang ako.
Si Chloe? Really?

"Yah date 'yon pero hindi naman talaga, ginagawa nya lang yung gusto ng parents nya
kaya lumabas kami kanina. And now that you mention it, lalabas muna ako. Pupuntahan
ko si Chloe" agad akong tumayo at lumabas. Dumiretso ako sa second floor kung
nasaan yung kwarto ni Chloe.

"Oh Erin" bungad nya pero pinapasok nya parin ako. Sya lang ang mag isa dito.

"Wala kang roommate?" tanong ko ng maupo ako sa kama.

"Meron kaso nag drop out sya kanina, mukang hindi nya na kinaya dito. Alam mo
naman, hindi lang kapansin pansin pero marami paring nabubully dito. Anyways, bakit
ka pala napapunta dito?"

"May gusto ka ba kay Jester?" diretso kong tanong at para syang nanigas mula sa
kinatatayuan nya.

"Hello! Chloe, are you still there? Humiwalay na ba yung kaluluwa mo tanong ko?"
bigla nalang syang tumalon sa kama at hinawakan yung balikat ko habang nakatingin
ng diretso sa mata ko. She's blushing too much.

"Okay, hindi mo na kailangan sumagot. Obvious naman na eh"

"Waah my god Erin, paano mo nalaman? Shit. Wag mo ipagsasabi sa iba okay? Satin
lang 'to. I trust you, please tayo lang makakaalam"

"Okay kalma. I really don't want to break your heart pero may balak ligawan si
Jester. That's sad you know? Well baka ganun talaga ang mga aberrant. Malas sa
love" natawa ako ng sabihin ko 'yon habang si Chloe nakatitig lang sakin.

"Wait. Wag mong sabihing, broken hearted ka? What happened? Ah. I know" tinignan ko
lang sya at nag abang sa sasabihin nya.

"Si Zero right? Nung papunta tayo sa infirmary. Aaah It's okay Erin. Tutal pareho
naman tayong hindi gusto ng gusto natin, tayo nalang" niyakap nya ako pero tinulak
ko sya na parang nandidiri.

"Ew. Alam kong maganda ako pero hindi ako papatol sa babae" natawa nalang kami
pareho. Nag tagal pa ako ng ilang minuto sa kwarto ni Chloe. Nag kwentuhan lang
kami ng nag kwentuhan.

First day of school pa pala sya may gusto kay Jester, nakakatuwa lang kasi mas lalo
kami naging close and for some reason. Mas pinagkakatiwalaan ko pa sya kesa kay
Aki. Well it's really strange or sadyang bitter lang ako? Grr.

Kinabukasan, inaya ako ni Aki pumunta sa harap ng gym. May sasabihin daw kasi si
Kevin. Hindi ko naman inaasahan na pag punta namin doon, makikita ko yung grupo
nila Zero at Josh. Nandoon rin si Chloe. What the hell?!
"Yes kumpleto na" nakangiting sabi ni Kevin.

"Bakit mo ba kami pinapunta dito?! Kung hindi lang kay Aki hindi ako susunod eh"
bored na sabi ni Zero and for some reason parang gusto kong manakit ng tao.

"Well birthday ko ngayon. Yey! Happy birthday to me" sya lang natuwa sa sinabi nya.

"Yey! Rest in peace" sabi ko at mabilis nyang nayakap yung braso ko.

"Ang sweet mo talaga sweetie"

"Shut up! Ano naman kung birthday mo?" irita kong tanong.

"Weekend naman kaya aayain ko sana kayo mag camp, sagot ko lahat. May alam akong
place. Sa Villa namin"

"Eh bakit kasama pa 'tong mga pangit na 'to?" sabi ni Jester sabay turo sa grupo
nila Josh.

"Eh kasi classmate ko sila. Sige na please oh, wag na kayo mag away. Sumama na
kayo. Birthday gift nyo nalang sakin. Please?"

"Nananadya ka ba?" tanong ni Alex.

"Okay teka kalma. Pag bigyan na natin si Kevin, kawawa naman eh" Sabi ni Chloe.

"Oo nga tsaka promise, hindi kami gagawa ng gulo. I told you we're here to make
friends with you and infact, mag kaibigan na nga kami ni Erin eh" sabi ni Josh ng
akma syang lalapit pero tinakpan ko na yung muka nya bago pa sya makalapit sakin ng
tuluyan.

"So what's the plan?" tanong ko kay Kevin.

"Maaga pa naman eh, mamayang 5:00 p.m kita kita tayo ulit dito. Bali monday na tayo
ng umaga makakauwe" sabi nya at sumangayon naman lahat. Bigla naman akong nilapitan
ni Xian at saka may binulong.

"Si Aki at Zero na ba talaga?" tanong nya at tumango lang ako. Pag tapos nun ay
napag desisyunan na ng lahat na bumalik sa kanya kanyang kwarto para makapag handa
ng gamit. Wala ng plano plano. Bahala na yung birthday boy, sagot naman nya lahat
eh.

Hours had passed, nakapagimpake na kami pareho ni Aki, sabay narin naming dinaanan
si Chloe sa kwarto nya para mag kakasama na kaming pumunta sa meeting place. Pag
dating namin, kami nalang pala ang kulang.

"Nasa labas na daw yung mini bus namin. Tara na?" excited na aya ni Kevin at nag
simula na kaming mag lakad.

"Erin" nilingon ko si Xian at nabigla nalang ako ng tanggalin nya yung bag ko sa
katawan ko.

"Bakit?"

"Ako na mag dadala. Parang mas mabigat pa sayo yung bag mo eh at ito. Suotin mo
yan" Inabutan nya ako ng jacket. The hell? Ang init kaya.

"Sige na suotin mo na. Kapos na naman sa tela yung suot mo. You're surrounded by
boys. It's not appopriate" Uh he's lecturing me again. Namiss ko 'yon.
"Hay hay. Ito na po" sinuot ko na yung jacket at sabay kaming nag lakad. Nasa
kaliwa ko sya habang nasa kanan ko naman si Chloe.

"Buti kahit walang Zero may Xian ka" Bulong nya.

"Shut up! Gusto mo tawagin ko si Jester?" mahina kong banta at umiling lang sya.
Napalingon naman ako sa likuran kung saan mag kaholding hands si Aki at Zero. Sila
Josh at yung mga kagrupo nya naman ay may kanya kanyang mundo. Ganun din sila
Tyler, Alex, Jester at Kevin.

Pag dating namin sa labas ng academy nandun na nga yung mini bus na sinasabi ni
Kevin. Isa isa na kaming umakyat.

"Alex, doon ka maupo sa tabi ni Tyler" sabi ko ng itulak ko sya paupo.

"Hoy panget, dito kana umupo para may katabi si Chloe" Hinatak ko yung bag ni
Jester at saka sapilitang inupo. Sinamaan ako ng tingin ni Chloe pero kumindat lang
ako.

"Sweetie" tawag ni Kevin.

"Erin" tawag ni Josh.

"Tabi tayo" sabay na sabi nung dalawa pero nginitian ko lang sila ng pilit.

"Bakit hindi nalang kayong dalawa ang mag tabi?" sabi ko sabay upo sa tabi ni Xian.
Nasa bandang dulo kami at ganun din sila Zero, not to mention na nasa kabilang side
lang sila ni Aki. Nice nice!

"Matulog ka muna" rinig kong sabi ni Zero sabay hawak sa ulo ni Aki. What the
fuck?! Bakit kasi tumitingin pa ako? Ugh. Naalala ko na naman yung ginawa nyang pag
halik sakin. Tss.

"Erin" saktong pag lingon ko kay Xian tumusok yung daliri nya sa pisngi ko.
Nginitian nya pa ako.

"Sakin ka lang tumingin" Mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko. Ngumiti
naman ako at nakipag palit ng pwesto sakanya dahil gusto ko malapit ako sa bintana.

Tahimik ang naging byahe, nasa tapat lang namin si Jester at Chloe na hindi man
lang nag uusap.

Maya maya ay biglang humarap sakin si Xian. Hinawakan nya yung buhok ko at may kung
anong ipinatong doon.

"Cute. Bagay sayo" Sabi nya at ng tanggalin ko. Isang cap na kulay puti na may
design na tenga ng bear? Ewan basta.

"Suotin mo yan para naman maranasan mo maging cute sa buong buhay mo" Sinamaan ko
sya ng tingin pero nginitian nya lang ako.

"Lagi ka nalang kasing maganda eh" dagdag nya pa sabay kurot sa mag kabilang pisngi
ko.

"Ang cheesy mo. Sarap mong ihagis sa bintana" sabi ko sabay gulo sa buhok nya. Nag
tawanan lang kami hanggang sa mag salita si Zero.

"Ang ingay nyo" seryosong sabi nya pero hindi namin sya pinansin. Nag patuloy lang
kami ni Xian sa pang aasar sa isa't isa.

Hindi ako nag sisisi na naging honest ako kay Xian, nasaktan ko man sya. Masaya
parin ako kasi hindi nya ko iniwan, close parin kami at nanatiling mag bestfriend
despite of what happened.

"Hey Xi. Thankyou" sabi ko at nginitian nya lang ako, pag tapos nun ay sinandal nya
yung noo nya sa noo ko.

"Kung nasasaktan ka, nandito lang ako" mahinang sabi nya at napapikit nalang kami
pareho. Sana makahanap si Xian ng mag mamahal sakanya ng sobra at kung sino man
yung babaeng 'yon. Sobrang swerte nya.

Chapter 28: Birthday camp (part 2)

Chapter 28: Birthday camp (part 2)


-

"Erin, wake up. We're already here" napahawak nalang ako sa leeg ko at saka nag
unat. Nakatulog pala ako sa balikat ni Xian. Pag tingin ko sa paligid wala na yung
iba.

"Nasaan sila?"

"Nakababa na. Tara na?" Aya nya at tumango lang ako. Mahaba haba rin pala ang
naging byahe namin. Inabot na kami ng 7:00. Pag baba namin sa mini bus isang
malamig na hangin ang humampas sa muka ko. The hell! Ang lamig dito. Tumingin ako
sa paligid, gubat at nag iisang bahay lang ang nandito. Wow, in all fairness, rich
kid 'tong si Kevin.

"Pumasok muna tayo sa villa para malapag yung gamit natin tapos ayusin natin yung
tent. Mas masarap sa labas, mag barbecue tayo tas mag lagay ng bonfire habang nag
k-kwentuhan, o kaya naman ilagay natin sa stick yung marshmallow. Gusto mo 'yon
diba sweetie?"

"Hey sweetie, guys pakinggan nyo ko" sabi ni Kevin pero walang nakinig sakanya kasi
nag lakad na kami lahat papasok sa villa. Muka namang kami lang ang nandito kaya
agad akong tumalon sa couch at naupo.

"Waaaah ang sarap dito. Hey Kevin, tutal may nagawa ka namang maganda sa buong
buhay mo. Anong gusto mong regalo?" tanong ko. Sobrang nakakarelax dito sa Villa
nila. Ang tahimik. Tanging pag wasiwas lang ng puno yung maririnig sa labas.

"Talaga sweetie? Reregaluhan mo ko? Uhm. Tabi tayo matulog" sabi nya at sabay sabay
nag punta sa harap ko si Tyler, Alex, Xian at Jester habang nakatutok yung kamao
nila sa muka ni Kevin.

"Ito gusto mo?" sabay sabay nilang tanong at wagas na umiling si Kevin.

"Ito naman, joke lang eh. Tawagin mo nalang akong sweetie ㅡ"

"Ayoko"

"Ha? Osige sabihin mo nalang na mahal mo ko ㅡ"

"Asa"
"Hmm, kiss mo nalang ako kahit sa cheeks lang. Yun nalang please" sinamaan ko sya
ng tingin pero tumayo parin ako at binigay yung hiling nya. Sa pisngi lang naman.

"Happy birthday" nakangiti kong bati pag tapos kong halikan yung pisngi nya. Hindi
sya kumibo at nakatayo lang habang nakatulala.

"Tara Xi, Chloe" Doon tayo sa labas. Aya ko at sabay sabay kaming lumabas kasama
sila Alex, sumama rin yung grupo ni Josh pati narin sila Aki at Zero. Sa madaling
salita. Lahat kami lumabas at iniwan mag isa yung baliw na si Kevin.

"Lamig dito, okay ka lang ba? Babalik ko na 'tong jacket" sabi ko kay Xi pero
umiling lang sya at inakbayan ako. Nakatingala lang kami sa langit, ang ganda ng
mga star.

CHLOE'S P.O.V

Nasa labas lang kaming lahat at may kanya kanyang mundo. Mag kasama si Xian at Erin
habang nakatingin sa mga stars.

Si Aki at Zero naman ay nasa isang sulok habang mag kahawak yung kamay. Parang ang
bilis ng pangyayare. Sila na ba talaga?

Yung grupo ni Josh ay nakaupo sa batong upuan habang nag k-kwentuhan. Busy naman si
Kevin sa pag tatayo ng tent kasama si Tyler, Alex at Jester. Ako lang ata yung mag
isa kaya lumapit na ko sakanila para tumulong.

"Ako na" Sabi ko kay Alex ng kukunin nya yung tent pole. Mabilis ko namang naabot
yun sakanya at saka nya kinabit.

"Chloe. Tara dito" tawag ni Jester sa kabilang side. Nabigla nalang ako ng bigla
nyang ipatong sa ulo ko yung jacket na nakapulupot sa bewang nya kanina.

"A-anong gagawin ko dito?"

"Suotin mo, malamig" natulala nalang ako sakanya. Oh my god! Gusto kong tumakbo kay
Erin para mag sumbong este mag kwento pero tinawag ako ni Alex.

"Chloe. Paabot naman nung iba pang tent poles" lumingon ako sakanya at saka hinarap
si Jester bago umalis.

"Salamat dito" Tumango lang sya kaya tumakbo na ko pabalik kay Alex. Nag madali
narin akong suotin yung jacket ni Jester. Sobrang lamig kasi talaga dito.

Hindi ko talaga alam kung bakit ko sya nagustuhan. Muka lang syang bad boy pero
mabait naman talaga sya. Sayang lang at may iba syang nililigawan but hell! Ang
sweet nya. Paano ako makakamove on aber?!

"Do you like Jester?" namutla nalang ako sa biglang tanong ni Alex. Hindi sya
nakatingin sakin at busy lang sa pag kabit nung mga tent poles.

"Hindi mo kailangan sumagot, haha. Keen ako remember? I know what is obvious"
dagdag nya at napatingin nalang ako sa sahig. Nakakahiya.

"Pwede mo ba ko tulungan pa sa ibang tent?" tanong nya at tumango lang ako. Maya
maya ay tumulong narin yung iba. May isang tent kasi na medyo malaki, doon ang
magiging pwesto naming tatlong babae. Pang dalawahan lang kasi yung ibang tent.

Ilang minuto ang lumipas ng matapos kami sa pag seset up ng tent. Nag tayo narin
kami ng bonfire, tuwang tuwa si Erin kasi may marshmallow na naman syang makakain.

"May binili akong alak, gusto nyo na bang uminom?" tanong ni Kevin at lahat
sumangayon.

"Hindi pa tayo kumakain" sabi ko, hindi kasi talaga ako umiinom. Ayoko naman maging
Kj pero wala pang laman yung mga tsan namin.

"Oo nga pala, osige. Iluto na muna natin yung barbecue tas ilalabas ko yung sinaing
ko sa loob" sabi ni Kevin ng tumayo sya. Sinamahan naman sya ni Akira sa loob at
nag karoon ng katahimikan. Si Kevin lang naman kasi yung maingay dito samin.

ERIN'S P.O.V

Nakakabingi. That's how I describe the atmposhere right now. Nakakabingi yung
katahimikan.

"Boring. Let's play" sabi ko. Nakapalibot kaming lahat ngayon sa bonfire habang
nakaupo sa mga sirang trunks ng puno. Napapagitnaan ako ni Chloe at Xian.

"Gusto ko yan. What kind of game do you want?" tanong ni Josh.

"Basagan ng muka" Seryoso kong sabi at saka sya tumawa.

"Ganyan na ganyan din itsura mo nung nag sparring tayo sa back building" sabi nya
at nag karoon ulit ng katahimikan.

"Nag sparring kayo?" tanong ni Xian at marahan lang akong tumango and to our
surprise, biglang tumayo si Zero at hinatak yung damit ni Josh patayo.

"Don't you ever lay a finger on her" sa sobrang lalim ng boses nya maging ako
kinilabutan and wait. Is he reffering to me?

"Hey. Teka, chill lang" sabi ni Jun ng pilit nyang ilayo si Zero.

"What happened?" napalingon ako sa likuran kung nasaan si Aki. Mabilis bumitaw si
Zero at saka lumapit sakanya para kunin yung mga dala nya.

"Wala misunderstanding lang" dumiretso silang dalawa sa may ihawan para iluto yung
barbecue. Nag usap silang dalawa habang si Tyler ay humingi ng tawad kay Josh.

"Ano bang problema nung lalaking 'yon? Kung makaasta sya para mas ikaw pa yung
girlfriend nya kesa kay Akira" sabi sakin ni Josh.

"He's just being protective. Kung hindi lang ako inunahan ni Zero ako mismo susugod
sayo pag nalaman kong sinaktan mo si Erin" seryosong sabi ni Tyler.

"Okay guys, seriously stop. Walang kasalanan si Josh. Ako nag aya sakanya mag
sparring pero tinakbuhan nya ko. Stop fighting, for once. Pag bigyan natin si Kevin
na maging masaya 'tong birthday camp nya" sabi ko at nag sitanguan lang sila.

"Aw. ang sweet talaga ng sweetie ko" bago pa ko mayakap ni Kevin mula sa likuran
naharang ko na yung kamay ko sa muka nya.

"Lubusin mo na 'tong kabaitan ko dahil bukas na bukas din bubullyhin kita"

"Kanina mo pa nga ako binubully eh" reklamo nya pa at nag kibit balikat lang ako
habang nakangiti.
More hour had passed, kalmado at nag sasaya lang ang lahat. Busog na sila kakakain
at may kanya kanya ng hawak na red cup. Habang ako marshmallow ang hawak.

"Hindi ka ba umiinom?" Tanong sakin ni Chloe. Namumula na sya kahit isang baso
palang nauubos nya.

"Umiinom. Nakalimang baso na kaya ako. Pahinga lang" sagot ko sabay ngiti. Nahagip
naman ng tingin ko si Zero na kasalukuyang nakikipag usap kay Aki. Yung ginawa nya
kanina, nacoconfuse na naman ako.

"Kev, saan yung cr?" tanong ko ng tumayo ako. I lost my balance pero nasalo ako ni
Xian.

"Alam ko, sasamahan na kita" sabi nya at tumango lang ako. Nag lakad kami papasok
sa villa.

"Marami ka na atang nainom"

"Hindi, na out of balance lang ako" sabi ko at saka sya nginitian. Hindi pa naman
talaga ako nahihilo. Hindi limang baso ang mag papatumba sakin.

"Nasa kaliwa yung cr. Hihintayin kita dito" sabi nya at tumango lang ako. Pag pasok
ko sa cr tinignan ko lang yung sarili ko sa salamin habang nakapatong yung kamay ko
sa lababo.

"What's wrong with you?" tanong ko sa sarili ko. Binobother ko na naman yung sarili
ko dahil sa pinapakita ni Zero. Napabuntong hininga nalang ako at saka nag hilamos.

Pag labas ko ng cr bumungad sakin si Xian.

"What's wrong?" tanong ko.

"Wala" sabi nya kaya nag lakad na kami sa hallway, he's acting weird. Sinisilip nya
muna yung dulo ng hallway bago ako palakarin.

"Ano ba yan? Nababaliw kana?" tanong ko at saka nag madaling mag lakad pero pag
tungtong namin sa sala doon tumambad sakin sila Aki at Zero na nag hahalikan.

Nanigas yung buong katawan ko dahil sa mga natutunghayan ko pero biglang hinawakan
ni Xian yung balikat ko at saka hinarap sakanya.

"Sakin ka lang tumingin" Nanlaki nalang yung mata ko ng hawakan nya yung gilid ng
leeg ko at hatakin. His lips touches mine, napapikit lang ako at napahawak sa damit
nya.

"E-erin? Xian?" Kumalas kami pareho ni Xian. Nag katinginan muna kaming pareho bago
lumingon kay Aki pero kay Zero unang napunta yung tingin ko.

Ang sama ng tingin nya kay Xian, as if gusto nyang sumugod.

"Babe, hindi mo dapat sila inistorbo" sabi ni Zero sabay hila kay Aki palabas.
Mabilis naman akong hinawakan ni Xian.

"Sorry"

"No, you don't need to say sorry. It's okay" nilingon ko sya at saka ngumiti. Hindi
nya binitawan yung kamay ko at mas lalo pang hinigpitan yung pag hawak dito.

"Erin. Ako nalang"


♛♕♛

Nawindang nalang ako sa sarili kong update! Lakas maka one more chance eh.

What team are you? Team Zerin or Xirin? Team Chloex or Chlester? lol. Lumulubog
yung ship ko eh.

Chapter 29: The truth behind everything.

Chapter 29: The truth behind everything.


-
XIAN'S P.O.V
Simula nung gabing 'yon hindi ko na nakita pang nag usap si Erin at Zero. Hanggang
ngayon iniisip ko parin kung bakit ginawa at sinabi ko yung mga bagay na hindi
dapat.
/Flashback/
"Erin ako nalang" hinigpitan ko yung pag hawak sa kamay nya. Hinarap nya ako at
saka hinawakan yung pisngi ko.
"Xi. Mahal kita pero alam nating pareho kung hanggang saan lang yung kaya kong
ibigay. Ayaw kitang gawing rebound or what para lang makalimutan ko 'tong mga
nararamdaman ko" ngumiti sya ng bahagya at saka hinawakan yung dalawa kong kamay
habang nakatingin ng diretso sa mata ko.
"You deserve someone better" dagdag nya at wala akong nagawa kundi ang yakapin sya.
Gustong gusto kong alisin yung sakit na nararamdaman nya.
"Let's go?" aya nya at tumango lang ako. Sabay kaming lumabas at nag patuloy sa pag
celebrate ng birthday ni Kevin na parang walang nangyari.
/End/
"Ze, papasok ka na ba?" tanong ko ng makitang nakasuot na sya ng uniform. Kanina
lang din kami umuwe galing sa camp at hanggang ngayon wala parin akong naiisip na
paraan para masabi nya yung bagay na itinatago nya.
"Hindi ko natanong sayo 'to nung nasa camp tayo. Kayo na ba ni Erin?" humarap sya
sakin at tinignan ko lang sya. Alam kong may tinatago syang sikreto sakin. He's
acting really weird.
"Yes kami na. I'm actually going to ask her to marry me. Can you help ㅡ" hindi ko
naituloy yung sasabihin ko dahil nabitawan nya yung hawak nya.
"Marry her? Xian. She's only 17. Bata pa kayo" gusto kong tumawa sa reaksyon nya.
Masyadong obvious na kontra sya sa mga sinabi ko. Come on konti pa. Kailangan ko
pang galingan ang pag sisinungaling.
"Malapit narin syang mag 18, ganun rin naman ako. Can you help me? Mag p-propose ㅡ"
"No, I can't help you. Aalis na ko" bakas na bakas sa boses nya ang pag kadismaya.
Paalis na sana sya pero nag salita ulit ako.
"Bakit? Dahil mahal mo sya?" sabi ko at tila natigilan sya. Hindi nya ata inaasahan
na sasabihin ko yung bagay na 'yon. Hinarap nya ako at nanlaki nalang yung mata ko
ng makitang may luha yung mga mata nya.
Mabilis nya iyong napunasan at saka naupo sa kama habang nakahawak yung dalawa
nyang kamay sa ulo nya.
Nakayuko lang sya at hindi nag salita ng ilang minuto. Ramdam na ramdam ko yung
sakit sa pag titig lang sakanya ng ganito.
"Sorry Xian. Ayokong mag sinungaling sayo at ayaw rin kitang saktan pero mahal na
mahal ko si Erin. Hindi ko na kayang itago" that word made me smile. Tumayo ako at
saka naupo sa tabi nya.
"Finally" Inangat nya yung ulo nya ng sabihin ko 'yon.
"What do you mean?"
"Nag sisinungaling ako, hindi kami ni Erin and that will never happen because she
likes you" ngumiti ako at saka sya inakbayan.
"No way! Nag sasabi ka ba ng totoo?" napatayo nalang sya bigla.
"I'm a probity. Remember? Now tell me Zero. What's going on?" seryoso kong tanong.
"Wait. Are you serious? Gusto ako ni Erin? But I saw you kissing the other night"
lumapit sya sakin at saka hinawakan yung balikat ko. Now he's in his usual self.
I'm really tired of seeing his cold expression. Sabi na at may dahilan lahat ng mga
ginagawa nya. All that happened was a lie.
"Nakita nya kayong nag hahalikan ni Akira, alam kong nasaktan sya kaya hinarap ko
sya sakin and I ended up kissing her.."
"..alam kong hindi ko dapat 'yon ginawa but Zero, gusto ka ni Erin at hindi man nya
sabihin, alam kong nasasaktan sya" dagdag ko, napasabunot nalang sya sa buhok nya.
Ilang minuto syang natahimik at saka tumingin ng diretso sa mata ko.
"Hindi ko gusto si Aki, I'm dating her on purpose" he blurted. I knew it!
"Gusto kong mapalapit sakanya dahil may nalaman ako.. Remember Sunny?" tanong nya.
"Sunny? Wait. Yung babaeng malaki ang galit kay tita Rain? Yung kinuwento satin ni
Tito Jasper noon?" tumango lang sya sa tanong ko.
Madalas kasi ikwento ng mga magulang namin yung mga nangyari sakanila noon, kaya
nga idol namin sila, yung friendship nila. Hindi matatawaran. Bilib na bilib rin
ako kay tita Rain and tito Thunder..
"Anong meron? What about her? Anong kinalaman nya sa mga pinag gagagawa mo?"
"Sunny is Akira's Mother" sabi nya at hindi ako kumibo.
"Nag confess ako kay Erin at kinabukasan nun, nakipag kita ako kay Akira just to
clear things na hindi ko sya gusto. That time nauna syang pumunta sa meeting place
and she's talking to someone over the phone.."
"Mom, hindi ko kaya yung pinapagawa nyo, kaibigan ko si Erin. Just stop this
nonsense, mabait na tao yung gusto nyong gawan ko ng masama.. Ayun yung narinig
kong sinabi ni Akira. Hindi muna ako nag pakita at pinakinggan pa yung mga
sasabihin nya sa kausap nya"
"Please.. Kaibigan ko si Erin. She had nothing to do with your past, kahit anong
sabihin nyo hindi ko t-traydurin si Erin.. After nyang sabihin 'yon, she hang up
kaya nag pakita na ako sakanya.."
"..I came up with the idea na kilalanin si Aki at malaman kung ano yung nangyayari.
She likes me so I took it for granted, I asked her to be my girlfriend, believe it
or not, nakokonsensya ako. Mabait si Aki pero wala akong nakikitang ibang paraan
para mas mapalapit sakanya.. Kailangan kong malaman yung bawat kilos nya just to
make sure na walang masamang mangyayari kay Erin.."
"Sobrang nasasaktan ako pag nakikita kayong mag kasama, sorry Xi. Alam kong mahal
mo din si Erin pero hindi ko kayang pigilan yung nararamdaman ko para sakanya"
Ngumiti lang ako at hindi nakapag salita dahil hanggang ngayon gulat parin ako sa
dahilan ng mga ginagawa nya. May kinuha sya sa drawer nya at saka binigay sakin.
Isang papel.
"Nag search ako tungkol kay Aki at ayun nga nalaman ko na yung Sunny na malaki ang
galit kay tita Rain at yung Sunny na mother nya ay iisa.."
ERIN'S P.O.V
"Akira, hindi ako papasok. Inaantok pa ako" hinatak ko yung kumot at saka
tinalukbong sa buong katawan ko kasama ulo.
"Nakatulog ka naman sa byahe kanina eh.. Bumangon ka na. Malelate kana" naramdaman
ko syang naupo sa kama. Tanggap ko na yung nangyayari, dahil sa camp na yun
narealized ko na hindi pa ako ganun katatag but I can finally say that I already
moved on from the pain. Kaya ko ng harapin si Zero.
"Gusto mo tawagin ko si Xian?" Tinanggal ko yung kumot at nakitang nakangiti sya ng
pilya. Hanggang ngayon di parin sya makamove on sa nakita nya.
"I told you, we're just friends. Fine! Papasok na ko. Mag bibihis lang ako" sabi ko
at saka kinuha yung uniform ko. Paalis na sana ako ng bigla nalang mag ring yung
phone ko.
"Hey mom! What's up? Napatawag ka?"
"Can we meet?"
"Mom, kung makapag aya ka parang nandito ka pa sa Pilipinas"
"Yah, we're still here. I forgot to tell you na hindi pa kami bumabalik sa America
simula nung mangyari yung gulo sa party"
"Are you kidding? Mom naman bakit ngayon mo lang 'to sinasabi?"
"I'll explain to you later. Susunduin kita after class okay? Bye" napanganga nalang
ako habang nakatingin sa phone. The hell? Nandito pa pala sila ni dad.
Hours had passed, tahimik akong nakaupo sa upuan. Ang boring, pansin ko rin ang pag
iiba ng aura ng katabi kong si Zero.
Ayoko mang humikab, napahikab parin ako ng malakas at saka nag unat. Eyes were on
me. As if I care.
"If this class is too boring for you Ms. Cross. Bukas ang pinto, malaya kang
makakaalis" sabi ng prof kaya tumayo ako, last subject naman na eh.
"Bye guys, mag kikita pa kami ni mom" sabi ko at saka nag madaling lumabas. Mabilis
ko ring nakontak si mom na maagang nadismiss ang klase. Tch Liar!
"How's school?" tanong ni mom ng makasakay na kami sa kotse nya. Mukang mag i-stay
sila dito ng mahaba haba dahil bumili sila ng bagong kotse.
"Boring, walang thrill mag turo yung prof eh. By the way mom, bakit hindi pa kayo
umuuwe?"
"I'll tell you later. It's a surprise" sabi nya at napatingin nalang ako sa
bintana. Gusto kong iopen up kay mom yung about kay Zero pero nahihiya ako.
Ilang minutong byahe at huminto kami sa isang pastry shop. Sabay kaming bumaba ni
mom at saka pumasok sa loob.
Malayo palang naagaw na ng atensyon ko yung babaeng kulay pula ang buhok. Sa tingin
nya ba ikinaganda nya yan? Tss.
"I'm sorry" bigla nalang sabi ni mom. Mukang nakabangga nya ata yung kasama nung
weirdong babae. Boredom strikes again, nilibot ko yung paningin ko at nag hanap ng
mauupuan.
Luckily, may nakita ako. I was about to pull the chair pero may humawak dito. The
weird girl with a red hair.
"I found this table first" sabi nya at napangisi nalang ako. She must me blind.
"But I touched it first" hindi mawala ang pag ngisi sa muka ko and to my surprise
bigla nalang syang naupo, nagawa nya pa akong irapan. Uh, maybe she wants to mess
up with me. Okay papatulan ko na since nabobored ako.
Sinipa ko yung upuan na inuupuan nya, just to make sure na matibay yung upuan. Muka
namang matibay dahil hindi sya natumba. Napatayo lang sya sa galit.
"Oh? Galit ka na nun?" I crossed my arms at saka sya nginisian. If she wants to
mess with me. Panindigan nya.
"Since ako ang unang nakahawak nitong table. Sa amin nalang 'to okay?" Nginitian ko
pa sya na may halong pang aasar at saka naupo pero hindi talaga sya nag papatinag,
hinila nya yung upuan dahilan para mapaharap ako sakanya.
"You're bitchier than I thought" sabi ko at mag sasalita pa sana sya pero narinig
ko yung boses ni mom at yung babaeng nakabangga nya kanina.
"Erin!"
"Scarlett!"
"Ano bang nangyari?" Lumapit sila samin.
"I found this table first but ㅡ"
"I touched it first" pag putol ko. Hindi ba sya makamove on? At hello? Hindi naman
ako ang unang makakahawak ng pwesto na 'to kung hindi ako ang unang nakakita. Ano
bang ipinaglalaban nya? It's just a fucking chair.
"Whatever" Inirapan nya pa talaga ako. Tss.
"Let's just share okay?" Sabi nung babaeng kamukang kamuka ni tita Pink. Weird.
"But mom ㅡ"
"I agree tutal good for four naman ang table na 'to" napalingon nalang ako kay mom
but in the end wala parin akong nagawa kundi ang makipagshare sa babaeng weirdo na
'to. Nakakairita na, quality time dapat namin 'to ni mom eh. Hindi nya na
naiexplain ang dapat iexplain!
"Sakit sa mata ng pulang buhok mo. Bakit kasi pumwesto ka sa harap ko?" Iritang
sabi ko pero sinuway ako ni mom.
"Mas masakit sa mata yang muka mo" bulong nya pero sapat na para marinig ko. Kung
wala lang talaga si mommy kanina ko pa itinusok 'tong tinidor sa muka ng babaeng
'to eh.
"Bluenica, you really look like my friend" sabi ni mom sabay harap sakin.
"Right Erin?"
"Yeah yeah. Tita pink" bored na sagot ko at saka sila nag kwentuhan. Kamuka din daw
ni mommy yung former gangmate ni tita Bluenica. Talking about gangster in front of
their daughters. Tch.
Lumipas pa ang ilang minuto, sa wakas at mag hihiwalay narin kami ng landas.
"Let's hang out if you have free time okay?" Sabi nung mom ni Scarlett at tumango
naman si mom. Bago tuluyang umalis tinignan ko muna yung weirdong babae. Tatandaan
ko muka mo pero sana lang wag na kaming mag kita pa. Baka hindi kita matantsa.
Pag punta namin sa tapat ng kotse napahinto si mom
"Why?" Tanong ko at may babaeng lumapit samin. Nakangiti lang 'to samin.
"Long time no see Rain" sabi nya at saka ibinaling sakin yung tingin. Mag sasalita
sana ako kaso nag salita ulit si mom.
"S-sunny"
♛♕♛
Reveal kung reveal. May nag bago ba sa shiniship nyo? HAHA solid #Zerin kasi ako eh
lol. Bias!!!
By the way, si Scarlet at Bluenica ay galing sa story na Capture the Bullet. Sa
ibang story sila galing so hindi sila official character dito sa MA. It's just a
fun collaboration with my wattpad friend PinkuXtel. Read nyo story nya :)

Chapter 30: The start of storm.

Chapter 30: The start of storm.


-

"Mom, sino sya?" Tanong ko at hinawakan nya ako bigla.

"Ah. Call her tita Sunny, isa sya sa mga naging acquain ㅡ"

"Let me just correct your mom, fiancé ako ng yumaong kapatid ng papa mo. Pero
namatay nga sya kaya walang kasal na naganap.. Ang laki mo na" nginitian nya ako
pero nabobother ako sa presence nya.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni mom. Ramdam na ramdam ko yung tensyon sa pagitan
nila.

"I'm just passing by nang makita kita. I just want to say na kung ano man yung
nangyari noon. Nakalimutan ko na and for Cloud's sake narin. Let's be friends?"
Inabot nya yung kamay nya at hinawakan naman 'yon ni mommy.

"Sure. Let's meet again soon okay? Nag mamadali kasi kami ng anak ko. It's nice to
see you. Sunny, una na kami" nag ngitian lang silang dalawa at sumakay na kami ni
mom sa kotse.

"I don't believe na gusto nyang makipagkaibigan. Obvious naman na napipilitan lang
sya. What's with that girl?" Tanong ko.

"The feeling is mutual anak. There's no way na makikipagkaibigan sakin 'yon. I'm a
100% keen remember? obvious na nakikipagplastikan lang sya"

"I know pero ano ba talagang nangyari sainyo noon?"

"Past is past anak. So by the way, nasarapan ako sa pakikipag kwentuhan kanina sa
pastry shop, nakalimutan ko ng ipaalam yung surprise sayo" agad kong naibaling yung
tingin kay mom.

"I'm two months pregnant"

"What?! Buntis ka? Pero kung makipaglaban ka sa party noon daig mo pa ako. Kamusta?
Healthy ba si baby? Wala bang naging problema?" natawa nalang si mom habang nag d-
drive.

"Chill Erin, okay ang baby pero kami ng dad mo? Hindi. Paano ba naman, ako na daw
ang nag pangalan sayo noon kaya kahit anong mangyari sa ayaw ko man o gusto,
ipapangalan nya na sa baby yung dapat pangalan mo noon"

"What name?"

"Storm" kibit balikat na sagot nya at napanganga nalang ako.

"The hell? May pag ka alien talaga si dad minsan" naiiling na sabi ko at marami pa
kaming pinagkwentuhan habang nasa byahe. Sana huminto yung oras. Gusto ko pa sya
makasama ng matagal.

Dito muna daw sila sa Pilipinas titira kaya pwede akong dumalaw dalaw sa bahay
namin noon kasi nandoon na ulit sila. I really can't believe na mag kakaroon na ako
ng kapatid. Naeexcite ako. Mygod!

"Bye mom, message ka pag nakauwe kana ha? Mag ingat kayo ni baby. I love you,
ikamusta mo ako kay dad" sabi ko habang nakasilip sa bintana ng kotse.

"Okay, mag ingat palagi ah? Be a good girl. I love you" kumaway lang ako at nag
maneho na sya kaya pumasok na ako sa academy pero hindi ko inaasahan na sila ang
bubungad sakin.

"Why?" Tanong ko sa lima, himala lang talaga dahil nandito rin si Zero.

"Anong meron?" Tanong ko ulit dahil hindi sila kumikibo. Parang may masamang
nangyari.

"Nawawala si Chloe" sabi ni Alex kaya nanlaki nalang yung mata ko.

"Nakatanggap ako ng tawag mula sakanya kanina, parang may humahabol sakanya na
hindi ko maintindihan and after that wala na. Naputol yung tawag" kwento nya at
saka inabot sakin ang isang cellphone.

"At ito, nakita ni Jester malapit sa parking lot" naisara ko nalang yung kamao ko.
Cellphone 'to ni Chloe. Saktong mag sasalita sana ako ng mag ring yung phone ko.

"Sino 'to?"

"Kamusta? Kasama ko nga pala yung kaibigan mo"

"What the hell?! Sino ka? Anong ginawa mo kay Chloe?!"

"May ibibigay akong address let's meet there" Agad nyang binaba yung tawag kaya
hindi na ako nakapag tanong pa.

"What? Sino 'yon?" tanong ni Alex.

"Aalis ako ㅡ" Akma na sana akong tatalikod pero mabilis akong nahatak ni Zero.

"What? Nababaliw kana? Ni hindi mo nga alam kung sino yung tumawag sayo"

"Wala akong pake, hawak nila si Chloe" tinitigan lang akong mabuti ni Zero. Yung
mga tingin nyang yan. Ano bang gusto nya iparating?

"Sasama ako"
"Wag na, kaya kong mag is ㅡ"

"Sasama ako! Tara" Mabilis nya akong nahatak at saka hiniram yung motor ni Jester.
Hindi na sumama yung iba dahil pinigilan ko na sila bago pa sila mag presinta.

Pag alis na pag alis namin ni Zero, tahimik lang akong nakaangkas sa likuran nya.
Pinakita ko sakanya yung address na minessage nung lalaking kausap ko. East
district, doon kami papunta ngayon.

"Erin" Rinig kong tawag sakin ni Zero. Wala kaming suot na helmet dahil sa pag
mamadali.

"Why?"

"Nothing" napataas nalang ako ng kilay. He's acting weird again.

Pag tapos ng halos isang oras na byahe ay huminto na si Zero sa isang bakanting
lote. May kinakalawang na gate at isang maliit na bahay mula sa dulo ng lote.

"Sure ka ba na dito?" tanong ko at tumango lang sya. Binuhat nya ako bigla patawid
doon sa gate at sumunod sya. Marahan naman kaming nag lakad papunta sa bahay,
masyadong matataas yung damo rito. Sakit sa binti.

"Ah" Napahawak nalang ako sa paa ko ng maramdamang may tumusok dito. Mabilis naman
akong nalapitan ni Zero. Nanlaki nalang yung mata ko ng pasanin nya ako.

"Ano ba! Ibaba mo ako"

"Masusugatan lang yang hita mo sa mga damo" sabi nya at kaagad din nya akong
nilapag ng makalagpas na kami sa damuhan. Nasa tapat na kami ng lumang bahay,
pasimple lang akong sumilip sa loob nito pero walang tao.

Sinubukan kong tawagan yung number kanina at agad naman nya 'yong sinagot.

"Too late, better luck next time" sabi nito.

"What the fuck are you saying? Nandito na ko!"

"I know but wala sa usapan natin ang mag sama ka. Just wait for my next call"
binaba nya yung tawag kaya nasipa ko nalang yung pintuan.

"Bakit?" tanong ni Zero.

"Wala sila dito"

"Tara na, mag gagabi na, bumalik na tayo. Magiging okay si Chloe" sabi nya at saka
bumalik sa motor ni Jester, kung sino man ang mga walangyang gumagawa nito,
sisiguraduhin kong pag sisisihan nila 'to! Red org man yan o ano, ako dapat ang
puntirya nila! Hindi nila kailangan idamay yung mga kaibigan ko. Fuck!

"Oh bakit?" Irita kong tanong ng huminto si Zero sa kalagitnaan ng daan kung saan
walang kotse ang dumadaan. Kamusta naman.

"Wala ng gas. Bumaba ka" sabi nya kaya bumaba ako at saka nya iginilid yung motor.
Nilabas nya yung phone nya pero lowbat kaya inilabas ko yung akin pero pag
minamalas ka talaga. Walang signal!

"The hell! Zero! May balat ka ba pwet?" sigaw ko sa inis habang nakasandal kami
pareho sa motor ni Jester. Walang kahit anong sasakyan ang dumadaan dito, wala pang
kahit na anong establishment.

"Tignan mo pa kung meron!" Sigaw nya pabalik.

"As if titignan ko yan kadiri!"

"Baka ikaw ang may balat!" tinignan ko sya ng masama at saka nag iwasan ng tingin
habang pareho kaming nakacross arm.

Shit! Mag aalasais na kamusta naman diba! Aabutin na kami ng gabi dito. Mahaba pa
yung byahe pabalik sa west district.

"Tara mag lakad na tayo, baka makahanap tayo ng gas station" sabi nya at saka
hinila yung motor ni Jester. Nakasunod lang ako sakanya hanggang sa ayun na nga,
inabot na kami ng gabi sa daan.

Halos isang oras na kaming nag lalakad ng huminto si Zero dahil may isang
establishment syang nakita.

"Dito na tayo mag palipas ng gabe, sure naman ako na may telepono sila sa loob.
Makitawag nalang tayo para masundo tayo nila Xian bukas" sabi nya at napanganga
nalang ako.

Motel? Kaming dalawa? What the hell! pakisapak nga ako ng magising ako sa
katotohanan na ang malas ng araw ko ngayon!

Pinarada nya yung motor at saka kami pumasok sa loob, dumiretso naman sya sa front
table.

"Miss, may available pang kwarto? Dalawa. Tig isa kami" sabi nya sabay turo sakin.

"Ah sorry sir, isa nalang po ang available na kwarto" nahampas ko nalang yung table
at saka tinitigan ng masama yung babae.

"Pwes gumawa ka ng paraan para maging dalawa!" agad akong hinila ni Zero palayo dun
sa babae.

"Kumalma ka nga! Sorry miss, sige kukunin ko na yung isang kwarto" napasandal
nalang ako sa pader habang nakikipag usap si Zero. Maya maya ay hinatak nya na ako
papasok sa isa sa mga kwarto.

"Makikitawag lang ako, titingin narin ako kung may pag kain sila dito" sabi nya at
saka sya lumabas. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. Bakit ba kinabahan ako bigla?
Ugh! I can't imagine na mag sasama kami ng Zero na 'yon sa iisang kwarto ng kaming
dalawa lang. Overnight pa. Ugh!

Nasubsob ko nalang yung unan sa muka ko. Nanatili akong ganun hanggang sa
maramdamam kong bumalik na sya.

"Hindi na makalabas si Xian ng academy. Bukas pa nila tayo masusundo. May pizza din
sila dito, bumili ako. Hintayin mo nalang" sabi nya sabay upo sa may upuan na
katabi lang ng kama. Tinanggal ko yung unan sa muka ko at saka bumangon habang
nakaharap sakanya.

"Sa sahig ka matulog" agad nyang naibaling sakin yung atensyon nya.

"Asa ka! Ang luwag ng kama. Lagyan mo nalang ng unan sa gitna. Akala mo naman r-
rapin kita. May Akira na k ㅡ" hindi nya naituloy yung sasabihin nya at bigla nalang
nag bago yung ekspresyon ng muka nya.
"Alam mo naman palang may Akira ka na eh! Hindi yun matutuwa pag nalaman nya 'to
kaya sa sahig ka matulog" tumayo ako saka pumasok sa banyo para mag hilamos.
Naistress na naman yung kagandahan ko.

Pag labas ko naman si Zero agad yung bumungad sakin. Nanlaki nalang yung mata ko ng
bigla nya akong yakapin.

"Sorry" nag salubong nalang yung kilay ko. Ano na naman pinagsasabi nya?

"Sorry for what? Bitawan mo na ako" sabi ko ng pilit ko syang itulak. Humarap naman
sya sakin. Ito na naman yung mga tingin nyang nakakaconfuse.

"I lo ㅡ" hindi nya naituloy yung sasabihin dahil may kumatok.

"Baka ayan na yung pizza" sabi ko at kumunot nalang yung noo ko ng sipian nya yung
upuan bago buksan yung pinto.

"Ano?" iritang tanong nya sa lalake.

"S-sorry ito na po yung ㅡ" hindi nya pinatapos sa pag sasalita yung lalake at agad
kinuha yung pizza sabay sarado ng pinto.

"Ano bang problema mo? Inaatake ka na naman ng kaabnormalan?" tanong ko ng lapitan


ko sya. Hindi sya sumagot at kumain lang ng pizza habang nakaupo kaming pareho sa
kama.

Tahimik lang kami hanggang sa maubos na namin yung isang box.

"Ano 'to? Walang panulak?" tanong ko dahil kanina pa ko nabubulunan. Ayoko lang mag
salita kasi ang awkward.

"Bibili ako" sabi nya at saka sya lumabas. Ano kaya yung sasabihin nya dapat
kanina? Nagiging weird na naman yung mga kinikilos nya. I hate that side of him.

Pag balik nya agad nya saking binato yung bote pero nasalo ko 'yon. Pag inom ko
naupo sya sa may upuan malapit sa kama. Nakatingin lang sya sakin habang nakapatong
yung baba nya sa may sandalan ng upuan.

"Pag natapos lahat ng problemang nangyayari. Pwede ba kitang mahalin ng walang


kahit sinong humahadlang?"

♛♕♛

Bitin! Sorry na. Just want to inform you guys na napublished ko na yung Agent88:
Entering all boys school. Action story 'yon. So sana basahin nyo. Thankyou ♥

Chapter 31: Finding the traitor.

Chapter 31: Finding the traitor.


-

What the fuck?! Naibuga ko nalang yung iniinom ko.

"What the hell Zero?!" Sigaw ko at tumawa lang sya.

"Nag jojoke lang ako" sabi nya at saka yumuko habang nakasara yung mga kamao nya.
"Humarap ka nga sakin. Anong problema? You're acting really weird. Nag away ba kayo
ni Aki?" Tanong ko. Tumingala naman sya at saka binaling sakin yung tingin.

"Hindi kami nag away. It's just that. Nahihirapan na ako" nag salubong nalang yung
kilay ko.

"Nahihirapan saan? Kanina ka pa nag sasalita ng kung ano ano. Kanina nag sosorry ka
ng walang dahilan. What's the problem?" Tanong ko. Tumayo naman sya at saka naupo
dito sa kama katabi ko.

"Nothing, matulog kana" ginulo nya pa yung buhok ko habang nakangiti. Nag iba
talaga yung aura nya. Ano bang nangyayari sakanya?

"It's still early. Hindi pa ako makakatulog" sabi ko at saka sumandal sa headboard.

"Just tell me what's the problem" tinignan ko lang yung likuran nya. Inaantay ko
syang mag salita pero wala syang kahit anong sinabi kaya binato ko sya ng unan.

"Aray ah" sabi nya sabay bato sakin pabalik. Napipikon na ako sa lalaking 'to
kanina pa. Tumayo ako at hinampas sya ng malakas sa ulo. Tumayo rin naman sya at
kumuha pa ng isang unan para hampasin rin ako.

"Napakaungentleman mo!" sigaw ko.

"Napakaamazona mo naman!" sigaw nya at masyado na atang malakas yung pag kakahampas
ko dahil bumulagta sya sa kama habang nakapikit.

"Hey! Zero! Wake up" sinampal sampal ko ng mahina yung pisngi nya para magising.

"Zero. Stop joking around" inangat ko yung talukap nya at saka hinipan yung mata
nya pero hindi parin talaga sya gumagalaw.

"Zer ㅡ" bigla syang dumilat at saka ako tinulak kaya napahiga ako. Nanlaki naman
yung mata ko ng makitang nasa itaas ko sya. What the hell!!

"Kinabahan ka no?" natatawang tanong nya pero hindi ako nakakibo. Pakiramdam
sasabog na sa pula yung muka ko.

"You really think it's funny? Susuntukin talaga kita ng tuluyan ka ng mawalan ng
malay" inirapan ko sya at saka tinulak. Naupo ako at sumandal naman sya sa
headboard habang nakangiti sakin.

"Nakakamiss kang makasama" fuck ayan na naman sya sa mga weirdong pananalita nya.

"Yah. I miss this too. So tell me, anong feeling ng mainlove? Kwentuhan mo naman
ako" sabi ko at saka sumandal din sa headboard.

"Mahirap na masaya. Mahirap kasi hindi ko masabi yung mga gusto kong sabihin, hindi
ko maipakita kung gaano ko sya kamahal pero masaya parin kasi kahit papaano
nakakasama ko sya" nilingon ko sya at saka hinampas ng mahina.

"Bakit hindi mo masabi? Lagi mo namang nakakasama si Akira. Tss mahina ka pala eh"

"Kung alam mo lang" sabi nya at saka ako nilingon.

"You're really weird" tinawanan nya nalang yung sinabi ko at pareho kaming
natahimik.
ZERO'S P.O.V

Parang may mabigat na bakal ang nakapatong sa dibdib ko. Dahan dahan kong minulat
yung mga mata ko at nakitang mahimbing na natutulog si Erin habang nakayakap sakin.
Napangiti lang ako habang pinag mamasdan sya.

Ang payat pero ang bigat ng braso. Ipinahinga ko lang yung ulo ko sa kamay ko. Sana
huminto yung oras, alam kong mali 'to kaya maaga palang sasabihin ko na kay Akira
yung totoo. Alam kong masasaktan sya pero handa akong tanggapin lahat.

Gagawin ko lahat para hindi na malayo sakin si Erin, kahit buhay ko pa ang kapalit.
Wala akong pake.

"Hoy. Babaeng marshmallow" tawag ko ng pitikin ko yung noo nya.

"Ano ba susuntukin kita" she mumbled. Napangiti nalang ako. Cute.

"Are you aware kung nasaan yung kamay mo?"

"Ano ba ㅡ" nanlaki nalang yung mata nya at agad napabangon. Kinuha nya pa yung
kumot at nilagay sa dibdib nya.

"W-what did you do to me?" natawa nalang ako sakanya.

"Asa ka namang may gagawin ako. Mag ayos ka na" sabi ko at saka tumayo. Dumiretso
naman ako sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush.

Maya maya lang din ay nakapag ayos na si Erin. Lumabas na kami sa kwarto at nag
punta sa may gilid ng kalsada habang hawak hawak ko yung motor ni Jester.

"Dadating narin si Xian maya maya" sabi ko pero tahimik lang si Erin.

"Hoy! Kinakausap kita. Ano na namang iniisip mo?"

"Wag mo kong kausapin" sabi nya at napailing nalang ako. Abnormal din talaga sya
minsan eh. Wag nya sabihing nahihiya sya sakin? Argh. Gusto ko syang yakapin. Ang
cute nya.

ERIN'S P.O.V

The hell was wrong with me? I let my guard down. Ugh stupid Erin! Stupid!

"Nakabalik na si Chloe" sabi ni Xian ng makasakay kami sa kotse nya habang nasa
itaas yung motor ni Jester.

"What? Paano?!"

"Si Alex at Jester" simpleng sagot nya at nakahinga nalang ako maluwag at saka
sumandal habang si Zero nakatingin lang sa labas ng bintana. Doon sya nakaupo sa
tabi ni Xian kaya hindi ko makita kung anong ekspresyon meron sya ngayon.

Habang nasa byahe nag ring yung phone ko. The number before.

"Hi. Ibinalik ko na nga pala yung kaibigan mo. Nakita ko ring sinalubong sya nila
Alex at Jester. She's safe"

"Sino ka ba? Kung makapagsalita ka parang kilalang kilala mo kami!"

"Ofcourse. You know me but, not very well" binaba nya yung tawag at agad akong
tinignan ni Xian mula sa rear mirror habang si Zero ay nakalingon sakin.

"Sya na naman ba?" tanong nya.

"Oo. Pakiramdam ko kakilala lang natin 'tong tumatawag na 'to eh. Hindi ko lang
maidentify yung boses kasi gumagamit sya ng voice changer"

•••

Pag balik sa academy agad akong dumiretso sa kwarto kung saan nakaupo lang si Akira
sa kama. Nang makita nya ako agad nya kong niyakap.

"What happened? Ayos lang ba kayo ni Zero?" Nag aalalang tanong nya.

"A-ayos lang kami, alam mo na yung nangyari?"

"Pinaliwanag sakin ni Xian kagabe. Si Chloe? Kamusta?"

"Hindi ko pa sya nakikita eh, pero sabi ni Xian nakabalik na daw sya" tumango lang
sya at saka hinawakan yung kamay ko.

"Mamaya after class, pwede ba tayong mag usap? Kasama si Zero" sabi nya kaya naman
bahagyang nag salubong yung kilay ko.

"Why?"

"Basta. Sige na mag asikaso ka na para makahabol ka pa sa klase. Mauuna na ako ha?"
Tumango lang ako at lumabas na sya. Pumasok narin ako sa banyo para maligo. Ano
naman kaya yung pag uusapan? At bakit kasama pa si Zero?

Pag pasok ko sa classroom naging normal naman ang lahat hanggang sa mag breaktime
na.

"Sino yung mga kumuha sayo? Namumukaan mo ba?" Ayun agad ang binungad ko ng makita
ko si Chloe.

"Hindi. Nakamaskara sila eh. Kinidnap lang nila ako para takutin ka. I'm okay hindi
nila ako sinaktan" nakangiting sabi nya.

"I'm sorry" napayuko nalang ako pero hinawakan nya yung kamay ko.

"I told you, kasama mo akong lalaban. Hindi tayo papatalo sa mga pilit gumugulo sa
buhay mo" napangiti lang ako ng tipid at saka tumango.

"Gusto mo bang maging bodyguard mo ko?" Suhestiyon ni Kevin.

"Hay nako. Baka si Chloe pa ang maging bodyguard mo. Duwag ka kaya" Pang aasar ni
Aki at nag tawanan nalang kami. Napatingin ako sa pwesto nila Josh, masaya lang
silang nag k-kwentuhan. Lumingon din ako kila Zero at ganun lang din sila.
Everything seems normal pero I really have this strange feeling.

"Describe mo nga yung kumuha sayo" sabi ko kaya naibaling nila sakin yung atensyon.

"I am not sure pero mga kasing katawan siguro ni Zero" tumango lang ako at saka
ipinag patuloy yung pag kain. Paniguradong may traydor dito sa mga kakilala ko. I
will find you.

AKIRA'S P.O.V
Nag hihintay lang ako dito sa sinabi kong meeting place namin nila Erin. Nakikita
ko naring nag lalakad si Zero palapit sakin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung
tama 'tong gagawin ko.

Ayokong kalabanin si mommy, pero ayoko ring namang may mangyaring hindi maganda sa
mga kaibigan ko.

"Anong pag uusapan? Bakit kasama si Erin?" Bungad sakin ni Zero ng maupo sya dito
sa tabi ko.

"I'm breaking up with you Ze" diretso kong sabi.

"Ha? B-bakit?" Tinignan ko sya at saka hinawakan yung kamay nya.

"Don't be so hard on yourself Ze, hindi mo kailangan pilitin yung sarili mo sakin.
Alam kong hindi mo talaga ako gusto, narinig ko yung ginawa mong pag confess kay
Erin noon. Hindi ako naniniwalang hindi totoo yun dahil ibang iba yung pag titig mo
kay Erin sa pag titig mo sakin"

"I'm sorry"

"Naiintindihan ko. Alam ko naman na nandoon ka nung oras na nakikipag usap ako kay
mommy. Hindi kita masisisi" nanlaki yung mata nya pero agad ding napayuko. Sakto
naman kasi dumating na si Erin.

"Aki, what's going on? May problema ba?" Bungad nya sakin ng tumayo sya sa harapan
ko. Mabilis ko namang nakuha yung kamay nya at saka sila pinag hawak ni Zero.
Halatang nagulat silang dalawa sa ginawa kong 'yon.

"A-Aki"

"I know you love each other, tanga nalang siguro ang hahadlang sainyong dalawa"
tinignan ko si Zero at nakayuko lang sya.

"Hindi ako galit sayo dahil sa ginawa mo. Gusto ko lang sabihin sainyong dalawa na
handa akong makipag tulungan para matigil yung mga plano ni mommy"

"Wait. Plano? Mommy?" Tanong ni Erin.

"Yeah. Gusto ng mommy ko na ibigay kita sa mga red org. Gusto nyang mag higanti sa
mommy mo"

"Wait. I can't understand. Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong nya.

"Si Sunny, yung mommy ko. Gusto nyang traydurin kita"

"What? Mommy mo si Sunny? Kahapon lang gusto nyang makipag kaibigan kay mommy and
now ㅡ sabi na nga ba't may kakaiba talaga sa babaeng 'yon eh" Hindi makapaniwalang
sabi nya. Nabigla rin naman ako dahil kilala nya pala yung mommy ko at wait nag
kita sila kahapon?

"Sorry Erin, hindi ko alam kung bakit ganun si mommy kaya nga ginagawa ko 'to..
Next week, paniguradong mas gugulo yung sitwasyon. I don't know kung dapat ko 'tong
sabihin pero Erin. Sa tingin ko kilala ko kung sino yung tumatraydor sayo,
pinaglalaruan nila tayo"

Nanginginig akong nag kwento. Hindi ko talaga alam kung tama 'tong ginagawa ko.

"Say it. Sino?" Tanong ni Zero.


"Si ㅡ" napahawak nalang ako bigla sa tiyan ko. Ang init. Parang may tumama sa
likuran ko at tumagos mula sa tiyan ko.

"Aki!" Sabay na sigaw nila Erin. Tinignan ko yung kamay ko. Dugo. Puno ng dugo yung
kamay ko.

"What the fuck! Akira! Zero, dalin mo sya sa hospital, hahanapin ko yung may gawa
nito. Nandito lang sya sa paligid"

"Don't do reckless things Erin, ako na mag hahanap ikaw mag dala kay Aki ㅡ"

"O-okay lang ako" pag singit ko sa dalawa. Dumodoble na yung paningin ko.

"Hindi ako pwedeng mag kamali! Silencer. Ayun din yung gamit nung gagong bumaril
sakin noon! Kapag nakipagtalo ka pa sakin mauubusan na ng dugo si Aki!" Sigaw ni
Erin. Hindi ko alam kung bakit naluluha ako.

Dahil ba 'to sa sakit? O dahil ang swerte ko dahil kahit alam ni Erin na anak ako
ng taong gustong pumatay sakanya. Iniisip nya parin ako? Hindi ako nag kamali.
Mabait si Erin kaya tama lang 'tong ginagawa ko, sorry momm ㅡ

"AKIRA!!!"

Chapter 32: Unexpected betrayal.

Chapter 32: Unexpected betrayal.


-

ERIN'S P.O.V

"Her brain deprived of oxygen due to blood loss, the patient is in coma" napaupo
nalang ako sa ibinungad sakin ng doctor.

"Erin" hingal na tawag ni Zero, agad ko syang nilingon at niyakap. Hindi ko narin
napigilan yung pag labas ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan habang nasa
ambulansya. In the end ako parin ang nag hatid kay Akira dito sa hospital.

"May nakita ka ba? May nahabol ka?" Nag madali akong punasan yung luha ko ng
kumalas ako sa pag yakap. Iling lang ang isinagot nya sa tanong ko. Sobrang
nanghihina yung tuhod ko sa mga nangyayari kaya napaupo nalang ako.

I was so lost in thought na hindi ko na naiisip kung anong itsura meron ako ngayon.
Punong puno ng dugo yung damit ko.

"Ano ng nangyari kay Akira?"

"She's in coma" tipid na sagot ko. Maya maya lang ay naririnig ko na yung boses
nila Chloe. Mabilis nya kong nayakap habang si Kevin naman ay pilit pumapasok sa
ICU. He was crying and it hurts. Kasalanan ko 'to eh.

"Pupunta dito si dad mamaya, sya na ang bahala sa mga gagastusin" sabi ni Alex at
napatango nalang ako. Nilapitan ko si Kevin na nakatulala sa sa tapat ng pintuan ng
ICU.

"Sweetie. Anong nangyari kay Akira? Sino gumawa nito?" Niyakap ko lang sya. Kahit
ako hindi ko alam kung sino ang may gawa nito.
"Erin, mag pahinga ka muna. Ako na mag papaliwanag kay Kevin" sabi ni Zero ng
hawakan nya yung balikat ko. Kumalas ako sa pag yakap at saka sya tinignan. Tumango
lang ako ng tipid.

"Gusto kong umuwe sa bahay" agad akong nilapitan ni Tyler.

"Ako na mag hahatid sayo" tumango lang ako at bago kami umalis tinignan ko muna si
Xian.

"Keep an eye to Zero. Don't let him to do reckless things on his own" tumango lang
sya at ngumiti ako ng tipid.

•••

"Baby what happened?" Nag mamadaling tanong ni dad pag pasok namin ni Tyler.

"Nabaril yung kaibigan ko. Dad" napayakap nalang ako sakanya. Ramdam na ramdam ko
yung higpit ng yakap ni dad. Kumalas sya at saka hinawakan yung balikat ko.

"Mag linis ka muna. Mang hiram ka ng damit kay mommy, natutulog sya kaya ikaw na
bahalang mamili.. Tyler let's talk" umakyat na ako sa taas at hinayaan ng si Tyler
ang mag paliwanag kay dad.

Pag pasok na pag pasok ko sa cr agad akong naligo. Nakatingin lang ako sa mga kamay
ko, hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari. I really need to find out soon
kung sino ang may gawa nito. Hindi ko na hahayaan na may iba pang madamay.

"Nak, Erin" napalingon ako sa pinto ng marinig ko yung boses ni mom. Nag madali ako
sa pag ligo at saka kinuha yung twalya.

"Mom"

"I heard what happened. It's going to be okay. Naranasan ko na yan noon ng masaksak
ang tita Ayesha mo.. Hindi ko alam kung anong meron sa pamilya natin at nagiging
lapitin tayo sa mga ganitong klase ng problema. Pero trust me anak, kung nalagpasan
ko yung akin noon, sure ako na malalagpasan mo rin 'to"

Ngumiti ako ng bahagya sa sinabi ni mom at saka nag bihis. Pinag patuloy namin ang
pag uusap sa baba kung saan nandoon parin si Tyler.

"Baby, pwede bang dalin mo muna si Tyler sa itaas? Mag uusap lang kami ng mommy mo"
sabi ni dad. Tumango lang ako at saka dinala si Ty sa kwarto ko.

"Wow, laki ng pinag bago ng kwarto mo ah. We used to play here when we were young
right?" Bungad nya pag pasok namin. To be honest hindi ko na napansin yung pag
babago dito.

"Yah. It really feels nostalgic" sabi ko at saka naupo sa kama.

"Nandito parin yung cabinet kung saan ka kinulong ni Zero noon" nang marinig ko yun
bigla nalang akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit.

"Yan. Smile, alam kong mahirap yung mga nangyayari but don't forget to smile.
Maraming gustong makakita ng ngiti mo na yan. Isa na ko doon" tinabihan nya ako
dito sa kama at saka hinawakan yung ulo ko.

"You're brave Erin. Kasama mo kami sa problema" dagdag nya at wala akong nagawa
kundi ang yakapin sya.
"Salamat Ty, I'm really blessed to have you. Pati sila Alex, Jester, Xi at Zero.
Kung wala kayo hindi ko alam kung makakaya kong makasurvive ng ganito" kumalas kami
sa pag yakap at saka ngumiti sa isa't isa.

"Gagawin namin lahat para protektahan ka. Hindi ko na lang 'to ginagawa dahil sa
hiling ni dad. I'm doing this because I really do like you and I want to see your
smile" hinawakan nya yung pisngi ko at napahawak nalang ako sa kamay nya habang
nakapikit. Sarap sa pakiramdam.

"You're tired. Matulog ka muna, babantayan kita. Ipapaalam ko nalang kila Zero"
tumango ako at saka humiga. Kinuha naman nya yung kumot at saka ako kinumutan.
Nakasandal lang sya sa headboard habang nakatingin sakin.

•••

Hours later.

"Ty?" Nakatingin lang ako sakanya. Nakatayo sya sa may bintana habang may kausap sa
phone. Mukang hindi nya ako narinig.

"Yah, naiintindihan ko. Rest assured na masusunod yung sinabi mo" rinig kong sabi
nya at saka nya binaba yung phone. Lumingon sya sakin at saka ngumiti.

"Gising ka na pala" lumapit sya kaya bumangon ako.

"Sino yung kausap mo?"

"Si Zero" sabi nya at ngumiti lang ako ng tipid. Sabay naman kaming bumaba, halos
mag gagabi narin pala.

"Anak. Okay ka na ba?" Bungad sakin ni mom na nasa kusina.

"Medyo po. Where's dad?"

"May inaasikaso ㅡ Tyler kumain ka muna" lumapit samin si Tyler at saka naupo.

"Salamat po tita" ngumiti lang si mom at sabay sabay kaming kumain. Ilang oras pa
ang lumipas at minabuti na naming bumalik sa hospital.

Tahimik lang ako sa kotse habang nakatingin sa may bintana.

"Erin" tawag ni Tyler habang nag mamaneho.

"Yes?"

"Hmm wala" kumunot yung noo ko at saka tumingin ulit sa bintana. Pag dating namin
sa hospital agad kaming dumiretso sa private room kung nasaan si Aki. Nag text daw
kasi si Xian na nalipat na daw si Aki sa ibang kwarto.

"Where's Chloe?" Tanong ko ng mapansin na wala sya dito. Natutulog si Kevin sa


couch habang yung iba ay nakaupo sa sahig.

"May binili, babalik din 'yon. Ayos ka na ba?" Tanong ni Xian at marahan lang akong
tumango saka lumapit sa kama. Hinawakan ko yung kamay ni Aki.

"Sorry"

"Erin, don't blame yourself" sabi ni Alex pero hindi ko maiwasang hindi sisihin
yung sarili ko. Kung hindi lang sana ako nakipagkaibigan sakanya hindi mangyayari
'to. This is the reason kung bakit ayoko ng kaibigan. Madadamay at madadamay lang
sila sa mga problema ko.

"Lalabas lang ako saglit" paalam ni Zero. Tumango lang kami at lumabas narin sya.
Tahimik kaming nakabantay dito sa loob. Iniisip ko kung paano pag nalaman 'to ng
mommy nya. Sure ako na mas malala pa ang mga mangyayari sakin. Napapaisip rin ako
kung may kinalaman sya dito pero imposible naman na gagawin nya 'to sa sarili nyang
anak.

"Guys, kain muna kayo" napalingon ako kay Chloe na may dala dalang plastic. Agad
naman iyong kinuha ni Jester.

"Nakasalubong mo ba si Zero sa labas?"

"Ah oo, nandoon sya sa may tapat ng vending machine. Mukang ang lalim ng iniisip
nya" tumango ako at saka tumayo.

"Puntahan ko lang sya" pag labas ko, agad kong hinanap si Zero. Nakasandal lang sya
malapit sa vending machine habang umiinom ng coke.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"Not really. Nakokonsensya ako" hinawakan ko yung ulo nya at saka ginulo yung buhok
nya.

"Hey, stop making that face. It doesn't suit you" nginitian nya ako ng tipid at
nanlaki naman yung mata ko ng kuhain nya yung kamay ko. Bigla nalang bumilis yung
tibok ng puso ko.

"Hindi ko naman talaga gusto si Aki. Kaya ko lang sya inaya maging girlfriend para
malaman ang mga kilos nya. Alam kong si Sunny yung mommy nya kaya naisip ko na pag
napalapit ako kay Aki mas masisigurado ko yung safety mo"

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi nya. Nakatingin lang kami
pareho sa kamay naming mag kahawak.

"I really do love you Erin. Sorry sa mga nangyari nitong mga nakaraan. Kung
nasaktan ka sa pagiging malapit ko kay Aki ㅡ"

"Ha? Hindi naman ako nasaktan" shet anong pinagsasabi nya?

"Wag mo na itanggi. Sinabi na sakin ni Xian na gusto mo rin ako" agad kong
nabitawan yung kamay nya at saka inuntog yung sarili ko sa pader. Nakakahiya. I
don't know what to do.

"Hey, stop being cute. Lalo akong naiinlove" tinigil ko yung ginagawa ko at saka
sya sinamaan ng tingin.

"Wag masyadong lalaki yang ulo mo, hindi porke't may gusto ako sayo pwede ka ng
bumanat sakin ng ganyan" tumawa lang sya at saka ginulo yung buhok ko.

"Magiging okay din ang lahat" sabi nya at tumango lang ako ng tipid.

"Nakalimutan ko yung phone ko sa bahay. Pahiram ng phone mo. Ipapaalam ko lang kay
mommy na nandito na ko sa hospital"

"Hindi ko dala phone ko eh" natigilan ako bigla sa sinabi nya. No way.

"Mag kausap kayo ni Ty kanina diba?"


"Ha? Hindi pa kami nag uusap" tumango lang ako at saka tumingin sa ibang direksyon.

"Okay ka lang? May problema ba?"

"W-wala" imposible. Hindi naman ako t-traydurin ni Tyler diba? Hindi nya yun
magagawa.

Kung hindi sila nag kausap ni Zero. Sino yung kausap nya kanina? Bakit sya nag
sinungaling? Ugh. Ayaw kong pag bintangan si Tyler pero.. Can he betray me?

Chapter 33: Revealing the traitors..

Chapter 33: Revealing the traitors.


-
Isang linggo ang lumipas at walang pag babago sa sitwasyon ni Akira. Tahimik akong
nakaupo sa classroom, ilang linggo nalang matatapos na ang school year.
"Erin" tawag ni Alex.
"Bakit?"
"Ayos ka lang ba?" Tumango lang ako sa tanong nya. Nabigla naman kami ng bigla
nalang tumayo si Jester.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Xian.
"Napaaga yung uwi ni Jennie. Susunduin ko sya sa airport" nag madali syang tumakbo
at napailing nalang si Alex.
"He's really serious about her huh" sabi ni Zero.
"Alam naman nating lahat na gusto ni Jennie si Xian noong bata pa tayo" dagdag pa
ni Tyler kaya naibaling ko yung atensyon kay Xian.
"May gusto si Jennie sayo?"
"Kilala mo sya?" Tanong nya pabalik.
"Unfortunately yes, she's happened to be my teammate sa woman's basketball team
noong nasa America ako. Kailan ko lang din nalaman na anak sya ni tito Ramon"
tumango lang si Xian at saka sumandal sa upuan nya.
"Naging mag kakaklase kami noon nung grade 5. Naging malapit rin ako sakanya pero
pag graduate namin nung elementary, lumipat sya sa Amerika. Bago sya umalis sinabi
nya na gusto nya ako pero hindi ko 'yon pinaalam kay Jester kasi alam kong may
gusto sya kay Jennie"
"Ah, edi maf-friend zone lang pala si Jester gaya ni Chloe" sabi ko at saka nag
pangalumbaba.
"What do you mean?" Tanong ni Alex.
"Ah wala, oo nga pala. Bibisita ako kay Akira. Kawawa naman si Kevin, sya nalang
lagi ang nag babantay sa hospital"
"Sasamahan kita" sabi ni Zero at tumango lang ako. Normal naman lahat, wala pang
kahit anong kahinahinala ang nangyayari sa paligid. Maliban nalang sa pagiging down
ni Tyler. Parang madalas na malalim yung mga iniisip nya. I really want to confront
him pero hindi ko magawa.
Mabilis lumipas ang oras, pag balik ko sa dorm saktong nag ring yung phone ko. The
number before.
"Hello"
"Hello mo muka mo! Mag pakita ka na nga sakin ng matapos na 'to! Ano bang kailangan
mo sakin? Myembro ka ba ng red org?!"
"Chill. Parang ganun na nga, okay hindi ko na patatagalin. Meet me, same time same
place. Wag mo subukang mag dala ng kahit na sino kung ayaw mong may masaktan ulit"
Binaba nya yung tawag at nasuntok ko nalang yung pader sa inis. Sya ang may gawa ng
lahat 'to? Sino ka bang hayup ka? Sinisigurado kong pag sisisihan mo lahat ng 'to.
•••
"What do you mean? Hindi ka na bibisita? Masama ba pakiramdam mo?"
"Oo, baka bukas nalang ako bibisita"
"Pupuntahan kita"
"Ze, kaya ko sarili ko. Bye" agad kong binaba yung tawag at nag madaling lumabas ng
academy pero pinigilan ako ng gwardya.
"Mahigpit na ipinagbabawal ang pag labas mo ng mag isa Ms. Cross" sabi nito.
"The hell I care? Sino naman ang nag patupad ng utos na yan?"
"Makinig nalang po kayo"
"Asa" mabilis ko syang naitulak at saka tumakbo palabas. Nang makarating ako ng
main road agad akong sumakay ng taxi papunta sa east district.
Sorry Ze. Kailangan kong gawin 'to. Alam kong mag aalala kayo pero hindi ko na
hahayaan na may isa pa sainyo ang masaktan. Hindi ko na kakayanin pag nangyari
'yon.
"Dito nalang kuya. Keep the change" sabi ko ng iabot ko yung pera. Nag madali ako
sa pag baba at tumakbo papunta sa bakanting lote na pinuntahan namin ni Zero noon.
"Nandito na ko. What now?"
"Pumasok ka sa loob" binaba ko yung phone at saka pumasok sa abandonadong bahay.
Walang kahit na sinong tao dito.
"Itali mo yung sarili mo" agad akong napalingon sa isang pintuan kung saan
nanggaling yung boses.
"Ano ko tanga? Ba't ko itatali sarili ko? Bakit hindi ikaw ang gumawa?" Tanong ko.
Lumabas sya pero nakamaskara sya. Fuck, sino ba sya?
"As expected" sabi nya at nanlaki nalang yung mata ko ng hubarin nya yung maskara.
"J-Josh?"
"Nakakapagod makipaglaro sayo" nilapitan nya ako pero isang suntok ang isinagot ko
sakanya. Hindi nya ata inaasahan na gagawin ko 'yon kaya hindi sya nakaiwas.
"The hell was that for?!" Tanong nya. Nanginginig yung buong katawan ko sa galit.
May gana pa syang itanong kung para saan 'yon?!
"Bakit mo 'to ginagawa?!" Sigaw ko.
"Relax Erin, we're here to play"
"Fuck you Josh! Fuck you!" Gigil na gigil na ako kaya naman napasugod nalang ako
bigla ng hindi nag iisip.
Si Jun ang nasa harapan kaya sakanya ko unang ipinatama ang suntok. Nakailag sya at
saka sumugod pero nakailag rin ako. Nang akma nya pa akong susugurin, pumailalim
ako para sipain si Ming na nasa likuran lang nya.
Nadaplisan ako ng suntok ni Hoshi kaya naman medyo nahilo ako pero agad din akong
nakatayo.
"Ganyan ba kayo kahina para sugurin ako ng sabay?" Nakangising tanong ko at saka
sumugod ulit. This time sinigurado kong mapapatumba ko na ang isa sakanila.
Sa direksyon ni Ming ako unang pumunta dahil mas malapit sya sakin pero hindi pa
man ako nakakalapit ng tuluyan ay nasipa nya na ako dahilan para mapasuka ako ng
dugo.
Dumiretso ako ng tayo at saka ginantihan ng suntok si Ming sa may bandang panga.
Sinigurado kong tatama 'yon dahil alam kong mawawalan sya agad ng malay pag sa
parte na 'yon sya natamaan.
"One down" sabi ko at saka hinarap si Hoshi pero bago pa ako makasugod may humila
na ng buhok ko mula sa likuran. Ramdam na ramdam ko yung pag sakit ng ulo ko to the
point na hindi na ako makapiglas habang tinatali nila yung mga kamay ko.
"How pathetic. Kilala mo ba kung sino ako?" Tanong ni Josh ng tuluyan na nila akong
matalian. Nakaangat yung mga kamay ko dahil sa taas ko nakatali yung kabilang dulo
ng lubid.
"Wala akong panahon para alamin" sagot ko pero sinikmuraan ako ni Jun. Ininda ko
yung sakit at saka sila sinamaan ng tingin.
"Kung gusto nyong makuha yung code sakin, itigil nyo na dahil hindi ko na matandaan
kung ano yung hayop na code na gusto nyong makuha sakin!"
Tinawanan lang ni Josh yung sinabi ko. Lumapit sya sakin at saka hinila yung buhok
ko pababa para sakanya mapunta yung tingin ko.
"Wala akong pake sa code! Ang gusto ko mapaghigantihan yung pag kamatay ng kuya
ko!" Sigaw nya at saka nya ako tinuhod sa may bandang sikmura.
"Ano namang kinalaman ng putanginang kapatid mo dito?! Pwede ba! Kung may galit ka
sakin, ako lang yung puntiryahin mo?! Wag mong idamay yung mga kaibigan ko!"
Sinikmura nya ulit ako pero this time mas malakas na. Parang hindi na ata kakayanin
ng katawan ko.
"Pinatay ng nanay mo yung kuya ko!" Sigaw nya ng hawakan nya yung mag kabilang
pisngi ko gamit yung isang kamay nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin at saka dinura
yung dugong nalalasahan ko.
"Ah so, kapatid mo pala yung kumidnap sakin noon? Para lang sa alam mo wala akong
pake!" Ramdam na ramdam ko yung sakit ng sampalin nya ako.
"Grabe naman kayo sakanya" agad akong napatingala dahil sa pamilyar na boses na
'yon.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Jun. Hindi ako makapaniwala. Anong ginagawa nya
dito?
"Kulit ni Tyler eh, ayaw ako paalisin. Oo nga pala, dala ko na yung batang sinasabi
nyo" lumabas si Xander at pag pasok nya kasama nya na ang walang malay na si Third
habang may tape sa bibig at nakatali yung mga kamay.
"Hayop ka Xander! Kasabwat ka nila?! Kaya pala hindi ka nag paparamdam! Papatayin
kita pag sinaktan mo si Third!"
"Ha? Wag kang mag alala. Hindi ko sya babarilin gaya ng ginawa ko sayo noon"
nanlaki nalang yung mata ko dahil sa sinabi nya.
"Ikaw 'yon?! Ikaw din yung bumaril kay Akira?!"
"Oh chill ka lang. Pasalamat ka nga hindi kita tinuluyan noon eh. Wag ka mag alala.
Nakabantay kay Akira yung bumaril sakanya" what the hell am I hearing? Nakabantay?
"What do you mean?! Si Kevin?!"
"Ah hindi ko pala nasabi sayo. Kapatid ko si Kevin" hindi ko na napigilan yung
sarili ko at buong pwersang sinipa si Josh. Lumapit si Hoshi pero pinigilan sya ni
Jun.
"Mag kapatid kayo ni Kevin?! Pinaglalaruan nyo kami? Mga hayop kayo!" Tumayo si
Josh at saka ako nilapitan.
"Mag lalaro tayo hangga't sa maubos kayo" sinamaan ko sya ng tingin at saka
ibinaling ang tingin kay Xander.
"Alam mo bang handang ibuwis ng pinsan ko yung buhay nya para sayo? Sino ka ba sa
tingin mo? Prinsesa ka ba? Eh wala ka namang kwentang tao. Pinapahamak mo lang yung
mga taong nasa paligid mo" sabi nya at napayuko lang ako.
Ayokong umiyak sa harap nila pero sobrang nauubusan na ako ng pag asa na
maililigtas ko pa yung mga kaibigan ko na mapapahamak dahil sakin.
"Ako nalang please. Wag nyo ng idamay yung iba dito. Ako naman yung kailangan nyo"
narinig ko yung pag palakpak ni Josh at saka nya inangat yung baba ko.
"Aw. Nakikita na naman kitang umiiyak. You're really pathetic. Gusto mo bang isunod
ko si Zero? O baka naman gusto mong unahin natin yung kapatid nya?" Binaling nya
yung tingin kay Third. Sinubukan kong mag pumiglas sa pag kakatali.
"Wag na wag nyong sasaktan si Third!!" Sigaw ko pero isang malakas na suntok ang
natamo ko mula sakanya. Hinang hina na yung buong katawan ko.
"Okay, ititigil natin 'tong laro na 'to.. Pero sa isang kondisyon."
"Ano 'yon?" Tanong ko na halos pabulong na.
"Mapapasakin ka. Iiwan mo yung lima mong knight in shining armor at sasama ka
sakin"
Tumango lang ako sa sinabi nya. Kung ayun lang yung paraan para malayo sila sa
kapahamakan, handa akong sumama sa mga hayop na 'to, kahit alam mong masasaktan
sila Zero emotionally. Kakayanin ko.
♚♔♚
Lol! Magiging busy na ako this week so expect nyo ng mabagal ang update. Yun lang
thankyou sa mga makakaintindi. ♥

Chapter 34: Shattered glass.

Chapter 34: Shattered glass.


-

"Ibalik nyo na si Third. Sasama ako sainyo"


"Pagagalingin lang natin yang sugat mo at babalik ka sa academy. Siguraduhin mong
hindi mo ipagsasabi 'tong nangyari kung ayaw mong tuluyan ko yung mga kaibigan mo"
tumango lang ako sa banta nya habang nakatali parin ako.

Ang usapan, hindi na ako sasama sa lima. Iiwas ako sakanila at tanging sa grupo
lang ni Josh ako didikit. Naiisip ko palang na ginagawa ko 'yon, nasasaktan na ko.

Maya maya ay naramdaman ko ng kinakalas nila yung tali sa kamay ko. Hindi ko na
tinangkang lumaban dahil hindi 'yon magandang idea. Mas gugustuhin ko ng mag sunud-
sunuran sakanila kesa bantaan pa nila yung buhay ng mga kaibigan ko. Ugh kailan pa
ako naging mahina? I guess ito na yung sinasabi nilang sacrifice. Kakainin mo yung
pride mo para sa mga mahal mo.

Nakita ko na nilabas na ni Xander si Third. Buti nalang at wala syang malay. Hindi
nya makikita kung gaano ako kaawa awa ngayon.

"Make sure na makakauwi ng ligtas si Third" sabi ko at tumango lang si Josh. Nang
makalagan na nila ako kusa nalang akong natumba pero nasalo nya ako.

Wala narin akong oras para mag reklamo pa ng bigla nya akong buhatin. Bago pa kami
tuluyang makalabas, nag dilim na yung paningin ko.

XIAN'S P.O.V

Mag gagabi na pero hindi parin mapakali si Zero. Kanina pa sya ganyan, hihiga tapos
tatayo nalang bigla at saka mag lalakad ng pabalik balik.

"Ano ka ba? Kanina pa ko nahihilo sayo. Babatuhin na kita ng unan"

"Kinakabahan ako eh. Hindi ko alam kung bakit. Samahan mo ko, puntahan natin si
Erin"

"Masama nga pakiramdam nya diba? Baka nag papahinga" nilapitan nya ako at saka
hinawakan yung mag kabilang balikat ko.

"Pakiramdam ko talaga may masamang nangyari. Pupuntahan ko na sya" hindi nya na


hinintay yung sasabihin ko at bigla nalang lumabas. Wala naman akong choice kundi
ang sumunod.

Doon kami dumiretso sa likod ng girl's dorm. Hindi naman kasi kami allowed pumasok
kaya mag s-sneak out nalang kami. Pag akyat namin sa puno agad tumalon si Zero
papunta sa balkonahe habang ako nag antay lang dito sa may sanga.

"Ano na?" Tanong ko.

"Wala sya dito" sabi nya at saka sya tumalon pababa dito sa kinatatayuan ko.
Bumalik kami sa kwarto at agad naman nyang kinuha yung cellphone nya.

"Unattended" sabi nya at saka sya naupo. Lalabas pa sana sya ulit pero nag ring
yung phone nya.

"Hello Third? Anong nangyari? Bakit hingal na hingal ka?"

"Sigurado ka ba? Nasaan kana? Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?"

"Anong nangyari?" I mouthed pero busy sya sa pakikipag usap sa kapatid nya.

"Oo, pangako. Wag kana lalabas ha? Ipasara mo sa mga katulong yung mga pintuan
dyan"
"Xian, may mga kumuha daw kay Third. Hindi nya nakita kung sino pero narinig nya
daw yung boses ni Erin na nag mamakaawa. Sa tingin ko kinuha rin ng mga taong 'yon
si Erin"

Naiyukom ko lang yung kamao ko at saka kinuha yung susi ng kotse. Lumabas kami at
saka pinuntahan sila Tyler.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Jester.

"Nawawala si Erin, hahanapin natin sya" sabi ko at saka kami dumiretso sa parking
lot. Habang nasa byahe, kinukwento ni Zero yung buong detalye.

"So saan naman tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Alex.

"Sa pinuntahan namin ni Erin dati" sagot ni Zero at tinuro lang nya sakin yung
daan.

ZERO'S P.O.V

Pag dating na pag dating namin sa lumang bahay, walang kahit na sino ang nasa loob,
isang lubid at sahig na may bakas ng dugo. Ayun lang ang tanging naabutan namin.

Halos masuntok ko ang pader sa sobrang galit. Anong karapatan nilang saktan si
Erin?

"Ano ng gagawin natin?" Tanong ni Alex. Napaupo lang ako, hindi ko alam kung anong
gagawin. Wala akong kahit anong idea kung sino ang gumagawa nito.

"May traces ng dugo dito sa sahig" Biglang sabi ni Alex habang nag lalakad papunta
isang pintuan dito sa loob ng lumang bahay. Pag bukas nya ng pintuan hindi namin
inaasahan na kalsada ang bubungad samin. Kalsadang walang kahit anong saksakyan ang
dumadaan.

"Dito nila nilabas si Erin kaya siguradong sa kalsadang yan sila dumaan" agad
kaming nag punta sa kalsadang 'yon at gubat na ang nasa paligid nito.

"Baka nasa loob ng gubat yung totoong hideout nila" dagdag pa ni Alex kaya kahit
gabi na pumunta parin kami sa gubat pero hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay
nag ring na yung cellphone ko.

"Erin, what the hell nasaan ka? Okay ㅡ"

"I'm okay, uuwi din ako next week"

"What? Nasaan ka? Kanina pa kami nag aalala nandito kami ngayon sa gubat malapit sa
abandonadong bahay na pinuntah ㅡ"

"Ano namang ginagawa nyo dyan? Umuwi na kayo. Okay lang ako"

"Seryoso ka ba? Sabi ni Third nakidnap sya at narinig nya yung boses mo"

"Ano ba yung hindi mo maintindihan sa salitang okay lang ako? Ibababa ko na, umuwi
na kayo"

Hindi ko na nagawang mag salita pa dahil binabaan nya na ako, anong nangyari?
Parang bumalik sya sa dating sya. May nagawa ba akong mali?

"Ano daw? Nasaan daw sya?" tanong ni Xian.


"Hindi nya sinabi pero okay lang daw sya, next week pa daw sya uuwi"

"Ano? Teka tatawagan ko" Bago pa sya makapag dial pinigilan ko na sya.

"Wag na, hayaan nalang muna natin. Baka gusto nyang mapag isa" sabi ko at tumango
lang sila. Ayoko man pero bumalik parin kami sa academy. Hindi parin ako mapakali.
Alam kong hindi sya okay. Ano na naman ba 'tong nangyayari?

Pag dating namin sa academy agad kaming dumiretso lahat sa kwarto namin ni Xian
pero laking gulat ko nalang ng makitang basag na yung glassdoor sa balkonahe namin.

"The hell?" sabi ko at saka inikot yung buong kwarto para tignan kung may
nawawalang gamit.

"Yo! Saan kayo galing?" nanlaki nalang yung mata ko ng lumabas sa cabinet si
Jennie. Agad naman syang nilapitan ni Jester pero hindi sya pinansin nito dahil
tumakbo sya papunta kay Xian.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ha? Dito na ko mag aaral hindi ba nasabi ni Jester? Sorry binasag ko yung
glassdoor nyo. Nakalock kasi eh" sabi nya kaya hinila ko yung damit nya.

"Ikaw mag bayad nyan" sabi ko habang nakaturo sa mga basag na salamin. Mabilis
naman akong inawat ni Xian kaya napaupo nalang ako sa kama ko.

"Pinaglihi parin ba yan sa sama ng loob? Tss. Saan ba kayo galing?"

"Hinahanap namin si Erin" sagot ni Tyler.

"Erin? Yung anak ni tito Thunder na hindi naman kagandahan pero akala mo kung
sinong maangas?" tanong ni Jennie kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Insolent ka no? Halata sa itsura mo eh. Lumabas ka dito bago pa mag dilim paningin
ko sayo"

"Xian oh, inaaway ako ng bestfriend mo" tss.

"Pag pasensyahan mo na, hindi kasi namin nahanap si Erin. Tara doon muna tayo sa
labas, bawal ka dito eh" sabi ni Xian at saka sila lumabas habang ako nahiga nalang
habang nakatingin sa cellphone ko. Ugh Erin nasaan ka ba?

CHLOE'S P.O.V

Nag papagala gala lang ako sa campus nang mahagip ng paningin ko sila Jester na may
kasamang babae. Agad akong tumakbo palapit sakanila dahil akala ko si Erin yung
kasama nila pero hindi pala.

"Oh Chloe" puna ni Alex ng mapansin nya ako. Kumaway naman ako saka ngumiti pero
agad ding nawala 'yon ng makitang hindi man lang ako tinignan ni Jester dahil
nakatuon yung pansin nya dun sa babaeng kasama nila. Sino ba sya? Hindi sya
pamilyar.

"Ah Chloe, si Jennie. Kababata namin, Jennie si Chloe kaibigan namin nila Erin" Pag
papakilala ni Xian. Ngumiti ako pero hindi nya ako pinansin. Aba nangagamoy
Insolent, mag sasalita sana ako kaso nag ring yung cellphone ko.

"Ah sige nice to meet you Jennie, guys sagutin ko lang 'to ah. Bye" paalam ko
sakanila.

"Hello Erin? Napatawag ka? Galing ako sa kwarto mo kanina pero di mo ako
pinagbubuks ㅡ"

"Wala ako sa dorm, hawak ako nila Josh" halos pabulong na sabi nya.

"Makinig kang mabuti okay? Yung grupo nila Josh ang may gawa ng lahat ng 'to,
kasabwat rin si Xander at Kevin."

"Wait, what? Si Kevin ㅡ"

"Wag ka muna mag react, listen to me carefully okay? Sabihin mo 'to sa iba maliban
kay Tyler. Pag balik ko sa academy hindi na ako sasama sainyo dahil may kasunduan
kami ni Josh. Sabihin mo sakanila, umacting lang sila ng walang alam then patago
nyong pag planuhan kung paano mapapatumba yung grupo nila Josh.."

"..Pag planuhan nyong mabuti okay? Kasi kung hindi, lahat tayo mamamatay. Myembro
sila ng Red org ㅡ"

"Hoy Erin, matagal ka pa ba?"

"Ibababa ko na. I trust you okay? Bye"

Pag baba nya ng tawag agad akong napahigpit ng hawak sa cellphone ko. Si Kevin?
Kasama sya? Hindi ako makapaniwala.

Nag madali nalang akong pumunta sa likod ng boy's dorm at humanap ng paraan kung
paano makakaakyat sa kwarto ni Zero.

Mabuti nalang at hindi ganun kataas yung kwarto nila kaya madali akong nakaayat.
Mga basag na salamin? Anong nangyari dito?

"Zero?" Tawag ko habang maingat na iniiwasan yung mga salamin. Naramdaman ko naman
yung pag galaw mula sa loob at nanlaki lang yung mata nya ng makita nya ako.

"Hehe hello pwede ba pumasok?" Tanong ko habang nakangiti ng pilit. Tumango lang
sya kaya sumabit ako sa bakal na nasa itaas at saka nag lambitin at tumalon papasok
sa loob.

"Woah teka. Nag g-gymnast ka ba?" Tanong nya at umiling lang ako. Wala naman
sigurong masama kung sasabihin ko sakanya.

"Hmm actually Intrepid, Amiable and Probity ako and yes I'm aberrant but let's not
talk about that. I received a call from Erin" biglang nag bago yung ekspresyon ng
muka nya.

"Sabi nya na sa oras na sabihin ko 'to, umacting lang kayo na parang wala kayong
alam, ikaw ng bahalang mag sabi sa iba pero wag mong sasabihan si Tyler"

"Ano ba yun? Bakit hindi isasama si Tyler?

"Hindi ko rin alam basta ayun yung sabi ni Erin. So ito na. Keep your calm okay?"
Sabi ko at saka huminga ng malalim. Feeling ko kasi manununtok nalang sya bigla pag
nalaman nya.

"Hawak ni Josh si Erin ngayon, and yes grupo nila ang may kagagawan ng lahat ng
'to. Believe it or not, kasama rin dito si Xander at Kevin.."
"..Now ang gustong mangyari ni Erin is mag pretend tayo na walang alam at pag
planuhan nating maigi kung paano mapapatumba yung grupo ni Josh. Starting next
week, pag balik ni Erin, hindi na sya sasama satin dahil may kasunduan daw sila ni
Josh kaya kung pwede lang sana huminahon ka"

Hindi sya kumibo sa sinabi ko. Nanlaki nalang yung mata ko ng suntukin nya yung
pader.

"May naisip na kong paraan" sabi nya.

"A-ano yun?"

"Isang deal na grupo nya at grupo ko lang ang kasali"

♚♔♚

You can now follow me on twitter. I made I new account: @shomyxxii

Also check my other story. Agent 88: Entering all boys school and Artasia Academy.

P.S 6 chapters to go nalang.

Chapter 35: The comeback.

Chapter 35: The comeback.


-

ERIN'S P.O.V

Hindi ko alam kung saang lupalop na ako napunta. Nagising nalang ako na nasa isang
komportableng kama na ako. Pinilit pa nila akong tawagan si Zero.

Wala akong ibang choice kundi ang pag sungitan sya. Mabuti nalang at tatanga tanga
si Josh, hindi nya nakita na dinala ko yung cellphone ko sa loob ng cr. Bigla ko
nalang kasing narealize na Cross nga pala ang apelyido ko kaya bakit ako mag
papatalo sa mga gunggong na 'to? Tss.

"Ba't ang tagal mo?" Bungad ni Josh pag labas ko ng cr.

"Ang sakit ng katawan ko eh. Ineexpect mo ba na makakakilos ako ng mabilis after ng


ginawa mong pang bubugbog sakin?" Iritang tanong ko at saka dumiretso sa kama
habang patagong nilalagay yung cellphone sa ilalim ng unan.

"Alam mo may narealize ako, yung nanay mo naman ang pumatay sa kuya ko eh kaya
bakit hindi nalang sya ang patayin ko? Sayang ka eh" naiyukom ko yung kamao ko
dahil sa sinabi nya.

"Fuck you! Wag na wag mong gagalawin yung mommy ko. Kasalanan ng Yb na 'yon kung
bakit sya namatay. Anong laban ng inosentemg tulad ko noon para kidnapin nya para
lang sa sariling interes?"

"Wala kang alam! Nasa bingit kami ng kamatayan ni Kevin noon dahil gaya mo naging
bihag din kami ng red org, nangako yung kuya namin na gagawa sya ng paraan para
makakuha ng pera pero anong nangyari? Namatay sya!" Sigaw nya habang punong puno ng
galit yung mga mata nya.

"Kaya ito kami ngayon! Nag sisilbi sa mga sindikatong 'yon pambayad utang dahil
hindi nagawa ni kuya yung experimentong matagal na nyang iniimbento" dagdag nya
pero ngumisi lang ako. Wala akong interes sa buhay nya.

"Oh? So anong kasalan ng mommy ko? Kasalanan nya ba na hindi marunong humanap ng
mas magandang paraan yung kuya mo? Naturingan pa naman syang Keen"

"Wala kong panahon makipagtalo sayo. Mag pahinga kana" lumabas sya ng kwarto pero
bumalik sya para kunin yung cellphone ko. Sinira nya pa yung simcard ko. Tss, kahit
sirain nya pa yung cellphone wala akong pake. Sigurado naman ako na sa mga oras na
'to nag paplano na sila Zero kung paano patatahimikin yung grupo mo.

•••

"Ano ba? Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Jun habang nakatingin sa tray na nilapag
nya sa kama.

"Nanghingi ba ko ng pag kain?" Tanong ko at ng akma nya akong hahawakan mabilis


kong naharang yung kamay ko para itulak sya palayo.

"Wag na wag mong ihahawak yang madumi mong kamay sakin, hindi porke't sumasama ako
sainyo ay nakalimutan ko na yung mga kahayupang ginagawa nyo.. Kaya pwede? Lumabas
ka na? Kasi kahit ganito yung kondisyon ko kayang kaya kitang balian ng buto.."

"..Kung hindi nyo lang dinadamay dito yung mga kaibigan ko kayang kaya ko kayong
pag buhulin. Isama mo pa yung hayup na si Kevin at Xander"

"Bakit ba galit na galit ka? Pinapakain ka lang ng almusal tsaka baka nakakalimutan
mo na hawak ka namin"

"Muka ba kong may pake?" Tanong ko at saka sya sinamaan ng tingin. Padabog nyang
kinuha yung tray at saka lumabas. Rinig na rinig ko pa yung kadena mula sa pinto.
Tss ginawa pa nila akong preso dito.

•••

Time flies like an arrow, araw na para bumalik. Pakiramdam ko isang buwan na ako
dito sa impyerno na 'to. Nawala na ang mga sugat ko, araw araw ba naman akong
gamutin ni Josh. Tss.

"Tara na" aya nya ng pumasok sya sa kwarto, mabilis naman akong bumangon at saka
dirediretsong lumabas kung saan nag aabang yung tatlo. Pag labas namin ng bahay
doon ko lang nalaman na nasa kagubatan kami. Sumakay kami sa kotse at bumyahe
pabalik sa academy.

Tahimik lang ako, kinakabahan ako sa mga mangyayari pag balik ko. Specially kay
Zero, I don't know kung kaya nyang mag pretend na hindi nya alam na sila Josh ang
may kagagawan nito. Knowing him? Panigurado galit na galit yun.

"Alam ba ni Kevin na alam ko ng kasama nyo sya?" Tanong ko.

"Oo" tipid na sagot ni Ming at napangisi lang ako. Ang kapal ng muka ng lalaking
'yon. Galing nyang umarte. Pag nakita ko lang talaga sya pag papalitin ko sila ng
pwesto ni Akira.

"May balita ba kayo kay Aki? Nagising na ba sya?"

"Hindi pa" tipid na sagot ulit ni Ming kaya hindi na ako nag salita pa. Napapikit
nalang ako habang nararamdaman ko yung pag hawak ni Josh sa kamay ko. Ano kayang
plano ang gagawin nila Zero?
ZERO'S P.O.V

"Ano ba? Araw araw ka nalang nandito. Naaasiwa na ko sa muka mo" reklamo ko kay
Jennie na nakahiga sa kama ni Xian.

"Ano bang pake mo? Hindi naman ikaw pinunta ko dito..Xian matagal ka pa ba?" Tumayo
sya at saka nag punta sa tapat ng cr. Napailing nalang ako. Ngayon na yung balik ni
Erin. Gustong gusto ko na syang makita.

Mabilis lumipas ang oras, mabilis pa sa isang segundo ang pag dating ni Chloe dito
sa kwarto.

"Nandyan na sila" hingal na sabi nya pag akyat nya sa balkonahe. Mabuti nalang
umalis na si Xian at Jennie.

"Just act like your normal self okay?" Paalala nya.

"Sa sarili mo dapat sinasabi yan. Sige na papasok na ako sa klase. Watch your
actions" paalala ko at saka lumabas. Pag pasok ko ng classroom nandoon na yung iba
pero si Erin wala pa.

"Hoy Xian umamin ka nga sakin, may gusto ba sayo si Jennie?" Tanong ni Jester.

"What's with the sudden question?" Tanong ni Xian pabalik at bago pa sya makasagot
pumasok na si Jennie sa classroom. Ano na naman ginagawa nya dito? Matatapos na
yung school year tas nag transfer pa sya. Malakas din talaga yung topak ng babaeng
'to eh.

"Yow! Goodmorning" bati nya at saka naupo sa upuan ni Erin. Pinag titinginan sya ng
mga kaklase ko.

"Tinitingin tingin nyo?" Mataray na tanong nya.

"Bakit ka nandito? Nasa kabila yung classroom mo" irita kong reklamo.

"Hindi ba obvious? Nag palipat ako" inirapan nya ako at nang mag sasalita pa sana
ako bigla nalang nag bulungan yung mga kaklase ko. Mabilis naman akong napatingin
sa may pinto.

"Bumalik na sya"

"Oo nga, ano kayang nangyari sakanya?"

"Move your ass" malamig na sabi nya ng tumayo sya sa harap ni Jennie.

"Oh eh akala ko ba nawawala 'to? Bakit bumalik pa?" Tanong nya at napangisi lang si
Erin. Nag hahanap talaga ng gulo 'tong Jennie na 'to eh. Bakit kasi bumalik balik
pa sya dito sa Pilipinas.

ERIN'S P.O.V

Daig ko pa ang artista ng mag lakad ako sa hallway kasama yung grupo nila Josh.
Pinag bubulungan at sinusundan ng tingin. Just wow. Walang pag babago.

"Hindi ba ako pwedeng makipag usap kila Zero?" Tanong ko ng hindi nililingon si
Josh.

"Pwede naman, just act like your usual self pero samin ka parin sasama. And don't
you ever tell them what's going on, you're my girlfriend now" sabi nya at napatango
lang ako.

"Sige na, bye" pag pasok ko ng classroom ako na agad ang pinag bubulungan. Nakataas
lang yung kilay ko habang nakatayo sa harap ng upuan ko kung saan nakaupo si
Jennie. Nandito na pala sya. Isang linggo lang ako nawala napalitan nya na ako.
Bitch as ever, isa sa mga dahilan kung bakit hindi kami naging close noon.

"Move your ass" malamig na sabi ko.

"Oh eh akala ko ba nawawala 'to? Bakit bumalik pa?" Tanong nya at napangisi nalang
ako. Wala talaga ako sa mood makipag talo sa mga ganitong klase ng tao.

"Bibilang ako. Pag hindi ka umalis ㅡ" hindi ko pa man natatapos yung sasabihin ko
tumayo na sila Jester at Xian para sapilitang paalisin si Jennie sa upuan ako.

"Ano ba?" Reklamo nya.

"Wag kana kasi mag matigas. Kahit na insolent ka, wala kang laban dahil mas
insolent yung kaharap mo" bulong ni Jester at saka ako naupo sa upuan ako. Tinaasan
ko naman ng kilay ang hindi maipintang muka ni Jennie.

"Erin. Gusto ka makausap ni dad" sabi ni Alex ng lapitan nya ako.

"Not now Alex" sabi ko at saka tinignan si Zero. Hindi ko alam kung anong
ekspresyon ang meron sya ngayon. Nakatitig lang sya sakin.

Maya maya ay pumasok na yung prof. Hindi man lang nya pinuna yung presensya ko
dahil nakatuon yung atensyon nya kay Jennie.

"Ms. Kim will be you classmate from now on" sabi nito as if naman may pake kami
diba. Nag simula na syang magdiscuss ng napakaboring na topic. Mabilis lang din
lumipas ang oras kaya nang mag breaktime, hindi ko pa man naibubuka yung bibig ko
para kausapin sila Xian. Nakita ko na yung muka ni Josh sa may pinto.

Ni hindi ko na nga nagawang tignan pa yung lima at bigla nalang ako tumakbo
palabas.

"Hindi mo ko kailangan sunduin" sabi ko.

"Naninigurado lang" napairap nalang ako sa sagot nya. Tahimik lang ako hanggang sa
makarating na kami sa cafeteria. Sadyang makapal lang din talaga yung muka ni Kevin
para makiupo dito sa lamesa.

"Welcome back sweetie" bati nya sakin.

"Drop the act Kevin. Hindi mo alam kung gaano kita gustong patayin sa mga oras na
'to" banta ko habang madiin na nakahawak sa tinidor.

"As always, masungit parin ang sweet ㅡ" hindi nya naituloy yung pag sasalita ng
bigla nalang lumapit sa lamesa namin si Zero.

"Erin, ang tagal mong nawala tas sumasama ka pa sa mga 'to?" Sabi nya. What the
hell, hindi ko alam na magaling pala umarte ang lalaking 'to.

"Chill lang Zero, oo nga pala. Bisitahin natin si Aki mamaya. Kawawa naman eh, sya
lang mag isa sa hospital" sabi ni Kevin. Isa pa 'to, nakakabwisit yung pag
papanggap nya.

"Wala ka parin bang alam kung sino ang gumawa nun sakanya?" Umiling lang si Kevin
sa tanong ni Zero. What the fuck! Gustong gusto ko na syang suntukin.

Mag sasalita pa sana ako pero mabilis akong nahila ni Zero patayo pero nahatak rin
ako ni Josh. What now? Making a scene? Dito pa talaga sa cafeteria?

"Wag mong hawakan yung girlfriend ko" sabi ni Josh at halatang nagulat si Zero.
Naramdamam ko yung pag higpit ng hawak nya sakin.

"Girlfriend? Erin ano bang nangyayare?" Tinabig ko yung kamay nya at saka hinawakan
si Josh.

"Don't make a scene. Simula nung malapit ako sainyo hindi na natahimik yung buhay
ko at kaya ako nawala ay dahil mas pinili kong makasama yung grupo ni Josh. For
once. Naging tahimik yung buhay ko. And I'm inlove with him" uh fuck, gusto kong
masuka sa mga pinag sasabi ko. Tinignan ko si Josh, nakangiti sya.

"What are you saying?" Tanong ni Zero sakin at saka kinwelyuhan si Josh.

"Stop messing around! Anong ginawa mo kay Erin?!" Sigaw nya pero tinulak ko na sya
palayo.

"Wala akong ginagawa. Kasalanan ko ba na mas gusto ako ni Erin kesa sayo? You even
made her cry and you're expecting na pipiliin ka nya? Comatose yung girlfriend ㅡ"

"Wala na kami ni Akira, wag mo syang idamay dito. Kilala ko pag katao mo"

"Zero! Ano ba?" Sigaw ko at saka hinatak si Josh palayo. Pinilit ko pang umiyak
para lang mag mukang totoo yung pinapakita ko. The hell hindi ko alam na ganito
kahirap umarte.

"Erin" nabigla nalang ako ng iangat ni Josh yung baba ko para mapunta sakanya ang
paningin ko. Hindi ko alam pero nag iba yung aura nya.

"Hindi ko alam kung bakit but I really don't want to see you crying. Sorry kung
ginagawa ko ang lahat ng 'to" what the hell is he saying?!

"I'm doing these to give justice for my brother's death but.. But I think"

"Think what? Just go straight to the point Josh" sabi ko ng punasan ko yung luha
ko.

"I think, I-I'm inlove with you"

Chapter 36: The dangerous deal.

Chapter 36: The dangerous deal.


-

"W-what the hell are you saying?" Nauutal kong tanong.

"Ititigil ko na 'to pero sa isang kondisyon" kumunot yung noo ko pero bago pa sya
mag salita ulit ay bigla nalang sumulpot si Zero.

"I knew it" sabi nya at saka ako hinatak palayo kay Josh.

"Sabi na at may mali. Fine! Inlove huh? Ibibigay ko sayo si Erin" nanlaki nalang
yung mata ko sa pinag sasasabi nya. The hell?!
"But let's make a deal. Grupo mo laban sa grupo ko. Pag nanalo kayo, sayo na si
Erin pero pag nanalo kami. Ititigil mo na yang ilusyon mo"

"What the hell? Ano 'to gagawin nyo kong human trophy? Stop this nonsen ㅡ"

"Fine. You vs Me? Labanan ng intrepid. Jun vs Jester, labanan ng insolent. Ming vs
Tyler, labanan ng amiable. Xian vs Hoshi, labanan ng probity at Alex vs. Kevin,
labanan ng keen"

"Wait paano nasali si Kevin dito?" Tanong ni Zero. Gusto kong pumalakpak sa galing
nyang umarte.

"Uh, nakakasawa na mag panggap. Okay fine. Kami ang may kagagawan ng lahat ng 'to.
Si Kevin ang bumaril sa ex mo. Masaya kana?" Nabigla nalang ako dahil umamin sya
pero mas nabigla ako ng bigla nalang syang suntukin ni Zero.

Hindi ako umawat kasi tinatamad ako. Hinayaan ko lang silang mag suntukan.

"Hayop ka talaga!" Sigaw ni Zero at saka nya sinipa si Josh pero nakaiwas 'to.

"Still a loser huh" pang aasar pa ni Josh at saka nya sinuntok si Zero. Nag
suntukan sila hanggang sa dumating sila si Xian at Hoshi para umawat.

"Lumaban ka ng patas kung hindi ka talaga duwag at saka sinasabi mong girlfriend mo
si Erin? Sino ginawa mong tanga? Para lang sabihin ko sayo. Akin si Erin!" Sigaw ni
Zero.

"Pag sisisihan nyo lahat ng ginagawa nyo. Ako na mismo nag sasabi sayo Josh. Wag
mong antaying mapatay kita" dagdag pa nya at saka nya ako hinila palayo kasama si
Xian. Napalingon ako kay Josh at nakatingin lang sya sakin habang nakahawak sa
panga nya.

Seryoso ba sya sa mga sinasabi nya? Pag tapos ng lahat ng nangyari bigla nalang
nyang ititigil? What is he plotting to?

"Hoy Zero oa na ah. Pwede ka ng tumigil sa pag hila sakin" sabi ko ng makalayo
kami. Napahawak ako sa pulsuhan ko at nanlaki nalang yung mata ko ng bigla nya
akong yakapin. Hindi ako nakakilos.

"Maiwan ko muna kayo" sabi ni Xian at saka sya umalis pero hindi pa man sya
tuluyang nakakalayo ay bumitaw na si Zero at saka sinabing pigilan ko si Xian.
Mabilis naman akong nakatakbo at saka sya inakbayan.

"I miss you bestfriend. Sorry pinag alala kayo" ngumiti sya at saka kinurot yung
pisngi ko pero laking gulat ko nalang ng may pumalo sa kamay nya.

"What are you doing?" Tanong ni Jennie at napangisi nalang ako. May problema talaga
sa utak ang isang 'to.

"Hindi ba pinaalam ni Xian sayo na mas una nila akong naging kaibigan kesa sayo?"
Sabi ko ng yakapin ko yung braso ni Xian. Nakita ko naman kung paano mag dilim ang
aura ni Jennie. Nilapitan narin kami ni Zero at saka umakbay sakin.

"Hindi rin ba nasabi ni Xian sayo na may gusto rin sya kay Erin gaya ko?"
Panggagatong pa ni Zero.

"Tama na nga. Kinakawawa nyo si Jennie ㅡ" hindi naituloy ni Xian yung sasabihin nya
ng bigla nalang syang hawakan ni Jennie sa pisngi at nanlaki nalang yung mata ko ng
bigla nya 'tong halikan. Napabitaw ako kay Xian dahil sa ginawa ni Jennie.
"What the ㅡ" hindi ko natuloy yung pag react dahil sa pag dating nila Jester. Para
syang sinabuyan ng mainit na tubig. Nararamdaman kong umuusok ang tenga nya sa
galit.

Bago pa sya mag salita nahatak ko na sya palayo. Alam kong marami pa kong
problemang dapat isipin pero may pake parin naman ako sa mga nararamdaman ng
kaibigan ko.

"Uy Jester. Hindi mo ba ko namiss?" Pabiro kong tanong ng mapunta kami sa likod ng
main building. Hindi sya nag sasalita kaya hinila ko yung buhok nya.

"What the fuck!" Inis na sigaw nya at nag peace sign lang ako.

"May goodnews ako. Alam mo ba? Ititigil na daw ni Josh ang panggugulo satin" sabi
ko at nginisian nya lang ako.

"Imposible na ititigil nya. Paniguradong may binabalak 'yon" sabi nya at tumango
ako kasi ganun rin yung naiisip ko. Pag tapos ng ginagawa nila, titigil sya bigla
dahil may gusto sya sakin? Sino naman kaya ang niloko ng lalaking 'yon.

Pero at least malaya na ako sakanya. Ang inaalala ko nalang ngayon ay yung deal
nila ni Zero at saka bakit inamin nya na sila ang may kagagawan ng lahat ng 'to?
Ano ba talagang iniisip nya?

"Akala ko ba next month pa ang uwe ni Jennie? Bakit mukang napaaga ata? At saka ang
lakas ng loob nyang mag maganda sa harapan ko. Tss eh nung nasa America nga kami ni
hindi nya ako magawang tignan o lapitan man lang"

"Matagal na daw syang nag titimpi sayo, masyado ka daw kasing pabida sa team nyo
noon kaya dito nya na nilalabas lahat kasi malayo yung daddy nya. Hindi sya mapag
sasabihan" napairap lang ako. Sabi na nga ba at may galit talaga sakin yung babaeng
'yon. Kung hindi ko lang alam na anak sya ni tito Ramon, sinampulan ko na sya eh.

"Are you okay?" Pag seseryoso ko.

"What do you mean? Ofcourse I'm okay. Alam ko naman na may gusto si Jennie kay
Xian. Masyado ng obvious. Simula nung dumating sya puro Xian nalang ang bukang
bibig nya"

"..by the way. What's wrong with Tyler? Bakit ayaw mong ipaalam sakanya yung
nangyayari?" Napabuntong hininga nalang ako sa tanong nya. Maging ako naman
nakokonsensya dahil pinag hihinalaan ko si Tyler pero kailangan ko parin kasing mag
ingat.

"Let's not talk about that. Ayoko munang mag isip ng kahit anong problema" sabi ko
at tumango lang sya. Maya maya ay bumalik narin kami sa classroom. Ramdam na ramdam
ko yung pag bigat ng atmosphere dito. Dahil ba kay Jester at Xian? Sinamaan ko ng
tingin si Jennie at ginantihan nya rin yun ng masamang tingin.

•••

Pag dismiss ng klase hindi ko inaasahan na nag aabang sa labas yung grupo nila
Josh. Hindi nila kasama si Kevin. Napalingon lang ako sa likuran ko kung nasaan
sila Alex.

"Anong kailangan nyo? May deal na tayo right?" Tanong ni Zero.

"Ngayon na natin gagawin yung deal. Sumunod kayo sakin" malamig na sabi ni Josh at
nag kibit balikat lang yung lima. Napanganga nalang ako.Now? As in ngayon na? Hindi
man lang ba nila ako pag papahingahin sa mga problema? Like I mean pag natapos ang
problema ko meron na namang kasunod? Kamusta? Kamusta naman?!

"Kasama ka ba sa grupo namin?" Mataray na tanong ko kay Jennie na nakasunod samin


ngayon.

"Wala akong natatandaang may Jennie sa suicide squad dito sa monstrous" dagdag ko
at saka hinila sa Chloe na nakikipag usap sa kaklase nya.

"Oh my god Erin" sabi nya ng makita nya ako. Ngumiti ako ng malawak at saka sya
inakbayan.

"Sa Suice squad version ng monstrous. Ako at si Chloe lang ang babae, so what are
you doing here? You're not part of the grou ㅡ" mabilis ako nakaiwas ng makita kong
paparating yung kamao nya sa direksyon ko.

"Sorry but, you're too slow.. By the way, Chloe. Sama ka samin, marami akong
ikukwento" nag patuloy kami sa pag lalakad habang ramdam na ramdam ko yung masamang
tingin na binibigay sakin ni Jennie.

Nang makarating kami sa parking lot sinabihan lang kami ni Josh na sundan yung
sasakyan nila. Gaya ng dati. Yung kay Xian ang ginamit namin dahil malaki yung
kotse nya.

"Mag momotor nalang ako" sabi ni Jester bago kami sumakay.

"Oh isama mo na si Chloe. Masikip na dito sa loob eh. May pilit kasing sumasama sa
grupo natin eh" pagpaparinig ko kay Jennie na nakaupo na sa front seat kung saan
katabi nya si Xian.

Nilakihan ako ng mata ni Chloe pero ngumiti lang ako.

"Hoy, kilala kita mag maneho. Mag dahan dahan ka ah. Ingatan mo si Chloe" paalala
ko kay Jester at saka sumakay. Napapagitnaan ako ni Alex at Zero.

"Tyler are you okay?" Tanong ko ng mapansin ko na kanina pa sya tahimik.

"Ah oo, masyado lang biglaan yung nangyayari" sabi nya at napatango lang ako.

"Bakit nga pala ako pinapatawag ni tito Axel?" Tanong ko kay Alex.

"I don't have any idea.. So what's the plan now?"

"Let's just go with the flow. Hindi ko naman inaasahan na aamin si Joshua na sila
ang may kagagawan ng mga nangyayari"

"Troublemaker as ever" rinig kong bulong ni Jennie sa harapan. Nabigla naman ako ng
bigla akong hawakan ni Zero. Tinignan ko sya at nakatingin lang sya sakin..

"What's wrong?"

"Wala. Gusto lang kitang hawakan" sabi nya at napatango lang ako.

"Saan ba tayo dadalhin ng Josh na yan?" Iritang tanong ni Alex. Wala naman kaming
idea basta sinusundan lang namin yung kotse nila. Maya maya ay huminto na kami sa
isang lumang establishment. Wala kaming alam kung anong meron sa loob pero bumaba
kami sa hagdan at pumasok sa isang pintuan kung saan maraming tao ang nasa loob.
"Anong lugar 'to?" Tanong ko kay Jester na nasa likuran na namin.

"Ground Zero"

♚♔♚

Bitin bes! Lol. I published the first series of Ashvier mafia series. You can check
it on my works. Entitled The rule and the rule breaker. (LisaxJungkook)

Chapter 37: She's awake.

Chapter 37: She's awake.


-

"Ground Zero? Ito ba yung battle ground ng mga gangster?" Tanong ko at tumango lang
sya. Mabilis naman akong nilapitan ni Chloe ng makita nyang humarap samin yung
grupo ni Josh.

"Hi sweeti ㅡ" mabilis kong nasiko yung muka ni Kevin ng akbayan nya ako.

"Stop messing around Kevin!" Gigil na sabi ko at akma ko pa sana syang susuntukin
pero pinigilan na ako ng mga kasama ko.

"What the hell" reklamo ni Kevin habang nakahawak sa ilong nyang nag dudugo.

"Kaibigan? Sinasabi mong kaibigan mo si Akira tapos anong ginawa mo?"

"Eh kung hindi ko sya binaril malamang nauna nyo ng nalaman na kami ang may
kagagawan nito bago pa namin ipaalam" nakangising sabi nya ng tumabi sya kila Josh.

"It's true na nag eenjoy ako pag kasama kayo pero hindi ko kayang talikuran yung
dahilan kung bakit ako lumipat sa monstrous" dagdag nya at napairap nalang ako.
Sobrang kapal ng muka nya.

"Mag sama kayo sa impyerno mga hayup kayo!" Sigaw ko at napunta sa direksyon namin
ang atensyon ng ibang taong nandito sa loob.

"Hoy kayo dyan" sabi ng lalaking may hawak na mic. Lumapit si Josh doon at may kung
anong binulong. Maya maya ay lumapit narin kami sa may parang malaking boxing ring.

"Nandito kayo para mag karoon ng personal battle?" Tanong ng lalaki at tumango lang
sila Zero.

"Yo. Guys listen. We will have a special fight for today. Mga estudyante ng
monstrous Academy" announce nung lalaki at nag ingay naman yung mga tao.

Bago tuluyang umakyat sa ring. Hinarap ako ni Zero at saka hinawakan yung kamay ko.

"Hindi ako mag papatalo. Gagawin ko lahat para matapos yung problema mo. I love
you" hinalikan nya yung noo ko at napanganga nalang ako. What was that? I didn't
manage to say anything dahil umakyat na sya.

"Uy Erin" tawag ni Chloe ng hawakan nya yung balikat ko. Napalingon naman ako
sakanya at tumaas nalang yung kilay ko ng makitang namumula ang pisngi nya.

"Kinikilig ako sainyo" sabi nya at napairap lang ako. Nilingon ko naman si Jennie
na tahimik lang sa may gilid. Ano bang nagustuhan ng shungang si Jester na 'yon sa
babaeng 'to? Tss.
"Let the fight begin" walang sabi sabi mabilis na sumugod ang dalawang grupo.
Obvious na obvious ang pag kagalit ni Alex sa katapat nyang si Kevin. Salitan lang
sila ng suntok and I can't believe na hindi talaga lampa si Kevin. He's the
opposite. Pag nasuntok sya ni Alex, agad syang nakakabawi.

I shifted my gaze to Tyler na ngayon ay umiiwas sa mga suntok na binibigay ni Ming.


I am not biased pero sigurado na ang pag kapanalo ni Tyler. Mabilis kong napatumba
si Ming noon kaya sure ako na sisiw nalang yung laban na 'to para kay Ty.

"My god Erin" bigla nalang niyakap ni Chloe yung braso ko. Halos hindi naaalis yung
tingin nya kay Jester na halos duguan na at ganun rin naman yung katapat nyang si
Jun. Saglit palang pero makikita na sa dalawa na walang gustong mag patalo.

"Fuck. Xian sa likod" sigaw ni Jennie. Mabilis nasuntok ni Hoshi si Xian mula sa
likuran pero ang hindi nya alam ay nakaabang na yung isang kamao ni Xi para ipatama
sa may panga nito. Tumalsik naman ang dugo mula sa bibig ni Hoshi. Ngayon ko lang
rin nakitang ganito kagalit makipaglaban si Xi. Duguan narin yung muka nya.

"Zero. Iwas!" Sigaw ko ng mapunta sakanya ang atensyon ko. Mabilis naman syang
nakaiwas sa suntok na paparating pero mabilis nakabawi si Josh at nasipa si Zero
dahilan para mapaatras sya. Pulang pula na yung mga kamao nya. Nag pakawala pa si
Zero ng suntok at ipinatama sa sikmura ni Josh, pero mabilis lang syang nakabawi at
saka sinuntok si Zero ng dalawang beses. Halos lahat sila ay duguan na pero walang
gustong mag patalo hangga't walang natutumba.

Parang hindi ko na ata kayang panuorin pa ang mga nangyayari. I don't want to see
them suffering just because of me. Not again.

AKIRA'S P.O.V

Halos masilaw ako ng marahan kong buksan ang mga mata ko. Alam kong wala ako sa
sarili kong kwarto. What happened?

Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko ng maalala ko yung nangyari noong araw na
'yon. Actually masaya ako na nasabi at nagawa kong palayain si Zero para mas maging
open na si Erin sa totoong nararamdaman nya. Masaya ako na nangyari 'yon bago
mangyari sakin ang bagay na 'to.

Napapikit akong muli. I was wondering kung ano na ang nangyayari sakanila. Ilang
araw na ba akong nandito sa hospital? Wala akong kasama. Okay lang kaya sila?

"Akira?" agad kong minulat ang mata ko ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon.
Nginitian nya ako ng malawak.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Ako yung daddy ni Erin" bati nya at hindi ko alam kung
anong sasabihin ko. Matagal ko ng hinahangaan ang isang Thunder Cross. Anong
ginagawa nya dito?

"It's okay. Wag mong piliting mag salita. Pinakiusapan kasi ako ng asawa ko na mag
bantay sayo dahil nabanggit daw sakanya ni Erin na wala kang kasama ngayong araw"
sabi nya at tumulo ulit yung luha ko ng marinig yung pangalan ni Erin. Thank god.
Okay sya..

"Why are you crying? May masakit ba sayo?"

"W-wala po"

"Ah, saglit lang ha? Tatawag ako ng doctor. Ilang linggo karing comatose kaya
kailangan natin ipaalam sa doctor na gising ka na" sabi ni tito at napatango lang
ako.

CHLOE'S P.O.V

"Aray, masakit" daing ni Jester ng pigilan nya yung kamay ko habang ginagamot ang
mga sugat nya.

"Tiisin mo" sabi ko at saka ipinagpatuloy ang pag gagamot sakanya. Si Tyler ang
gumagamot kay Alex, si Jennie kay Xian at Si Erin naman kay Zero. Lahat sila puro
sugat at pasa sa mga muka pero masaya ako na sila ang nanalo.

"Bakit nakangiti ka?" Tanong ni Jester at umiling lang ako. Tinitigan nya ako ng
matagal kaya nag init ang pisngi ko.

"I like you" i said out of nowhere. Crap! Bakit gumagana ang pagigimg probity ko sa
ganitong sitwasyon. Bakit? Bakit?!

"You like me?" Tanong nya.

"N-no I didn't ㅡ"

"Masamang mag sinungaling. I heard what you said" sabi nya at napayuko nalang ako.
Nakakahiya. Ano ba 'to.

"Then I want to know you more" agad bumalik ang tingin ko sakanya habang
nakanganga.

"What do you mean?"

"Let's hang out more often" ngumiti lang ako. I like the Idea. Sheeet! Enebe.

ERIN'S P.O.V

"Hey. Look at me" hinawakan ni Zero yung baba ko at saka inangat para mapunta
sakanya ang atensyon ko. Kasalukuyan kaming nasa bahay nila para gamutin yung mga
sugat na natamo nila. Mabuti nalang at nasa eskwelahan pa si Third. Hindi nya
makikita ang istura ng kuya nya.

"We won right? You can smile now" sabi nya. Oo masaya ako na nanalo sila pero
looking at them makes me sad.

"Yah. I know, hey Ze" hinawakan ko yung kamay nya at saka ako ngumiti.

"Thankyou" nginitian nya ako pabalik at saka hinawakan yung pisngi ko, mag sasalita
pa sana ulit ako pero nag ring yung phone ko.

"Hello dad?"

"Gising na ang kaibigan mo"

"Ha? What do you mean? Where are you?"

"Nasa hospital. I can explain it you later. Pumunta na kayo dito" agad kong binaba
yung tawag at saka tumayo.

"Guys. Gising na si Akira" lahat sila nag sitayuan at pag dating namin sa hospital.
Nag madali kaming mag punta sa private room nya.
"Who's Akira?" Tanong ni Jennie.

"Our friend" tipid na sagot ni Xian at saka kami nag patuloy hanggang sa makarating
na nga kami sa kwarto.

Kusa nalang tumulo yung luha ko ng makita kong gising na nga si Akira. Mabilis
akong nakalapit at saka sya niyakap.

"I'm glad you're okay" sabi nya habang ako tahimik lang. Kumalas ako sa pag yakap
at saka kami nilapitan ni Zero at Chloe.

"What happened to your face?"

"Ah konting battle lang. How are you?"

"I'm okay now. Masaya akong makita na ligtas kayo" sabi ni Aki at hinayaan ko muna
silang mag kwentuhan habang ako naman ay nilapitan si dad para yakapin.

"Bakit nandito kayo?"

"Your mom told me to come here. Nabanggit mo daw kasi sakanya na walang kasama yung
kaibigan mo dito sa hospital" kumalas ako at saka ngumiti kay dad.

"Thankyou" ginulo lang nya yung buhok ko at kwinento ko naman yung mga nangyari
sakin. Kung paano ako kinidnap nila Josh, yung tungkol sa kuya nila at maging yung
ground Zero.

Mabilis naman lumipas ang oras at umuwi narin si dad kaya kami kami nalang ang
nandito ngayon. Natutulog si Jester at Xian habang sila Alex, Tyler at Zero ay
gising na gising at nag k-kwentuhan. Nakatulog narin ulit si Aki kaya nakaupo
nalang kami ngayon nila Chloe kasama si Jennie.

Sana tapos na. Sana hanggang doon nalang yung problema. Sana wala ng kasunod. Kung
tutuusin sobrang bilis ng pangyayari kaya sigurado ako na hindi pa dito natatapos.
Ayoko mang isipin pero, pakiramdam ko. The worst is yet to come.

Chapter 38: Reunion.

Chapter 38: Reunion.


-
3 months had passed. We're already a sophomore student. Everything's fine. Malaya
kami, walang gulo at walang kahit anong bakas ng mga kaaway.
"Ano ba! Sa tabi ako ni Xian" sigaw ni Jennie kay Zero na ngayon ay nag tatalo sa
iisang upuan. Lahat kami ngayon ay mag kakaklase, maging si Chloe at Aki ay kasama
na namin.
Wala narin sila Kevin sa school. Simula nung mangyari yung ground zero hindi na
sila nag pakita pa samin.
"Ano ba? Upuan lang pinag aagawan pa" sabi ko at saka hinila si Xian para iupo sa
tabi ng upuan ko.
"Kayong dalawa ang mag tabi" sabi ko kay Jennie at Zero. Pareho silang hindi
makapaniwala sa sinabi at ginawa ko. Nilingon ko si Xian at nginitian nya ako. Araw
araw nalang sila ganyan, nag tatalo sa walang kwentang bagay.
Maya maya ay pumasok na yung prof namin. Nanlaki nalang yung mata ko dahil sa
nakikita ko.
"Goodmorning. I'm Axel Sevilla and I will be your prof starting today" sabi ni tito
at saka sya nag discuss agad. Wala ng introduction para sa mga estudyante. Woah!
Excited ba si tito?
Tahimik kaming nakikinig sakanya ng bigla akong kalabitin ni Tyler mula sa likuran.
"Hey, I have two tickets. Do you want to go with me? Sa amusement" tanong nya.
"After class?" Tanong ko at tumango sya. Ngumiti naman ako. Matagal narin akong
hindi nakakapunta ng amusement park. At saka gusto rin mag karoon ng time kasama si
Tyler, nakonsensya ako dahil pinaghinalaan ko sya noon.
"Yes sure" sabi ko at ngumiti sya kaya binalik ko ulit ang atensyon sa white board.
Maraming diniscuss si Tito na parang ang mga Keen lang ata ang makakaintindi
sakanya. Napailing nalang ako. Bakit sya naging prof? Leader na sya ng mga Keen
kaya bakit nandito pa sya para mag turo?
•••
"Kanina ka pa nakasimangot" puna ni Alex kay Zero. Tahimik syang kumakain habang
nandito kami sa iisang lamesa.
"What's wrong?" Tanong ko.
"Shut up" sabi nya kaya nanlaki yung mata ko. Wait, galit ba sya sakin?
"Anong problema mo?!" Halos pasigaw na tanong ko kaya mabilis na hinimas ni Tyler
at Alex yung likuran ko para pakalmahin.
"Ikaw! Ikaw yung problema ko!" kumunot yung noo ko at saka sya sinamaan ng tingin.
"Ako? Ano na namang ginaw ㅡ"
"Nag seselos ako!" Sigaw nya kaya napunta samin ang lahat ng atensyon ng mga tao
dito sa cafeteria. Nanigas nalang ako sa kinatatayuan ko. Simula nung matapos yung
ground zero mas naging open na sya sa mga nararamdaman nya pero para ipagsigawan
'yon? Ugh. What do he think he's doing.
"Ang sabi ko nag seselos ako. Mas gusto mo ba katabi si Xian kesa sakin? Tatlong
buwan na kong nanliligaw tapos ㅡ"
"Lower your voice you jerk!" Reklamo ko. Seriously. Hindi nya kailangan lakasan ang
pag sabi ng bagay na 'yon.
"Tara na guys. Baka madamay tayo dito" sabi ni Alex at saka sila tumayo at lumipat
sa kabilang lamesa kaya kami nalang ni Zero ang natira dito. Nag papalitan lang
kami ng masamang tingin. Ugh. Ano ba kasing nagustuhan ko sa lalaking 'to?!
"Eh di kung hindi ka na makapag hintay, eh di itigil mo yung panliligaw. Tss"
tumayo narin ako at nang mag lalakad na ako, pinigilan nya ko.
"Sorry. Masama bang mag selos?" Tanong nya and damn! Pakiramdam ko nag iinit yung
pisngi ko.
"There's no reason to get jealous. Alam mong ikaw yung gusto ko" sabi ko at saka
tuluyang lumabas ng cafeteria. Dumiretso ako sa banyo at saka bumuntong hininga.
Ano ba yung sinabi ko? Ugh! Damn that Zero! Pinipilit nya akong mag sabi ng mga
ganung bagay. Err!
"Si Erin at Zero na kaya ㅡ" agad napatigil sa pag sasalita yung babaeng pumasok ng
makita nya ako. Tinignan ko lang sila ng kasama nya pero bigla nalang silang
tumakbo. Problema nun?
Pag balik sa classroom, hindi kami nag papansinan ni Zero. Hanggang sa madismiss na
yung klase.
"Guys. Lalabas kami ni Tyler ngayon. Ipapaalam ko lang para hindi kayo mag hanap"
sabi ko at saka hinatak si Tyler palabas.
"Baka mag selos si Ze ㅡ"
"Hayaan mo sya" pag putol ko at dumiretso kami sa parking lot kung nasaan yung
kotse nya. I was wondering kung alam ba nyang pinsan nya ang bumaril sakin noon.
Well ayoko ng isipin. Ang gusto ko ngayon ay ang mag enjoy.
•••
"Anong ride ang gusto mong sakyan?" Tanong nya pag dating namin sa amusement.
"I want the dangerous ride" sagot ko at tinawanan nya ako.
"May ganun ba? Osige. Doon tayo sa drop tower" sabi nya at saka hinawakan yung
pulsuhan ko. Maraming tao kaya nakapila kami.
"Hala ang gwapo ni kuya. Muka syang babae" bulong ng babae sa likuran ko. Wala
akong magawa kaya hinila ko si Tyler.
"Pinagpapantasyahan nyo ba yung boyfriend ko?" Tanong ko at halatang nagulat si
Tyler. Tumahimik yung dalawang babae at saka tumalikod samin.
"Ang bad mo talaga Erin" natatawang sabi ni Tyler at nag peace sign lang ako.
Nakatingin ako sakanya the whole time, actually nung una kaming mag kita akala ko
talaga babae sya.
"Sige dad. Ikamusta mo nalang ako kay tito Ramon at Tito Jp" Agad kaming napalingon
ni Tyler sa babaeng nakaupo sa tapat namin tinignan naman nya kami ng mapansin
nyang nakatingin kami sakanya.

"Hmm may kailangan kayo?" Nakangiting tanong nito at umiling ako. Baka kapangalan
lang nila tito yung tito nya. Well that's weird.
"Hello dad? Nakila tito Thunder kayo? Hindi ko alam papunta sa bahay nila"
"Osige sige. Mag tetext nalang ako. Bye" binalik ko yung tingin sa babae at saka
sya nilapitan.
"Anong pangalan mo?" Diretso kong tanong.
"Eh? P-park Rozee. Bakit?" Tanong nya at saka sya tumayo. Hindi na ako nakasagot
dahil hinila ako ni Tyler. Sumakay na kami at habang dahan dahang umaakyat.
Nakatingin sakin yung Rozee. Hindi kaya anak sya ni tito Jimmy? Well pareho kasi
sila ng apelyido.
"Wala na bang itataas 'to?" Tanong ko ng makarating kami sa tuktok. Para namang
humiwalay yung kaluluwa ko ng bigla kaming bumagsak. Natawa nalang ako dahil
napahawak sakin si Tyler. Halatang natatakot sya. Sigaw pa ng sigaw yung mga katabi
namin. Nakakairita.
Pag baba sa drop tower nag pahinga muna si Tyler. Sya ang nag sabing sumakay kami
doon pero hindi nya pala kaya.
"Hey. Are you okay?" Tanong ko.
"Oo. Basta nag eenjoy ka, okay lang kahit saang nakakatakot na ride pa tayo
sumakay" sabi nya at ngumiti naman ako. Sweet. Inakbayan ko sya at saka kami nag
hanap ng pwedeng sakyan.
"I'm really enjoying it. Thanks Ty" sabi ko at bigla syang huminto sa pag lakad
kaya napahinto rin ako. Tinignan ko lang sya ng humarap sya sakin.
"Masaya ako na nakikita kitang nakangiti" sabi nya kaya napangiti ako. He really
loves to see me smiling huh.
"I really like you Erin. But don't worry. Hindi ko aagawan si Zero. Gusto ko yung
pagiging totoo mo sa iba kahit na masama pa ang maging tingin nila sayo. You're
acting bad pero ang totoo mabait ka. Sana wag kang mag bago" sabi nya ng guluhin
nya yung buhok ko. Napahawak ako sa kamay nya at mag sasalita sana pero malayo
palang nakikita ko na sila Zero.
WHAT THE HELL?!!
"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ko at lumingon naman si Tyler. Mabilis pa sa
isang segundo ng makalapit sila samin.
"Bakit kayo nandito?" Iritang tanong ko and guess what? Kumpleto sila.
"Bibili lang kami ni Chloe ng inumin" paalam ni Jester at saka sila umalis. Bibili?
Tss bakit kasi hindi nalang nya aminin na gusto nya lang masolo si Chloe. Madalas
silang lumalabas ng dalawa lang sila tapos sasabihin lang nila na mag kaibigan
sila. Sus, sinong niloko nila?
"Bakit pag ako nag aaya makipag date sayo tumatanggi ka?" Tanong ni Zero at
napairap nalang ako.
"We are not dating okay? At saka nandito na kayo para manggulo kaya ano pang
nirereklamo mo dyan?" Tanong ko. Seriously. Pinapainit nya yung ulo. Paano pa kaya
pag sinagot ko na sya? Araw araw lang kaming mag aaway for sure.
ALEX'S P.O.V
Hindi ko alam kung anong klase ng espiritu ang sumapi kay Zero at nag kakaganito
sya. Nilibre nya kami ng ticket para sumama kami sakanya dito sa amusement park.
Ganun ba talaga pag nainlove? Tss.
"Kanina pa kayo ang aaway. Bibili lang ako ng pag kain" sabi ko at saka hinila si
Tyler at Akira.
"Jennie, Xian. Iwan nyo yang dalawa ng makapag usap sila ng maayos" sabi ko at
humiwalay narin yung dalawa. Nang makalayo kami agad kong naibaling ang atensyon sa
mga nag kukumpulan doon sa hindi kalayuan.
"Tyler. Samahan mo muna si Aki, may titignan lang ako" sabi ko at saka tumakbo
papunta doon. Babaeng nakikipag suntukan sa dalawang lalake.
Medyo hirap syang makipaglaban kaya tumulong na ako. Sinuntok ko yung lalake sa
likuran nya bago pa sya tuluyang masuntok nito at nang mapatumba nya yung isang
lalaki, hinarap nya ako.
"Salamat" hingal na sabi nya at saka ko naman inabot yung kamay ko.
"I'm Alex" pakilala ko at kinuha naman nya yung kamay ko.
"Rozee" ngumiti ako at saka lumingon sa lalaking lumapit sakanya. Nanlaki naman
yung mata ko.
"Tito Jimmy" napatingin sakin si Rozee.
"Oh Alex. Anak, magkakilala kayo?" Tanong ni tito at hindi ako nakasagot. Maya maya
ay lumapit samin sila Tyler.
"Sabi na't konektado ka samin eh" sabi ni Tyler kay Rozee. Hindi rin nag tagal at
dumating sila Erin. Kumpleto na kami dito. Inexplain lahat ng tito Jimmy at
ipinakilala nya kami sa anak nya.
"May reunion kami ng tropang sisiw. Tara sumama kayo" sabi ni Tito at lahat kami
pumayag. Lumabas kami ng amusement and we are now heading towards Erin's house
dahil doon daw gaganapin ang reunion nila.
Nabigla naman si tita Rain ng makita nya kaming papasok sa bahay nila. Ah it feels
so nostalgic. Ilang taon ba ko nung huling punta ka dito? Eight ata ako nun.
Nakakamiss.
"Wow. Walang pinag bago bahay nyo Erin ah" sabi ni Jester sabay pasok sa loob.
Lahat naman kami napanganga.
"Tito Jp ano yang suot mo?" Tanong ni Jester.
"Hindi ko ba nasabi sainyo na nag pari ako? Kaya hindi ako mag tatagal sa reunion
na 'to dahil mag sisilbi pa ako sa diyos" sabi ni Tito at walang kumibo. Lumapit
lang si Erin kay Rozee.
"Sorry sa bigla kong pagtatanong sayo kanina" sabi nya at saka sila nilapitan ni
Chloe at Jennie.
Pakiramdam ko mag kakaroon ng magandang friendship itong apat. Well maliban nalang
siguro kay Erin at Jennie. Nilingon ko si Tyler at nakikipag usap lang sya kay Aki.
Habang sila Zero, Jester at Xian ay nakikipag kwentuhan kila Tito.
Bakit pakiramdam ko ito na yung huling beses na makukumpleto kami ng ganito?

Chapter 39: Fighting for friends.

Chapter 39: Fighting for friends.


-

ERIN'S P.O.V

Kasalukuyan kaming nasa bahay. Nag hired narin pala sila mom ng katulong dahil
malaki narin yun tsan nya.

Napakaunexpected nito, itong mga nangyayari. Pakiramdam ko tuloy, isa 'tong goodbye
party dahil ito na yung huli. Ayokong maramdaman 'to pero pakiramdam ko hindi na
ulit 'to mangyayari.

"Hey. Are you okay?" Tanong ni Jennie na nasa gilid ko. May hawak syang red cup na
bigay ni tito Ramon sakanya.

"Yah" tipid na sagot ko sabay inom sa inumin na bigay ni dad. Anong klaseng mga ama
ba 'to at sila pa ang nag bibigay ng alak samin? I can't believe those guys.

"So Rozee, tell us about yourself" sabi ni Chloe..

"Well, I'm planning to transfer at monstrous academy. I really don't know what kind
of student I am pero sabi dad pwede akong maging keen" tumango si Chloe at saka nya
hinatak si Alex.

"He's a Keen. Maybe magiging compatible kayo sa isa't isa" sabi ni Chloe ng iupo
nya si Alex sa tabi ni Rozee. Nag ngitian lang yung dalawa. Napatingin naman ako
kay Zero na seryosong nakikipag usap kay dad. Tss, ano naman kaya ang pinag uusapan
ng dalawang 'yon?

"Jester. Tara dito" rinig kong tawag ni tito Jin. Ha! Lagot ka. Napansin na siguro
ni tito na kanina pa nakatingin si Jester kay Chloe.

"Hey Erin" tawag ni Jennie.

"Wow, calling my name huh. Bakit?"

"It's been three months ng mag kasama tayo pero hindi ko parin 'to natanong sayo..
Totoo bang may gusto sayo si Xian?" Seryosong tanong nya at tinignan ko si Xian na
nakikipag usap kila Tyler at Aki.

"Yah. He was the first to confess his feelings but I rejected him. I don't deserve
someone like him. Alam kong may babaeng mas mag mamahal sakanya" binalik ko yung
tingin kay Jennie and what the fuck. She was crying.

"Hey. What's with you all of a sudden?" Tanong ko at umiling sya habang pinupunasan
yung luha nya.

"I'm just happy na nireject mo sya" napataas nalang ako ng kilay.

"You're really something huh" nakangisi kong sabi at saka sya tumayo para lapitan
si Xian. Napailing nalang at lumapit kay mommy.

"You've really change. Ang dami mo ng kaibigan" nakangiting sabi nya ng hawakan nya
yung bewang ko. Ipinahinga ko naman yung ulo ko sa balikat nya habang nakayakap.

"Mom, I'm really happy to have them, masaya ako na nakilala ko sila pero bakit
ganun? Pakiramdam ko mababawasan kami"

"Shh. Don't say that. Maraming problema na ang nalagpasan mo. I'm sure mas titindi
pa ang mga susunod pero wag kang susuko. Alam kong makakaya mo lahat ng problema as
long as nandyan yung mga taong nag mamahal at sumusuporta sayo" kumalas ako sa
yakap at saka tinignan si mom.

"I hope so. Sige mom, puntahan ko lang si Zero" paalis na sana ako pero pinigilan
nya ako. Nakangiti lang sya sakin.

"W-why?"

"Hindi mo pa ba sya sasagutin?" Bigla ko nalang naramdaman yung pag init ng pisngi
ko. Naramdaman ko naman na may yumakap sakin mula sa likod.

"Ulan naman, ayoko pang mag kaapo kaya Erin anak, take your time" kusa ko nalang
natulak si dad in a playful way. Nakakahiya.

"Dad. Anong apo ang sinasabi mo? Geez. Anong pinag uusapan nyo ni Ze kanina?"
Ngumiti sya ng malawak at saka niyakap si mommy.

"Binilin lang kita sakanya. He already have my blessing kaya wag mo na syang pag
hintayin ng matagal. Baka mainlove pa yan sa iba" pananakot pa ni dad kaya natawa
nalang ako.

"Susuntukin ko sya pag nag kagusto sya sa iba" sabi ko at saka tumakbo papunta kay
Zero. Nagulat sya ng bigla akong huminto sa harap nya kaya hindi nya naituloy ang
pag inom sa hawak.
"What's wrong?" Tanong nya at ngumiti lang ako.

"Galit ka parin ba?" bigla nalang syang umiwas ng tingin. Nakita ko pa yung pag
lunok nya at pamumula ng pisngi nya.

"Hey, I'm asking you. Galit ka parin ba?" Nakapamewang kong tanong.

"I'm not. Sorry sa mga inasal ko kanina. Kahit na ayaw mong lumabas ng kasama ako.
Kahit ilang taon mo pa akong pag hintayin. Hindi ako titigil sa panliligaw"
napakagat nalang ako sa labi ko.

"Dumbass! Tara nga dito" inakbayan ko sya at saka ginulo yung buhok nya. Nag
silapitan naman samin yung iba at saka kami nag tawanan habang yung mga tito namin
ay pinapanuod kami.

Sana mali yung nararamadaman ko. Sana walang mawala samin. Sana kumpleto parin kami
hanggang sa grumaduate kami. Ako, si Zero, Tyler, Xian, Alex, Jester, Chloe,
Jennie, Aki at kahit si Rozee na nadagdag sa barkada. Sana mag tagal yung pag
kakaibigan namin na 'to.

•••

"Hey Aki" tawag ko ng makitang sa pag gising ko, muka nya agad ang bubungad sakin.
Ngumiti sya at saka ako bumangon.

"Did you enjoy last night?" Tanong ko at sunod sunod syang tumango.

"As expected" kibit balikat na sabi ko at saka tumayo para mag asikaso na sana pero
napatingin ako sa labas. Dumungaw ako sa balkonahe at tinitigang maiigi yung boys
dorm and to be specific. Sa kwarto nila Tyler at Xander. Nakabukas yung pinto sa
balkonahe nila kaya nakikita ko kung anong meron doon.

"Hey, Erin. Bakit?" Tanong ni Aki ng tabihan nya ako.

"Can you see that? May babae sa kwarto nila Tyler" sabi ko ng tumuro ako, tinignan
naman ni Aki pero nawala na. Hindi naman siguro multo 'yon diba? Kinuha ko yung
cellphone ko at saka tinawagan si Zero.

"Hey, can you check Tyler's room?"

"Ha? Okay wait"

"Ano daw?" Tanong ni Aki pero hindi ko sya sinagot. Hinihintay ko pa yung response
ni Zero.

"Walang tao sa kwarto nila pero may iniwang note si Tyler sa tapat ng pinto namin.
Ang sabi nya hindi sya papasok dahil may pupuntahan daw sya"

"Ah ganun ba, osige. Baka namalik mata lang ako. See you later bye" agad kong
binaba yung tawag at sinabihan si Aki na mauna na syang maligo.

Napaupo naman ako sa kama ko. Was it really my imagination?

Hours had passed. Dismissal. Nag mamadaling lumabas yung mga kakalase namin kaya
nanatili kaming nakaupo ng iba para iwas banggaan sa pinto.

Nang makalabas lahat ng kakalase namin. Kumakaripas ng takbo si Xander. Mabilis


nakaharang sila Zero na tila pinoprotektahan ako.
"Anong ginagawa mo dito? Lakas ng loob mong itago yung totoo mong kulay! Paano mo
nagagawang pakapalin yang muka mo?" Galit na sabi ni Alex.

"Hindi ako pumunta dito para makipag away. Oo aaminin ko may nagawa akong mali pero
maniwala kayo o sa hindi. Napagutusan lang ako. Blackmail. Hindi ko pa kilala sila
Josh ng barilin ko si Erin noon. I was being target by the red org. Minamanmanan na
nila si Erin nung simula palang. Yung nangyari saming away noon yung nag tulak sa
red org para pilitin akong maging kalaban"

"..pero hindi na yun mahalaga ngayon! Si Tyler. Matagal ko ng alam na may mali sa
kinikilos nya pero hinayaan ko. Nasa panganib si Tyler"

"What do you mean?" Tanong ko.

"Nag panggap syang ikaw. Papunta sya ngayon sa hideout ng mga red org" nanlaki
nalang yung mata ko sa sinabi nya. Does that mean na yung nakita ko kanina ay si
Tyler?

"Is he out of his mind?! Kilala nila si Erin! Hindi gagana yung pag didisguise na
'yon! Nasaan yung hideout nila?" Nag mamadaling tanong ni Jester.

"Hindi ako sure dito pero nabanggit sakin si Josh na nangako daw si Tyler na
ibibigay nya si Erin sa boss ng red org.. Tingin ko sinabi nya lang 'yon para mag
muka syang traydor at mahanap nya yung hideout nung mga red org.."

"..At ngayon na alam nya na kung saan, balak nyang patayin yung leader"

Napahawak lang ako sa dibdib ko. Yung araw na may kausap si Tyler. Yung nag
sinungaling sya sakin, lahat 'yon ay para sakin?! Para sa kaligtasan ko?!

"Sumunod kayo saki ㅡ"

"Hindi. Ako lang ang susunod. Tara" aabante na sana si Zero pero mabilis kong
napigilan yung kamay nya.

"Isa ka pa! Ako yung target dito! Kaya ako ang susuno ㅡ"

"Erin! Hayaan mong ako naman" seryosong sabi nya. Nilingon ko sila Aki at Chloe, sa
tingin palang parang sinasabi na nilang hayaan ko si Zero. Na mag tiwala ako.

"Ipangako mo munang babalik ka" sabi ko ng ibalik ko yung tingin sakanya.

"Ipangako mo muna na pag bumalik ako. Sasagutin mo na ako" nginisian ko lang sya.

"That goes without saying. Just make sure na babalik ka" hinalikan nya lang ako sa
noo at mabilis syang nawala sa paningin ko. The moment na makalabas sya, hindi ko
na napigilan yung pag patak ng luha ko.

Tyler. What are you thinking? Hindi mo kailangan gawin yung mga bagay na 'to. Hindi
ko mapapatawad yung sarili ko pag may nangyari sayong masama.

"Yuko!" Nabigla nalang ako sa biglang pag sigaw ni Jennie. Saktong pag yuko namin
ay nabasag yung salamin.

"Someone's aiming as from afar" sabi nya habang nanatili kaming nakayuko. Tinignan
ko si Aki na nanginginig sa takot. Hinawakan ko yung kamay nya. Nag uumpisa na yung
totoong laban.

"Hey. Where's your gun?" Tanong ko sa tatlo.


"Nasa kwarto. Sobrang lakas ng loob nila para sumugod dito sa school. Kailangan
natin sila mapalabas, maraming estudyante ang madadamay dito" sabi ni Alex at
tumango ako.

"Isama nyo sila Aki. Kunin nyo yung mga baril then mag kita tayo sa parking lot"

"Paano ka?" Tanong ni Xi.

"I'll draw their attention"

"Erin, don't do reckless thing ㅡ"

"Aki. I'm going to be okay. Trust me" tumango lang sya at saka kami gumapang
palabas ng classroom. Mabilis kaming tumakbo sa hallway at lumabas.

Hindi ko alam kung saan sila nag tatago pero nag punta parin ako sa open space.
Lugar kung saan malaya silang makakalapit sakin. Alam ko namang hindi nila ako
papuputukan. Kailangan nila ako ng buhay kaya lalaban ako with bare hands.

Malayo palang nakikita ko ng may tumatakbo palapit sa direksyon ko. Mabilis akong
nakaiwas sa suntok nya at saka sya sinipa mula sa likuran. Just to make sure
sinuntok ko pa ulit sya at kinuha yung baril na nasa bulsa nya.

Itinago ko 'yon at saka nag abang sa pag dating ng mga kasama nya. Bakit ang luwag
ng security dito sa school? Damn! Bigla nalang pumasok sa isip ko yung sinabi ng
dean noon. Bakit kailangan pang dumagdag sa problema ko ang pag iisip kung sino ang
nag mamayari ng school na 'to?

"Erin!" Sigaw ni Chloe. Mabilis akong nakatakbo papunta sakanila at saka sabay
sabay na nag punta sa parking lot.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ng gwardya dahil ayaw kaming pag buksan ng gate nito.
Fuck! Bakit ngayon pa? Hinugot ko yung baril sa likuran ko at saka binuksan yung
bintana.

"Bubuksan mo o pasasabugin ko ulo mo?" Tanong ko ng itutok ko yung baril sa


gwardya. Hindi na 'to nag salita pa at kusa ng binuksan yung gate. Mabilis namang
nag maneho si Xian palabas.

"Ang cool mo dun" sabi ni Jennie na seryosong nakaupo sa harapan. Tinignan ko sya
sa rear mirror.

"Well ang cool mo rin kanina. Kung hindi dahil sayo baka may tama na ng baril ang
isa satin" sabi ko at nginisian nya lang ako.

"Where are we going now?" Tanong ni Jester.

"Sa likod! M-may sumusunod satin" sabi ni Aki kaya mas binilisan pa ni Xian ang pag
mamaneho. Sinubukan kong kontakin si Zero pero hindi nya sinasagot yung tawag ko.
Fuck! Zero answer the phone!

"Bakit ngayon pa!" Inis na sabi ni Xian at pag tingin namin sa harapan. Traffic.
Ugh!

"Baba. We need to run, hindi rin nila magagamit yung kotse nila. Let's hide" sabi
ko at pag dating sa main road mabilis kaming bumaba ng kotse at nag madaling
tumakbo.
This will be the final na tatakbo ako mula sa red org. Makabalik lang ng ligtas si
Zero at Tyler, sinisigurado kong ako na mismo ang lalapit sa mga sindikatong 'yon
para matapos na 'to.

Chapter 40: Chasing the bad girl.

Chapter 40: Chasing the bad girl.


-

Hingal na hingal na kaming pito sa kakatakbo. Hawak hawak ko ang kamay ni Aki dahil
alam kong sa aming lahat na nandito ay sya yung mahina ang stamina.

"Aki. Kaya mo pa?" Hingal na tanong ko habang tumatakbo.

"I-I'm okay" sagot nya kaya hindi na ako nag abalang lingunin pa sya.

"Shit. May nag aabang sa harap" sabi ni Alex kaya huminto kami dito sa masikip na
kantong dinaanan namin. Nag hanap kami ng matataguan at doon sinubukan habulin ang
mga pag hinga namin.

"What are we going to do now?" Tanong ni Jennie.

"May nareceived akong message galing kay Xander. Sa east district. Sa may gubat.
Doon daw hideout ng mga red org" sabi ni Jester. Sa gubat kung saan nakatayo yung
bahay na tinirahan namin nila Josh noon?! That was damn too far.

"Xian, Jennie. Can you take Aki? Sa bahay. Safe sya doon" sabi ko at tumango lang
sila pareho.

"Okay. Alex, Jester, Chloe. Susugod tayo sa harap para makaalis sila Xian.. Mag
bibilang ako. On three, tatakbo tayo" paliwanag ko at saka huminga ng malalim.

"One.. Two.. Three" pinangunahan ko ang pag takbo at saka dinambahan yung lalaking
nakatalikod. Sinimulan narin dumamba nila Chloe habang sila Xian ay nakatakbo na
papunta sa main road.

Nasiko ako ng isa sa mga lalaki kaya napaatras ako pero mabilis naman akong
nakahawak sa balikat ng taong pasugod sakin. Nilagpasan ko sya at saka binigyan ng
highkick yung sumiko sakin. Tinulak ko naman yung lalaking pinatungan ko at saka
sya sinuntok. Tumingin ako sa iba at napatumba na sila nila Chloe.

Hangga't maaari, ayaw namin gamitin yung mga baril dahil makukuha namin ang
atensyon ng mga taong nasa paligid lang. Nang masigurado naming wala ng sumusunod
samin, sumakay kami ng taxi at nag punta sa east district.

Sorry Ze, pero hindi ko na kayang antayin yung pag balik mo. It's my problem. Ako
ang puno't dulo ng lahat ng ito kaya dapat lang na ako mag tapos nito.

"Pasusunurin ba natin sila Xi?" Tanong ni Jester at tumango ako. Sinubukan ko ring
tawagan si Dad dahil alam kong mangingialam sya dito. Too bad! Gusto kong hingiin
ang tulong nila tito pero bumalik na ang ilan sakanila sa ibang bansa.

"Hello dad? Hinahabol kami ng red org ngayon. Papunta kami ngayon sa hideout nila
dahil nag punta doon si Tyler, nandoon rin si Zero. Mamaya dadating dyan sila Xian
para itago muna si Aki ㅡ"

"Where exactly are you? Sasama ako ㅡ"


"No need dad. Gusto ko bantayan nyo si Aki. I can handle this. Kasama ko sila Alex
ㅡ"

"Crap!" Sigaw ko ng maputol yung tawag. Dead batt na ako.

"Anong gagawin natin pag dating doon?" Tanong ni Chloe.

"Mag manman muna tayo, pag nakita kong hawak nila si Tyler o Zero. Hindi ako mag
dadalawang isip na sumugod" sabi ko at nag sitanguan lang sila.

Ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa east. Napilitan pa kaming mag lakad
papunta sa bakanting lote dahil ayaw ng pumunta doon ng taxi driver. Sinundan lang
namin si Alex, pumasok kami sa lumang bahay pero lumabas din mula sa kabilang
pinto. Doon bumungad sakin ang isang kalsadang napapaligiran nalang ng gubat at
walang kahit anong sasakyan ang dumadaan.

"Ito na 'yon" sabi ni Jester at tumango ako. Nag simula narin kaming mag lakad
papasok. I don't know where exactly their hideout is. Hindi ko rin alam ang daan
papunta sa bahay na pinag istayan namin ni Josh dahil tinakpan nila yung mata ko
noon.

"Tago" biglang sabi ni Chloe. Kanya kanya naman kaming nag tago sa mga puno at
patagong sinilip ang grupo ng kalalakihan na paparating.

"Patutumbahin ba natin sila?" Tanong ni Alex.

"Let's go. Sampu lang naman sila eh. Patumbahin na natin para mabawasan yung
kalaban natin pag dating sa hideout" sabi ko.

"One.. Two.. Three" I mouthed at saka mabilis na sumugod. Ipinatama ko lang yung
gilid ng palad ko sa batok ng isa kaya madali syang nawalan ng malay. Uulitin ko
sana 'yon sa isa pa kaso nasuntok nya ako sa bandang balikat. Mabilis lang din
naman akong nakabawi at tinuhod sya sa precious balls nya. Nang mapayuko sya ay
tinuhod ko ulit sya sa muka dahilan para mag pass out sya.

Hinatak ko naman yung damit nung isang pasugod kay Chloe. Hinila ko sya at saka
inuntog sa puno ng tatlong beses hanggang sa mawalan sya ng malay. Three down.

Tinignan ko si Chloe at napatumba narin nya yung dalawa. Ganun rin si Alex at
Jester pero may natitira pang isa.

"Mag isa kana lang" sabi ko at bago pa nya mahugot yung baril nya ay nahugot ko na
yung akin.

"Hindi mo ba alam kung ilang baril ang nakatutok sayo ngayon?" Tanong ko at
lumingon sya to see na nakatutok rin ang baril nila Jester sakanya.

"San mo nakuha yan?" Tanong ko kay Chloe ng makitang may hawak din sya.

"Doon sa pinatumba ko" sabi nya habang nakapeace sign. Nang ibato ng lalaki yung
baril nya ay mabilis ko syang nilapitan at hinawakan sa leeg.

"Nasaan ang hideout nyo?" Tanong ko pero hindi nya ako sinagot kaya sinuntok ko
sya.

"Saan?" Tanong ko ulit ng tutukan ko sya ng baril sa ulo.

"Sa dulo ㅡ"


"Dalin mo kami doon" sabi ko at saka tinakpan ng panyo yung bibig nya. Hinatak
naman sya nila Jester at Alex sa mag kabilang braso habang kami ni Chloe ay
nakasunod sa likuran habang nag lalagay ng ilang clue sa daan para kung sakaling
makarating na sila si Xian dito ay madali nila kaming mahahanap.

•••

Ilang minutong pag lalakad at natatanaw na namin ang isang lumang warehouse.
Mabilis pa sa isang segundo ng patulugin ko yung lalaking nag dala samin dito. Nang
masiguradong wala na syang malay ay dahan dahan kaming lumapit sa warehouse at nag
tago sa puno.

Maya maya lang ay may lumabas mula sa warehouse. Naiyukom ko ang kamao ko ng
makitang hawak ng isang lalaki si Zero na duguan ngayon. Nag punta sila sa harap ng
malaking water drum at doon nilublob ang ulo nya.

Hindi ako nag dalawang isip at mabilis na tumakbo papunta doon. Hindi naman
naramdaman ng walang hiyang lalaki na 'yon ang presensya ko kaya kinuha ko yung
kahoy sa sahig at hinampas sa likuran nya. Natumba si Ze pero nasalo ko sya.

"Ze.. Hey Ze. Wake up" tawag ko habang tinatapik yung balikat nya. Punong puno ng
pasa at sugat yung muka nya. Damn! What happened?!

"Fuck Zero! Wake up! Wala kang karapatan mamatay! Gumi ㅡ"

"Sabihin mo muna na mahal mo ako at sinasagot mo na ako" sabi nya ng idilat nya
yung isang mata nya and for some reason. Tumulo nalang yung luha ko.

"Mahal na Mahal kita pero bibigwasan kita. Don't do that again! Tinakot mo ako"

"I'm happy to hear that pero bakit ka nandito? Ang tigas talaga ng ulo mo"

"Now isn't the time to be talking about that. Where's Tyler?" Tanong ko pero hindi
nya ako sinagot. Lumapit narin sila Alex dito samin.

"Mamaya na kayo mag usap. Kailangan natin mag tago" sabi ni Jester at mabilis naman
nilang naakay si Zero papunta sa gubat para itago.

"Hey Ze. Kaya mo pa ba?" Tanong ni Alex. Maya maya lang din ay hingal na dumating
sila Xian. Kay Zero naman agad sya lumapit. I can see the anger in his eyes.

"We don't have much time. Ze, iiwan ka muna namin dito. Susugod kami sa loob. Don't
do reckless things okay?" Sabi ko at tumango lang sya. Tinignan ko yung lima at
saka kami bumalik sa warehouse. Sumilip kami sa pinto at doon nakita ang ilang
lalaking nakatayo at yung iba ay nag lalaro ng baraha.

Nilibot ko pa ang paningin ko para hanapin si Tyler pero hindi ko sya makita.
Kaunti lang naman yung tao sa loob kaya siguradong kaya namin sila but damn! Pagod
na ang ilan samin. Ang layo ng nilakad namin at ang sakit na ng kamao ko.

"Tigilan nyo na si Erin!" Agad kong naibalik ang tingin sa loob ng marinig ko yung
pag sigaw ni Tyler. Nilibot ko yung paningin ko para hanapin sya ulit at kusa
nalang tumulo yung luha ko ng makitang nakakadena yung mga kamay nya habang
nakasabit sa may itaas. Nakalambitin sya doon habang tumutulo ang dugo sa muka nya.

Tumakbo ako sa loob at saka binaril ang lalaking lumapit sakin. Nagulat sila Xian
sa ginawa ko pero tumakbo parin sila papunta sakin at saka nag simulang makipag
suntukan at kung kinakailangan ay ginagamit nila yung mga hawak nilang baril.
"Tyler! I will save you!" Sigaw ko at saka tumakbo papunta sa lalaking nag susugal
kanina. Mabilis nya akong nasuntok kaya natumba ako. Ramdam na ramdam ko yung
pagkangilo pero bumangon parin ako at saka sya sinuntok pabalik.

Nasikmuraan pa ako ng isang lalaki at saka sinuntok pero nakatayo parin ako para
tumakbo. Hinabol ako nito pero pinaputukan ko sya ng baril.

Tinignan ko sila Xian at napupuruhan narin sila. Habang tinitiis ang ilang suntok
na natatamo ko ay tinitiis ko rin na wag umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ng
puso ko. I can't bare to see them in this kind of situation. Sa sobrang galit ay
binabaril ko lahat ng humarang sa daraanan ko. Ayokong pumatay pero wala akong
choice.

Sumigaw si Xian na parang pagod na pagod na sya. Lumingon ako sa paligid at


nakitang tumba na ang lahat. Nag madali naman akong hanapin kung paano ko maibababa
si Tyler. Nang makita ko na yung makina agad akong tumakbo doon at saka ibinaba si
Ty. Pag baba nya ay mabilis syang nilapitan nila Alex para tanggalin yung kadena sa
kamay nya.

Ngumiti ako at saka lumapit sakanya. Tinanggal ko yung mga nakaharang na buhok sa
muka nya at saka ipinahinga yung noo ko sa noo nya.

"Tyler. Don't do reckless things by your own" sabi ko at nakita ko syang bahagyang
ngumiti. Lumayo ako para makita yung muka nya. Naramdaman ko namang pinunasan nya
yung luha ko.

"Don't cry. I want to see your smile" sabi nya kaya ngumiti ako habang hawak ang
kamay nyang nakahawak sa pisngi ko.

"Napatay ko yung boss nila" nakangiting sabi nya kaya mas hinigpitan ko pa ang pag
hawak sa kamay nya.

"Maraming salamat sa lahat. Hang in there okay? Sabay sabay tayong babalik sa
academy" tumango sya habang nakangiti at naibaling ko naman ang atensyon sa dulong
bahagi ng warehouse kung saan nakatali si Xander na walang malay.

"Kakalagan ko lang ang isang 'yon. Bawi na sya sa ginawa nya sakin noon" sabi ko at
saka bumitaw kay Tyler. Nag punta ako kay Xander at saka sya kinalagan pero bigla
nalang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Tyler! Tyler!" Sigaw ni Alex, agad naman akong lumapit. Umiiyak si Chloe, ganun
narin si Jennie, Xian at Jester.

"Anong nangyari?" Tanong ko habang tumutulo yung luha ko. Lumuhod ako at saka
kinuha yung kamay nyang malamig na.

"Hey. Ty, stop joking around okay? Let's go. Dumilat kana dyan. Hinihintay tayo ni
Zero, baka inamag na 'yon doon" sabi ko habang pilit ngumingiti.

"Tyler. Wake up, kakasabi ko lang na sabay tayong babalik diba? Gumising kana dyan"

"Wala na sya Erin" umiiyak na sabi ni Alex.

"Hindi magandang biro Alex. Tara na na buhatin na natin sya para makalabas ㅡ"

"Wala na sya!" Sigaw ni Alex at doon ako nag breakdown. Niyakap ko si Tyler habang
humahagulgol sa pag iyak. Ayoko lang aminin pero nung hawakan ko yung kamay nya,
alam kong hindi na sya didilat.
"Tyler. Araw araw akong ngingiti basta gumising ka lang. Please Tyler, wake up"

"Tyler!"

"What happened?" Boses ni Zero at maya maya lang ay nakalapit na sya sakin.
Naramdaman ko yung pag hawak nya sa balikat ko pero hindi ko sya nagawang lingunin.

Hinawakan ko lang yung pisngi ni Tyler kahit hindi ko gaanong makita yung muka nya
dahil sa mga luhang nasa mata ko.

"Paano ako ngingiti kung wala na yung taong nag papaalala sakin kung gaano kaganda
ang ngiti ko? Tyler. Ang daya mo.. Sorry. kasalanan ko 'to lahat. Sorry Tyler"

♚♔♚

Ayoko pumatay pero kailangan. 😭😭 patawarin nyo ako. 😭😭

E P I L O G U E.

Epilogue:

Sabay sabay kaming lumabas ng gubat kasama si Tyler. I was too lost in my own
thoughts na hindi ko na napansin na sila ang bubungad samin pag labas.

"Dad" mabilis ko syang nayakap at naibaling ang atensyon kay tito Matthew na halos
parang nanigas sa kinatatayuan nya.

"T-tito. S-sorry. Hindi ko naligtas si Tyler" humahagulgol parin ako. Hindi ko


nagawang lapitan si tito dahil lumapit sya kila Jester na ngayon ay buhat si Tyler.
Lumuhod sya at saka yumuko habang umiiyak at mahigpit na hawak yung kamay ni Ty.
Lumingon ako kay dad at saka yumakap ulit.

"Dad. Wala na si Tyler. Kasalanan ko 'to"

"Shh. It's not your fault. Don't blame yourself" hinimas nya yung likod ko at saka
ko nilapitan si tito Matthew.

"Tito. Sorry" sabi ko ng hawakan ko yung kamay nya. Nilingon nya ako kaya napayuko
ako. Wala akong mukang ihaharap kay tito.

"Don't say sorry. May sariling desisyon si Tyler kung bakit nya ginawa yung bagay
na 'yon. Masakit Erin, sobrang sakit dahil wala akong nagawa para sa anak ko"
niyakap ako ni tito kaya pumatak na naman yung luha ko.

Ilang oras ang lumipas ay nakauwi na kami sa bahay. Nag kulong lang ako sa kwarto
habang yung iba ay nasa ibaba at ginagamot ni mommy at Aki. Wala akong ihaharap
sakanila. Nahihiya ako. Sana ako nalang.

Sinamahan ni dad si tito Matthew para asikasuhin ang burol ni Ty. Hindi ko
matanggap. Ang bilis ng pangyayari. Parang nung nakaraan lang ang saya pa namin sa
mga rides na sinakyan namin.

"Erin anak? Can you open the door?" Dahan dahan akong bumangon at pinag buksan si
mommy.

"He died happily because he was able to save you. Hindi magugustuhan ni Tyler pag
nakita nyang ganyan ang muka mo" sabi ni mom kaya pinilit kong wag umiyak. I even
tried to smile dahil ayun nalang yung nakikita kong paraan para makabawi. Tyler
loves to see me smiling kaya pipilitin kong ngumiti kahit na ang sakit sakit ng
nangyari.

"Bumaba ka na. Nag aalala sila sayo" tumango ako at saka bumaba. Yakap naman ni
Zero ang bumungad sakin. Pumikit lang ako at agad ding kumalas. Tinignan nya lang
ako at saka sya bahagyang ngumiti.

"It's over now. Nabawasan man tayo, alam kong masaya si Tyler dahil sya ang dahilan
kung bakit natapos ang problema" sabi nya kaya ngumiti rin ako.

Days had passed.

"Erin let's go. Uulan na, gusto mo bang maging guard ng puntod ni Tyler?" Tanong ni
Zero kaya sinamaan ko sya ng tingin. Hinawakan ko yung lapida nya habang nakangiti.

"Hanggang sa muli Tyler. Mag papakabait ako para mag kita tayo dyan sa langit" sabi
ko at saka tumayo, dahan dahan naman akong lumingon kung saan nakatayo sila Zero
with the rest of our squad. Xian, Jennie, Chloe, Jester, Alex at Rozee. Tumakbo ako
papunta sakanila.

Sabay sabay naman kaming nag lakad papunta sa tapat ng kotse kung saan nag hihintay
ang mga parents namin.

"Malelate na tayo. Kailangan na natin mag punta ng airport" sabi ni mom at tumango
ako. Sumakay kami sa mga kanya kanyang kotse at nag punta sa airport.

"Erin. Mamimiss kita" kunwaring naiiyak na sabi ni Jennie.

"Tigilan mo ko. Sasapukin kita"

"Ito naman joke lang eh. Anong oras ba yung flight ni Aki?"

"Sabi 1:00 daw eh. Nandito na ba sya?" Tanong ni Xian.

"Guys" sabay sabay kaming napalingon at doon nakita si Aki kasama ang mommy nya.
Mabilis ko naman syang nayakap.

"Sure ka ba talaga na aalis ka?" Tanong ko at tumango sya habang nakangiti.

"Promise ko na babalik ako. You have your new friends and I know na mas
masusuportahan ka nila. They're aberrant too right?" Binulong nya yung huling
sinabi nya at saka kumindat.

Isn't weird na Aberrant kaming apat? Ako, si Chloe, Jennie at Rozee? Miski ako
nabigla ng sabihin nila sakin 'yon. Syempre ayoko naring mag tago ng kahit anong
sekreto kay Aki kaya sinabi ko narin sakanya.

"Yah right. Email me kung babalik kana dito sa Pilipinas ha? Mamimiss ka namin"
lumingon ako kila Zero at lumapit sila samin para mag goodbye kay Aki.

Napatingin naman ako sa direksyon ni mommy na ngayon ay nakikipag usap kay tita
Sunny. Napangiti nalang ako. Maayos na ang lahat. It's all thanks to Tyler pero
kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pang mag hirap sa mga problema ko kesa
mabawasan ng kaibigan para lang matapos ang gulong sinimulan ko. But I need to move
on, mahirap pero pipilitin ko.

"Oras mo na bes" sabi ni Jennie kay Aki kaya nasiko ko sya.

"I mean. Oras na ng flight mo. Have a safe trip"


"Erin, sorry sa mga nagawa ko and thankyou for taking good care of Aki" pag singit
ni tita Sunny at ngumiti lang ako.

"Oh sya. Aalis na ako. Masaya akong makilala kayo. Hindi ako aalis dahil natatakot
akong malagay sa panganib yung buhay ko. You don't know how happy I am na makasama
sa mga crazy stunts na ginagawa nyo. I'm doing this para makabawi kay mom, see you
when I see you" ngumiti si Aki at nag umpisa ng mag lakad palayo pero huminto sya
at lumingon for the last time.

"Zero. Alagaan mong mabuti si Erin" bilin nya at tumalikod din agad. Lumingon naman
ako kila Alex.

"Let's go"

•••

"Ayan na sya"

"Intrepid ka diba? Ayan si Erin Cross. Top 1 yan sa buong Intrepid"

"Gusto ko maging gaya nya pero freshman palang ako"

"They call her the badgirl. She's really cool"

Huminto ako sa pag lalakad. Ito ba ang bubungad sakin sa pag babalik eskwela ko
after ng mga problemang nangyari? Bulungan parin?

"Pinaguusapan nyo ba ako?" Tanong ko sa dalawang freshman na nakatayo sa hallway.


Yumuko lang sila sakin habang pinagpapawisan.

"Hey hello, I'm talking to you" inangat nila yung ulo nila.

"S-sorry ㅡ"

"Bakit ka nag sosorry? I'm happy na gusto mo ko maging katulad, but trust me mag
sisisi ka. You can be a better version of yourself. Goodluck on your studies"
nakangiting sabi ko at saka nag patuloy sa pag lalakad hanggang sa makarating ako
ng classroom.

Kinabahan ako ng makitang hindi maipinta ang muka ng pito. Agad akong lumapit at
kinuha yung papel sa kamay ni Zero.

"Condolence. Sayang at hindi ako napatay ng kaibigan mo. He's too dumb para
maniwala na yung kanang kamay ko ang boss ng red org. Wanna meet me? Let's have a
one-on-one. Pag nanalo ako. Ibibigay mo sakin ang code. Pag nanalo ka. You can kill
me to avenge your friend's death. I'll call you later"

Agad kong nilukot yung papel. Anong ibig sabihin nito? Napunta sa wala yung buhay
ni Tyler?!

"Erin" tawag ni Zero pero nanatili akong nakatingin ng masama sa sahig. Para akong
sasabog.

"Ako na ang tatapos nito! Wag na wag kayong mangingia ㅡ"

"Erin"

"Hindi nyo ko mapipigilan!" Sigaw ko at saka nag madaling lumabas at nag hintay ng
tawag. Maya maya ay nag ring yung phone ko.

"Let's meet in the woods. Alam mo na kung saan 'yon"

"I'll surely kill you" binaba ko yung tawag at lumabas ng dorm.

"Teka Ms. Cross, may klase ㅡ" sinamaan ko ng tingin yung gwardya kaya hindi nya
naituloy ang pag sasalita. Dumiretso ako sa pag lalakad hanggang sa makalabas na
ako ng academy.

Sorry Tyler pero mag papakademonyo muna ako. Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang
pag kamatay mo ㅡ.

Teka. Pamilyar yung boses ng lalaking 'yon ah. Could it be? Naiyukom ko ang kamao
ko ng pumasok sya sa isipan ko. I'm sure sakanya galing ang boses na 'yon.

Nang makarating ako sa gubat, agad kong nilibot ang paningin ko.

"Lumabas ka na! Alam ko kung sino ka!" Sigaw ko at maya maya ay lumabas na sya mula
sa pag kakatago sa puno.

"Brave as ever" nakangising sabi nya.

"Walangya ka Travis! Pinaglaruan mo kami!" Sigaw ko ng sugurin ko sya. Nakaiwas sya


at saka ako sinikmuraan dahilan para mapasuka ako ng dugo.

"I'm really proud of myself. Hindi mo man lang nahalata na kaaway ako" sabi nya
kaya sumugod pa ulit ako pero mabilis nya akong nasipa palayo.

"Such a pity. Naniwala ka talaga na totoo akong kaibigan ng tatay mo? Yes we're
friends pero hindi ako tunay na kaibigan" naiyukom ko ang kamao ko habang nakaupo.
Ayokong kainin ako ng galit dahil kahit anong pag atake pa ang gawin ko. As long as
I don't keep my calm, paulit ulit lang nya akong masasaktan.

Huminga ako ng malalim. Kaya pala kahinahinala ang pag tulong nya sakin noon. All
of sudden sasabihin nyang gusto nya akong tulungan dahil pinakiusapan sya ni dad.
Ugh! Damn Erin! Bakit hindi ko napansin? Kaya pala mabilis nakakapasok ang ibang
myembro ng red org sa academy.

"Let me give you a round of applause" sarcastic na sabi ko at saka pumalakpak. Muka
namang hindi nya nagustuhan ang ginawa kong iyon. Susugod sana ako pero nakita kong
may pasugod sakin mula sa gilid. Mabilis akong nakaiwas at saka ipinulupot ang
braso ko sa leeg nya habang nakatutok ang dala kong baril sa sentido nya. Nagulat
si Travis sa ginawa ko, halatang pinagpapawisan sya.

"Hindi na ako nagulat na kasabwat karin nya. Sir. Gino"

"You're really a badass" sabi nya at ngumiti ako.

"Now, gusto mo ba malaman kung paano magalit ang isang Cross?" Tanong ko habang
nakatingin ng masama kay Travis.

"Isaisahin natin ang atraso mo. Yung pag papahirap mo sakin nung unang araw ko sa
Academy, ang pang gagago mo kay dad, ang panggugulo sa buhay ko at pag damay sa mga
kaibigan ko and last ang pag patay ng red org kay Tyler. Now! Say goodbye to your
friend" hindi ko na hinintay na mag salita pa si Travis at buong lakas na binaril
sa ulo si Gino. Hindi ko maimagine na magiging ganto ako kabrutal.

"Masakit ba Travis?! Masakit bang mawalan ng kaibigan?! Sumagot ka!" Sigaw ko ng


makitang halos maluha sya sa kinatatayuan nya. Hindi sya nag abalang sagutin ang
tanong ko at mabilis akong sinugod, nabitawan ko yung hawak kong baril at saka nya
ako sinuntok.

Napaatras ako at saka bumawi pa ng isang suntok pero nasipa nya ako sa may
tagiliran kaya nasubsob ako.

"Wala na kong pake sa code! Papatayin kitang bata ka!!" Sigaw nya ng maiwasan ko
yung paparating nyang suntok.

"Mag patayan pa tayo hangga't kailan mo gusto!" Sigaw ko ng bigyan ko sya ng isang
malakas na suntok sa panga pero hindi ko inasahan na mabilis nyang makukuha yung
baril sa lupa. Sinipa nya ako dahilan para mapaupo ako. Itinutok nya sakin yung
baril habang nakatingala ako sakanya.

"Tingin mo talaga mapapatay mo ako?!" Sigaw nya ng ikasa nya yung baril. Wala akong
kahit anong takot na nararamdaman sa oras na 'to. I wonder why. Tanggap ko na ba na
hanggang dito lang ako?

"Say your last words" sabi nya at napangisi ako ng maibaling ko ang tingin ko sa
ibang direksyon ng isang segundo. Tinitigan ko ng masama si Travis at saka nag
simulang mag salita.

"Chasing me would be hard and whatever doesn't kill me. Had better start running"

Confusion spread across his face at isang putok ng baril ang muling umalingawngaw
sa gubat. Huminga ako ng malalim at saka dahan dahang tumayo.

"Zero" tumakbo ako papunta sakanya at saka sya niyakap habang nakatingin sa barkada
na nasa likuran nya. Hindi ko rin napigilan ang pag patak ng luha ko ng kumalas ako
sa pag yakap.

"Mabuti dumating ka" ginulo nya yung buhok ko at sabay kaming tumingin sa bangkay
ni Travis.

"Hindi ko akalain na sya ang boss ng red org" sabi nya at tumango ako. Lumapit
naman sa amin sila Rozee.

"Head shot yun Zero ah"

"Now. It's really over" sabi ni Xian at ngumiti ako. Inakay ako ni Zero at sabay
sabay kaming nag lakad palayo.

"Lakas makapelikula ng sinabi mo dun ah" sabi ni Jester sakin.

"Shut up!"

"Oh Tyler. Alam kong pinapanuod mo kami ngayon. Mamatay ka sa inggit" pabirong sabi
ni Alex kaya nabatukan sya ni Jennie.

"Dalawin ka sana nya mamayang gabi" - Chloe.

"Peace. Tyler, miss na kita" nag tawanan kaming lahat. Mas masaya sana kung kasama
namin si Ty ngayon, paniguradong abot tenga ang ngiti nun. Napabuntong hininga ako
at saka huminto sa pag lalakad kaya napalingon sila saking lahat. Ngumiti ako
habang nakatingin sakanila.

"Thankyou guys"
[THE END]

Book 3.

Ayuuuuuun nakatapos na naman ako ng isang libro. It all thanks to you guys,
specially for those who voted and leave their comments every chapter. Thankyou
sainyo guys, pati narin sa mga silent reader. Hello sainyo.

Marami namang nakakaalam sainyo na hindi ako magaling gumawa ng epilogue or ending
scene. And in the first place hindi naman kasi talaga ako magaling gumawa ng story
kaya maraming salamat dahil may nag babasa nito hanggang huli. I'm really
disappointed about this one. Huhu hindi ko masyadong nabigyang pansin yung ibang
characters. So sorry.

And ito na! Publish na ang book 3. Dahil nabitin kayo. Hahaha Excited rin ako eh 😂
You can check it on my works. (Monstrous Academy3: The hidden secret)

Bonus book nalang 'yon kaya hindi sya mag tatagal. So sana suportahan nyo sya gaya
ng pag suporta nyo dito. Wala na kasi talaga dapat book three dahil gusto ko
makapag focus sa ibang series na ginawa ko. 😝

Book 3 will be more on friendship and relationship moments/Conflicts. Try ko rin


dagdagan ng more intense action scene and mystery.

AGAIN. THANKYOÜ. SEE YOU SA BOOK 3 ♥

You might also like