You are on page 1of 6

Paaralang De La Salle Santiago Zobel

Br. Rafael Donato FSC Night High School


Ikalawang Semestre, AY 2021–2022

ONLINE DISTANCE LEARNING MODYUL

Pangalan: _Flores, Jabriel Zeth______________________________ Pangkat: _11B_________

Guro: _G. Rodolfo L. Bangco, Jr._____________________________ Petsa: _03/09/2022_____


FILIPINO 11

MALIKHAING PAGSULAT
(MalPags)

Modyul #5 (Sem.2)  

C. PAGBASA AT PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO

1. Mga Elemento/Sangkap ng Maikling Kuwento


2. Tauhan
3. Punto de bista
A. unang panauhan/1stperson POV (major, minor, or bystander)
B. pangalawang panauhan/ 2nd-person POV
C. pangatlong panauhan/ 3rd-person POV (objective, limited omniscient,
omniscient)

INTRODUKSIYON

LAKBAY-GABAY

TUNGUHING PAMPAGKATUTO:

1. Natutukoy ang iba’t ibang elemento/sangkap at kagamitang pampanitikan sa maikling


kuwento,

2. Natutukoy ang iba’t ibang moda (modes) ng maikling kuwento,

3. Nakasusulat ng dyornal at maiikling ehersisyo na gumagamit ng mga pangunahing elemento


ng maikling kuwento.
MAHALAGANG TANONG:

Anong kasanayan ang matatamo sa pag-aaral ng pagbasa at pagsulat ng maikling kuwento?


Ang kasanayan na aking matatamo sa pag-aaral ng pagbasa at pagsulat ng kuwento ay
ang pagiging malikhain at malinaw sa pagsasalaysay ng isang tunay na pangyayari o aking
sariling likhang-kuwento na makatutulong sa pagpaparating ng mga impormasyon at/o mang-
aliw sa pamamagitan ng aking kuwentong likhang-imahinasyon. Ang pagsasalaysay ng
kuwento ay isa ring paraan o sangkap upang iparating ang aking damdamin at/o mga kaisipan.

INTERAKSIYON

LAKBAY-ARAL

Saliksikin ang mga impormasyon kaugnay ng Mga Elemento/Sangkap ng Maikling Kuwento


PAYABUNGIN NATIN

Gumawa ng isang graphic organizer na magpapakita kung ano ang “Tauhan” sa maikling
kuwento.
Mangalap ng detalye kaugnay ng Punto de bista:
A. unang panauhan/1st person POV (major, minor, or bystander)
B. pangalawang panauhan/ 2nd-person POV
C. pangatlong panauhan/ 3rd-person POV (objective, limited omniscient, omniscient)

A. Unang Panauhan – ang tagapagsalaysay o narrator ay isang tauhan sa maikling


kuwento at gumagamit ng panghalip “ako”
a. Major – ang pangunahing tauhan ang tagapagsalaysay ng kuwento
b. Minor o Bystander – hindi ang pangunahing tauhan o isang bystander lamang
ang tagapagsalaysay ng kuwento.
B. Pangalawang Panauhan – ang tagapagsalaysay na nasa pangalawang panauhang
punto de bista ay tila nakikipag-usap sa mambabasa at gumagamit ng mga panghalip na
“ikaw”, “mo”, o “ka”.
C. Pangatlong Panauhan – ang tagapagsalaysay ay hindi bahagi ng kuwento at alam nito
ang mga iniisip at galaw ng mga tauhan kahit na sila ay mag-isa.
a. Omniscient – ang mala-Diyos na punto de bista dahil alam ng tagapagsalaysay
ang lahat ng iniisip, nararamdaman, at galaw ng mga tauhan, maging sa
nakaraan at hinaharap.
b. Limited Omniscient – alam ng tagapagsalaysay ang nangyayari sa loob ng isipan
ng isang tauhan ngunit kaya niya lamang makita ang ibang tauhan mula sa
panlabas na kilos at salita
c. Objective – ang tagapagsalaysay ay isa lamang tagamasid at nakikita lamang
ang lahat ng tauhan mula sa kanilang panlabas ng kilos at salita.
INTEGRASYON

LAKBAY-DIWA

PAGPAPALALIM NG GAWAIN

Paano mo maiuugnay ang nilalaman ng ating kasalukuyang aralin sa nilalaman ng ating:


1. LCV para sa Pebrero – Contributes to Society
2. LLIM Habit 2 – Begin with the End in Mind

LCV – aking maiuugnay ang paksang tauhan at punto de bista sa maikling sa LCV para sa
buwan ng Pebrero na “Contributes to Society” o “Nakapag-aambag sa Lipunan” dahil ang
aking existence o pamumuhay sa mundong ito parang isang tauhan o tagapagsalaysay kung
saan ay maaari akong magbigay-buhay sa sarili kong buhay o sa buhay ng iba sa pamamagitan
ng pagiging isang mabuting anak, apo, pamangkin, pinsan, kasintahan, kaibigan, kamag-aral,
mag-aaral, at mamamayan, at maging tagapagsalaysay sa ibang tao o sa pamamagitan ng
aking mailalathalang sulatin na magkukuwento sa aking mga karansan, nasaksihan, at
nalaman bilang mga dokyumentaryo.

LLIM – maiuugnay ko naman ang paksang mga elemento o sangkap ng maikling kuwento sa
ikalawang LLIM habit na “Begin with the End in Mind” dahil kung tayo ay magsusulat o
magsasalaysay ng isang kuwento, totoo man o likhang-isip lamang, sa umpisa pa lamang ng
pagsulat o pagsalaysay nito ay dapat na nating pinagpaplanuhan at ating isinasaisip ang
bawat bahagi, mula umpisa hanggang wakas, upang masigurado nating kumpleto at tumpak
ang kabuuan ng ating kuwento.

BAON-DIREKSIYON

REPLEKSIYON: Sumulat ng isang makabuluhang repleksiyon kaugnay ng paksang


tinalakay.

Sa cycle na ito, aking natutuhan ang iba’t ibang elemento ng isang maikling kuwento
mula sa tauhan, tagpuan, tunggalian, at maging ang iba’t ibang bahagi ng banghay. Mas lalo ko
pang napalalim ang aking kaalaman tungkol sa iba’t ibang uri ng tauhan at punto de bista. Sa
pangkalahatan, magagamit ko ang mga kaalamang ito upang aking mapaghusayan kung
sakaling ako ay magsusulat ng sarili kong likhang-kuwento, partikular na ang maikling kuwento.

PLANO-SIGURADO

 Ang sabmisyon ng Modyul #5 (Sem.2) ay sa Day 5 ng Cycle 5 Sem.2


 Kaakibat na pagtataya ng Modyul #5 (Sem.2) ay sa Day 2 ng Cycle 6 Sem.2

INDIKEYTOR: Lagyan ng tsek ang kahon base sa kaalamang natamo mula sa akda.

/ Naunawaang mabuti ang nilalaman ng akda

May bahaging hindi naunawaan mula sa akda

Kailangan ng masusing pagpapaliwanag sa nilalaman ng akda.

--------------------------------------------------------WAKAS ----------------------------------------------------------

You might also like