Nang huling masilayan ng sandaigdigan Isang anghel na ipinagkaloob ng kalangitan, Matamis nitong ngiting walang bahid ng karumihan, Mga matang tila nangungusap Na laging nakadarama ng sakit at hirap, Busilak na kaloobang handang tumulong sa iba Handang ibigay ang lahat kahit sa sarili’y wala nang itira.
Tunay ngang malayo na ang nalakbay
Bago tuluyang sa ami’y humiwalay Ngunit kay dami pa ring pag-aalinlangang naiwan Mga pagsisising ‘di na mababalikan pa Kahit sa huling sandali sana’y nasilayan Sana’y nahagkan at nagkapatawaran Ano pang saysay ng pagdaralita Kung ang lahat ay nakalipas na
Masasayang sandaling ipinagpapasalamat
Natatanging biyayang ‘di-malilimutan, Hangad lamang ay kabutihan ng lahat Taglay ang mga dakilang pangarap, Kalakip ng pag-asa sa gitna ng sigwa Hindi para sa sarili, kundi sa iba Sa matagal na panahong naramdaman ang pagmamahal Yumakap na sa puso’t isip ng karamihan
Pagkaraan ng mga sakit na tiniis
Nagtagpo rin ang kapaguran at kahinaan Tuluyang linisan ang mundong ginagalawan Apat na lalaking anak man ang nawalan, ‘Di-mabilang na mga apo ang nag-iyakan, Isang asawang napuno ng hinagpis Pilit tinatanggap ang kinahinatnan Ipinagdarasal ang kapayapaan magpakailanman.