You are on page 1of 1

Karagdagang Gawain

Para sa Aking Mahal na Magulang

Ang buhay kong ito’y sa inyo nagmula


Pangalawa sa Diyos na siyang lumika
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga

Mga sakripisoyo’y hindi biro


Mula ng ako’y iniluwal sa mundo
Pag-ibig na inukol sa aki’y totoo
Pagmamahal nyo’y nagsisilbing lakas ko

Ako’y tiniruan ng magandang asal


Sa gita ng hirap ako ay pinag-aral
Upang hindi mapariwara ang aking buhay
Diplomang matatanggap sa inyo ia-alay.

Ngayon ang buhay ko’y sadyang kay-palad


Pangarap ko’y unti-unting natutupad
Ito ay bunga ng inyong dakilang paglingap
Sa’king puso ay walang hanggang pasasalamat

Rodriguez, Elijah Yuri T. 8-1 RDCDionisio

You might also like