You are on page 1of 2

PANGALAN: RESURRECCION, DAVID AERON R.

KURSO: BSHM1-BLOCK 4

MODYUL 3: PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA


ARALIN 3: MGA ANYO NG SINAUNANG KATHA

PAGPAPALAWAK:

PANUTO:
a. Pumili ng isang awiting-bayan at ipaliwanag. Ilahad ang kulturang nakapaloob sa awiting napili.

“Dandansoy”
Ang kulturang nakapaloob sa awiting Dandansoy ay isang sikat na Ilokanong awiting-bayan na
kinakanta maging ng mga hindi Ilonggo at kadalasang sinasabayan ng tugtog ng gitara bilang isang
ballad. Ito ay isa sa mga kantang ginagamit para sa Pista ng Maskara sa Bacolod. Nagkaroon ng debate
patungkol sa kung sino ang totoong nagsulat ng awiting-bayan na Dadansoy.

b. Magbigay ng tatlong halimbawa ng salawikain, sawikain, at kasabihan at ipaliwanag ito.

 SALAWIKAIN:

“Kung ano ang puno, siya ang bunga”


Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang
humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng
mabuti (o masamang) mga magulang.
“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”
- Ang ibig sabihin ng “nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa” ay na bagaman nagagawa natin nag
lahat ng bagay sa tulong ng Diyos, nararapat din na kumilos ang isang tao ayon sa kaniyang hinihiling sa
panalangin.
“Kung ano ang itatanim ay sya ring aanihin”
- Ibig ipahiwatig nito na dapat maging magalang at marespeto sa kapwa sa anumang oras, dahil babalik
din sa'yo ang pinapakita mong kabaitan sa iyong kapwa.'

 SAWIKAIN:

“Abot-Tanaw”
- malapit ng makuha o malapit ng makamit, naaabot ng tingin
“Agaw-Dilim”
- Malapit ng gumabi, malapit ng dumilim o dapit hapon.
“Alilang-Kanin”
- Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

 KASABIHAN

“Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot”


- ito ay nangangahulugang kapag ikaw ay nakakaranas ng mga dagok, hamon, problema o pagsubok sa
ating buhay ay matuto tayong lumaban ngunit naayos sa ating kakayahan.
“Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli”
- ang isang taong nagtataglay ng mabuting pag-uugali o magandang asal maayos at masaganang buhay
ang kapalit. Ang isang taong may mabuting asal tiyak na magiging payapa at maayos ang kanyang
pamumuhay.
“Kung may tiyaga, may nilaga”
- Kapag matiyaga ka at masipag, paniguradong may magandang bunga ito.

You might also like