You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 3

SUMMATIVE TEST No. 3


Modules 5-6
3rd QUARTER

Pangalan: _______________________________________ Iskor: _______

I. Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong.

______1. Alin sa mga sumusunod na pagdiriwang ang ginaganap tuwing Mayo sa lalawigan ng Bulacan,
kung saan ang kalalakihan, kababaihan at kabataan ay nagsusuot ng tradisyonal na kasuotan upang sumayaw
sa kalsada at sinusundan ng mga wangis ng kanilang mga pinipintakasing santo?
a. Sinukwan Festival
b. Pagibang Damara Festival
c. Taong Putik Festival
d. Sayaw sa Obando
______2. Tuwing ikalabing-apat hanggang ikalabinlima ng Mayo ay ipinagdiriwang ang Kapistahan ng
Kalabaw sa Pulilan, Bulacan. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagdaraos nito?
a. Upang itampok ang mga kalabaw bilang mga bida sa pagdiriwang.
b. Sagisag ito ng kasipagan ng mga Bulakenyo.
c. Ito ay parangal at pasasalamat sa Patron San Isidro Labrador para sa masaganang ani.
d. Lahat ng nabanggit
______3. Alin sa mga sumusunod ang ipinagdiriwang sa lalawigan ng Nueva Ecija na dinarayo ng mga
deboto ni San Juan Bautista?
a. Taong Putik Festival
b. Pagibang Damara Festival
c. Sinukwan Festival
d. Duman Festival
______4. Kilala ang mga Kapampangan sa galing sa pagluluto. Saang bayan sa Pampanga ipinagdiriwang
ang Duman Festival?
a. Sta Rita
b. Lubao
c. Arayat
d. Macabebe
______5. Isa sa mga kaugalian ng Rehiyon III ay ang pagpunta sa lamay kapag may namatay, ito ay
nagpapakita ng:
a. Pakikiramay sa kapwa
b. Pagsisikap
c. Pagtitiyaga
d. Pagmamahal

______6. Ano ang pinagmulan ng salitang Tagalog?


A. Taga-baryo C. Taga-ilog
B. Taga-bundok D. Taga-lungsod

______7. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga Dumagat?


A. Aeta C. Malay
B. Kankana-ey D. Zambaleño

______8. Alin sa sumusunod na dahilan ang tama ayon sa pagkakaroon ng mga Tagalog ng mataas na antas
sa paglinang?
A. Ang mga Tagalog ay halos nag-aaral sa ibang bansa.
B. Ang mga Tagalog ay may malalaking paaralan at maraming tao.
C. Ang mga Tagalog ay halos nasa kabihasnan at nasa sentro ng komersiyo.
File created by DepEd Click.
D. Ang mga Tagalog ay natural na mahusay simula pa noong kapanganakan.

______9. Ang sumusunod ay maaaring gawin ng ating pamahalaan upang mapaunlad ang edukasyon at
pamumuhay ng mga Dumagat, maliban sa
A. Bigyan sila ng maraming pana at sibat gamit sa pangangaso.
B. Magtayo sa lugar nila ng mga paaralan at turuan ang mga bata.
C. Turuan ang mga kalalakihan ng paraan ng pagsasaka at ibang paraan ng pamumuhay
D. Turuan ang mga kababaihan tungkol sa tamang pag-aalaga sa kanilang pamilya.

______10. Ano ang maaari mong magawa bilang mag-aaral upang maipagmalaki ang sariling pangkat?
I. Mag-aral nang mabuti para sa sariling kinabukasan.
II. Sabihin sa ibang pangkat ng tao na mas magaling ka.
III. Makilahok sa mga gawaing nagpapaunlad ng pamayanan.
IV. Pumunta sa ibang lalawigan at doon manirahan.
A. I at II C. III at IV
B. II at IV D. I at III

II. Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung
ang pahayag ay nagpapakita ng tamang gawain. Lagyan naman ng ekis ( x ) kung hindi.

____11. Sasali sa pangangampanya na makalikum ng pondo para sa kapakanan ng mga katutubong


pangkat ng lalawigan.

____12. Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga katutubong pangkat.

____13. Pagtawanan ang mga Mangyan dahil sa mga suot nitong katutubong damit.

____14. Pabayaan lang ang kaklaseng Aeta na hindi naghuhugas ng kamay bago kumain.

____15. Magsasabi sa mga kaklase na iiwasan nya ang mga batang Mangyan dahil hindi naliligo
ang mga ito.

KEY:

1. D
2. D
3. A
4. A
5. A
6. C
7. A
8. C
9. A
10. D
11. /
12. /
13. /
14. /
File created by DepEd Click.
15. /

File created by DepEd Click.

You might also like