You are on page 1of 10

SUMMATIVE TEST IN ESP 1

NAME:___________________________________
Panuto: Gumuhit ng masayang mukha kung TAMA ang isinasaad na
pahayag sa bawat pangungusap at malungkot naman kung MALI.

_________ 1. Nagpaputok ng labentador si Clarence sa labas ng bahay nila kahit


maysakit ang kanyang tatay.

_________ 2. Huwag manigaw ng mga kasambahay.

_________ 3. Inaalalayan ng dasal ni Aling Beth ang maysakit na kasapi ng pamilya.

_________ 4. Nagnakaw si Ana ng biscuit sa tindahan ni aling Beth para ibigay sa


kapatid na may sakit.

_________ 5. Pagbibigay ng kard ng pagbati sa kaarawan ng tatay.

Gumuhit sa loob ng kahon ng 5 bagay o pagkain na maaaring ibigay sa pamilya


may sakit Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito.

Anu-ano ang mga kilos o gawain na nagpapakita ng pagmamahal at


pagmamalasakit sa mga kasapi ng ating pamilya. Hanapin mo ang mga ito at bilugan.
A O P A G L A L N K U N G
S L E P A G T A T A N S A
P A G A A L A L A Y U U S
S P A G P A P A K A I N T
A L K B D I L I G A N T U
K A A I O G U H I T A U S
L K P B N A G B A S A K I
W A O I U B U G H A W I N
A S S G S I G A W A N N E
L A P A G K U K W E N T O
I N A Y A D A M U T A N R
S E D I P A L U I N A T D

SUMMATIVE TEST ESP 2


NAME:______________________________________________
Lagyan ng tsek (/) ang larawang nakatutulong sa pagpapalakas at pagpapatibay ng
katawan at malinis na kapaligiran ekis (x) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno o sagutang papel
1. Pumipitas ng halaman.
2. Nagdidilig ng mga halaman.
3. Nag-eehersisyo pagkagising sa umaga.
4. Tinatanghali ng gising.
5. Nagtatapon ng basura sa kapitbahay.
6. Pinupulot ang mga basura na nakakalat sa bakuran.
7. Nanonood ng telebisyon magdamag.
8. Tumatakbo upang pagpawisan ang katawan.
9. Nagtatanim ng mga puno at halaman.
10. Nagpuputol ng mga puno at halaman.
Tukuyin ang wastong gamit ng bawat kagamitan. Isulat sa patlang ang titik ng iyong
sagot. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
____ 1. Walis tambo a. pamunas sa mga kagamitan

____ 2. Basahan b. lalagyan/ tapunan ng mga kalat

____ 3. Basurahan c. panlinis ng pinggan

____ 4. Pang-urong/ d. panlinis ng alikabok


Dishwashing Liquid/ at iba pang kalat sa
Sabon loob ng tahanan

____ 5. Walis tingting e. panlinis ng mga tuyong dahon at iba pang kalat sa
bakuran
Lagyan ng Tama ang patlang bago ang bilang kung tama ang pahayag at Mali kung mali
ito. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

_____1. Magkalat sa loob ng tahanan.


_____2. Tumulong kay nanay sa pagluluto ng pagkain.
_____3. Huwag gagawa sa tahanan kung hindi naman inuutusan.
_____4. Magdabog kapag pinaglilinis ng tahanan.
_____5. Makipagtulungan sa pamilya sa paglilinis upang maging malinis at maayos ang
tahanan.
SUMMATIVE TEST IN ESP 3
NAME:________________________________________________________

Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang “sasali ako” kung sa pag-unawa mo ay dapat
kang sasali at “bubukod ako” kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
__________ 1. Nagbalak ang mga kaibigan mo na nakawin ang mga bunga ng mangga sa
inyong kapitbahay.
__________ 2. Nagyaya ang tatay mo na pupunta kayong mag-anak sa bukid upang
anihin ang mga pananim na gulay.
__________ 3. Nakapulot kayo ng kapatid mo ng pera at mungkahi niya na isauli ito sa
may-ari.
__________ 4. Sinabihan ka ng kaklase mo na lilinisin ninyo ang inyong silid-aralan
bago kayo uuwi.
__________ 5. Niyaya ka ng kapatid mong maglaro ng online game at ubusin ang perang
bigay ng mga magulang ninyo.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong papel.

1. Ang batang malusog ay _____________________.


A. sakitin
B. may aktibong katawan
C. magaspang na balat
D. madaling mapagod

2. Ang pagkain ng masustansiyang gulay at prutas at pag-inom ng gatas ay nakatutulong


sa ating ______________.
a. kaisipan
b. kapitbahay
c. katamaran
d. katamlayan

3. Ang pagsisimba tuwing linggo ay nakatutulong sa ating _______________.


a. pag-inom
b. paglalaro
c. paniniwala
d. pagpapasya

4. Gaano kadalas maligo ang isang tao?


a. Bihira
b. Araw-araw
c. Hindi naliligo
d. Tuwing ikalawang araw

5. Ang pagtulog sa tamang oras ay nakakatutulong sa ating ___________.


a. kalikasan
b. kaliksihan
c. katamlayan
d. katawan

C. Sumulat ng limang gawaing nagawa mo na sa inyong tahanan na nagpapakita ng


katapatan at pagkamatiyaga.

SUMMATIVE TEST IN ESP 4


NAME:________________________________________________________

Sa iyong pagsasaliksik online, gumagamit ka ng internet. Sa napag-aralan mo sa naunang


modyul, ano-ano ang dapat mong tandaan sa paggamit nito? Lagyan mo ng tsek (√) ang
mga ito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. ____Kailangang maging mapanuri sa mga binabasa o pinupuntahang sites dahil


marami ring sites na nagbibigay ng kalaswaan at karahasan.

2. ____Huwag hayaan ang sarili na abusuhin ang teknolohiya.

3. ____Nakapagdudulot ng mga masamang epekto kapag ginamit ang teknolohiya sa


maling paraan.
4. ____Gumagamit ng telebisyon at internet na may gabay ng mga magulang o
nakatatanda.

5. ____Maging mapanuri sa ating mga pinapasok na site o blogsite sa internet.

Lagyan ng tsek (/) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng tamang pamamaraan sa


pagtuklas ng katotohanan at ekis (x) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

___1. Nagbakasyon si Pia sa probinsiya. Kinuwento ng kaniyang Tiyo na maraming


aswang sa lugar nila. Takot na takot si Pia dahil naniwala agad siya dito.

___2. Binigyan si Bing ng kaniyang matalik na kaibigan ng isang sachet ng Wonder


Juice. Sinabihan siya na inumin ito upang tumalino siya. Ikinuwento niya sa kaniyang ina
ang tungkol
dito. Nagsaliksik siya subalit wala siyang makitang impormasyon tungkol dito. Kaya
naman, itinapon niya nalamang ito.

___3. Sinasabihan ka ng iyong kapitbahay na suspended ang pasok buong linggo dahil sa
paparating na bagyo. Sumangguni ka muna sa iyong guro kung ito ay totoo. Ang sabi
niya, Huwebes at Biyernes lamang ang walang pasok.

___4. May naglalako ng alahas sa lugar ninyo. Ang sabi ng tindera, tunay na ginto ang
kaniyang ibinibenta kaya may kamahalan ito. Nawili ang nanay mo kaya bumili siya
kahit sinabihan
mong huwag agad maniwala dito.

___5. Ikinuwento ng kaibigan ni Dan sa kaniya na magnanakaw ang tatay ng isa nilang
kamag-aral. Kaya naman, hindi niya ito
pinapansin.

C. Ano ang kabutihang maidudulot kung isasagawa ang mapanuring pag-iisip sa tamang
pamamaraan o pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan? Sumulat ng 5 pangungusap
SUMMATIVE TEST IN ESP 5
NAME:________________________________________________________

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang Oo kung handa kang magpahayag ng
katotohanan kahit na may nakaambang panganib para sa iyo at Hindi kung ayaw mong
ipagtapat ito.
1. Kasali ka sa Top Ten sa inyong klase. Gusto mong magtapat sa iyong guro na ang ulat
na iyong ibinigay sa kaniya ay kinopya mo lamang sa internet.
2. Ipagtapat sa iyong mga magulang ang rason kung bakit ipinatawag ka ng punong guro
dahil sa pandaraya sa pagsusulit.
3. Nakita mo ang iyong kaibigan na hindi sinasadyang nabasag ang plorera ng
inyongguro.
4. Nakita mo nang sadyang itinulak ng matalik mong kaibigan ang isa ninyong kamag-
aral kaya ito natumba sa pasilyo.
5. Nakita mong nangongopya sa pagsusulit ang iyong katabi.
6. Itago ang cellphone na naiwan ng kaklase mo sa upuan.
7. Isumbong sa magulang ang kapatid mong naninigarilyo sa kanto.
8. Ibigay sa guro ang napulot mong pera sa loob ng klasrum.
9. Kunin ang bolpen ng iyong kamag-aral ng hindi nagpapaalam.
10. Ilihim sa iyong mga magulang na hindi ka pumasa sa pagsusulit.
Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang TAMA o MALI batay sa iyong sagot sa
sumusunod na sitwasyon.
1. Pinakikinggan mo ba ang payo ng iyong mga magulang na mag-aral nang mabuti at
huwag lumiban sa klase?
2. Ipinipilit mo ba ang iyong gusto kahit alam mong hindi kayang bilhin ng magulang
mo?
3. Malugod mo bang tinatanggap ang isang pasya para sa kabutihan ng lahat nang may
katatagan ng loob?
4. Pinakikinggan mo ba ang puna o payo ng mga nakatatanda nang may katatagan ng
loob?
5. Nagrereklamo ka ba kung hindi inaaprubahan ng lider ang iyong opinyon?
6. Nakikinig ka ba sa opinyon ng mga kamag-aral mo?
7. Ipinahahayag mo ba nang malumanay ang iyong mga suhestiyon o ideya sa mga
talakayan?
8. Ipinipilit mo ba na tanggapin ng nakararami ang iyong rekomendasyon sa plano
ninyong proyekto?
9. Tinatanggap mo ba nang may katatagan ng loob ang puna ng iba?
10. Nagrereklamo ka ba sa lider matapos magkaroon ng desisyon nakararami?

3RD SUMMATIVE TEST IN ESP 6


NAME:________________________________________________________

Isulat kung ang mga sumusunod na pangungusap ay TAMA o MALI.


1. May pagpupulong ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama
sa Clean Up Drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.
2. Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng iyong lider sa pangkat na magdala ng matulis na
bagay para madaling pumutok ang lobo sa inyong laro sa paaralan.
3. Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan.
Isa ka sa napili ng nakararami na maging lider. Labag sa kalooban mo na tinangap ang
iyong pagkalider.
4. May nabasa kang isang pribadong mensahe mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng
masama laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam ano ang pinagmulan nito.
5. Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay nangongopya ng
sagot sa katabi nya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulagbulagan lamang.
6. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na
napagkasunduan, tumanggi ka at nanood ng sine.
7. May usapan kayong dadalo sa pulong ng kampanyang “No to Drugs” sa Barangay
Hall. Hindi ka sumama dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela.
8. Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum.
Nakarating kana roon, subalit sumama ka pa rin.
9. Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-aral siya ng
pamahalaan. Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doctor nagdesisyon siya na
magtatrabaho sa Amerika dahil mas malaki ang suweldo roon.
10. Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi
siyang pinagsasabihan at pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Gusto na lang ni
Luisa na mag-asawa kahit walang trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila.
Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang tsek () kung wasto ang hakbang na ginawa at
ang ekis (x) kung hindi.
1. Si Mang Ernie ay may mga kaibigan. Ilan sa kanila ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ibinibigay niya sa mga ito ang cellphone number at e-mail address niya.
2. Nagkasakit ang siyamnapung taong gulang na lola ni Efren. Tinatanong ng nars ng
hospital ang PhilHealth number ng nanay niya. Ibinibigay niya ito.
3. Nagbakasyon ang buong pamilya sa Baguio. May nakilala kang isang mestiso.
Tinulungan ka niyang maghanap ng bangko na pagkukunan mo ng pera. Ibinigay mo ang
PIN ng ATM mo para mapadali ang pag-withdraw.
4. Gusto mong magkaroon ng bagong gadget. Kumuha ka ng hulugang laptop. Sa
application form isinulat mo ang buong direksiyon ng tirahan mo.
5. Nabasa mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino ang
nakakilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kaniyang
pamilya. Nakita mo ang mukha ng matanda. Pinaalam mo sa kapitbahay mo na ang lola
nila ay nakita sa facebook na matagal na nilang hinahanap.

You might also like