You are on page 1of 23

PSEUDONYM/USERNAME: wordinksoul

BOOK TITLE: Married to the Beast


OUTLINE: Wen Solly and Sandy both loss their mother, they were forced to stay at their father's
house who was into joining dangerous organizations and mafias. It was one of the reason why
their parents decided to separate. Just like her dead mother, Solly wasn't in favor with his
father's obsession in joining those groups.
She was a loving and protective sister to Sandy despite of their differences. Her sister was the
darling of the crowd and most popular, while she was the outcast and most ignored. But she
loved her sister that she never labeled her as a competitor and never get jealous of her
privileges. She even promised to herself that she will do everything just to protect Sandy at all
cost. And when the moment she found out that her father was forcing Sandy to marry an
unknown man, Solly got furious and wanted to help her sister escape from the horrendous
agreement.
She became more disperate to rescue her sister when she witnessed her sister almost
commited suicide. She had no choice, but to do the last option that was in her mind... to took
Sandy's position and became “The Masked Guy Varzen”s bride.
Solly thought agreeing to marry Raddix would finally fix everything. That she and her sister
could escape from their father's never ending misfortune. But the moment she step in from the
mansion, meet the people behind the organization, and became Raddix's wife... the urge to
escape from the chain of uncertainty slowly turns into urge to search for her true identity.

CHAPTER 1
SOL POV
"ANO BA, SANDY! Bumaba ka riyan!" malakas kong sigaw kay Sandy. Hindi naman ako nito
pinansin at patuloy lang siya sa pag-e-emote. May hawak-hawak pa itong alak sa magkabilang
kamay. Ano ba 'tong nangyayari sa kapatid ko, Bakit ba parang napaka-problemado naman niya
ngayon?
"S-Sol, pababain mo na ang kapatid mo, baka m-mamaya mahulog pa iyan," nanginginig na utos
sa akin ni Manang Rosel. Ramdam ko pa nga ang malamig nitong kamay sa mga braso ko.
"A-Ano po bang nangyari? Bakit nagkakaganito iyang si Sandy?" pagtatanong ko.
Kagagaling ko lang kasi sa school. Nagulat na nga lang ako ng umuwi ako sa bahay na
nagkakagulo. Natagpuan ko na lang si Manang Rosel dito sa may rooftop. Ngunit nakakapagtaka
ni anino ni papa ay wala rito.
Muling bumalik ang atensyon ko sa kapatid ko. Kanina pa ako nanginginig sa takot. Hindi ko
alam ang gagawin! Nalilito na ako! Sinubukan kong lumapit kay Sandy kahit puro pagtataboy
lang ang ginagawa nito sa'kin.
"S-Sandy..."
"Don't go near, Solly! Hayaan mo na ako rito! I need to calm myself!" humihikbing usal nito
sa'kin. Nasasaktan ako, ayoko siyang nakikitang ganito. Ano bang pwede kong gawin para
kumalma soya kahit papaano?
Napabuga na lamang ako ng hangin. "A-Ano ba kasing nangyayari? Tell me."
Lumagok lang ito ng alak at galit na napatingin sa mga ulap. "Why does it have to be me?!
Nakakainis! Hindi ba pwedeng iba na lang?!" bulyaw nito at nagpapadyak pa sa labis na inis.
Agad ko naman siyang inalalayan ng muntik na itong ma-out-of balance."Ano ba, Sandy!
Bumaba ka na riyan! Baka mahulog ka pa," saway ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin at bahagyang itinulak. "Pwede ba huwag kang epal diyan? Tsk,
palibhasa kasi favorite ka ni dad kaya hindi ikaw 'tong nagsa-suffer ngayon e! Bwesit!"
"H-Hindi kita maintindihan. Ano bang ginawa ni dad sa'yo?"
"Ginawa ni dad?" tanong nito at napangiti nang mapakla. "Ipapakasal lang naman niya ako sa
lalaking hindi ko kilala!"
Ha? I-Ipapakasal?
"K-Kanino?"
Mas lalong sumama ang mukha nito.
"Argh! Kay Mr. Varzen!"
Mr.Varzen?
"Kailan sinabi sa'yo ni papa? Kailan kayo nagkausap tungkol diyan?" pagtatanong ko ulit.
Ginulo naman ni Sandy ang buhok niya at pinagbabasag ang mga hawak na bote. "I really hate
dad! I really hate him! Alam naman niyang ayoko sa bwesit na arrange marriage na 'yan e! Bakit
kasi ako pa?! Bakit ako?! Wala ba akong karapatang magmahal ng lalaking gusto ko?! Ayoko kay
Mr. Varzen! Ayokong ikasal sa halimaw na 'yon! Ayoko!"
"S-Sandy... kalma."
"Kalma?! Seryoso ka?! Sinasabi mo lang 'yan kasi wala ka sa posisyon ko!"
Sino ba si Mr.Varzen? Hindi ko pa kailanma'y naririnig kay papa ang tungkol sa kaniya.
"S-Sandy, pwede naman nating pakiusapan si papa."
"Tanga ka ba, Sol?! Kilala mo si dad 'di ba? Kapag sinabi niya ang isang bagay, hindi na niya
babawiin 'yon!"
Napalunok ako ng laway. Lumapit ako kay Sandy saka siya niyakap nang mahigpit. Unti-unti
naman itong bumaba saka humagulgol sa balikat ko. "I-I don't want to get m-married, Sol. I
really d-don't want to."
Me and Sandy aren't in good terms sometimes. Kahit na magkapatid kami ay napakalayo ng
ugali namin sa isa't-isa. Sandy is pretty and famous. Kabaligtaran naman ako, plain and
introverted.
"A-Ano bang pwede kong gawin, Sandy? Tutulungan kita," alok ko at marahang hinaplos ang
balikat niya. Nagbabakasakaling sa paraang iyon, ay mapakalma ko siya.
Maya't-maya'y agad itong kumalas sa pagkakayakap. Tila umaliwalas bigla ang mukha nito.
"Really? Do you want to help me?"
"Ah... ahm... oo?"
Nagpalinga-linga naman siya. Ilang sandali pa ay lumitaw ang malapad nitong ngiti. Ang bilis
naman magbago ang mood niya.
"You're such a kind girl, Solly," aniya at nilapit ang bibig sa tenga ko. "Then, why don't we
substitute?"
"S-Substitute?" Anong ibig niyamg sabihin?
"Gusto mo akong tulungan 'di ba?"
"P-Pero---"
"Ayaw mo ba? So, gusto mo talaga akong tumalon at mamatay ngayon? Ok, madali naman
akong kausap----"
"Sandy!"
"What? Payag ka o aayaw ka?"
"Pero si p-papa." Baka magalit si papa sa pinaplano niya!
"Favorite ka niya 'di ba? Kumbinsihin mo siya na ikaw na lang ang magpapakasal at willing kang
makipagpalit sa'kin."
Napalunok ako ng laway. Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng palda ko.
"Sandy... mali 'to."
"Then, tatalon na ako bye---"
"Sandy!"
"What?"
"P-Payag na ako."
Ngumiti naman siya nang malapad.
"Yes, Sol. Marry Mr.Varzen, the beast who wears a mask."
**
NAKATUNGO ako habang nasa harapan ni papa. Mas lalo akong nakaramdam ng panginginig ng
katawan dahil sa takot ng maramdaman ang seryoso niyang presensya.
"Nahihibang ka na ba, Solly? Nilason na naman ba ng kambal mo iyang utak mo at ikaw 'tong
humaharap sa responsabilidad na siya naman dapat ang gumagawa?!" kalmado ngunit ramdam
ang awtoridad sa boses nito.
Ilang beses akong napalunok ng laway bago magsalita."P-Papa, buo na po ang desisyon ko. Ako
na lang po ang magpapakasal kay Mr.Varzen---"
"No!" sigaw niya na napatayo pa mula sa pagkakaupo. "Walang magpapabago sa desisyon ko!"
"P-Papa...."
"No, si Sandy ang ipapakasal ko kay Mr.Varzen. And that's final."
Dali-dali akong lumapit kay papa at hinawakan ang kamay niya."Pa, kapag hinayaan nating
ikasal si Sandy sa Mr.Varzen na iyon b-baka kung nong gawin niya sa... sa sarili niya. Noong
nakaraang gabi, m-muntik ng tumalon si Sandy sa rooftop! Ayokong may mangyaring masama
sa kapatid ko! B-Baka mamaya, maisipan naman niyang gitilan ang leeg niya!"
"Please cooperate with me. Sol, I'm doing this to give your sister a lesson!"
"Lesson of what? Marrying a man you doesn't know? You don't even love?" inis kong usal kay
papa na ikinasama ng mukha nito.
"You'll never understand it now. But someday you will."
"Hindi ko kayo maintindihan, papa." Binitawan ko ang kamay niya. "Bakit ba kailangan niyong
bigyan ng ganitong problema si Sandy? Hindi ba kayo nakokonsensya?"
"No, of course not. Pero nangako ako sa mama niyo na gagawin ko ang lahat para ma-
protektahan kayo. And doing this thing, is the only way to sealed your safety."
Kumunot ang noo ko. Protektahan? Para saan?
"I beg you, papa. Please huwag niyo ng ituloy 'to," pagmamakaawa ko. Kulang na lang ay
magluluhod ako sa harap niya. "Why do Sandy have to marry the guy she doesn't know? For
safety? Anong klaseng dahilan ba 'yan?"
"No, this is for you and Sandy---"
"No, it's for your own good, dad."
Sabay kaming napatingin ni dad kay Sandy. Kabababa pa lang nito mula sa itaas. Walang
emosyong nagpabalik-balik ang tingin nito sa'min ni dad.
"S-Sandy..."
"Stop fooling us! Malamang ay may malaking balik na pera sa'yo kapag isa sa amin ang
nagpakasal sa mga kaibigan mong bilyonaryo!" mapakla nitong sabi at buong tapang na
nilabanan ang nakakatakot na tingin ni papa.
"Stop making stories, Sandy. Alam ko na alam mo na kung bakit ko 'to ginagawa."
Napairap na lamang ang kapatid ko.
"Yeah, it's for the black swan thingy shit."
Black swan? Ano 'yon? Isa na naman ba 'yon sa mga grupong sinalihan ni papa? Hindi ba siya
nakukuntento at talagang gusto niya pa kaming idamay ni Sandy sa kahibangan niya?!
"And you have to marry Mr.Varzen," maawatoridad na wika ni dad. Tila isa na iyong pinal na
desisyon base sa ekspresyon ni dad.
"No, dad. Sol will." Napatingin naman sa akin ang kapatid ko. "Right?"
Ayoko ng ganito. Gaya ni Sandy ay ayoko rin magpakasal! Hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko
na magkaroon ng boyfriend ang magpakasal pa kaya?! Pero ayoko namang maging makasarili.
Ayoko namang mapahamak ang kapatid ko. Kayang kong lunukin lahat pride ko para lang sa
ikabubuti ni Sandy.
Napilitan naman akong tumango. Nagpabalik-balik ang tingin ni papa sa amin ni Sandy.
Napahilot ito sa sintido, kakikitaan ng pagkadismaya ang mukha nito.
"You two... this is not what I expected. Sol, you don't have to do this." Nagmamakaawa ang mga
mata ni dad habang nakatingin sa akin.
Bakit kasi hindi pwedeng ako? Anong meron sa'kin?
"Pero buo na ang desisyon niya! Hindi niyo ba narinig?" bulyaw ng kapatid ko. "Sol wants to
took my position dad!Nagkukusang-loob na nga iyong tao, tumatanggi pa kayo! Huwag niyo
ngang ipagduldulan sa'kin ang lalaking iyon!"
"You ruin the plan, Sandy! You stubborn!" galit na sigaw ni dad. Akma sanang susugurin ni papa
ang kapatid ko ng agad kong nahawakan ang mga braso niya.
"P-Papa, enough---"
"Sol, is out of this shit!" muling sigaw niya na mas lalong nagpaliyab sa galit ng kapatid ko.
"You're being unfair again, dad! I really hate you! Tss!" asik ni Sandy at galit na lumabas ng
bahay.
"Y-You punk---argh!" Agad kong inalalayan ni dad ng makitang muntik na itong matumba.
"Manang Rosel..."
Agad na inabot ni Manang Rosel ang gamot ni dad. Pinaupo ko naman siya sa sofa at pinakalma.
Hindi ko maiwasang malungkot sa mga nangyayari. Ang akala ko ang pagkamatay ni mama ang
pinakamasakit na nangyari sa buhay ko... hindi pala. Dahil unti-unting nadudurog ang puso ko
sa tuwing iisipin na hindi na muling maibabalik iyong magandang relasyon namin ng kapatid ko
kay papa. Siya rin kasi mismo ang gumagawa ng paraan para kamuhian namin siya. He was self-
centered and manipulative. Mama is right. Papa's obsession on joining those organizations
ruined everything... including our family.
Kaya hindi na ako magugulat kung pati kami ay ipagpalit niya sa mga organisasyon na 'yan.
Nagawa niya ngang iwan si mama alang-alang sa mataas na position ng isang grupong
sinasamba niya.
"S-Sol?"
Agad kong tinapunan ng tingin si papa ng banggitin nito ang pangalan ko. Mabuti na lang at
bahagya na itong kumalma.
"Bakit, papa?"
"A-Are you sure?"
Gusto kong maiyak sa totoo lang. Pa, ayoko naman talagang gawin 'to e. Pero mahal ko si
Sandy, ayokong mapahamak ang kapatid ko. Knowing her? Hindi iyon mag-aatubiling saktan
ang sarili niya.
This is the only way to protect Sandy from his agreement with those monsters.
"Oo, papa."
"Ha..." Napabuntong hininga ito. "He might kill you if founds out that you're not Sandy."
Tinatakot niya ba ako para umatras ako?
"H-Hindi kita maintindihan, papa."
"Marami ka pang hindi alam tungkol sa mga bagay-bagay. Agreeing to marry that guy would
surely open the chest of secrets you might not want to know." Tiningnan niya ako ng mariin sa
mata. "You and Lord Raddix are complete opposite. That you two might end up killing each
other."

CHAPTER 2
SOL POV
DAHIL sa mangyari nitong nakaraang araw ay hindi ako nakapag-pokus sa mga gawain ko sa
school. Laging lutang ang isip ko at hindi makagconcentrate nang maayos sa pakikinig sa mga
lecture. Wala rin ako sa mood gusto ko lang ay matulog. Okupadong-okupado ako sa mga
desisyong pinagagagawa ko nitong nakaraang araw... isa naroon ang pagpayag na pumalit kay
Sandy.
"Hey, you ok?"
Nanatiling nakasalampak ang mukha ko sa table at hindi pinansin ang nagsalita.
"Puyat ka na naman. Sino ba kasi iyang ka-late night talk mo?"
Anong ka-late night talk? Wala nga akong ka-chat. Ibinangon ko naman ang katawan ko at
walang ganang tiningnan si Luke.
"Ano ba kasing sadya mo? Ini-isturbo mo tulog ko," wika ko.
Ngumiti naman ito at nilapag sa harap ko ang isang plastic bag na puno ng pagkain. "Sabi kasi sa
akin ni Rain na may sakit ka raw, kaya dinalhan kita ng mga prutas at energy drinks," masiglang
anito. Ilang sandali pa ay hinipo nito ang noo ko. "Hindi ka naman mainit ah? Uminom ka na ba
ng gamot mo?"
Ramdam ko agad ang masasamang tingin sa akin ng mga babaeng kaklase ko. Malamang ay
nagseselos na naman ang mga ito dahil sa pinaggagawa ni Luke sa akin. Famous kasi ang loko
lalo na sa mga babae.
"Ayos lang ako," wika ko at inalis ang kamay niya. "Wala akong sakit. Wala lang talaga ako sa
mood. Pero salamat rito."
"No problem! Basta ikaw," aniya at kumindat pa. "Kain ka muna ng orange. Teka, balatan kita."
Aalma na sana ako pero mabilis ang kamay nitong nagbalat ng orange at ibinigay sa akin. "S-
Salamat," tanging nasabi ko na lang.
Hndi ko naman malunok nang maayos ang kinakain ko dahil sa pagtitig ni Luke sa akin. Itong
lalaking 'to talaga napaka-wierdo minsan. "Huwag mo akong tingnan ng ganiyan. Hindi ako
mabubusog."
"Ang cute mo kasi, Sol."
Meh. Nambola pa. Saang kasulok-sulukan naman ng utak niya nahanap ang salitang iyan?
Napabuga na lamang ako ng hangin. "Nasaan nga pala si Rain?" pag-iiba ko ng usapan.
Isinandal naman niya ang likod niya sa upuan. "Ah, si Rain? Nasa theater club, may practice raw
sila. And speaking of practice, pwede ka bang manood ng soccer mamaya?" nagniningning ang
matang alok nito sa akin.
Binuksan ko muna ang isang energy drinks at ininom iyon bago magsalita ulit, "Sige, wala
naman akong ganap mamaya. Mauuna ring umuwi si Sandy kaya pwede akong magpaiwan
muna."
"Iyon oh! The best ka talaga!" masayang sabi niya at ginulo pa ang buhok ko. "Aasahan kita ro'n,
Sol!"
Nginitian ko na lang siya. Sabay naman naming nilantakan ang dala niyang pagkain.
Highschool best friends namin ni Rain itong si Luke. Mabait ito at gentleman. Akala nga namin
bakla e kasi napaka-ilap sa mga babae. Tinatanong nga namin siya ni Rain kung bakit hanggang
ngayon ay wala pa siyang girlfriend, ang sagot naman niya ay 'hinahantay niya lang ang tamang
pagkakataon, liligawan niya raw iyong babae kapag maka-graduate na siya'. Kaya minsan ay
hindi na ako nagugulat kung bakit maraming babae ang naghahabol sa kaniya. Luke is
handsome, kind-hearted, talented.
Mabilis lang natapos ang klase. Hindi naman nagpatawag ng meeting ang leader namin sa
school paper, kaya agad akong bumaba ng building. Yup, journalist ako. News writing and photo
journaling ang forte ko.
Pagkababa ay samu't-saring estudyante ang makikita sa quadrangle. Students from different
departments. Kami ni Rain ay business management. Civil engineering naman si Luke. Liliko na
sana ako para pumunta sa soccer field ng biglang magvibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon sa
backpack ko at tiningnan.
Message. 3 minutes ago pa lang ito. Tiningnan ko iyon dahilan para magsalubong ang mga kilay
ko. Message kasi iyon galing kay papa. Bakit hindi niya lang ako tinawagan?
Dali-dali ko namang binasa ang text nito.
'Sol, Mr.Varzen's butlers will fetch you after school. Kinuha na rin nila ang mga gamit mo sa
bahay. You'll sleep at Mr.Varzen's place tonight. Take care, my princess.'
Teka, ngayon na?! Ba't ang bilis?! Hindi man lang ako in-inform agad?! Napabuga na lamang
ako ng hangin kasabay ang taimtim na pagpikit. Parang gusto ko tuloy umatras. Pero, Sol hindi
na pwede. Pumayag na si papa na ako ang papalit kay Sandy. At ayokong ma-dissappoint ang
kapatid ko sa’kin. Gagawin ko 'to para sa kaniya. At kung ano man ang maging kapalaran ko sa
Mr.Varzen na 'yon, Diyos na ang bahala.
Lumihis ako at tinahak ang daan palabas ng campus.
"I'm sorry Luke kung hindi muna ako makakapanood sa practice mo," bulong ko sa sarili bago
magpatuloy sa paglalakad.
Pagkalabas ay bumungad sa akin ang isang itim na mahahaling kotse. Dalawang
nagtatangkarang lalaki ang lumapit sa akin. Bahagya akong nagulat ng makitang sabay silang
yumuko. Sabay din silang bumati,
"Nice meeting you, My Lady."
**
TAHIMIK ako buong byahe. Naiilang kasi ako tatlong lalaking kasama ko sa loob. Iyong dalawang
lalaking bumati sa akin kanina ay nasa drivers seat. Ang isang lalaki naman na kasamahan nila
ay katabi ko lang.
"You want coffee, my Lady?" alok na naman ng lalaki sa akin. Inalok na nga ako nito kanina ng
tea, cake, salad, fruits at kung ano-ano pa. Lakas maka-refrigerator itong kotse ano? Daming
pagkain.
Napakaluwag ng kotse sa totoo lang. Ngayon nga lang ako nakasakay ng ganito e. May sala pa
sa loob at may tea area. Pwede ka rin matulog kasi may higaan sa gilid. Ang gara naman ng
may-ari nito! Gusto ko tuloy bumili ng ganito in the future hehe.
"Miss Solly Arien Santiago right?" pagtatanong ulit ng lalaking katabi ko. Sa tantya ko nasa 30's
na ito. Pero bagets na bagets ang itsura, pati rin 'yong dalawang lalaki sa drivers seat. Pasok
maging sugar daddy, charot lang.
"O-Opo," sagot ko naman at iniwasan ang tingin ng lalaki. Nakakailang!
"It was supposed to be your twin right?"
Napangiwi na lamang ako, wow englishan. Ma-no-nose bleed ata ako rito e.
"A-Ahm, opo," nahihiya kong sagot na bahagya pang napakamot sa noo.
Tumikhim naman siya. "By the way, I'm Ryonessi Almonte. Head masters butler. Personal
buttler of the Varzen's family," pakilala nito at yumuko. "Nice meeting you, future mother of
the next black swan generation."
Iyan na naman tayo sa black swan e. Ano ba kasi meron diyan? Ganoon ba kalaki ang
makukuhang benefits ni dad dahilan para isali rin niya kami sa mga kahibangan na iyan?
Palihim na lang akong napairap. Sabi ko na nga ba, wala talagang magandang maidudulot ang
mga organi-organisasyon na iyan.
Pansin kong nakatitig lang sa'kin ang lalaki at tila hinihintay amg sunod kong sasabihin. Tipid na
ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya sabay sabing, "Nice meeting you, R-Ryonesasisi."
Napatawa naman ito nang mahina. "It's Ryonessi. Just call me, Ryo, my lady."
Ang hirap naman kasing banggitin ng pangalan niya. Parang tongue twister.
"And rhose two are Maverick and Chad. Driver of the Varzen family. And those two will be your
driver starting tomorrow," pagpapakilala naman niya sa mga kasama. Tinanguan ako ng lalaking
nakasalamin, habang ang isa naman ay sumaludo.
Wait, seryoso?! Kailangan ba talagang may sundo?!
Nabuntong hininga na lamang ako. "Nakakahiya naman sa inyo."
"No, it's an order from the third son."
"Third son? Mr.Varzen?"
"No."
"Ha? Hindi si Mr.Varzen ang ikakasal sa akin?"
Napatawa tuloy silang tatlo sa tanong ko.
Ahm, anong nakakatawa do'n?
"Mr. Varzen is the father of the four young masters of Varzen family. Na-misunderstod ata ng
papa mo, my Lady. You're marrying the third son of Mr. Varzen, not their father."
So, si Mr.Varzen ang tatay ng apat na lalaking anak nito? Tapos iyong ikatlong anak na lalaki ang
ikakasal sa akin? Bakit sabi ni papa si Mr.Varzen daw?!
"And besides Mr.Varzen is already dead."
Muntik na akong masamid sa sariling laway. Pambihira, patay na pala iyong paulit-ulit kong
isinumpa noong nakaraang araw! Kailangan ko talagang makausap si papa ng masinsinan.
"And as written in the agreement, the most fit and capable son of the Varzen family will take
the higher position. Siya ang papalit sa posisyon ng dad niya," pagkukuwento ni Ryo.
Pinagsiklop pa nito ang mga kamay habang seryoso ang tingin sa'kin. "And you'll be his second
half. You'll share the same power and authority."
"Pero si Sandy dapat hindi ako 'di ba?" pagsingit ko. Kapakanan lang naman ng kapatid ko ang
dahilan kung bakit napilitan ako sa kabaliwang 'to.
Uminom naman ng tea si Ryo bago sumagot sa tanong ko."Ikaw ang nandito. At ikaw rin ang
haharap sa responsabilidad na nakaatas sa'yo."
Wala akong maintindihan. Gusto ko na lang tuloy umuwi. Sino ba iyang third son ni Mr.Varzen?
Bakit kailangan kasama pa ako? 'Di kaya gawin lang nila akong alay? O gawing tagalinis ng
banyo?
Natigil ang malalim kong iniisip ng biglang huminto ang kotse. Sunod-sunod rin ang pagputok ng
baril sa itaas.
Napayuko ako.
"A-Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Ryo.
Nakaramdam agad ako ng takot ng makitang humugot ito ng baril galing sa bulsa. Maging si
Maverick at Chad ay may hawak na ring baril.
Shit, ano 'to?
"Tangina, nasundan pa ata tayo, bossing," seryosong sabi ni Chad bago tuluyang lumabas ng
kotse at nakipagbarilan.
"Dito lang kayo, huwag na huwag kayong lalabas," pakiusap sa akin ni Ryo bago ito lumabas ng
kotse at tulungan sina Maverick at Chad na talunin ang mga kung sinong nilalang sa labas.
Gulong-gulo man ay tumango na lang ako. Nagtago rin ako sa likod ng mga upuan. Napapapikit
naman ako sa tuwing nakakarinig ng malalakas na kalabog at putukan ng baril.
"Sol, a-ano ba 'tong pinasok mo?" kausap ko sa sarili. Nagsisisi na tuloy ako, sana no'ng una pa
lang umatras na ako! Argh, ayoko ng ganito!
Sinubukan kong sumilip sa bintana ng kotse. Mula roon ay kitang-kita ko ang pakikipagpatintero
ni Ryo, Maverick, at Chad sa mga lalaking nakaitim. Mas marami ang bilang ng kaaway kaya
nahirapan ang tatlong patumbahin ang mga iyon.
Ilang beses akong napabuga ng hangin. Ano Sol? Magtatago ka na lang ba dito at hindi sila
tutulungan?
Hindi naman sinasadyang nahagip ng paningin ko ang isang baril malapit sa driver seat.
Nakadapa ko iyong nilapitan at kinuha. Dati kaming tinuruang gumamit ng baril ng tatay ni
Luke. PDEA agent kasi ang tatay niya at sa tuwing nag-e-ensayo ay nanonood kami ni Luke,
minsan ay tinuturuan din kami.
Ewan ko lang kung natatandaan ko pa kung paano gumamit at magpaputok nito. Binuksan ko
ang likod ng kotse at doon lumabas. Hindi pa man nakakalapit kela Ryo ng bigla akong
sinalubong ng dalawang nakaitim na lalaki.
"Saan ka pupunta? Tatakas ka?" mala-demonyong tanong ng isa. Akma sana itong susugod ng
agad kong nasipa ang binti niya. Bumulagta ito at namilipit sa sakit.
"Shit! Argh!"
Sumugod din ang lalaking kasama nito. Hinawakan ko ang braso nito saka pina-ikot. Sabay kong
sinipa ang binti at mukha niya.
"Arghhh!" daing nito.
Bagsak pareho ang dalawang lalaki.
"Wala pala kayo e," nakangising sabi ko kasabay ang pagkasa ng baril.
"Bossing!" pagtawag ni Maverick sa akin. Lumapit ito sa akin at itinago niya ako sa likod. "Hindi
na dapat kayo lumabas, delikado rito. Kailangan ka naming maiuwi ng ligtas kundi mananagot
kami," habol hiningang wika nito.
"S-Sino ba ang mga iyan?" pagtatanong ko. Iginala ko naman ang paningin at nakita kong
nagtatago sa likod ng kotse si Chad habang nakikipagbarilan. Nakikipagbuno naman si Ryo sa
apat na lalaki.
"Mga kaaway sila, bossing. Malamang ay nabalitaan na nila ang tungkol sa'yo," sagot naman
nito. Akma sanang lalapit ang tatlong lalaki sa amin ng agad niya itong napaputukan. "Ngayon
pa talaga kayo nagpasikat! Mga tarantado!" bulyaw pa nito sa mga kaaway.
Nahuli ng paningin ko ang pagpuslit ng dalawang lalaki. Akma sana nilang babarilin sa likod si
Maverick ng agad kong itinutok ang baril na hawak at sabay silang pinaputukan.
Umalingawngaw ang putok ng baril ko. Bumulagta ang mga kaaway sa daan.
Napapikit ako.
Did I just shoot those guys without shaking?
"Bossing...."
"Boss...."
"My Lady...."
Sabay-sabay na pagtawag nina Maverick, Chad, at Ryo sa akin. Lumapit silang tatlo at sinuri ang
kabuuan ko.
"A-Ayos lang ako," pagsisigurado ko sa kanila. Umayos ako ng tindig at hinirap ang tatlo na
hingal na hingal.
"Paano nila nalaman ang location natin? Naka-off iyong system 'di ba?" kunot-noong tanong ni
Chad habang nagre-reload ng bala.
"Na-hack ata ng mga loko," inis na usal naman ni Ryo na itinago ang baril sa bulsa. "Bumalik na
tayo, magtataka na ang pinuno kapag magtagal pa tayo rito."
Akma sana kaming babalik sa loob ng kotse ng biglang sabay-sabay na natumba at napada sina
Ryo, Maverick, at Chad sa malamig na semento. Anong nangyayari?
"Tangina, naghakot pa ata ng mga kasama ang mga gago!" tiim bagang na sabi ni Maverick
habang nakatingin sa paparating na mga lalaki.
Nanginginig ang tuhod akong napaatras. May back up pa pala?! Ang dami nila. Hindi naman
kakayanin patumbahin silang lahat!
"Boss, tumakbo na kayo. Kami na bahala rito," bulong sa akin ni Chad.
Umiling ako. "No, hindi ko kayo iiwan rito!" Hindi ako hibang para iwan lang sila rito pagkatapos
ng ginawa nilang pagtatanggol sa akin kanina.
Ilang sandali pa ay may lumapit na tatlong lalaki kayla Ryo, Maverick, at Chad at sabay-sabay
silang pinagsisipa sa mukha. Puro daing ang maririnig sa bibig ng tatlo.
Hindi ko matiis ang mga nasasaksihan ko, kahit alam kong walang mangyayari ay nagpumilit
akong patigilin ang mga lalaki sa pagpapahirap sa tatlo. "Tumigil na kayo!" sigaw ko. Hindi ko na
alam ang gagawin ko, na bla-blanko ako!
Tila nadagdagan ang kabang nararamdaman ko ng kinaladkad ako bigla ng dalawang lalaki
papunta sa harapan ng matangkad at ma-bruskong lalaking may hikaw sa labi.
"Bitawan niyo ako!" pagpupumilit kong makalis sa pagkakahawak sa kanila. Akma sana akong
lalapitan ng lalaking may hikaw sa bibig ng agad kong itinitok sa kaniya ang hawak na baril. "S-
Sige, subukan mong lumapit! B-Babarilin kita!"
Ngumisi lang ito imbes na masindak sa banta ko. Sa isang kisap-mata naglaho sa kamay ko ang
baril. Hawak na iyon ng lalaki.
"P-Paanong?" Bakit ang bilis ng galaw niya? Iyong baril, naglaho na parang bula sa kamay ko!
"Hey there, little bunny," aniya at sinuri ang kabuuan ko. "Hmm, what a cutie face you got
there. Lord Erden must be lucky to have a wife like you." Nanigas ako sa kinatatayuan ng
maramdaman ang malamig niyang kamay sa mukha ko. "Sadly, you can no longer meet him.
Because I will kill you right here. Right now."
"D-Don't you dare, Taurus!" sigaw ni Ryo habang nakasalampak pa rin ang katawan sa semento.
Sinipatan lang siya ng tingin ng lalaki at muling ibinalik ang atensyon sa akin. Hinaplos muli nito
ang pisnge ko. "Hmm, let see if Lord Raddix will come here to save you? Can that bastard save
his wife?"
"I DON'T need saving," buong tapang kong usal saka ang marahas na pagtanggal sa kamay ng
lalaking tinatawag na Taurus. "Hindi ko kailangan ng taong ipagtatanggol ako. I can save
myself."
Sumilay ang mapilyong ngiti ng lalaki. "What a tough girl huh? My type."
Napangiwi na lang ako dahil sa sinabi nito. Type mong mukha mo!
"Gawin mo na kung anong gusto mong gawin sa akin! Huwag mo ng idamay ang tatlong 'yon!"
sabi ko at itinuro sina Ryo, Maverick at Chad na patuloy pa ring pinapahirapan ng mga kaaway.
"So, gusto mo talagang mamatay?" tanong ng lalaki at nilapit pa ang mukha sa akin. Ba't ba 'to
dikit nang dikit sa'kin? Tss.
Nakipaglaban ako ng tingin sa kaniya.
"Hindi ako takot mamatay."
"Woah! Are you really that desperate to end your life today?" hindi makapaniwala nitong
tanong. "Sayang, type pa naman kita. You're such a chic, Solly."
"Mas mabuti ng mamatay kesa pumatol sa'yo!" bulyaw ko sa kaniya. Ngunit natigilan ako saglit
nang mapagtanto ang isang bagay. Teka, paano niya nalaman ang pangalan ko?
Muling bumalik ang atensyon ko sa lalaking nagngangalang Taurus. Tinawanan lang nito nang
mala-demonyo ang mga sinabi ko. Maya't-maya'y nagkasa ito ng baril at itinutok sa mukha ko.
Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko dahilan para panadalian akong mahirapang
huminga. Taimtim na lang akong napapikit. Mamatay na ba ako?
"So you choose death over me? Alam mo  ba kung gaano karami ang nagkakandarapang mga
babae sa'kin? Wrong choice, darling."
"Tangina mo, Taurus! Huwag na huwag kang gagawa ng desisyon na pagsisihan mo!" inis ni
sigaw ni Maverick.
Pinakyuhan lang siya ni Taurus. Muli naman niyang itinutok ang baril sa akin.
"Count one-two-three, baby."
Ok, mamamatay na talaga ako!
Hindi maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko. Gustong-gusto ko lumaban pero hindi ako
makaalis sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay dumikit na ang mga paa ko sa semento.
"One..," pagbibilang ni Taurus na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko.
Sana pala hindi na ako nakipagpalit kay Sandy!
"Two..."
Sol, mag-isip ka! Mag-isip ka ng plano huwag kang tumunganga riyan! Bakit ba kasi wala na sa
akin iyong baril?
"Three..."
Shit.
Kasabay ng pagbanggit niya ng numero ay ang mariing pagpikit ng mata ko, hinayaan ang
balang tumama sa ulo ko. Ngunit nakalipas ang ilang segundo ay wala pa rin akong
nararamdamang hapdi.
A-Anong nangyayari?
Pagkadilat ng mata ko'y nakabulagta na si Taurus pati ang mga kasamahan niya. Ngunit naagaw
ang atensyon ko sa lalaking nasa harap ko. Nakasakay ito sa itim na motorsiklo habang ang
kanang kamay ay may hawak na baril. Sino siya? S-Siya na kaya ang anak ni Mr.Varzen na
tinutukoy ni Ryo kanina?
Nasa likod naman ng lalaki ang bagong dating na tatlong kotse. Nang bumaba ang higit sa
sampung mga tao doon ay agad nilang nilapitan sina Ryo, Maverick, at Chad para gamutin.
Nakahinga ako ng maluwag. Mga kakampi sila.
"Solly, right?"
Automatiko akong napalingon sa lalaki. Unti-unti naman niyang tinanggal ang helmet. Nang
tuluyang matanggal ay hindi ko maiwasang mamangha sa itsura nito. Kung nandito si Rain,
malamang ay nagpapadyak na 'yon sa kilig o baka nagpa-picture pa.
He's handsome and cool. Hindi ko alam kung paano ide-describe features niya. He has a perfect
ratio of physical attributes.
"Do you have wounds?"
Umiling ako.
S-Sino siya? Siya na kaya si---
"No, I'm not Raddix. Besides, he sent me here to protect you," natatawa nitong sabi. Ilang
sandali pa ay inabot nito ang kamay ko saka hinalikan. "I'm Clyden Louigi Varzen, brother of
Lord Raddix and the youngest son of the Varzen Family. Nice meeting you my lady."
CHAPTER 3
LUKE POV
MABILIS lang natapos ang practice. Pinagpahinga muna kami ni coach sa mga benches na
nakapaligid sa soccer field. Ilang oras din kasi kaming babad sa arawan at minsan ay fifteen
minutes lang ang pahinga.
Kada hapon bago umuwi ay kailangan naming mag-ensayo bilang paghahanda sa darating na
soccer tournament. Kailangan naming manalo ngayong taon, tatlong magkakasunod-sunod na
talo kami noong nakaraan e. Kailangang bumawi.
Nagtungo ako sa bench kung saan naroon ang sports bag ko. Kinuha ko naman ang tuwalya ko
saka nagpunas ng pawis. Naupo ako at inunat ang nangangalay na mga binti.
Ahh, nakakapagod.
"Luke omg ang gwapo mo!"
"I love you, Lukeee!"
"Pakasalan mo na ako, baby love! Ahh! I really like you Luke, please love me back!"
Napapailing na lang ako sa sigaw ng mga babae sa paligid. Nginitian at kinawayan ko na lang
sila. I don't want to entertain them in the first place, ayoko rin namang magbigay ng false hope
sa kanila. Wala ni isa sa kanila ang tipo ko.
Iginala ko naman ang paningin ko at nagbabakasakaling makita si Sol. Kanina ko pa siya
hinahanap, pero ni anino nito ay hindi ko mahagilap. Nasaan na kaya 'yon? Akala ko ba
manonood siya? 
"Looking for someone?"
Kunot-noo kong binalingan ang bagong dating.
"Why are you here?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya. Ano na naman kaya ang
kailangan ng babaeng 'to sa'kin?
She just rolled her eyes and give me the bottled water she was holding. "You're always rude to
me, Luke. Kunti na lang iisipin kong crush mo na talaga ako."
Naibuga ko ng wala sa oras ang tubig na nasa bibig ko. "Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan,
Sandy," saway ko sa kaniya at nagpunas ng bibig. "Seryoso, bakit ka nandito? Nasaan nga pala
kapatidl mo?"
"At bakit si Sol ang hinahanap mo, e nandito naman ako?"
"Nasaan na ba si Kyle? Siya dapat ang kasama mo ngayon 'di ba?" pabalik na tanong ko at
muling nilagok ang laman ng mineral water na bigay ni Sandy. Nag-aalangan pa nga akong
tanggapin 'to e. Baka mamaya may love potion pala siyang inilagay dito.
"Ah, si Kyle? Nakipagbreak ako sa kaniya kanina. I just caught him having sex with Mia in the
library. The'yre such a horny dogs, eww."
Ito ang pagkakaiba ni Sandy kay Sol. Sandy may be the darling of the crowd and most famous
compared to her sister. But Sol got the most attitude I really love.
"At bakit mo ako kinakausap?" pagtatanong ko ulit. Knowing her? Hindi naman ako ang mga
tipo niya. Gusto niya ng mga bad boy at mga lalaking maipagmamalaki niya sa mga barkada.
Tss.
"Bakit bawal? Ang arte nito." Lumapit naman siya at isinukbit ang mga kamay sa braso ko.
"Paano kong sabihin kong crush kita?"
Nahihibang na naman ata 'to.
Inalis ko naman ang kamay niya. "Stop playing around, Sandy. "
"Why? What's wrong of having a crush on you?" Oh, you're pestering my life, Sandy.
"Nakainom ka ba?" pag-iiba ko ng usapan.
"Of course not!"
"Tss. Nasaan na ba ang kapatid mo?"
Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Bakit ba hanap ka nang hanap sa kapatid kong wierdo ha? You like her, Luke?"
Shit.
"S-Sandy, pwede ba---"
"Answer me!"
"Iuuwi na kita sa inyo." Akma ko sanang hahatakin pauwi si Sandy nang dumating si Rain,
bestfriend ni Sol.
"Sandy! Luke!" pagtawag ni Rain sa pangalan namin. Nakahinga ako nang maluwag. Tangina,
hindi ko talaga matatagalan ang ugali nitong si Sandy.
Patakbo namang lumapit si Rain. "Hala, bakit nandito pa kayo? Akala ko umuwi na kayo."
"Pauwi na rin kami," sabi ko at dumistansya kay Sandy. "Nakita mo ba si Sol?"
"H-Ha? Bakit? Wala ba rito?" tanong ni Rain at iginala ang paningin. "Di kaya umuwi na?"
No, hindi 'yon uuwi ng mag-isa. Argh, Sol nasaan ka na ba?
"Huwag muna tayong umuwi, punta muna tayo sa mall!" masiglang suhestyon ni Sandy.
Nagawa niya pang magsaya samantalang may posibilidad na nawawala ang kambal niya?
Pambihira.
"Pass," sabi ko na ikinasama ng mukha ni Sandy. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa bahay
kaysa ang makasama ang babaeng 'to.
"Tss, ang killjoy mo!" bulyaw nito at nag-ikot pa ng mata.
"Kayo na lang ni Rain," suhestyon ko na ikinaigtad naman ng kaibigan ni Sol.
"Ayoko, magbabantay pa ako ng mga pamangkin ko 'no," pagtanggi rin nito.
"Tss, e 'di huwag!" inis na bulyaw ni Sandy sa amin. Aalis na sana ito ng bumalik ito at mabilis na
hinalikan ako sa pisnge.
"Shit---"
"Call me later, Luke," aniya at naglakad paalis. Tangina..
"Woy, ano 'yon?! Type ka ata ni Sandy!" takip-bibig na wika ni Rain at hinampas pa ang braso
ko.
"Nababaliw na ang babaeng 'yon," usal ko naman at pinunasan ang dumikit na lipstick sa pisnge
ko. "Isasali pa ata ako sa listahan ng mga lalaki niya."
"Bakit? Maganda naman si Sandy ah? Hmm, pwera na lang kung may iba kang gusto."
Iniwas ko agad ang tingin kay Rain. Para alam ko na kung saan mapupunta ang usapan."A-Ano
bang sinasabi mo?"
"Sus. In denial pa. Halata namang may gusto ko kay---"
"I-I have to go. Mauna ka ng sumakay susunod ako. Kapag makita mo si Sol sabihin mong mag-
ingat siya sa pag-uwi," paalam ko kay Rain at kumaripas ng takbo pumunta sa locker room.
Muntikan na! Shit.
"Totoo ba? Nakita mo raw si Sol na sumakay ng itim na kotse?"
Natigilan ako ng marinig ang pag-uusap ng iilang estudyante sa hallway. Bakit nila pinag-
uusapan si Sol? Dali-dali akong lumapit sa dalawang babaeng nag-uusap. "Excuse me, Ladies.
Did you see Sol?" tanong ko sa kanila.
"Ah, hi Luke! Hmm, yes nakita siya ng kaibigan ko kanina na sumakay sa itim na kotse. Akala nga
namin service nila e, pero naalala namin na wala naman silang gano'ng sasakyan."
Kinain agad ako labis na kaba. Naiyukom ko ng wala sa oras ang mga palad ko.
"Sol..."
**
SOL POV
DAHIL sa nakakatakot na pangyayari kanina ay hindi ko tuloy ma-enjoy ang magarang view ng
mansyon ng mga Varzen.
Nakarating na kami ng ligtas, salamat sa mga tumulong sa'min at sa tulong ng lalaking
nagngangalang Clyden. Ngunit hindi siya sumama sa'min pag-uwi, sabi ni Ryo ay may
pupuntahan daw itong importante. Likas daw na maraming gawain ang magkakapatid na
Varzen.
Maraming mga maids, guards, at butlers ang sumalubong sa akin. Sabay-sabay pa silang
yumuko nang makita ako. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng hiya. Bakit pa kasi
kailangan nilang magbigay galang? 'Di ako sanay.
"This way, my lady," ani Ryo at iginaya ako sa malawak na living room. Napanganga ako sa
sobrang ganda ng lugar! Mala-palasyo ang design! Lahat ng mga bagay na nakikita ko ay
kumikinang at mahahalin!
"Miss Solly Arien Santiago right?" pagtatanong bigla ng bagong dadating na babae, sa tantya ko
nasa 40's pa lang ito, pero aakalain mong dalaga dahil fresh na fresh ang aurahan. Nasa likod
naman niya ang apat na babaeng katulong.
Umayos naman ako ng tayo at nahihiyang ngumiti.
"O-Opo," sagot ko.
"I'm Dorry, head of all maids of this mansion," wika pa nito at yumuko. Gano'n din ang ginawa
ng mga katulong sa likod niya.
"A-Ahm, s-salamat po sa mainit na pagtanggap sa akin," tanging nasabi ko na lang at mahina
pang napakamot sa batok.
Sa totoo lang ay naiilang talaga ako. Bakit ba kasi ang pormal nilang kumilos lahat? Para tuloy
akong naliligaw na sisiw, hindi ako bagay rito.
"I'll assist the young lady to her room. Mav, Chad, and Ryo, you can leave her now," utos ni
Ma'am Dorry na agad namang sinunod ng tatlo.
Nginitian ko muna sila bago sumunod kay Ma'am Dorry, tango at saludo naman ang iginawad
ng tatlo sa akin.
"Follow me," sabi ni Ma'am Dorry at naunang naglakad.
Sinundan ko naman siya, nakasunod din sa likod ko ang apat na indoor guard, at dalawang
babaeng katulong habang bitbit ang mga gamit ko. Ilang palapag pa ang aming inakyat
hanggang sa huminto si Ma'am Dorry sa malawak na pasilyo na may apat na pintuan.
"You see, may apat kwarto rito," pagsisimula niya."The first door in the right is for the eldest
son, Matthias Gil Varzen. He's a famous lawyer at Japan, kaya wala ito rito ngayon,"
pagpapaliwang pa nito.
Matthias Gil Varzen? Ang ganda naman ng pangalan. Tapos lawyer pa? Ibang klase!
"Ang katapat naman nito ay para sa pangatlong anak, Code Jaxon Varzen. He's an outstanding
doctor surgeon at Starllon Hospital owned by the Varzen family," pagpapatuloy ni Ma'am Dorry.
Wow! Ang bigatin din ng isang 'to. Kakainin ako sigurado ng labis na hiya kapag makita ko ito sa
personal!
"And the next room in the left is for the youngest son, Clyden Louigi Varzen. He's a pilot in
profession. Kaso makulit ang batang iyon. Naku, sakit sa ulo talaga ang isang iyan."
Napatawa ako nang mahina. Makulit pala iyong Clyden na 'yon? Parang hindi naman halata.
Ang matured niyang tingnan kanina e.
"At ang katapat na room ni young master Clyden ay sa'yo," wika ni Ma'am Dorry at itinuro pa
ang magiging kwarto ko. "Temporary room for you. Because Lord Raddix might order you to
sleep at his place. It all depends on him."
Sleep at his room? Sa lalaking iyon na hindi ko kilala at hindi ko pa nakikita ang mukha? Ayoko!
Nakakatakot! Feeling ko nga ang sungit- sungit iyang Lord Raddix na iyan!
"Young lady," pagtawag ni Ma'am Dorry sa atensyon ko. Napansin sigurong naglalakbay na
naman isip ko.
"Po?"
"Hindi ka pwedeng pumasok sa mga kwartong iyon, syempre maliban sa kwarto mo," paalala
nito sa'kin.
Tumango agad ako. Natigilan ako ng may biglang naisip.
"Nasaan ang room ni Lord Raddix?" Hindi ako interesado ah, curious lang!
Tumikhim muna si Ma'am Dorry bago magsalita. "Hindi rito ang kwarto niya. Nasa sunod na
palapag pa. Ang palapag na iyon ang hindi basta-bastang napapasok ng mga nandito. It is a
restricted area, it was exclusively built for Lord Raddix. Hindi ka rin pwede do'n, depende kung
pahihintulutan ka niya."
Tumango-tango lang ako.
"Halika na, kailangan munang magpahinga," ani pa nito at iginaya na ako sa kwarto.
Napalunok ako ng laway ng madaanan ang mga kwarto ng tatlong kapatid ni Lord Raddix. P-
Paano kung aksidente akong makapasok sa isa sa mga 'yan?Paparusahan ba nila ako?
Bubuksan na sana ni Ma'am Dorry ang pinto ng biglang umalingawngaw ang ringtone ng
cellphone ko. Nahihiya naman akong napatingin kay Ma'am Dorry. Nabulabog ko pa ata ang
mga natutulog. Ang lakas naman kasi ng ringtone nitong cellphone ko!
"Answer that first," utos nito sa'kin.
Dali-dali ko namang sinagot ang tawag.
"H-Hello? Sino 'to?"
["Sol, si Luke 'to."]
Agad akong kinain ng pangamba ng marinig sa kabilang linya ang boses ni Luke. Ramdam ko ang
panlalamig sa buo kong katawan.  B-Bakit kaya siya napatawag? Tumatawag lang kasi ang
lalaking 'yon pag may importanteng sasabihin.
"L-Luke, h-hi!," kinakabahan kong bati.
["Nasaan ka ngayon?"]
Tiningnan ko si Dorry at iilang mga katulong na walang emosyong nakatingin sa'kin. Hindi ko
pwedeng sabihin kay Luke ang tungkol rito!
"A-Ahm, nasa ano, nasa k-kaibigan ko."
["Kaibigan? Sino?"]
Daig pa nito ang imbestigador kung magtanong, argh!
"S-Si, si ano, si---ah basta! Hindi mo siya kilala. Bagong kaibigan ko lang hehe," palusot ko. Sana
umobra.
["Ok. Hindi naman siguro lalaki?"]
"Hindi ah!" depensa ko.
["Sol."]
"O-Oh?" Hindi pa ba siya tapos magtanong?!
["Mag-iingat ka riyan, hindi mo pa naman ako kasama, si Rain, pati na rin ang kapatid mo. Baka
kung anong gawin ng kaibigan mong 'yan sa'yo. Chat mo address sa akin, in case na may
mangyaring hindi inaasahan."]
Napabuga na lamang ako ng hangin. Opo, ganito po ang ugali ni Luke. Akala mo boyfriend kung
umasta 'no? Overprotec5ive masyado. Bantay sarado siguro ang magiging girlfriend nito.
"H-Hindi na, malapit naman 'yong bahay ng kaibigan ko sa bahay namin," pagsisinungaling ko.
Pakiramdam ko ay hindi pa ako handang sabihin kay Luke maging kay Rain ang tungkol rito.
Paniguradong pauulanan lang nila ako ng walang katapusang mga katanungan. Siguradong gaya
ko ay mahihirapan din silang mag-adjust sa bagong set-up ng buhay ko.
["S-Sure ka? Wait, sunduin kita bukas diyan."]
Ang kulit talaga ng lalaking 'to!
"Huwag na, ihahatid naman niya ako nang maaga bukas."
["Pero---"]
"Sige na, matutulog na ako good night!"
["Kantahan kita para makatulog ka."]
Ito iyong laging ginagawa niya kapag malungkot ako. Kinakantahan niya ako. Maganda ang
boses ni Luke. Nagtataka nga kung bakit hindi ito sumali sa band ng campus.
Gusto ko sanang marinig siyang kumanta kaso alam kong pagod din ito at kailangan na niyang
matulog ng maaga. Stress kaya ang course niya.
"Next time na lang, Luke," natatawa kong sabi. Rinig ko rin ang pagtawa niya sa kabilang linya.
["Haha yeah. Sige, magpahinga ka na rin. Take care, good night, sleep well, mapanaginapan mo
sana ako."]
"Hoy, anong mapanaginapan---"
Hindi ko man lang natapos ang sasabihin ng pinatay na nito ang tawag. Wierdo rin minsan ang
lalaking iyon. Nang matapos ang tawag ay binuksan na ni Ma'am Dorry ang kwarto ko. Pinasok
na rin nila ang mga gamit ko. Agad din naman silang nagpaalam at umalis. Inayos ko muna ang
mga gamit ko sa loob bago maglinis ng katawan. Nang matapos ay agad akong humiga sa kama.
"Ahh! Ang comfy naman ng higaan na 'to!" sabi ko at nagpagulong-gulong roon. Ngunit agad
akong natigil ng makarinig nang malakas na kalabog sa labas.
Agad akong lumabas ng kwarto at nadatnan ang isang lalaking pasuray-suray sa pasilyo. Ilang
vase na rin ang nabasag nito dahil sa kalasingan.
"Didn't I told you to stop pestering me?! We're done! I'm done with you bitch!" sigaw nito sa
hawak na cellphone. Maging ito ay inis na inihagis niya dahilan para magkapira-piraso iyon.
Sino ba ang lalaking 'to?
"Hey you!"
Ilang ulit akong napalunok ng marinig ang pagtawag ng lalaki sa akin.
"A-Ahm, h-hello po?"
"Solly right?"
Ba't alam nilang lahat ang pangalan ko?! Samantalang sila hindi ko kilala?!
"Do you need something?" tanong nito na bakas sa boses ang labis na kalasingan.
"W-Wala po, salamat."
"Ok, hmm wait---"
"Young master, Code!" pagtawag ng paparating na dalawang butler sa kaniya.
Wait, young master Code?! Isa siya sa mga Varzen?
Tinulungan naman ng mga butler ang lalaki makapasok sa kwarto nito. Ngunit agad itong
bumalik sa labas at kinindatan ako.
"Good night, baby."

**
Facebook: Pilgrim WP
Link: https://www.facebook.com/awierdamsel.writes

You might also like