You are on page 1of 2

Ano Ang Kahulugan Ng Kwentong Bayan?

Ang kwentong bayan o folklore sa Ingles ay may kahulugan na mga salaysay mula sa kathang isip ng mga
Pilipino. Ang mga tauhan sa kwentong bayan ay kumakatawan sa pag-uugali at mga turo ng
mamamayan. Ito ay binuo upang ipahayag ang mga sinaunang pamumuhay ng mga tao na siyang naging
gabay hanggang sa kasalukuyang pamumuhay.

Dagdag pa rito, malaki ang parti ng kwentong bayan sa atin sapagkat kumakatawan ito sa ating kaugalian
at tradisyon. Sumasalamin rin ito sa ating pananampalataya at pagharap sa mga problemang ating
kinakaharap sa araw-araw.

Bagama’t nakakatuwa ang mga kwentong bayan, minsan ay hindi naman kapani-paniwala ang ito ngunit
sadyang may magagandang aral. Aral na hindi lang pambata kundi pati na rin sa mga matatanda. Nawa
sa pamamagitan nitong kahulugan ng kwentong bayan, ating naintindihan at naisaisip ang kung ano ba
talaga ang kwentong bayan.

See also: Kwentong Bayan Halimbawa

KWENTONG BAYAN KAHULUGAN - ANO ANG HALIMBAWA NG KWENTONG BAYAN

KWENTONG BAYAN KAHULUGAN – ANO ANG HALIMBAWA NG KWENTONG BAYAN

Uri Ng Kwentong Bayan

Narito ang apat na uri ng kwentong bayan at ang kahulugan nito.

Uri ng Kwentong Bayan Kahulugan

Alamat o Legend Ang alamat ay nagsasalay ng mga kwento kung paano nabuo o kung ano ang
pinagmulan ng isang bagay, pook, tao o hayop.

Mito o Myth Ang mito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang papel
sa mga nilalang o mga tao.

Parabula o Parable Ang mga parabula ay mga kwentong maaring totoong nangyari at kinapupulutan
din ng aral mula sa Biblia.
Pabula o Fable Ang mga pabula ay tungkol sa mga kwentong ang mga tauhan ay hayop o mga bagay na
nagsasalita. Dito ang mga hayop at bagay ay binigbiyang buhay na parang tao. Ito ay mga kwentong may
aral kung saan ipinapakita ang pag-uugali ng isang tao o ng kanilang katangian.

You might also like