You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Sangay ng Lungsod ng Cavite
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CAVITE
Lungsod ng Cavite
Panuto: Basahin nang tahimik ang seleksyon. Pagkatapos, unawain ang hinihingi sa bawat bilang at
isulat ang titik ng tamang sagot.

Impeng Negro
Ni: Rogelio Sikat

Si Impen ay madalas na tuksuhin sa kanilang pook dahil sa kanyang panlabas na anyo. Siya ay anak ng isang Negrong
Amerikano at siya ay may mga kapatid na anak ng kanyang ina sa isang Amerikanong puti, mapuputi ang kanyang mga kapatid
kaya ganoon na lamang ang panunukso ng mga tao sa kanya. 
Tuwing aalis si Impen sa kanilang tahanan bilang isang agwador ay madalas siyang pinangangaralan ng kanyang ina na
huwag makipag-away kay Ogor. Si Ogor ay kinikilalang hari ng gripo, siya ang nangunguna sa pagtukso kay Impen. 
Isang araw, habang siya ay nakapila upang mag-igib ay sinubukan na naman siya ni Ogor. Pilit na sinisingit ni Ogor
ang kanyang balde gayong si Impen na ang sasahod. Nakiusap si Impen kay Ogor na hayaan na lamang siyang matapos ngunit
hindi ito pumayag kaya naisip na lamang niyang umuwi. 
Subalit sa kanyang pag-alis ay pinatid siya ni Ogor kaya tumama ang kanyang pisngi sa nabitawang balde na nagsanhi
ng pagdudugo nito, agad tumingala si Impen sa kanyang kaaway at tinawag ang pangalan nito. Tumawa lang ng malakas si
Ogor at sinipa pa siya. Nagulat si Ogor nang mabilis siyang sipain ni Impen. Nagpambuno ang dalawa, subalit bigla ang
paglakas ni Impen kaya natalo at napasuko niya si Ogor. Hindi makapaniwala ang ibang agwador, bakas ang paghanga sa
kanilang mga mata. Sa pagkakataong iyon, pangingilagan na siyang tuksuhin ng mga tao.

Mga Tanong:

1. Ang dahilan kung bakit madalas tuksuhin si Impen ay _________.


A. Dahil sa kanyang panlabas na anyo.
B. Dahil sa kalagayan ng kanilang buhay.
C. Dahil sa uri ng kanyang hanapbuhay.
D. Dahil sa pagkakaroon niya ng iba’t ibang kapatid.

2. Ano ang babala ng nanay ni Impen sa kanya?


A. Labanan si Ogor upang hindi siya mabugbog.
B. Huwag nang pansinin si Ogor.
C. Huwag umuwing may sugat o pasa.
D. Mag-uwi ng pagkain para sa hapunan.

3. Bakit negro ang tawag ng mga kapitbahay ni Impen sa kanya?


A. Dahil idol niya si Michael Jordan.
B. Dahil iyon ang gustong palayaw ni Impen.
C. Dahil pinipintasan ang kanyang kulay at itsura.
D. Dahil iyon ang tunay niyang pangalan.

4. Bakit magkakaiba ng itsura sina Impen at mga kapatid niya?


A. Inampon lang sila ng nanay nila.
B. Magkakaiba ang tatay nila.
C. Nagkakaproblema sa pagbubuntis ang nanay niya.
D. Si Impen lang ang tunay na anak ng nanay nila.

5. Ang hanapbuhay ni Impen upang makatulong sa kanyang ina ay ________.


A. tindero
B. agwador
C. hardinero
D. kusinero

6. Sino ang mortal na kaaway ni Impen sa kanilang lugar?


A. Pedro
B. Luis
C. Noli
D. Ogor

7. Ang dahilan kung bakit nilabanan ni Impen si Ogor ay ____________.


A. Inudyukan si impen ng mga taong nasa paligid.
B. May pustahan ang mga taong naroon kung kaya’t pumayag si Ogor.
C. Nang pinatid siya ni Ogor at tumama ang pisngi sa balde sanhi ng pagdurugo nito.
D. Katuwaan lang nila ang ginagawa ng mga taong roon.

8. Matapos manalo sa away nila ni Ogor, ano ang nakita ni Impen sa mukha ng mga nakapanood sa nangyari?
A. galit
B. hiya
C. paghihiganti
D. paghanga

9. Sa kultura ng Pilipino, ano ang kadalasang pinagbabatayan bilang pagbibigay ng respeto sa kapwa tao?
A. kulay
B. estado sa buhay
C. yaman/posisyon
D. lahat ng nabanggit

10. Ang madalas na nabibiktima ng pangbubully sa ating lipunan ay __________.


A. Mahihina
B. Malalakas
C. Sakitin
D. Dayuhan

You might also like