You are on page 1of 12

A.P.

Kurt DS. Antonio 10-Emerald


Ikalawang Markahan - MODYUL 1:
Globalisasyon
Gawain 2
PRODUKTO LABEL KOMPANYA NA GUMAWA
NG PRODUKTO
1. Alcohol Parañaque City, Philippines GreenCross Incorporation
2. Shampoo (Head & Taguig City, Philippines Procter & Gamble Philippines,
Shoulders) Incorporation
3. Hair Conditioner (Cream Taguig City, Philippines Unilever Philippines,
Silk) Incorporation
4. Milo Laguna, Philippines Nestlé Philippines,
Incorporation
5. Nescafé Laguna, Philippines Nestlé Philippines,
Incorporation
Aking mga sagot sa pamprosesong mga tanong:
1. Ang bawat bansa ay may kani-kaniyang malawakang produksyon dahil sa mgaprodukto na laganap ang
pinagmulan sa bansa nila. Kaya dito nagkakaroon ng sistemang import o pag-aangkat mula sa ibang bansa o
lugar at export o ang pag-susuplay ngmga produkto sa iba pang mga bansa. Dahil dito, mabilis na lumaganap at
kumalat angmga produkto sa iba't-ibang panig ng mundo.
2. Sa aking palagay ay, nakatutulong ang mga produktong ito sa atin. Dahil natutugunan nito ang
mga pangangailangan ng bawat bansa, kumbaga nag tutulungan ang bawat bansa upang umunlad sa
pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng produkto ng bawat bansa.

Isagawa
B.

B. Para sa mga OFW

Disyembre 10, 2021

Aking mga minamahal na


OFW,
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat! Pasasalamat sa inyo ay ang nais kong
ipabatid. Lubos akong nagpapasalamat sa inyong mga sakripisyo. Ang pagtratrabaho
ninyo sa ibang bansa ay kapalit ng pagkakawalay nyo sa inyong mga pamilya sa
mahabang panahon. Ngunit alam kong ito’y inyong ginagawa upang mabigyan ng
maganda at maayos na pamumuhay ang inyong pamilya. Kayo ang mukha ng
globalisasyon. Ang mga kumpanyang pag-aari ng Pilipino ay nakapagbukas ng mga
sangay sa bawat sulok ng mundo dahil sa pagtangkilik nyo sa mga produktong gawa
ng mga Pilipino. Ang bawat sakripisyo ninyo ay nagkakaroon ng mabuting resulta sa
pagkakakilanlan ng ating bansa. Sana ay dumating ang araw na hindi niyo na
kailangan pang pumunta ng ibang bansa upang magtrabaho. Lagi ninyong tatagan ang
inyong mga kalooban.
Nagmamahal,
Kurt
Karagdagang Gawain

Mabuting Epekto ng Globalisasyon


-Nagkakaroon ng kompetisyon sa pagkuha ng
Di-Mabuting Epekto ng Globalisasyon

A.P.
Kurt DS. Antonio 10-Emerald
Ikalawang Markahan - MODYUL 2:
Mga Isyu sa Paggawa
Gawain 2

Aking mga sagot sa pamprosesong mga tanong:


1. Ito ang iginuhit ko dahil bukod sa ako ay interesado rito, ito ang pangarap namin ng aking ate
bata pa lamang kami.
2. Para matupad ang pangarap kong ito, ako ay magsusumikap. Lagi kong pagbubutihin ang
aking pag-aaral.
3. Iaalay ko ang aking tagumpay sa aking pamilya dahil sila ang nag-aruga sa akin bata pa
lamang ako at lagi silang nadiyan sa tuwing ako’y may problema.

Gawain 3
Sektor ng Agrikultura Sektor ng Industriya Sektor ng Serbisyo
1. Paghahayupan 1. Pagmamanupaktura 1. Pagtuturo
2. Pagsasaka 2. Konstruksiyon 2. Bumbero
3. Pangingisda 3. Utilities 3. Pagtitingi
4. Pagtrotroso 4. 4. Paggagamot
5. 5. 5. Pagbabangko
Aking mga sagot sa pamprosesong mga tanong:
1. Mula sa mga trabahong ito natuklasan ko ang iba’t ibang uri ng paggawa at serbisyong
maaaring ibigay ng indibidwal. Dahil sa pagkakaroon ng mga trabaho sa isang komunidad,
nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng serbisyong ipinagbibili at tinatangkilik ng madla.
2. Mas maraming manggagawa sa sektor ng serbisyo, dahil saklaw ng sektor na ito ang
pananalapi, komersiyo, panseguro, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-
iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo, Business Processing Outsourcing (BPO), at
edukasyon. Sa loob ng nakalipas na sampung taon, ang sektor na ito ay may pinakamalaking
bahagdan ng manggagawa.
3. Magsasaka o magbubukid. Ang suliranin sa paggawa na kinakaharap ng mga manggagawa
dito ay ang pagkasira ng kanilang mga pananim. Ang maaaring dahilan ng mga suliranin sa
paggawa ay ang mga natural na kalamidad gaya ng bagyo, baha, at iba pa.

Gawain 6
Pangalan: Kurt DS. Antonio Tirahan: Bical Norte, Bayambang, Pangasinan.
A. Bilang ng mga Manggagawa sa Pamilya o Tirahan: 2

Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Natapos na Hanap Status:


Kurso buhay Regular/Kontraktuwal
Kennedy Kuya 29 High Vocational Mekaniko Regular
Antonio School (Automotic
Graduate Mechanic)
Oscar Tatay 54 College Bachelor of Sundalo Kontraktuwal
Antonio Graduate Public
Administration

Kung ako’y bibigyan ng pagkakataong makahanap ng ibang trabaho, ang hanapbuhay na


nais kong pasukan ay ang pagiging isang interior designer. Nais kong pasukan ang
hanapbuhay na ito dahil mayroon akong interes sa pagdidisenyo at bata pa lamang ako
mahilig na akong magbigay ng mga suhestiyon tungkol sa mga bagay na ipinapagawa sa
loob ng aming bahay.

Aking mga sagot sa pamprosesong mga tanong:


1. Walang manggagawa sa am aming pamilya o tirahan na naghahanapbuhay sa malayo o
walang kaugnayan sa kanyang tinapos na pag-aaral.
2. Nagaganap ang job skills mismatch dahil sa kakulangan ng trabahong mapapasukan ang mga
tao na may kaugnayan sa kursong natapos nila. Ang suliraning ito ay nagaganap dahil ang bilang
ng mga taong nangangailangan ng trabaho ay higit na mas marami kung ikukumpara sa
oportunidad na nagbubukas para sa kanila. Dahil dito, ang iba ay walang magawa kundi pumasok
sa ibang uri ng paggawa upang matugunan ang kani-kanyang pangangailangan.

A.P.
Kurt DS. Antonio 10-Emerald
Unang Lagumang Pagsusulit
sa
Ikalawang Markahan
I.
1. A
2. D
3. B
4. A
5. D

II.
1. TAMA
2. MALI
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA
6. MALI
7. MALI
8. MALI
9. TAMA
10. TAMA

III.
1. MNC
2. TNC
3. TNC
4. MNC
5. MNC

A.P.
Kurt DS. Antonio 10-Emerald
Ikalawang Lagumang Pagsusulit
sa
Ikalawang Markahan
I.
1. D
2. A
3. C
4. A
5. C
II.
1. B
2. D
3. C
4. E
5. A

III.
1. ILO - International Labor Organization
2. CBA - Collective Bargaining Agreement
3. NEDA - National Economic Development Authority
4. WTO - World Trade Organization
5. DOLE - Department of Labor and Employment

IV.
Bilang isang mag-aaral at kabataan, ang maimumungkahi kong paraan upang mapigilan ang
pagtaas ng antas ng kawalan ng hanapbuhay sa bansa ay ang pagpapalawak ng mga
programang pangkabuhayan, katulad ng pagpapanatili ng katahimikan sa industriya ng paggawa,
paghahatid ng employment facilitation services, pamamahagi nang tama, naaayon, at
napapanahong labor market information; pagsasagawa ng career guidance at counselling; at
pagbibigay ng karagdagang kasanayan sa mga manggagawa. Ayon sa isang artikulo, ang
pagapapatupad ng programang pangkabuhayan ay isang tugon ng DOLE upang labanan ang
pagtaas ng antas ng kawalan ng hanapbuhay ngunit para sa akin kailangan pa itong palawakin pa
upang mas maging epektibo ito.
Isa pang paraan na aking maimumungkahi ay ang pagtanggal sa kontrata ng mga
manggagawa. Naniniwala akong nararapat pang manatili ang isang manggagawa kung siya ay
nagpapamalas ng kahusayan sa kaniyang trabaho. Ang mga kompanya ang dapat na
nagdedesisyon kung kailan aalisin ang mga manggagawa base sa kanilang work performance.

I applied my knowledge regarding central angles and


arcs of the circle by remembering the definitions of each
terms. In that way I would be able to form a circle with
correct parts. The circle graph shows the concept about
central angles because the budget plans on the circle
graph represent an angle which is known as the central
angle-it forms an angle from the center of the circle as its
vertex. With regards to arcs, I also applied my knowledge
about it because the central angles have its
corresponding intercepted arcs, so, basically, If I have
central angles in my circle graph, I also have arcs, which
is called intercepted arcs.
A.P.
Kurt DS. Antonio 10-Emerald
Ikalawang Markahan - MODYUL 3:
Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon
Gawain 3
1. Panloob na migrasyon
2. Panloob na migrasyon
3. Panlabas na migrasyon
4. Panlabas na migrasyon
5. Panloob na migrasyon
6. Panloob na migrasyon
7. Panlabas na migrasyon
8. Panlabas na migrasyon
9. Panlabas na migrasyon
10. Panloob na migrasyon
Gawain 5
1. , kapag dumami ang populasyon ng isang bansa ay maaaring hindi masuportahan ito ng
ekonomiya.
2. , dahil ang paglabag sa karapatang-pantao ay maling-mali. Hindi nila dapat ginagawa ito sa
kanilang kapwa tao dahil nakakasakit sila.

3. , naiiwan ang pamilya at sila ay naaapektuhan lalo na sa mga anak. Madalas kaya
napapariwara ang anak ng mga nangingibang-bansa ay dahil sa kulang sila sa gabay ng kanilang
magulang.

4. , dahil malaki ang naitutulong ng mga nangingibang-bansa sa ating ekonomiya.

6. , dahil mas pinipili ng mga eksperto na nagtapos ng pag-aaral sa ating bansa na pumunta pa
ng ibang bansa. Hindi sila nakapagsisilbi o nakatutulong sa kanilang sariling bayan.

7. , ang mga migrante ay maluwag na tinatanggap. Naniniwala ang isang doktrina na kung
tawagin ay multiculturalism na ang iba’t ibang kultura ay maaaring magsama-sama nang payapa
at pantay-pantay sa isang lugar o bansa.
Gawain 7
Kahirapan, nais kong maiahon Kahirapan din, batid kong
ang aking pamilya sa hirap na malaki ang sahod sa ibang
aming dinaranas. bansa.

Nais naming maiahon ang aming mga pamilya sa hirap ng buhay gamit
ang sahod na aming makukuha dahil batid naming ito ay malaki.

-Upang mabigyan ang pamilya ng magandang kinabukasan.


-Upang magkaroon ng malaking kita.

Ang pangunahing dahilan na mag-uudyok sa amin para iwan ang Pilipinas at tumungo sa ibang
bansa ay kahirapan. Nais naming maiahon ang aming mga pamilya sa hirap ng buhay gamit ang
Gawain
perang 9
aming kikitain at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.
1. Sa anong bansa po, nagtratrabaho ang inyong kapamilya/kamag-anak?
“Sa Riyadh, Saudi Arabia.”
2. Ilang taon napo silang OFW?
“Mag-iisang taon na.”
3. Sa inyong palagay, ano po ang nag-udyok sa kanila para mangibang bansa?
“Sa aking palagay, kahirapan. Nais niyang iahon kami sa hirap.”
4. Kung kayo po ang tatanungin, ano po ang mabuti at di-mabuting epekto ng pangingibang
bansa?
“Mabuting epekto, para sa akin, ‘yong nakatutulong sila sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya at
hindi naman mabuti ay ‘yong hindi sila tratuhin ng tama. Iyong inaabuso na sila pero syempre
hindi sila maglalaban kasi mahal nila trabaho nila.”
5. Ano po ang mensahe niyo sa inyong kapamilyang OFW?
“Mag-ingat siya palagi, alagaan niya ang sarili niya dahil walang ibang mag-aalaga sa kaniya
kundi sarili niya. Lagi niyang tatandaan na nandito lang kami, pwede niya kaming tawagin palagi.
Mahal na mahal namin siya, ‘yon lang.”
A.P.
Kurt DS. Antonio 10-Emerald
Ikalawang Markahan - MODYUL 4:
Saloobin Tungkol sa Epekto
ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon
Gawain 3
1. Force labor
2. Refugee
3. Hanapbuhay
4. Brain drain
5. Human trafficking
Gawain 4
1. Suliranin: Ang mga manggagawang kababaihan ay lubos na pinagsasamantalahan.
Solusyon: Alamin ang kanilang mga karapatan upang makaiwas sila sa pang-aabuso. Dahil
kapag alam na nila ang kanilang karapatan, maipagtatanggol nila ang kani-kanilang sarili
laban sa mga mapagsamantala.
Suliranin: Ang mga Asyano sa bansang Arab nagkakaroon ng mahirap na kondisyon sa
kadahilanang walang sapat na karapatan ng mga manggagawa at pagkakaiba ng
kinalakihang kultura.
Solusyon: Magkaroon ng kasunduan ang mga bansa na bigyan ng sapat na karapatan ang
mga Asyano sa kanilang bansa.
2. Sa tingin ko ay dahil ang mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya ay kulang sa lakas ng
kontinenteng Asya ay nakaranas ng matinding krisis, lalo na sa kanilang lakas paggawa. Bagamat
ang mga bansa sa bahagi ng kontinente na ito ay sagana sa mga likas na yaman at mga hilaw na
materyales, ang kanilang populasyon ay hindi naging sapat upang sila ay makabuo ng patuloy na
proseso ng produksyon. Isa sa mga kailangan sa proseso ng produksyon ay ang lakas paggawa o
ang mga manggagawa at trabahador. Kinailangan nila ang tulong ng mga mamamayan mula sa
Timog Silangan ng Asya, dahil mas Malaki ang populasyon sa mga bansa sa parting Asya na ito.
3. Dahil nagkaroon ng hindi inaasahang krisis sa kakulangan ng mga manggagawa kaya’t isa sa
mga naging pangunahing solusyon ay ang ilagay ang mga kababaihan sa larangan ng paggawa.
Napilitang maging parte ng larangan ng paggawa ang mga kababaihan sa panahong ito sa Timog-
Kanlurang Asya.
4. Mayroong naganap na diskriminasyon na naranasan ng mga manggagawang Asyano kung
ihahambing sa mga propesyonal mula sa Europe at HIlagang Amerika. Mas maraming bansa sa
Hilagang Amerika at Europe ang may klasipikasyon bilang first world countries, o mga mas
maunlad na bansa. Mas may kakayahan na tugunan ang karapatan at pangangailangan ng
kanilang mga manggagawa sa mga bansa sa mga kontinenteng nabanggit. Sa Asya naman
marami pa rin sa mga bansa ang paunlad pa lamang. Kaya naman karamihan sa mga
manggagawang Asyano ay nakararanas ng mga pang-aabuso sa kanilang karapatan bilang
manggagawa tulad ng hindi pagbigay ng sapat na sahod.
5. Magkakaroon ng brain drain ang isang bansa, imbes na sa ekonomiya ng kanilang bansa
makatulong ang kanilang lakas paggawa, sa ibang bansa ito mapupunta.
6. Dahil nais nilang mapaganda ang kanilang buhay, nais nilang mapaunlad ito. Tinitiis nila ang
mga pang-aabuso ng mga taga-ibang bansa sa kanila dahil alam nilang mas mataas ang kita nila
roon kaya mas pinipili nilang patuloy na magtrabaho. Naniniwala silang dahil sa malaking kita na
kanilang matatanggap ay mapauunlad nila ang kanilang buhay.
7. Tinutugunan ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bukas na ugnayan sa
ating mga kawani na silang nagbabantay o namamahala sa ating mga manggagawa sa ibang
bansa.

Gawain 6
Enero 28, 2022
Para sa mga OFW,
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat! Nawa’y kayong lahat ay nasa mabuting
kalagayan. Batid kong hindi maiiwasan ng ilan sa inyo ang epekto ng migrasyon na dulot ng
globalisasyon. Isa sa mga suliranin na kalakip ng globalisasyon ang malagim ang sinapit ng OFW
na si Irma Edloy. Marami sa inyo ang pumapasok na domestic helper sa Middle East, ngunit hindi
niyo alam ang klase ng among inyong daratnan. Dito pumapasok ang mga sitwasyon na kagaya
ng naranasan ni Irma Edloy, kung saan siya ay pinagmalupitan ng kanyang amo at ginahasa pa
nga. Namatay sya sa atake sa puso sa sobrang takot sa kanyang amo. Wala akong karapatang
kayo ay aking pigilan upang makipagsapalaran sa ibang bansa, kaya isa sa mga naiisip kong
paraan upang masolusyonan ang mga suliraning dala ng migrasyon ay ang pagbibigay kaalaman
sa maaari nilang gawin sakali mang kayo’y makaranas ng diskriminasyon. Isa pang solusyon na
aking naiisip ay ang pagkakaroon ng kasunduan ng ating bansa sa iba pang bansa. Ako rin ay
makikiisa sa mga organisasyon at mga programang may kinalaman sa pagproprotekta sa mga
OFW na kagaya ninyo. Ako ay magpapalaganap sa social media ng mga impormasyon na
patungkol sa pagprotekta sa sariling karapatan. Iyon lamang ang mga solusyon na aking
maaaring gawin at ako ay umaasang kahit papaano ay makatutulong ako sa pagsugpo ng mga
masasamang epekto ng migrasyon na dulot ng globalisasyon.
Nagmamahal,
Kurt

Performance Task sa AP 10
Pangalan: Kurt DS. Antonio Baitang at Seksiyon: 10-Emerald

Ang Pangarap Ko
Certified Public Accountant (CPA)

Ito ang aking pangarap na propesyon sapagkat ito ang sa tingin kong babagay sa akin.
Maraming nagsasabi na magaling ako sa Matematika kaya’t ito ang sinasabi nilang dapat
kong kuhanin. Gusto ko ring sundan ang yapak ng aking ate dahil ito rin ang pinapangarap
niyang propesyon.

Ang aking nakuhang bagay ay


rosaryo na, para sa akin, simbolo ng pag-
asa at katatagan. Sa tuwing may
problema ang aming pamilya at ako ay
nawawalan na ng pag-asa, kinukuha ko
lang ang rosaryo saka magdadasal. Para
sa akin, isa itong bagay na nagsisilbing
koneksyon natin sa Panginoon. Sa mga

You might also like