You are on page 1of 6

STRAIGHT A’s TUTORIAL HUB

Pangalan: ________________________________________ Iskor: _______________

A. Tukuyin ang mga mahahalagang tauhan sa Ibong Adarna.


_________________ 1. Siya ay ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming pagsubok
na kinailangang malagpasan ni Don Juan upang mahingi ang kamay ng dalaga.
_________________ 2. Siya ang prinsesa ng Reyno de los Cristales.
_________________ 3. Isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya
Leonora.
_________________ 4. Ang alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang siya'y
mahulog sa balon.
_________________ 5. Siya ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag naman ng isang
serpiyente.
_________________ 6. Siya ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan.
_________________ 7. Siya ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong
lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.
_________________ 8. Siya ang mahiwagang matandang ketongin na humingi ng tulong at tinapay
ni Don Juan habang patungo siya sa Bundok ng Tabor.
_________________ 9. Siya ang bunsong anak ni Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig,
matapang, at may mabuting kalooban.
_________________ 10. Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
_________________ 11. Siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
_________________ 12. Siya ay malakas, mabagsik, at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana.
_________________ 13. Ang mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa Bundok Tabor.
_________________ 14. Ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro, at Don
Diego.
_________________ 15. Ang butihing hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang
karamdaman.
_________________ 16. Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras.

B. Lagyan ng tsek ( / ) ang lahat ng linyang tumutukoy sa kahulugan at katangian ng korido. Ekis
( X ) naman ang sa hindi.
________1. binubuo ng 8 pantig sa iang taludtod at apat na taludtod sa isang saknong.

MMSU Grade 7 * FILIPINO * Fourth Grading Exams


by: Teacher Caryn Ragudo Page 1
STRAIGHT A’s TUTORIAL HUB

________2. binubuo ng 12 pantig sa iang taludtod at apat na taludtod sa isang saknong.


________3. mabagal ang himig o yung tinatawag na andante.
________4. mabilis ang himig o yung tinatawag na allegro.
________5. pumapaksa tungkol sa mga bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
________6. pumapaksa tungkol sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan.
________7. may taglay na kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga
kababalaghang hindi magagawa ng karaniwang tao ang mga tauhan.

C. Isulat sa linya ang titik ng tamang sagot.


1. Ang tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
a. Albanya b. Berbanya c. Krotona
2. Ang punong tirahan ng mahiwagang ibong adarna.
a. Piedras Platas b. Piedro de Oro c. Piedras Blanca
3. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon.
a. namamatay b. nakatiutulog c. nagiging bato
4. Ang sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.
a. kanser b. ketong o leprosi c. hika
5. Ang bagay na hiningi ni Don Juan sa ma bago siya umalis sa kaharian.
a. salapi o yaman b. bendisyon c. pagkain at tubig
6. Ang bagay na ibinigay ni Don Juan sa matandang nasalubong.
a. tubig b. kanin c. tinapay
7. Ang bilang ng taon simula nang umalis at hindi na nakabalik ang mga kapatid ni Don Juan.
a. isang taon b. dalawang taon c. tatlong taon
8. Ang mensaheng taglay ng pagsalungat ng magkakapatid sa panganib para sa ama.
a. Wagas ang kanilang pagmamahal sa magulang
b. Naghahangad sila ng korona at salaping mamanahin sa magulang
c. ikinahihiya ng pamilya kung hindi sila kikilos para sa ama
9. Ang mensaheng taglay ng pananalangin ni Don Juan bago siya nakipagsapalaran.
a. Mahina si Don Juan at takot sa susuongin niya.
b. Malakas si Don Juan subalit nanghihina rin ang loob niya
c. Nais ni Don Juan subalit nanghihina rin ang loob niya
10. Ang mensaheng taglay at mapagkawanggawa ni Don Juan sa matanda.

MMSU Grade 7 * FILIPINO * Fourth Grading Exams


by: Teacher Caryn Ragudo Page 2
STRAIGHT A’s TUTORIAL HUB

a. likas na maawain at mapagkawanggawa si Don Juan


b. alam ni Don Juan na may maitutulong ang matanda kaya tinulungan niya
c. hindi na kailangan ni Don Juan ang bagay na hiningi ng matanda kaya ibinigay na lang niya.

D. Bigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin na nakasalungguhit sa bawat


pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
11. Ang puso ni Don Juan ay panumpuno ng tinik ng siphayo dahil sa muling pagtataksil ng dalawa
niyang kapatid.
a. pag-aalala b. pagkabigo c. pag-asa
12. Si Don Juan ay nakipagbati sa kanyang mga kapatid sapagkat wala nang naiwang salaghati sa
kanyang puso.
a. inggit b. kalungkutan c. sama ng loob
13. Ang buhay ng Armenya ay payapa at malayo sa anumang ligamgam sa puso at isip.
a. kabalisaan b. kaguluhan c. kasamaan
14. Ang magagandang karanasan ng magkakapatid sa bundok Armenya ay nag-iwan ng salimsim.
a. kahiwagaan b. kabiguan c. alaala
15. Labis na kasabikan ang namayani kay Don Juan nang makita ang loob ng kahon.
a. matinding pagkagusto
b. matinding pagkatakot
c. matinding pag-aalala
16. Nanamlay si Don Pedro nang umahon o makalabas sa balon dahil sa pagod.
a. takot na takot b. walang malay c. walang sigla
17. Di mapakali si Don Juan sa pagnanais na siya ang lumusong sa ilalim ng balon.
a. di maipaliwanang b. di malaman c. di mapalagay
18. Pinaglabanan ni Don Juan ang sindak na nararamdaman habang nasa dilim.
a. kaba b. galit c. takot
19. Nanggilalas si Don Juan nang masilayan ang napakagandang si Donya Juana.
a. kaba b. namangha c. ninerbyos
20. Pinigil ni Donya Juana ang nararamdaman kay Don Juan at nagkunwaring namumuhi.
a. nagseselos b. naiinis c. nagagalit

E. Sa pamamagitan ng mga nakatalang pahayag ay suriin kung ano ang katangian ng mga tauhan sa

MMSU Grade 7 * FILIPINO * Fourth Grading Exams


by: Teacher Caryn Ragudo Page 3
STRAIGHT A’s TUTORIAL HUB

akdang binasa. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


21. “ Sa aki'y ipahintulot ng mahal mong pagkukupkop, na bayaan mong matapos ang panata ko sa
Panginoon.” Si Donya Leonaora ay:
a. maka-dios b. malungkutin c. mahilig mapag-isa d. masunuring anak
22. “ Kaya Haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito po'y kasalanan patawad mo'y
aking hintay.” Si Donya Leonora ay:
a. maawain b. mapagmahal c. mapagkumbaba d. maka-Diyos
23. “ O, Panginoong Haring mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo'y mahabag na ituro
yaong landas.” Si Don Juan ay:
a. maawain b. mapamahiin c. matatakutin d. madasalin
24. “ Malayo nga lamang dito ang kinalalagyang reyno, gayunpaman, prinsipe ko, pagpagurang
lakbayin mo.” ang Ibong adarna ay:
a. maawain b. maalalahanin c. masayahin d. mapagpaubaya
25. “ O, kasi ng aking buhay, lunas nitong dusa't lumbay ano't di ka dumaratal ikaw kaya'y
napasaan? Si donya Leonora ay:
a. nangungulila b. nagagalit c. natatakot d. nayayamot

26. “ Huwag, Leonorang giliw, ang singsing mo'y dapat kunin; dito ako ay hintayin ako'y agad
babalik din.” si Don Juan ay:
a. Mayabang
b.Maalalahanin
c. Mahilig sa pakikipagsapalaran
d. gagawin ang lahat para sa minamahal
27. “ Mga mata'y pinapungay, si Leonora'y dinaingan: Prinsesa kong minamahal, aanhin mo si Don
Juan? Si Don Pedro ay:
a. mayabang b. mapag-alinlangan c. mapang-alipusta d. taksil sa kapatid
28. “ Kapwa kami mayroo'ng dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa akin
ang kaharian.” Si Don Pedro ay:
a. mayaman b. mapagmahal c. mayabang d. mapagpakumbaba
29. “ Ano ba'y gagayunin ang bunso kong ginigiliw, ito naman'y di salarin na dapat pagbayarin.” Si
Haring Fernando ay:
a. malupit b. matatakutin c. nagpapahalaga sa katarungan d. mainitin ang

MMSU Grade 7 * FILIPINO * Fourth Grading Exams


by: Teacher Caryn Ragudo Page 4
STRAIGHT A’s TUTORIAL HUB

ulo
30. “ Pairugan si Leonorang magpatuloy sa panata; Pedro'y pasasaan bagang di matupad iyang
pita.” Si Haring Fernando ay:
a. mapagbigay b. matapat c. konsintidor na ama d. malupit na ama

F. Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa pangungusap. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
31. Dahil sa labis na pagmamahal ng dalaga sa binata ay nilabag niya ang kahilingan ng hari.
a. kinalimutan b. pinahalagahan c. sinuway d. tinakasan
32. Handa ang binata na magbata na hirap alang-alang sa dalagang sinisinta.
a. magtiis b.magdanas c.mag-alay d.magsakripisyo
33. Matagal ding di umimik ang dalaga nang marinig niya ang pasiya ng ama.
a. hindi ngumiti b.hindi kumibo c.hindi nakapag-isip d.hindi nakapagpasiya
34. Hindi lubos na matalastas ng dalaga kung bakit labis ang galit ng kanyang ama sa binata.
a. mapahalagahan b. maunawaan c. mawaglit sa isip d. makalimutan
35. Inilakap ng magkasintahan sa kanilang panalangin na sila ay tulungan at iligtas sa
kapahamakan.
a.ipinahayag b. isinama c. sinambit d. tiniyak

G. Punan ang talahanayan ng angkop na mga salita sa pamamagitan ng pagbuo ng iba't ibang anyo
o kayarian ng salita mula sa salitang ugat na nakatala sa bawat bilang.

Salitang-ugat Maylapi Inuulit Tambalang Salita

1. palad Kapos-palad

2. gutom Gutom na gutom

3. awa maawa

4. anak

5. araw

MMSU Grade 7 * FILIPINO * Fourth Grading Exams


by: Teacher Caryn Ragudo Page 5
STRAIGHT A’s TUTORIAL HUB

MMSU Grade 7 * FILIPINO * Fourth Grading Exams


by: Teacher Caryn Ragudo Page 6

You might also like