You are on page 1of 18

 11






Developed Division Initiated Self-Learning Module


Filipino – Baitang 11
Developed Division Initiated - Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Katangian at Kalikasan ng Teksto

ii

Kagawaran ng Edukasyon– Sangay ng Palawan


Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula,
awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Roger F. Capa, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Annie Joy Patricio- Vallejo


Editor: Cynthia M. Felix
Tagaguhit:
Tagalapat: Nora A. Nangit
Tagasuri: Nora A. Nangit
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Mary Therese C. Castro, Ph. D
Nora A. Nangit

Department of Education: MIMAROPA- Sangay ng Palawan


Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

iii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa
paaralan.

4
Filipino 11
Ikatlong Markahan
Katangian at Kalikasan ng
Ikatlong Linggo Teksto
MELC:
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang
tekstong binasa – F11PS – IIIb – 91

Layunin:
1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng teksto batay sa kalikasan nito.
2. Nasusuri iba’t ibang tekstong binasa sa batay sa katangian nito.
3. Nakapagbabahagi ng katangian at kalikasan ng iba’t ibang
tekstong binasa sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

Subukin Natin
Panimulang Pagtataya

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at teksto, pagkatapos ay


piliin ang titik ng wastong sagot.

Para sa bilang 1

Pagluluto ng Adobong Baboy

1. Ihanda ang mga sangkap sa pagluluto ng adobong karne ng baboy. Tulad ng


karne, sibuyas, bawang, toyo, mantika at suka.
2. Igisa ang hiniwa-hiwang bawang at sibuyas kasunod nito ilagay ang karne ng
baboy. Pagkatapos lagyan ng kaunting tubig at pakuluan.
3. Lagyan ng toyo at suka batay sa iyong panlasa.
4. Halo-haluin ito hanggang sa pumula ang karne at maluto.

1. Anong uri ng teksto ang isinasaad ng pahayag?


1. Argumentatibo B. Naratibo C. Persweysib D. Prosidyural

2. Alin sa mga sumusunod na uri ng teksto ang tila nagkukuwento patungkol sa tiyak
at pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
A. Deskriptibo B. Naratibo C. Persweysib D. Prosidyural

3. Anong uri ng teksto ang kadalasang sumasagot sa tanong na bakit?


A. Argumentatibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persweysib

5
4. Anong uri ng teksto ang may katangiang maglahad ng espesipikonng pananaw na
nakatuon sa saloobin at opinyon ng may – akda?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Persweysib D. Prosidyural

5. Alin sa mga sumusunod na uri ng teksto ang ginagamitan ng mga salitang


nakagaganyak?
A. Argumentatibo B. Deskriptibo C. Naratibo D. Persweysib

Para sa bilang 6

Bumili ako ng regalo para sa aking matalik na kaibigan dahil malapit na ang
kaarawan nito. Ito ay bag na kulay berde. Malaki ito at maraming bulsa na maaaring
paglagyan ng kaniyang mga gamit. Mayroon din itong desinyo ng paborito niyang
cartoon character na Ben 10 sa may gitnang bahagi.

6. Alin sa mga sumusunod na uri ng teksto ang isinasaad ng pahayag?


A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Prosidyural

7. Anong uri ng teksto ang kadalasang sumasagot sa mga tanong na ano, sino, at
paano tungkol sa isang paksa?
A. Argumentatibo B. Deskriptibo C. Impormatibo D. Naratibo

Para sa bilang 8

Sa isang bayan sa Palawan may mag-asawang naninirahan malapit sa


paanan ng bundok. Sila ay sina Mang Onyok at Aling Kaning. Kasama ng mag -
asawa ang kanilang tatlong anak na sina Kanoy, Panoy at Saling. Pagsasaka ng
palay ang ikinabubuhay ng mag-asawa. Masisipag naman ang kanilang mga anak
sa gawaing bahay. Masaya at simple silang namumuhay sa paanan ng bundok.

8. Anong uri ng teksto ang pahayag na iyong binasa?


A. Impormatibo B. Naratibo C. Persweysib D. Prosidyural

9. Alin sa mga sumusunod ang uri ng tekstong nagtataglay ng tiyak na impormasyon


patungkol sa bagay, tao, lugar o pangyayari?
A. Argumentatibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persweysib

10. Anong teksto ang malinaw na naipakikita ang mga katangian ng paksang
tatalakayin.
A. Deskriptibo B. Naratibo C. Persweysib D. Prosidyural

B. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap kung tama o mali tungkol
sa mga uri ng teksto at katangian nito. Isulat ang Mine kung tama ang
pahayag at Craft naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

________11. Ang tekstong impormatibo ay may katangiang maglahad ng mahahalaga


at bagong impormasyon, kaalaman, paniniwala at tiyak na detalye.

________12. Ang tekstong prosidyural ay kadalasang sumasagot sa tanong na bakit.

6
________13. Katangian ng tekstong argumentatibo ang mahikayat ang mga mambaba-
sang tanggapin ang mga argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga
pangangatuwiran.

________14. Isa sa katangian ng tekstong deskriptibo ay ang ipaalam sa mambabas a


ang mga hakbang tungo sa paggawa ng isang bagay.

________15. Katangian ng tekstong persweysib ang magkuwento sa pamamagitan ng


salaysay na nag-uugnay ng mga pangyayari.

Ating Alamin at Tuklasin

Sa Modyul na ito tatalakayin ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng


teksto.
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang natutukoy mo ang iba’t ibang uri ng
teksto at nakapagbabahagi ka ng katangian at kalikasan ng mga ito sa pamamagitan
ng iba’t ibang gawain

Alam mo ba na…

Ang TEKSTO ay anumang bagay na maaaring basahin na puno ng mga ideya ng


iba’t ibang tao o impormasyon. Bagaman ang mga teksto ay madalas na naiisip na
nilikha ng mga akdang pampanitikan, siyentipiko o mamamahayag, ang katotohanan
ay sinumang bumasa at sumulat ay maaaring magsulat ng isang teksto. Ang isang
“instant” na mensahe, isang “recipe” ang katawan ng isang elektronikong mail ay
binubuo ng isang teksto, hangga’t nakatutugon ito sa ilang mga katangian.

Uri ng Teksto Kalikasan Katangian

1. IMPORMATIBO  Uri ng tekstong  Katangian nitong


nagtataglay ito ng tiyak magbigay ng
Halimbawa:
na impormasyon impormasyon upang
- Mga talang patungkol sa bagay, tao, mapalawak at
pangkasaysayan lugar o pangyayari. mapalalim ang
- Mga balita  Ang tono nito ay kaalaman ng
kadalasang obhetibo. mambabasa sa paksang
 Ito ay kadalasang tinalakay.
sumasagot sa mga  Ito ay naglalahad din ng
tanong na ano, sino, at mahahalaga at bagong
paano tungkol sa isang impormasyon,
paksa. kaalaman, paniniwala
at tiyak na detalye.

7
2. DESKRIPTIBO  Isang tekstong  Katangian ng tekstong
naglalarawan. ito ang maglarawan.
Halimbawa:
 Naglalaman rin ito ng  Malinaw na maipakita
- Mga lathalain mga impormasyong may ang mga katangian ng
- Mga akdang kaugnayan sa mga paksang tatalakayin.
pampanitikan katangian ng tao, bagay,
lugar at pangyayaring
madalas nasasaksihan
ng tao sa paligid.

3. PERSWEYSIB  Ito ay isa sa  Katangian nitong


mahahalagang uri ng maglahad ng
Halimbawa:
tekstong ginagamit sa espesipikonng pananaw
- Mga radyo at telebisyon. na nakatuon sa
advertisement sa  Naglalayon itong saloobin at opinyon ng
radyo at manghikayat ng mga may – akda.
telebisyon, mambabasa o  Maganda ang nilalaman
- Talumpati sa tagapakinig. nito upang makuha ang
pangangampanya interes ng mga
at rally mambabasa, manonood
- Propaganda mga at tagapakinig.
patalastas  Ginagamitan ito ng mga
salitang nakagaganyak,
tulad na lamang ng
mga dahilan kung bakit
dapat iboto ang isang
kandidato o kung bakit
dapat bilhin ang isang
produkto.

4. NARATIBO  Ito ay tekstong nasa  Katangian nitong


anyong nagsasalaysay. magkuwento sa
Halimbawa:
 Ito ay tila pamamagitan ng
- Nobela o mga nagkukuwento salaysay na nag-
akdang patungkol sa tiyak at uugnay ng mga
pampanitikan pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
pangyayari.  Ito ay nagbibigay-
 Ito ay nagpapakita at kabatiran o ng
nagbibigay ng mga kawilihan sa
impormasyon tungkol sa mambabasa.
isang tiyak na tagpo,
panahon, sitwasyon at
mga tauhan.
 Ito ay maaaring pasulat
o pasalita at nag-iiwan
ng isang matibay na
kongklusyon.

5. ARGUMENTATIBO  Ito ay kadalasang  Katangian ng tekstong


sumasagot sa tanong na itong mahikayat ang
Halimbawa:
bakit. mga mambabasang

8
- Editoryal  Nagtataglay ng mga tanggapin ang mga
paniniwala o argumentong inilalahad
paninindigang maaaring sa pamamagitan ng
tama o mali mga pangangatuwiran.
 Layunin din ng ganitong  Isa pa sa katangian nito
uri ng teksto na ay ang maglahad ng
mapatunayan ang paniniwala, pagkukuro
katotohanang o pagbibigay ng
ipinahahayag nito. pananaw patungkol sa
isang mahalaga o
maselang isyu.

6. PROSIDYURAL  Ito ay nagpapakita o  Katangian nito ang


tumatalakay ng maghatid ng
Halimbawa:
pagkakasunod-sunod ng pangmatagalang
- Mga panuto mga pahayag, (lasting) kaalaman ukol
- Mga recipe o pangyayari o hakbang. sa mga bagay na
guide  Sumasagot ito sa tanong kailangang isagawa o
na “paano” – paano ganapin.
binuo, paano iluto,  Ipaalam sa mambabasa
paano buuin, paano ang mga hakbang
gawin, paano nangyari tungo sa paggawa ng
at iba pang mga gawain isang bagay.
at pangyayaring lagi
nating ikinakabit ang
tanong na paano.

Tayo’y Magsanay
Gawain 1: TUKOY-TEKSURI

Panuto: Tukuyin ang sumusunod kung anong uri ng teksto batay sa kalikasan at
katangian nito. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa iyong sagutang papel.

A. ARGUMENTATIBO D. NARATIBO

B. DESKRIPTIBO E. PERSUWEYSIB

C. IMPORMATIBO F. PROSIDYURAL

________1. Katangian nitong magkuwento sa pamamagitan ng salaysay na nag-


uugnay ng mga pangyayari.

________2. Ito ay nagpapakita o tumatalakay ng pagkakasunod-sunod ng mga


pahayag, pangyayari o hakbang.

9
________3. Katangian ng tekstong itong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin
ang mga argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga
pangangatuwiran.

________4. Ito ay naglalahad din ng mahahalaga at bagong impormasyon,


kaalaman, paniniwala at tiyak na detalye.

________5. Naglalahad ng espesipikonng pananaw na nakatuon sa saloobin at


opinyon ng may – akda.

Gawain 2: SURI-BASA
Panuto: Basahin unawaing mabuti ang bawat bahagi ng talata, suriin at tukuyin
kung anong uri ito ng teksto. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

HALIMBAWA NG TEKTO URI NG TEKSTO


1) Malalaki at mababango ang mga
dalang pinya ni Cardo mula sa
kanilang probinsiya. Dilaw ang kulay
nito dahil hinog na at mukhang
matamis ito.

2) Ginisa ni Alyana ang sibuyas, bawang


at luya bago iniligay ang karne ng
manok bago nilagyan ng tubig.
Pinakulo niya ito bago nilagyan ng
asin. Hinintay niyang maluto ang
karne bago iniligay ang papaya at
isinunod ang dahon ng sili.

3) Magandang gabi po sa inyo, ako po si


Tomas Dalisay, tumatakbong kapitan
ng barangay 143. Simula’t sapol ay
tumutulong na po ako sa aking mga
kabarangay. Kapag ako ang nanalo
ngayong darating na eleksiyon,
sisiguraduhin kong bukas ang aking
opisina para sa lahat ng mga isyung
gusto ninyong bigyang solusyon.
Huwag niyong kalimutang ilagay ang
aking pangalan, bilang 20 po sa
balota, Tomas Dalisay po bilang
inyong kapitan.

4) Marga: Dapat talagang pahintulutan


na ang diborsyo sa ating bansa kung
na rin talaga sila magkasundo eh
kaya kailangan na nilang maghiwalay
ng legal.
Cassey: Mas lalong mapapariwar a
Marga ang mga anak kung tuluyang
maghihiwalay ang kanilang mga
magulang saka ang pinagsama ng
Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng
tao.

10
Marga: Kaya marami ang nahihirapan
na pamilya kasi pinipilit ang bagay na
wala na. Ako sang-ayon talaga sa
diborsyo para makahanap ng
matinong partner sa buhay.
Cassey: Sumasalungat ako sa sinabi
mo dahil sa halip na muling
magkasundo ang mag-asawa para sa
kanilang mga anak, tuluyan na silang
maghihiwalay dahil umaasa na may
diborsyo. Kawawang mga paslit.

5) Ang blended learning ay kombinasyon


ng iba pang delivery mode o
pinagsamang online distance
learning, modular distance learning,
at TV/Radio-based instruction. Dito
ay maaaring ang mga printed module,
iba’t ibang digital format kasabay ng
pagkatuto sa TV at Radyo.

Ating Pagyamanin

Malayang Gawain 1: IBAHAGI MO


Panuto: Tukuyin ang uri ng tekstong kinabibilangan ng mga sumusunod na suliranin
o paksa sa talahanayan. Pagkatapos, ibahagi ang katangian nito. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papdel.
Mga Suliranin/ paksa Uri ng Teksto Katangian ng Teksto

1. Dapat Ba o Hindi Dapat


Galawin o Sirain ang
Kalikasan Upang Magbigay-
daan sa Pag-unlad o sa mga
Proyektong Makabubuti sa
Buhay ng mga Mamamayan?

2. Proseso sa Pagpapabakuna
3. Mga Dapat Tandaan Tungkol
sa COVID-19

11
Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor
10 Natukoy ang lahat ng teksto at naibahagu nang may kahusayan ang mga
katangian nito.
8 Natukoy ang lahat ng teksto ngunit may isang hindi naibahagi ang
katangian nito.
6 Dalawang teksto ang natukoy at naibahagi ang mga katangian nito.
4 Isang teksto lamang ang natukoy nang tama at naibahagi ang katangian
nito.
2 Nangangailangan ng pag-ulad.

Malayang Gawain 2: MAGBAHAGI KA PA

Panuto: Suriin ang mga bahagi ng teksto at tukuyin kung anong uri ito.
Pagkatapos, ibahagi ang katangian at kalikasang nakita mo na
magpapatunay ng uri nito.

Bahagi ng Teksto Uri ng Katangian at


Teksto Kalikasan (isulat ang
bahagi ng teksto na
bilang patunay)
1. Beefy, beefy, beefy na, saucy
pa. Dalawang sarap nagsama.
Linamnam ulam. Dalawang
sarap sa isang Jollibee Burger
Steak. Pagdalawang bigatin
nagsama ibang level ang
resulta. Jollibee Burger Steak
Linamnam Ulam.
- https://youtu.be/WRoOv8_XaRY

2. Sa modular distance learning


(MDL), maaaring gumamit ng
mga printed module na nasa
digital format gay ang CD,
DVD, laptop, computer, tablet,
o smartphone ang mga guro at
mag-aaral.

3. Bumili si Rosa ng damit na


isusuot niya sa kaniyang
kaarawan. Kulay pula ito at
may laso sa may bandang
kanan. Mayroon din itong mga
maliliit na bulaklak na kulay
asul, berde at dilaw sa
bandang laylayan.

4. Noong unang panahon may


magkapatid na ulila na sina
Whenna at Jonna. Sila ay
nakatira malapit sa dagat kaya
pagtitinda ng isda ang
12
kanilang ikinabubuhay.
Masipag at mabait na bata ang
magkapatid kaya gustong-
gusto sila ng kanilang mga
kapitbahay.

5. Paano gumawa ng Facebook


account:
1. Pumunta sa
facebook.com/r.php.
2. Ilagay ang pangalan na
ginagamit mo sa araw-araw
na buhay.
3. Ilagay ang iyong pets ang
kapanganakan.
4. Ilagay ang numero ng iyong
cellphone. Para gumamit ng
email sa halip, i-tap ang
magsign up gamit ang
email.
5. I-tap ang Babae, Lalaki o
Custom para sa iyong
kasarian.
6. Pumili ng password at i-tap
ang magsign up.
https://m.facebook.com/help/18815773
1232424?locale2=tl_ph

Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor


20 Natukoy ang lahat ng uri ng teksto at naibahagi nang may kawastuhan
ang kalikasan at katangian na magpapatunay sa uri nito.
18 Apat (4) ang uri ng tekstong natukoy at naibahagi ang kalikasan at
katangian na magpapatunay sa uri nito.
16 Apat (4) ang uri ng tekstong natukoy ngunit may isang hindi naibahagi
ang kalikasan at katangian na magpapatunay sa uri nito.
14 Tatlo (3) ang uri ng tekstong natukoy at naibahagi ang kalikasan at
katangian na magpapatunay sa uri nito.
12 Dalawa (2) lamang ang uri ng tekstong natukoy at naibahagi ang
kalikasan at katangian na magpapatunay sa uri nito.
10 Isa (1) lamang ang uri ng tekstong natukoy at naibahagi ang kalikasan at
katangian na magpapatunay sa uri nito.
8 Natukoy lamang ang mga uri ngunit hindi naibahagi ang kalikasan at
katangian na magpapatunay sa uri nito.
6 Nangangailangan ng pag-ulad.
4 Sumulat ngunit hindi natapos.

13
Ang Aking Natutuhan
DUGTUNGAN MO
Panuto: Isulat ang mga natutunan mo sa kabuuan ng araling tinalakay. Dugtungan
ang nasimulang mga pahayag.

Natutuhan ko sa araling ito na _______________________________________________


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor
Puntos Krayterya
5 Naibahagi nang malinaw at maayos ang natutuhan.
4 Bahagyang naibahagi nang malinaw at maayos ang natutuhan.
3 Naibahagi ang natutuhan.
2 Naibahagi ang natutuhan ngunit walang kaugnayan sa paksa.
1 Sumulat ngunit hindi natapos.

Ating Tayahin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na teksto. Isulat ang sagot sa iyong
Sagutang papel kung ito ay IMPORMATIBO, DESKRIPTIBO,
PERSWEYSIB, NARATIBO, ARGUMENTATIBO o PROSIDYURAL.

1. __________________________

Ganito katindi ang dumi, hirap lalo na sa washing machine, pero carry daw
nitong new Ariel Machine Expert. Walang kusot-kusot. One scope one cycle. And
Momshies no scrubbing. Ariel’s unique dry active clean formula pampaputi ng
damit at pantanggal ng mantsa just in one cycle. Posible. New Ariel Machine
Expert. Bili na.
- https://youtu.be/AyQ5C1Ptkda

14
2. __________________________

Dunong: Ginigising ang isip ko nitong pusong pumipintig


At nagbihis na tanawing gumaganyak sa pagmasid;
Inaakit ang damdamin sa kalakhang pinagsikip
Ng maraming kaunlarang naging hiyas sa daigdig;
Iya’y isang katanungang ang sagot ko ay matuwid:
Bunga iyan ng Dunong ko na lumilok at nagtindig!

Naririyan ang lansanga’t paaralang nakatayo


Na pag-asa ng esk’welang di mabilang nating bunso;
Kaya iyan ay iniisip at sinikap na mabuo
Upang itong lahi natin na mulala’y mapaanyo;
Patotoo lamang iyan sa marangal na kabunggo
Na ang Dunong, mahalaga kung hangad mong mapawasto!

Salapi: Nababagbag ang damdamin kapag aking iniisip


Ang dalitang binabata ng maraming anakpawis;
Ang sanlaksang ama’t inang gumagawang nasa init,
Sa hirap din nauuwi ang kanilang pagsasakit;
A, talagang pag nagdahop sa Salaping panaginip
Ang buhay mo ay madalas na dalawin ng ligalig!

Lilinawin natin ngayon ang sandigang tinatalakay


Ng diwatang nakatalong katatapos mangatwiran;
Yaong aklat na binanggit at pag-unlad nitong bayan,
Tila hindi napagkurong sa Salapi natin utang;
Kaya tayo nagkaroon nitong aklat, paraluman
Ay dahil din sa Salaping itinubos sa limbagan.

- Ito bahagi lamang ng kabuuan ng Alin ang nakahihigit sa Dalawa: Dunong o Salapi?
- Halaw mula sa Pinagyamang Pluma 8

3. __________________________

Narito ang kumpletong gabay sa pagpaparehistro sa panahon ng pandemya:

Hakbang 1: Suguraduhing kalipikado kang maging botante sa darating na


eleksiyon.
Hakbang 2: Alamin kung saan ang Comelec Office sa iyong lugar at magpa-
schedule ng appointment.
Hakbang 3: Ihanda ang mga kinakailangang dokumento at forms.
Hakbang 4: Ihanda ang sarili para sa araw ng rehistrasyon.

- https://www.rappler.com/nation/elections/steps-how-to-register-vote-philippine-
polls-2022/.

15
4. __________________________

Si Rodrigo “Rody” Roa Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso taong


1945. Siya ay isang Pilipinong abogado, politiko at ang ika-16 at kasalukuyang
Presidente ng Pilipinas. Kilala rin siya sa pangalang Digong. Siya ang unang pangulo
mula sa Mindanao at ang pinakamatandang naging Presidente sa kasaysayan ng
Pilipinas sae dad na 71 (dating record na hawak ni Sergio Osmeña sae dad na 65).
- https://bayaningFilipino.blogspot.com/2017/06/talambuhay-ni-rodrigo-
duterte.html?m=1#

5. ___________________________

Ang pag-ibig ng Diyos ay napakadalisay. Ito ay kasimputi ng mga ulap sa


kalawan at mahalimuyak tulad sa amoy ng Sampagutita sa hardin.
Makapangyarihan ito at handang ipadama sa lahat ng tao sa sanlibutan.
Mapagmatiis, mapagpakumbaba at maalalahanin. Iyan ang pag-ibig na mula sa
Diyos. Tapat at wagas hindi marumi at nagkukunwari.

B. Panuto: Ibahagi ang katangian at kalikasan ng mga sumusunod na uri ng teksto


gamit ang pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Uri ng Teksto Katangian at Kalikasan

1. Argumentatibo

2. Deskriptibo

3. Impormatibo

4. Naratibo

5. Persweysib

6. Prosidyural

Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor


10 Naibahagi nang may kahusayan ang katangian at kalikasan ng lahat ng
uri ng teksto.
8 Naibahagi nang may kahusayan ang katangian at kalikasan ng uri ng
teksto maliba sa isa (1).
6 Apat (4) sa mga uri ng teksto ang naibahagi ang katangian at kalikasan
nito.

16
17
Tayahin
A.
1. Persweysib
2. Argumentatibo
3. Prosidyural
4. Naratibo
5. Deskriptibo
Aking Natutuhan B. Gamitin ang
- Gamitin ang ibinigay na rubrik
Ating Pagyamanin
ibinigay na rubrik sa modyul para sa
sa modyul sa
Malayang Gawain 1 pagbibigay ng
pagbibigay ng
iskor. iskor.
Uri ng Teksto Katangian
1. Argumentatibo Gamiting
2. Prosidyural batayan
3. Impormatibo ang Tayo’y Magsanay Panimulang
talakayan pagtataya
sa modyul Gawain 1
1. D 1. D
- Gamitin ang rubrik sa 2. B
pagbibigay ng iskor 2. F
3. A
3. A 4. C
Gawain 2
4. C 5. D
Uri ng Teksto Katangian 6. A
at 5. E
7. C
Kalikasan
8. B
1. Persweysib Gamiting
batayan Gawain 2 9. B
2. Impormatibo
3. Deskriptibo ang 1. DESKRIPTIBO 10. A
4. Naratibo talakayan 11. MINE
2. PROSIDYURAL
5. Prosidyural sa modyul 12. CRAFT
3. PERSWEYSIB 13. MINE
- Gamitin ang rubrik sa 4. ARGUMENTATIBO 14. CRAFT
pagbibigay ng iskor 15. CRAFT
5. IMPORMATIBO
Gabay sa Pagwawasto
kalikasan nito.
Isa (1) lamang sa mga uri ng teksto ang naibahagi ang katangian at 1
kalikasan nito.
Dalawa (2) lamang sa mga uri ng teksto ang naibahagi ang katangian at 2
nito.
Tatlo (3) sa mga uri ng teksto ang naibahagi ang katangian at kalikasan 4
Sanggunian

Ang talambuhay ni Pangulong Rodrigo R. Duterte. Retrieved from:


https://bayaningFilipino.blogspot.com/2017/06/talambuhay-ni-rodrigo-
duterte.html?m=1#. Date Accessed Dated: February 18, 2022.

Commercial Muna. 2020 Philippines TV Commercials Compilation – Part 1.


Retrieved from: https://youtu.be/WRoOv8_XaRY. Date Accessed: February 18,
2022.

Deped Philippines.
https://m.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH/posts/alamin -ang-iba-
ibang-learning-delivery-modalities-sa-pagpapatuloy-ng-edukasyon-
/3748956655164001/

Julian, Ailene B., Lontoc, Nestor S., Del Rosario Mary Grace G. “Pinagyamang Pluma
8”. 2017.

Mycz Doña (2017). Iba’t ibang uri ng teksto. Retrieved from:


https://www.slideshare.net/prettymycz/iba’t-ibang-uri-ng-teksto. Date
Accessed: February 18, 2022.

New Ariel TV Commercial 2020. https://youtu.be/AyQ5C1Ptkda

Paano ako gagawa ng facebook account.


https://m.facebook.com/help/188157731232424?locale2=tl_ph

2022 Philippine Elections. Paano magparehistro para makaboto sa 2022 Philippine


elections? Retrieved from: https://www.rappler.com/nation/elections/steps-how-to-
register-vote-philippine-polls-2022/. Date Accessed: February 18, 2022.

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone No. (048) 434-0099

19

You might also like