You are on page 1of 4

DBTV Episode 5

National Arts Month featuring Bataan High School for the Arts (BHSA)
Broadcasters: Rodrigo Panlaque Jr. & Anna May G. Panlaque
Scriptwriter:Anna May G. Panlaque

VIDEO AUDIO

Part 1

INTRODUCTION
RHON: Magandang araw Bataan. Magandang araw
Pilipinas. Muli, sama sama na naman tayo dito sa DBTV.
Ako po ang inyong lingkod, Rodrigo Panlaque Jr.

MHAY: at ako naman si Anna May Panlaque na bumabati


rin ng isang mapagpaalang araw sa lahat ng kawani at guro
ng SDO Bataan.

HISTORY OF NAM
RHON: Sa buong mundo, kilala ang mga Pilipino sa
kanilang talento, maging ito man ay pagkanta, pagsayaw, at
maging sa pag-arte.
Ang mga talentong ito ay talaga naman siyang
nagpapayabong sa lokal na kultura ng Pilipinas.

MHAY: Hindi makukumpleto ang pamana kung hindi


natin ito ipagdiriwang. Kaya naman sa bisa ng Presidential
Proclamation 683 na nilagdaan noong taong 1991,
idineklara ni dating pangulong Corazon Aquino ang
Pebrero bilang National Arts Month.

RHON: Ang di matatawarang papel ng sining sa gitna ng


mahihirap na sandali ay nagsisilbing sentro ng pagdiriwang
ngayong taon ng National Arts Month, na may temang

BOTH: “Sining ng Pag-Asa.”

MHAY: Ngayong taon, sa pangunguna ng National


Commission for Culture and the Arts (NCCA), binigyang
pokus ang pagpapahalaga ng sining sa panahon ng krisis,
kabilang ang pagharap sa hamon ng kalusugan ng Covid-
19.

Part 2
History of BHSA
MHAY: Kaugnay ng pagdiriwang ng National Arts Month,
tumungo ang aming team sa Bagac Bataan kung saan
kasalukuyang itinatayo ang Bataan High School for the
Arts o BHSA.

RHON: Pero bago yan, alamin natin kung paano nga ba


naitatag ang BHSA? Ito ang aming report.

Insert video msg of Cong Joet Garcia & SDS Roland


Fronda
Current Situation of BHSA
RHON: Tunay ngang katangi-tangi ang Bataan High
School for the Arts sa buong Central Luzon.

MHAY: Noong nakaraang taon, sa kabilang ng pagharap sa


pandemya ay nagbukas na ang BHSA hindi lamang para sa
mga estudyanteng Bataeno maging sa mga karatig na
probinsya. Ang iba pang detalye ihahatid ni ____.

Insert interview video sir bryan


Courses offered

How to be part of BHSA

RHON: Ikaw ba ay may natatanging talento sa pagsayaw?


MHAY: sa aktingan ba’y di ka umaayaw?
RHON: magaling gumuhit?
MHAY: o mahusay umawit?

RHON: Nais mo bang maging bahagi ng BHSA?


MHAY: Eto na ang iyong hinihintay, panoorin ang
susunod na video kung paano maging isa sa mga scholars
ng Bataan High School for the Arts.

Insert promotional video and testimonial of parents

END Spiel
MHAY: Dyan nagtatapos ang isa na naman episode ng
DepEd Bataan TV Channel. maraming maraming salamat
sa lahat ng ating mga nakasama, lalong lalo na sa ating mga
nakausap at nagbahagi ng kanilang karanasan.

RHON: Maraming salamat po sa lahat ng nanood sa ating


episode 5. Mula sa SDO Bataan, sa production team ng
DepEd Bataan TV Channel, kami ang inyong makakasama
sa paghahatid ng impormasyon, mga kaganapan at good
vibes dito sa ating dibisyon. Ako po ang inyong lingkod,
Sir Rodrigo Panlaque Jr.
MHAY: At ako naman po si Ma’am Anna May Panlaque,
huwag pong kalimutan na ilike at ishare ang ating
Facebook pages DepEd Bataan at DepEd Tayo – Bataan

RHON: Subscribe na din sa ating youtube channel at click


the bell button para lagging updated sa lahat ng pangyayari
sa ating dibisyon.

MHAY: Maraming salamat po muli at magkikita tayo ulit


sa mga susunod na episodes ng…

RHON & MHAY: DepEd Bataan TV Channel.

You might also like