You are on page 1of 5

Kalipunan ng mga Gawaing Pagkatuto sa Filipino 11 Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Pangalan:_______________________________ Lebel:__________
Seksiyon: _______________________________ Petsa:__________

GAWAING PAGKATUTO TEKSTONG NAGPAPAKITA NG MGA KALAGAYANG


PANGWIKA SA KULTURANG PILIPINO

Panimula (Susing Konsepto)

Komunikasyon ang pangunahing tungkulin ng wika. Komunikasyon din ang gamit sa


wika na pinakamalaking bahaging ginagawa ng tao sa lipunang kaniyang ginagalawan.
Malinaw na ipinahahayag sa Bibliya na ang wika ay kaloob ng Diyos. Sa mga relihiyoso,
walang duda ito. Napakarami at napakasalimuot nga naman ng mga wika sa daigdig.
Walang nakagagawa nito kung hindi ang Maylalang ng lahat. Sa Bibliya pa rin,
isinasalaysay kung paanong mula sa iisang wika, ang mga tao sa daigdig ay nagkaroon
ng iba’t ibang wika.
Ayon kay Cruz (1978), malapit na malapit ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng
wikang ginagamit niya, magkakambal ang mga ito.
Samakatuwid, maaaring masukat ang kultura ng tao sa kahusayan niya sa paggamit ng
wika. Gayundin, maaaring malaman ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kaniyang
kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanday na edukasyon sa isang mamamayan, sa
panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung panrehiyon, at
ng mga paniniwala. Napakahalaga ang wika sa sangkatauhan. Kung walang wika,
maaaring matagal nang pumanaw ang sangkatauhan at ang sibilisasyong ating
tinatamasa sa ngayon.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang


Pilipino (F11PU-IIc-87).

Gawain 1
Basahin at suriin ang teksto.

Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong


Oktubre 27, 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga
mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang
sinasalita at nauunawaan ng lahat. Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang
Surian ng Wikang Pambansa “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa
layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wika ay ibinatay sa
“pagkaunlad

1
ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng
malaking bilang ng mga Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang napili. At pinili
ang Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte), at
kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Felimon
Sotto (Sebwano), Casamiro F. Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay),
Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang
pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga mamamayan,
bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan,
publikasyon, at manunulat.”
Noong Disyembre 13, 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang
pambansa ng Pilipinas.” Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan
pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940.
Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong
Agosto 13, 1959 na tawaging “Pilipino” ang Wikang Pambansa” Ang “Pilipino” na
ibinatay nang malaki sa Tagalog ay maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas
ng Saligang Batas 1973 “na linangin, paunlarin, at pagtibayin ang Filipino
alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang
pagtanggap ng mga salita mula sa mga dayuhang wika.”
Ang pagiging pambansang wika ay hindi lamang nakatuon sa rehiyon ng
Katagalugan, kahit pa sabihing ginawang batayan ang Tagalog sa pagbuo ng
pambansang wika. Ang Filipino, na patuloy na nilalahukan ng mga salita mula sa
Iba’t ibang wikang panrehiyon at pandaigdigan, ay sumailalim sa ebolusyong hindi
lamang limitado sa gramatika at palaugnayan kundi maging sa mga pahiwatig at
pakahulugan. Ginagamit na ang Filipino hindi lamang sa panitikan o sa Araling
Panlipunan, bagkus maging sa pagpapaliwanag ng agham at teknolohiya,
inhinyeriya at medesina, batas at matematika, at iba pang larang.

(bahagi ng sanaysay na Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino ni


Dr. Hen Roberto T. Anonuevo mula sa http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/)

Mga Gabay na tanong: Sagutin ang mga inilaang tanong batay sa binasang teksto.
Isulat ang sagot sa inilaang puwang sa bawat bilang.

1.Ano-ano ang mga kaugnayan sa pagpili ng Tagalog bilang batayan ng pambansang


wika ng Pilipinas?
______________________________________________________________
___________________________________________________________________

2.Ano ang magiging bunga kung ang isang bansa ay may sariling wikang sinasalita at
nauunawaan ng lahat?

2
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________.

3.Ano ang magiging ambag ng Filipino bilang pambansang wika sa ating lipunan sa
hinaharap?
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________.

Rubrik ng Pagtatasa

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado


Nasuri at malinaw ang gramatikang ginamit 10 _____
Nagbigay komprehensibong opinyon at 10 _____
angkop na pagsusuri sa impormasyon
Malinaw at sistematiko ang paglalahad ng 10 _____
ideya sa presentasyon
Kabuuan 30 _____

20-30 – Kasiya-siya ang husay sa pagsulat


10-19 – Katamtaman ang husay sa pagsulat
0-9 – Kailangan pang pagbutihin

Maayos ang sistema at malinaw ang 10 _____


paglalahad
Kabuuan 40 _____

31- 40 – Lubhang kasiya-siya ang husay sa pagsulat


20- 30 – Kasiya-siya ang husay sa pagsulat
10- 19 – Katamtaman ang husay sa pagsulat
0 - 9 – Kailangan pang pagbutihin

3
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________.
Gawain 1

Panuto
Adbokasiya mula sa Wika. Maghanap ng isang larawang may kaugnayan sa wika at idikit
sa espasyong nakalaan at ipaliwanag hanggang tatlong talata.

______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________.
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________.

Rubrik ng Pagtatasa

Batayan ng Grado Kaukulang Grado


Puntos
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling 10 _____
larawan
Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit sa 10 _____
pagtalakay
Maayos ang sistema at malinaw ang paglalahad 10 _____
Angkop at malinaw na pagpapahayag 10 _____
Malikhain at maayos ang kabuuang Gawain 10
Kabuuan 50 _____

41- 50 – Lubhang kasiya-siya ang husay sa pagsulat


30- 40 – Kasiya-siya ang husay sa pagsulat
20- 29 – Katamtaman ang husay sa pagsulat
0 - 19 – Kailangan pang pagbutihin

Pangwakas

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa lipunang ating ginagalawan. Ito ang
nagsisilbing kasangkapan sa pagpapahayag ng mga saloobin at pagbabahagi ng
karunungan sa kapwa. Wika ang ginagamit ng bawat tao sa pakikipamuhay sa kanyang
kapwa.

4
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________.
Bagamat patuloy pa rin ang mga pagtatalo at pagkakahati-hati hinggil sa mga usapin sa wika,
makatotohanan marahil na ipalagay na tayo’y nagkakaisa na 1) kailangan ng isang Wikang
Pambansa na siyang kakatawan at magbubugklod sa ating lahat at 2) upang maging higit na
mabisa ang Pambansang Wikang ito, kinakailangang ito’y isalig sa katutubong wikain na
tunay na sa atin (bagamat tayo’y naniniwala na ang panghihiram sa wikang dayuhan ay
kailangan ng ating wika upang ito’y umunlad).
Tunay, hindi madali at mabilis ang proseso ng paglinang ng isang Wikang Pambansa. Hindi
ito hanggang batas o kasulatan lamang. Higit sa lahat, kinakailangang ito’y napagkaisahan
upang di pagmulan ng pagkakahati-hati at kinakailangang ito’y ginagamit upang mapanatili
buhay. Ngunit, ano bang gusali ang di nagsimula sa pagtatatag ng unang bato’t semento
bilang pundasyon? Kung gayon, naitalaga na ang mga unang pundasyon ng ating Wikang
Pambansa at maaaring sa ilang panahon pa’y lubusan nang magkakahugis ito. Ang
itinatatayo nati’y isang matibay na gusali na bibigkis sa ating lahat na ang pangalan ay
Pambansang Wika at hindi isang Tore ni Babel. Huwag nating hayaang buwagin ang mga
pundasyon ng gusaling ito ng ating pagkakaiba-iba sa wikain. Huwag nating biguin ang
pagpapakasakit ng ating mga ninuno at hindi tayo bibiguin ng Diyos!

Mga Sanggunian

A. Aklat

Constantino, Pamela C. (2005), Filipino at Pagpaplanong Pangwika


Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL. Sentro ng Wikang Filipino-Diliman, Unibersidad ng
Pilipinas, Lungsod Quezon

Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D. & Geronimo, Jonathan V. (2016), Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Lungsod ng Quezon: Rex Book Store, Inc.

Jocson, Magdalena O. (2016), Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Lungsod ng Quezon: Vibal Group, Inc.

Tumangan, Alcomtiser P. (etal) (2000), Sining ng Pakikipagtalastasan


(Pandalubhasaan). Valenzuela City: Mutya Publishing House

B. Website at Online na Dokumento

http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/
Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino ni Dr. Hen Roberto T.
Anonuevo

You might also like