You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa Filipino 7

Banghay-Aralin sa Filipino 7
I. Layunin
a. Nailalahad ang mga elemento ng alamat
b. Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa alamat
c. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga katutubong panitikan tulad ng alamat

II. Paksang-Aralin
A. Panitikan sa Panahon ng Katutubo: Alamat ng Saging
B. K-12 Teacher’s Guide Filipino Grade 7, PB2Aa, PB2Ab, PB2Ac
C. sipi ng alamat, larawan, chart, graphic organizers
D. Pagpapahalaga sa Katutubong Panitikan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
            Magpakita ng mga larawan ng mga napapanahong kwento ng pag-ibig (halimbawa: Aldub, Jadine o
Kathniel).
            Itanong: Kilala niyo ba ang mga nasa larawan?
                           Ano ang kanilang kwento?
                           Paano/Saan niyo nalaman ang kani-kanilang kwento?
             
B. Panlinang na Gawain (4As)
1. Mga Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
             Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang mga katutubong Pilipino ay may mga kani-kaniyang kwento ng
pag-ibig at ilan sa mga ito ay nailalahad sa mga alamat.
           
b. Pag-alis ng Sagabal
            Pagtapat-tapatin ang mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B.
A B
1. nasambit a) nakikipagkita
2. nakikipagtagpo b) ibinaon
3. binunot c) nakikipagkita
4. inilibing d) kinuha
c. Pagbasa nang Tahimik
            Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Alamat ng Saging”.
            Ipaalala ang batayan ng tahimik na pagbasa.

2. Pagsusuri (Analysis)
a. Pangkatang Gawain
            Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay may kani-kaniyang gawaing batay sa Multiple
Intelligence
Pangkat Gawain
(Verbal-Linguistic)
1
Paggawa ng PLOT (Pamagat, Lugar, Oras, Tauhan)
(Logical-Mathematical)
2 Pagsunud-sunod ng pangyayari gamit ang Time Sequence
Pattern Organizer
(Visual-Spatial)
3
Pagbuo ng sariling wakas sa pamamagitan ng isang poster
(Musical-Rhythmic)
4
Pag-awit ng kantang maaring iugnay sa nabasang alamat

3. Paghahalaw at Pagahahambing (Abstraction and Comparison)


            Gamit ang Venn diagram, ipakita ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng katutubong kwento ng pag-
ibig sa alamat at makabagong kwento ng pag-ibig sa telebisyon.
 

4. Paglalapat (Application)
            Itanong: Kung kayo si Juana, susuway ba kayo sa utos ng iyong ama? Oo o
    hindi?
                            Dapat bang tularan sina Juana at Aging? Ipaliwanag ang iyong sagot.

C. Paglalahat
            Pagpapahalaga:
Itanong: Anong aral ang inyong natutunan mula sa alamat?
                         Sa tinging ba ninyo ay mahalaga ang mga alamat? Bakit?

IV. Ebalwasyon
Iguhit ang                 kung ang pangyayari ay naganap sa alamat at               kung hindi.

1. Si Mang Pedro ang ama ni Juana na tutol sa pag-iibigan ng magkasintahan.


2. Si Aging ang lalaking iniibig ni Juana.
3. Dinalaw ng binata si Juana at siya ay pinatuloy sa bah-takotay ng dalaga.
4. Naduwag si Aging nang makita niya ang ama ni Juana.
5. Tumubo ang isang halaman mula sa buhok ni Juana.

V. Kasunduan
            Magtanong sa mga magulang o nakatatanda tungkol sa mga alamat na kanilang nalalaman ditto sa Iloilo.
Isulat sa isang buong papel at ibahagi ito sa klse.

                                                                                    Inihanda ni:

Banghay-Aralin sa Filipino 7
                                             Banghay Aralin sa Filipino

I.            Layunin:
a)    Nakikilala ang mga pandiwa sa talata
b)   Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng pandiwa at nagagamit ito sa sariling pangungusap.
c)    Naisasabuhay ang pagtulong sa kapwa

II.          Paksang Aralin:
a)    “ Pandiwa”
b)   Batayang Aklat sa Filipino I Pahina 97-99
c)    Larawan, Tsart
d)    Pagtulong sa Nangangailangan
III.        Pamamaraan:

A.   Pangganyak:
·         Magpakita ng larawan ng mga taong nangangailangan ng tulong.
Itanong: Ano ang inyong nakikita sa larawan?
             Ano ang inyong nararamdaman habang tinitingnan ang larawan?
Ano ang inyong gagawing kung makadaupang-palad ninyo ang mga tao sa larawan? Paano ninyo
sila tutulungan?

B.   Paglalahad ng Aralin:
·         Hayaan ang mga mag-aaral na basahin nang tahimik ang parabulang “Ang Mabuting Samaritano”
(Lukas 10: 25-37).
May isang taong nanlalakbay buhat sa  Jerusalem patungong Jericho. Hinarang siya  ng mga
tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan
doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya'y lumihs at nagpatuloy sa
kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at
nagpatuloy ng  kanyamg lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doo.
Nakita niya ang hinarang at siya nahabag. Lumapit siya, binuhusan  ng langis at alak ang mga sugat
nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at
inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng  dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng  bahay-
panuluyan at sinabi,

"Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik."
Pagkatapos basahin, talakayin sa klase ang mga sumusunod na tanong”
1.    Ano ang ginawa sa manlalakbay?
2.    Sinu-sino ang mga taong nakakita sa kanya? Ano ang ginawa nila?
3.    Ano ang ginawa ng Samaritano nang makita niya ang sugatang manlalakbay?
4.    Kung kayo ang Samaritano, tutulungan ninyo rin ba ang manlalakbay? Bakit?
5.    Anong mensahe ang napapaloob sa parabula?

C.   Pagpapaliwanag:
Pagtuunan nang pansin ang mga salitang may salungguhit. Ilista ito sa pisara at ipabasa sa klase.
Itanong: Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang may salungguhit?

D.   Paghahalimbawa:
Ipaliwanag ang tungkol sa pandiwa. Magbigay ng ilang halimbawa ng pandiwa sa klase at gamitin ito
sa pangungusap. Pagkatapos, tumawag ng mga  mag-aaral upang magbigay ng kanilang
sariling halimbawa at ipagamit  ito sa pangungusap.
Halimbawa:                                          
1.    Nagdadasal                                           
2.    Tumutulong                                         
3.    Nagsimba                                             
4.    Iniibig                                                     
5.    Nagbibigay                                            

E.    Gawain
Gamit ang mga larawan na nasa pisara, hayaan ang mga mag-aaral na gumawa ng mga
pangungusap na may pandiwa.

F.    Paglalahat:
Ano ang pandiwa?
Ano ang inilalahad ng mga salitang ito?

IV.         Ebalwasyon:
Panuto:  Kopyahin at Sagutin. Bilugan ang mga pandiwang ginamit sa mga pangungusap.
1.    “Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila’y ituturing na mga
anak ng Diyos.
2.    Humingi ng paumanhin ang anak sa kanyang nagdurusang ina.
3.    At nagtanong si Jesus, "Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong
hinarang ng mga tulisan?"
4.    Magdaraos ng misa ang pari para sa kaligtasan ng mga biktima ng baha.
5.     "Ang taong tumulong sa kanya," tugon ng abogado. Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, "Sige ganoon din
ang iyong gawin."

V.           Takdang - Aralin:

Gumawa ng hindi bababa sa sampung pangungusap na ginagamitan ng mga pandiwa. Isulat ang


mga ito sa isang buong papel.

Banghay Aralin sa Filipino 7


I.                    Layunin:
1. Natutukoy ang mga tauhan sa kuwento.
2. Nakasusulat ng mga karanasan sa
pagbibinata/pagdadalaga
3. Napapahalagahan ang responsibilidad bilang isang
tinedyer.
II.                  Paksang Aralin:
Maikling Kuwento; “ Bagong Taon na Binatilyo na Ako”,
Batayang Aklat sa Filipino I dd. 92-94
Kagamitang Panturo: DVD player, flashcard, character map
Value Focus: Pagpapahalaga sa responsibilidad bilang
tinedyer.
III.                Pamamaraan:
A.      Pangganyak:
Magpakita ng ng maikling video clip tungkol sa
pagbibinata/pagdadalaga.
Pagkatapos, itanong ang mga sumusunod:
1.      Nakakaugnay ba kayo sa inyong napanood?
2.      Anong naalala ninyo habang pinapanood ang video?
3.      Anong mga pagbabago ang inyong naranasan ng sumapit
kayo sa edad na 13?
A.1 Pag-alis ng Sagabal
Talasalitaan:
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita at gamitin sa
pangungusap.
1.      Humudyat         4. Musmos                 7. Sapitin
2.      Inaasam             5. Nakatutulig
3.      Binatilyo            6. Aatupagin
B.      Pagbasa ng Tahimik
Bigyan ang mga mag-aaral ng dalawang minuto para basahin
ang teksto.
C.      Talakayan:
Pagkatapos ang pagbasa ng kuwento, itanong sa mga mag-
aaral ang mga sumusunod:
1.      Ano ang pamagat ng kuwentong ating binasa?
2.      Sinu-sino ang mga tauhan?
3.      Sino si Sammy? Ilarawan
4.      Naransan din ba ninyo ang naranasan ni Sammy?
5.      Maituturing ba ninyong si Sammy ay isang tepikal/normal
na tinedyer? Bakit?
6.      Kung kayo ang mga magulang ni Sammy, ano ang
maipapayo ninyo sa kanya?
7.      Anong impresyong naiwan sa inyo pagkatapos ninyong
basahin ang teksto?
8.      Kung bibigyan kayo ng pagkakataong magbigay ng wakas,
ano ang nais ninyong maging wakas nito?
D.     Pagsasanay:
Pangkatin ang klase sa dalawa at ipakita sa pamamagitan ng
isang dula-dulaan kung ano ang nararanasan ng isang
tinedyer.
E.      Paglalapat/ Aplikasyon:
Paggawa ng Character Map
                        Base sa ginawang character map ano ang
masasabi tungkol kay Sammy?
                  F.Paglalahat;
                        Natural lang ba sa isang tinedyar ang mga
ganitong kaganapan na nangyayari sa kanyang buhay? Bakit?
                        Bilang isang tinedyer, paano ka magiging
responsable sa iyong sarili, pamilya at komunidad?
                  IV.             Ebalawasyon:
                   A. Isulat ang salitang TAMA kung ang mga
sumusunod na pahayag ay naganap sa kuwento at MALI kung
hindi.
                   1.            Natapat sa bagong taon ang kaarawan
ni Sammy.
                   2.            Si Sammy ay magdiriwang ng kanyang
ika-16 na kaarawan.
                   3.            Si Jenny ang dahilan ng mga pagbabago
ni Sammy.
                   4.            Kinasasabikan ni Sammy ang paghudyat
ng orasan sa ika-12.
                   5.            Sinang-ayunan ni ate Beth at tatay
ni Sammy ang lahat ng kanyang mga plano kung siya ay 13
na.
                 B.            Magtala ng 5 karanasan ng
pagbibinata/pagdadalaga.
                V.            Takdang-Aralin:
                 Mag-ulat ng isang karanasang nagaganap sa
kasalukuyan. Pag-usapan sa klase kung ang ulat ay batay sa
kaisipan ng isang tinedyer.

You might also like