You are on page 1of 3

I.

PAKSA
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kutkot ng Hanunuo Mangyan sa Mindoro.

II. RASYONAL/LAYUNIN

Mahalaga ang paksang ito sapagkat konti lang ang nakakaalam nito at para hindi mag iba o husgahan ng
mga tao ang kanilang tradisyon.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a) Bakit patuloy nila itong ginagawa?


b) Mahalaga ba ito para sa kanila?
c) Ano ang mangyayari kapag hindi nila sinunod ang bilin ng namayapa?
III. PAMAMARAAN

Isinasagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng internet at panonood ng I witness ni Kara David.

IV. PANIMULA

Ang kutkot ay tumutukoy sa tradisyon o paniniwala ng mga Hanunuo Mangyan. Na kung saan ay muli
nilang hinuhukay ang labi ng kanilang ninuno at binibihisan na animo’y isang nabubuhay na tao, aalayan ng
tula at sayaw bago ito ilibing sa kweba.Isang mahalagang pagdiriwang ang pangungutkot ng mga Hanunuo
Mangyan sa Oriental Mindoro, pinaghahandaan ng mga mangyan ng pagkain,musika at espesyal na damit
para sa isang taong nakalibing sa ilalim ng lupa, para sa mga mangyan ay sagrado ang kaluluwa ng mga patay
at mas ipinagdiriwang pa ang kaluluwa ng patay. Ang mga mangyan ay pumupunta sa gubat para hukayin ang
kanilang patay ang tawag sa ritual na ito ay “pangutkutan” sa paniniwala ng mga mangyan ay hinde
mananahimik ang isang kaluluwa hangga’t hinde ito nahuhukay,kinukutkot o naililipat sa isang kweba ito ay
kung may bilin ang namatay.

Marami ngayon sa mga Mangyan ang hindi na naniniwala sa ritual ng pagkukutkot at hindi na
pinapahalagahan ang nasabing ritual ngunit ang ibang mangyan ay ipinagpalatuloy pa ang nasabing tradisyon
upang mapanatili pa ang nasabing kultura. Kumot at banig ang nakabalot sa patay na katawan ng mga
mangyan at kapag lalaki ang namatay kailangan ay unahin ang kanang parte ng katawan at kapag babae
naman ay ang kaliwang bahagi ng katawan neto at hinihiwalay ang buto sa laman ng bangkay kasama ito sa
ritual o pangutngutan nag simbolo ng paghihiwalay ng kaluluwa sa katawang lupa.ang laman ay ibabaon sa
lupa at ang buto naman ay dadalhin sa kuweba, ang katawan o buto ay ililipat sa tela at binibihisan ng hugis
tao gamit ang tradisyunal na kasuotan kasama rin neto ang damit na tradisyunal na palamuti ay isusuot sa
yumao at ipapasa ang buto ng yumaong ninuno sa bunso neto ng anak. Naniniwala ang mga Mangyan na
kahati natin sa mundong ito ang mga kaluluwa ng mga yumao at kung gaano ka- importante ang kasalukuyan
ay ganun din dapat kahalaga ang nakaraan, hindi man na tuluyang namatay ang mga patay tulad ng kultura at
tradisyon na hindi rin dapat ibinabaon sa kahapon.

V. PAGTATALAKAY
Ayon sa Reuters marami sa 100 na indigenous people ang nagkukutkot. Pero napaka konting bilang
sa 25,000 na Hanunuo Mangyan ang gumagawa pa nito
Ayon kay Kara David, ang mga Mangyan ay naniniwala na ang mga kweba ang lagusan patungo sa
mundo ng yumaong kaluluwa.

VI. LAGOM
Bilang pagbubuod,sa pamamagitan ng paghuhukay o pagkukutkot kung tawagin ng mga katutubong
Mangyan sa katawan ng kanilang yumaong ninuno ay napakasagrado sa kanila. Sa paniniwala ng mga
Mangyan, ang patay ay hindi namamatay. Ang mga Mangyan ay nagdidiriwang/naghahanda ng mga
pagkain, musika at espesyal na damit. Sila ay naghahanda hindi para sa buhay kundi para sa isang taong
mahigit isang taon nh nilibing sa ilalim ng lupa. Kutkot ang kanilang tawabg dahil kinukutkot nila ang
libingan ng patay tsaka ang mga buto nito ay kanilang nililipat sa kweba. Ang mga ganitong uri ng
tradisyon ay hindi nila malilimutan. At kung walang bilin sa kanila ang namayapa hindi nila ito
pakikialaman. Pero pag mag bilin sa kanila, ay kanila itong tinutupad at ginagawa.

VII. KONGKLUSYON
a) Natuklasan sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod: Patuloy pa rin nila itong ginagawa
dahil kung hindi na nila ito gagawin, unti-unti itong maglalaho at maaaring sa kasalukuyan
hindi na ito masaydong ginagawa.
b) Mahalaga ito sa kanila sapagkat ito na ang tradisyong kanilang nilakihan at kapag may bilin
ang namayapa dapat nitong tuparin.
c) Kapag hindi sinunod ng mga Mangyan ang bilin ng namayapa, pwede silang magkaroon ng
sakit.

VIII. REKOMENDASYON
Buong pagpapakumbaba iminungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod:
a) Dapat respetuhin ang iba’t-ibang kultura at paniniwala ng ating kapwa tao.
b) Ang ganitong mga gawain o tradisyon ay kanila ng nilakihan.
c) Mahirap na talikuran o baliwalain ang nakasanayang mga tradisyon.
IX. TALAAN NG MGA SANGGUNIAN

IWitness-karin davila

X. APENDIKS

APENDIXS A.
BIODATA NG MANANALIKSIK
Pangalan:
Farrah Mae Q. Nable
Nickname:
Far
Kaarawan:
February 16,2005
Gulang:
16
Address
Pob. Ward 4 Minglanilla Cebu
PROYEKTO SA FILIPINO 11

Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik

Ipinasa ni:
Farrah Mae Q. Nable
11-ABM B

Ipinasa kay:
Gng. Elizabeth C. Cabaluna
Asignaturang guro

You might also like