You are on page 1of 8

2

ARTS

IKATLONG MARKAHAN – Modyul 3


Ikalima-Ikaanim na Linggo

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ano ang target ko?

Expectation:
At the end of the module, you will show skills in making a clear
print from natural and man-made objects.

This module will specifically help you to:

• Create a print on paper or cloth using cut-out designs


• Understand the process of printing to create a design
• Appreciate the beauty of natural objects used in creating a
print

Ano ako magaling?

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na paraan ng paglilimbag.


Pagsunud-sunurin ang proseso sa pamamagitan ng pagsulat ng
bilang 1 – 5.
_____ Itatak ang pinutol na okra ng paulit ulit sa isang papel
hanggang makabuo ng gustong disenyo.
_____ Ihanda ang mga sumusunod: pinutol na tangkay o gulay,
water color, paint brush, cutter/kutsilyo, at bond paper.
_____ Dagdagan ang nabuong disenyo upang maging mas
maganda ito.
_____ Putulin ang tangkay o gulay upang lumabas ang disenyo
na gagamitin sa paglilimbag.
_____ Lagyan ng kulay ang dulo ng pinutol na tangkay o gulay
na may disenyo gamit ang paint brush.

1
Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Tingnan at pag – aralan ang mga nasa larawan.

• Anu – ano ang nasa larawan?


• Saan ginagamit ang mga ito?

Ano ang kahulugan?

Maraming bagay sa paligid natin ang maaaring gamitin sa


paglilimbag. Ilan dito ay ang mga pinutol na gulay tulad ng okra,
kamatis, at kalamansi. Maganda ding gamitin sa paglilimbag ang
saha ng saging, tangkay ng gabi at tangkay ng kangkong.
Gamit ang mga bagay na ito, makakabuo tayo ng mga
disenyo na pwede nating gamitin na pang dekorasyon.

Ano pa ang gagawin ko?

Gawain 1
Panuto: Pag – aralan ang sumusunod na proseso sa paglilimbag
upang maisagawa ng maayos ang inyong gagawing paglilimbag.
(Paalala: Gawin ito ng may patnubay ng nakatatanda)

2
1. Ihanda ang okra, water
color, paint brush,
cutter/kutsilyo, at bond
paper.

2. Putulin ang okra upang


lumabas ang disenyo na
gagamitin sa paglilimbag.

3. Lagyan ng kulay ang


pinutol na disenyo gamit
ang paint brush.

4. Itatak ang pinutol na okra


ng paulit ulit sa isang
papel hanggang
makabuo ng gustong
disenyo.

5. Maaaring dagdagan ang


nabuong disenyo upang
maging mas maganda ito.

Gawain 2
Panuto: Kuhanin ang mga inihandang kagamitan para sa
gagawing paglilimbag. Umisip at gumawa ng sariling disenyo.
(Maaaring gumamit ng kahit anong gulay o tangkay ng gulay sa
kapaligiran.)

3
Gawain 3
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Sagutan ito
ayon sa ginawa mo sa Gawain 2. Lagyan ng ☺ kung nagawa mo
ang sinasabi at  kung hindi mo nagawa.

_____ 1. Sinunod ko ang mga pamamaraang ipinakita sa


halimbawa.
_____ 2. Ginawa ko ng may gabay ng nakatatanda ang paghahati
sa aking gagamiting pang disenyo.
_____ 3. Gumamit ako ng tangkay ng gulay o pinutol na gulay sa
pagdidisenyo.
_____ 4. Naging isang malikhaing sining ang ginawa kong
paglilimbag.
_____ 5. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa nagawa kong sining.

Ano ang natamo ko?

Critical Thinking Question:


Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Bukod sa gamit ng mga gulay tulad ng kamatis, okra,


tangkay ng kangkong at iba pa sa paglilimbag, ano ang
naitutulong ng mga gulay na ito sa atin?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Saan maaaring gamitin ang mga nagawang disenyo sa
paglilimbag?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________

4
Kumusta na ang target ko?

Panuto: Sumulat ang limang (5) bagay na maaaring gamitin sa


paglilimbag.
1.
2.
3.
4.
5.

Ano pa ang kaya kong gawin?

Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap.


Sa araling ito, natutunan ko _____________________________
_______________________________________________________.

Sanggunian
• Learning Module in MAPEH 2 pages 250-252
• Teaching Guide in MAPEH 2 pages 144-145
• MELCs page 368
• https://www.youtube.com/watch?v=vr7BFF-TbOA
• https://www.google.com/

5
Development Team of the Module
Writers: Jelica B. Nevar, Princess Fajardo
Editors:
Content Evaluators: DR. MICHAELA BUENAOBRA, JOHN EDWARD P. DEGAMON
Language Evaluator: JOSEFINA BARDON

Illustrator: MA. CRISTINA M. JAVIER


Layout Artist: CAMILLE JEWEL L. GARCIA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. SHOJI G. GERONA. EPS, MAPEH
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like