You are on page 1of 1

Ang Taong Di-Marunong Magpatawad

Isang hari ang nagpasyang alamin ang pagkakautang sa kanya ng kanyang mga alagad.
Nagsisimula pa lamang siya nang biglang iharap sa kanya ang isa sa kanyang mga alagad dahil
sa milyung-milyong dolyar na utang nito sa hari. Ang alagad ay walang maibayad sa
napakalaking pagkakautang nito, kaya ipinag-utos ng hari na ipagbili ito bilang alipin kasama
ang kanyang asawa at mga anak. Gayundin, ang lahat ng kanyang ari-arian ay iniutos na kunin
upang maidagdag sa bayad sa hari.

Lumuhod at nagmakaawa sa hari ang lalaki.

"Bigyan ninyo po ako ng panahon at babayaran ko kayo," pagsusumamo nito sa hari. Naawa
naman sa kanya ang hari kaya't siya ay pinatawad sa kanyang pagkakautang.

Nang lumabas ang lalaki upang umuwi na ay nasalubong niya ang isang kapwa alagad na may
utang sa kanyang ilang dolyar. Agad niya itong hinawakan at sinimulang sakalin.

"Bayaran mo ang utang mo sa akin," matigas na sabi nito.

Lumuhod ang kanyang kapwa alagad at nagmakaawa sa kanya.

"Bigyan mo ako ng panahon at babayaran kita," pagmamakaawa nito.

Ngunit hindi niya ito pinatawad at sa halip ay kanyang ipinakulong. Nagalit ang ibang alagad ng
hari nang mabatid nila ang pangyayari. Ipinaalam nila sa hari ang ginawa ng lalaki sa kanyang
kapwa alagad na may utang sa kanya.

Ang lalaki ay ipinatawag ng hari.

"Ikaw ay isang walang kwentang alipin! Pinatawad kita sa lahat ng iyong pagkakautang dahil
nagmakaawa ka sa akin. Dapat ay naawa ka rin sa iyong kapwa alagad tulad ng pagkaawa ko sa
iyo," wika ng hari.

Dahil sa galit, ipinabilanggo ng hari ang lalaki hanggang sa mabayaran nito ang kanyang
pagkakautang.

Pinoy Edition © 2022 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/parabula/ang-taong-di-marunong-magpatawad/

You might also like