You are on page 1of 6

FILIPINO 8 Q3: Module 3

Guro: Mr. Billy Joe Genol

Name: __________________________________

Section: _________________________________

1
Learning

1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa isang kontemporaryong proramang


pantelebisyon;
2. Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal; at
3. Nagagamit sa pagsulat ng isang dokumentaryong pantelebisyon ang mga ekspresyong
nagpapakita ng kaugnayang lohikal.

Bahagi ng kulturang Pilipino ang pagtutok o panonood ng telebisyon araw-araw. Sino


nga ba naman ang hindi mawiwiling panoorin ang mga palabas na tulad ng Eat Bulaga,
Showtime, Maalala Mo Kaya?, Rated K, Imbestigador, at iba pa? Ang mga ito ay naging
bahagi na ng buhay ng mga Pilipino.

Gawain 1: Pagsibol

Magtala ng mga programang pantelebisyong paborito mong panoorin. Isulat ito sa telebisyon
gayundin ang maikling paliwanag kung bakit mo ito paboritong panoorin.

Bakit paborito mo itong panoorin?

2
Mga Nangungunang Estasyon ng Telebisyon sa Bansa

Itinuring na isa sa mga pangunahing midyum ng telekomunikasyon ang telebisyon


sa Pilipinas. Taong 1953 nang maitayo sa bansa ang kauna-unahang estasyon ng
telebisyon sa pangunguna ni James Lidenberg ang tinaguriang “Ama ng Telebisyon
sa Pilipinas.” Siya ang may-ari ng Bolinao Electronics Corporation na kalaunan ay
nakilala sa pangalang Alto Broadcasting System o ABS. Naipakilala ang telebisyon sa bansa
noong 1953 nang simulang ipalabas ng ABS sa Maynila ang DZAQ-TV. Pagkalipas ng ilang taon
ay nabili ng Chronicle Broadcasting Network (CBN) na pag-aari nina Eugenio at Fernando Lopez
ang ABS kung kaya naitatag ang ABS-CBN Network. Ito ang pinakamatanda at nangungunang
television network sa bansa. May islogan itong “In the service of the Filipino.”

Sa kasalukuyan, bukod sa ABS-CBN, na isang malaking estasyon ng telebisyon sa bansa ay nabuo


rin ang DZBB TV Channel 7 na mas kilala ngayon bilang GMA Network. Itinayo ito ng isang
residenteng Amerikano sa Pilipinas na nagngangalang Bob Stewart noong 1960. Kilala ang
estasyong ito sa islogang “Kapuso, anumang kulay ng buhay”. Sa parehong taon ay nabuo rin
ang isa pang estasyon, ang TV 5 na dating kilala sa pangalang ABC 5 na pag-aari ng MediaQuest
Holdings, Inc. Ito ay may islogang “Para sa Iyo, Kapatid!”

Ano nga ba ang nilalaman ng balitang-ulat ni Kara David na “Pananakit sa Bata bilang
Pagdidisiplina, dapat bang Ipagbawal”? Basahin at unawain ang balitang-ulat na mababasa sa
inyong aklat “Pinagyayamang Pluma 8” sa pahina 390-392 gayundin ang “Alamin Natin” tungkol
sa dokumentaryong pantelebisyon sa pahina 397-398.

Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

Sa paglalahd ay mahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at


ugnayan ng mga pangyayari. Kailangang lohikal na maipakita ang ugnayan upang
madaling makuha o maunawaan ang mensaheng nais iparating ng nagsasalita o
nagpapahayag.
Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay, at iba pang ekspresyong makikita
sa ibaba ay makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag.

1. Sanhi at Bunga - Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat na maliwanag


na makita ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang mga pangatnig na sapagkat,
pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga, at iba pa ay madalas na gamitin sa
ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang kanyang
buhay.
 Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.

2. Paraan at Resulta - Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta. Ang pang-ugnay na
sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
 Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan siya ng kanyang amo.

3. Kondisyon at Resulta - Sa ugnayang ito ipinakikitang maaaring maganap o


sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon. Ang mga pang-ugnay na
kung, kapag, sana, sakali ay maaaring gamitin sa pahayag na ito.
Halibawa:
 Kung magsisikap ka sa buhay, hindi ka mananatiling mahirap.

3
 Kung nakinig ka sana sa iyong magulang, hindi magiging ganyan ang iyong buhay.
4. Paraan at Layunin - Isinasaad ng ugnayang ito kung paano makakamit ang layunin
gamit ang paraan. Ang mga pang-ugnay na upang, para, nang, at iba pa ay gamitin
sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang mabago ang kanyang buhay.
 Para makatulong sa magulang, nagsikap siya nang husto sa pag-aaral.

5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili - Ito ay magkaugnay sapagkat ang nag-aalinlangan


o nagdududa ay nag-aatubili o hindi kaagad isinasakatuparan o pinaniniwalaan ang
isang bagay. Gayundin, ang isang nag-aatubili ay bunga ng pag-aalinlangan. Ang
mga salitang hindi sigurado, yata, tila, baka, marahil, at iba pa ay maaring gamitin sa
ganitong pahayag kasama ang pang-ugnay na kaya, samakatwid, kung gayon.
Halimbawa:
 Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa ang bagay na iyan.

6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi - Ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o kasidhian.


Ilan sa mga salitang ginagamit dito ay ang siyang tunay, walang duda, sa katotohanan,
talaga, tunay, siyempre kasama ang pang-ugnay na na at nang.
Halimbawa:
 Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at walang duda napatunayan ko.

Pagkatapos munawaan ang aralin ay ngayon handa ka nang sagutan ang mga
sumusunod na gawain.

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. (3 puntos bawat bilang)

1. Ano-ano ang mga halimbawa ng ilang pangyayaring nagpapakita ng pang-aabuso at


pagmamalupit sa mga bata?
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga halimbawa ng corporal punishment na binanggit sa akda? Tama lang
bang ipagbawal ang lahat ng mga ito bilang pamamaraan ng pagdidisiplina sa mga anak
at mga mag-aaral? Bakit?
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
3. Bakit sinasabing ang corporal punishment ay maaring humantong sa pagrerebelde ng
bata sa halip na madisiplina sila? Sumasang-ayon ka ba rito?
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
4. Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ng ilang mga magulang sa Quezon City hinggil sa
kanilang mga agam-agam kaugnay ng mga panukalang ordinansa sa kanilang lugar
tungkol sa isyu ng corporal punishment?
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong gumawa ng isang batas na mangangalaga sa
karapatan ng mga bata, ano kaya ito at bakit ito ang iyong bubuoin?
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

4
Gawain 2
Panuto: Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang gamit ang mga
ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal. (3 puntos bawat bilang)

1. Ibigay ang sanhi at bunga ng pagtigil sa pag-aaral ng malaking bahagdan ng mga


kabataang mag-aaral sa bansa.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
2. Magbigay ng ilang paraan at resulta ng isang proyektong pangkabataan sa inyong lugar.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
3. Sabihin ang isang bagay na atubili kang gawin dahil sa iyong pag-aalinlangan.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
4. Magbigay ng isang kondisyon at resulta kapag gumawa ng isang hakbang na hindi pinag-
isipan.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
5. Ipahayag ang isang bagay na natitiyak mong tama at nais mong pasidhiin upang
makatulong sa iba.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

ISAGAWA
Gumawa ng isang maikling dokumentaryong pantelibisyon na naglalaman ng mg ekspresyong
hudyat ng kaugnayang lohikal. Sundin ang pamantayan sa pagsulat ng dokumentaryong
pantelebisyon. (20 puntos)

Mga 5 4 3 2 1
Pamantayan
(Napakahusa (Mahusay) (Katamtaman (Di gaanong Sadyang di-
y) ) mahusay) mahusay)

May orinalidad at
akma sa paksa
ang
kontemporaryong
panradyo na
nabuo.

Gumagamit ng
angkop na
ekspresyong
hudyat ng
kaugnayang
lohikal

Wasto ang
pagkakasunod-

5
sunod o lohikal
ang mga
pangyayari o
ganap sa
nagawang
dokumentaryong
pantelebisyon.

Makabuluhan at
may aral na
makukuha ang
mambabasa/ma
kikinig.

 Aklat: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8, mga pahina 359-385

Ipinasa ni: BILLY JOE GENOL


Student Teacher

Ipinasa kay : ARIANNE G. QUIRONG, LPT


Student Teacher Mentor

Inaprobahan ni: ESTRELLA GENERAN, LPT


Acting JHS Principal

You might also like