You are on page 1of 4

Thesis Statement:

"Ang Kahirapan ay mareresolba kung mayroong Pananaw sa Buhay, Disiplina at Tiyaga sa buhay ang
bawat isa."

Introduksiyon:

Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-
aaring materyal o salapi. Ito rin ay tumutukoy sa pamamagitan ng paraan ng pamumuhay nga mga tao
sa komunidad kung saan hindi kayang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain,
damit at tirahan. Isa ito sa mga nangungunang suliranin na kinakaharap ng ating bansa na kailangang
bigyan ng pansin na dapat gawan ng aksyon upang masolosyunan.

Paglalahad ng Suliranin:

Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang malalim na sugat na makikita sa bawat
sukat ng kultura at lipunan. Ang mga kadahilanan ng kahirapan ay ang katamaran ng ilang mga
mamamayan, Kakulangan sa Edukasyon at Korupsiyon.

Rekomendasyon:

Point 1:

(ANG PAGKAKAROON NG PANANAW SA BUHAY)

-Ang pagkakaroon ng Pananaw sa buhay ay nagbibigay sa atin ng direksiyon kung anong landas ang
tatahakin at kung anong buhay ang gusto niya. Ito ay magiging behikulo niya pag-unlad ng kanyang sarili
at pamumuhay. "Habang may buhay, may pag-asa" ang malimit na sinasabi ng isang taong positibo ang
pananaw sa buhay na nagnanais na umunlad.

Point 11:

(ANG PAGKAKAROON NG DISIPLINA)

- Ang pagkakaroon ng disiplina ng isang tao hingil sa mga patakaran o batas at lalong-lalo na sa
pagpapalakad ng kanyang buhay ay mahalaga dahil pinapaunlad nito ang kaisipan at pagpapahalaga sa
sarili.
Point 111:

(ANG PAGKAKAROON NG TIYAGA)

- Kapag may pangarap ang isang tao ay kinakailangan niyang magtiyaga dahil hindi lahat ng bagay ay
madaling makamit. Minsan ay pagdaraanan natin ang mga bagyo at iba't-ibang pagsubok sa buhay na
maaaring pipigil sa isang tao na magpatuloy sa pag-unlad.

Konklusyon:

Sa kabuuang pananaliksik na ito, masasabi namin na ang kahirapan ay isang napakalaking problema ng
ating bansa sa kasalukuyan. Ito ay nagdudulot ng mga maraming epekto ngunit ito rin ay may kaakibat
na solusyon. Ang problemang ito ay dapat nating pagtuunan ng pansin lalo na sa mga kabataang Pilipino
na siyang may malaking tungkulin na gampanan ito. Dapat nating panindigan ang kasabihang " ang
kabataan ang pag-asa ng bayan" dahil sa ating nakasalalay ang kinabukasan at tayo rin ay makakatulong
sa kagalingan at kaunlaran ng bansa. Gayunman, ang pagkakaroon ng Pananaw sa Buhay, Disiplina at
Tiyaga ay isa sa mga paraan upang tuluyan nang masolusyonan ang Kahirapan.

Bibliyograpiya

• https://www.academia.edu/31927938/Pag_aaral_sa_Isyu_ng_Kahirapan_sa_mga_taong_lansangan

• https://www.scribd.com/doc/131588294/research-paper-for-kahirapan

• https://www.slideshare.net/alleyahRivera/suliranin-at-solusyon-sa-edukasyon

• https://www.komunikasyon-gandhi2016.blogspot.com/2016/10/ano-nga-ba-ang-sagot-sa-
kahirapan.html?m=1
Saint Joseph Academy of Leyte Incorporated
Agbanga, Matalom, Leyte

Tesis sa Araling Panlipunan 10

“Pagresolba sa Kahirapan”

Ipinasa nina: Ninia C. Villabrosa


Jonalyn B. Petere
Ipinasa kay: Ms. Roxan Sanfuego

You might also like