You are on page 1of 8

Natapos ang apat na oras sa simpleng discussion ng aming mga naging proffesor ngayong umaga.
Pagkatapos nun ay kaunting lectures at oral recitation. Nagpakilala rin ako sa harap ng mga
kaklase ko kanina, mabuti na lamang ay mga friendly sila and they gave me a warm welcome at
nakipagusap sila sa akin na akala mo hindi ako baguhan na istudyante, para bang matagal na nila
ako kakilala. Lalo na kasama ko si Mimi na sobrang daldal na akala mo rin ay matagal na kaming
magkaibigan. Kaya naman nakaadjust kaagad ako kahit first day ko palang ngayon.

It's already 11:40 am, lunch break na namin at kasalukuyan kami nasa canteen ni Mimi at
naghahapunan. Nasa harapan ko siya at kumakain habang daldal ng daldal. Parang di nauubusan
ng topic ang isang 'to.
Haiiisst! Puros tango na lamang nga ang isinasagot ko sa mga sinasabi niya sa akin.

Mukha atang hindi ako mapapagod sa paaralang ito dahil sa pagaaral. Kundi dahil sa kaniya.
Haaaisst! Sana pala hindi ko na lamang siya in-intertain kanina kung alam kung ganito siya
kadaldal. Ayaw ko pa naman ng sobrang ingay na kasama.

"Nga pala Haname, Mamayang 1:00 pm ay training natin hanggang 5:00."

Nilunok ko muna ang kinakain kong sandwich bago tumango sa sinabi niya. "Oo, sinabi na iyon
sa akin kanina nung Vice-President nitong A.U"

"At alam mo bang lahat ng mga professor dito ay hindi mga ordinaryo."

Tumayo siya at inilapit ang kaniyang ulo sa akin. At saka tinakpan ng isang kamay ang kaniyang
bibig. "Most of them are assasins who work for our government and iyong iba mga secret agents
who are expert in combat with keen intellect, in short they are all geniuses." bulong niya pa.

I scoffed. "Alam ko na din iyan."


Maikling sambit ko.

Napaupo siya muli at kaagad na kumagat sa hawak-hawak niyang sandwich.

"Aaahh! Ganun ba? So kung ganun handa ka na sa training mamaya."

Napaisip naman ako sa tanong niyang iyon. "Ahmmm, siguro?"

Mimi giggled. "Heheh, puwede ba iyon? Parang hindi ka sigurado ah. Hahaha! "

"B-bakit madali lang ba ang training at parang hindi ka lang nababahala?"

Tumango-tango siya. "Yess!! Very very easy. Actually sa tingin ko nga, sa tayo mong iyan.
Kayang-kaya mo ang lahat ng pagaaralan natin when it comes to combat and weilding weapons."

I sighed. "Sana nga makaya ko."

"By the way, ano pala ang rason mo at nagpasiya kang pumasok sa paaralang ito? And what's your
mother and father occupation?
Sure kong mayaman kayo dahil nakapasok ka dito sa A.U at bakit FBPSM na course ang kinuha
mo?"

Napahinto ako sa pagsubo.


At saka siya tinitigan ng diretso.
"Wow! Andami naman kaagad ng tanong mo, ano uunahin kong sagutin sa mga iyon?"

Natawa siya sa sinabi ko. "Hahaha, sorry. Ahmm, magsimula ka na lang sa huli."

"Tsk, dahil I love cooking kaya pinili ko ang FBPSM, mga businessmen ang mga magulang ko.
Justice ang dahilan kung bakit naparito ako sa Asaseno, sa pagkamatay ng mga magulang. Wala na
sila, magisa na lamang ako." mahaba kong sagot.

Napatakip sa bibig si Mimi sa huli kong sinabi na para bang hindi makapaniwala.
"Ohh myy!!!! So,,,,saan ka kumuha ng pera para pangenroll sa paaralan na'to?"

Hindi kaagad ako nakapagsalita sa


sinabi niya. Hindi ko alam kung minamaliit ba ako ni Mimi sa tanong niyang iyon? O kyuryos
lang talaga siya.

Biglang nagiba ang ekpresiyon ni Mimi nang mapagtanto kung ano iyong huling ibinigkas niya.

"Ahhmm, I'm sorry Haname, huwag ka sanang magisip ng masama sa tanong kong iyon.
Natanong ko lang ang bagay na iyon kasi alam mo na diba? Nagiisa ka na lang ngayon? So I'm
just wondering kung saan ka kumuha ng malaking pera para makapasok dito knowing that mahal
ang tuition ng A.U"

"I'm sorry Haname, huwag mo na lamang pansinin iyong tanong k---"

"When my parents died, nalaman kong may tinago silang malaking pera sa bangko para sa akin.
At bukod dun ang may iniwan din silang mana para sa akin na inihabilin nila sa aming family
lawyer. At iyon ang ginamit ko para makapasok dito sa A.U" putol ko sa pagsalita niya.

"Ga-ganun ba? Sorry talaga sa tanong ko na iyon Haname. Pagpasensiyahan mo narin kung ang
daldal ko nasanay na kasi ako na kapag naku-curious ako sa isang bagay ay gusto kong kaagad ito
nalalaman."

"Okay lang iyon. Wala naman masama sa pagtatanong eh"


Humugis ang napakalawak na ngiti sa kaniyang mga labi. "Salamat Haname, you really a true
bestfriend of mine."

"Haha, you're welcome" maikli kong sagot at kinuha ang softdrinks ko saka ininom ito, ganun din
naman siya.

"Nga pala Haname, may isa pa sana akong katanungan sa'yo, okay lang ba na magtanong pa ako?"

'Haaiist, sa daldal mo bang iyan hindi na ako magugulat kong magtatanong ka pa sakin.
Magugulat pa ako kung tatahimik ka diyan at hindi magsasalita.'

"Ahhmm, sure ano ba iyon?"

"Ahmm, Anong dahilan at namatay ang iyong mga magulang?"

Nawala ang ekspresiyon sa aking mga mata dahil sa tanong niyang iyon.

"Ahmm, okay lang kung hindi mo na sasagutin para atang sobra na iyong tanong ko sa iyo
Haname, sorry talaga."

"H-hindi okay lang." napabuntong hininga ako at saka tumingin sa labas ng canteen.

"Dalawang linggo palang ang nakalilipas nang mamatay sila. Pauwi palang ako noon galing ako
sa school nang makita kong lahat ng mga guards namin sa labas ng bahay na nakahandusay, wala
nang mga buhay at naliligo na sa sarili nilang mga dugo. Hindi ako makahinga sa sobrang takot at
kaba noon pero pinilit ko ang aking katawan na gumalaw at kumilos. Kaagad akong pumunta sa
loob ng bahay,, agad akong tumungo sa taas upang hanapin sina mom and dad." Tumingala ako
para hindi kumawala sa aking mga mata ang mga luha ko.

"At halos mawala na ako ng balanse sa kinatatayuan ko noon nang makita ko sila sa kanilang
kuwarto na wala naring mga buhay at may napalaking hiwa sa kani-kanilang mga leeg."
napakuyom ako ng mga kamay matapos iyon sabihin.

"A-ano!!? A-alam mo na ba kung sino ang pumatay sa iyong mga magulang Haname?"

Umiling ako. "Hindi pa, nagpatulong na ako sa mga pulis at sa mga detective na kakilala ko pero
hanggang ngayon ay hindi parin nila matukoy kung sino ang pumatay kay mom and dad."

"That's why I decided to study in this school, para palakasin ang aking sarili. I heard before that
this school taught every student to be brave and excellent in holding any kinds of weapon. Kaya
alam kong matutulungan ako ng paaralang ito. At pinapangako ko na kapag malakas na ako
hahanapin ko ang pumatay sa mga magulang ko at ipaghihigante sila. Ako mismo ang papatay sa
taong iyon." dugtong ko.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Mimi. Bigla niya akong niyakap. "Haname,
nakakalungkot naman ang nangyare sa'yo. I'm sure hindi pa nawawala sa isipan mo ang nangyare
sa'yong mga magulang. But don't worry as your bestfriend nandito ako para tulungan ka. Tutulong
akong hanapin iyong walang pusong pumatay sa parents mo."

May kung anong impact sa dibdib ko iyong mga binitawan ni Mimi na mga salita. Ramdam kong
nalulungkot siya para sa akin at ramdam ko talagang nagsasasabi siya ng totoo.

"Maraming salamat Mimi."

"You're always welcome Haname."

Kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin. At bumalik na sa kaniyang puwesto.

Iniangat niya ang kaniyang kamay at saka tumingin sa wristwatch niya.


"Nakuu!! 12:30pm na!! Magsisimula na ang training. We have only 29 minutes para pumunta
doon sa training ground, malayo pa naman iyon dito at istrikto din si Sensei Harachi. Ayaw niyang
may malate."

Tumayo na si Mimi at sumunod naman ako. "Tara na?" yaya niya.

"Iyang Sensei Harachi na sinasabi mo ba ay ang taong magtuturo sa atin tuwing hapon?"

Umiling si Mimi. "Hindi, actually may mga nakaassign na professor dito sa A.U na magturo sa
bawat section tuwing training hours. Nga pala Haname anong section mo?"

"Huh!? Ano na naman iyang pinagsasabi mo diyan Mimi? Malamang kasection mo."

"Hahahahah! Hayys nako, it seems na hindi mo parin din alam ang tungkol sa section na sinasabi
ko."

"Well ganito iyan, ang training dito ay hinahati sa apat na section, Section 1,2,3 and 4. At ang
makakasama mo diyan ay hindi mga kaklase mo, random ang mga students sa bawat section from
first year to fourth year college." dugtong niya pa.

"Now alam mo na ba ang section mo Haname?"

Umiling ako. "H-hindi pa eh."

"Nasaan ba iyong assessment form mo? Doon iyon nakalagay sa ibaba ng lahat ng subjects mo."

Agad kong kinuha sa bag ang A.F ko at saka tiningnan kung anong section ko.
"Training hours 1:00 pm to 5:00 pm, section 3" pagbasa ko. So ibig sabihin nasa section 3 ako.

"Ayyyts, sayang hindi tayo magkasection, nasa section 1 ako Haname ehh."

"At nga pala, Ang tawag sa mga professor na nagti-training sa ating tuwing hapon ay Sensei,
kapag umaga naman at nasa formal class sila dun mo lang sila tatawaging professor." dugtong
niya pa.

"Ahhh, ganun ba? S-sige."

"Oo kaya halika na at baka mapagalitan ako ni Sensei Harachi at mapagalitan karin ng Sensei niyo
dahil late tayo--Oops nasabi ko na ba sa'yo na binata pa iyang si Sensei Harachi at bukod doon
guwapo?"

Isinaklay ko na ang bag ko at saka nagsimula nang maglakad.


"Wala akong panahon sa mga ganiyang bagay."

"Hahahaha! Ooows! Talaga? Hahaha!! "

"Oo naman!!" firm kong sagot.

"Sus, baka kung makita mo iyong Alas Cuatro bawiin mo iyang sinasabi mo."

Kunot-noo ko siyang tiningnan at saka ako tumingin sa aking wristwatch. "12:48 pm palang
babae, anong alas cuatro ang pinagsasabi mo diyan."

Bigla niyang hinila ang buhok ko.


"Arayy!! Ansakit nun ahh!"daing ko.

"Tangeeks ka kasi, hindi oras ang tinutukoy ko."

Tiningnan ko siya na magkasalubong ang aking mga kilay. "Puwes, Ano ba iyang tinutukoy mo?
Tao ba iyan o hayop?" sarkastiko kong tanong.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Bahagya siyang tumingala sa langit na may
ngiti at parang kinikilig. Minsan iniisip kong may saltik talaga itong si Mimi, parang baliw na
hindi mo identify minsan eeh. Haiiist!

"Sila ang pinakasikat at pinakaguwapong istudyante dito sa Asaseno Universityyy Eeeeeehhhh!!!"

Muli na naman akong napatakip sa lakas ng impit ni Mimi. Nakalimutan ko din sabihin sa inyo na
para din siyang nakagamit ng dalawang microphone kapag nagsasalita. Mabuti na lang at wala
masiyadong istudyanteng dumadaan dahil lunch break. Kung hindi, sa amin na naman ang
atensiyon nila dahil dito sa babaeng kasama ko.
"Mimiiii!! Huwag ka ngang sumigaw!!"

"S-sorry hindi ko kasi talaga mapigilang hindi kiligin dahil sa kanila eeh!!"

Ganun na ba talaga kaguwapo ang mga tinutukoy niyang mga lalaki dahil halos kumbolsiyunin na
ito si Mimi sa sobrang kilig?

"T-teka Mimi, bakit Alas Cuatro ang tawag sa kanila? Pumupunta lang ba sila dito sa school
tuwing alas cuatro?"

"Hindi nuuh!! Sa katunayan kaya sila tinawag na alas cuatro, dahil binubuo ang grupo na'yon ng
apat na lalaki and because they are the trumpcards of this school. They are formidable in trainings
and battles and they experts in using any types of weapons."

'Edi wow! Sila na ang magaling!


Tsk'

"Sila ang mga kinikilalang section commanders sa bawat section. Una si Sederic Cameron, siya
ang section commander ng Section 1.
Magaling siya gumamit ng katana, siya ang pinakamabilis sa kanilang apat he's like Flash. Sa
sobrang bilis niyang kumilos halos after-image niya na lamang ang makikita mo, marami na
siyang misyon na napagtagumpayang mag-isa.
Pangalawa si Chayo Atkinson, siya ang section commander ng Section 2. He's good at deceiving
and using stealth on battles.
Ipaparamdam niya sa kalaban na mabait siya at inosente at walang kalaban-laban, and when his
enemies lowered their guards, doon na siya aatake. Siya din ang womanizer sa kanilang apat.
Pangatlo si Temofei Shigeyuki siya naman ang section commander ng section 3. Alam mo bang
sobrang bait niya at approachable, magaling din siyang tumugtog ng violin!! Kapag marinig mo
ang kaniyang pagtugtog tiyak hulog iyang pante mo. Hahaah!"

'Baliw talaga ang babaeng to!'

"Wala pa akong alam sa kaniya tungkol sa kung papaano siya lumaban all I know is magaling din
siya tulad ng kaniyang mga kasama kaya napili siya maging section commander. And of course
and pinakahuli si Yushiro Wane El Femming o kilalang bilang si Yuwan. Siya ang pinakakatakutan
sa apat dahil sa palagi siyang seryoso. At parang siyang may mga mata ng isang makamandag na
ahas na isang titig mo palang ay masisindak ka na. Magaling siya humawak at gumamit ng rifle
and and other types of guns. For me he's awesome and powerful more than Superman. Hehehehe!
Idol na idol ko din siya. Isang kilalang sharpshooter at anak ng kilalang tycoon sa buong mundo.
Si Don Wilson El Femming."

'W-what siya ang anak ni Don Wilson? Ang pinakasikat na businessman at mayari ng GreenWall
Company, isa sa kilalang kompaniya sa buong mundo!! I can't believe it!'
"Pero nakakalungkot kasi wala sila dito ngayon sa university." dugtong niya pa.

"Nasaan ba sila?"

"May misyon silang kinuha last week, and until now hindi pa sila nakakabalik."

"Misyon?"

"Ahmm, wala ba sayong sinabi si Vice tungkol sa mga misyon?"

I shook my head, "wala, siguro nakalimutan niya. Bakit ano bang tungkol diyan sa misyon na
iyan."

"Well every student here are oblige to take a mission in every saturday and sunday. Isa itong
assignment na ibinibigay sa bawat istudyante."

"May dalawang uri ng mission na ibinibigay ang Asaseno council sa mga istudyante. Una ang B-
mission, iyon ang mga madadali lamang na mission o puwede pang isahang istudyante lamang o
depende kung gusto mo magsama ng iba. At ang pangalawa ay ang X-mission. Eto ang
pinakadelikado na mission. Tumatagal ng isang linggo bago malutas ang mission na'to kapag ito
ang kinuha mo. Hindi puwede kumuha ang sino mang istudyante ng mission na iyon na walang
kasama na isa sa mga Alas Cuatro.
At ang pagkakaalam ko ganoong uri ng misyon ang kinuha ng Alas Cuatro noong isang linggo
kaya hindi pa sila hanggang ngayon nakakabalik."

Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni Mimi. Mukha atang mahihirapan ako sa
pagaaral dito sa A.U. And may part sa akin na parang naku-curious about dun sa grupo na
tinatawag ni Mimi na Alas Cuatro, gaano kaya sila kalakas? Nakakatakot kaya mga hitsura nila?

"Nakuuuuu!! Hanameee!!!! 12: 53 naaa!!! Malilate na tayoookk!!!"

"Ano ba Mimiii!!! Huwag ka ngang sumigaw nagugulat ako. Puwede ka naman siguro magsalita
na hindi nakataas ang boses.. Biritira ka ba!??"

She pouted her lips. "Sorry Haname, hehehe malilate na kasi tayo kaya dalian na natin." This time
lumapit na siya sa akin at saka ibinulong iyong sinabi niya.

'Baliw talaga ang babaenggg too! Haiiiist.'

"Halika na nga! Bago ko pa lagyan ng tape iyang bibig mo! Ang ingay mo!!"

Natawa lamang si Mimi sa sinabi ko at saka ipinulupot ang kaniyang mga braso sa isang braso ko.
At saka na kami tuloy-tuloy na naglakad patungong training ground.
"Uyyy! Section commander mo pala si Temofei!! Ang suwerte mo naman at nasa team ka niya.
Napakabait pa naman ni Temofei at guwapoooo paa !!!"

"Dahan-dahan ka lang girl, baka mainlove ka sa kaniya kapag makita mo na siyang nagtutugtog
ng violin o di kaya kumakanta habang nagigitara,hehehe"
wika niya pa.

Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi, at nagtuloy-tuloy lamang sa paglalakad. Wala akong
oras para diyan, hindi ako pumunta dito para sa mga ganiyang bagay.

You might also like